Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

65 Second Time

"PUTANG INA!"

Malutong na mura ni Caloy, tapos kumalog na naman kami. Nabitawan ko yung maliit na kahon ng singsing.

Yumuko ako para kunin yun.

"Ano'ng ginagawa mo?!" Sigaw ni Caloy. "Bumaba ka—Fuck!"

Binangga na naman kami at talagang malapit na kami sa gilid.

"Yung preno, Caloy! Yung preno!!!" Sigaw ko kay Caloy habang kinakapa yung singsing sa paanan ko.

Dun lang parang natauhan si Caloy. Umayos sya ng upo at tinapakan ang preno. Huminto ang pag-abante namin sa gilid ng bangin.

"Jun, bumaba ka na! Hayaan mo na yung singsing!!!"

"P-pero bigay mo yun..."

"Jun..." sa saglit na yun, nakita ko ang paglamlam ng mata ni Caloy dala ng saya.

"It's a yes! Paksyet ka!!!" sigaw ko sa kanya habang kinakapa ko yung singsing.

Oo, si Caloy! Si Caloy ang pinili ko. Maliwanag na sa akin ang lahat. Sa ilang minutong pag-uusap namin at mga nakitang kong sinseridad sa kanya, ayoko nang pakawalan ang pagkakataon kong maging masaya ng totoo.

Nagliwanag ang mukha ni Caloy na saglit ring nawala dahil umangil na ang mga gulong namin.

Nung mahagip ko yung singsing, "I-reverse mo! Lalaban tayo!" sabi ko sa kanya na umayos ng upo.

"Bumaba ka na! Baka... baka—"

"HINDI KITA IIWAN, CALOY!!!"

Napatitig sya sa akin, "Jun..."

Ngumiti ako sa kanya, "Mahal pa rin kita. Pero kailangan nating makaalis muna dito. Mamaya na tayo mag-usap!"

Mabilis kong ini-reverse ang kambyo at inapakan ang paa nya na nasa gas pedal.

Umingay sa paligid galing sa gulong at makina ng dalawang sasakyan. Kasabay ang pag-angt ng alikabok at usok.

"Ako na, Jun! Umayos ka nag upo—Fuck!"

Kumalog uli kami at nakaatras ng kaunti. Tila hindi inasahan ng sasakyan sa likod ang ginawa namin.

Saglit na lumamlam ang headlight sa likod at nakita ko ang sasakyan na gustong ihulog kami sa bangin.

"Caloy, yung Fortuner!"

"Shit! Shit!" mura uli nya dahil bumangga uli ang Fortuner sa amin at napa-urong uli kami malapit sa bangin.

"Jun, mahihirapan tayo! Malaki yang nasa likod! Bumaba ka na!"

"Ayoko!"

Narinig kong binuksan nya ang power locks, "Tumalon ka na, Jun! Please! Humanap ka nang tulong!"

Naisip ko na tama sya. Baba ako at aakyatin ang animales sa Fortuner!

Pero napahinto ako sa pagbukas ng pinto dahil may malakas na putok akong narinig kasabay ng pagkabasag ng side mirror sa pinto ko.

"Yuko! Jun, wag kang lalabas! May baril ang puta!"

Sabay kaming dumausdos ng upo, kapit ng mahigpit sa dashboard.

"Wag mong bitawan ang hand break!" Sabi ko dahil nawala ang tapak nya sa gas pedal.

Punyeta! Gustong siguraduhin ng nasa likod na di kami makakalabas para magkasama kaming mahuhulog. Pasimple akong lumingon.

Dalawa ang naaaninag kong tao sa Fortuner. Parehong nagka-cap. Hindi kita ng mukha dahil tinted din ang sasakyan nila.

"Jun, ang radio! Gamitin mo! Tumawag ka sa kanila!"

Binuksan ko yun. Narinig ko agad ang mga kulitan nila sa radio at tawanan sa paligid.

"Tulungan nyo kami!!!" Sigaw ko.

Natahimik sila.

"Tulungan nyo kami ni Caloy! May gustong pumatay sa amin!" Sigaw ko uli.

May narinig akong mga nagsipagmura.

"Jun...Jun...!"

"Ako ito! Sino 'to? Puntahan nyo—"

Kumalog uli kami, at napatili ako sabay mura. Nahulog na ang isang harapang gulong namin sa side ng driver. Napasandal si Caloy sa pinto.

"CALOOOYY!!! Kumapit ka!!!"

"JUN!!! Ano'ng nangyayari?! Paul 'to!"

"Tulungan nyo kami! Mahuhulog na kami sa bangin. May Fortuner sa likod namin, tinutulak kami sa kotse ni Caloy!"

"Nasaan kayo?" Nahigit ko ang hininga ko sa sumingit na 'yun.

"Hindi ko alam, Rob," naiyak na ako. "Caloy, asan tayo?"

Sinabi nya ang lugar.

"Buksan nyo ang cellphone ni Sorriente," utos nya. "I'm on the road trying to follow you."

"Jun, papunta na rin kami. Tumalon na kayo palabas!" Si Troy yata yun o si Pat.

Di na ako sigurado. Halu-halo na kasi ang mga boses at ingay nang sasakyan namin, pati ang pagmumura ni Caloy. Muntik nyang mabitawan ang cellphone na ino-on nya.

"Hindi kami makalabas. May baril yung nasa likod! Sinubukan ko, muntik akong tamaan! Bilisan nyo!"

"Fuck you, Sorriente! Kasalanan mo 'to! Kung di mo tinangay si Jun!" Sigaw ni Rob.

Natahimik si Caloy at bumaha ang guilt sa mukha nya.

"H-hindi, Caloy..." sabi ko. "Hindi mo kasalanan na may sira ulong gustong ihulog tayo sa bangi—"

Napamura uli ako. Nahulog na rin ang isa pang gulong sa harap.

"What's happening, Jun?!" Nanginginig ang boses ni Rob sa linya.

Hindi na ako makasagot. Kaunti na lang mahuhulog na kami.

"Fuck, Jack! Hanapin mo ang signal ni Sorriente! Bilis!!!" sigaw ni Rob. Kausap malamang si Jack sa cp nya.

"Jun... Jun...ang seatbelt mo! Mag-seatbelt ka!" sabi ni Caloy habang nagpipilit kaming makaupo uli. "May airbag tayo pareho!"

Halu-halo na ang naririnig kong tanong at pagkataranta galing sa radio. Kina Rob, Troy, Paul, mga Kulugo at iba pa.

"MAHUHULOG NA KAMI!!! BILISAN NYO!!!" Sigaw ni Caloy.

"Protektahan mo si Jun!" may sumigaw sa radyo.

Hindi na rin ako sigurado kung sino yun.

"Wag mong tanggalin ang seatbelt mo!" sigaw ko kay Caloy dahil nakita ko na plano nitong yakapin ako at protektahan sa impact ng pagbagsak namin.

"May airbag, Caloy..." umiyak na ako. "Please, wag mong alisin ang seatbelt mo, please!"

Hindi ko na mapunasan ang luha ko dahil nakatukod na rin ako sa windshield.

"Jun... ayokong masaktan ka!" kita ko ang halong takot, pag-aalala, galit at pagmamahal sa mukha ni Caloy.

"Tubig ang babagsakan natin! At sabi mo, hindi ito masyadong mataas!"

"Mabato pa rin sa ilalim, Jun!"

"Sorriente, protektahan mo si Juno!" si Rob.

"Putang ina, Agoncillo! Alam ko!!!" kinapa ni Caloy ang seatbelt lock nya pero naunahan ko syang hawakan yun at di ko pinayagang alisin nya ang pagkakakabit nun.

"Jun, bitawan mo ang seatbelt ko!"

"Hindi! Hindi!" Iling ako ng iling. Kapit ng mahigpit yun at tukod ang isang kamay sa windshield.

Ang singsing! Nabitawan ko uli.

Nakita ko yun sa dashboard pero di ko abot.

Kumalog uli kami at dun ko na naramdaman ang pagbagsak namin.

Naitakip ko ang isang braso sa mukha ko pero di ko binitawan ang seatbelt ni Caloy.

Hindi na ako sumigaw. Kailangang ipunin ko ang lakas ko.

"JUUUNN!!!"

Nakatulong ang tubig para hindi totally madurog ang harap ng sasakyan ni Caloy nung tumama sa batuhan sa ilalim.

At ang pagbuka ng airbag ang nakatulong para di kami humampas sa windshield.

Mabilis ko yung hinawi. Masakit ang leeg, braso at hita ko. Maliban dun, wala naman ako malalang injury.

"C-caloy... Caloy..."

Narinig ko itong dumaing.

Hilo pa sya. Hinawi ko ang airbag sa mukha nya. Para lang matakot.

Naipit ang dibdib nya sa manibela. Mabilis na umagos ang luha sa mata ko kasabay ng pagpasok ng tubig sa kotse.

Ipinagpasalamat ko na hindi kami tuluyang pumailalim sa dagat dahil sa batuhan...pero sapat na nakalubog ang kotse sa tubig!

Malulunod kami kung di kami makakalabas!

Mabilis kong inalis ang seatbelt ko at halos dumausdos ako kay Caloy. Dun ko napansin na patagilid ang bagsak namin.

Kaya pala wala akong malaking injury. Sa side ni Caloy ang impact.

"C-caloy...caloy!" Ilang beses ko syang tinapik sa pisngi. "Kailangan nating lumabas!"

Umungot sya at dumilat, "Hindi ako makagalaw, Jun..."

Inalis ko ang seatbelt nya at pilit na hinila. Napasigaw sya sa sakit.

"C-caloy...caloy... tiisin mo..." umiyak na ako. "Mapupuno ng tubig ang kotse!"

Puno na kasi ng tubig hanggang hita namin. May itinuro sya sa dashboard, "Yung...yung phone ko... K-kailangan ni A-agoncillo ang -s-signal... aahhh!"

Ako na ang umabot.

May mainit na pakiramdam na bumalot sa puso ko nung makita ko ang wallpaper nya.

Yung picture naming dalawa nung kasal ni Ate Andie.

"Iangat mo," bilin nya. "Hangga't kayang patagalin ang signal."

Inangat ko ang kamay ko. Pero, "Kailangan nating makalabas... malulunod tayo pareho."

"Naipit din ang paa ko, Jun. Go on. Lumabas ka na..."

"Hindi pwede! Sabay tayong lalabas!" Sigaw ko. "Hindi kita iiwan! Hindi kita iiwan!"

Hilam na ako sa luha at tubig dagat, na ngayon ay bandang dibdib na.

Naninikip ang puso ko. Sa harap ko si Caloy, nasasaktan at hirap huminga.

"Caloy, tiisin mo, hihilahin kita. Makakatulong ang tubig para gumaan ka."

Tumango sya.

"H-hinga kang malalim. Yung manibela muna sa d-dibdib mo ang unahin natin," pilit kong pinatatatag ang boses at loob ko.

Naiyak ako nung paghila ko sa kanya dahil sa pasigaw at mahabang daing na kumawala sa bibig nya.

Bahagya akong nakahinga ng maluwag dahil naalis ko sya dun, pero...

"Jun..." umiling na sya.

Alam ko kung bakit. Ang paa nya. At ang tubig, hanggang leeg nya at sa dibdib ko naman.

"H-hindi pwede! Hindi ako papayag!" Napahagulgol na ako habang pilit ko syang hinihila.

Natigilan kami pareho nung palutang-lutang na dumaan sa harap namin yung kahon ng singsing.

Kinuha nya yun at binuksan, "Akina'ng kamay mo, Jun!"

Umiyak na ako ng umiyak, "Caloy...wag naman... please!"

"Akina, Jun... I want to see you wear my ring... na ako ang nagsuot sa iyo. You already said it is a 'yes', right?"

Puno ng pag-asam ang mukha nya sa huling pagkakataon. Pag-asam na may kasamang pag-give up na hindi na sya makakalabas dito.

"Jun, please!"

Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Tumingin sya sa mata ko, "W-will you marry me, Jun?"

Umiyak na naman ako sabay tango, "O-Oo, Caloy...kahit saan..."

Ngumiti sya ng magkahalong lungkot at saya. Kita ko yun sa liwanag na galing sa buwan, repleksyon sa tubig ng headlight namin at natitirang bukas na ilaw sa loob ng kotse na paunti-unti na ring namamatay..

At di nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng luha sya sa kabila ng tubig dagat sa nakakabasa sa mukha nya.

"Mahal kita, Jun... Mahal na mahal... I'm so sorry it has to be like this..."

Napahikbi na ako.

Saktong naisuot nya yun sa daliri ko ay tuluyan na syang natabunan ng tubig.

"CALOY!!!"

Inilubog ko rin ang ulo ko. Naramdaman ko ang palad nya sa batok ko at hinapit ako sa kanya.

Kinulong ko ang mukha nya sa kamay ko at hinalikan sya. Naramdaman ko ang pagngiti nya sa bibig ko.

Tapos tinulak na nya ako palayo. Minuwestra na umalis na ako.

Nagkaroon ako ng ideya dahil sa halik naming yun. Umangat ako. May kaunti pang espasyo para makasagap ng hangin sa loob ng kotse.

Tapos, lumubog uli ako at hinawi ko ang kamay na tinutulak ako palayo. Hinagip ko sya sa batok at hinalikan uli, sabay buga ng hangin sa bibig nya.

Natigilan si Caloy.

Tapos, sumisid ako sa paanan nya, kinakapa ko kung paano iaalis ang pagkakaipit nun.

Napamura ako sa isip ko ng ilang beses nung makapa ko. May kung anong bakal na nakatusok sa talampakan nya tagos sa sapatos. Mababalian at masasaktan talaga si Caloy kung ipipilit, pero mas ayos na yun kesa tuluyan syang malunod.

Kailangan kong umangat uli dahil parang sasabog na ang baga ko sa kakulangan sa hangin.

Kaunti na lang ang espasyo. Hindi na ako makakaulit mamaya.

Nag-ipon ako ng sapat na hangin para sa amin ni Caloy.

Ganun uli ang ginawa ko, pero alam ko, sandali na lang, hindi na sasapat ang hangin na binibigay ko kay Caloy. Kaya nagmadali ako.

Hindi ko talaga maalis ang paa nya. At tila hindi na maigalaw ni Caloy ang hita nya. Maraming nang dugo ang nawala sa kanya. Dugo na humalo na sa tubig dagat.

Tinutulak nya uli ako palayo.

Umiling ako sa kanya ng ilang beses. Gusto kong ipaalam sa limitadong komunikasyon namin ngayon na di ko sya iiwan mag-isa dito.

Umangat uli ako pero wala na akong makukuhanan ng hangin kaya nagmamadali kong binuksan ang pinto ng shotgun at lumangoy paibabaw. Lampas lang sa akin ng kaunti ang lalim ng tubig.

Nabuhayan ako ng loob nung makarinig ako ng mga boses mula sa pinanggalingan namin sa itaas. Tinatawag ang pangalan namin ni Caloy.

"Dito!" sigaw ko pabalik. Habang kinakampay ang kamay ko. "Dito kami! Tulong!"

May mga ilaw ng flashlights na tumama sa akin. Tapos mga silhweta ng mga tao.

"Jun! Ayos ka lang?" sabay-sabay nila halos tanong.

"Tulungan nyo si Caloy!" Sigaw ko na naging garalgal.

Naiyak na naman ako. Tapos sumisid uli ako.Hindi ko sila mahihintay. Kailangan pa nilang bumaba dito. Hindi ko alam kung paano. O kung may daan ba.

Hindi nila inalis ang ilaw sa pwesto ko kaya mas naging madali sa akin na makita ang paglangoy pabalik.

Saktong pagpasok kosa kotse, nakita kong napaubo na ng ilang ulit si Caloy sa kawalan ng hangin. Mabilis akong lumangoy pagapang sa kanya at binugahan uli sya ng hangin sa bibig.

Pero hindi talaga sapat yun.

Tinulak nya uli ko palayo. At dahil mas maliwanag na, kitang-kita ko ang pag-iling nya sa akin kasunod ng tila pagkisay ng katawan sya.

At yung huling malaking bula ng tubig na kumawala sa bibig nya.

Nilapitan ko uli sya at tinapik sa sa pisnig.

Wala nang malay si Caloy.

Totoo pala yung joke-joke noon na naririnig ko. Pupwede ka palang umiyak sa ilalim ng tubig. Pwedeng ka palang humagulgol sa ilalim ng dagat.

Pero may pag-asa pa. Andyan na ang mga kasama namin.

Pilit kong kinalma ang sarili ko at umibabaw uli para kumuha ng hangin.

"Tulungan nyo kami!" Palahaw ko na. "Bilisan nyo! Parang awa nyo na!"

Sigaw ko pag-angat ko.

"Paul...Troy! Pat...! " hindi ko na alam kung kani-kaninong pangalan ang tinawag ko na nasa DR scene.

"Parang awa nyo na! Si Caloy! Si Caloy!"

Nagkakagulo na sila. May nakita akong dalawang lubid at may nagsusubok mag-rapel pababa ng bangin.

Kahit di iyun masyadong mataas, delikado pa ring mahulog dahil mabato.

Sumisid uli ako pabalik kay Caloy. Binugahan ko uli ng hangin sa bibig.

Hindi na sya gumagalaw. Kahit anong tapik ang gawin ko sa pisngi nya.

Para akong baliw na sumisid sa paanan nya.

Wala nang malay si Caloy. Hindi na nya iindahin ang sakit kung hihilahin ko ang paa nya mula sa pagkakatusok sa bakal at pagkakaipit sa dashboard.

Pero ang hirap. Nauubusan ako ng hangin.

Dalawang beses pa akong umibabaw para kumuha ng hangin at bumalik kay Caloy.

Wala akong pake kahit hindi na sya gumagalaw. Basta, tuloy pa rin ako sa pagbibigay ng hangin sa bibig nya.

Baka sakaling makatulong yun. Hindi pupwedeng iwan nya ako ngayon!

Sa pangatlong pagbalik ko at bugahan sya ng hangin sa bibig, may humatak na sa akin mula sa labas ng kotse.

Pumalag ako.

Huwag! Huwag nyo akong pigilan! Si Caloy!

Sigaw ko sa utak ko.

Pero walang laban ang pagpalag ko sa lakas ng may hawak sa akin at niyakap pa ako paangat sa tubig.

Ni hindi nito kailangang lumangoy. Nakatayo lang sya mula sa batuhan.

Hanggang sa leeg nya lang ang tubig.

"Jun...Jun... that's enough!" Madiin nyang sabi. "Ako na! Ako na ang kukuha sa kanya!"

Si Rob!

"Rob...si Caloy...si Caloy!" Umiyak na ako na yumakap sa balikat nya.

"Nakita ko na. Sumisid na ako bago kita hinatak," sobrang seryoso ang mata nya.

Yung kaseryosohang hindi ko gusto ang ibig nyang iparating sa akin sa mga sinabi nya.

Hindi pa rin matanggap ng isip ko. In denial pa rin ako.

"H-halika. Pagtulungan natin," sabi ko.

"No, Jun. You need to get out of the water. Your lips are blue. You might suffer from hypothermia."

Umiling ako, "Hindi mo kakayanin mag-isa."

Nanginig ang baba ko nung ipaliwanag ko ang kundisyon ni Caloy.

Matipid syang tumango. "We need taller men to pull him out."

"Jun!!!"

Napalingon ako. Sina Paul. Nasa gilid na buhanginan. Papalusong na rin.

"Paul! Si Caloy! Tulungan nyo si Rob kunin si Caloy!" Umiyak na naman ako. "Troy! Bilisan nyo!

Lumusong na sila sa tubig.

Inabot ako ni Rob kay Paul, "Take her out of the water. She's freezing."

Napadako ang mata nya sa kamay kong hawak nya. Partikular sa suot kong singsing. Kumunot ang noo nya, tapos may gumuhit na sakit sa mata nya.

Bigla akong nakaramdam ng guilt at hiya. Binawi ko ang kamay ko at kumapit payakap kay Paul.

Bumaling si Rob kina Troy, sa mga Kulugo at mga tropa ni Caloy na nakalusong na rin hanggang leeg ang tubig.

"I need the tall guys to help me out. All of them. Para maialis natin ang kotse dito sa mas mababaw na tubig."

May mga sumigaw agad at nagtawag. Nakababa na rin yung nagra-rapel kanina mula sa itaas.

"Paul...Rob..."

Napatingin sila sa akin.

"Bilisan nyo...si Caloy..." umiyak uli ako. "K-kanina pa sya w-walang malay..."

Hindi sila nagsalita. Hindi ko gusto ang hindi pagsasalita ni Rob.

Natatakot ako sa ekspresyon ng mukha nya.

"Paul," kumapit ako sa balikat nya dahil di abot ng paa ko ang batuhan. Hinawakan ko sya sa baba para tumingin sa akin.

"B-baka pwedeng ...b-baka pwedeng bigyan nyo ng hangin si C-Caloy...Please! Sumisid ka sa ilalim. Ganun ginawa ko kanina. Binubugahan ko sya ng hangin sa bibig. Parang awa mo na, Paul!"

Nagpalingon-lingon ako sa kanilang naroroon, "Troy, Pat, Charlie... pakiusap naman! Kahit salitan kayo ng mga tropa!"

Nagpa-panic na ako.

"Kanina pa tayo nag-uusap dito! Wala syang hangin! Kailangan nya ng hangin! W-wala lang syang malay. Kaya pang mahabol," halos histerikal kong sabi sa kanila.

Pilit kong iniignora ang tahimik nilang palitan ng tingin.

Humagulgol ako sa leeg ni Paul, "Paul, utusan mo sila please! Parang awa mo na, Paul!"

"S-sige, XG. Wag ka na umiyak," naramdaman ko ang pagtango ni Paul. "Troy, uhm, pagtulungan nyo nang ano... si Caloy."

Narinig ko ang pagtunog ng tubig ng mga sumisid.

Umiyak uli ako kay Paul, "Salamat...salamat ng marami..."

Dinala ako ni Paul sa pampang. Hindi ko na alam kung sino ang nagbalabal ng mga jacket sa balikat ko. Basta ang alam kong ilang patong yun.

Tapos may ilang babaeng nasa DR scene na kinakausap ako, pinapakalma. Kasi iyak ako ng iyak habang nakatanaw sa mga tumutulong kay Caloy na makaahon. Mas maliwanag na ngayon dahil yung ilang sasakyang narito sa pampang, doon nakatutok ang mga headlight.

May nag-abot sa akin ng tubig pero umiling lang ako.

"Kailangan pa namin ng tao dito!" may isang sumigaw mula sa grupo nina Rob.

May mga lumusong uli.

Wala na akong halos maintindihan sa mga sinasabi ng mga naroroon.

"May tumawag na ba ng ambulansya?"

"Meron na pero baka matagalan. Malayo ang provincial hospital dito na may ambulansya."

"Buhay pa ba si Caloy?"

"BUHAY PA SYA!" Bigla kong sigaw sa kung sinumang tarantadong kinukwestyon yun.

Natahimik sila at nagsikuhan.

"Please... please... Lord..." bulong ko paulit-ulit habang magkasalikop ang kamay at nakatayo sa tabing-dagat. Nakatanaw sa mga tumutulong kay Caloy.

Kahit paulit-ulit ko ring tinutulak sa utak ko na wala na talaga.

Kasi, ilang minute na ang lumipas.

"Nahabol ba yung Fortuner?"

"Hindi eh, ano medyo magulo. Bumalik na yung mga tropang naghanap. May nakita silang Fortuner sa may highway pero walang driver."

"Di ba sila nag-search?"

"Negative din. Sabi nila, parang may isa pang sasakyang ginamit. Ano, get away car. Motor yata. Kasi yung bakas ng gulong sa lupa, dalawa lang. Itinawag na nila sa mga pulis yung location ng Fortuner pati dito. "

Nawala ang atensyon ng pakikinig sa kanila nung nakita kong binuhat na nila yung kotse sabay –sabay. Mabagal ang paglakad nila papunta sa mababaw na parte ng dagat.

Halatang hirap sila dahil mabato.

Walang nakapigil sa akin nung patakbo uli akong lumusong sa tubig. Kita ko na ang bubong ng kotse ni Caloy.

"N-nasaan siya?!" sigaw ko.

Nagpalinga-linga ako. Inaasahan kong merong may nagtutulong na kargahin sya. Pero wala.

Nag-iwas sila ng tingin sa akin.

"Nasan si Caloy?!" Sigaw ko uli nung nasa bandang bewang ko na ang tubig.

"XG, bumalik ka muna sa pampang," si Paul ang naglakas-loob na magsalita.

"P-paul..." umiyak uli ako. "Si C-caloy... nasa –"

"Yes, Jun," si Rob ang sumagot. "He's still inside. We can't get him out. Lumakas na ang current ng tubig sa ilalim."

Napatakip ako ng palad sa bibig. Pero kumawala pa rin ang malakas na hikbi sa bibig ko.

Tumabi ako para makadaan sila. Lalong nahirapan ang mga lalaki sa pagbuhat nung bumabaw na ang tubig dahil nawala na ang buoyancy na tulong ng tubig dagat.

Ibinaba nila ang kotse nung hanggang tuhod na lang ang tubig. Dun ko nakita na sobrang yupi ang harap sa side ni Caloy, kumpara sa shotgun seat.

Napahagulgol na naman ako at tumakbo sa driver's side.

Pagbukas ko nun, bumuhos ang tubig sa akin, kasabay ng paglungayngay ng kamay ni Caloy.

Nangangasul na kamay ni Caloy!

Sinunggaban ko agad ito at ibinuka ang bibig.

Para akong mababaliw sa binibigyan sya ng mouth to mouth resuscitation sa nakaupong posisyon nya sa kotse.

"C-caloy... caloy... putang ina! Huminga ka!" Paulit-ulit kong sabi.

"Jun... tama na..." si Pat.

"H-hindi tayo pwedeng sumuko, Pat... hindi pwede..." sabi ko na pinupunasan ang luha ko gamit ang likod ng palad ko.

"Hindi pwedeng ganito!" Frustrated kong sigaw. "Kailangang nakahiga sya. Kailangan nyang i-CPR!"

Walang nagsalita sa mga tao sa likod ko.

Lumingon ako. Para matigilan.

Lahat sila, nakatingin na lang sa akin.

Yung iba, nakayuko at umiiling.

May ilang ako narinig na mga umiiyak na babae.

Sina Long, Ben at Kiko, nagpupunas ng luha.

"Charlie...Pat..." lumabo ang tingin ko sa kanila at gumaralgal ang boses ko, "Sinusukuan nyo na si C-carlito?"

"D-dyosa... tama na... he's gone..." sabi ni Pat.

Nagalit ako at sinampal sya. "Putang ina mo!"

Napayuko lang si Pat. Nilapitan sya nina Kiko at Ben at pinisil sa balikat.

Walang  umimik sa kanila.

"Ikaw!" turo ko sa isang ka-tropa ni Caloy dito sa Maynila. "Tulungan mo 'ko! Tawagin mo ang mga kasama mo! Aalisin natin si Caloy sa kotse!"

Biglang nagsipagkilos ang mga ito papalapit pero inawat na sila nina Troy, Paul at mga Kulugo.

"Putang ina nyo!" Sigaw ko sa mga kaibigan ko. "Paksyet kayong lahat!"

Mag-isa kong pilit na inaalis ang paa ni Caloy sa ilalim ng dashboard, pero hindi ko magawa.

"C-caloy... makisama ka naman... please... maawa ka naman sa akin..." palahaw ko habang nakayuko sa paanan nya sa dashboard. "Sinabi ko naman sa iyo, hindi kita iiwan. Makisama ka naman. Please..."

Napansin ko na wala nang tubig sa kotse. Low tide na. Nagkaroon ako ng huwad na pag-asa. Naging mabilis ang kilos ko, pero may yumakap na sa likod ko.

"Jun," si Rob. "That's enough. All of us tried to free him. We really need a metal cutter to let him loose."

"Wala ng tubig. Kaya na natin. Kailangan syang i-CPR ..." pamimilit ko.

"He's gone, Jun. Kanina pa lang na magkasama kayo sa ilalim," payakap nya akong nilalayo sa kotse, paunti-unti.

"H-hindi totoo yan... Hindi totoo yan, Rob..." iling ako ng iling.

"Juno, snap out of it!" Mahina at madiing sabi ni Rob.

At talagang nag-snap ako sa ibang kahulugan.

Madiin kong tinapakan ang paa nya tapos siniko sya.

Nung mabitawan ako ni rob, humarap ako at nagpakawala ng suntok.

Sinangga nya lang yun. Lalo akong parang na-ulul sa galit.

Ilang suntok at sipa ang ibinigay ko kay Rob, kasabay ng walang katapusan kong pagmumura. Pagmumura na walang pinatutungkulan. Pero hindi sya umilag. Sumasangga lang sya gamit ang kamay, braso at paa nya. Kahit yata isa, walang solidong tumama sa kanya.

Walang nakialam. Walang nagsasalita sa lahat ng naroroon.

Hanggang sa unti-unti na akong napagod. Saka ko naramdaman na inawat na ako ni Paul, na niyakap ako sa likod, at si Troy sa harap.

Si Rob, malungkot lang na nakatingin sa akin. Halos hindi natinag sa kinatatayuan nya.

"Bitawan nyo 'ko!" Palag ko.

"Jun... tama na. Tama na, kami na ni Paul ang nakikusap," bulong ni Troy sa basag na boses.

"XG...XG... wag na. Ikaw lang ang nasasaktan sa ginagawa mo," gumaralgal na rin ang boses ni Paul.

Dun na nag-sink in sa akin ang mga pangyayari. At kung ano ang totoong sitwasyon ngayon.

Saka ako nagpalahaw ng iyak.

"CALOOOOOYYY!!!!"

Napaluhod na ako sa basang buhanginan, kasabay nina Paul at Troy.

"Caloooy! Bakit? Bakit?!" Patuloy kong pagsigaw na umiiyak.

Ume-echo yun sa paligid.

"Sige, Jun... iiyak mo lang..." bulong uli ni Troy. "Andito lang kami ni Paul."

Hindi nila ako binitawan pareho.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagsisisigaw sa pag-iyak. Para na akong baliw, pero walang pumigil sa akin.

Bagkus, may mga narinig rin akong nag-iyakan sa mga babae roon, at ilang lalaki.

May mga nagmumura pa nga sa galit.

"PUTANG INA NYONG DALAWA! HAHANAPIN KO KAYOOO!" Sigaw ko partikular sa dalawang sakay ng Fortuner kanina habang nakatingala sa pinanggalingan naming bangin. Wala akong pake kung wala sila dito para madinig ako.

"KUNG NARIRINIG NYO 'KO, MAGTAGO NA KAYOOO! HINDI KO KAYO TITIGILAN HANGGANG SA HULING HININGA KOOO!!!"

Maraming natahimik sa narinig nila sa akin.

Nag-iiyak na uli ako pero mas tahimik na. Nagsimulang mapuno ng galit ang puso ko.

Gaganti ako!

"XG, wag ganyan... Iiyak mo lang... dadating ang panahon, matatanggap mo rin."

"Tama na, Jun," si Troy uli.

Pumiglas ako uli at nakakawala sa kanila.

Tumakbo ako pabalik sa kotse at doon ako lumuhod sa gilid ni Caloy.

Napasunod sina Rob at mga kaibigan at tropa sa akin.

Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Caloy. Gamit ang kamay kong suot ang singsing nya. Pinagmasdan ko ang magkahugpong naming kamay. Tapos hinaplos ko ang ang pisngi nya at iniharap sya sa akin.

"Iniwan mo na naman ako, Carlito," kausap ko sa kanya, habang pinagmamasdan ko ang walang kulay nyang mukha.

Pero napansin ko na sa kabila ng hirap ng dinanas nya sa pagkalunod, parang maaliwalas pa rin ang mukha ni Caloy.

Tumulo ang luha ko, pero mas kalmado na ako ngayon sa pag-iyak.

"Nung una, sa Palawan. Iniwan mo 'ko na magkaaway tayo," patuloy kong hinahaplos ang pisngi nya. "Ang sakit-sakit nun sa puso ko. Araw-araw akong umiiyak sa tabing-dagat dahil dun. Pero... pero nagkita uli tayo. Nagkaayos... tapos..."

Napahikbi ako.

"For the second time around, iniwan mo uli ako. Pero this time... wala nang balikan. Hindi na tayo uli magkikita."

Tahimik akong napahagulgol. Inilapat ko ang palad nya sa pisngi ko. Pilit kong inaalala ang pakiramdam ng palad nya sa pisngi ko... nung mainit pa ito.

"At least... At least... yung pangarap ko noon na maging tayo... at yung gusto mong ma-engage tayo... natupad... kahit ... kahit sa huling lima?... Sampung minuto ng buhay mo..."

Iniyakap ko ang braso ko sa bewang ni Caloy at sumubsob ako sa basa nyang dibdib.

"Igaganti kita, Carlito...pangako ko yan sa 'yo..."

"Jun, take a rest, please..." s i Rob na hinimas ang likod ko.

"D-dito lang muna ako, Rob," mahina kong sabi.

"Uhm... alright," tapos may jacket syang ipinatong sa balikat ko.

Saka ako uli umiyak ng umiyak sa malamig na katawan ni Caloy.

=================

Paksyeeeet! Tulo sipon ng ka-Dyosahan ko!!!

Caloooooyyy!!!

Ejected na si Caloy... masaya ba tayo? Well... I AM NOT!

I uploaded a video on the after effect of this chapter on me ... sa WP journal ko sya na "I Am Ryonamiko"

Iyak pa more, Ryonamiko!

================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj