51 Contrapelo
"Si Rob ang may dala sa kanya pauwi, sabi ni Tita Pam. Pero nakasunod si Caloy."
"... ina! Bakit di ka tinawagan ni Jun?"
"Di ko alam. Mama mo na lang ang tumawag sa 'kin, kaya napasugod ako. Halos kakarating lang ng tropa. Yung kotse mo, pinakuha ni Rob sa tao nya sa sementeryo."
"Sa'n si Mama? Kakausapin ko."
"Nasa baba. Di maiwan yung mga tao sa baba. Baka magkagulo."
Yun ang mga narinig ko bago ako tuluyang dumilat. Akala ko nung una nananaginip lang ako.
"Eto, gising na ang mahal na Dyosa," nakatingin pala sa 'kin si Troy. Nakaharap ito sa akin gamit ang laptop ni Paul. "Kausapin na at nang magkalinawan."
Umupo ako sa kama. Lumapit si Troy matapos iharap ang laptop sa akin para magkita kami ni Paul via video call.
Yumakap ako sa bewang ni Troy at umiyak sa tyan nya.
"Tsk!" sabay pa nilang sabi ni Paul.
Hinaplos lang nito ang ulo ko. "Ampangit mo na, Jun. Mukha ka nang mortal kakaiyak. Maga na mata mo. Pati ilong mo."
Alam kong pinapatawa ako ni Troy pero wala eh.
Hinayaan nila ako hanggang huminto ako sa pag-iyak.
"XG, kailangan ko bang umuwi para sapakin ang dalawang yun?" Narinig kong sabi ni Paul.
Umiling lang ako. "Wala ito. Nai-stress na kasi 'ko."
"Pinagtatakpan mo pa pareho eh," sabat ni Troy na naupo na sa tabi ko.
"Kalat na kalat na community yung nangyari sa Charleston. May nag-video nung nangyari sa parking ng ng campus nyo. Tsk!" si Paul.
Sinabi ko sa kanila kung ano ang nangyari. Kung bakit ako nag-snap.
"Halu-halo na kasi."
"Buti at nasa tamang pag-iisip Pikachu mo na iuwi ka uli ke Mama," ismid ni Paul.
"Galit na galit si Tita Pam sa dalawa nung makita ka," si Troy.
Tsaka ko naalala, "Uhm... a-asan na s-sila?"
Napatikhim pareho ang mga ito pero si Troy ang sumagot.
"Nasa baba. Pati tropa nasa baba. Kaso, dumating yung ibang tropa ni Caloy."
Napatayo ako bigla kaya lang gumewang ako. Nahihilo pa 'ko. Stress pa talaga ako.
"Wag ka nga muna tumayo!" Asar si Troy.
"Si Rob. Walang kasama si Rob," sabi ko.
Tsaka ko napansin na tshirt at short ni Paul na ang suot ko.
Lintik! Mukha akong payaso. Ang laki ng damit sa akin, pero wala akong pake. Lumabas ako ng kuwarto ni Paul.
"Teka, 'Tol. Sundan ko lang," narinig ko pang paalam ni Troy.
"...wagan ko si Mama." Yun na lang ang narinig kong sagot ni Paul.
Nasa may hagdan pa lang ako, naririnig ko nang naglilitanya si Tita Pam. Lalo akong nahiya.
"Ganyan na ba ngayon manuyo ng babae ang mga lalake ngayon? Santisima! Ang anak ko, dinadayo pa sa Palawan si Juno noon. Papauwiin ko si Paul! Kesa umiiyak se'nyo si Juno, ke Paul na lang sya! Kahit kelan di yan pinaiyak ng binata ko. E kayo? Ikaw, Caloy? Akala mo hindi ko alam ang istorya mo ke Jun? At ikaw, Rob. Gaano pa lang kayo katagal ha?!"
Juice colored! Eto na naman kami.
Pero may mainit na pakiramdam na hatid yun sa puso ko. Para ko nang nanay si Tita Pam.
Sa narinig ko, para kong naririnig si Mama kung sakaling buhay sya at naririto ngayon.
Wala akong naririnig na nagsasalita.
Kung di ko alam na narito sa baba yung dalawa, iisipin ko na nagmo-monologue ang nanay ni Paul eh.
Pero nagulat ako sa nadatnan ko sa sala. Lahat sila nadako ang mata sa 'kin.
Ang dami nila. May tatlo pang lalaking naroon na alam kong barkada ni Troy, at may apat na lalaking alam kong tropa ni Caloy.
Namumukhaan ko yung isa sa kanila na kasama sa gasoline station. Yung ilang beses kong sinuntok sa mukha.
Bigla akong nanliit. Sa suot ko at itsura ko. Eh sabi nga ni Troy maga ang mata at ilong ko.
'Tragis! Kumusta pa ang buhok ko! Eh bagong gising ako!
"Jun!" sabay na tawag ni Rob at Caloy. At sabay silang napatayo.
Parang otomatikong naalarma ang barkada ni Caloy. Ganun din ang tropa ni Troy.
Humarang agad si Troy sa harap ko, kasabay ng paggitna ni Tita Pam sa sala.
"At mga tinamaan kayo ng magaling! Wag kayo magkakagulo sa pamamahay ko! Ipapapulis ko na talaga kayo!"
Nagtama ang mata namin ni Caloy.
"Please." Buka ng bibig nya.
Umiwas ako ng tingin.
Hinanap ko ang mata ni Rob. Natatakpan ito ni Troy.
"Maw..." tawag ko.
"Babe," narinig ko ang sagot nya.
Tumalim agad ang mata ni Caloy. Hindi ko pinansin kahit may hatid na sakit sa dibdib ko ang reaksyon ni Caloy.
Ayokong isipin ngayon kung bakit bumalik si Caloy. Kung ano ang intension nya. Nakakasama ng loob. Kung kailan nakakaahon na ako mula sa depresyong inabot ko sa nangyari sa amin noon.
Mas tama lang na intindihin ko muna si Rob ngayon. Wala syang kaibigan sa mga tao dito.
Isa pa, natutuwa ako na dito nya ako naisipang iuwi, Hindi sa duplex o sa condo nya. At kahit papaano, na-appreciate ko na malinis ang mukha ni Caloy. Na hindi nya ito sinaktan sa kabila ng kaalaman ko na gusto na nya itong balian ng buto mula pa man.
"Maw," tawag ko uli. "Troy, please."
Hinawakan ko sa braso si Troy. Tipid syang ngumiti sa akin bago binigyang daan si Rob.
Alam ko naman na kahit badtrip ito ngayon, mas pinapanigan nya si Rob.
"Sa dining kayo mag-usap ng nobyo mo, Jun," si Tita Pam nung abutin ko ang kamay ni Rob.
Mahigpit nya yung hinawakan.
"Hindi po sila mag-boyfriend," si Caloy.
Nanlamig ako bigla.
Kinabig agad ako ni Rob at kinupkop sa dibdib nya dahil lumingon si Tita Pam sa amin, kunut-noo.
Pati mga ka-tropa nina Caloy at Troy, nagulat sa narinig.
"Mas lamang pa nga po si Paul, dahil kahit alam kong di naman talaga nila mahal ni Juno ang isa't-isa bilang magkarelasyon, at least naging sila talagang dalawa sa kung anumang dahilan nila." diretsong tingin ni Caloy kay Tita Pam.
"Ano'ng gusto mong ipunto?" si Tita Pam. "E mukhang may pagkakaintindihan naman sila, di pa nga lang opisyal ang relasyon."
"Gusto ko lang po ng patas na laban. Kasi parang ako po pa ang naninira ng relasyong wala naman talaga. In fact, gusto ko ngang tanungin si Juno," tumingin sa akin si Caloy.
Napayakap ako ng mahigpit sa bewang ni Rob. Gaya ng paghigpit ng yakap nito sa akin.
Kumakabog ang dibdib ko. Nanlaki ang mata ko.
"... kung kaya nyang sabihin sa kayakap nya ngayon kahit isang beses na mahal nya yan kesa sa akin. Mata sa mata. Gaya ng pag-amin na ginawa nya noon na mahal nya ako sa harap ng buong community namin nina Paul at Troy," tsaka tumingin sa akin si Caloy. "Ano, Jun? Kaya mo?"
Kita ko ang paghahamon sa mata ni Caloy.
At ramdam ko ang tensyon sa katawan ni Rob.
"Tumahimik ka na!" Si Troy ang sumingit.
"May alam ka dito, Troy?" Baling ni Tita Pam.
"Tita...w-wala pong alam si Troy. K-kahit si Paul," salag ko agad.
Napatingin sa akin si Troy. Saglit na nag-usap ang mata namin, bago sya napayuko.
Nakita ko ang patagong pag-ismid ni Caloy. Alam nyang nagsisinungaling ako.
"Troy, palabasin mo nga muna ang mga kaibigan nyo," tapos bumaling sa amin. "Kayo naman, mag-usap tayo. Ayoko ng ganito."
Kusa namang lumabas ang mga tropa nila sa garahe.
"Troy, puntahan mo agad kami sa dining. Kasali ka sa usapan," bilin ni Tita Pam.
Sa kabisera naupo si Tita Pam, tapos pinagtabi nya sina Rob at Caloy. Si Troy ang sa tabi ko.
Tumikhim si Tia,"Pinagbilin sa akin ni Paul ang dalawang ito, lalo na si Jun. Gaya ng pinagbilin ako ni Paul sa dalawa nyang kaibigan," simula nya.
"Ayoko nang mauulit ang ganito at iuuwi nyo si Jun ng walang malay dahil sa kunsumisyon sa inyong dalawa. Para ko nang anak ang dalawang ito. Totoo sa loob ko ang sinabi ko kanina. Malaki ang panghihinayang ko na naghiwalay si Paul at Jun. Kung ako lang, gustung-gusto kong sila ang magkatuluyan. Magkasundo sila sa maraming bagay at may respeto sa isa't-isa. Kung ayaw ni Paul, kahit si Troy. Mas maluwag sa kalooban ko yun. Kesa ginaganyan nyo si Juno."
Napakamot sa ulo si Troy sabay ngisi ng malapad. Muntik akong mapasimangot.
Seryoso lang ang mukha ni Rob at Caloy, pero kitang-kita ko ang pagdiin ng mga bagang ni Rob.
"Maraming nang problemang pinagdaanan at pinagdadaanan si Juno. Siguro naman eh alam nyo yun."
Naumpisahan kong maiyak sa sinasabi ni Tita Pam.
Tumango si Rob, pero si Caloy mataman lang nakatingin sa akin. Wala syang ideya.
Nag-iwas ako ng mata. Hinawakan ni Troy ang kamay ko sa ibabaw ng mesa at marahan iyong pinisil.
Sabay na tumalim ang tingin ng dalawang kaharap namin dito. Hindi sila pinansin ni Troy at tila nang-aasar pa na inakbayan ako tapos hinalikan sa ulo.
"Umuwi na kayong dalawa ngayon. Pagpahingahin nyo muna ang batang ito. Hindi na nga nakapasok sa trabaho. Tsaka gabi na. Dapat eh tulog na ako ngayon. Kung gusto nyong mag-away, dun sa malayo. Wag dito. Wag sa harap ni Juno, pakiusap lang."
Ilang saglit kaming walang kibuan. Si Tita Pam nakamata sa dalawa.
Naunang tumayo si Rob at nagpaalam sa matanda. Tsaka tumingin sa akin. Tapos sa kamay ni Troy na nakaakbay sa akin. Lalong hinigpitn ni Troy ang pagkakaakbay sa akin.
Para akong natakot sa tagong repleksyon ng galit at selos doon. Napayuko ako sabay kurot ng palihim sa tagiliran ni Troy. Gago talaga eh!
"Alis na 'ko, Jun."
"S-sige. Ingat."
Hinatid ko lang ito ng tanaw. Hindi ako hinayaan ni Troy tumayo.
Tumikhim si Caloy nung marinig na namin ang sasakyan ni Rob na umalis.
Napatingin ako dito. Napaiwas rin agad ako ng mata.
"Jun, yung tanong ko sa iyo kanina, kung hindi mo kayang sagutin, iba na lang ang itatanong ko sa 'yo."
"Will you just stop?" asar na saway ni Troy.
"Hindi ako titigil hangga't hindi sinasabi ni Jun sa akin na hindi nya na 'ko mahal, Troy. Hindi mo 'ko kayang pigilan."
"Ano 'to, Caloy? Dahil wala ka nang pag-asa na bumalik kay Anne, si Juno—"
"I admit. Nasaktan ko si Jun noon. Kaya nga gusto kong itama yung mali kong desisyon noon. At alam kong meron pa akong babalikan."
Nahigit ko ang hininga ko. Napabuka ang labi ko sa mga sinabi ni Caloy at napamulagat sa kanya.
Ano'ng ibig nyang sabihin? Na ako talaga ang mahal nyo noon pa?
Bago pa ako makapagsalita, tumayo na si Caloy.
"I will take all the chances I have this time. I'll see you again, Jun. Soon."
Bumaling ito kay Tita Pam, "Pasensya na po sa abala. At salamat sa pakikinig. Alis na po ako."
Nung makaalis si Caloy at mga kaibigan nya, nagpaalam na rin ang mga kasama ni Troy.
Humingi ako ng pasensya sa kanila sa abala.
"Wala yun. 'Kaw pa. Eh Dyosa nga, matatanggihan ba?" Biro pa.
Napangiti ako ng tipid.
Nagpaiwan si Troy. Pareho akong kinausap nito at Tita Pam.
"Jun, dito ka muna kaya mag-stay kay Tita?"
Naisip ko na rin yun pero, "Baka manakawan sa duplex. A-ayos naman na ako."
Napabuntung-hininga si Tita Pam, "Anak,"
Parang gusto ko maiyak nung tawagin ako ng ganun ni Tita. Siguro nga, sobrang miss ko na si Mama at si Papa.
"... sa nakikita ko, mahal mo sila pareho. Kaya lang, alam natin na hindi pwede ang ganun. Kailangan mong pumili. Matalino kang bata at madiskarte. Pero pag ang isang tao nagmahal nadidiskaril lahat ng rason. Papaano pa kung nalilito dahil dalawa sila?"
Napayuko ako. Inabot nya ang kamay ko, "Kaya naiintindihan kita. Ang akin lang, pag-isipan mong mabuti. Give yourself some space. Nao-overwhelm ka na sa dami mong iniisip. Unahin mo muna ang dapat unahin. Tingnan mo yan, absent ka sa trabaho mo. Baka sa susunod, mapabayaan mo ang pag-aaral mo. Kung talagang mahal ka ng isang tao, maghihintay sya."
Nilimi ko ang mga sinabi ni Tita Pam nung nakahiga na ako. Totoo naman lahat ng sinabi nya. Ang hirap. Kailangan ko nga ng space.
Nag-vibrate ang cp ko. Inabot ko sa sidetable ng kama. Malungkot akong napangiti pagkabasa.
Goodnight, babe! Rest well. – Maw ☹
Magre-reply pa lang ako kay Rob nung mag-vibrate uli. Napapikit ako ng mariin ng mabasa yung pangalawang text.
Sorry sa nangyari at nasabi ko kanina. Please don't hate me. Goodnight, babe!
Wala na lang akong ni-replay-an sa kahit na sino sa kanila. Tama si Tita Pam. Space. Gaya ng sabi nina Paul at Troy.
Ch-in-at pa namin ni Troy si Paul sandali bago umuwi ang una kanina. Halos pareho ang sinabi nila at Tita Pam. Ang dalawa ang nagdesisyon para sa akin na i-log out ko muna sa cp ko ang second FB account ko. Pinapangako ako ng dalawa na yung original account ko lang ang hayaan kong bukas.
"Don't even dare switch accounts on messenger, XG. Promise me," mahigpit na bilin ni Paul.
Di ako agad nakasagot.
"Kahit isang linggo lang, Jun," susog ni Troy. "Wag ka muna mag-FB dun sa second account mo."
Kinuha na nga ni Troy ang cp ko at ni-log out ako sa FB at messenger ng second account ko. Siniguradong yung original account ko ang open para matatawagan o macha-chat nila ako.
Kinabukasan, yung kotse ni Paul ang gamit ko papunta ng Charleston. Maraming bumabati sa akin at nakangiti. Simpleng tango lang ang binabalik ko. Pinagpasalamat ko ng lihim na walang nagbabanggit tungkol sa nangyari kahapon. At kung meron man, iniiba nila ang usapan kapag alam nilang maririnig ko. Kaya di na lang rin ako nagre-react.
Nung dumating ang delivery ng bulaklak at cookies, tinanggihan ko uli. At gaya nung nakaraan, nabalitaan ko na dinala yun nung nagde-deliver sa dean's office. Masaya uli ang secretary ni Dean, sigurado ako.
Hindi man nagpakita sina Rob at Caloy sa campus ng araw na yun, nakatanggap ako ng text sa kanila na nagpapaalalang kumain.
Saktong pagkatapos ng huli kong klase, tumawag si Rob. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko yun o hindi pero kinausap ko na rin.
"Jun, how are you?"
"Ayos lang."
Tumikhim sya, "Don't go to work today. Pinagpaalam na kita sa manager mo. Please rest. I ... I'll pay for your day's salary kung nanghihinayang ka sa kikitain mo sa RC ngayong gabi."
I know he meant well. Di na ako nag-react ng negatibo.
"Ok lang, Rob. Wag na. Ano, wala pa rin naman ako sa kundisyon pumasok sa RC. Ano, kailangan ko nga muna siguro magpahinga, kahit ngayon araw lang. I need time to think."
Di agad sya nakaimik, "Babe... I'm sorry sa nangyari."
Napahinga ako ng malalim. "I'm sorry rin."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Nagkaroon ng bahid ng pag-aalala sa boses nito.
"W-wala."
"Jun, are things between us gonna change?"
"Uhm... P-pwedeng ano... wag muna nating pag-usapan yan, Rob?"
"Why?"
"Basta."
Sa gitna ng soccerfield ako dumaan papunta sa parking. Ayokong may makasalubong o makarinig ng pakikipag-usap ko ke Rob.
"Jun, ayoko," damang-dama ko yung bigat ng pakiramdam ni Rob sa paraan ng pagsasalita nya. Yung feeling na parang nakikipag-break ako sa kanya at ayaw nya.
"Ano'ng 'ayoko'?" Pero alam ko ang ibig nyang sabihin.
"Ayokong may mababago. Di ako papayag."
"Rob, kalat na sa campus na di talaga tayo. So pleas—"
"Then let's make it official, Jun. Be my girl!"
Parang gusto ko na namang maiyak. Gustung-gusto kong umoo pero may pumipigil sa akin.
Ayokong maging half-hearted kung papasok ako sa isang commitment. Unfair yun pare-pareho sa amin.
"Rob, kasi..."
"It's just his word, Jun. We can tell people na hindi yun totoo by putting a label to this relationship."
Bakit ngayon ka lang nagsabi? Yun ang gusto kong isagot kay Rob.
Hindi nga ba't mabuti at di nagsabi si Rob noon? Dahil malamang e mapatay nito si Caloy sa takbo ng pangyayari? Sa takbo ng damdamin mo ngayon? Sumbat ng utak ko.
Naiyak na ako.
"Jun..."
Hindi ako makasagot. Pinipigil kong mapaiyak ng malakas.
"Why? Why are you crying again, Jun? Is it harder to have a relationship with me than having me in your bed? You gave yourself to me. I thought... I thought..."
Di ko na kinaya. Pinatayan ko sya ng cellphone. Pinapahid ko ang luha ko papatakbo sa kotse.
Nagkulong muna ako dun hanggang makalma ako. Pumikit muna ako para ipahinga ang mata kong nanghahapdi.
"Parang ayokong maniwala sa balita eh. Pero, kung galing dun sa Caloy, malamang totoo."
Napadilat ako. May mga estudyanteng pauwi na rin at nag-uusap sa parking.
"Naloko tayo ni Jun at nung alumni dun ah. Bakit sila magpapanggap na mag-syota?"
"Baka naman mag-M.U. na. Ganun na rin yun. Formalities lang ang kulang. Halos langgamin yung dalawa kapag magkasama eh."
"Nakow, di na magkakaroon ng formalities yun. Humarang na si Caloy. Alam ko istorya nun at ni Dyosa. Nasubaybayan ko sila sa Palawan pa lang."
Tapos nagkuwento yun tungkol sa amin ni Caloy bilang magka-partner sa drag racing Na ito ang dahilan ng pagsali ko sa Olongapo.
"Undisputed tandem ng dalawa. As of record, yung duo nila ang may pinakamaraming laban na walang talo hanggang maghiwalay sila. Kung marami ang umaasam na makalaban si Dyosa sa singles match, yung tandem nila ni Caloy ang pangarap magasgasan ng iba sa kategoryang yun. Ang kaso, pareho nang malabong mangyari yun. Hiwalay na sila and Juno's not playing anymore since she's done scorching Caloy's stat. Malas nung iba pang kasali sa Olongapo, nadamay sila sa galit ng Dyosa."
Ang sakit nila sa tenga... kasi malaking porsyento ng mga narinig ko totoo.
Truth indeed really hurts!
Narinig ko pa silang nagtawanan, "Kaya pala kahit si Louie, nag-lie low kay Juno. Yung Mr. Cookie lang ang hindi. Lalong nagpursige."
"Si Caloy din yung Mr. Cookie. Sigurado ako."
Sige! Idikdik nyo pa! Mga punyeterong tsismoso!
Hinitay kong makaalis ang mga estudyateng nag-uusap bago ako umuwi sa duplex.
Kinuha ko lang ang dalawang sets ng uniform ko at nagpunta na sa dojo.
Medyo napagalitan nga ako ng sensei ko dahil may absent na ako last week, tapos absent na naman ako kahapon. Nagsasayang daw ako ng pera at oras.
Kaya bumawi ako.
"Sugoi! You're vey serious today, Juno-chan," sabi nung Japanese instructor ko.
"Domo," matipid kong sagot at ngiti kasabay ng pagyuko tanda ng pagrespeto dito at sa pagtatapos ng training namin.
Pagkatapos sa dojo, mahaba pa ang oras ko ngayong gabi. Kaya dumiretso ako sa gym ko ng KM. Wala akong slot ng training today, kaya sa free spar ako sumali.
Karamihan sa mga naroon, katanguan ko lang. Lalo na yung mga babae. Hindi dahil sinupladahan ko sila o anupaman, sila mismo ang aloof. Ako lang yata kasi ang babaeng may blackbelt doon. Although hindi ko yun pinagsabi at puting belt lang ang gamit ko sa uniform ko, kaya lang kaibigan kasi ni Kuya Bart ang may-ari ng gym kaya nag-leak ang impormasyon.
Ilang beses na ngang may naghingi ng number ko doon pero tinanggihan ko, katulad ngayong papunta na ako sa kotse pagkatapos ng dalawang oras na session.
Muntik nga akong mairita kasi makulit. Naku, ganitong may issue pa akong personal ke Rob at Caloy... please! Kota na ko!
Saka ako umuwi kina Paul. Inabutan ko pa si Tita Pam na gising. Pinaghain pa ako nito ng hapunan.
"Sigurado ka bang uuwi ka na sa duplex?" Tanong nya nung papaalis na ako.
"Opo. Ayos na 'ko, Tita. Don't worry," humalik ako sa pisngi nito at saglit na niyakap. "Thank you po. Sorry sa abala."
Hindi naman ako dumiretso ng uwi. Wala pang alas-diyes ng gabi kaya nagpunta ako sa PICC Bay Area sakay kay Augie.
Eto na naman ako. Parang bumabalik ako sa dati. Sabi ko sa sarili ko habang yakap ang tuhod ko at nakatanghod sa madilim na dagat, saklob sa ulo ang hoodie ko.
Sa peripheral ko, nakita kong may naupo na tabi ko. Uurong sana ako pero nanigas ang paa ko nung umihip ang hangin sa direksyon ko.
Yun pa rin ang cologne nya!
"Ganito ka na naman," ang simpleng sabi.
"Ano ba'ng alam mo sa buhay ko?" mahina kong sabi.
Huminga sya ng malalim, "Wala nga siguro but ... I was still asking about you when I left Palawan."
"Sa mga Kulugo?" Naghatid ng di mapipaliwanag na saya sa akin yung sinabi nya.
Well, at least he still cared.
Nag-uusap kami ng di nagtitinginan. Nakatingin lang kami pareho sa dagat.
"Hindi. Nasa iyo na ang loyalty nila. Mula nung nagkabanggaan ang grupo ni Troy at Danny sa Palawan event," mahina pa syang natawa. "Di mo man intensyon, pero ikaw ang pumalit sa akin. Hanggang ngayon, mas loyal sila sa iyo kesa sa akin."
Malungkot akong napangiti, "Sorry."
"No, Jun. I'm sorry. Maling-mali yung ginawa ko. I was just blinded with so many things," huminga sya ng malalim. "... including jealousy over your rising popularity then. Overpowering mine. And I hated your guts... and still hating it now, Jun. Yours is too strong for a woman. It's just that, I have to accept it. That's you, babe."
Napakagat ako sa labi, "Wag mo 'kong tinatawag na 'babe', Caloy. Ayoko na ng kumplikasyon. Marami na akong isipin."
Tumayo na 'ko.
"Sana, wag mo na 'kong guluhin. I did my best para makaahon sa iyo. Maliban kay Paul at Troy, si Rob tumulong sa akin para magawa yun."
"Wag mong babanggitin ang pangalan nya. Nasisira ang araw ko."
"Pareho lang kayo ng pakiramdam. At pareho nyo ngayong pinapasakit ang ulo ko."
"Jun... Can we just pick up things between us where we left off?" Tumayo na rin sya at hinarap ako.
"There's nothing to pick up. Wala namng 'us'. It was just me who stumbled. Tapos umalis kang naiwan akong nakanganga. A simple goodbye would do. O kaya kahit kumaway ka lang bago ka umalis. Hindi eh. Ang huli nating pag-uusap, sinasampal mo pa rin sa mukha ko na ako lang ang nagmamahal at hindi mo 'ko magugustuhan dahil kay Anne. Di ko lang mainitindihan, what gave you the idea na nakikipagkumpitensya ako sa kanya?"
"You had Paul, then. At Troy," sa halip ay sabi. Di ko alam kung umiiwas sya sa tanong kong yun.
"Ikaw na ang nagsabi, there was nothing romantic about that relationship. Ngayong handa na uli ako magmahal ng iba, eto ka na naman. Alam mo bang nung gabing yun sa gasoline station, ako na ang magtatapat ke Rob? Para magkaro'n na nang label kung anuman ang meron kami."
"We were really meant to cross paths again kung ganun. Kasi walang labeling na magaganap kung anong meron sa inyo ngayon. And whatever you have is bound to end, Jun. I'm going to end it."
Napabuga ako ng hangin, "Tapos, kapag nagkaron ka na naman ng oportunidad na bumalik kay Anne... ano na?"
Mahigpit nyang kinapitan ang dalawang balikat ko, "You think I'm eating up all the hurtful words I threw at your face then just because I needed a rebound, Jun?"
"Hindi ba? Kasi iniisip mo na may babalikan ka sa akin. In the first place, di naman naging tayo. Kasi, pustahan lang naman ako eh. Stepping stone mo para makalapit ka kay Anne uli."
"Tumingin ka nga sa akin, Jun. Sa mata ko. Sabihin mo sa akin ngayon kung wala na 'ko dyan," tinuro nya ang tapat ng puso ko. "Sabihin mo sa akin na mas mahal mo yung peke mong boyfriend."
Malakas kong tinabig ang mga kamay nya sa akin. "Tigilan mo na 'ko, please."
I walked out.
Di naman ito humabol pero, "You already answered my question, Jun. I will make sure na ako lang ang pupuwedeng tumawag sa iyo ng 'babe'!" sigaw nya.
Potaaah!
Gusto ko nga ng katahimikan kahit ngayong gabi lang. Pa'no ba 'ko nasundan nito dito?
Pag-uwi ko sa duplex, naligo agad ako at nagpalit ng damit.
Nahirapan ako matulog kahit pilit kong pinagod ang sarili ko sa dojo at sa gym.
Marahang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Hindi na ako bumangon o nagtangkang tingnan kung sino yun. Ni hindi nga ako gumalaw. Nanantili akong nakapikit.
Narinig kong naghubad na ito ng damit. Sandali lang, lumundo na ang kama ko at may yumakap sa likod ko.
"Bakit di ka pa natutulog?" bulong nya.
Napakagat ako sa labi ko. Alam nya pala.
"Di pa 'ko makatulog."
"Di mo sinunod ang request ko sa iyong magpahinga. Galing kang dojo at nag-gym ka pa. Pagod ka, bakit di ka makatulog?"
Di ako nagsalita.
"Ano'ng pinag-usapan nyo?" mahinahon nyang tanong.
Sabi ko na. Alam nya.
Umiling lang ako.
Humigpit ang yakap nya sa bewang ko tapos malalim syang huminga sa leeg ko.
"Bakit ka nagpunta dito?" Tanong ko.
"Bawal ba? Nami-miss na kita."
"Kahapon lang..."
"Iba yun, Jun. That incident yesterday made me miss you more. And... I'm fucking scared," pag-amin nya. "Kung pwede lang na ibulsa na lang kita. Par akasama kita lagi."
Napangiti ako ng tipid.
Loko talaga ang halimaw na ito. Ganun na ba 'ko kaliit sa paningin nya?
"Babe..."
"Hhmm..."
"I'll be away for at least a week... at most two."
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng di maipaliwanag na kaba sa sinabi nya.
"Bakit?"
"My brother called. He's asking for help about something really urgent. I'm flying to the US tomorrow... mamaya na pala ng umaga."
"Uhm... ok."
Wala naman akong karapatan na mag-demand sa kanya na wag syang umalis.
"Pero kung ayaw mo akong umalis..."
"Wag, Maw. Kapatid mo yun. Pumunta ka."
"Ayaw kitang iwan. I'm scared to leave you here. Knowing that he's just around, ready to pounce at you ... to take you away."
Natatakot din ako. Kasi ... shit! Shit talaga!
"But... I also want to give you space. Para makapag-isip ka. Baka sakaling ma-miss mo 'ko," tumawa ito ng walang tunog.
Natawa rin ako.
"Jun..."
"Hhmmm..."
"Kung ma-miss mo 'ko, tawagan mo lang ako. Uuwi agad ako."
"Ooow-keeey..." exaggerated kong pagpayag. Natatawa pa rin.
"...and if you do, I'll take that as you're agreeing that we're official, ok?"
Hindi na ako nakasagot. Pati pagtawa ko, nawala.
"Jun?"
"Uhm... s-sige."
"Jun..."
"Oh?"
"Don't... don't say yes to him... please. Baka... baka di ko na magawang tumapak uli ng Pilipinas ng di ko sya napapatay."
Parang naiiyak ako sa paraan ng pagkakasabi nun ni Rob.
Ang nag-iisang lalaki na nakaramdam ako nang takot nung magalit, pero eto at nakikiusap sa akin.
'Tragis talaga!
Humarap ako ng higa sa kanya.
Iniyakap ko ang braso sa leeg nya at isiniksik ang mukha ko sa dibdib nya.
"Just hug me, please," sabi ko.
At di nya ako binigo. May libre pang kiss yun sa lips ko.
"Sleep."
Wala pa ngang ilang minuto, nakaramdam na ako ng antok.
Bago ako lamunin ng panaginip ko, nagkaro'n ako ng realization.
Si Caloy, parang kape. Hindi ako pinapatulog sa pag-iisip.
Si Rob, ang sleeping pills ko. Ganitong yakap nya ko, nakakaramdam ako ng kapanatagan.
Contrapelo talaga sila.
==============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro