Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

53 His Side


"First love never dies talaga, so I understand Juno."

"Girl, I just don't get it. Why nya pinakawalan that handsome alumni guy? Kung ako sa kanya, I'll keep Rob. Mas yummy naman yun tsaka achiever, right?"

"Why, Caloy is an achiever in his own right. You don't understand kasi you don't know anything about racing."

"Well, what are they gonna do when they grow old? Race even they can no longer stand? I'd chose a secure future!"

"Juno's not the type! You still remember nung nag-outburst sya sa cafeteria? So, you don't get to judge her decisions. Di sya ang tipong porke may pera eh go. She can handle herself well. She got herself enter here all by hardwork. That's why I like her a lot!"

"I still think she's a queen B!"

"Just don't touch her and she won't sting you. She's harmless, I guess. See what happened to Louie."

Nagtawanan sila.

"I guess that's the reason her relationship with that famous drag racing driver also failed. Maybe the guy knew she's still into Caloy."

"Stupid! It wasn't a failed relationship! They're a trio of bestfriends! Yung Troy and Paul."

"Di ba balita nga, it wasn't really a romantic relationship?"

"That's really a mystery. Why go in a relationship like that? Tapos, Jun and Rob were also pretending. My God, it's really intriguing. What's going on?"

"What I heard was Caloy ditched her over his ex who happened to be a lesbian or something. Rumor said because Caloy and that lesbi were always on the rocks, he decided to go back to Jun."

"O-M-G! Our Juno is a rebound?! I'm gonna kill the bastard!"

"Maybe. The lesbi is now rumored obsessed with someone else. Yun lang, not sure if sa boy or sa girl."

"Eeeewww!"

Tawanan uli.

"I say Juno's not thinking!"

"She's in love! That's it!"

"My God, you three are fighting over that issue! Why not just grab all those men for myself if I were her!"

Tapos nagtawanan ang mga ito.

"Then, I'll message Mr. Cookie to reveal himself so I'll eat all his cookies and he can eat mine!"

Hagalpakan ito ng mga kiring tawa.

"Naughty, you!"

"I heard Mr. Cookie is also Caloy, right?"

"Aba, e di much better. Cookie eating na talaga!"

Tawanan uli.

That's the next day after the night Rob and I spoke. I feel exhausted. Nasa cubicle ako ng CR sa campus. Dun ko inubos ang breaktime ko bago ang afternoon classes ko. I even ate just a sandwich and bottled juice sa CR. Ginawa ko yun kasi napapagod ako. Sa tingin at usapang naririnig ko. May ilang pasimpleng nagtatanong pero di ako sumasagot. Kasi naubos yata energy ko kagabi sa kakaiyak dahil kay Rob.

In a regular scenario, I'd confront them, pero wala talaga ako sa mood... kahit ang magtaray. Wala!

Lumabas ako sa cubicle.

Biglang natahimik yung apat pagkatapos kong marinig ang bulungan nilang,

"Aw, shit!"

"She was here the whole time?"

"Oo," sagot ko. "Narinig ko lahat."

Pabalewala kong sagot. Tapos nagmumog ako at nagsuklay.

Parang nagpapakiramdaman yung apat na babae. Kasi tahimik lang akong nagpulbos at nag-ayos ng gamit.

"Uhm... Jun, Sorry. I mean—"

"No need to explain, girl. Okay lang. Wala ako sa mood makipagtalo or whatsoever."

"Why?"

"Nakakapagod. Sayang energy ko. Sige," paalam ko.

Isinaklob ko ang hoodie sa ulo ko papunta sa classroom. Di ko gusto ang atensyon na nakukuha ko ngayon. Kaya lang parang di nakatulong ang pagtatago ko sa hoodie ko.

"That's her. She's always wearing hoodies. Even before in Palawan and in DR events," narinig kong sabi nung isang lalaking estudyante.

Alam kong ako ang itinuturo nito kahit di ko sila lungunin.

"Hey," napahinto ako dahil may humarang sa dadaaanan ko.

Si Paksyet Louie at mga anino nya.

"Ano na naman, Louie? Gusto mo ng bagong sakit ng katawan?" Exasperated kong sabi.

Napahimas ito sa ngusong papagaling na ang sugat. Tapos ngumiti.

"If you think what you did made me hate you, sorry, Cupcake. It just made me more to want you. But... no. Not now. I won't make any move against Caloy. I know which battle to fight and not."

Napatirik ang mata ko. Lalakad na dapat ako pero,

"Why still reject those gifts from Mr. Cookie? Nakita ko dinala na naman sa dean's office nyo kanina."

"Paki mo!"

"Akala ko okay na kayo ni Caloy?"

"Ano'ng kinalaman ni Caloy sa pinagsasabi mo?"

"Aw, common, Cupcake. Don't tell me you don't get what I mean. Everyone knows that Mr. Cookie and Caloy are just the same person."

Kahit yun din ang hinala ko, binigyan ko lang sya ng pokerface, "Wala kang pake sa buhay ko, Louie. Lubayan mo 'ko. At tigilan mo 'ko sa cupcake na yan!"

Nilampasan ko ito nang natatawa lang.

Patingin-tingin ako sa cp ko habang nagkaklase kami.

Subconsciously, hinihintay ko ang pm or text ni Rob.

Nakatanggap na ako kanina galing kay Caloy. Sinumbatan ako kasi inabot daw sya ng kung anong oras sa kakahintay sa condo ni Singkit. Nakatulog na nga raw sa kotse sa open area parking ng building.

Na-guilty ako bigla. Pero di ako nag-reply. Naiisip ko kasi ang pinag-usapan namin ni Rob kagabi. Feeling ko talaga, ako yung nagtaksil sa relasyong wala naman talaga.

Maryosep na buhay 'to, oo!

Natapos ang klase ko ng araw na iyon na hindi nagparamdam si Rob. Ang bigat sa pakiramdam.

Mabuti at off ko sa RC ngayon at bukas. Kaya lang, kailangan kong pumunta sa gym para kunin ang uniform ko. Bukas na rin kasi ang opening ng invitational basketball league. Excuse na ako sa klase ko sa panghapon. Alas kuwatro ng hapon ang umpisa nun, pero sabay-sabay kaming sasakay sa university bus papunta ng Xanderville's U afterlunch.

Andun ang buong basketball team, si Coach at cheerleading squad pagpasok ko sa gym.

Saglit silang natahimik sa pag-usap nung dumating ako at nagtinginan ng makahulugan. Pero, si Pete ang unang nagsalita.

"Eto na pala muse natin eh. Smile naman dyan, Jun!"

Napangiti na ako. "Kunin ko lang uniform ko para bukas."

"Eto oh," sabi nung isa sa cheerleaders.

Ininspeksyon ko kung tama ba yung tahi sa gusto kong maging costume. Sakto naman yung pang-itaas.

Napanguso ako nung makita kong masyadong maikli yung shorts. Feeling ko makikita na kuyukot ko dito eh.

"Syet! Mao-obvious ang di ko kahabaang legs," biro ko.

Natawa sila, "Di bale na, girl. Makinis ka naman. Babawi na lang sa ganda at appeal."

Napa-high five kami at sabay na natawa.

Natuwa naman ako na nagiging at ease na kami ng mga cheerleaders kahit papaano. Tinuruan pa nila ako rumampa.

Actually, di ko naman kailangan yun. Sa kaartehan ko ba naman na tagung-tago. Kaya lang hinayaan ko na. Ramdam ko naman na gusto rin nilang maging ayos kami ng samahan kahit sandali lang ako dito.

Nag-enjoy naman ako. Sobrang kikay nila. Yung nga lang talagang di maiwasan na may nakakainis na kaartehan. Pinalampas ko na. Di ko na lang pinagpapapansin yung pagpapabebe nila sa mga members ng basketball team.

Huling practice rin ng basketball team at cheerleaders, kaya nag-stay ako. Teamwork nga eh.

Dun ko lang na-realize, nakakatuwa palang manood ng basketball match. Hinati ang team para sa practice nila.

Gulat na gulat sila nung nagtutumili ako sa pagchi-cheer.

"Yes! Three points! Mahal na kita, Pete!" Sigaw ko, may patalun-talon pa.

Malakas pa nga sa cheering squad.

"B-bakit?" Tanong ko kasi nakatingin sila sa akin.

"Maingay ka pala," sabi ni Lia, isa sa cheerleaders. Nakangiti naman ito ng maluwag.

"E, hehe!" Parang napapahiya kong sabi.

"Sali ka kaya sa amin?" sabi pa nung captain ng cheerleaders. Si Katya.

Ngumuso ako, "Busy ako, girls. Graduating, alam nyo na. Pero ano, sali ako sa pag-chi-cheer nyo sa invitational, syempre."

"Yooownnn!" sigawan ng mga players.

"Tsaka ano, nangako mga tropa ko sa community. Dadating sila sa Xanderville's bukas. Marami tayong hatak," dugtong.

"Nice! Nice!"

Nag-high five kaming lahat.

"Oh, paano ba yan, guys! Mahal na raw ako ni Dyosa," si Pete, sabay akbay.

"Gago!" Hinampas ko ng mahina sa tyan. "Syempre, ano lang yun, cheer. Mema lang!"

"Jun," kalabit nung isang player. Tapos ngumuso sa pinto ng gym.

Natigilan ako.

Andun si Caloy, papasok at matalim na nakatingin sa kamay ni Pete na nakaakbay sa akin.

"Aw! Natusok ako dun ah," pabirong bulong ni Pete sabay alis ng kamay sa balikat ko. "Puntahan mo na boyfriend mo."

"Di ko boyfriend yan," mahina kong sikmat.

"Asus!" sabi nung ibang players. "Hindi pa. Yun yun!"

Lumapit sina Lia at pasimpleng nakiusyoso, "Jun, di ba talaga kayo nung alumni natin?"

Ayan na. Nagiging kumportable na sila. Sa puntong di ko nagugustuhan.

"Uhm, ano. Mahirap ipaliwanag eh. Ano, sige," paalam ko. "Bukas na lang."

Nilapitan ko si Caloy pagkakuha sa bag at uniform ko sa bleacher.

"Labas na tayo," sabi ko agad kasi alam kong nakatanaw pa rin sa amin ang mga nasa gym.

Sumunod naman ito sa akin sa direksyon ng parking.

"That's new," komento nya nung naglalakad kami.

"Alin?"

"Yung dinatnan ko. Nagiging friendly ka na yata."

"May mga pagbabagong di maiiwasan at may bagay na kahit ayaw mo, kailangang gawin," sagot ko lang.

"Lalim nun ah! Care to explain?"

Sinabi ko ang tungkol sa basketball invitational bukas at kung paanong ako ang naging muse.

"Ah, Kaya pala."

"Ang ano?"

"Yun pala yung usapan sa community nyo na narinig ko. Sabi ko sa grupo namin, di totoo. Not your type. I guess I'm wrong in a way. Saan ba ang venue?"

"Sa Xanderville's U. Punta ka?"

Natigilan ito. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

"W-wala. Are you inviting me?"

"Hindi. Bebentahan ko kayo ng ticket. Para sa charity ang proceeds. Parang tulong na lang."

Nag-isip ito, "Pupunta community mo, di ba?"

"Nangako sina Troy at Paul. Ang alam ko, may mga pupunta."

Di na ito nagsalita. So, di ko na p-in-ush.

Hinatid nya ako hanggang kay Augie.

"Didn't expect you'll be into motorcycles."

"Mas convenient."

"I've heard galing ito sa mapapangasawa ng ate mo, di ba?"

Bigla akong nalungkot sa sinabi nya, "Ex-fiance."

"Oh, sorry. Di mo sinoli?"

"I tried noon pa. Di nya tinanggap. Di na uli ako nag-attempt."

Tumikhim ako bago kunin yung helmet ko, "Caloy, bakit mo 'ko pinuntahan na naman?"

"I'm courting you. Sinabi ko na sa 'yo, di ba?"

Di ako nagpahalata na dumagundong ang puso ko. "I see."

"Yayayain sana kitang kumain sa labas," sabi nito na napapakamot sa ulo.

Napangiti ako ng patago.

Ano ito? Nahihiya si Caloy? Cute.

"Dala ko si Augie. Di ko pwedeng iwan dito sa parking."

"Augie?"

Tinapik ko yung motor.

"Ah, Augusta."

"Sama na lang ako sa inyo. Para makilala ko ate mo. Tapos, pa-deliver tayo ng food."

Napatitig ako dito.

"Seryoso ka?"

"Oo, bakit? What's wrong about meeting your sister? Ikaw na maysabi dalawa na lang kayo, at si Hope. Pinagdamot mo na sa amin dati na makilala ka ng husto. I told you the other time, I will take all opportunities to win you."

Di ako nakaimik agad.

Ayoko. Maliban sa mag-isa lang ako sa duplex, which is di nya alam, feeling ko mai-invade nya ang teritoryo ko... namin... ni Rob.

"Uhm, h-hindi pwede."

Bumagsak ang balikat nito, "Jun naman!"

"Hindi nga pwede."

"Susundan kita. Kahit ano'ng gawin mo."

Napapikit ako ng mariin. "Fine. Kain na lang tayo sa labas."

Nagliwanag agad ang mukha nya. "Come. There's my car," turo nya sa malapit lang.

"Hindi. Convoy tayo. Di ko nga pwedeng iwan si Augie."

Napabuntung-hininga ito, "Alright. Lead the way. Ikaw pumili ng kakainan natin."

Di ko na pinansin yung ilang mga nasa parking na estudyante na nakatingin, lalo sina Louie.

Kakairita ang mukha at ngisi eh. Lakas makagago.

Sa isang seafood resto kami bumagsak. Bigla ko tuloy naalala si Rob.

Napabuga ako ng hangin sa bibig.

"Problema?"

Umiling lang ako habang hinihintay yung paluto naming hipon at tahong.

Medyo nao-awkward ako. Parang ganun din si Caloy. Magkaharap maki sa table.

Pasilip-silip ako sa cellphone ko. Baka may text or pm si Rob na di ko napapansin. Kaya lang puro messages galing kina Paul at Troy. Nagkukumpirma na dadating ang mga tropa bukas sa Xanderville's.

Napaangat ako ng tingin nung makarinig ako ng parang tunog ng shutter. Nahuli ko si Caloy na nakangisi tapos naka tapat sa akin yung camera phone nya.

Tapos isa pa uli.

Napasimangot ako, "Kulugo, para kang tanga!"

Tumawa lang ito, "Ayan! Isang nakayuko at nakaharap."

Tapos nagpipindot sa cp nya. "Pwede na. Maganda ka naman eh."

Yumuko uli ako para itago ang pag-iinit ng mukha ko. Buti dumating na ang pagkain namin.

Nag-catch up kami sa mga nangyari sa amin. Pero pareho naming di binabanggit sina Rob at Anne.

"Inaayos ko ang grupo ko. Pangit kasi ang record dati nung hawak ni Danny. Gusto ko uling i-try sa community dati," sabi nya.

"Ah, I see," sabi ko lang.

"Jun?"

"Oh?"

"Ayaw mo na ba talaga bumalik sa DR?"

Napatitig ako dito. "Kaya ka ba nakikipaglapit sa akin uli, Caloy?"

May sakit na hatid sa akin ang tanong kong yun. Sa ganun kami nagsimula dati.

"Hindi, Jun. Nanghihinayang lang ako sa skills mo. Hanggang ngayon, hindi mo pinapahalagahan kung gaano kataas ang standing mo sa community," tumingin sya sa akin. Mata sa mata. Sinseridad ang nakita ko dun. Pero,

"Mas gusto ko ang tahimik lang. Maging lisensyadong architect. May priorities ako na dapat unahin."

"Kahit... kahit alukin kita? Tulad dati?"

Tumalim ang tingin ko kay Caloy. Talim na may dalang hapdi mismo sa akin.

"Jun, please, don't take it the wrong way," napahimas ito sa batok. "Those times na navigator kita... those were my golden moments sa scene... and with you."

Nagbaba ako ng tingin sa plato ko. Pinigilan kong mag-init ang mata ko. Kasi lagi man kaming nagbabangayan noon, those, too,  were golden times for me.

Narinig ko ang malalim nyang paghugot ng hininga, "Anyway..."

Napatanga ako nung lumipat sya ng upuan sa tabi ko. Tapos umakbay sa akin at inangat yung phone nya.

"Smile, Dyosa. Ipapadala ko sa mga Kulugo pic natin."

Napangiti na ako. Feeling ko, reunion yun.

Bumalik sya sa upuan nya pagkatapos. Papaubos na ang pagkain namin nung mag-ring ang CP ko.

Si Pat.

"Hello, Pat?" sabi ko.

Nakatingin lang si Caloy habang umiinom ng tubig nya.

"Magkasama kayo?"

"Uhuh. Catching up lang," sabi ko.

"Liligawan ka daw nya, Jun. Hiningi nya ang approval namin. Dunno why he did that."

Napatingin ako kay Caloy. Ngumiti lang ito ng tipid.

"Kailan?"

"After kumalat yung balita na di talaga kayo ni Rob."

"Uhm, ganun ba?"

"Ano'ng plano mo?"

"E-ewan ko. Ano'ng sabi nila?"

Alam nyang yung mga tropang Kulugo ang ibig kong sabihin.

"Nasa sa iyo naman daw ang desisyon, Jun. Lovelife mo 'yan. Alam naman namin ang pinagdaanan mo nung umalis yang si Caloy."

"Uhm, salamat. Teka, kakausapin ka ni Caloy," inilagay ko ang cp ko sa palad ni Caloy na nakalahad across sa table.

"Hello, 'Tol?... Oo... Haha! ... Nagbabakasakali .... Video call? Sige ... after an hour? Make it two ... Sure. Sige, bye."

Inabot na nito ang phone sa akin.

"Let's go?" sabi nya. Tapos na rin kasi akong kumain.

Paglabas dun, "Uwi na 'ko. Salamat sa dinner."

"Pwedeng mamaya na. Pasyal muna tayo."

"Ano kasi..." shit! Ano bang idadahilan ko pa?

"Maaga pa, Jun. Wala pang ten. Kung may pasok sa sa Red Crib, mga 2am ka na makakauwi."

Nagdadalawang-isip talaga ako.

"Iwan mo muna yung motor mo. Ibibilin natin sa guard. Twenty four hours open naman dito. Hatid kita uli dito mamaya," pangungulit nito. "Akong bahala. Magbi-video call mga Kulugo. Tinawagan ni Pat na pumunta sa bahay nila Long."

Yun ang huling baraha na nagpa-oo sa akin.

Sumakay ako sa shotgun ng sasakyan nya. It felt something good. Back in his shotgun's seat.

Nakita ko na inabutan ni Caloy ng pera yung guard matapos kausapin.

Pag-upo nya sa driver's seat, tumingin sya saglit sa akin tapos ngumiti ng matipid, "Jun..."

"Hhmm...?"

"It's... it's nice to see back on my shotgun. Kahit pasyal lang," tapos ini-start na nya ang sasakyan.

Likewise. Piping bulong ko sa isip.

"Jun..." tawag nya uli nung nasa byahe na kami.

"Oh?"

"Pwedeng ... pakipatay ng cp mo?"

"Bakit?"

"He might call you. He has a habit of interfering between us. I want to be alone with you tonight. Kahit ilang oras lang."

Muntik ko nang sabihin na hindi na ako guguluhin ni Rob. Na binigyan ako nito ng space para makapag-isip.

And yet, di ka nag-iisip. Nakikipag-date ka!

Sumbat ng utak ko.

Tsk!

"Please?" Pakiusap na nya.

Pinagbigyan ko na. Tutal, may pagkakataon na di ko maiwasang i-check ang phone ko kung may text o tawag si Rob. Baka napapansin na rin ni Caloy na maya't-maya akong sumusilip sa cp ko.

Lampas kalahating oras kaming bumiyahe. Alam kong malayu-layo kami sa resto na pinagkainan namin dahil walang traffic at ang bilis ng andar namin.

Huminto si Caloy sa isang overlooking na bangin at dagat.

Naalala ko tuloy noong ...

"Lagi ako dito. This place reminds me of our practice area in Palawan," sabi ni Caloy.

Yun rin pala ang iniisip nya. May mainit na pakiramdam na parang sumuntok sa sikmura ko. Gumapang yun sa mata ko. Tumingin ako sa labas ng bintana para itago ang pangingilid ngluha ko..

"It haunted me, you know. Kahit narito ako sa Maynila. Ang dami kong what ifs. Kahit... kahit nagkabalikan kami ni Anne. Maybe, one reason nang hindi kami maging stable ni Anne, because I kept on comparing her to you. Unconsciously, I was doing it. Pinag-awayan ka namin," kwento nya kahit wala akong sinasabi.

Bakit di mo ako binalikan agad? Baka sakali, tanggapin kita ng mabilis noon kesa ganito. Ang dami nang nangyari. Andyan na si Rob.

Gusto kong itanong, pero nanatiling tikom ang bibig ko.

Pero parang alam nya ang laman ng utak ko, "I was hurt, Jun. I was blinded by it. By what she did to me even before we met. Di ko matanggap na pinagpalit nya ako sa isang tibo. I wanted to restore my wounded ego. Ginusto ko syang mabawi dun sa tibo. I found an opportunity. Turned out," huminga sya nang malalim. "The lesbian was not a total lesbian at all. Pinormahan ko, pa-traydor kay Anne. I had her in my bed and called Anne so she could see. Kung anong klase yung pinalit nya sa akin. Anne tried to commit suicide. Ang alam ni Danny, dahil nambabae ako. Wala syang alam na si Anne ang nambabae."

Tumawa ito ng pagak. Pati ako, nakaramdam ng pagak sa kaloob-looban ko. Nakaramdam ako ng awa kay Caloy.

"Nakarating yun kay Dad. That's why he threw me in Palawan. Ka-business deal ni Dad ang father nina Danny. So, to make the story short, it was understood na kick-out na rin ako sa grupo namin dati. Well I think, nakahanap rin ng dahilan si Danny para maalis ako. Isa kasi ako sa threat sa leadership ng grupo. Ang advantage nya lang, mas nauna syang mapasok dun."

Nilingon nya ako, "I'm really sorry about the bet, Jun. I was just desperate to win her back out of my male pride. Then, nung mag-transfer ka sa Palawan, I saw that lesbian in you. Yung galit ko, parang nabuhay mo. And it became a challenge to me. You became a challenge. Bakit ang hirap mong paamuhin? Bakit ang talim ng dila mo? Your guts... I was enraged. Then I started to get jealous. Di pa man kita navigator, kilala ka na sa campus."

Napatingin ako dito.

Tumawa ito ng mahina, "See? Di mo alam. That's one thing I hated about you then. You didn't know things. You didn't know you were already making a noise. Noise that is getting louder and louder every passing day. Wala kang alam na mas sikat ka na sa akin sa drag racing scene. I kept you in my shadow. Naiinsulto kasi ako. Dahil ayoko mang aminin, here's another lesbian, hurting my ego. That was what I thought at that time."

"That night at the club strip. I was shocked. No. Not just me. Lahat kaming mga Kulugo, to see you wearing that sexy red dress. But then again, I was thinking, baka katulad ka rin nung nakarelasyon ni Anne. A bisexual. Because I thought anak mo si Hope, at nagpapakipot ka lang. Pretending to be innocent and all. But I was actually hurt, Jun. Nung makipaghalikan ka dun sa July. Turned out his name was really Rob. Di ko lang maamin sa sarili ko. Nagagalit kasi ako. It's like history is repeating itself. Kaya nga... kaya nga nagawa kitang dahasin noon sa kotse ko. Yet, you confused me more. That moment I almost had you, I had this conclusion you never had any experience."

Ngayon, naintindihan ko na. Kung bakit nya nagawa yun.

Hinayaan ko syang magsalita. Ito siguro ang kailangan naming dalawa.

Napahawak ako sa mukha ko. Umiiyak na pala ako. Syete! Patago ko yung pinunasan.

"I wanted to back out in that bet. But again, I got scared, Jun. Si Vugz. He really had a thing for you."

Alam ko yun. Narinig ko na nagpaparamdam na nang pag-back out si Caloy, at ang kamanyakan ni Vugz.

"...kaya pinanindigan ko na yung pustahan. That asshole will make his move if I back out. Yun kasi ang usapan, ako ang kikilos. Isa pa, I was still confused. My goal was to get Anne back. I already had a deal with Danny. Tapos dumistansya ka na sa akin. Akala ko, lilipas rin yun after that Christmas break. Pero tuluyan ka nang bumaklas sa tandem natin. I was mad. Di ko alam kung sa iyo o sa akin. But at the same time. I feel guilty. Ayoko lang talaga aminin. Ang akala ko dinibdib mo ng husto yung pamumuwersa ko sa iyo. So, pinakawalan na kita. Di na muna uli ako lumaban ng may navigator, since I was preparing for that event in Olongapo."

"Jun...?"

"Hhmm...?" Pilit kong diniretso ang pagsagot. Kaya lang, napasinok ako.

"Please, don't cry. It's killing me seeing you cry now. Nung una, hindi ako naniniwala sa balita sa akin na ganyan ka. Because, I knew you to be strong and willed. But I saw it myself. Ilang beses din kitang sinundan sa pagtambay mo sa seaside park sa Palawan. I had to ask some people even I was already in Manila kung ayos ka na," inabot nya ang kamay ko sa kandungan ko at pinisil yun.

Lalo akong napaiyak. Bakit di mo ako kinausap nun? Piping tanong sa utak ko.

"Akala ko, wala ka na talaga ng interes. But you still helped me by giving me those info sa makakalaban ko sa Olongapo. Well, of course... except Roman's," napapailing pa ito sa pagtutuloy ng pagsasabi nya ng side nya. "You're really clever. Do you know that?"

Nagkibit lang ako ng balikat sa kabila ng patuloy na pag-agos ng luha ko. Di na nya binitawan ang palad ko.

"When did you learn about the bet?"

"Sa parking ng club strip. Pagbaba nyo sa kotse at nag-usap kayo. Yung sinasandalan mong van, nasa loob ako nun."

Napapailing ito kasabay ng paghugot uli ng buntung-hininga. Ilang beses.

"I'm sorry, Jun. If I was really harsh on you in Olongapo. But... what you did... just made me realize, I do not really know you. I was already half-hearted that time na bumalik kay Anne. I was contemplating of forgetting about my goal because I was thinking of you. Yet, you scarred me that night, Jun. Sobrang lalim na sugat. Of all people, ikaw pa ang sisira sa mga plano ko. You were right na sumbatan ako na sinuportahan mo ako all the way. Yun ang pagkakakilala ko sa iyo. Kaya di ko matanggap na masisira mo ako sa harap ng maraming tao. Sa harap ng buong community."

"Y-you were willing to lose that night, Caloy. Pinoprotektahan ko rin ang sarili ko," katwiran ko sa pagitan ng pag-iyak.

"I know, I know. I wasn't referring to you putting a lost record on my stat. I was thinking of asking Danny na tantanan ka. Alam kong trip na trip ka rin ni Danny. Sumagi na sa isip ko na hindi na ang pakikipagbalikan kay Anne ang hihingin ko, kundi ang tantanan ka nya. I didn't know about his secret deal with Vugz. Kaya lang, bumalik yung selos ko sa iyo. You're win that evening made your popularity go skyrocket, at my expense. People at the event were talking about a truth I couldn't accept even before. That it was only because of you I was able to keep a zero record, lalo na sa tandem category. Doon ako talaga nakilala...dahil sa iyo. Then, Danny got mad. I lost my chance to ask him for something in return of my lost kung sya ang nanalo. Because I was so mad of the outcome of that race, my mind got settled on how I could ge tback to Anne. And... you treated me like a trash that evening. Suddenly, there was Paul and Troy. You literally threw your trust to them."

"Masisisi mo ba ako, Caloy? After all I heard galing mismo sa bibig nyo ng mga Kulugo," napahagulgol na ako.

'Tragis! Ito ba? Is this his side of the story? Hindi ko kaya ang mga sinasabi ni Caloy sa akin ngayon. Kung totoo man ang mga ito, tang ina lang! Maling-mali talaga ang ginawa ko noon! Dapat talaga, kinausap ko muna sya. Yung kami lang dalawa!

Kinulong nya ang mukha ko sa dalawa nyang palad at pinunasan ang luha ko sa mukha gait ang mga daliri nya.

"No, hindi. I made that realization a bit late na. Because I was flaring mad. You sabotaged everything running in my head. Yung pagtatalo sa utak ko. That was why I wanted to get even. Di ko maubos maisip, kaya mo palang gawin ang ganun. I was looking at you like a monster with an angelic face and body that evening. All my thoughts of saying sorry to you and fix things up between us just vanished. Sinadya kitang saktan hanggang makaalis ako. Pero deep inside, nasasaktan din ako. Tinatanggi ko lang sa sarili ko... tulad ng matindi mong denial sa sarili mo ngayon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"You won't cry that much now, Jun, if I'm no longer there," magaan nyang turo sa tapat ng puso ko. "I wouldn't see your regretful eyes when you realized I was the one you were beating up at the gasoline station and wiped the blood off my lips. You almost forgot that you were with Rob, kung hindi ka pa nya tinawag."

Napaiwas na ako ng tingin. 'Tragis! Ganun ba ako at ang kinikilos ko?

"...and you wouldn't ask Pat and the others to contact me to make sure I was okay after that incident, Jun."

Kumuha ito ng tissue sa box sa ibabaw ng dashboard. Sya na ang nagpunas ng luha pati ang sipon ko.

Maryosep!

"That incident made me realize something really important, too."

"A-ano yun?"

"Alam kong nasa Maynila ka na. Malaking balita yun sa community. Maraming nagpaplano na kumbinsihin kang bumalik sa DR scene. Kaya ka nga binabantayan nina Troy at kahit ni Paul kahit na malayo sya. I just kept my distance. I tried to avoid any possible chance na magkita tayo. Kasi, balita na rin na boyfriend mo si Rob. I thought, naka-move on ka na. Ayoko na ring makigulo sana. That was why, I was trying to still run after Anne. Like going on with our own lives. I knew that's what you wanted. And also, hindi ko gugustuhing makita mismo ng mata ko na may kasama kang iba. Hindi ko alam o hindi ako prepared sa mararamdaman ko kung sakali. Hindi ko lang kasi namukhaan si Rob sa gasoline station. I admit it was my friend's fault. He was a bit drunk that evening because lost a race the night prior. Kaya mainit ang ulo. Sinabi ko naman sa 'yo sa Red Cribs, I had no intention of getting involve. Ayaw na kasi nila magpaawat, kaya lang, lugi pa rin sila kahit mag-isa lang yung kasama mo."

Huminga sya ng malalim, "Ayun nga, that incident, made me realize, hindi talaga kayo mag-boyfriend ni Rob. But there was something between you two. And I intend to stop it, Jun. There's no Anne or anyone can stop me now."

Tapos unti-unting bumaba ang mukha nya sa akin. Napapikit na lang ako nung maglapat ang labi naming dalawa. Hindi nagmamadali si Caloy.

Magaan lang na halik yun sa umpisa. Pero nung magsimulang lumalim, biglang may mukhang nag-flash sa isip ko.

Si Rob!

Bigla kong naitulak sa dibdib si Caloy, kasabay ng pagtunog ng cellphone na.

Nag-init ng husto ang mukha ko at nasapo ko yun sa dalawa kong palad.

"Si Pat," kalmadong sabi ni Caloy. "Kumpleto na siguro sila."

Inabot nya sa akin ang tissue box. "Fix your face. Baka kung ano pang isumbat sa akin ng mga Kulugo. I'll just pick this call."

Mabilis ko yung kinuha at humila ng ilang ply.

Video call nga iyon, at mukhang kumpleto na nga ang mga Kulugo.

Hinayaan ko silang mag-usap at magkamustahan.

"Nagkipag-usap na ba sa 'yo si Dyosa?" si Charlie yata yung nagtatanong.

"Yes. She can actually hear you since you called," sagot ni Caloy.

"What?! In your car?!" sabay -sabay halos na tanong ng mga Kulugo.

Alam ko na di sila basta makapaniwala.

Tumikhim ako, at sumandal bahagya sa gilid ni Caloy para makita nila ako sa video, "Hello."

Medyo nahihiya ko pang kaway sa kanila.

Saglit silang natigilan. Halatang nabigla.

"You're in his shotgun, Jun," flat na sabi ni Pat.

Nagkibit-balikat ako.

"Patingin. Gusto naming makita si Jun," singit ni Larry at Ben.

"Hello," bati ko ulit.

Nagsigawan sila, "Whooohh!!! Reunion ba ito ng mga Kulugo at Dyosa?"

Natawa ako pati si Caloy.

"Pinaiyak mo si Juno, Caloy?" si Pat uli.

"H-hindi. Ano, nag-usap lang kami," ako na ang dumepensa.

"We're patching up things and tying up some loose ends," si Caloy.

"Ayos na kayo?" di ko sure kung si Long iyon o si Kiko. Ang gugulo kasi.

"Di naman kami nagsusuntukan," pabiro kong sabi.

"Ibig naming sabihin, kung kayo na ba?"

"Hindi ah!"

"Yes."

Sabay naming sagot ni Caloy.

Naguluhan sina Pat.

Nagkatinginan kami ni Caloy.

"Jun...I thought..."si Caloy.

Umiling ako sa kanya.

Bumaling si Caloy sa video call namin,"Guys, let's talk some other time. May pag-uusapan lang kami ni Jun."

Mukhang nakaramdam ang mga ito. Kaya tinapos na ang video call.

Hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko.

"Babe..."

"Caloy, please. No 'babe' calling," saway ko.

Naalala ko rin kasi si Rob sa tawag na yun.

"We just kissed!" Tumaas ng bahagya ang boses nya.

"So what? Hindi ibig sabihin nun tayo na!" Tumaas na rin ang boses ko. "Ikaw na ang nagsabi sa akin noon, it's just a kiss and don't make a big fuss out of it!"

Napatingin sya na tila di makapaniwala sa akin, "Jun, hanggang ngayon ba naman..."

"Oo, Caloy! Dahil nung panahong yun, sobrang big deal sa akin nun. Kinuha mo first kiss ko na parang wala lang sa iyo. Tangna ka, pinagtawanan mo pa 'ko! Ilang beses!"

Napasapo ito sa ulo at napapailing. Tapos biglang tumawa. Hanggang maging halakhak.

"Tarantado ka ah!" Hinampas ko sa balikat.

"I'm sorry... I'm sorry," sabi nya sa pagitan ng pagtawa. "I just remembered that night kasi. Hanggang pagtulog ko dala ko yun. Actually, di ako basta nakatulog agad dahil sa dalawang bagay. Yung dinahilan mo sa mga pulis na buntis ka..."

Tapos humagikhik uli, "Really, I almost died laughing nung pag-alis ng mga pulis at maiwan tayo sa kotse."

Nag-init na naman ang mukha ko. Pinaalala pa talaga! Walanghya talaga!

Hanggang unti-unting namatay ang pagtawa nya, tapos huminga sya ng malalim.

"That was also the first night I started feeling and think different about you," dugtong nya.

Nauumpisahan ko na namang ma-tensyon.

Hindi pa ako ready sa ganito.

Tama na muna ang mga narinig ko sa kanya kanina. Wag na nya munang dagdagan.

"I-ihatid mo na 'ko uli sa resto. Gusto ko nang umuwi. May pasok pa ko sa school ng umaga," pinutol ko na kung ano man ang sasabihin pa nya.

Bumagsak ang balikat nito.

Wala kaming kibuan pabalik sa seafood resto.

Paghinto sa tapat nun, nagtanong si Caloy na nagpatigil sa akin sa pagbubukas ng pinto ng kotse nya.

"Is it true he was your first, Jun?"

Napalingon ako bigla sa kanya kaya nahuli ko ang mariing paglapat ng bagang nya.

"Kota na ko for tonight. Wag mo na muna akong tanungin ng mga ganyan ngayon. Pagod na 'ko. Maybe some other time," exhausted ko nang sagot at bumaba na.

Malapit na ako kay Augie nung hatakin ako nito sa braso. Humabol pala sya.

"Can't you just answer that damned question, Jun?" Halata ang pigil na gigil sa mukha nya.

"Oo." Diretso kong sabi.

"Bakit?"

"Bakit hindi? It was my choice. I was ready. Rob and I had sometinhg specia—"

Kinumpas nya ang kamay sa harap ng mukha ko kaya di ko naituloy ang sasabihin ko.

"I don't like hearing the jerk's name."

"Tinatanong mo 'ko tapos—"

"You were giving it to me that night in my car, Jun. You stopped fighting back. Kung tinuloy ko ba—"

"Habambuhay kitang isusumpa, Caloy," Putol ko sa sasabihin nya pa. "Galit na galit ako sa iyo nang panahong yun. I felt betrayed. Hindi na ako lumaban dahil kinulong mo ako sa posisyong alam mong di ako basta makakagalaw. It would be futile to fight back. Pero ang nasa isip ko nun, isusumpa kita talaga kapag itinuloy mo matapos kong ipamukha sa 'yo ang maling akala nyong magkakaibigan."

Binitawan na nya ang braso ko, tapos tumangu-tango.

"I'm sorry, Jun. I'm really, really sorry. Can you forgive me?"

Hindi ako sumagot, dahil may tanong din ako sa isip ko.

Napatawad mo na ba talaga ako, Caloy, dahil naging padalus-dalos ako? O baka, may iba ka na namang plano sa isip mo?

"Goodnight, Caloy," sa halip ay sabi ko.

"Alright," sabi na lang nya. "But I'll keep it in mind. Sabi mo kanina, some other time. I'll hold on to your word, Jun. There will be a next time."

==============

Don't forget to comment and vote!

=============

5,600+ words  UD.... na naman!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj