Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

63 Regalo


Napatingin ako kay Caloy. Naintindihan nya agad, kahit wala pa akong sinasabi.

"It's alright, Jun. I understand," sabi nya. "But he can only watch. Only the driver and the navigator are allowed inside the car."

Nanliit ang mata ni Rob, "You're going against your word, Jun. You said you're not racing anymore!"

"Pangako ko yun sa sarili ko. Sarili ko lang ang idi-disappoint ko, Rob!" salag ko.

"Juno..."

Nahigit ko ang hininga ko.

Shit! Naroon lang pala sa may backdoor sina Paul at Troy.

Napayuko ako, "Paul, Troy...huling request ni Caloy. Malamang ito yung sinabi nyo sa akin na dapat manggaling sa kanya. Na aalis na sya. Hayaan nyo nang pagbigyan ko."

Napaigtad ako nung biglang sipain ni Rob ang isang bakal na upuan sa may pool side, "Fuck!"

Humarang agad ako sa pagitan nila dahil akala ko, susugurin nya si Caloy.

Nakita ko na gumuhit ang sakit sa mukha ni Rob. Naiyak ako.

"Ipapaliwanag ko mamaya, Rob. Just this last one. Please, wag ka na magwala."

Dinuro ni Rob si Caloy, "Nakikita mo, Sorriente? Ito ang gusto mong mangyari? She's going against her own principles and getting fucked up about it! Anong gusto mong patunayan? Na magagawa mong baliin ni Juno ang salita nya para sa 'yo?!"

"Jun, are you sure about this?" si Troy.

Tumango ako.

"Let us know how we can help."

"Kailan ba yan?"si Paul.

Napatingin ako kay Caloy.

"The night before I leave for Netherlands," si Caloy.

"So, that's two days after Juno's birthday, right?" si Troy. "You still have time to practice together."

"Tang ina! Kinunsinti nyo pa! Akala ko ba kaibigan nyo si Jun? Payag kayo sa ganyan? Breaking her own principle for this asshole?" Galit na balik ni Rob sa dalawa. "Maliban sa delikado ang drag racing!"

Seryosong tiningnan ni Paul si Rob, "Hindi ako pabor, Rob. But I know her. She'll do it kahit anong pigil ang gawin namin ni Troy. So, I'd rather support and help her out to get this over and done with."

"And you haven't seen them race together. We don't call them the undisputed pair for nothing. I suggest you just watch," si Troy. "We also value Juno's standing in the community. She is our beacon of inspiration kahit umalis na sya. You're not an enthusiast so you wouldn't understand."

"Hindi ko talaga maiintidihan yan! It's even fucking illegal!" galit na sagot ni Rob sa dalawa.

"Di mo lang matanggap kasi insecure ka talaga sa akin!" asar na sagot ni Caloy.

"Tang ina mo!"mura ni Rob kay Caloy at humakbang papalapit dito.

Niyakap ko na si Rob sa bewang para di na sya makalapit.

Baka pati si Paul at Troy, tamaan kay Rob kaya mabilis kong pinahid ang luha ko, "Paul, Troy. Uwi na kayo. Caloy, sumabay ka na sa kanila. Mag-usap na lang tayo sa susunod. Halos isang buwan pa naman. You know the way out. Di ko na kayo maihahatid, sorry," sabi ko na hindi bumibitaw sa yakap ko kay Rob.

Sabay-sabay na umalis yung tatlo. Tsaka ko binitawan si Rob.

"Damn it! Damn it!" pinagsisipa uli nya yung mga bakal na garden set.

Nakayuko lang akong nakatayo dun, umiiyak.

"Rob...tama na..." mahina kong sabi sa pagitan ng pag-iyak.

"Bakit, Jun? Bakit?!" gigil nyang sabi na halos alugin na ako sa magkabilang balikat.

"Rob... yun na ang hinihintay ko."

"Ano'ng... You're choosing him? Is that what you mean?" Gumaralgal ang boses nya.

Nangatog na ang tuhod ko kaya napasalampak na ako sa bermuda grass. Wala na kong pake kahit marumihan yung gown na suot ko, kasi basa-basa pa ang damuhan mula sa pagdidilig kanina at hamog ng gabi.

Umiyak ako yakap ang tuhod ko.

"H-hindi, Rob. I meant it as a c-closure between him and me. Dapat kanina ko sasabihin sa kanya. Pero naunahan nya akong magsabi tungkol sa pag-alis nya. So... I changed my plan. I'll wait for that day. P-para mapagbigyan ko rin ang sarili ko. G-gusto ko rin ang huling karerang yun. Kasama sya."

"Bakit...bakit mo pa pinatatagal? You're just prolonging all our agonies! Just fucking tell him that you choose me!"

Umiling ako ng umiling mula sa pagkakayukyok sa tuhod ko. "I can't. Hindi ganun yun, Rob. I'm not yet choosing you. Give me time to heal. A-ayokong maging r-rebound kita. Y-you don't deserve it... l-like I don't deserve to be Caloy's s-second choice."

"What d-do you mean? Mahal mo naman ako, d-di ba?" naupo na si Rob sa harap ko.

Lalo akong napaiyak, pero kailangan nyang malaman ang totoo galing sa akin. Tiningnan ko sya. Mata sa mata.

"O-oo...pero...m-mas mahal ko talaga sya Rob," panibagong bugso ng luha ang tumulo sa mata ko nung makita kong gumuhit ang sakit sa mukha ni Rob.

"I-I will settle for that, Jun. Kahit konti lang. Ako na bahalang palaguin yung nararamdaman mo sa akin," tila nagmamakaawa nyang sabi. "I won't ask for anything in return."

Naiyak ako lalo. Kinakain na ako ng matinding guilt feeling. Bakit ko sinasaktan ng ganito si Rob?

Kaya lang, di talaga pwede.

"Hndi kasi ganun yun, Rob. A relationship like this is a two-way road. Hindi pupuwedeng isa lang ang nagmamahal ng todo. Alam kong sasabihin mo na yan. But that's not how I understand love and relationship. Gusto ko yung katulad ng nakita ko sa Mama at Papa ko. Kay Ate Andie at kay Kuya Reid. Sa Mommy at Daddy mo. Kahit hindi ka humingi ng kapalit, I want to reciprocate how you feel about me."

"You trust me more than him, right? That will balance everything."

"Oo, malaki ang tiwala ko sa 'yo," sagot ko, "Pero... I want you to have both. Trust and love. Yung buo, yun ang deserve mo. I need to heal and lick my wounds by myself. Hindi pupuwedeng nariyan ka lagi, dahil ganun pa rin ang mangyayari. Magiging rebound kita sa panahon na sugatan ako. Just give me time to find my self. And find you in me. Pag dumating na yung panahon na nakawala na talaga ako sa kanya, ako na ang lalapit sa iyo. Sukdulang hanapin kita kung saang lupalop ka ng mundo, hahanapin kita. But if you can't wait, maiintindihan ko. Ayoko ring maging unfair sa iyo na—"

Kinulong nya ang mukha ko sa mga palad nya, "I'll wait, Jun. Promise, I will!"

Sya na ang nagpunas ng luha sa mukha ko, "Wag ka na umiyak. S-sige, payag na ako. Just finish that damn race and win. I'd even cheer for you on the side. Then do what you think you need to do. I will distance myself after the race but not very far. Para hindi ka mahirapang hanapin ako."

"S-salamat, Rob. I don't deserve you. You're too good to be true," naiyak uli ako sa tuhod ko.

Malamang nakatulong ang amats ng wine sa akin para ilabas ko lahat ng nararamdaman ko ngayon. Pero dahil sa amats na yun, eto, pareho kaming pusong duguan ni Rob.

Tama nga ang sinabi nya. I'm prolonging the agony. E anong magagawa ko? Mahal ko si Caloy. Gusto ko syang pagbigyan sa huling pagkakataon. Gaya ng gusto kong pagbigyan ang sarili ko.

Agree ako sa sinabi nung Kulugong yun. Gusto ko ring ako ang kasama nya sa huli nyang karera. Yung tandem namin. Remembering our good old glorious days. Pero hindi ako agree sa manalo-matalo. Sisiguraduhin kong mananalo kami. That would be our last together. Isang magandang closure na gusto kong alalahanin. Kasi pagkatapos nun, aayusin na nya ang buhay nya. Para sa future nya... nila ni Anne. Ayos na ako dun. Tanggap ko na naman noon pa. Na wala talaga akong laban kay Anne, pagdating sa kanya. Much as well, support him to prepare for his happiness. Masaya na ako, basta magiging masaya sya. Siguro naman, magtitino na rin si Anne kapag nakita nya ang effort ni Caloy para sa kanya.

Gusto kong baunin ang maayos at magandang closure na yun dahil kailangan ko yun habang nagpapagaling uli ako. Ayokong maulit yung panahon na nagpagaling ako baon ang maraming tanong at masasakit na salitaan namin. Yung naiwan ako sa ere sa Palawan. Kaya siguro ako natagalan at nahirapang mag-move on. Wala kasing ayos.

This time, ilalagay ko na sa ayos. Yung kapag nagkita uli kami ni Caloy, kahit may pamilya na sya, hindi na mangangatog ang tuhod ko. Hindi na ako makakaramdam ng para akong sinipa ng kabayo sa dibdib. Gusto ko rin namang magkaroon ng pamilya pagdating ng panahon.

Yung masayang pamilya.

Sumagi sa isip ko si Rob. Sya kaya? Sana rin. Hindi perpektong tao si Rob pero good catch sya. More than good actually.

Sana, nauna ko na lang sya nakilala. E di sana, hayahay ang buhay at lovelife namin magkasama. Sayang talaga.

"Jun, please stop crying," narinig kong sabi ni Rob.

Nun ko lang napansin, umiiyak pa pala ako. Anak ng tipaklong talaga, oo!

"Halika na sa loob."

"M-mauna ka na. Ano, dito lang muna ako," sagot ko.

"No, you might catch cold."

Tapos naramdaman ko na ipinatong na nya yung tuxedo coat nya sa balikat ko. Hinayaan ko na, pero nagulat ako nung bigla akong umangat mula sa kinauupuan kong bermuda grass. Kinarga na ako nito.

Otomatikong nangunyapit na ako sa harap ng damit nya at sumubsob sa dibdib nya. Huminga ako ng malalim. Gustung-gusto ko talaga ang amoy ni Rob, kaya pinuno ko yun sa ilong at baga ko.

Yung nagwawala at naghihingalong puso ko, hindi man totally na-relax, pero malaking kapanatagan ng kalooban sa akin basta nakakulong ako sa bisig ng halimaw na ito. Ganun ang epekto nya sa akin. Tapos si Caloy, masyadong chaotic ang pinapadama sa akin. Kontra talaga sila.

"Ayos lang ba kayo?" narinig kong sabi ni Nanay Lydia.

Nasalubong pa namin nung malapit sa grand stairsace.

Sa tono ng salita nito, mukhang alam nya ang gulong nangyari sa likod kanina.

Nanatili akong nakasubsob sa dibdib ni Rob.

"Medyo naparami ang inom, 'Nay. Medyo hilo pa ho," ang lame ng palusot ni Rob pero di na nagkomento yung matanda.

Paupo akong nilapag ni Rob sa couch katapat ng kama ko. Tapos pumasok sa banyo.

"Come, I prepared the tub for a warm bath," sabi nya paglabas.

Marahan akong tumayo at pumasok dun.

Napabuga ako ng hangin sa bibig. Paano ko ba huhubarin ng mabilis itong gown? Corset type ang likod nito.

Nasagot ang tanong ko nung may kamay na nagsimulang mag-alis ng pagkakabuhol ng lace sa likod nun. Sumama pala sya sa loob.

Hinayaan ko na si Rob. Hindi na ako nagkomento. Aarte pa ba ako eh hindi nya lang basta nakita ang lahat sa akin.

Bahagyang nag-init ang mukha ko sa naisip.

Sya narin ang tuluyang naghibad ng gown ko. Hindi ko tuloy malaman kung haharap pa ako sa kanya o didiretso na sa bathtub kasi naka-lacy panty na lang ako since di kailangan ng bra sa gown.

Pero napalingon ako nung marinig na naghuhubad din ito ng damit. Buti di sya nakatingin sa akin kasi kumalat ang pamumula sa mukha ko.

Wala kasing syang tinirang kahit ano sa katawan nya.

At napigil ko yung hininga ko nung sya mismo nag-alis ng panty ko.

"Relax, Jun. I won't do anything to you. Let's just soak in the warm water together," bulong nya.

E letse naman kasi, baka ako ang may gawin sa kanya!

Kaya lang bigla ring naglaho ang kaberdehan sa isip ko nung maalala ko ang baby namin.

Kahit nung nakasandal ako sa kanya at nararamdaman ko yung pikachu nya sa likod ko, naiisip ko pa lang yung pagkawala ng baby namin, di na 'ko makaisip ng kaberdehan. Tahimik lang kami sa bathtub. Siguro nag-iisip din ito.

"Ahm, saan ka mtutulog?" tanong ko nung ibinalot nya ako sa tuwalya.

"Here. My handcarry bag is in your closet. Kanina pang umaga bago kami magpunta sa simbahan nina Reid."

"Uhm ... H-hindi ba—"

"Walang bakanteng kuwarto. All our friends will be staying in the villa until tomorrow. And... you don't have to hide it anymore. They know, Jun. Kahit hindi tayo magkwento. Alam nilang merong something special sa atin. That's why they were surprised about Paul, especially Sorriente attending the wedding."

"Ayoko ng mga tanong bukas."

"Then don't answer any of their questions. Don't worry, Ralph won't ask anything. You can count him out."

Hindi na ako kumibo.

Nung mahiga na kami, kusa na akong humarap sa pagtulog sa kanya. Hindi naman nya ako binigo. Maagap nya akong kinupkop sa dibdib nya.

"Rob...?" tawag ko matapos ang matagal na pananahimik namin.

"Hhmm...?"

"Salamat talaga."

Huminga sya ng malalim. Di ito sumagot pero lalo lang akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo.

Idinantay ko ang isang hita ko sa kanya. "Goodnight, Rob."

"G'night. I love you."

Tumingala ako sa kanya. Nagsalubong ang mata namin. Matipid lang akong ngumiti at humalik ng magaan sa labi nya.

Late na ako nagising. Wala na si Rob sa tabi ko. Pero alam kong nasa villa pa sya. Nakita ko pa yung leather shoes nya malapit sa pinto ng banyo. Di man lang ilagay sa shoe rack sa walk-in closet.

Di muna ako bumangon. Iniisip ko yung pinag-usapan naming lima kagabi sa pool area.

Naputol lang yun nung bumukas ang pinto.

"Hey, good morning," pabirong bati ni Rob.

Matipid akong ngumiti, "Tanghali na kaya."

"Are you going to stay here until evening?"

Umiling ako. Sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa condo ni Kuya Aris para maglinis at kunin si Augie.

"Alright, I'll drive you there. Halika na, kain tayo ng lunch."

"Uhm, Rob? Andyan pa ba sila?"

"Parents na lang ni Reid at si Hope. The others went home after breakfast."

Hindi naman nagtanong ng kakaiba sina Tita Alice at Tito Frank nung kumakain kami. Base sa takbo ng usapan, iniisip ng dalawang matanda na kami talaga ni Rob.

"Tita Dyosa, Lola said we will travel around Philippines kasi Mommy and Daddy are away," excited na kwento ni Hopia.

"E di very good. Pasalubong ko ha?" biro ko dito.

Pagkatapos kumain, naghanda na kami ni Rob at nagpaalam na umalis.

Dahil nakabilin naman sa receptionist na babalik ako para kunin ang gamit ko, nakaakyat ako sa condo. Tinulungan ako ni Rob maglinis.

Convoy kami pabalik sa duplex. Dun na rin sya naghapunan.

"Jun?"

"Oh?"

Katatapos nya lang maghugas ng pinggan.

"Can I stay here tonight?"

"S-sige."

Gaya kagabi sa villa, magkayakap kaming natulog.

Kinabukasan, bago kami umalis sa duplex,

"I'll do my best to be out of your sight. But I'll be back on the night of the race," sabi nya.

Ngayon pa lang alam kong mami-miss ko ito. Pero kailangan kasi. Para sa kanya. Para sa akin. Para fair lang.

"O-ok."

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit. Yumakap ako pabalik

"God! I'm already missing you," daing nya sa tenga ko.

And we kissed. A long one.

Nakasunod sya sa akin sa Charleston hanggang makapasok ako sa backgate.

Papaalis pa lang ako sa parking nung mag-vibrate ang cp ko.

Si Rob.



Parang ayoko na umalis sa labas ng gate ng Charleston. I miss you and I'm fucked up. I love you, Juno. Always remember, I'm just a phone call away.



Napangiti ako. Pero di na ako nag-reply.

Nung tanghali, di na ako nagulat na dumating si Caloy. Sabay uli kaming nag-lunch sa bleacher.

"Last week before ng karera na tayo mag-practice, Caloy. Tutal sakto yun ng umpisa ng sembreak," sabi ko. "Ayoko ng distraction dahil malapit na ang finals week. May mga outputs pa akong ipapasa. Kaya kung pwede, ayoko munang makakarinig ng kahit ano tungkol dun. Yung lampas one week na practice natin, dun ako magpo-focus."

"Walang problema, Jun."

"Caloy?"

"Hm?"

"Pwedeng ... wag ka muna magpakita sa akin? Sa practice na lang?"

Umiling sya, "Jun, aalis na ako in about a month. It will take me at least two years to come back."

Para ano? Para balikan si Anne? Gusto kong isumbat.

Pero di na ako kumibo. Tanggap ko na naman. Di ako dapat maging bitter.

"Ibigay mo na sa akin yung ilang araw na makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa iyo."

Napahinga ako ng malalim. May punto naman sya.

"Sige, pero wag ka na magdala ng bulaklak. Naiilang ako."

Natahimik sya sandali, "Food, pwede? Di mo naman siguro tatanggihan yun. Naaalala ko pa yung mga sinabi mo dati. Na di dapat sinasayang ang pagkain kasi maraming batang nagugutom sa kalye."

Napangiti ako. Yung totoong ngiti. At least, naaalala nya pa yung mga panenermon ko sa kanya noon.

"Don't worry. I won't bring softdrinks. Alam ko naman masamang epekto nun sa 'yo. Pati sa akin."

Natawa na 'ko, "Tado!"

Naging pangkaraniwang tanawin na kami ni Caloy sa may soccerfield bleacher tuwing tanghali nang mga sumunod na araw. Pagkain na lang ang dala nito.

Kaya naging maugong rin ang usap-usapan na nagkakamabutihan na raw kami ni Caloy. Hindi ko yun pinansin.

Wala silang alam at wala akong planong magpaliwanag. Hindi ko ugaling ipaliwanag ang sarili ko sa mga taong walang direktang impact sa buhay ko.

Tulad ng pinag-usapan namin ni Caloy, ganun na rin ang sinabi ko kina Paul at Troy.

Sa mga pag-uusap namin sa phone or messenger, hindi na sila uli nagbanggit tungkol sa darating na huling karera ni Caloy. Though sigurado akong alam na nila ang mga detalye ng karerang lalaban kami.

At napansin ko na si Louie, nabawasan ang pagsasalubong namin sa loob ng campus. At kung magkaganun man, simpleng bati, ngiti o tango lang ang binibigay nito sa akin. Kahit sa RC, bihira na itong pumunta. At kung andun naman, di na ako kinukulit.

Napataas ang kilay ko nung malaman ko kung bakit. Niligawan pala nito uli si Dikyang Tamara nung nabalitaan nitong narito ang babae at ilang beses na nagpunta sa opisina ni Rob. Ang kaso, narinig ko sa isang usapan ng mga barkada ni Louie bumalik na sa Amerika si Dikya.

Sira ulo talaga.

Pakiramdam ko, kinakalaban lang nito si Rob nung kumalat ang balitang tuluyan nang natapos ang pagpapanggap namin nito, at inakalang nagkakamabutihan uli ang dalawa.

Si Rob din naman ang nagkwento sa akin kung paanong naging ka-partner nya ito sa kasal ni Ate as second sponsor. Si Ate Myra kasi dapat ang partner ni Rob. Yung dating temporary secretary ni Kuya Reid sa Casa Alicia. Kaso, binulutong ang babae. Si Ralph daw ang nakaisip na kontakin ni Rob si Tamara na that time ay nagbabakasyon sa Pilipinas para kuning partner. Pinayuhan sya nung abogagong yun para pagselosin ako. Ang kaso, ang masama, nag-assume si Dikya. Kaya ayun, punta raw ng punta sa office ni Rob. Minsan daw bumisita kina Tita Rhea pero malamig itong pinakitunguhan ng babaeng Agoncillo.

At naniniwala ako kay Rob.

Si Rob.

Napabuntung-hininga ako ng malalim, habang nakikipagtitigan ako sa kisame ko.

Nagkakausap pa rin naman kami sa text, chat or tawag. At least isang beses kada araw sa loob ng apat na linggong dumaan.Minsan sinusungitan ko na gaya ng dati. Yung normal ko lang na pakikitungo sa kanya noon.

Though hindi ko na siya nakita. Pinanindigan nito yung out of sight na sinabi nya nung huling gabing natulog sya dito sa duplex. The day after ng kasal ni Ate Andie at Kuya Reid.

Kaya lang feeling ko, out of my sight lang. May mga gabi kasing nagigising ako na parang andyan sya. Pero pagdilat ko wala naman. Yet, andun yung piping paniwala ko na galing sya sa duplex kapag tulog ako. Hindi kasi nawawala ang amoy nya sa unan na gamit nya dito. Minsan nga, sinubukan kong palitan ng punda ang unan nya. Paggising ko, andun na naman ang amoy ng halimaw.

At yung ganung pakiramdam ko na pumupunta si Rob kapag tulog ako, naging gabi-gabi na nung matapos ang final exams at magsimula ang sembreak. Kasi, gabi-gabi na rin kaming nagpa-practice ni Caloy sa pagkarera.

Discreet lang dapat yun. Na walang makakaalam na ako ang navigator nya, kahit ang daming nagtatanong kung sino ang partner ni Caloy. Simula kasi nung magkahiwalay sila ni Anne, singles na lang lumalaban si Caloy.

Kaso, sa kagabing practice namin, nakatanggap ako ng tawag kay Troy. Naka-break kami ni Caloy nun at nagmemeryenda sa isang convenience store.



"Dyosa, may nakakita sa inyong nagpa-practice. Kalat na sa community na ikaw ang navigator ni Caloy."

"Kailan kumalat?"

"Mga isang oras pa lang. Di ka ba nagche-check ng FB mo?"

"Naka-off ang phone namin pareho pag practice. Sa bahay lang rin ako nag-oopen ng second account ko."

"Jun," si Caloy. Inabot sa akin ang cp nya.

"Troy, nakita ko na. Kaka-open lang ni i Caloy ng FB nya. Ngayong gabi lang kuha itong pic na ito. Yan rin yung suot namin ngayon eh," sabi ko habang nakatingin sa sandamakmak na posts at comments sa community tungkol dun. "Asan si Paul?"

"Nasa tropa nya. Nag-uusap sila tungkol din dito. Maraming dadating sa community natin, sigurado. At malamang, magkakaroon ng mga late entries para makalaban kayo. Huling pagkakataon na makakalaban kayo dahil kalat na rin na titigil na si Caloy sa DR."

"Lalaban ba kayo ni Paul sa amin?"

Tumawa si Troy. "Sira ulo! Singles kita lalabanan. Gusto ko ikaw mismo ang kalaban ko. Yun rin ang gusto ni Paul. Gaya sa Olongapo."

"Asa!" Tawa ko pabalik.

"Ang daya! Dapat pagbigyan mo kami. Akala ko ba mahal mo kami ni Paul?"

"Pag-iisipan ko."

"Nakoow! Negative ang ibig sabihin ng sagot mo."

Pagkatapos ng tawag na yun, nag-usap kami ni Caloy.

"I just got a lot of messages, texts and comments sa FB ko about you and the race. Ano'ng gusto mong sabihin ko, Jun?"

Natahimik ako at nag-isip.

"Sandali," sabi ko.

Tumawag ako kay Paul at Troy at in-speaker phone ko yun. Tinanong ko ang opinyon nila.

"Iingay uli sa community kapag kinumpirma mo. Panibagong kulay yan. Booster para sa members natin. Nagparamdam uli ang Dyosa namin," si Troy.

"Yan pa nga lang wala pang confirmation, marami na ang gustong pumunta at manood. May mga nagtatanong na rin kung pupwedeng pang humabol sa registration dahil ilang araw na lang, laban na," si Paul.

Alam kong nakangiti ang dalawa habang nagsasalita.

"Ganito na lang. Wag nyo na sagutin mga tanong nila. Ako ang kukumpirma. Abangan nyo bukas  sa second account ko sa FB."

Natahimik ang dalawa. Si Caloy, napatingin sa akin.

"Jun," si Paul, "Ano yan, pa-birthday mo sa sarili mo?"

Alam nila. Tulad kay Rob, sinabi ko sa kanila ang dahilan ko. Pero, parang may alam sila na di nila sinasabi.

"Oo, regalo ko rin sa community. Tutal matagal na rin nilang hinihintay na lumaro ako."

"Jun, hindi miyembro ang grupo ni Caloy sa community natin," paalala ni Troy.

Natahimik ako. Ganun din si Caloy. Pagtingin ko dito, nakayuko ito.

Tumikhim ako, "Paul, Troy ... yun sana ang hihingin kong regalo sa inyo at sa community. Gawing miyembro ang grupo ni Caloy. Pwede ba?"

Sa peripheral ko, nakita kong napatingin si Caloy sa akin. Di sya makapaniwala sa sinabi ko.

"Paalis na si Caloy, Jun," si Paul.

"At least mag-iwan sya ng maganda sa grupong inayos nya mula sa pambabalahura ni Danny," sabi ko. "That way, naglaro pa rin ako para sa community. Unless, papayag kayong mapupunta sa iba ang credit ng huli kong laro."

Hindi agad nagsalita ang dalawa.

"Jun, di mo kailangang gawin yun," si Caloy.

"Gusto kong gawin. Wag ka na kumontra."

"Sige," si Paul. "Payag ako. Basta siguraduhin lang ni Caloy na sa maayos na tao nya iiwan ang grupo nya. Isang mali lang, we will kick them out."

"Agree ako," segunda ni Troy. "Kami na ang kakausap ni Paul sa ibang grupo sa community."

"Sigurado na yan?"

"Sino'ng makakatanggi sa iyo sa community, Dyosa?"

Napangiti ako.

"Salamat. Kaya mahal ko kayo eh."

"Tss." Sabay pa nilang sabi.

"Paano bukas? Birthday mo?" si Paul.

"Oo nga. Two weeks ka nang endo sa RC. Nakuha mo na rin grades mo. Enrolment na lang sa second sem ang di mo nagagawa. Dakilang tambay ka ngayong sembreak," gatong ni Troy.

Napangiti ako. Tambay naman talaga ako ngayon. Ang gym, dojo at practice namin ni Caloy lang ang pinagkakaabalahan ko ngayong sembreak.

"Uhm, may handa ako bukas pero lunch time. May practice pa kami ni Caloy sa gabi," sabi ko. Alas-syete hanggang alas-diyes ang practice namin palagi, dahil pumupunta pa si Caloy sa mga laban ng tropa nya para sumuporta o kaya sya naman mismo ang may laban.

"Dalhin nyo mga tropa nyo," tapos sinabi ko kung saang resto.

"Naks, sosyal ah! Dami nating pera ah!" si Troy.

Natawa ako, "Tange! Regalo nina Ate at Kuya sa akin. Alam kasi nilang out of town din si Hopia. Kasama lolo at lola nya. Tumawag sila from France kagabi. Dalhin ko raw mga kaibigan ko. Eh naisip ko, yun na ang magandang opportunity na ma-meet nyo ang grupo ni Caloy."

"Ah, ok. Sige, cool ako dun," si Paul.

"Wala ring problema sa akin," si Troy.

Tinapos ko na ang tawag.

"Jun..." napahawak na si Caloy sa kamay ko.

'Tragis, kumabog na naman dibdib ko, pero di ako nagpahalata.

"Kasama ka at tropa mo, Caloy. Wag ka na umeps!" baling ko sa kanya ng pabiro.

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Yung pa lang pagpayag mo sa maging navigator ko uli, sobra na, Jun."

"Ayaw mo ba?"

Di sya umimik. Alam kong isa yun sa goals nya. Ang makabalik sa community namin dati. Kahit di nya sabihin sa akin, alam ko. Sa ilang araw na nagkakakwentuhan kami during practice, ilang beses nyang nabanggit na isa yun sa mga naging goals nya noon, pati ng mga miyembrong matitino na natira sa grupo dati ni Danny. Nagbago na lang daw ang priorities nya dahil sa usapan nila ng daddy nya.

"Sayang yung oportunidad, Caloy. Isipin mo na lang, regalo ko na yan as despedida sa 'yo. Tsaka, ayoko ring basta maglaro ng labas sa community. Malaki ang utang na loob ko sa kanila nung..."

Di ko na tinapos. Ayoko nang balikan ang dati. Forgive and don't dig up the past that may ruin the present.

"Salamat, Jun," inakbayan ako nito ng mahigpit. Ngayon nya lang uli yun ginawa. Ang akbayan ako.

Saglit akong nanigas, pero pinilit kong i-relax ang sarili ko. Inisip ko na lang, parang dati lang. Nung simpleng driver-navigator lang kami. May mga pagkakataon na inaakbayan ako nito kapag natutuwa sa akin o kaya kapag may ibang driver na pasimple akong nire-recruit.

Isa pa, konting araw na lang. Aalis na ito. Sasamantalahin ko muna na nasa akin lang ang atensyon nya. Dahil pagkatapos ng karera, na kay Anne na uli ang focus nya.



Napahawak ako sa kanang hinalalaki ko. Napangiti ako kahit mahapdi pa yun ng kaunti. Nagpa-tattoo kami nina Paul at Troy kanina sa isang kakilala nilang artist. Pare-parehong sa kananang hinalalaki. At pareho rin ng design. Ring tattoo na parang tinirintas na tatlong ugat ng puno. Ang pagkakaiba lang, yung sa dalawang kulangot, itim lang. Sa akin, pula. Yun ang regalo nila sa akin sa birthday ko pagkatapos naming kumain sa isang resto ni Kuya Reid. Bestfriend tattoo namin.

Kaming apat na lang ang nagpunta sa tattoo shop. Nag-uwian na ang mga tropa nila. Naging maayos naman ang meet up na yun para sa tropa ni Caloy. Ilang beses silang nagpasalamat sa akin dahil sinabi pala ni Caloy sa mga ito ang totoo.

Tapos tumingin ako sa side table ko. Andun ang regalo ni Caloy sa akin. Bago at latest model na cellphone. Palitan ko na raw yung gamit ko na siya rin dati ang nagregalo. Niloko pa nga ako na baka pagbalik nya pagka-graduate sa Netherlands, ito pa rin ang gamit ko.

Siyempre, nagpasalamat ako. Ang mahal kaya ng ganitong phone. Ang linis pa ng kulay. Puti.

Pilit kong dina-divert ang kilig na naramdaman ko sa simpleng appreciation nung ibigay sa akin ito ni Caloy. Pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko.

Kaya lang, parte yun ng proseso ng paglimot. Minsan kailangan mo munang lokohin ang sarili mo at paniwalain sa isang bagay, para magkaroon ka ng tamang mindset para di ka maligaw ng daan papunta sa acceptance na wala na talaga. Hanggang sa makasanayan mo na na ganun ang maramdaman.

Lampas na ng alas-dose ng madaling-araw.

Napabunting-hininga ako. Hindi ko na birthday.

Wala akong natanggap kahit isang text galing kay Rob. Kanina ko pa hinihintay na tumawag sya o kahit text lang.

Pumikit na ako. Tsaka ko naramdaman na may tumulong luha sa gilid ng mata ko.

Tsk!

Huminga ako ng malalim para mabawasan ang pag-antak ng pakiramdam ko. Kasi imposibleng hindi nya alam.

Kaya lang, wala naman akong karapatang mag-inarte. Nag-uumpisa na akong managinip nung lumundo ang kama sa likod ko.

Napasinghap ako.

"Please, don't open your eyes," bulong nya sabay yakap sa bewang ko. "I promised to be out of your sight. So, please, wag kang tumingin. Akala ko malalim na ang tulog mo tulad nung mga nakaraang gabi."

Napahagulgol akong humarap sa kanya pero nakapikit pa rin.

Sabi ko na. Nagpupunta talaga sya dito.

"Hey..." saway nya. "Bakit gising ka pa?"

"Hinihintay ko text o tawag mo."

Naramdaman ko yung labi nya sa noo ko, "Belated happy birthday."

"A-akala ko, hindi mo alam," sagot ko ng nakapikit pa rin.

"Sorry, dapat kahapon ng madaling-araw ako pupunta. Yung ako unang babati sa 'yo. Kaso nagkaaberya sa trabaho. Di kita pwedeng tawagan. Kakauwi ko lang halos. Naghintay lang ako ng oras para tulog ka na. Yun pala..." tapos tumawa ito ng walang tunog. "Nabuking mo 'ko."

Sininghut-singhot ko ito ng pasimple. May masarap amuyin ang source kesa yung naiiwan nyang amoy sa unan ko.

"Matulog ka na. I'll see you tomorrow night."

"Goodnight, Rob. Salamat sa pagpunta."

"Late na nga ako."

"Kahit na."

"Goodnight, Jun," ayun uli, naramdaman ko yung labi nya sa noo ko tapos hinapit nya ako sa dbidib nya.

Mabilis akong nakatulog.

Kahit di ko na sya nagisnan paggising ko, magaan ang pakiramdam ko. Inaasahan ko na naman yun.

At lalong gumaan yun dahil may nakahandang agahan para sa akin at may cake pa!

Dinampot ko agad yung note sa mesa.



Enjoy your breakfast. I cooked it myself. But not the cake, of course. Mom baked it for you.

Yung regalo ko sa iyo, nasa sala.

Again, belated Happy Birthday.

See you tomorrow night. I'll pick you up and we will go to the event together.

I love you!



Napakagat ako sa labi ko. Kasi ... 'tragis! Kinikilig ako eh!

Di ko muna ginalaw yung pagkain. Nagpunta ako sa sala. Nakita ko yung malaking box na naka-gift wrap. Nakapatong ito sa couch.

Binasa ko yung card doon.



This has been the gift I have in mind for you since the first time we went to Batangas.

I want you to use something that suits your talent in capturing art.

Happy birthday!

Love you, ulit!



Nanlaki ang mata ko nung buksan ko iyun.

Latest model at mamahaling brand ng professional grade DSLR. Complete set mula tripod hanggang mga lenses.

Maayos ko yung niligpit tapos nag-agahan na ako. Binalik ko sa ref yung tirang cake. Pero, yari sa akin mamaya yun. Uubusin ko talaga. Ang sarap kasi talaga mag-bake ni Tita Rhea.

Nag-text ako kay Rob para magpasalamat sa pagkain at regalo nya.

Smiley icon lang ang pinadala nito na puso yung mata.

Natawa ako.

Ang laking lalaki. Hindi bagay!

"So, paano bukas?" tanong ni Caloy.

Tapos na ang huling practice namin. Hinatid ako nito sa isang paid parking kung saan ko laging iniiwan si Augie kapag may practice kami.

"Sa event na tayo magkita," sabi ko.

"I was thinking na sabay na tayo. Sunduin kita dito para iwan si Augie then dito rin kita ihahatid. Parang dati lang sa Palawan. Sa Mcdo ang drop off natin. Daan muna tayo dun sa tambayan ko na seaside cliff. Medyo malapit lang yun sa event," suhestyon nya kasi ayaw ko pa ring ituro sa kanya sa duplex.

"Hindi na. Dun na lang sa event site mismo."

"Kung...kung sunduin na lang kita sa bahay mo?"

Napatingin ako sa kanya nung banggitin nya ang pangalan ng subdivision namin.

Nagkibit sya ng balikat at nagpakawala ng pilit na ngiti.

"Alam ko na address mo ilang linggo na, pero di ako pumupunta. Ayaw mo eh."

Parang piniga ang puso ko sa pigil na hinanakit na bumakas sa mukha nya.

"Caloy..."

"Kailan mo kaya ako pagkakatiwalaan ng buo, Jun? Eversince naman kasi, hindi buo ang tiwala mo sa akin."

Napayuko ako. Hindi ko masabi sa kanya na may tiwala naman ako sa kanya talaga. Maliban lang sa usaping puso na si Anne ang kalaban ko.

"Hindi pwede kasi...dun ako susunduin ni Rob. Sya ang kasama ko papunta sa event pati pauwi. Baka mag-away na naman kayo."

Bumagsak ang balikat nya.

"I see," ngumiti sya ng malungkot.

Mabigat ang loob ko na naghiwalay kami.

Kinabukasan, kahit ilang araw ko na itong binasa ng paulit-ulit, kinabisa ko nang husto ang mga posibleng ruta pati mga kalakasan at kahinaan ng bawat daan na gagamitin sa karera mamaya. At ang mga profile ng mga makakalaban namin. May anim na pairs kasi na pinayagang makasali as late registrants. Kaya mula sa aming tatlong pairs, naging siyam kami.

Dahil dun, hinati ang karera sa elimination at finals, gaya sa Olongapo. Tatlong pairs ang lalaro sa elimination na may tatlong batches. At ang tatlong mananalo ang maglalaban sa finals.

Madalas na huli ang singles category. Pero mamaya, ihuhuli ang pairs as main event. In-announce ng mga facilitator ang pagbabago nung i-post ko sa FB account ko confirming na kami ni Caloy ang partner na maglalaro. Ang bilis kumalat nung balita.

Ilang pm ang natanggap ko galing sa mga nasa friendlist sa second account ko. Pati head facilitator. At yung head facilitator lang ang sinagot ko ang message para patotohanan ang post ko.

Eight pa lang ng gabi, nag-text na sina Paul, Troy at Caloy na papunta na sila at mga tropa nila sa event sa Batangas. Alas onse ang simula nun.

Nakatingin ako sa mga damit ko sa closet. Katatapos ko lang maligo. Kumuha ako ng isusuot dun.

Nung humarap ako sa salamin, nakita ko ang dating Juno dela Cruz na navigator ni Caloy. Ganitong-ganito ang pormahan ko. Mula sa slim fit tshirt na puti, jeggings hanggang sa red hoodie jacket na paborito kong isuot noon kapag may laban kami ni Caloy. Pati yung pulang sneakers na walang suot na medyas.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

Inaalala ko lahat yung noon. Yung panahong namamayagpag kami ni Caloy.

Napangiti ako.

I'm back!

One last time... with my number one partner driver!

Ito ang regalo ko sa sarili ko para sa birthday ko two days ago.

Ang makasama si Caloy sa huling pagkakataon, ang makamit ang closure para sa kapayapaan ng puso ko.

"Hey..." malumanay yun.

Napadilat ako.

Nakita ko si Rob sa repleksyon ng salamin. Nakatayo sa pinto.

Nakadukot sa bulsa ng pantalon nyang maong.

"Reminiscing some good old days with Sorriente?"

Kaswal nyang taong, pero di magsisinungaling ang lungkot at insekyuridad sa mata nya.

Natumbok nya ang ginagawa ko pero ayoko syang saktan.

I agreed to this race to get a good closure.

Pumili ako ng magandang salita.

"Hindi reminiscing. I am mind-setting for the race. It's my last ride with him tonight," ngumiti ako ng tipid kay Rob.

He reached out his hand as hope peeked in his eyes.

Please, Rob. Not yet. I need time after this to heal.

Piping bulong ko sa isip.

"Let's go. Daan na rin tayo sa drive thru. Mukhang di ka pa nagdi-dinner," sabi nya na bumakas ang matamis na ngiti sa labi.

===================

Haaaysst! Again almost 5,900 words UD.

===================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj