Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

47 Backdoor


It's been four days since I returned to work. And though things were not as the same as before between Juno and I, I'm still thankful that there were no drastic changes happening, except for the fact that she was being a bit aloof with me when it comes to getting intimate again.

The first three days that Juno deleted her FB page, her friends in the new account has been commenting there that many were disappointed with it, though they understood why she did it. And from them, nalaman ko na may nag-create ng fanpage ni Juno bilang kapalit.

Doon itinuloy ang inaabangan nilang teleserye ni Mr. Cookie, Juno, ako ... to my fucking disappointment, nasisingit si Caloy.

To my surprise, marami pa rin ang followers. But Juno doesn't care less. Basta ang sabi nya sa akin kagabing mag-usap kami sa video call,


"Wala na 'kong pake dyan. Di naman ako may-ari nung page, di ko sila mapipigilan sa gusto nila," sabi nito na halata ang pigil na pagkairita sa mukha. "Tsaka mabuti na rin yun. Para may mapagtutuunan ng pansin yung mga di maka-move on sa ginawa ko."


I understand her because she told me that even some students in Charleston, who were her followers, were bugging her about putting down her page. Yung mga hindi tinanggap o pinadalhan ni Juno ng friend request sa second account nya. One of them was Peralta. I mean, sa pangunguna pala nito.

One more thing, she's also getting too irritable and restless nowadays.

Ilang araw na lang at madi-discharge na sa ospital si Reid. Ibig sabihin, sasama na ang ate nya kay Aris. Nai-stress si Juno sa isiping yun.

And her primary outlet is going to the gym. I found out that she got herself recently enrolled to a kendo training using bokken, aside from her Krav Maga. I got all info from Jack. Even in the past that Juno was a belt holder first with taekwondo and judo in her highschool and early college days.

It's already six in the evening. Lumabas na ako sa office ko pero dumaan ako sa security and IT room. Ito ang department ng Agoncillo Security and Investigation na bukas ng beinte kuwatro oras.

Kinamusta ko lang kung maayos ba ang mga balita or kung may mga report galing sa mga agent na kailangan ng urgent attention.

So far, wala. Kaya lumabas na ako ng office building.

Nasa casa pa yung Audi so I used my MB two-door sports car. Gaya nung Audi, it's also black.

Umuwi muna ako sa condo para magpalit ng damit at kumuha ng ilang damit. Weekend ngayon so I plan to stay at the duplex.

I took a quick shower then hit the road to RC. Sakto ang dating ko na break ni Juno.

"May delivery?" Tanong ko sa security guard.

"Meron, boss. Tsaka may bisita si Jun. Ngayon ko lang nakita yun dito," ang sagot.

"Yung makulit?" I was thinking of Peralta.

"Si Sir Louie? Andyan na po. Pero, tinigilan kulitin si Jun nung dumating yung bisita."

I definitely have a bad feeling about this. Pero sana mali ako. "Lalaki?"

Tumango,"Matangkad ka lang nang konte tsaka mas medyo may kaha. Pero maputi na medyo kulot yung buhok."

Too vague a description. Pwedeng si Troy pero ngayon lang daw nadayo dito. Di kaya si Paul? Sana nga si Paul na lang...

"...parang may papagaling na pasa sa mukha eh."

Fuck!

"Ganun ba? Nasa'n na?" Tanong ko sa kalmadong boses.

"Kilala nyo, boss?"

Tumango lang ako.

"Andun kanina sa bartender's counter. Si Juno kasi ang bartender kanina nung naka-break si Jeps," turo nito.

"Sige pasok na 'ko."

Halata ko na parang medyo ilang sa akin ang mga kasamahan ni Juno na nasalubong ko. But this girl Mitchie approached me.

"Papa Rob... naka-break si Jun. Ano, may bisita sya. Di ko lang alam kung nasa'n sila. Wala kasi si Jun sa break room namin."

Ngumiti ako ng matipid. Ayokong matakot ito o ano pa. Hindi iyun makakatulong para makakuha ako ng impormasyon.

"Kaibigan nya yun dati sa Palawan," simple kong sabi.

"Aahh... akala namin dito, yun si Mr.Cookie," parang relieved na sabi. "Kinabahan tuloy kami nung makita ka namin kasi baka kung anong gawin mo."

I faked a chuckle tapos nagpaalam na dito. Dumiretso ako sa security at control room.

"Nick, labas ka muna. I'll do a random check sa mga CCTV dito," sabi ko sa isang security personnel doon. "Stay outside. Don't let anyone in."

I locked the door after he got out.

Mabilis kong inisa-isa ang mga CCTV sa loob at labas ng Red Cribs.

Until I found them. Malapit sila sa backdoor exit. Dun sa malapit sa malalaking trash bin ng bar.

Mukhang kakapwesto lang nila dun.

Fuck! Si Caloy nga!

I paused the CCTV recording. Ayoko na mailagay ito sa file ng security. I put on the headset and maxed the volume.

Nakayuko lang si Juno habang nakasandal sa pader doon. I can see that she was not comfortable. She's actually fidgeting but just controlling it by clasping her hands together.

"Sorry, Jun. Hindi ko talaga alam na ikaw yun," si Caloy.

"Uhm... s-sorry din," mahina nyang sagot.

"Hindi ko naman intensyon na manakit. Kaya lang ... kahit nag-iisa lang yung boyfriend mo, hindi kaya ng mga kasama ko."

"Wag ka na magpaliwanag. Nangyari na," nakayuko pa rin ito.

Damn! Nasaan ang taray ni Juno?

"Musta'ng braso mo?"

Muntik ako mapatayo nung hawakan nya sa braso si Juno at mapaigtad din ang babae.

Binawi agad ni Juno ang braso, "Ayos na 'ko...uhm...ikaw?"

"Eto, papagaling na. Bakit di ikaw ang direktang kumontak sa 'kin? Di naman nagbago cellphone number ko?"

What is he talking about?

"Di ko alam sinasabi mo," tanggi ni Juno.

"Matagal na akong di tinatawagan nina Pat. Suddenly after that incident a week ago, tumawag sila. Tinatanong ako kung ayos lang ako. Galit sa akin ang mga yun. Ikaw lang ang pupuwedeng magpasunod sa mga yun para kausapin uli ako."

Hindi nagsalita si Juno. Tumingin ito sa kanan nya na tila umiiwas ng tingin kay Caloy.

"Jun, look at me. Ikaw yun, di ba?"

Napatiim ako ng bagang nung hawakan nya si Juno sa baba at pilit ipaling ang mukha sa kanya.

"Tsk!" Nagpakita ng pekeng pagkairita si Juno, "So? Gusto ko lang masigurado na di ako nakapanakit ng husto. Ayaw ni Rob na—"

"Rob? Yeah... Speaking of him. How is he?"

"Ok lang. Dinala ko sa ospital. Isang araw lang naman sya dun."

"Ano'ng nangyari sa CCTV footage? Bakit nilabas nyo yung CCTV footage pero di sya nagsampa ng reklamo?"

"Hindi sya ang naglabas nun. Actually, sya pa nga ang nagpatanggal nun sa—"

Di tinuloy ni Juno ang sasabihin.

Matiim itong tiningnan ni Caloy.

"Bakit nya gagawin yun, Jun?"

Nagkibit lang ito ng balikat.

"Sya yung pinakilala mo dati sa Palawan, right? Under a different name. So, nagkatuluyan pala talaga kayo."

Nagkibit lang uli si Juno ng balikat at nag-iwas ng tingin kay Caloy.

"Jun..."

"Oh?" pero di ito tumitingin kay Caloy.

"Why do I have this feeling na nagsisinungaling ka uli tulad nang kay Paul?"

"Huh?"

"Yung sa inyo ni Paul, di ako naniniwalang kayo talaga."

What?! Hindi talaga naging mag-boyfriend sina Paul at J—

"... Parang ganun din ang pakiramdam ko sa inyo nung Rob... though a bit different."

What the hell? Ganun nya kakilala si Juno?!

"First boyfriend ko talaga si Paul."

"Alam mo ang ibig kong sabihin nung sa inyo ni Paul, Jun."

Hindi nagsalita si Juno.

"At si Rob? Ano ba talaga kayo?"

"Wala kang pake!" Nagsimulang magpakita ng totoong inis si Juno.

"Nah, it's ok. You already answered my question."

Damn! Kahit ako ang nasa posisyon ng gagong ito, alam ko ang sagot ni Juno.

And ... it hurt big time!

"You still got a lot of men guarding you, Jun. You have Paul and Troy. Now, you have that Rob. That's good. At least kahit nasa ibang bansa si Paul, may naging kapalit sya."

"Di mo na dapat ako pinuntahan," sabi ni Juno out of nowhere, and why do I sense some pain in her words. "Iniiwasan ko na nga na mag-krus ang landas natin."

"It's a small world, Jun. Isa pa, kahit anong iwas ang gawin ko, your name is ringing everywhere kahit wala ka na sa DR scene, lalo na nung lumipat ka nang Maynila. I tried to dodge your way. I only attempted to visit your FB page once. But that's it kahit lagi kong naririnig ang mga balita sa iyo dahil dun. But that call from Pat and Charlie made me decide to visit and say hi."

"Di na mauulit yun. Ayos ka na naman pala eh," may pakla ang pagkakasabi ni Juno. "Musta na kayo ni Anne?"

Natigilan si Caloy, tapos nagkibit-balikat, "Ayun... on-off, but this has been the longest off we had. I have this feeling that she's into someone new. Pero magaling magtago. Even her asshole brother is trying to find out who's the guy she's obsessed with."

"Obsessed talaga? Bakit di mo ginalingan? You had your chance nung lumipat ka sa grupo nina Danny."

"Wala nang grupo si Danny."

"Huh?"

"Nagkaroon ng paksyon sa grupo nung mag-away kami nung ulul na yun dahil kay Anne. Nasa akin na ang grupo ni Danny. Yun ang dinadahilan ni Anne kaya ayaw nyang makipagbalikan sa akin," huminga ito ng malalim.

Well, I guess I was a bit relieved. Caloy is still into his ex. Pero halata na lalong di mapakali si Juno habang nagkukwento si Caloy.

Tang-inang lalaking ito! Wala ring pakiramdam! Alam naman nya na yun ang pinag-awayan nila ni Juno. Parang napakakaswal lang nyang magkuwento!

"... but I'm getting tired of this shitty game of hers. I'm starting to think I was just running after her because she bruised my ego big time sa pagpatol nya at iwan ako dati para dun sa tibo. But well... I dunno what will happen."

When he said that, it gave another bad feeling to me, lalo na nung pagmasdan nya si Juno.

He looked at her with fondness.

"Uhm, pasok na 'ko. Matatapos na break ko," biglang paalam ni Juno. "Sige."

Lumakad na si Juno at nilampsan ito. Tatayo na rin sana ako para bumaba pero...

"Jun, can I drop by here some other time?" Hinagip nito sa braso ang babae.

Nahigit ko ang hininga ko sa paghihintay ng isasagot ni Juno.

"Di ko alam, Caloy. Wag na lang siguro. Alam mo namang gagawa ng ingay sa community kapag kumalat na nagkita tayo. Yun pa nga lang sa nangyari sa SLEX, di pa rin namamatay ang issue kahit nananahimik ako. Ayoko ng gulo."

Bumagsak ang balikat ni Caloy.

Medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Akala ko ... ok na tayo?"

Umiling si Juno.

"Bakit yung mga Kulugo?"

"Nag-usap na kami. And they apologized sincerely. Pero ikaw..." Juno's voice trailed off.

"How can I say sorry, Jun?" Nagkaroon ng igting ang boses ni Caloy. "You destroyed me, too!"

"Kung di nyo ako pinagpustahan, hindi ko gagawin yun," nagkaroon ng pait ang boses ni Juno.

In fact, her voice trembled.

"Kung sana, hindi nyo na lang tinuloy ang pustahan nyo along the way, Caloy. Baka sakali, maayos na tayo, noon pa. Or sana, kung di mon a lang ako kinulit na maging navigator mo tapos sadyaing mong ..."

Hindi na tinapos ni Juno ang sinabi nya. Yumuko na lang ito tapos umiling.

Umangat ang kamay nya papunta sa pisngi. May pinunasan sya dun.

Umiiyak si Juno. Napakuyom ako ng dalawang kamay.

"Jun..." lumambot ang boses ni Caloy.

"Naisip ko rin na sumobra nga yata ang ginawa ko. Pinagsisihan ko na rin ang nangyari sa Olongapo. Gumawa yun ng malaking marka sa pangalan ko kaya maraming nanggugulo sa akin. Mabuti na lang at nariyan sina Paul at Troy... at si Rob. Pinagsisihan ko yun kasi kahit lagi akong badtrip sa inyo ng mga Kulugo, na-miss ko kayo ng husto. Masamang-masama ang loob ko. Pinagsisihan ko yun kasi, nag-away tayo ng malala. Pero ikaw, hanggang ngayon, wala kang pagsisisi sa ginawa mo. Sarili mo lang at ang nararamdaman mo lang ang importante," mahabang sabi ni Juno habang umiiyak at nakayuko.

Halos mabasag ang bagang ko sa madiing paglalapat nang kabigin ni Caloy si Juno at yakapin, "Jun..."

Mabilis akong lumabas ng security and control room matapos ilipat sa ibang screen ang nasa monitor.

"Boss, ayos na?" Tanong ni Nick na nasa labas lang ng pinto.

"Sige, pumasok ka na," mabilis kong sagot at tumakbo sa frontdoor paikot sa daan sa labas papunta sa backdoor exit.

Inabutan ko pa na yakap pa rin ni Caloy si Juno habang umiiyak.

"Babe..." tawag ko.

Sabay silang napalingon sa akin.

Nagkaroon ng pagtalim sa mata ni Caloy.

Pagkagulat at relief sa mukha ni Juno.

"Maw..."

Pero sabay-sabay rin kaming napalingon sa pinanggalingan kong daan.

May narinig kaming parang natumbang mga bote.

May silhweta ng babaeng tumayo doon. Nadapa yata.

"Anne?!" Tila di siguradong pagkakasabi ni Caloy.

Mabilis na nawala ang babae dahil lumiko agad papunta sa harap ng bar.

Hinatak ko agad si Juno na napatanga kay Caloy.

Narinig nya rin ang pangalang binanggit ng lalaki.

"You ok?" I asked then wrapped an arm around her back to hug her, and my other hand wiping her tears away.

Napatingala sa akin si Juno. Tapos kagat-labing tumango.

Nakahinga ako ng maluwag nung mahigpit nyang iniyakap ang dalawang braso sa bewang ko at isubsob ang mukha sa dibdib ko.

"Jun..." si Caloy.

"Stay away from her!" Galit kong taboy dito.

"Sino ka para utusan ako ng ganyan?" galit ring sabi nito.

"Can't you see what you had done and doing to her right now, Carlito Sorriente?" Halos pasigaw ko nang sabi.

Saglit lang ang pagkabigla sa mukha ni Caloy pero agad na nanliit ang mga mata nito.

"Rob, wag na," yumakap ng mahigpit sa bewang ko si Juno, umiiyak pa rin.

Nabaligtad ang sitwasyon. Ako ang pinipigilan ni Juno na wag saktan si Caloy. Alam at ramdam nya sa pagkakayakp sa akin, na nanginginig ako sa galit.

Nasasaktan ako sa nangyayayri, but there is no way I'm giving her up especially to this asshole!

"Please, Maw!" pakiusap nito nung di ako tuminag.

"Just fucking run after your girlfriend, jerk!" madiin at gigil kong sabi sa lalaki bago halos bitbitin ko si Juno papasok sa backdoor exit.

Wala na akong pakialam kung para lang sa staff ng RC ang daang iyun.

Juno needs some air away from this guy.

Tinawag pa uli ni Caloy si Juno pero hinigpitan ko ang pagkakayakap sa babae para di na ito makalingon.

"Jun, don't!" nagagalit kong bulong dito. "Hindi ka pa ba nagsasawa?"

Yumugyog uli ang balikat nito.

Ang sakit naman!

I carried her bridal style and kept her head on my chest.

"Oh, ano'ng nangyari?" si Mitchie. Nasalubong namin malapit sa employees breakroom.

Napakapit ng mahigpit si Juno sa harap ng tshirt ko lalong isinubsob ang mukha doon.

"Nadulas sa sa likod," ang sabi ko. "I'm bringing her home."

"Naku, ano ba yan! Katatapos lang nung aksidente nyo ah."

"Can you get Rome? Ipagpapaalam ko lang si Jun," sabi ko referring to their manager.

"Ay, oo. Teka!"

"Rob, wag na. Du-duty na lang ako," sabi ni Juno nung makalayo si Mitchie. "Ibaba mo na 'ko."

"No. This time, ako ang masusunod," may pinalidad kong sabi. "And stop wiggling. Di kita bibitawan."

Pagbalik ni Mitchie, kasama na nga si Rome.

Sinabi ko dito na nahilo si Juno kaya nadulas sa likod.

"Sige, Mr. Agoncillo. Dapat nga kasi, di muna nagre-port sa trabaho itong si Jun pagkatapos ng aksidente nyo. Baka kailangan nya muna magpahinga."

"I was about to say. She won't be coming in for work tomorrow," sabi ko.

Naramdaman ko na kinurot ni Juno ang dibdib ko.

Sumunod si Mitchie sa amin papunta sa front parking. Dala nito ang backpack ni Juno at hawak ang hoodie nito sa itinakip ko sa legs nya dahil nakalabas sa maikling uniform ng RC.

Sa likod na rin kami umikot.

Nadaanan pa namin si Caloy sa papasakay sa kotse nya. Bigla itong napalabas ng kotse at lumapit.

"What happened?"

Lalong humigpit ang kapit ni Juno sat shirt ko at ibinaon ang mukha sa dibdib ko.

"Tinanong mo pa?! Back off!" I hissed.

"Oh!" Parang nagulat si Mitchie sa bangayan naming ni Caloy.

I deposited Juno sa shotgun ng MB at siniguradong sarado ang mga pinto nun, dahil ang gagong Caloy, nakatayo lang sa labas ng kotse ko, sa side ni Juno.

Pinatawag ko kay Mitchie si Eric.

"After ng duty mo, i-drive mo yung Augusta ni Juno sa address na ite-text ko sa iyo mamaya," bilin ko na inabot ang susi ni Augie dito.

"Areglado. Boss."

Inayos ko ang seatbelt ni Juno.

"Maw..."

"Hhmm...?"

"Thank you."

Napatingin ako kay Juno. Di sya bumabaling sa kabilang side dahil naroon pa rin si Caloy.

Though heavily tinted ang Mb ko, aninag kami sa loob dahil nakabukas ang ilaw namin.

I gave her a deep but quick kiss on the lips. I felt her hand on my cheek.

I smiled on her mouth then said, "Anything for you, babe."

This time, she was the one who grabbed my nape and kissed me well.

In my peripheral, I saw Caloy walked out.

Good riddance.

Our lips parted to get some air. I rested my forehead on hers.

"Ok ka na?" I asked.

Di sya umimik then she flung her arms around my shoulders and buried her face on my neck.

"Di ko alam gagawin ko kung di ka dumating kanina," she whispered. "Thank you talaga."

"That kiss you just gave me was good enough a payment," then I gave her a quick peck on the lips.

Namula ito.

"Let's go?" tanong ko after switching off the car light inside.

"Saan?"

"Sa puso mo?" birong totoo sa akin yun.

Natawa si Juno, "Kadiri ng mga banat mo, Agoncillo! Jejemon."

Natawa rin ako, "I just heard it somewhere, and read in social media."

We were like a kilometer away nung makumpirma kong sumusunod sa amin si Caloy... at may isa pang sasakyan na likod nito.

"Jun..."

"Hhmm..."

"We're being followed."

"Huh?!" Napalingon ito sa likod.

"It's him ... and there's another on his tail."

"Rob..." may bahid pag-aalala sa boses ni Juno nang tawagin ako.

Naramdaman nya agad ang pag-change gear ko.

"Don't worry. I'll just lose them both."

"Naka-set up ang sasakyan ni... nya."

"Kahit pareho pa nung kasama nya," sagot ko. "I'm trained for this. This is my job. And the reason I always use sports car."

"Di nya kasama yun. Mag-isa lang syang nagpunta."

"How did you know?"

"Alam nyang ayoko na ng ingay. Sinabi nya rin sa akin."

"Then who do you think is behind him?" Tumingin ako sa rearview.

"Pwedeng si Louie. Nasa RC sya kanina, nangungulit pero tumahimik nung dumating si Caloy. Or yung Anne. Kung sya nga yung nakita natin kanina sa likod ng RC. Nasa drag racing rin yun. Pero sa pagkakaalam ko, navigator lang. Hindi lumalaban ng karera. Sya raw yung rank two na female navigator."

"And you're top one in both male and female division, right?" salo ko.

Nagkibit-balikat lang si Juno, "Sila lang ang may sabi nun."

"Can you tell if..."

"Oo."

"Ok, we'll see."

Then I suddenly sped up. As I observe Juno in my peripheral, hindi talaga sya nagpa-panic kapag may nagigitgit kaming sasakyan, mapa-kotse o bus o truck. Her eyes were on the rearview or side mirror. Minsan nagagawi sa akin.

She's observing the three of us. Yes, including me.

"May nagbago sa estilo nya magmaneho," pabulong lang yun. I knew she was referring to Caloy.

Suddenly, I felt jealous and envy.

She still remembers everything what she knew about him.

"Maw, hindi talaga drag racer yung isa," sabi nya.

"I know. I noticed it, too."

I'm getting impressed with this guy, Caloy. His driving has improved a lot compared to how he did way back in Palawan nung sundan nya rin ako sa paghatid ko kay Juno sa bahay nung Sir Abet. I can shake him off our tail but after a couple of minutes, his back on track.

"Pahiram ng phone mo ha?" sabi ni Juno but didn't wait for my reply.

Kinuha na nya yun sa dashboard.

She started doodling on my phone.

After a couple of minutes, "Liko ka dyan sa kanan. Pangatlong kanto kaliwa..."

She's starting to be my navigator!

I smiled. I followed her instruction.

"... sa pangalawang intersection, counterflow tayo ng mga fifty meters..."

"What?!" Nagulat ako sa sinabi nya.

"Maikli lang ang fifty meters para sa bilis ng sasakyan mo. At base sa galaw mo, sanay ka sa ganyang tipo ng pagmamaneho. Isa pa, gabi na. Walang dumadaan dun ng ganitong oras."

"You familiar in this area?"

"Used to. Malapit kami dito nakatira dati. May mga nabago na sa daan pero di masyado."

"Then what's next?" I was impressed at the same time scared of her guts and aggressiveness in driving.

No wonder she was able to compete with those guys in Olongapo.

She was telling me all these directions as if reciting the alphabet.

"After the counterflow, kanan ka uli. Patayin mo yung tail lights and all. Tapos pang-apat na street, kaliwa ka. Dun muna tayo. Di nya tayo masusundan dun."

"How sure are you?"

"Si Caloy, ayaw nyan sa mga risky type ng driving. Gagawin nya lang yun kapag ako ang navigator nya."

Di na ako kumibo. Sumasama lang ang loob ko habang nalalaman ko ang mga bagay kay Caloy galing kay Juno. Base sa experience nilang dalawang bilang mag-partner sa drag racing.

True to her words, hindi nga sumunod si Caloy nung mag-counter flow kami. Naiwan ito sa kabilang street.

We would be miles away kung iikot sya sa U-turn slot.

Hindi mapapahiya kung sino man ang nagbinyag kay Juno as top one navigator.

"Hinto ka sandali dyan," malumanay nyang sabi sabay turo sa isang pulang gate.

Sumandal si Juno at saglit na pumikit. Tapos ibinaling ang tingin sa bahay sa side nya.

"Jun..."

"Hhmm...?"

"Paano mo nalaman na walang dumadaan dun sa kalye na nag-counterflow tayo?"

"One-way yun ngayon kasi may peryahan sa kabilang dulo. Malapit na ang piyesta sa katabing barangay."

"Sigurado ka talaga ha?" Natatawang sabi ko.

"Oo," tapos huminga sya ng malalim, "Kasi dyan kami nakatira noon."

Tinuro nya ang bahay sa side nya na kanina nya pa tinitingnan.

I warm hand suddenly enveloped my chest.

Even it was dim inside my car, I saw nostalgia on her face... and heard it in her voice.

Then without me asking, she started telling about their life back here. She was first year highschool when they moved to this house.

I just listened. She'd giggle, at funny moments she had in the house. Kasama ang ma magulang, kahit noong mag-bestfriend pa lang si Andie at si Aris. Then her voice would mellow down sa mga malulungkot.

She silently teared up telling me how they're parents died.

How the people she thought her friends at school turned their backs on her nung panahong struggling silang magkapatid.

Only two remained on her side. She told me about her best friends Ian and Janet. Even the reason they parted ways.

Now I understood why Juno was very picky and paranoid about people befriending her.

"Dyan..." turo nya sa gate. "dyan nakuha nung kapitbahay namin yung bag ni Ate na alam nyang naiwan nya sa van ng dumukot sa kanya. Ibinalik sa amin na may kasamang banta. Kaya kami lumipat sa Palawan."

"I'm sorry to hear that," ang sabi ko.

Lumingon sa akin si Juno and there was this small smile yet sincere one on her face, "Di mo kailangang mag-sorry. Wala ka namang ginawa. Tsaka... Salamat sa pakikinig."

She just showed me her soft side. The just bared herself... her sadness to me.

I'm honored.

I leaned over to give her a modest kiss on the lips. And yeah, she kissed me back.

Then without any warning, she yawned in my mouth.

Natawa ako.

"Sorry," nahihiya nyang sabi. "Di ko napigilan."

I checked the time, malapit na pala mag-alas kuwatro. Ni hindi namin napansin pareho.

"Let's go home," sabi nya.

"Sounds good to me," sagot ko.

"Jun..." tawag ko sa kanya nung nakahiga na kami pareho sa kama nya.

"Hhmm...?"

"Pinagpaalam na kita kanina sa manager mo. Wag ka na muna mag-gym. Out of town tayo after lunch."

Nag-isip ito saglit, "Sige. Bakit after lunch pa? Tsaka anong oras tayo makakauwi nun?"

"It's almost five in the morning. Breakfast na nga yung dinner natin kanina. Tulog muna tayo hanggang kung anong oras na tayo magising. Tawagan mo na lang si Hope at Tita Alice na di ka makakasama magsimba. Tayo na lang magsimba sa pupuntahan natin. Balik tayo Sunday afternoon.""

Nag-isip agad ito.

"Jun, you need to relax. You're so stressed out. Physically sa trabaho, gym at pag-aaral. At ... emotionally."

Huminga ito ng malalim, "Ok."

Humarap ito ng higa then snuggled in my neck.

Sandali pa lang, she's asleep and snoring. That cute sound she makes that let me feel relax knowing that she is peacefully resting in my arms.

============

Don't forget to comment and vote!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj