66 Heirloom
Si Pat, Larry at Long ang kasama ko sa ospital nung i-check up ako.
Sina Rob, Paul, Troy, ibang Tropang Kulugo at mga ka-grupo ni Caloy ang kumausap sa mga pulis at pamilya nito.
Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa ospital. Basta tulala lang akong nakahiga ng patagilid, kipit ang kumot. Nakasuot ako ng hospital gown na pinalit sa basa kong damit kanina. Hindi rin ako nagpalagay ng dextrose. Gusto ko kasing mapuntahan mamaya si Caloy sa morgue kapag pwede na.
"Jun..." si Pat. Naramdaman ako na naupo sa ito gilid ng kama sa likod ko. "Tumawag si Rob. On the way na raw sila dito."
Di ako sumagot. Ayokong muna'ng may kausap. Pumikit ako.
Pero nakita ko si Caloy, nakalubog sa tubig dagat. Hirap huminga at may mga bulang lumalabas sa bibig nya.
Umiyak ako at pilit syang inaabot pero ngumiti sya at itinulak ako papalayo.
"Jun...Jun... wake up..." May humihimas sa noo ko.
Pagdilat ko, mukha ni Rob ang nakita ko.
Bigla akong napaupo at tumingin sa paligid.
Puti ang kuwarto. Tapos andun si Paul, Troy, ang tropang Kulugo, tropa at pamilya ni Caloy.
Bigla akong umiyak. Akala ko kasi panaginip lang lahat. Na nasa loob lang ako ng kuwarto ko sa duplex.
"Hey..." kinabig ako ni Rob sa dibdib nya.
Dun ako umiyak ng umiyak, habang hinahaplos nya ako sa buhok.
Nung kumalma na ako, tsaka nila ako kinausap. Na sina Paul, Troy at Rob ang tumayong guardians ko.
Sinabi nila na pinauwi na nila ang ibang drag racers at babalitaan na lang. Thoughnagsabi ang mga ito na wag kaming magdadalawang-isip na tumawag kung kailangan ng tulong para hanapin ang may gawa sa amin nito.
Initially, ang sinabi raw nila sa mga imbestigador, na kaya may gathering sa lugar dahil despedida party ni Caloy since paalis na nga dapat bukas.
At umalis kaming dalawa para mag-usap.
"Ralph will be here anytime soon with the investigators," sabi ni Rob. "He was with us nung magbigay kami ng statement sa pulis. I want a lawyer beside you kapag nagbigay ka ng statement mo."
"I-itinawag mo ba kina Ate?"
"No. Not yet."
"Wag na, please. A-ayokong maabala sila sa h-honeymoon nila," sabi ko kasi siguradong uuwi si Ate Andie.
Lumapit ang daddy ni Caloy sa akin, "Juno, iha... kumusta na ang pakiramdam mo?"
Bago pa ako makasagot, pumasok na nga si Ralph, kasama ang mga pulis.
Hindi umalis sa tabi ko si Rob at umupo na rin sa kama sina Paul at Troy para bigyan ako ng moral support habang tinatanong ako ng mga pulis sa nangyari.
Nahihiya at nagi-guilty man akong marinig ni Rob, sinabi ko ang totoo kung bakit ako dinala doon ni Caloy.
Kinwento ko na lahat mula pagdating namin na may dinatnan kaming dalawang sasakyan doon, ang ginawa nung nasa Fortuner hanggang mahulog kami. Halos hindi ko na matapos ang pagkukuwento kung paanong tinanggap ko ang proposal ni Caloy at kung paanong pinilit kong sagipin sya. Iyak na kasi ako ng iyak.
Hanggang doon na lang ang tanong nila dahil sina Rob at mga kaibigan ko na ang nakakaalam kung paanong naialis ang kotse sa mas mababaw ng parte ng tubig.
Hindi na rin nagtanong ang mga ito kung bakit kami may two-way radio para humingi ng tulong. Sa palagay ko, ginawan na yun ng paraan o kuwento nina Rob.
Binigyan ako ng tubig ni Troy para lumuwag ang pakiramdam ko.
Sinabi ng mga pulis na yung Fortuner, reported as stolen nung tanghali pa lang. At di nga nakita ang dalawang tao na naaninag kong nasa loob nito.
"Basyo lang ng bala ang nakuha sa crime scene. Yung mismong bala, maaaring sa dagat dumiretso. Sayang at hindi makukuhanan ng forensic examination," sabi ng pulis.
"Ms. dela Cruz, may nakaaway ka ba o pinaghihinalaang tao na pupuwedeng gumawa sa inyo nito ng biktima?"
Umiling ako.
"May alam ka bang nakaaway ni Carlito Sorriente?"
Natahimik ako sandali. Sumagi sa isip ko si Danny pero kapag nagsalita ako tungkol sa away nila ni Caloy tungkol sa pagiging leader ng huli sa bagong grupo, madadamay ang buong DR community. Pero...
"Si...D-Danny. Demetrio Quimbo."
Nagpalitan ng tingin ang mga kaibigan ko. Alam kong naalarma sila. Inaasahan ko na yun.
At nagkaroon ng kakaibang tinginan si Rob at ang Daddy ni Caloy. Doon ako medyo nagtaka.
"Paano mo nasabi?"
"Uhm... nagalit si Danny kasi uhm... ex ni Caloy yung kapatid nya. Si Dianne Quimbo. Pero, ang alam ko, noon pa yun. Kasi nagkabalikan pa sila ni Anne... Dianne, ilang beses. Hanggang naghiwalay na talaga sila ilang buwan na."
Tumikhim si Rob, "Wala ang mag-aama sa Pilipinas. Kasama ni Mr. Quimbo si Danny sa Singapore on business something two days ago. Si Dianne, nasa Southeast Asia, travelling with three friends. That was since four days ago."
Lalong bumagsak ang pakiramdam ko. Wala naman akong ibang maisip na kaaway niya.
Pag-alis ng mga pulis, nakiusap ako sa mga kaibigan ko na kung maari kong makausap ang pamilya ni Caloy in private.
"We'll just be at the hospital canteen," si Rob. "I'll buy you your food, too."
Nung kami na lang ng pamilya Sorriente sa kuwarto, ilang saglit kaming walang masabi. Hanggang marinig ko ang hikbi nang bunsong kapatid ni Caloy. Sa pagkakaalala ko, Claire ang pangalan nito.
"S-Sir...," umpisa ko. "I'm ... I'm sorry po sa n-nangyari."
Tapos tahimik na rin akong naiyak.
Lumapit na sa akin ang Daddy ni Caloy. Huminga ito ng malalim tapos inabot ang kamay ko na may suot ng singsing ng pamilya nila.
Ngumiti ito ng malungkot habang nakatingin doon.
"A-at least, you made my son very happy in the last minutes of his life, Jun," nanginig ang boses nito. "He has been talking a lot about you. Like he never talked about other girls to us in the past. His plans for both of you once he graduates, or if you agree to come with him in Netherlands. You made him go back to his old self. The studious, caring and kind little Carlito I once had. The little Carlito that I lost to the Quimbo siblings, yet you found him and fixed him without you knowing it."
Naiyak uli ako. Lalo na nung lumapit si Claire at yumakap sa akin.
"Ate Jun...", tapos umiyak uli.
Sumunod na rin ang kuya ni Caloy na yumakap sa amin.
"I was looking forward for you to be officially part of the family," may panghihinayang sa boses nito.
Naiyak uli ako. Hindi ko alam na ganito. Wala akong kaalam-alam na kilalang-kilala ako ng pamilya nya.
Hindi na ako nakababa para makita si Caloy sa morgue. Kukunin na kasi ang katawan nya para ayusin sa funeral service. Gusto ko sana syang makita sa huling pagkakataon na hindi nakakulong sa isang kahon na may salamin.
Ayaw pang tanggapin ng utak ko. Pero kailangan.
At dumating ang oras na talagang nag-sink in na sa utak ko na wala na talaga.
Eto ako at nakatayo sa isang mamahaling funeral chapel. Nakatingin sa kanya. Nag-i-imagine na hinahaplos ko ang mukha nya, pero may salamin na sa pagitan namin. Sabay kong nakikita ang nakapikit nyang mata at ang kamay ko...suot pa rin ang singsing nya na paulit-ulit na humahaplos sa salaming yun.
Tahimik na lang na tumutulo ang luha ko.
Sabi nila, mali raw na magsuot ng pula kapag nasa burol. Pero walang kumontra sa akin nung dumating ako dito na suot ang paborito kong porma kapag may laban kami ni Caloy... kabilang ang pulang sneakers at hoodie ko... at suot ang isang bull cap ni Caloy.
Alam ng mga taga-DR scene yun. Tatak ko na noon pa man sa Palawan ang ganito kong suot.
At hindi ako pumalya na ganun ang mga tipo ng suot ko sa durasyon ng burol nya.
Hindi lang yun ang dahilan ng pagsusuot ko ng pula. Galit ako. Galit na galit ako sa mga taong may gawa nito. Kinuha nila sa akin si Caloy.
Hindi rin nagsalita ang pamilya ni Caloy. Mukhang may nakapagsabi na sa kanila kung bakit ganito ang suot ko.
Naupo ako sa likuran nila. Sa pangalawang hilera ng mga upuan sa funeral chapel. Kasama sina Paul, Troy, mga Kulugo at mga tropa ni Caloy.
Hindi na rin umuwi muna sina Pat. Tutal may lampas isang linggo pa bago ang pasukan para sa second sem.
Marami ang dumating na nakiramay. Mga kamag-anak, kaibigan ng pamilya... at ang pinakamarami, taga-DR scene. Yung iba, hindi ko na alam. Wala naman akong pake.
Sa apat na araw na nakaburol si Caloy, hindi na ako umuwi dahil pagkalabas pa lang ng ospital, umuwi ako sa duplex para magpahinga ng kaunti at kumuha ng mga damit. Si Rob ang naghatid sa akin, nakasunod lang sina Paul at Troy.
May dalawang kuwarto sa funeral chapel na maaring tulugan. Yung mas maliit na kuwarto, partikular na nireserba para sa akin ng Daddy ni Caloy. Minsan, doon din umiidlip si Claire.
Sa mga araw na yun ng burol, naririnig ko ang mga tanong nila tungkol sa pagkamatay ni Caloy. Tapos titingin sa direksyon ko. Tapos magkukuwentuhan sila tungkol sa mga nakakatuwa at mga kalokohan ni Caloy nung buhay pa ito.
Naririndi ako. Hindi ba pwedeng manahimik muna silang lahat, kahit isang araw lang? Kahit ngayong huling gabi ng burol lang?
Nagpaalam ako sa Kuya Carlo ni Caloy na lalabas muna. Parang hindi ako makahinga dito.
Sumama sa akin sina Paul at Troy.
Nasakasalubong pa nga namin ang Daddy nila na may kausap na mga bagong dating na nakikiramay.
Nagpaalam din ako dito.
"Magpahinga ka muna kaya? Ilang araw ka nang walang maayos na tulog," ang sabi.
"Uhm, hindi na po. Sinusulit ko lang. H-huling gabi na ni Caloy," pinigilan ko ang paggaralgal ng boses ko.
Naramdaman ko ang pagpisil sa balikat ko. Si Troy.
"O sya... ikaw ang bahala," matipid na ngiti ni Mr. Sorriento.
Nagpapatawag ito ng Daddy sa akin, pero di ko ginawa. Naiilang kasi ako.
May umpukan ng mga taga-DR scene sa labas. Natahimik sila nung makita ako. Tumango lang ako sa kanila tapos naupo sa hood ng kotse ni Paul.
Tumikhim ako at tumingin kay Troy, "Akala ko isasama mo si Nancy?"
"Bukas na lang. Makikipaglibing na lang daw."
Tumango lang ako. First time kong makikita si Nancy sa personal. Mabuti na rin na mag-meet kami.
Isa raw sa dahilan kaya di nito sinasagot si Troy ay dahil sa akin. Pinagseselosan ako. Pag-untugin ko pa sila ni Troy eh!
Pero ang primerang dahilan, hindi ito pinapayagan ng ama at ina na magkipag-relasyon pa dahil sya raw ang bread winner ng pamilya. May apat na kapatid pa itong pinag-aaral.
Napapailing nga ako nung malasing si Troy at pinagsisintir yun.
"Bukas na rin pupunta si Mama. Susunduin ko sya sa bahay," imporma ni Paul. "Kinukumusta ka nya."
Huminga ako ng malalim, "Pakisabi ke Tita Pam, ayos lang ako. H-humihinga pa."
"Jun, sa amin ka muna kaya umuwi?" ungkat ni Paul. "O, kaya sa Ate Andie mo?"
Tiningnan ko lang sya, "Ayos lang ako. Wag kayong mag-alala. Wala akong planong magbigti. May plano akong ibigti."
"Tsk!" Sabay nilang palatak.
"XG... pwedeng kalimutan mo na yang ganti-ganti na yan? Hayaan mo na ang mga pulis ang humanap sa kanila. Sina Rob."
Oo nga pala. Nung malaman ng Daddy ni Caloy ang tungkol sa agency ni Rob, binalak nyang kunin ang serbisyo nito para mapabilis ang paghahanap sa mga hayup na gumawa sa amin nito. Pero tinanggihan ni Rob.
"I will really look for them, Mr. Sorriente. Not because of your son, but because they almost killed my girl."
Natahimik ang Daddy ni Caloy nun. Alam nga pala nito na 'nililigawan' ako ni Rob.
At lalo akong hindi makatingin ng diretso kay Rob nung marinig ko yun sa kanya.
Nung mapansin nyang parang naiilang ako sa presensya nya, ito na ang kusang dumistansya. Distansyang natatanaw ko pa rin sya pero may espasyo akong huminga. Gaya ng ipinangako nya noon. Noong buhay pa si Caloy at ang plano ay lumayo muna kaming tatlo sa isa't-isa.
Bakit ba sya ganito? Lalo lang akong nahihiya at nagi-guilty.
Katulad ngayon. Malapit lang naka-park ang Audi nya. Pero di ko pa sya nakikita buong araw. Hindi ko alam kung umuuwi ba ito. Kasi tuwing lalabas ako ng funeral chapel, naririto ang kotse nya. Minsan sa iba lang naka-park.
"Hindi tamang magkimkim ka ng galit sa dibdib mo, Jun," dugtong ni Troy.
"Hindi kasi kayo ang naroon na hinuhulog sa bangin," seryoso kong sagot. "At hindi kayo ang naroon para makita ang paghihirap ni Caloy makahinga."
"Tama na, Jun," awat ni Troy. "Sorry, we brought it up."
Hindi ko sya pinansin, "Hindi kayo ang naroon para hatakin sya palabas ng kotse pero walang akong magawa. Kahit ipilit na magkaroon sya ng hangin sa baga nya. Wala kayo para makita kung paano nya ibuga ang huling oksihena sa katawan nya."
"Jun, that's enough."
Walang emosyon akong lumingon. Si Rob.
"I will find them. Just stop crying, please."
Bigla akong napahawak sa mukha ko.
Shit, hindi ko napansin. Umiiyak na naman pala ako.
Tumikhim ako," Akala ko ba, dead end ang lead?"
"There will always be a break through, sooner or later."
Hindi ako nagkomento.
"Jun, just don't. You're too emotional about this incident. Baka kung ano ang magawa mo eh," si Paul.
"Incident?" Natawa ako ng mapait. "Krimen ito, Paul."
"It is a crime, Jun. We know. But consider it na ngayon, maingat pa ang mga gumawa nito sa inyo. Dahil alam nilang mainit pa ang kaso. They will slack as time passes by. They will slip and make a mistake. Just wait. Patience is virtue, Jun. Remember that," salo ni Rob.
Bago pa ako makapagkomento uli, naagaw ang atensyon namin sa biglang ugong ng bulungan ng mga taga-DR scene sa harap ng chapel.
Nanliit ang mata ko sa nakitang mga dumating. Pilit kong kinalma ang pagbangon ng galit sa dibdib ko.
Walang matibay na ebidensya na nagtuturo sa mga ito. Pero hindi ko maintindihan ang pagkasuklam na nararamdaman ko habang nakatanaw sa tatlong nilalang na papasok sa chapel.
Partikular kay Danny. Kasama si Anne at sa palagay ko, tatay nila ang may edad na lalaking kasama nila.
Sobrang higpit ng pagkakaakbay ni Danny kay Anne. Si Anne na nakayuko at tahimik na umiiyak.
Napaismid ako sabay ng pagtagis ng bagang.
Ano'ng inaarte ng lalaking ito na akala mo eh aanuhin ni Caloy ang kapatid nya, eh ayan nga at patay na? At bakit sya naririto? Feeling close eh magkaaway nga sila ni Caloy dahil sa pagkakasipa sa kanya sa sarili nyang grupo.
At ano ang iniiyak-iyak ni Anne ngayon? Hindi ba't ilang beses nyang ginago at pinagtulakan palayo si Caloy, tapos akala mo kung sino syang magda-drama ngayon?
Sarap paglulumpuhin! Mga ipokritong peste!
"Di ka ba papasok sa loob?" si Paul.
"Bakit?"
Nagkibit ito ng balikat.
"Mukhang magda-drama si Anne doon. Ikaw ang fianc—"
Napatigil si Paul dahil tumikhim si Rob.
"Ayoko. Naalibadbaran ako. Baka pagbuhulin ko sila nung kupal na si Danny sa harap ng tatay nila."
Tumawa sila ni Troy sa sinabi ko.
"Ate Juno!" si Claire.
Si Paul ang kumaway dito.
Tumakbo ito sa amin, "Ate, uhm, pwede ka bang pumasok muna."
"Bakit?"
"Naiirita kami ni Kuya Carlo sa mga bagong dating. Lalo na dun sa babae at kapatid na lalaki. Eh... ang alam namin, ano... tupi yun sa 'yo. Di naman mapaalis ni Dad dahil maayos namang nakipagharap ang tatay nila."
Oo nga pala. Dating business partner ni Mr. Sorriente ang matandang Quimbo. Narinig kong usapan nilang pamilya nung unang araw ng burol ni Caloy. Di ko lang alam kung bakit hindi na ngayon. Pero isa ang sigurado ako. May lihim na disgusto ang pamilya ni Caloy sa mga Quimbo.
Palagay ko, isa sila sa dahilan kung bakit hindi sa bahay ibinurol si Caloy. Ayaw raw nila Mr. Sorriente na may dadating na makikiramay kuno pero mga ahas, at makakatuntong sa bahay nila. Mabuti na raw ang nag-iingat.
"Sige na, Ate. Ok lang?"
"Tara."
Tumayo na ako. Sumama ang tatlo sa amin ni Claire.
Pagdaan namin sa mga taga-DR scene, "Pasok ka muna, Jun. Para tumigil sa kaepalan yung mga bagong dating."
Tipid lang akong tumango.
Sa pinto pa lang kita ko na'ng iyak ng iyak si Anne pero talagang sobrang kapit ni Danny sa balikat nito. Na parang pinipigilan na di ko mawari. To the point na ang OA na.
Tumayo agad si Kevin. Sya yung sinabi ni Caloy sa amin na papalit sa kanya pagpunta nya dapat sa Netherlands. Sumunod ang mga ka-grupo pa nilang iba. Sinalubong kami.
"Dyosa, labas muna kami. Di namin gusto ang hangin dito sa loob," ang sabi.
Halata ang irita sa mukha nito at mga kasama.
Tumango lang rin ako.
Nakatingin na sa amin sina Pat. Doon kami naupo. Sina Paul at Troy lang ang naupo kasunod ko kaya napalingon ako sa may pinto ng funeral chapel.
Naroon si Rob. Hindi talaga ito basta pumapasok sa loob.
Nagtama ang mata namin. Tipid lang syang tumango at ngumiti tapos nanatiling nakatayo, patanaw sa amin.
"Ano'ng nangyari?" si Paul.
"Wala namang malaki. Nagkamay yung dalawang matanda tapos halatang nagpa-plastikan lang," si Charlie.
"Tsaka ayan. Si Anne. Kung umiyak, akala mo na-byuda, tss!" may halong asar na sabi ni Kiko.
"E si Danny?" si Troy.
"Maaskad ang mukha, as usual," kunut-noong sagot ni Pat. "Halata namang di nakikiramay. Ewan ko kung bakit nagpunta pa mga yan dito."
"Juno, iha..."
Napatingin ako sa Daddy ni Caloy. Pinalalapit ako nito.
"Ako na lang," sabi ko kina Paul nung tatayo rin sila.
"Sarap sapakin ng mga walanghya," narinig kong bulong ng Kuya ni Caloy pagdaan ko sa harap nila ni Claire sa unahang upuan.
"Good evening po," bati ko sa dalawang matandang lalaki.
Pinakilala kami ng Daddy ni Caloy, "Fiancee ni Caloy. Si Juno. Iha, si Mr. Quimbo."
Nag-abot ng kamay ang lalak isa akin. Tinaggap ko yun. Nakita kong nakatingin si Danny at Anne sa kamay kong hawak ng Daddy nila. Feeling ko sa singsing na suot ko.
Napansin ko ang pagtagis ng bagang ni Danny at ang paninigas ng leeg ni Anne.
"Kumusta ka na, iha?" ang sabi ng matandang Quimbo.
At dahil badtrip ako sa mukha ng mga anak nya, sinabi ko ang totoo.
"Hindi ho mabuti," at saglit kong tinapunan ng matalim na tingin ang magkapatid.
Natigilan ang matanda. Napangiti ito ng hilaw. Tapos tumikhim.
Narinig ko ang pigil na tawa ng mga kapatid ni Caloy.
Nung iminuwestra ni Mr. Sorriente ang magkapatid na Quimbo, inunahan ko na siya, "Kilala ko po sila."
Naglaban kami ng tingin ni Danny. Maaskad talaga ang mukha ng hayup na ito.
"Jun..." paos na boses na tawag ni Anne.
Pero pinigilan ito ni Danny na humakbang papunta sa akin sa pag-akbay dito ng mahigpit. Parang may nakita akong takot sa mukha ng babae lalo na nung lingunin sya ng ama nila. Tapos yumuko uli at tahimik na umiyak.
Ano yun?
Patay-malisyang nagkomento si Danny, "Dyosa, bakit ka nakapula? Di ba bawal yan kapag nasa burol—"
"Mas bawal ang pumatay, Danny," sansala ko dito.
Natigilan ito. Mali. Silang mag-anak pala.
"I mean, di ba ano..."
"Ganito ang gustong kong isuot tulad nang may laban kami ni Caloy. Actually, katatapos lang ng laban namin nung ihulog kami sa bangin. Nakapula ako dahil galit ako sa gumawa nito sa kanya. Ngayon, kung kilala mo kung sino ang mga yun, sabihin mo, siguraduhin nilang hindi ko sila makikita. Babalatan ko sila ng buhay."
Naramdaman ko na naman ang pag-alsa ng galit sa dibdib ko. Kasabay ng pag-init ng mukha ko.
Natahimik ang lahat ng nakarinig sa akin sa funeral chapel.
May tumapik sa likod balikat ko. Nasa tabi ko na pala ang mga kapatid ni Caloy.
"Make sure I'm with you when you do that, Jun," sabi ni Kuya Carlo. "I want to watch. Or better yet, I will join you."
Ewan ko, pero parang pareho kami ng bigat ng pakiramdam kay Danny.
"Wala pa ba kayong lead?" kaswal na tanong ni Mr. Quimbo.
Nagkibit lang ako ng balikat, "Wala ho. Pero may pinaghihinalaan ako."
"I see. Sino naman?" May tagong kislap sa mata ng animales na si Danny.
"Ikaw," diretso kong sagot sa kanya nang hindi ako kumukurap.
Nagulat ito. At namutla. Si Anne, nakatingin lang sa paa nya.
Oh loko! Di nabura yang nakakaletse mong ngisi!
Tangnang ito!
"Excuse me?" sabi ng Daddy nila. "That's really rude, young lady."
"Rude po ba ang matapat na pagsagot sa tanong ng anak nyo, sir?"
"Are you accusing my son? I will sue you!"
"Sige lang ho. Idemanda nyo 'ko. Wala naman akong sinabing sya ang gumawa. Ang akin eh hinala kasi sya lang naman ang huling nakaaway ni Caloy," kaswal kong sabi. "Tanong nyo pa ho sa mga anak nyo kung ano'ng away yun."
"Jun, tama na," awat nina Paul.
Tumayo na ang mga ito papalapit sa amin.
"Well, sir," singit ni Kuya Carlo, "Accusation is different from suspicion. Anyone is entitled to his own belief."
Hinila na ako ng mga kaibigan ko.
"Halika na. Magpalamig ka muna sa labas. Masyado kang mainit," si Troy.
Nagkaroon ng bulung-bulungan sa mga naroroon habang papalabas kami ng chapel. Ramdam ko ang mga mata sa amin at kina Danny.
"We came here as decent people, Carlos," narinig ko pang sabi nung malapit na kami sa pinto.
Hindi ko alam kung yung Sr o Jr ang kausap ng matandang Quimbo. Pero malamang yung Sr.
LAKOMPAKE!
"How could you let a barbaric woman get into your family?"
Napatirik ang mata ko. Baka magulantang sya kapag pinakita ko sa kanya ang depenisyon ko ng salitang barbaro!
Tangna! Alamin nya muna mga katarantaduhan ng mga anak nya. Lalo na nung paksyet nyang panganay!
"She's just being honest with her feelings," si Claire ang sumagot. "Unlike some people around here..."
Kunut na kunot ang noo ni Rob sa may pinto nung salubungin kami.
"That was really uncalled for, Juno. You're getting too emotional."
Sermon nito sa akin nung naupo uli ako sa hood ng sasakyan ni Paul.
Hindi ako nagsalita.
Naiwan ang mga Kulugo sa grupo ng mga taga-DR. Kita ko na nagkwento ang mga ito sa nangyari sa loob.
Nagtawanan ang mga ito at narinig ko pa yung, "Nice! Nice!"
"Ganyang sobrang badtrip si Jun, mabilis lang yan mag-beastmode."
Saglit lang, natahimik ang mga ito. Yun pala, paalis na rin sina Danny.
Uminit na naman ang bumbunan ko nung tapunan ako nito ng ngisi na nakakaloko.
"Tangnang paksyet talaga!" gigil na sabi ko.
"Easy..." paalala ni Troy.
Hindi na naman sana ako magsasalita pa o kung ano dahil nakita kong dumiretso na sila sa kotse nila. Ang kaso, lumabas uli si Danny.
Nanliit agad ang mata ko nung tawagin nya si Kevin. Hindi tuminag ang tinawag kaya si Paksyet ang lumapit.
"Jun, ano ba?" Pigil ni Paul sa akin.
Pinalis ko lang ang kamay nya at mabilis na lumapit sa grupo nina Kevin.
"...balik sa akin?" si Danny.
"Sa akin binilin ni Caloy ang grupo, Danny," si Kevin.
"Wala kang mataas na racing stat at leadership skills," maangas na sabi.
"So, ikaw meron?" Singit ko. "E saan ba dinampot ang grupo mo dati dahil sa leadership skills mo? At anong malinis na racing record meron ka?"
Ngumisi na naman ang hayup paglingon, "Hindi mo grupo ito, Jun. Wag kang makialam."
"Ikaw ang walang pakialam. Saang grupo ba ako huling lumaban? Di ba sa grupo ni Caloy? So ibig sabihin, grupo ko ito. At mas lalo akong may pake dahil under na sila ng community uli. Na noon eh na-kick out dahil sa 'yo."
"So ibig mong sabihin, ikaw na babae ang magli-lider sa kanila?" Painsultong sabi.
"Hindi. Si Kevin. Kaming mga miyembro ang pipili ng leader namin. Ibinilin sa kanya ni Caloy ang grupo dahil kaya ni Kevin."
Umismid ito at ngumisi na naman, "Matapang ka pa rin. Mukhang walang epekto sa iyo ang pagkahulog mo sa bangin ah! Pero gusto ko ya—"
Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil bumalandra na ito sa semento matapos kong bigyan ng isang malakas na sipa sa tyan.
May mga babaeng napasigaw. Yung mga lalaki, naghiyawan sa tuwa.
"Tangna, kuyugin na yan!"
"Walang makikialam!" Sigaw ko. Tapos kinubabawan ko si Danny na sapo pa rin ang tyan nyang nasaktan.
At wala talagang nakialam kaya malaya kong pinagsusuntok sa mukha ang gago.
"PUTANG INA KA! KAYA AKO GANITO DAHIL SA PAGKAHULOG NA YUN NA HAYUP KA! NATUTUWA KA PANG ANIMAL KA!!!"
Ampaw ang hayup! Ni hindi marunong sumangga ang ulul!
"Hayup ka! Babalatan talaga kita ng buhay makarating lang sa akin na may kinalaman ka sa nangyari sa 'min!!!"
Biglang may yumakap sa bewang ko mula sa likod at saglit lang, umangat na ako sa ere.
"Calm down, Jun," paulit-ulit na sabi ni Rob dahil para akong pusang nagkakawag sa hangin.
Tapos niyakap na nya ako ng tuluyan kasama ang kamay para di na ako makagalaw.
"Putang ina ka, Danny! Ang kapal ng mukha mong pumunta dito para lang kunin ang pinaghirapang linisin ni Caloy!" Tungayaw ko. "At pinagtatawanan mo pa ang disgrasyang inabot namin!!! Mukha mo pa lang nakikita ko, nasusuka na ko!!!"
Bumakas ang pinto sa shotgun at lumabas ang matandang Quimbo.
"Tangna, baka may baril!" may narinig akong nagsabi.
Humarang agad sa harap sina Paul, Troy, mga Kulugo at sina Kevin. Tinakpan nila ako.
"Oh my God! What did you do to Danny?!" ang narinig kong sabi.
"Jun, stop! Stop now!" Madiing sabi ni Rob na iniharap na ako sa kanya at isinubsob sa dibdib nya.
Iyak na ako ng iyak, "Putang ina! Kung alam nyo lang ang takot na naramdaman ko! Gabi-gabi kong napapaginipan! Tang ina!!! Wala kayong alam!!!"
"Hush now..." hinaplos nya ng ilang ulit ang ulo k kasabay ng ilang ulit na rin na paghalik sa tuktok ko.
"Jun..." si Dianne.
Bakit ba lagi akong tinatawag nito? Nakakairita!
"Anne, bumalik ka sa kotse!" Sigaw ng daddy nila. "NOW!"
"Ate Juno..." si Claire.
Naroon na rin pala sa labas ang pamilya ni Caloy. Pati ang mga bisita na nasa loob ng chapel.
"I will sue you, Juno!" Banta ng matandang Quimbo. "For grave physical injuries!"
"Go ahead," matigas na sabi ng Daddy naman ni Caloy. "Para malaman mo na rin at nang buong sirkulo natin kung bakit pinutol ko ang business deals ko sa 'yo."
Natigilan ako. So, may kakaibang dahilan ba?
"What are you talking about, Carlos?"
"Why don't you ask your daughter?" naroon na rin ang bahid ng galit sa boses ni Mr. Sorriente.
Sunod kong narinig ay ang pag-alis ng kotse.
Binitbit akong parang bata ni Rob sa kuwartong nakalaan para sa akin sa funeral chapel.
Naiwan sina Paul sa labas para ibalik ang ayos ng grupo namin.
Kasunod naman ang pamilya Sorriente sa kuwarto ko.
Hingi ako ng hingi ng pasensya sa inasal ko.
"It's alright, iha. We understand. We heard what that young Quimbo told you."
"Kulang pa nga ang ginawa mo," sabi ni Kuya Carlo.
"Totoo pala yung kwento ni Kuya Caloy," nakangiti naman si Claire. "Nakakatakot ka raw magalit."
Napanguso ako. Sira ulong Carlito. Pati naman yun, kinuwento sa pamilya nya.
Tumikhim si Rob, "Jun, control your temper as much as you can."
"Papa'no akong magtitimpi, Rob? Eh si Danny talaga ang pinagbibintangan kong me gawa nito?"
"We don't have any proof. Their alibi checked out. Wala talaga sila sa Pilipinas nung araw na yun."
"E kung may inupahan sila?"
"We don't have any evidence."
Hindi na ako kumibo.
Nagpaalam na si Rob na lalabas.
"Iha... may kinuwento ba sa iyo si Caloy na kakaiba tungkol sa mga Quimbo?"
Umiling ako, "Basta ang alam ko ho, lesbiana si Anne."
"We know... just recently," si Kuya Carlo. "She was the Mr. Cookie."
Natigilan ako. Sinabi rin pala yun ni Caloy.
"Uhm, tsaka si Danny ho. Kilalang pasaway talaga sa drag racing scene," dugtong ko.
Nagtinginan sila ng makahulugan.
"May dapat ho ba akong malaman?" tanong ko.
"Ahm, wala naman. Ang akin lang, iha, mag-iingat ka. Baka balikan ka ng mga Quimbo dahil sa nangyari kanina."
"Magpahinga ka na muna dito," sabi ni Kuya Carlo. "Maya-maya ka na lumabas."
"Uhm, pwede ho ba kayong makausap sandali?" sabi ko.
Ilang araw ko na itong gustong sabihin sa kanila, wala lang talagang pagkakataon na katulad ngayon na kami lang ang naririto.
"Sure. Ano yun?"
Tumikhim ako at inilapat ang kamay kong may suot ng singsing ng pamilya nila.
"Ito po," sabi ko. "Kung ... kung pwede ho sanang... suotin ko muna. Isosoli ko rin."
"Iha, sa iyo na yan. Ibinigay na ni Caloy."
Umiling ako, "Sabi nya ho, family heirloom ito. Hindi naman..."
Napabuga ako ng hangin, "Hindi naman kami kasal ni Caloy. Minuto lang ang inabot ng engagement namin," mapait akong ngumiti.
"Kuya Carlo," tiningnan ko ito. "Sa iyo naman talaga ito pinasa ng Mommy nyo. Parang ano, hiniram lang ni Caloy. So, isosoli ko rin."
Nagpahid ako ng luha, "Hihingi lang ho ako ng panahon para...para—"
"Walang problema, Jun," sabi ni Kuya Carlo. "Wala pa naman akong pagbibigyan. Take your time."
Nagpaiwan si Claire sa kuwarto, "Ate..."
"Hhmm?" nakahiga ako nun. Para kasi akong biglang napagod.
"Gaano mo kamahal si Kuya Caloy?"
Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko alam. Hindi naman sinusukat ang pagmamahal. Basta binibigay kapag sigurado ka sa nararamdaman mo."
"Eh si Rob?"
Natigilan ako. "Ano si Rob?"
"Sabi ni Kuya Caloy, nararamdaman nyang mahal mo rin si Rob. Natatakot nga sya na yun ang pipiliin mo, hindi sya. Kasi malaki raw ang tiwala mo ke Rob."
Nakaramdama na naman ako ng guilt.
"Claire... si Rob talaga dapat ang pipiliin ko eventually, bago yung gabing yun."
"Ano'ng... ano ba'ng nangyari? Kinuwento ni Kuya yung nangyari sa inyo sa Palawan."
Huminga ko ang malalim, "Pumayag ako sa hiling ni Caloy na lalaban uli kami, kahit sinabi ko noon na di na uli ako sasabak sa drag race. Ang plano ko, after ng karera, kakausapin ko na si Caloy ng closure na maayos. Tutal, aalis naman sya ng bansa. Akala ko si Anne ang dahilan. Gusto ko na rin kasing makakawala sa mga sakit ng loob na naranasan ko kay Caloy. Alam ni Rob yun. Na closure ang hihingin ko sa kuya mo. At willing si Rob na lumayo rin after that para maka-move on ako ng maayos. Ang kaso, nung magkausap kami ni Caloy..."
Nagpahid ako ng luha, "Nagulat ako. Maling-mali ang akala ko. Nung ilang minutong yun. Nun nya nakuha ng buo ang tiwala ko. Yung tiwala na matagal nya na palang inaasam na makuha."
"Totoo ang sinabi ni Caloy. Mahal ko si Rob... pero mas mahal ko ang kuya mo."
Hindi sya nagsalita ng ilang segendo, "Alam mo bang gustung-gusto ka namin para kay Kuya Caloy kahit di ka pa namin nakikilala?"
Namula ako. Tapos umiling ako. "Hindi ko nga alam na kinukwento ako ng kulugong yun sa inyo."
"Kulugo," natawa ito. "Ikaw daw nagbansag sa grupo nila ng ganun. Hanggang yun na talaga naging pangalan nila."
Nagkibit ako ng balikat.
"Ate..."
"Hhmm?"
"Alam mo bang ngayong wala na si Kuya Caloy ... gusto namin si Rob para sa iyo?"
Napatingin ako dito, kunut-noo.
"Sabi ni Dad, nakikita nya na mahal ka talaga nung poging yun. Baka nga kaya nyang lampasan ang kayang gawin ni Kuya Caloy para sa iyo."
Hindi ako nagsalita. Alam ko naman yun. Pero sa ngayon, ayoko muna. Sobrang unfair kay Rob.
Alam kong nasaktan sya ng husto na naging desisyon ko, pero gusto ko lang magpakatotoo.
At ayokong lokohin sya. Mas mabuti nang masaktan sa katotohanan, kesa maging masaya sa kasinungalingan. Dahil sa bandang huli, at magkaalaman, triple ang hirap bumangon. O baka hindi na nga makabangon.
Gaya ng sinabi ko noon, kailangan ko ng panahon para maghilom ako. Kung noon hindi ko sigurado kung matatagalan ba akong makaka-move on... lalo na ngayon.
At tulad ng binitawan kong salita kay Rob, hindi ko sya oobligahing maghintay. Baka kasi hindi naman talaga kami. Tulad ng hindi rin kami ni Caloy.
Dahil sa pagkakataong ito, mas malalim ang sugat ko. Mas malalim sa akala ko eh aabutin ko nung akala ko ay si Anne ang pinili ni Caloy. Nung panahon na hinanda ko na ang sarili ko na mawawala sya sa akin dahil kay Anne. Na walang kapalit ang nararamdaman ko sa kanya. Na hinanda ko ang sarili ko na kaya kong magsakripisyo at kalimutan na lang sya, tutal magiging maayos at masaya sya para kay Anne, pagdating ng dalawa o tatlong taon.
Pero iba ang nangyari.
Hindi ko napaghandaan. Yung lalim ng sugat na mawawala sya sa akin sa panahon na alam kong ako pala talaga. Na walang Anne sa pagitan namin. Na ako pala ang dahilan ng kusa nyang pagbabago para sa future naming dalawa. Na mawawala sya sa akin ng permanente dahil... dahil...
"Tanggapin na lang natin, Ate," si Claire.
Nakita pala nito ang pasimple kong pagpahid ng luha.
"Wala na naman tayong magagawa. Hindi na maibabalik ang buhay ni Kuya. Isang malaking pasasalamat namin na sa huling sandali ng buhay nya, pinasaya mo sya ng husto. Lagi nyang sinasabi na gustung-gusto nyang makitang suot mo ang singsing ni Mommy."
Huminga sya ng malalim, "Isa pa, dadating din yung panahon, mahuhuli rin ang gumawa nito sa kanya. Sa inyo... sa atin. Kung hindi man, naniniwala ako sa poetic justice o karma. Gusto mo ba ng tubig?"
Umiling ako.
"Sige, labas muna ako."
"S-sige."
Naiinggit ako kay Claire. Pati kay Kuya Calro at sa Daddy nila. Kasi sila na kadugo at pamilya, mabilis natanggap. Mas mabilis kumalma ang kalooban nila.
Sana ako rin. Sana.
Ang hirap kasi. Ang tagal na panahon akong nagkimkim ng nararamdaman ko kay Caloy, tapos minuto lang ang binigay sa akin ng tadhana na maging masaya sa kanya. Saglit lang, binawi agad. Binawi sa paraang napakasakit. Sa mismong harapan ko pa. Sa mismong bibig ko pa nanggaling ang huling hangin nya sa katawan.
Hindi ko alam kung gaano katagal kong dadalhin na sa bawat pagtulog ko, yun at yun ang makikita ko sa pagpikit ng mata ko.
Kaming dalawa, nakalubog sa tubig dagat. Sya na tinutulak ako palayo para makaligtas. At ako, pinipilit syang mabuhay.
Dala ko sa dibdib ko ang guilt sa pagkamatay ni Caloy.
Dahil kung hinayaan ko syang sundin ang galit na bilin ni Rob na protektahan ako, baka buhay pa si Caloy.
Dahil kung hinayaan ko syang yakapin ako at protektahan, hindi sya maiipit sa kotse.
Dahil ang driver's side ang lubhang naapektuhan ng pagsagsak namin sa bangin.
Kung hinayaan kong sundin nya si Rob, pareho kaming halos walang galos.
Pero nagmatigas ako. Ako ang naglagay sa kanya sa pwestong mamamatay sya.
Hinawakan ko ang seatbelt nya para hindi sya umalis.
Kahit anong tambling ang gawin ko, naroroon ang pagkakataon na mabuhay sya, pero sinayang ko.
Dapat nakinig rin ako kay Rob.
Sana maka-move on agad ako. Dahil nakakapagod masaktan. At nakakapagod ang walang peace of mind.
=============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro