62 Dare Date
Sobrang badtrip ako kasi ilang beses na kami ang magkatabi sa picture nung Tamara.
Kung may contest ng plastikan ng ngiti sa picture, maryosep! Taob sila sa akin.
'Tragis! Di ako dapat affected!
Kasal ng ate ko at nang aso nya! Hello, paki ko sa kanila ng maarteng ito at ang halimaw!
Letse talaga!
Ilang beses kong tinapunan ng tingin sina Troy, mukhang enjoy naman ang mga ito sa panonood sa amin sa puwesto nila. Sinenyasan ko na maghintay lang.
Nakakahiya, baka na-o-OP na yung tatlo.
Nagkuhanan pa kami ng pic nina Ate Rika, Ate Sarah na halata na ang umbok ng tyan, Sam at Ate Vina. Pati sina Kuya Mike, Kuya, Jeff at Kuya Erol, nakigulo sa amin.
Nung mag-request si Ate na picture kami kasama si Kuya Reid, "Ate, may ipapakilala ako sa 'yo mamaya. Mga kaibigan ko."
"Talaga?! Asan?" Nagpalingun-lingon ito.
"Mamaya na sa reception. Ikaw talaga!"
"Amasona," si Kuya Reid. "Nag-usap na kayo?"
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Ano yun?" si Ate.
"Wala, 'te."
"See those three guys there, Mine?" Tinuro nito sina Paul. "Those are the friends she's telling you. One of them was –"
"Kuya Reid!!!" pinanlakihan ko ito ng mata.
Tumawa lang. Gagawin ko talagang azucena itong aso ni Ate eh!
"Ano nga yun?" Si ate.
Tapos may binulong si Kuya Reid kay Ate.
"Talaga?!" Nanlaki ang mata ni Ate. Tapos biglang nanliit uli ang mata na tumingin sa akin. "Marami kang ikukuwento sa akin!"
"After honeymoon na, Mine. This Amazon can handle herself."
Inirapan ko ito. Nagdududa ako sa binulong nya kay Ate. Medyo mahaba eh.
Afte naming mag-picture, tinawag pati si Hopia para picture kaming apat, tapos kaming tatlong babae lang. Nagpa-pic rin kami ni Hopia.
Maya-maya, tinawag ni Kuya Reid si KC. Nakangiti ko silang sinundan ng tingin dahil kay Kuya Aris pala magpapa-picture ang mag-asawa.
Sa maikling sandaling yun, kita ko na nagbabangayan pa rin ang dalawang dating magkaribal, pero alam ko, nagkaroon na nang kakaibang lebel na pagkakaibigan sa pagitan nila.
Kinawayan ko yung isang photographer tapos hinila ko papunta kina Paul.
"Sa wakas, napansin din kami ng kamahalan," sabi ni Troy.
"You're so beautiful today," komento ni Caloy.
Alam kong nag-init ang mukha ko pero, "Palagi akong maganda! Hindi lang ngayon."
Natawa lang ang tatlo.
We had our pics. Apat kami. With just my best buds, then solo pic ko sa bawat isa sa kanila, at silang tatlo.
Nadako ang tingin ko sa mga bisita doon. Nagtama ang mata namin ni Rob.
Inirapan ko.
"Ano yun? Bakit mo inirapan?" Bulong ni Paul.
"Wala."
"Sino yung kasama nyang chick? Ganda ah!"
Napatingin ako. Ayun na naman ang maarteng si Tamara. Ayus na naman ng ayos sa bowtie ng halimaw.
"Ex nya!"
Biglang tumawa ng malakas si Paul tapos bumulong kay Troy. This time, silang dalawa na ang tumawa ng malakas.
Takang nakatingin sa kanila si Caloy. Ako naman, konti na lang, uusok na tenga ko sa asar.
"Labas na nga tayo," yaya ko. "Papunta na sa reception yung mga bisita."
Mula sa pinto ng simbahan, natanaw ko pa si Ate na yakap si Kuya Aris nung papasakay na sa bridal carang bagong kasal. Tapos nag-usap silang tatlo.
Nauna nang umalis sina Ate. Papunta sa Galaxy Resort. Doon ang reception. Sa malaking swimming pool resort na nasa harap ng villa. Ang resort na wedding gift ni Kuya Reid kay Ate Andie. Sya rin ang pumili ng pangalan na Galaxy dahil sa pangalan ni Ate na Andromeda. Ibinase nya sa astronomy, hindi sa mythology.
Nakita ko rin na umalis na si Kuya Aris sakay ng kotse nya. Alam kong di na ito pupunta sa reception. May flight ito. Yung dapat ay honeymoon nila ni Ate Andie. Sya lang mag-isa ang aalis.
Malungkot akong napangiti.
"Ay kulangot!"
Napalingon tuloy sina Paul sa akin.
Si Rob, hila ako sa braso tapos tinawag yung isang photographer.
"Take our pic," utos nya.
"Kailangan talaga, manghila?!" sikmat ko.
"Smile," asar nyang sabi nung nakahawak sya sa bewang ko. Naka-isang shot na yung photographer.
"Ikaw nga hindi naka-smile!"
Bumulong sya sa akin, "How can I? I could forgive you for inviting your 'sentinels', but Sorriente?!"
"Paki mo? At least yung mga bisita ko, may invitation. Eh yung ex mo? Gate-crasher pa sa entourage," singhal ko.
"Tss. Jealous, aren't we, Juno?"
"Kapal mo!"
Oo, nag-aaway kami ng bulungan! Para kaming gago!
Alam kong nakatingin sa amin sina Paul.
"Sir, Ma'am, shot na po," yung photographer.
Binigay ko yung pinakamalupit kong bitch-face.
"Smile, Jun," bulong nya uli habang plastic itong nakangiti sa camera. "Or else, I'll French kiss you here. Wala akong pake!"
Wala akong nagawa.
Fine! Smile kung smile.
Ang halimaw! Eh humingi pa uli ng tatlo pang shots! Iba-iba ang puwesto. May isa pang nakayakap mula sa likod ko!
Pag-alis nung photographer, dun ko napansin na kinukuhanan pala kami ng video ni Sam at ni Paul. Nakatingin na rin pala sa amin ang mga kaibigan nina Ate, pati yung walangyang si Ralph. Lahat nakangisi.
"Good girl," ang sabi ni Rob na tinapik pa ako sa ulo tapos biglang umalis basta.
Tadong yun! Ano'ng akala nya sa akin, tin-train na aso?
Bumalik sya dun sa ex nya na naka-pokerface sa amin.
Asar na asar ako.
"Paul, tigilan mo yan!" sikmat ko paghakbang ko papunta sa kanila.
Tumawa sila ni Troy habang pinapatay nito ang video sa cp nya.
Pero si Caloy, ang sama ng mukha.
"Dyosaaa!!!" eto na ang Sam kasunod mga kaibigan. "Ikaw na talaga!"
Napangiwi ako.
Tapos, pinakilala ko na yung tatlo.
"Si Paul at Troy, bestfriends ko."
"Ah akala ko boyfriend mo yung isa kaya nagagalit si Rob," si Ate Rika.
"Uhm, ito yung first boyfriend ni Jun," turo ni Troy ke Paul. "Ouch!"
Hinampas ko nga sa tyan.
Nagtaasan ang kilay nina Sam.
"Kaya kita b-in-reak eh," si Paul. "Battered boyfriend ako."
"Paksyet ka, Paul!"
Tawanan uli sila.
"Bunso, nagka-boyfriend ka na pala?" Si Kuya Mike.
"Tingin mo sa 'ken? Nagge-gelpren? Excuse me, I'm too Dyosa for that!"
Nagtawanan sila.
"Ahm, si Caloy pala, ano..."
Syete! Paano ko ba ito ipapakilala?
Partner ko dati sa drag racing? No way! Baka sakalin ako ni Ate!
Inabot ni Caloy ang kamay, "Manliligaw ako ni Juno."
"Aayiiiee!!!" Hiyaw nina Sam at yung tatlong babae.
Namula ang mukha ko.
"Seryoso?!" Si Kuya Jeff at Kuya Erol.
"Grabe kayo sa 'ken ha!"
"Kaya nga may nagagalit eh," si Ralph.
"Ay, si Papa Rob!" si Sam.
Talaga naman, oo!
"Ano, mga kaibigan ni Ate. Bale, family friends," singit ko bigla para di na humaba ang usapan. Tapos inisa-isa ko ang mga pangalan. "Di ko kayo naipakilala ke Kuya Aris. May flight pa kasing hahabulin."
"Guys! Let's go!" Biglang tawag ni Rob.
Muntik na naman akong mapairap nung pagbaling ko, parang tuko na nakakapit yung Tamara sa braso nito.
Insecure ang hitad!
"O, mata mo! Para ka nang magkukumbulsyon kakatirik," bulong ni Troy.
"Letse!"
Nakita kong sumakay sa kotse ni Rob si Tamara.
Pinigilan kong mapataas ng kilay.
"Jun, saan ka sasakay?" Si Kuya Mike.
"Kina Paul na."
Ang kaso, ang kalat ng backseat ng kotse ni Paul. Carpool sila ni Troy.
"Maryosep, Paul dela Torre! Bakit ganito naman dito?!" reklamo ko habang hinahawi ang mga kalat sa backseat. "Ampotah!"
Mabilis akong lumabas ng backseat. "Ayoko dito! Palit tayo Troy."
"Ano yun?! Bakit?" Lingon ni Troy na nakaupo na sa shotgun.
Pinalo-palo ko sa braso si Paul na nasa labas pa ng kotse nya.
"Yung gamit mong condom, letse ka, Paul! I-dispose mo naman ng ayos!" gigil bulong ko.
Tawa sila ng tawa ni Troy, "Ayoko nga! Baka may tyanak na dyan sa likod!"
"Jun, sa kotse ko na lang," sabi ni Caloy.
Natigilan ako. Sa kotse ni Caloy? Parang nadagdagan ang bilis ng pulso ko.
Bumulong si Paul, "Sige na. Dun ka na lang. Makaganti ka lang dun sa Pikachu mo."
Kinuha ni Paul ang kamay ko at inabot kay Caloy. "Sige, p're. Ingatan mo yan!"
Nilakasan pa talaga. Kaya pala, papadaan ang kotse ni Rob.
Kumapit na lang ako sa braso ni Caloy.
Syet! Bakit nag-menor si Rob?
Nadagdagan yung kaba ko.
Nung pagsakay ko sa shotgun ng kotse ni Caloy, biglang humarurot ang sasakyan ni Rob papaalis.
Sana may madaanan silang humps at mauntog sila nung maarteng ex nya sa dashboard!
Nagkwentuhan kami ni Caloy papunta sa reception. Malapit lang naman ang simbahan ng pinagkasalan ni Ate mula sa villa. At ang pagkakaalam ko, ito rin ang simbahan kung saan talaga sila ikakasal ni Kuya Reid, at ito rin ang unang beses na nakatuntong si Ate at nakapagmisa dito. Ang mismong kasal nila.
Sa iisang table ko pinapuwesto yung tatlo, medyo malayo sa mga barkada ni Ate. Mahirap na at magkakwentuhan. Baka madulas ang tatlong ito. Dun ako sa kanila nakiupo.
Walang head table sa reception. Sweetheart table ang pinili para sa bride at groom. Yun ang nasa harap ng reception. Nakahiwalay ng table ang mga sponsors at guests base sa pamilya o grupo ng mga kaibigan.
Masaya naman sa reception. Nakakatuwa na marami sa handa, paborito ni Ate. Si Kuya Aris ang pumili ng mga ito. Ganun nya kakilala si Ate.
Nung sabihin ni Kuya Reid na ang malaking resort na yun ang regalo nya kay Ate Andie, at magkakaroon ng inauguration pagbalik nila from honeymoon,
"Hanep pala talaga bayaw mo eh," si Troy. "Kaya pala mani lang sa kanyang bigyan ka ng Augusta."
"Tapos grabe ito mangotong ng ng sponsorship sa atin," pang-aasar ni Paul.
"Excuse me! Sya ang mayaman, hindi ako."
"Ano'ng sponsorship?" Tanong ni Caloy.
"Uhm, mahilig magpalibre sa amin," palusot ni Troy.
Akala ko sasabihin ng kulangot na ito yung allowance na binigay nila sa akin ni Paul dati.
Nung mag-ikot ang mag-asawa sa mga table para sa picture taking sa bawat guests, pinakilala ko yung tatlo.
"So, ikaw pala si Paul," sabi ni Ate. "Pogi naman pala, Half!"
Pinanliitan ko ng mata si Kuya Reid. Kumindat lang sa akin ang aso ni Ate.
"Pipili ba naman ako ng panget?" sabi ko.
"XG, break na tayo. Matagal na. Bestfriend na lang tayo. Sayang kung may chicks akong makikilala dito. Wag ka na."
Natawa sina Ate.
"Si Troy, Ate. Bestfriend ko rin."
"Congratulations po," nag-abot ito ng kamay sa mag-asawa.
Wow! Ang bait ni Troy da Kulangot!
"Tapos si Caloy, kaibigan ko rin."
"Di mo bestfriend, bunso?"
"Nililigawan ko po si Juno," boluntaryo ni Caloy sabay abot ng kamay sa mag-asawa. "Congratulations po!"
Nag-init ang mukha ko sa pagiging diretso nito kay Ate. At sa harap pa ni Kuya Reid na kumunot ang noo.
Juice colored!
"Ganda ng lahi natin eh," sabi ko na lang ke Ate na may alanganing ngiti.
"Saan kayo nagkakilala ni Jun?"
Bigla akong kinabahan. Baka kung ano ang sabihin nya sa kapatid ko.
"Ahm, classmates po kami sa Palawan. Pero nauna po akong lumipat ng Maynila. Nagkita lang kami uli."
"Ganun ba? Gusto kong mag-usap tayo pagbalik namin from honeymoon, ok?" malumanay na bilin ni Ate.
"Mag-a-abroad po kasi kami ng father ko ng October. Kailan po ang balik nyo?"
Tumingin si Ate kay Kuya Reid.
"Then you have to come back by second week of November," seryosong sagot ni Kuya.
Naku naman! Syempre, mas pabor ito sa kaibigan nya.
"Wala pong problema," sagot ni Caloy.
Nakuyom ko nang mahigpit ang palad ko sa ilalim ng mesa.
Hanggang saan ang gagawin ni Caloy? Wala akong planong patagalin ang sitwasyon namin. Mamaya lang kakausapin ko na nga ito na huwag na munang magpapakita sa akin.
Pambihira naman!
Si Hopia, kasama nina Ate Sarah at Tita Alice sa table. Kulang isandaan din ang bisita. Sobra sa dami na gusto ni Ate pero tila di na nya yun pansin dahil kitang-kita ko ang saya sa mukha nya.
Nung makita kong nagsisimangot si Hope, nagpaalam ako kina Paul.
Nadaanan ko ang table ng pamilya ni Rob. Magalang akong bumati sa mag-asawa.
Nagulat ako nung tumayo si Tita Rhea at bumeso pa sa akin, "Bakit di ka dito maupo sa amin, Jun?"
"Oo nga, iha," si Tito Robert.
Muntik ko nang masabi na ayokong may ka-table na maarte. Andun din kasi sa table nila si Tamara. As expected, katabi si Rob.
Haplos ng haplos sa braso nung halimaw eh. Mukha bang pamunasan ng kamay ang tuxedo nito?
"Ahm, andun po kasi mga kaibigan ko," turo ko kina Paul. "Wala po silang kakilala dito. Wait lang po, nakasimangot na kasi yung pamangkin ko."
Syet! Ang galang ko, pramis!
"O, sige. Minsan, dinner ka sa bahay," si Tita Rhea.
"Pag hindi po busy, Tita. Dami pong gawa. Graduating na po kasi."
Nung kunin ko si Hopia, dun ko napansin na halos di tingnan ng Mommy ni Rob si Tamara. Si Tito Robert naman, civil lang dito.
Ay, badshot sa mga in-laws na hilaw! Kaya pala, kapit na kapit ke Rob.
Gusto kong mapahalakhak! TH talaga!
Kinuha ko si Hopia kina Tita Alice. Kaya pala nakasimangot, may isang batang lalaki dun na nakukulitan sya.
"Where's Tito Aris?" ang tanong. Close na rin kasi ito dun sa singkit na yun.
Pinaliwanag ko na may pinuntahan. Nagpilit ito na makausap.
Kaya sinama ko ito sa may bandang CR para wala masyadong ingay. Tinawagan ko
"Kuya," sabi ko pagsagot nya ng phone. "Hinahanap ka ni Hope. Kausapin mo sandali."
"Tito Aris, where are you?" yun agad ang tanong pagpasa ko ng phone.
Narinig ko na nagmamaktol si Hopia dahil walang kasayaw sa reception. Tapos sinumbong yung batang nakukulitan sya.
Maya-maya ibinalik na sa akin yung cp ko.
"Oh, kuya, ayos na?"
"Hindi. Wala bang kalaro yan dyan? Sabihin mo sa mag-asawa kung di nila aalagaan si Hope, kukunin ko na lang," biro nito.
Tumawa ako. "May kinakaasaran kasing batang lalaki dito."
"Turuan mong manapak. Ang sakit mo kayang manuntok," natatawang sabi.
Pero alam kong malungkot pa rin ito. Napasinghot nga. Mukhang galing sa pag-iyak.
"Sira!" Tumikhim ako. "Kuya Aris... pasensya na dati ha? At...salamat uli nang marami."
Natahimik sya sandali.
"S-sige na," paalam nya. "Dito na 'ko sa airport."
"Ok, ingat. Pasalubong namin ni Hopia ha?" Lambing ko. Dati kasi, nag-aabot ito sa akin ng pasalubong kapag pupunta sa bahay namin sa Sucat.
"Sure!"
"Tita Dyosa, wiwi!" tagtag ni Hope sa gown ko pagkatapos ng tawag.
Ano pa nga bang magagawa ko? Pati tuloy ako napa-CR na. Paglabas namin ng cubicle, naroon si Tamara na nagre-retouch ng make-up.
Nasuya na naman tuloy ako.
Inalalayan ko si Hopia maghugas ng kamay.
"Not retouching?" bigla nyang sabi.
Napalingon tuloy ako sa paligid. Walang ibang tao dun kundi kaming tatlo lang.
"Ako ba kausap mo?"
"Who else?"
Ay, di ko gusto tono ni Ateng Harot!
"Hindi na."
"I'm Tamara, by the way."
"Ah, ok," yun lang sinabi ko. Humila na ako ng tissue para punasan ang kamay ni Hope.
"Tara na, baby."
Pagbukas ko ng pinto, humirit si Tamara, "That's really rude!"
"Ha?"
"I just introduced myself. And you did not?"
Kumunot ang noo ko, "Look, Tamara. Wag na tayong mag-plastikan. Alam kong alam mo kung ano ang pangalan ko. Sinundan mo talaga ako dito. Ang ayos pa nang make up mo eh, bigla kang magre-retouch? Anong purpose mo pagsunod sa 'kin ha? Tss. Mga bulok na style ng mga insecure, alam mo yun?"
"Bitch ka nga tulad ng nalaman ko," sarkastiko nyang sabi.
"May bata akong kasama. Bantayan mo yang bibig mo," pigil ko ang inis dahil nakita ko na ang nagtatakang tingin s amin ni Hope.
"Well, I'm not cursing like you always do. I was merely trying to describe you."
"Ah ganun ba? So dapat alam mo rin ang kaya kong gawin kapag napepeste ako?"
Namutla ito bigla.
Napangisi ako.
"Tsaka di ako interesado malaman ang kahit ano sa iyo. Bakit ako mag-aaksaya ng panahon makipagkilala sa iyo? Ikaw lang naman interesado. Crush mo 'ko?"
Nanggalaiti ito, "Why, you—"
"What's going on here?"
Biglang nanigas ang likod ko.
"Hi, Tito Rob!" bati ni Hope.
Yumuko ito para tanggapin ang yakap at halik ni Hope. "Hello, Hope!"
Tapos tumingin sa amin. "So, are you two fighting?"
"I guess they are, Tito," sumbong ni Hope.
"Ay baket kami mag-aaway?" sabi ko.
"She was being a bitch to me, Robbie?" Tumabi agad sa halimaw at kumapit sa braso.
Robbie?! Ang arte talaga!
Napatirik ang mata ko.
"Look! She's rolling her eyes!" Akusa pa.
"Ano ka, bata?" di ko napigilang sabihin. "Tsaka sinabihan na kita kanina. Yang bibig mo. Andito si Hope."
"Ikaw ang nauna!"
"My ghad, Agoncillo! Natagalan mo ang kaartehan nito?" sabi ko.
"What did you do to her, Jun?"
"Excuse me? Ako? Naku, Robinson. Ewan ko sa 'yo! Alam mong di ako nagsisimula ng issue. Tagatapos lang ako. Isa pa, artista sa teatro itong ex mo, di ba? Nagpapaniwala ka sa arte nyan?"
"I'm not his ex. Girlfriend nya ako!"
Ouch! Ano raw?!
Napatingin ako kay Rob. Walang reaksyon ang mukha nito, basta napatingin lang rin kay Tamara.
Tumikhim ako para alisin ang tila batong biglang bumara sa lalamunan ko, "Ganito, Rob. Sabihin mo sa girlfriend mo, wag syang lalapit sa akin pretending na mabait o nagpapakilala. Di ko alam kung anong gusto nyan at kailangan pa akong sundan sa CR. Napaka-nonsense! Artista ba talaga yan? Masyadong obvious eh. Alam mong asar ako sa mga plastik. Lalo na sa sinungaling."
Talagang diniinan ko ang mga salitang yun.
Binuhat ko na si Hope at nilayasan sila. Ilang beses akong huminga ng malalim kasi nangingilid ang luha ko.
Tarantadong halimaw yun! Sinungaling! Ginawa pa akong number two?!
Gago sya! Sinira nya ang resolve ko sa pagitan nila ni Caloy!
Balik na lang talaga ako sa unang plano. Layuan sila pareho! Wala nang balikan!
"Tita Dyosa, are you mad at that lady?" inosenteng tanong ng pamangkin ko. "She said a bad word."
"Hindi, baby. Di lang kami nagkaintindihan kanina kasi nga dun sa bad word. Wag mong gagayahin sinabi nya ha?" paliwanag ko.
Halatang di sya masyadong kumbinsido sa sinabi ko pero tumango naman.
Medyo kalmado na ako pagbalik sa table namin. Dun ko na rin isinama si Hope.
"It's you!" sabi ni Hope kay Caloy. "The good arcade driver who smelled Tita's toot!"
Maryosep! Namula ang mukha ko. Ito si Hopia, pati naman utot ko!
Tawa ng tawa yung tatlo. Pinakilala ko sina Paul at Troy.
"Best friends ko sila, baby. Parang si Mommy mo at si Tito Aris," sabi ko.
"Oh, I see! Hi po, Tito Paul, Tito Troy!"
"Do you remember my name?"
"Uhm... tito ano po...wait... Tito Caloy?"
"Good job!" Nagkipag-apir pa kay Hope.
Dun ko nakita na mahilig sa bata ang tatlong lalaki. Kasama ko silang nagbantay kay Hope habang tuloy ang program. Sa kanila ko rin iniwan ang pamangkin nung magbibigay ng message sa bagong kasal.
Isinoli ko lang si Hope kina Tita Alice nung tawagin na ang mga single para sa bouquet at garter throwing.
Sa likod ako pumwesto. Wala naman yatang twenty ang mga kasali. Kairita lang at tila excited si Tamara at sa harap pa talaga puwesto!
Ang kaso,
"Juno, di ka sa harap," tawag ni Ate. "Natabunan ka na dyan sa likod."
Nagtawanan tuloy yung mga bisita. Nakanguso akong naglakad papunta sa harap pero sinalubong na ako ng kapatid ko at inabot sa akin yung bouquet.
"Hala ka!" sabi ko. Ayokong abutin "Si Ate, parang sira!"
Tumawa ito, "May nabalitaan ako sa iyo. Kunin mo na. Iaabot na lang ni Reid yung garter kay Ro—"
"Wag!" awat ko.
Napatingin si Ate sa akin. Umiling ako.
"Girlfriend nya yung partner nya sa simbahan," bulong ko. "Nakausap ko sila kanina sa CR."
Nalito si Ate. "Teka nga. Half!"
Napasapo ako sa noo ko. Nag-usap sila ng mahina. Kumunot ang noo si Kuya Reid tapos tumingin kay Rob tapos sa akin. Umiling ako.
Lumapit sila sa akin.
"Kunin mo na 'to! Kukurutin kita sa singit," sikmat ni Ate.
"Kunin mo na, Jun. Papakasalan naman kita," sigaw ni Caloy na nakangisi.
Nagkaroon ng tuksuhan.
Ngumuso ako. Tapos kinuha ni Ate ang kamay ko at nilagay dun yung bouquet.
"Kay Paul o kaya ke Troy mo ibigay yung garter ha," bulong ko sa kanila. "Ayoko ke Rob. Kung hindi, susunugin ko villa mo!"
Napapailing na lang ang aso ni Ate nung ganun din ang bilin ng kapatid ko sa kanya.
Nagkahiyawan nung malanding gumapang si Kuya Reid papunta sa direksyon ni Ate na nakaupo sa isang silya. Lalo na nung maharot itong sumukob sa gown ni Ate.
Nasobrahan yata sa sugar ang aso ni Ate. Grabeng hyper ngayon eh!
"No hands, Reid," sabi ni Ralph. "Just the teeth!"
Hagalpakan ng tawa.
"Reid! May mga bata dito!" Natatawang saway ni Ate.
Nung makuha na nya ang garter sa hita ni Ate, pabirong nagpunas ito nang pawis. Tapos tumingin kay Rob na kasali sa mga nakatayong single men na sasalo nung garter. Nasa dulong kanan ito nakapwesto katabi ni Ralph at nina Kuya Mike.
"Freidrich!" warning ni Ate kay Kuya Reid.
Matipid na umiling si Kuya Reid kay Rob tapos humakbang sa gitna. Tumalikod ito. Ipapaagaw na lang nya!
Tiningnan ko sina Paul at Troy, then I mouthed: Kunin nyo!
Nag-thumbs up pareho.
Pagtingin ko kay Rob, madilim ang mukha nito. Tapos naglakad papunta kay Kuya Reid.
"Give me that!" Kinuha yung garter sa kamay nito.
"Whoaaa!!! May nagke-claim kay Bunso!" sabi ni Kuya Jeff.
Nagkatuksuhan. Pasimuno barkada ni Ate at sina Troy.
Napatingin ako kay Caloy na nasa bandang kaliwa. Nakatingin rin pala sya sa akin. Umiling ako sa kanya tapos nagkibit ako ng balikat.
Ngumiti ito ng tipid at tumango.
"Attaboy! That's my son!" si Tito Robert.
Nahuli ko ang pagsimangot ni Tamara. Napataas ang kilay ko.
Nagsisinungaling yata ang babaeng ito kanina sa CR? E kaya lang kasi, bakit di kinontra nang gagong halimaw na yun?
Tinawag na ako nung maglagay na nang upuan sa gitna para sa akin.
"Sige lang, Jun! Mag-usap pa kayo sa tingin," babala ni Rob nung nakaluhod na sya sa paanan ko.
Inirapan ko sya, "Dun mo kaya isuot yan sa syota mo! Ginawa mo pa 'kong number two!" asar kong bulong.
"Wag ka masyadong halata magselos, Jun. Kinikilig ako," nakangisi nyang sabi.
"Tadyakan kita dyan eh!"
"Nagkakaligawan na agad oh!" si Kuya Mike.
"Kanina pa bulungan ng bulungan eh," si Sam. "Sagutin mo na!"
Inambaan ko sila ng kamao. Tinawanan lang ako.
Nung isinuot na ni Rob ang garter sa binti ko, "Higher!"
Ang sira ulong abogago! Pinanliitan ko ng mata.
Napahagikhik sina Ate Rika nung itaas pa nga ng halimaw ang garter.
"Higher pa," si Ate Vina.
Pinanlakihan ko na ng mata si Rob. "Agoncillo, tatadyakan na talaga kita."
Pero inangat nya pa talaga lampas sa tuhod ko, "Go ahead! Di ako iilag. Just don't believe what Tamara said."
"E bakit di mo kinontra?"
"Higher!" Ewan ko kung sino yung sumigaw.
"Subakan mong iangat pa yan, sisipain na talaga kita!" mahina kong sikmat.
"I won't if you won't believe her."
"Di mo sinagot ang tanong ko."
Tumayo na ito matapos ibaba ang laylayan ng gown ko.
Di na rin uli nagsalita si Rob kahit nung last dance na kasabay namin ang bagong kasal.
After the dance, sinayaw din ako nina Paul at Troy...pati si Caloy.
Hindi na tinapos nina Ate ang reception dahil pupunta na sila sa airport para sa honeymoon nila sa Germany at ilang parte sa Europe.
"Dyosa, dahan-dahan sa pag-inom. Lalabas ang mga sikreto mo pag nalasing ka," natatawang awat ni Troy sa akin. Kababalik lang sa table namin matapos makipag-usap sa isang grupo ng young professionals sa kabilang table.
"Sira ulo!"
Si Paul, may kausap na mga mukhang businessmen. Feeling ko, naghahanap ng prospective clients na mahilig sa stock market.
"Paanong lalabas?" Tanong ni Caloy. Di ito umaalis sa table kasama ko.
"Wala!" singhal ko.
Tumawa lang si Troy.
"Bunso!" Tawag ni Kuya Mike. "Dito kayo ng mga bisita mo."
"Ayoko nga! Aasarin nyo lang ako!"
Nagtawanan ang mga ito.
"Lika dun tayo," hila ni Troy sa akin. "Makakuha man lang ng kliyente. Si Paul, mukhang nakakadami na nang kausap eh."
Inirapan ko ito. Pero lumipat kami matapos kong yayain si Caloy.
"XG!" tawag ni Paul. Pabalik na ito. "Saan kayo?"
"Dun kina Kuya Mike. Wag kayong magbabanggit tungkol sa DR. Lulunurin ko kayo sa pool!"
Tinawanan lang ako ng tatlo.
Nadaanan na naman namin ang table nina Rob. Tigas ng leeg ko na di tumingin kahit ramdam ko ang mata nito at ni Tamara sa amin.
Sa sobrang bwisit ko, kumapit ako sa braso ni Caloy.
Naramdaman ko na tila nagulat ito sa ginawa ko pero ipinatong nya rin ang malayang kamay sa kamay kong nasa braso nya.
Biglang dumagundong ang puso ko.
Syeeet! Heart, kalma!
E bakit ka kasi kumapit? Pinagseselos mo si Rob, pero mas mahal mo rin si Caloy? Ayan na naman tayo eh. Nagsasalawahan ka, Juno! Umayos ka!
Sumbat ng utak ko.
Hinila ko ang kamay ko paalis sa braso ni Caloy, pero mahigpit nya yung kinipit sa braso nya.
Di na ko nagpilit. Magmumukha kaming tanga.
Dun na kami nakipagkwentuhan.
Tinanong sila kung paano kami nagkakilala.
Ganun pa rin ang sinabi ni Caloy sa kanila gaya kay Ate Andie.
Ang kinabahan ako, kay Paul at Troy.
"She was selling a good car for her manager," si Troy. "Ako ang naging agent nya. I mean, sa car showroom namin naka-display yung sasakyan, habang pina-auction ko. And my bestfriend Paul, bought it."
Nakahinga ako ng maluwag.
"Ah, ganun pala," si Ate Vina. "Siguro, dun kayo nagkagustuhan ni Jun, ano, Paul?"
Biglang may tumikhim sa likod ko.
Kahit di ako lumingon, alam kong si Rob iyun.
"Yeah, something like that," nakangiting sagot ni Paul na di pansin si Rob na naupo sa bakanteng upuan katabi ni Ralph.
Asan yung dikya nyang kasama? Sayang, di nya isinama. Aasarin ko sana.
"Gaano kayo katagal?" Si Kuya Erol. Eto na naman si Manong!
"Almost a year din."
"Uy, medyo matagal din ha! E bakit kayo nag-break?" usisa ni Ate Rika.
Ako na ang sumagot, "Nag-aral sya sa US ng stock market keme-keme. Madaming chicks dun. Binigyan ko sya ng pagkakataon mag-explore."
Nahuli ko ang biglang pagtalim ng mata ni Rob sa akin.
"Teka, XG. Ang alam ko, ako ang nakipag-break sa iyo ah!" salag ni Paul.
Nagtawanan uli sila nung suntukin ko sa balikat si Paul.
"Ayan talaga ang dahilan. Kasi nga battered boyfriend ako," natatawa nyang dugtong.
"Troy oh!" Sumbong ko.
Tumawa si Troy, "Totoo naman! Sinikmuran mo dati si Paul nung—"
"Benavidez!" warning ko. Baka mabanggit nila na sa DR event yun nangyari.
Tumawa lang sila.
"Benavidez?" si Kuya Jeff. "Sa inyo ba yung mga showroom ng used cars?"
"Uh, yes. I manage most of them. If you like to sell your cars, you can contact me. We also have cars parts and accessories."
Whew! Buti na segue na ang usapan.
"Ito si Paul, kung interesado kayo sa stocks and investment," gatong ko pa.
Dun na umikot ang usapan. Sa mga business. Nagpalitan sila ng number.
"How about you, Caloy?" si Sam.
Syeeet! Baka mapahiya ito.
"Uhm, distributor ng iba't-ibang brands ng electonics and gadgets ang business ng family namin. Tumutulong lang ako ngayon kay Dad at Kuya. Nagloko kasi ako sa pag-aaral," pag-amin nito.
Napatingin ako dito. Well, that's good. At least di sya nagsinungaling.
"But," tumingin sa akin sandali. "I'm flying to Netherlands to continue my studies there."
Napalingon ako bigla sa kanya. Sa magkahalong pagkagulat at parang may pumisil uli sa puso ko.
Sabi ko na, iiwan rin ako nito.
Di ba yun naman ang gusto mo? Yung lumayo kayong tatlo sa isa't-isa. Tsaka at least, mag-aaral na talaga si Caloy. Di ba, ilang beses mong isinermon yun sa kanila nina Pat dati?
Pasimple akong huminga mula sa bibig ko. Ayokong umakyat ang init sa mata ko. Andito mga kuya-kuyahan at ate-ate ko. Nakakahiya!
Pasado alas-onse ng gabi, marami nang mga bisitang umuwi. Iilan na lang kami doon.
"Inaantok na 'ko," sabi ko. "Di ako sanay sa wine."
"Palibhasa, beer at hard drinks ka sanay," si Troy.
Nagpaalam na rin ang mga ito sa mga kaibigan ni Ate Andie at Kuya Reid.
Kanina pa umalis si Rob kasama yung maarteng dikya. Nakaalis na rin ang mga oldies na bisita.
"Sa villa ako matutulog," sabi ko sa kanilang tatlo. "May mga damit akong naiwan dun."
"Saan ba yung villa?" Tanong ni Paul. "Hatid ka na namin."
"Dyan lang sa likod nitong resort. 'Lika, walking distance lang naman."
"Paano bukas pag-uwi mo?" si Troy.
"Ako na'ng bahala dun. Makikisakay siguro ako kina Tita Alice hanggang sa condo ni Kuya Aris. Iniwan ko dun si Augie. Tsaka maglilinis ako sa condo nya. Makalat dun pag-alis namin. Eh isang buwang wala yun tao."
Naisip kong gawin yun para kay Singkit. Ayokong pagbalik nya, makikita nya ang bakas ng kasal ni Ate sa loob ng condo nya. Tama na yung sakripisyong ginawa nya.
"Putsa, Jun! Palasyo ba yan?" turo ni Troy sa villa pagpasok namin sa bakod.
"Konte. Magtaguan tayo dyan, aabutin ng buong araw kang taya," tawa ko. "Dyan yung unang picture namin ni Augie baby."
Tinuro ko yung fountain sa harap ng villa.
"Oo nga, ano!"
"'Tragis! May grand piano pa sa sala!" si Paul pagpasok namin sa sala.
"Parehong magaling mag-piano yung bagong kasal," sabi ko.
Pinakilala ko sila kay Nanay Lydia at mga kasambahay na gising pa.
"Nay, pwede pong patimpla ng kape para sa amin?" request ko.
"Ay sige lang. Dun kaya kayo sa tabi ng pool maghintay. Mahangin dun," ang sabi.
"Tara, sa likod tayo. Maganda rin dun," yaya ko.
"Uhm, Paul, Troy, pwede ko bang makausap sandali si Jun? Yung kami lang," biglang sabi ni Caloy.
Nagkatinginan kaming tatlo.
Tumango yung dalawa, "Sige. Dito na lang kami."
Sa kusina kami dumaan para masabihan si Nanay Lydia na naiwan yung dalawa sa sala.
Ilang segundo kaming walang imikan ni Caloy pag-upo sa may garden set doon.
Hinintay namin yung kape.
We we're halfway sa pag-inom nang brewed coffee nung magsalita si Caloy.
"Jun, yung sinabi ko kanina. Yung mag-aaral ako sa Netherlands, totoo yun. Yun ang naging deal namin ni Dad kaya sinuportahan nya ako sa DR nitong mga nakaraan. Pati ang pagbili ng bago kong kotse."
Hindi ako nag-komento.
"Naisip ko kasi, I'm not getting the girl I want because maybe I'm not deserving. All I have is drag racing. I ... I can't support a family when the time comes."
Nagsimulang manikip ang dibdib ko. Ang swerte talaga ni Anne!
"Y-yan ba sasabihin mo sa 'kin?"
Tumikhim sya, "I uhm... I may be asking too much from you, Jun. But this will be the last. Sana pagbigyan mo ako."
"A-ano yun?"
"I've been joining a lot of races recently. Kasama sa usapan namin ni Dad na once mag-aral na uli ako, wala nang DR. Ituloy ko na lang daw pag-graduate ko. So, I'm making the most out of my time."
Napakagat ako sa labi ko. Alam ko ang tinutungo ng salita ni Caloy.
"Jun," ginagap nya ng mahigpit ang kamay ko. "Yung dare date mo kay Mr. Cookie, I want to claim that, kahit alam kong wala naman talaga akong karapatan. I'm just desperate for your approval."
Tumulo na yung luha ko. Sya ang nagpunas nun.
"Jun, look at me please," inangat nya ang baba ko patingin sa kanya. "Alam kong tinalikuran mo na ang drag racing. But... I want my last race with you. Our tandem. I want to remember those glorious days we had. Manalo matalo. I don't care. So long as ikaw ang kasama ko sa huli kong karera."
Napakagat ako sa labi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Jun... please..."
Tumango ako, "S-sige. W-wag kang mag-alala. Di tayo matatalo, Caloy. Pangako yun."
Ngumiti ako sa kanya ng tipid.
Hinila ako ni Caloy patayo tapos niyakap ako ng mahigpit.
"Thanks, Jun. Thank you so much."
Di na ako nakakibo. Naiyak na lang ako.
Ito na ang last. Sa araw ng karera, yun na ang closure na hinihintay ko. Maayos na closure.
"I'm going with you!"
Napabitaw ako ng yakap kay Caloy.
Si Rob ang dilim ng mukha na nakatingin sa amin.
Akala ko ba umuwi na ito kasama yung dikya nya?
"No, you're not," simpleng sabi ni Caloy.
"Tell him, Juno. How important keeping promises are for you and your family."
"Ha?" Nalito ako.
"Don't you remember? You said, isasama mo ako sa date dare na yun!" Gigil nyang sabi.
Then it hit me.
Syet na malagkeeeet!
===============
Cross Over with HEA 58 and CR Prologue
================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro