60 Not Yet
Three versus one.
Kung sa suntukan, kayang-kaya ko yan.
But in this case, Caloy plus the sentinels, I felt like the fourth pick. The ultimate loser.
Sumama pa rin ako sa paghatid. Kahit si Juno, sumakay na sa kotse ni Paul, hindi sa Audi ko. Convoy kami.
While alone in my car, maraming bagay ang naglalaro sa isip ko.
Gusto kong makausap si Jun ng sarilinan.
Maayos naman ang pagtanggap sa akin ng nanay ni Paul pagdating sa kanila. Naroon nga lang ang bahagyang coldness.
Siguro dahil narito na si Paul na gustung-gusto nya para kay Jun at nakadagdag pa ang nangyari.
"Jun, naayos ko na ang guest room. Dun ka muna habang narito ka," ang sabi ng matanda.
"Tita, gusto ko sa kuwarto ni Paul," mahinang sabi ni Jun.
Nanlaki ang mata ko. Ganun din si Caloy. Pero bago kami maka-angal,
"Putsa naman, XG, ako pa palilipatin mo?" reklamo ni Paul.
Nakita kong natatawa si Troy.
"Eh kasi, baka mamahay ako sa guest room."
"O sya," sansala ng nanay ng lalaki. "Lilipat si Paul."
"Ma, ako ang anak mo," hirit pa rin ni Paul. "Pambihira, miss ko na kuwarto ko."
"Wag ka na. Mas mahal ni Tita Pam si Jun," si Troy.
"Paul, sumama kayo sa itaas para mailipat ang ilan mong gamit. At mag-uusap tayong apat. At kayong dalawa, wag kayong mag-aaway dito sa ibaba," sabi pa sa amin ni Sorriente.
Nung umakyat na sila at kami na lang dalawa sa ibaba, hindi ako nakatiis.
"Kung aalis ka papunta ng Netherlands, wag ka na bumalik dito."
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Caloy. Pero agad ding nakabawi.
"So, totoo nga ang sabi ni Troy," tapos ngumisi. "Anyway, di naman ako natatakot sa iyo. At hindi ikaw ang magdidikta sa akin ng gagawin ko. Lalo lang akong nakukumbinsi na natatakot lang sa 'yo si Juno kaya di ka nya basta madispatsa nang tuluyan."
Mariin akong nagkuyom ng kamao.
He's getting Troy to his side now. Not good.
Natutukso na akong patayin ito at ilibing na di na makikita kahit kelan. Tsk!
Hindi na ako nagsalita. Baka magkainitan kami nito, dahil sa kundisyon ng emosyon ko, mabilis umakyat ang galit sa ulo ko.
Naunang bumaba ang Mama ni Paul.
Tinawag ako nito, "Halika sa dining. Mag-usap tayo."
"Ano'ng plano mo ngayon?" Diretso nyang tanong pagkaupo ko.
"Kung pwede ho sanang... dito rin ako habang naririto si Juno, Ma'm."
Huminga ito ng malalim. "Nakikisimpatya ako sa nararamdaman mo sa kanya at ang nararamdaman mo ngayon sa pagkawala ng anak nyo. Nung una, nagagalit ako, kami nina Paul sa nakarating na balita kung bakit nakunan si Juno. Pero ipinaliwanag nila sa akin ngayon ang sinabi ng doktor. Ang hindi ko gusto e ang pagkakabuntis si Juno. Bakit di ka gumamit ng proteksyon? Inamin niya sa akin sa itaas, ikaw ang una. Hindi sya eksperyensado. Ikaw ang dapat nagpaalala sa kanya tungkol sa...Tsk! Sinadya mo ba, Rob?"
Hindi ako nakakibo. Napayuko ako.
"Bakit? Natatakot ka kay Caloy?"
Lalo akong walang masabi. Sapul na sapol ako.
"Gusto mo bang piliin ka ni Juno ng dahil lang sa bata? Masyado ka namang makasarili."
Nangilid ang luha ko. "W-wala pa ho si Caloy nung... nung unang may ...naisip ko na ring pakasalan sya. Nung gabing dapat mag-uusap kami, saka naman sumulpot si Caloy."
"Kaya minadali mong mabuntis?"
Kinumpirma ang tanong nya sa pananahimik ko.
"Tsk! Sabi ko na. Wala na kaming extrang kuwarto para sa iyo. At kahit meron, ayoko. Hindi ako kumportable na may ibang lalaki ritong natutulog maliban sa anak ko at kay Troy."
"Pwede kang dumalaw hangga't naririto si Jun," si Paul. Nakababa na pala ang mga ito. Nakatayo rin si Troy sa likod nito. "Gaya na pupuwede ring dumalaw si Caloy sa kanya. Pero kung mai-stress nyo si Jun, wag na kayong tumuntong sa bahay namin."
"Gusto ko sanang makausap si Jun, bago ako umalis," ang sagot ko sa halip.
"Nagpapahinga na sya," sabi ni Troy.
"Saglit lang," pilit ko.
"Sige. Pero sasama kami," si Paul.
Harang talaga ang dalawang ito kay Juno.
Si Paul ang kumatok ng isang beses at nagbukas ng pinto sa kuwarto ni Jun.
Inabutan namin sya na may kausap sa phone. Si Andie.
"Sige, Ate. Pakisabi na lang kay Hopia, miss ko na sya tsaka next week na ako makakadalaw ha? Ok, bye," sabi nya sa pinasiglang tinig.
Nagtatanong ang mata nito nung ilapag ang phone sa sidetable ng kama.
"Kakausapin ka raw," imporma ni Paul.
Kaya tumingin sya sa akin. Tumikhim ako.
"How are you feeling now?" Tanong ko. "May masakit pa rin ba sa iyo?"
"W-wala naman. Ano, mamaya iinom ako ng gamot ko."
"G-good then. Uhm, uwi muna ako. Wag mo nang isipin yung duplex. I'll check on it from time to time. Pati si Augie. Hanggang kailan ka ba dito?"
Nagkibit sya ng balikat. Ayaw nya bang sabihin sa akin?
Saglit kaming nilamon ng katamihikan.
Tumikhim uli ako, "Jun?"
"Hmm?"
"Remember that talk we had. Yung kakapunta ko pa lang sa US? The day I told you na bibigyan muna kita ng space."
"Uhm... bakit?"
"You told me...you were just done with your period. Kanina ko lang naaalala on our way here.Why?"
"A-anong 'why'?"
"Why did you lie to me?" di ko maiwasang magkaroon ng bahid ng hinanakit sa boses ko. "You never lied to me before. You're stuttering then, I thought, because you were just confused like what you claimed."
Nag-iwas ng mata si Juno. Hindi ito nagsalita.
"Jun, answer him," utos ni Paul.
She started fidgeting.
"Love?"
Umangat ang kamay ni Juno na tila pinahihinto akong magsalita, "Rob, n-no endearment please. L-lalo lang akong naguguluhan eh."
"A-alright," sagot ko. "So... why?"
"Uhm.... Ano, di ko naman alam na buntis ako, kasi nag-spotting ako. Ano, akala ko, di lang tumuloy dahil stress nga ako."
"You said you were just a week delayed. That spotting was two weeks ago, Jun."
"Uhm...akala ko nga kasi dahil sa stress kaya ganun."
"That's it?" Hindi ako makapaniwala sa rason nya.
"Ano kasi..." Napatingin sya kina Paul at Troy na tila humihingi ng tulong, pero tinaasan lang sya ng kilay ng dalawa na tila hinihintay rin ang sasabihin nya.
"K-kasi, nape-pressure ako sa iyo. Granted na may nangyari nga, pero lahat na lang sinabi mo para mapapayag ako. Gusto ko ng space tulad ng pinangako mo bago ka umalis pero ayun nga tumawag ka agad dahil nagkita kami ni Caloy. Pero, lalo mo akong p-in-resure nung isangkalan mo na baka buntis na ako at yayain mo akong magpakasal."
"Mahal na mahal kita, Jun. What do you expect? Tumawa ako na tinanggihan mo proposal ko?"
"What?!" sabay na sabi nina Paul aT Troy. "Jun, wait. Ano'ng kasal?"
Hindi nagsalita si Juno.
"Yeah, I asked her. She declined," ako ang sumagot sa dalawa.
"Bakit mo tinanggihan?" tanong ni Troy.
"Oo nga, XG. Bakit?" Nakapamewang na si Paul.
What's with XG? Yun naman ang gusto kong itanong.
"Ano yun, proposal over the phone? Ni walang singsing at flowers?!" Iritableng salag nito.
"Ano?!" tatlo na kaming sabay na nagulat.
"Bakit? Masama bang sinabi ko?! Bawal bang mangarap ng romantic na proposal?!" asar na sabi.
"I ... I ... shit!" Frustrated kong sabi. "Jun naman! Nasa America ako nung mag-usap tayo."
"E kaya nga nitong bigyan ka ng sampung singsing para sa lahat ng daliri mo," turo sa akin ni Troy.
"And a flower farm para may bulaklak ka habambuhay," sarkastikong dugtong ni Paul.
"If that's what you want, Jun. I'll bring the ring and the flowers. Just give me an hour. Babalik ako dito."
Naiinis na naihilamos ni Jun ang palad sa mukha, "Hindi naman yun ganun basta-basta eh. Rob naman! Alam mo naman ang dahilan ko. Ayokong maging unfair. Gusto kong makasiguro."
"Meaning?"
Umiling si Jun, "Nakakasakal na minsan kasi ang paraan mo. You're everywhere. Minsan hindi ako makahinga. Hindi ako ang tipong clingy, Rob. Mahal ko ang kalayaan at privacy ko. Alam mo yun. You're putting all your claims sa akin. To the point na parang ayaw mong makapag-isip muna ako at magkaroon ng realization kung ano talaga ang nararamdaman ko sa iyo. Parang pinapakain mo ako ng isang bagay at pinapalunok sa akin yun, without letting me taste and chew it first. Nabubulunan ako at hindi makahinga. Tapos umiyak ka pa dahil gusto ko munang makasiguro. I was exploring kung bakit hanggang ngayon apektado pa rin ako sa kanya kasi ang alam ko, wala na. Kahit mag-propose ka ngayon....h-hindi pa rin ang sagot ko," mahina nyang dugtong.
Bumagsak ang balikat ko.
Nakagat ko ang labi ko. "Yeah, I remember you saying that marriage is not the answer to pregnancy. It feels like you're just making excuses, Jun. But I just can't get it why you're not brave enough to make a choice."
"Rob naman..." tawag ni Jun.
Tiningnan ko sya at matipid na ngumiti. "Babalik ako bukas. Araw-araw hangga't narito ka. Ipaglalaban ko ang pwesto ko sa puso mo, Jun. Hanggang takot ka pang piliin sya."
Bumaling ako kina Paul and Troy. "Mauna na 'ko. Salamat sa time."
Matipid lang silang tumango pero masama ang tingin kay Jun.
"Wag nyo na syang kastiguhin. Baka makasama sa kanya. Hayaan nyo na lang syang mag-isip muna," sabi ko at lumabas na ng kuwarto.
Nagpaalam na rin ako sa Mama ni Paul. Ni hindi ko tinapunan ng tingin si Caloy papalabas.
Gusto kong tawagan si Ralph at Reid para uminom. But I rejected the idea. Maliban sa tuliro si Reid ngayon dahil kay Andie, malamang maparami ang inom ko. Baka di ako makapunta kay Juno kinabukasan.
I decided to go to the duplex. Doon ako natulog.
Kiinabukasan, nakita ko na may sinampay na damit pa pala ito sa likod bahay na hindi pa nakukuha. Ako na ang nagligpit nun, bago naghanda paalis.
Pumasok ako sa agency. Hindi nagsasalita ang secretary ko pagdating. Kahit ang alam nito ay nag-emergency leave ako ng isang buwan.
Halata nyang malalim ang iniisip ko.
Pinipilit kong i-digest ang mga sinabi ni Juno sa akin kagabi kung bakit sya nagsinungaling sa akin.
I called Jack. Sinabi nito na wala namang problema sa mga usap-usapan tungkol kay Juno at pagkaka-ospital nito.
Hindi ako nito biniro o tinanong tungkol kay Juno o kung bakit nasa opisina ako.
We were business as usual sa agency.
Bandang alas-tres, umalis na ako.
I went to a popular jewelry store. Kahit sinabi ni Jun that her answer is still a no, I bought her an engagement ring.
Dapat laging boyscout.
But no. Not flowers. Sabihin pa ni Sorriente, ginagaya ko pa syang gago sya.
I brought her fruits ... and mashed potato. A lot of it.
It was her craving. Craving that manifested a little too late.
Nakahinga ako ng maluwag nung wala dun si Caloy.
"Dito ka na maghapunan," alok nang Mama ni Paul nung iabot ko ang basket ng prutas. "Umakyat ka na lang sa taas. Di ko basta pinabababa si Juno at baka mabinat."
But got disappointed when I got in.
There's a bouquet of flowers on her bedside, and she was munching on a cookie while watching something on her laptop.
"Uhm, musta ka na?"
"Ayos naman."
"Di ka naman nabo-bore dito?"
"Medyo. Tulog si Paul maghapon eh. Jetlag malamang. May movies naman akong mapapanood online. Pinagtyatyagaan ko na."
"Jun..." inabot ko yung paper bag ng mashed potato.
Lumamlam ang mata nya nung kunin ang laman nun.
"Uhm, nabasa ko na hindi basta nawawala ang cravings. It may take days," sabi ko.
Binuksan nya ang isa at kinain. I sat on the floor beside the bed and watched her eat.
"Gusto mo?" alok nya.
Umiling ako. "Para sa iyo lahat yan. Uhm, how's your bleeding?"
Nagkibit sya ng balikat, "Malakas pa rin. Pero di na katulad nung una."
"Marami ka pa bang diaper?"
"May isang pack pa. Ano, after nun, babalik na ako sa pads. Mainit kasi. Tsaka kaya na naman siguro ng napkin."
"Jun..." I knelt on the side of the bed and reached for her hand. I squeezed it tight. "I'm really sorry."
Malungkot syang tumingin sa akin, "Di mo naman ginusto at kasalanan. Sorry din sa mga nasabi ko."
My tears fell. I kissed her hand. "Thank you."
Hindi na sya nagsalita. Ayos na rin yun dahil di nya binanggit si Sorriente. She continued watching the movie on the laptop habang nakaupo sa kama.
Nakinood ako kahit nakaupo ako sa sahig.
Maya-maya lang, kumatok ang mama ni Paul para sabihing kakain na nag hapunan.
Naabutan pa kami ni Paul na bagong gising nung pababa ng hagdan. Tumaas lang ang kilay nito pero walang sinabi.
I stayed until nine in the evening.
Kinabukasan pagbalik ko, nasa baba na si Jun. Gaya kahapon, nanggaling na dun si Caloy at di uli kami nag-abot.
May bulaklak at cookie box na nakapatong sa center table.
"Pinayagan na 'ko ni Tita Pam bumaba," sabi ni Jun. "Basta wag lang madalas na akyat-panaog sa hagdan."
Nanood kami ng movie habang kinakain nya yung dala kong cake at mashed potato.
Gaya kahapon, dun ako pinaghapunan. Hindi namin kasabay si Paul.
"Nakipagkita sa mga barkada nya," imporma ni Jun.
Nagpaalam na ako ng alas-nueve pero nanatili ako sa labas, sakay sa Audi.
Nung dumating si Paul ng madaling-araw, nagpakita lang ako sandali dito para bumati. Matipid itong tumango saka ako umalis.
Panlimang araw, maaga akong pumunta dun dahil may follow up check si Juno.
Kasama namin si Paul pagpunta sa ospital. Wala akong magawa kahit naaalibadbaran ako dahil ito ang nakaakbay kay Jun.
Sarap sapakin sa mukha. Ako lang dapat!
Kinabukasan, wala si Juno kina Paul.
"Umuwi na sa bahay nila sa Cavite. Hinatid ni Paul at Troy kaninang tanghali," imporma ng nanay ni Paul.
Iniwan ko pa rin sa kanya ang basket ng prutas bilang pasasalamat sa pag-aalaga kay Jun.
Bumili na lang ako ng bago on my way back to Cavite. I even bought grocery stocks.
Papaalis na ang sentinels ni Jun pagdating ko sa duplex. Papasakay na ang mga ito sa kotse.
"Akala namin, di ka na dadating," parinig ni Troy. "Muntik ko nang tawagan si Caloy kundi lang ayaw ni Jun na malaman nun ang bahay nya."
Ang lakas din mang-asar nito eh.
Kundi lang nasa gate si Jun at nakatingin sa amin, baka nasapak ko ito.
"Galing pa ako kina Paul. Nun ko lang nalaman na umuwi na si Jun," sagot ko.
"Rob," si Paul. "Alam ko namang kahit awatin ka ni Jun o namin, papasok at papasok ka sa duplex. Wag mo nang uulitin. Sa susunod na magbuntis na naman si Juno ng wala sa tamang panahon, hindi na ako makikinig sa katwiran. Ako na ang magpapakasal sa kanya tulad ng gusto ni Mama. Tutal, nung nasa Amerika ako at nakukunsumi si Jun sa inyo ni Caloy, niyaya na nya akong magkabalikan kami."
Nagulat ako sa narinig.
Napangisi ng malapad si Troy tapos tumingin kay Juno, "Totoo yun, Dyosa?"
Sumimangot si Juno sabay, "Paksyet ka, Paul!"
Sabay badtrip na bumalik sa loob ng duplex. Natawa ang dalawang lalaki.
"Di nga, Paul?" Tanong uli ni Troy.
"Oo nga. Di naman nya tinanggi, di ba? Minura lang ako."
"Tinaggihan mo?"
"Natural! Syempre, magpapakipot pa ako!"
"Gago!"
Tapos tumawa sila ng nakakaloko.
Nakuyom ko nang mariin ang kamao ko. Sarap nilang sapakin dalawa.
Pumasok na ako sa duplex bitbit ang mga pinamili ko. Walang tao sa ibaba, ni-lock ko na ang gate at main door matapos ayusin ang mga dala ko.
Nawala agad ang nararamdaman kong asar nung makita ko si Juno na nagtutupi nung mga damit nya na kinuha ko sa sampayan.
"Musta na pakiramdam mo?"
"Ikaw nagtupi nito, ano?" sa halip ay sabi.
"Uhuh," proud kong sabi.
"Kaya pala wala sa ayos," pagsusungit nya.
Napangiti ako. She's getting back to her old self.
"Jun, nag-dinner ka na ba?"
"Oo. Ikaw?"
Umiling ako.
"May pagkain pa sa baba."
"Sasamahan mo 'ko?" humirit ako ng lambing.
Napatingin sya saglit, "Sige."
Hinintay ko syang matapos magtupi dahil ayaw naman nya akong patulungin. Di daw kasi ako maayos gumawa.
Natigilan ito nung makita ang paper bag ng mashed potato.
"Rob, last na yan ha?"
"Wala ka nang cravings?"
"Ayoko na lang maalala."
Natahimik ako.
Pinaupo ko na lang sya at ako na ang naghain para sa sarili ko.
"Papasok na 'ko sa Monday," sabi nya habang kumakain ako. "Marami na akong na-miss out. Maghahabol pa ako ng mga projects at plates. Pati mga exams na di ko nakuha."
"Ok, but I will bring you to school and pick you up later. Wag ka muna mag-motor, alright?"
Tumango sya.
"Papasok na rin ako sa RC next week."
"Kaya mo na ba?"
"Oo."
"Sa dojo?"
Lumamlam uli ang mata nya. Tapos umiling. "Tumawag ako sa dojo. Ang sabi mo raw, one month akong di makakapasok. So, susulitin ko yung one month."
Naiintindihan ko. Kahit ako, maalala ko lang ang nangyari kapag nagpunta ako sa dojo.
We both needed time to heal.
That evening, we had a movie marathon and we slept again on the same bed. But something changed. Hindi sya humarap sa akin sa pagtulog.
Ayos lang. At least we are back in the duplex. I have three days to be with her in the duplex bago sya uli pumasok.
Maaga akong gumising kinabukasan para maghanda ng agahan. Pero halos tanghali na gumising si Juno.
We ate brunch together and a lot of fruits.
We were almost done eating nung may nag-doorbell.
Kumunot ang noo ko.
"Ako na," I volunteered.
Tiningnan muna ako ni Jun at ang suot ko. "Sige."
Tang ina! Kapag si Sorriente ito, maggu-good afternoon sya ng suntok!
Tumaas ang kilay ni Aris Kho nung ako ang magbukas ng pinto.
"What brought you here?"napansin ko na may pasa ito sa gilid ng labi.
"I need to talk to Jun. Ikaw? Bakit ka narito?" Tanong nya pabalik.
"She was sick. I came to visit. Don't tell Andie. Ayaw nyang mag-alala pa yun."
I opened the door and let him in.
"Jun, si Aris," tawag ko.
Tumayo agad ito papunta sa sala, "Bakit? May problema ba? Si Ate?"
"May...may pag-uusapan tayo."
Napatingin sa akin si Juno.
"It's fine that he's here," si Aris. "Alam na naman ni Schulz. Galing ako sa office nya kahapon."
And then they talked. The changes in the plans. He wanted to surprise Andie. It would be his wedding gift for her.
I guess the best wedding gift ever a man can give the woman he loves.
Umiyak si Jun. Ganun din si Aris.
Napatingin ako sa kanya habang nakasubsob sa palad nya.
It was automatic that I put an arm around her shoulder. She cried on my chest.
I looked at Aris.
Is this what true love is?
Kaya ko ba ang ginagawa nito ngayon?
Hindi yata. Iniisip ko pa lang, naiiyak na rin ako.
When they have calmed down, Aris spoke again.
"Samahan mo ako uli kay Ninong Art para magpaliwanag."
"Ngayon na ba?"
"Oo sana. I want everything polished. The wedding would be in the next two weeks."
I almost salute the man.
Hindi ko kaya ang ginagawa nito ngayon.
"Uhm, kailangan na ring masukatan ka ng para sa gown mo. Pupunta tayo after kay Ninong Art."
"Sige. Uhm, Rob, sasama ka ba?"
Mabilis na nag-replay sa utak ko ang sinabi nya sa akin nung na kina Paul sya.
"Nakakasakal na minsan kasi ang paraan mo. You're everywhere. Minsan hindi ako makahinga. Hindi ako ang tipong clingy, Rob. Mahal ko ang kalayaan at privacy ko. Alam mo yun."
Umiling ako. "May pupuntahan pa ako," palusot ko.
Papasa namang pang-mall ang suot ko. Hindi na ako umakyat para magpalit ng damit. Alam kong ayaw ni Jun na mag-isip nang kung ano si Aris tungkol sa amin.
Pagkabihis ni Jun, umalis na kami. Sa kotse sya ng lalaki sumakay.
Naghiwalay kami ng daan pagdating sa main road.
Sa totoo lang, di ko alam kung saan ako pupunta. I'm just wearing a pair of khaki shorts, white polo shirt and just a freaking leather slippers on my foot.
I decided to go to my condo when my phone rang. I switched on my bluetooth earphone to pick up the call.
Si Reid.He was ecstatic kahit pinipilit nyang kontrolin yun. Hinayaan ko syang magkwento habang nagmamaneho ako.
"Where are you?" I asked.
"Sa villa. Just finishing up talking to KC and her team. Yung dating coordinator namin. Punta ka dito."
"Alright. Si Ralph? Alam na ba nya?"
"Yeah. I called him last night to fix our documents. He's on his way."
Dumiretso ako sa Antipolo na di na dumaan sa condo ko.
Reid seemed so happy that it radiates in his face and action. Nakikipag-usap kay KC.
Nauna lang ako ng kaunti kay Ralph. Ito pa ang unang nakapansin sa suot ko.
"Di ka pumasok sa agency?"
Umiling lang ako. Then he got the message when I looked at him. He didn't ask further questions.
Sandali lang, nagpaalam na rin sina KC.
Reid invited us in the den. Naroon ang entertainment room at wine gallery nya.
He served us one of his most expensive wine collection. Masaya talaga ito.
Then he started talking about Aris Kho's visit to his office again. Para itong bata na nakatanggap ng pinakaaasam na regalo na paulit-ulit yung kinukwento.
Napapangiti ako. I'm happy for my best bud.
Ralph also informed Reid na maayos ang documents within the week.
"So, kwento ka naman, Rob?" biglang sundot ni Ralph.
"What about?" Maang-maangan ko.
Napatingin si Reid sa akin ng may pagtatanong. Tapos saka lang yata nito napansin ang suot ko.
"Yeah, what's going on? Sorry, I just noticed now. My mind was really occupied," paumanhin nito.
"It's alright, dude," sabi ko. "It will be a big day for you. Let's just talk about that."
"Aw, common, Rob. Talk. What are we here for?" Pilit nito.
"Nah!" I just waved my hand. Ayokong mabahiran ng lungkot ang sayang nararamdaman nito ngayon. He had a fair share of his own heartache.
"This is about Juno, right?" eto na naman si Ralph. "Being hospitalized."
Napatingin ako dito.
"Gotcha!" Natawa ito. Pati si Reid.
"Juno was hospitalized? Why?" tanong ni Reid.
"How d'you know, Marquez?" I asked.
"I was visiting a big client at the same hospital. I saw you, her and three guys going out. There was something off about the two of you. Anyway, who are those guys with her? Bakit hindi sya sa kotse mo sumakay?"
Ang hirap rin na may kaibigan kang magaling na abogado. Ang daming nakikita sa isang tingin lang. At ang daming ibinabatong tanong. Pakiramdam ko tuloy, under cross examination ako sa court hearing.
"Three guys, huh?" sabi ni Reid. "I bet the two would be Paul and Troy. But I thought Paul is in the US. But who's the other guy?"
I started tapping my fingers on the bar counter. Then I heaved a heavy sigh.
I told them what happened. They are my best buds after all. Maybe I need this to ease the heavy feeling in my chest. Later, I was already wiping tears off my face.
Tahimik lang ang dalawa.
"I'm sorry for your lost," tinapik nila ako sa balikat.
"It's ... we're doing fine. We're getting by," sabi ko.
"What's your plan?" si Reid. "Don't go forcing that Amazon to marry you by telling her sister. That young dela Cruz is a hard-headed rebel. She may obey her Drew, but I know, she'll make you regret marrying her."
Napasapo ako sa batok ko at ipinatong ang noo sa bar counter, "I don't know what to do anymore. I'm hanging on a cliff. I'm just waiting for her to step on my remaining fingers para bumitaw ako. Pero ayoko talaga. Sometimes, I'm on a verge of killing Sorriente so there's no way Juno could drop the bomb on me when she chooses him. It's inevitable. I can already see it coming... soon!"
Naiyak na naman ako. Shit!
"Soon?" Tanong ni Ralph.
"Sorriente is going to Netherlands three days after Jun's birthday. Itong dadating na October. I ..." napahinga ako ng malalim. "I think that's the time I will lose her. That's why, I'm making the most of my time with her. Kahit yun na lang muna. I don't know. Maybe, I'll just kidnap her and bring her somewhere far after her birthday. Fuck!"
"If that's what you want, I'll be your lawyer, as always," sabi ni Ralph. Tinapik-tapik pa ako sa balikat uli.
Tangna! Di ko tuloy malaman kung seryoso ito o ano. Dahil papatulan ko ang offer nya.
"Tigilan mo nga, Ralph," saway ni Reid. "Hey, Rob. Just be patient. Don't do anything rash. We'll try to think of something else, alright? Wait, how about you be my bestman instead of Ralph?"
"Oo nga. Para partner kayo ni –"
"No...no. That won't solve anything. Baka lalo pang mabwisit si Jun kapag nalaman nya," I dismissed the idea. "What I need is long term."
"You said that the guy bestfriends have a lot of influence to her. Why not—"
"No. Sorreinte is doing that now. Ayokong iba ang mag-iimpluwensya kay Jun. I want her to be with me dahil sa akin. Di dahil sa mga kaibigan nya. And... I don't like Paul and Troy."
"You're just jealous, Rob. Irrationally jealous," si Reid. "The way I see it, those two are just like Mike and Jeff to Drew, at a higher level."
"Tss."
"Why don't you ask them what the story behind the closeness. Something is really off about Paul being the first boyfriend, you know," suhestyon ni Ralph.
"Juno won't talk about it. If I ask Paul or Troy, they won't talk, too, lalo na kapag alam nilang hindi nagsalita si Jun. That's how tight knit their connections are. Damn! Paul would even marry Jun to save her face."
"Maybe Paul really likes her."
"Tangna, Ralph! Di nakakatulong mga sinasabi mo eh. Si Caloy pa lang, sumasakit na ulo ko."
Ralph and I left the villa around eight in the evening. We ate a light dinner dahil nga uminom na kami.
"Just do what you think is right for the both of you but don't be too drastic," was Reid's parting advice. "We will support you all the way."
"I'll be your lawyer, come what may," natatawang paalala ni Ralph nung papasakay na kami sa kanya-kanya naming kotse.
"Gago," I just muttered with a little smile on my lips.
It helped. Talking to Reid and Ralph. Kahit walang maayos na usapang dapat kong gawin.
Before ten in the evening, nasa tapat na ako ng duplex. Di agad ako bumaba. I just looked at the house for minutes.
It's still too early for Jun to sleep pero patay na ang ilaw sa ibaba. Yung malamlam na lampshade na lang sa kuwarto nya ang bukas.
The house looks gloomy. Yes, it is. Parang yung nakatira lang.
Is it because of what we lost? Or is it because of me holding her back to choose Caloy?
Ayoko man kasing aminin, I already feel insecured. Damang-dama ko kasi. She's bound to choose that asshole.
Idagdag pa ang mga sinabi ng hayup na lalaking yun. Na natatakot na lang si Juno sa maari kong gawin, hindi sa kanya, kundi kay Sorriente.
Bigla kong naisip si Aris Kho. Mali yata ako ng akala na matutulad ako kay Reid. Parang mas malapit ako sa karibal ng kaibigan ko.
Tsk!
Kaya ko bang kasama ko si Juno pero malungkot sya sa akin?
And I can still hear what Reid told me bago ako umalis sa villa.
"Just do what you think is right for the both of you but don't be too drastic."
Napayukyok ako sa manibela ng Audi ko. Huminga ako ng malalim. Ilang beses. Pero nangilid pa rin ang luha ko.
Kinuha ko ang cp sa dashboard and started composing a text message.
Love... You sure you can manage all by yourself? I don't want to give you more burden. I was thinking about what you said why you lied to me about your period. Maybe you're right. I maybe choking you without me knowing it. I will
Di pa ako tapos when my phone rang. It was her.
I picked it up.
"Yes?"
"Uhm... di ka pa ba aakyat? Kanina ka pa sa labas."
My heart jumped.
I looked out of my car window. There she was, standing by the window in her room. Hawak ang kurtina habang nakatanaw sa akin at nasa tenga ang phone.
"Yeah, I was about to text uhm..." sasabihin ko na lang ba?
"Ahm, ano...bukas ang pinto. I mean, kaya mong sundutin yan. Di ko ginamit yung boltlock. May pagkain ka sa mesa," parang nag-aalangan nyang sabi.
Napangiti ako. She's still thinking about me?
"Papasok na ako. Balik ka na matulog."
"Di ako tulog. Nanonood pa ako ng movie sa laptop. Uhm...akyat ka ng pika-pika. Nood tayo."
"S-sige," I ended the call.
I don't know if I should be happy sa pag-uusap naming yun.
She didn't lock her door like before. She still leaves food for me.
I don't know if it's a good sign or not. The words she said was good news. But the way she said them, doesn't seem so.
I remember the saying: It's not what you said, but how you said it.
I think she was really expecting me to come back. Lagi namang ganun. I always come back.
Ano kayang gagawin ni Juno kung isang araw, hindi na ako bumalik?
Bago ako umakyat sa kuwarto nya, bitbit ang pagkain na hiniling nya, I made sure to erase the text message I was composing earlier.
Not now. Not yet.
=======================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro