Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

46 Barko

Rob's POV

That evening, bumalik si Jack sa bahay namin sa Dasmariñas Village. Tulad ng bilin ko, nakabili na ito ng laptop na kapalit para kay Juno at naka-set up na gaya ng dating laptop ng babae.

"Boss, same brand yan pero ibang model," sabi nito. "Di kaya ng kalooban ko na bigyan ng same model si Dyosa. Mas deserve nya yung latest at mas mahal. Para mabawasan kayamanan mo. Anyway, andyan na rin lahat ng files nya."

Natatawang sabi nito.

Yun kasi ang bilin ko. Ibabalik ko kung ano ang eksaktong laptop ni Juno.

Knowing that woman, baka masamain nya kung mas mahal ang ipapalit ko. Kaya lang, may punto si Jack.

She deserves more than this actually, with all the trouble she had gone through last night to protect me.

At sa pangungulit sa kanya ng mga followers sa page nya tungkol doon. Malamang pati sa Charleston U bukas pagpasok nya.

Kanina, nakita ko na ang CCTV footage ng nangyari sa gasoline station. Hindi talaga basta makikilala ang mga involved. Malamang, yung mga taga-gasoline station din ang nag-leak ng information, mga pulis na humingi ng kopya ... o isa sa mga naroroon sa mga kasama ni Caloy.

Isa sa kasamang nagta-traydor!

Traydor dahil ang mga ganung bagay, dapat itago nila. Sila ang nauna.

Fuck! I felt useless thinking about it! Ako ang lalaki, dapat ako ang nagpo-protekta.

Kaya ang pinakamagagawa ko ngayon, ipatanggal kay Jack ang footage na yun sa internet.

Sabi ni Jack, walang ingay na nanggagaling sa kampo nina Caloy. Expected na yun. At mas expected ko ang pananahimik kay Juno at sa dalawang bestfriends nya.

Pumayag sina Mommy na ihatid ko ngayong gabi ang laptop kay Juno nung sabihin kong ipagda-drive ako ni Jack.

Napakamot na lang ng ulo ang lalaki.

"Pambihira naman, Rob," reklamo nito nung nasa byahe na kami. "May pinapagawa sa akin yung agent mo sa Tacloban eh."

"Di yun urgent. Kaya mong tapusin yun hanggang bukas ng umaga kung di mo uunahin console games mo," pambabara ko dito.

Natatawang nailing na lang ito. "Tapos ihahatid kita pauwi o dun ka uli matutulog?"

Tiningnan koi to ng patagilid, "Gago ka talaga eh! Talagang ini-stalk mo kami ni Juno."

Tumawa lang ito, "Boss, bihira lang ako magkaroon ng interes sa lovelife ng isang tao, kaya fan at stalker nyo 'ko. Inaabangan ko nga ang mangyayari eh. Dami mong kalaban. Yung Mr. Cookie, si Caloy, si Peralta at si Danny. At kapag tinarantado mo si Dyosa, isama mo na makakalaban mo yung dalawang bestfriends nya. Protektado ng sentinels nya ang chick mo."

Tangnang ito! Updated masyado! Mas updated pa sa aki—Teka!

"Si Danny?! Dati pa yun ah!"

Nagkibit lang ito ng balikat.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Trip pa rin nung Danny si Jun. Though parang ibang klaseng trip. Parang si Peralta pero cheaper version."

"Bakit di nagpaparamdam si Danny ngayong nasa Maynila na si Jun?"

"Mahina sya ngayon. Naagaw ni Caloy ang pagiging leader ng grupo nila. Dalawa lang ang talagang loyal ke Danny. Kaya nga lalong naging malabo na makabalikan ni Caloy ang kapatid nung gagong yun."

Hindi ko alam yun.

I took out Juno's past in Palawan from the equation since she has not been talking about it. She even despised the idea of it. Kaya nga sya umalis sa community ... but not until last night.

May mabigat na pakiramdam na parang dumagan sa dibdib ko nang maalala ang nakita at narinig ko kagabi sa pagkikita nila uli at saglit na pag-uusap.

Obviously, they still both care about each other.

They both brought harm to each other, only because they didn't know na sila na pala ang nagkakabanggaan.

Ngayon ko lang napag-isip-isip. Di kaya sinasadya nilang dalawa na talagang umiwas sa landas ng bawat isa?

If that was the case, bakit?

However, there was a big consolation for me. Juno stand in the way, between me and Caloy.

Narinig ko man ang parang naiiyak na boses nito, she stood her ground. She will fight for my welfare, against Caloy and his seven thugs.

She cares about me!

Yun ang panghahawakan ko.

Fuck! She's really one complicated woman.

"Tulog na yata, Boss," sabi ni Jack paghinto namin sa tapat ng duplex.

Maaga pa kesa sa regular nyang tulog. Siguro pagod talaga at dahil na rin sa epekto ng painkillers nya.

"Ok lang. I entered that house through the door just thrice, I think."

"Ano?!"

Nagkibit-balikat lang ako.

"Malala ka na," napapailing na sabi. "Kaya mo bang pasukin yan? Kakalabas mo lang ng ospital."

"Been in a worse conditon and still managed to pass through a more difficult obstacle," sabi ko bago bumaba ng kotse ni Jack bitbit ang laptop na nasa bag. "Wait here. Di ako magtatagal."

Habang papasok sa bakod ng duplex, naisip ko ang sinabi ni Jack.

Malala na ba talaga ang tama ko kay Juno?

Tsk!

Siguro nga. Kaya lang kasi, I can't compare this with my relationship with Tamara. She wasn't difficult like Juno. Wala nga akong kahirap-hirap dahil it opa ang kumausap sa akin na maging 'kami'. Maliban na lang nung i-reject nya ang proposal ko hanggang tuluyang matapos ang relasyon namin.

Pag-ikot ko sa gilid, napansin ko agad ang kurtina sa pinto ng maliit na terrace sa kuwarto ni Juno. Hindi nya yata naisara.

Tss.

Careless tonight, aren't we, babe?

Careless because maybe pre-occupied? Pre-occupied about...

Fuck! Napamura na lang ako sa isip pagsampa sa terrace. Ayokong isipin!

And yes, it was a bit open... and unlocked!

Tahimik akong humakbang papalapit sa kama nya.

Nakatihaya ito yakap ng isang braso ang stuffed toy na Pikachu.

Matipid akong napangiti habang maingat na nilapag yung laptop sa sidetable ng kama.

Naupo ako sa sahig sa gilid ng kama.

Marahan kong kinuha ang dalawang kamay nya na ayaw ipakita sa akin kanina sa ospital.

Pinigilan ko ang marahas na pagbunga ng hangin sa bibig.

Nabalatan ang ilang buto sa kamao nito, at halata ang maga sa kanang braso.

Otomatikong hinalikan ko ang magkabilang palad nya.

Tumayo na ako tapos yumuko at magaang na hinalikan sa noo.

Gumalaw ito at tumaligid ng kaunti. Tapos may umilaw sa bandang leeg.

Yung cellphone nya. Nakatulugan siguro ang paggamit.

Kinuha ko yun dahil baka madaganan nya at mag-crack ang screen.

But I think I made the wrong move.

Pagkuha ko sa cp nya, nakita ko na nakatulugan pala nito ang pag-e-FB sa profile ni...

"Caloy..." bulong ni Juno with her eyes still closed.

Mahina lang yun pero parang bombang sumabog sa tenga ko.

I felt like being slashed by a well-sharpened katana twice on the chest.

Nangatog ang tuhod ko. Unti-unti akong napaupo pasandal sa cabinet ni Juno, nakatitig sa tulog at tila aburidong mukha nito.

Fuck! Fuck!

Hanggang magsimulang lumabo ang tingin ko sa kanya.

Tang ina!

Tama si Jack! Malala na nga ako!

Parang isang sinat na alam kong nariyan at pinabayaan ko lang. In fact, subconsciously inalagaan ko. Tila nagbabad at nagtampisaw ako sa ilalim ng ulan. Pinatagal ko kasi na-enjoy ko... at ngayon, yung sinat, isa nang pneumonia. Malala na!

Kaya lang, wala akong ibang alam na gamot dito kundi ang babaeng tinititigan ko ngayon habang natutulog sa kama nya.

Humugot ako ng ilang malalim na hininga.

Kaya ba nya itinganggi sa mga pulis at mga magulang ko na kilala nya si Caloy dahil gusto nya itong makatakas? O baka ayaw nya lang uli magkaroon ng ugnayan uli sa lalaki?

Yung huli ang gusto kong paniwalaan. Pero bakit hanggang sa pagtulog nya, binabanggit nya ang pangalan ng lalaki?

Damn it, Juno! Ilalaban ko ito!

Sa akin mo binigay ang dapat sa mapapangasawa mo. At sisiguraduhin kong sa iisang tao mo lang ibibigay yun. Ako ang una ... at ako ang huli!

Inilapag ko ang cellphone ni Juno sa tabi ng laptop bago bumaba sa terrace ng kuwarto nya.

Napansin ni Jack ang pananahimik ko. Hindi rin ito nagsalita muna.

Alam nya na kapag ganito, malalim ang iniisip ko.

"May nangyari sa taas," simula nya. "Kailangan mo ng tulong?"

Wala akong choice kundi ang magtanong dito.

"Si Caloy at yung Mr. Cookie..."

"Pwedeng oo at hindi," sagot nito na hindi tinatapos ang tanong ko. "Walang pruweba. Unless, we get the CCTV from any of those flower shops. But thing is, there is no reason to request for a warrant. The only way to get them would be asking the shop managers or steal them."

I chose to talk to the shops' managers the next day. Sa ilang beses na nakatanggap si Juno, dalawa flower shops lang nakuha ko ang pnagalan dahil sa resibong naiwan ni Juno sa center table sa duplex.

At kapag minamalas pa, walang CCTV yung isa. Yung pangalawa, display lang at walang hard disk.

Parang gusto kong basagin ang CCTV dun sa pangalawang shop at palitan ng galing sa agency ko. Nakakagago lang!

I had a driver that day, kaya nagawa kong mag-check ng FB page ni Juno nung pabalik sa bahay.

Wala. Walang post.

Araw-araw kasi may kumukuha ng pic kapag meron. Talagang naging parang TV series sa page na yun ang ginawa ni Mr. Cookie. At marami ang nag-aabang.

Hapon na, wala pa rin. May nagtatanong na nga sa page kung wala daw 'episode' today. May sumagot na baka sa trabaho ni Juno.

Naroon din ang malakas na haka-haka na talagang isa ang babae sa mga nasa napabalitang insidente sa gasoline station. May nakakita kasi na parang may mga sugat sa kamao nito pero hindi makumpirma. Nakasuot daw kasi ang babae ng oversized sweatshirt na ang mga manggas ay halos kuko na lang sa mga kamay ang labas.

Kahit anong kulit ng mga nagkokomento sa page ni Juno, wala itong ikinokomento o ang dalawang kaibigan nito.

I checked the time nung pagpasok ko sa bahay.

It's four in the afternoon. Labasan na ni Juno.

Natutukso akong bumalik sa kotse at pumunta sa Charleston. Kaya lang naalala ko yung pm nya kaninang umaga.



Thanks sa laptop. Sana di mo na pinalitan. But really, thanks lalo na yung files ko, kumpleto tsaka yung dinagdag na mga advance program na naka-install. Loko ka, nag-akyat bahay ka na naman sa duplex, di pa tuyo ang tahi mo sa ulo. Wag ka na muna pumunta sa duplex. Pagaling ka. Pahinga ka, please.



Nung mag-reply ako nang,



You're welcome, babe! Papasok ka ba mamaya sa trabaho? Wag na muna kaya?



Wala akong reply na natanggap... hanggang ngayon.

May gym yun ngayon. Pupunta kaya sya? How about work?

Nakukunsumi ako!

I decided to make myself busy. I started checking and answering my emails.

Di ko na napansin ang oras kung di pa ako tinawag para sa hapunan.

"Son," si Dad nung matatapos na kami kumain. "Are you sure you don't want to pursue any complaint to those who assulted you? I know you can easily find them."

Umiling na lang ako. "If I do that, Jun will be dragged into the mess. Technically, the fight was even. I took down five and she beat the crap out of those three others."

"Yun lang ba talaga, anak?" si Mommy.

Di ako kumibo. She definitely knows when I'm hiding something.

"We're always free if you need to talk about it, Rob," sabi ni Dad.

As always, they won't push it. Yet still would always let me know they are there to listen, and to support my decisions.

Bumalik ako sa kuwarto ko tapos nanood na lang ng movie. But I couldn't concentrate.

Tumawag ako kay Eric sa Red Crib.

"Sir, di pumasok si Jun," ang sabi.

"Yung mga bulaklak?"

"Wala rin, Sir."

Shit!

Is it really Caloy?

He couldn't send flowers because he's not feeling ok, or at least his face is not?

Lalo akong naaburido.

I checked her FB page.

Kumunot ang noo ko.

Page not available.

I opened a new tab and tried to browse. Ayos naman ang internet ko. Even my FB is working.

Did she...?

I called Jack and just after a few minutes, he confirmed my suspicion.

"Yup. She took down her page. She transferred all videos and photos in a second account she created."

"What's the new account's name?"

"Juno DCII."

Tinapos ko na ang tawag namin.

Hahanapin ko pa lang ang second account nito, nakatanggap na ako ng FR.

Napangiti ako ng malapad, lalo na nung mag-chat ito sa akin gamit ang original account nya.



Paki-accept ng FR ko. Second account yun.



Tinawagan ko sya.

"Sabi ko, accept mo yung FR, di tawagan ako," bungad agad imbes na mag-hello.

I chuckled kahit parang kulang sa sigla ang pagtataray nito.

"Hello!" pabiro kong sagot.

She's trying to act normal. I can, too.

May naiba kasi. Simula nung gabing yun, naiba ang balance sa relasyong meron kami ni Juno.

Caloy just tipped the balance.

He made me feel insecured. Because I was there when Juno was so devastated about his guy. And I knew what she did in Olongapo because this guy could definitely make her go nuts.

I was caught off guard when that guy came into the picture... again.

Mali ako na maalarma kay Mr. Cookie o kay Peralta.

Caloy is the biggest threat.

"What's with the second account, babe?"

Narinig ko ang paghinga nya ng malalim, "Uhm... d-in-elete ko na yung page ko."

"Bakit?"

Ayun na naman ang hingang malalim nya,"Masyado akong exposed sa mga tao. Mali ang desisyon ko nung ginawa ko yung page. Hindi ko naman kasi ine-expect na ang daming magiging interesado sa page ko. Ang totoo nyan, wala pa yatang tweny yung in-invite ko na mag-like dun. Tapos yan ang dami-dami nang followers. Parang dyaryo ng buhay ko ang nangyayari sa page ko."

I know what she was trying to say. "Ano'ng plano mo sa second account mo?"

"Pipiliin ko lang ang ia-accept ko ang friend request. Ganun din ang pagpapadalhan ko."

"Why?"

Her answer made my insecurity worsen.

"Nagpapalamig muna ako. Ang daming nagtatanong sa community tungkol kay Calo—"

Natigilan din ito. Parang di nya yun intensyong sabihin o kung ano pa man.

"Bakit di mo na lang gamitin yung RA mo?" Kunwari ay pambabalewala ko sa sinabi nya.

Natawa ito ng pagak, "Alam mo namang marami akong skeleton in the closet na ayokong makarating kay Ate Andie. Exclusive ang RA ko sa family at very close friends."

Hearing that, I felt proud. "That means I'm part of that exclusivity, right?"

"Sandali, i-unfriend lang kita sa RA ko tas block na rin kita," nagtaray na naman.

Natawa ako ng malakas. Natawa rin ito.

But we suddenly fell into an awkward silence after that.

"Jun..."

"Hhmm?"

"Nag-gym ka ba today?" Alam ko naman na hindi. Wala lang, may maitanong lang. Bumubwelo pa ako.

Tangna! Ganitong inamin ko na sa sarili ko, parang bigla akong nag-alangan magtanong.

Kung dati ito, napakadali sa akin ang magtanong.

"Hindi. Pahinga ko muna braso ko."

"So, obviously, di ka rin pumasok sa Red Crib?"

"Malamang," papilosopo nyang sagot.

I chuckled.

"Uhm, Jun..."

"Oh?"

"Aalisin na yung tahi sa ulo ko bukas... samahan mo 'ko."

"Ninenerbyos ka?" I heard hint of teasing there.

"Of course not! I was already fine since te next day after the incident. I even sneak into your house the next evening para dalhin yung laptop. My Dad knew that but I don't want my Mom to worry. Tsaka ano... yun bilin mo sa pm mo sa akin. Magpahinga ako. Baka mag-alala ka."

Hindi ito kumibo.

"Babe, sige na," pamimilit ko... at sinasanay ko si Juno sa pagtawag kong ganun sa kanya.

I want to condition her mind that she's my 'babe' and I'm her 'Maw'. I want put her back to where we were before. Kais pakiramdam ko, lumalayo ito sa akin.

Mas gusto ko pa ang pakiramdam ng paglayo nya sa akin nung galing ako'ng Japan. Galit kasi sya nun since I wasn't able to contact her.

But this time is different.

And it's starting to scare the shit out of me!

Lalo na at nagkakaroon ako ng hinala na iisa si Caloy at si Mr. Cookie.

"Kailangan talaga, andun ako? Bakit di si Tita Rhea ang isama mo, eh, nanay mo yun. Mama's boy ka nga, di ba?"

Isang bagay na medyo alam kong ayos pa kami. Her smart mouthing at me is still there... still unwavering.

"Siyempre. Ikaw kasama ko nung magkaroon ako nito, nung tahiin. So, gusto ko kasama rin kita kapag tinanggal."

"Ano'ng oras ba 'yun?" Tanong nya.

YES!

"Anytime. Kahit sa ER na lang ipatanggal."

"Sige. After ng pasok ko sa Charleston. Sa susunod na araw pa naman ako babalik sa gym. Papasok na rin ako sa RC after natin sa ospital."

Tuwang-tuwa ako sa loob-loob ko but it was shortlived nung sabihin nyang...

"Sa ospital na lang tayo magkita. Dala ko si Augie."

"Wag na. Sunduin na lang kita sa Charleston, then hatid kita sa RC. I'll wait for you. Sa duplex ako matutulog."

"Rob, kasi ano..." ramdam na ramdam ko ang hesitasyon sa boses nya.

Sobrang kabaligtaran nung araw na mag-usap kami nung papauwi ako from Australia and planned our supposedly dinner in Tagaytay.

"Jun... I miss hugging you when I go to sleep. I miss you ... a lot."

Di agad ito kumibo.

"Jun... please..."

"Ok... Sige na," paalam nito.

That evening, I checked her second account.

There, I read her explaination to her friends that she felt so exposed kahit sa mga di nya kakilala, kaya tinanggal nya yung page. Na mas gusto nyang limitahan lang sa mga talagang personal nyang nakilala. Which were mostly from the drag racing community, mga dati at kasalukuyang kasamahan sa trabaho, at sa gym.

Natuwa ako nung wala sa friends list si Peralta.

Good!

I was waiting for Juno at the coffee shop outside Charleston when Peralta and two of his friends came in. Di ko sila pinansin since dahil hati ang atensyon ko sa pag-aabang kay Juno at pagsagot ng emails ko sa cellphone.

Baka di naman nila ako makita dahil nakasuot ako ng hooded jacket. Pero,

"Hey!" Bati nito na basta naupo sa harap ko, ganun din ang mga kasama nya.

Alam kong di pa naman punuan sa coffee shop at may ilang mesa pang bakante. Alam kong may sasabihin itong di maganda.

"Hey," simple kong bati pabalik tapos itinuon uli ang atensyon sa cellphone ko.

"So... how are you?"

"Good."

"I mean you're fucking ego."

Tumingin ako diretso sa mata nya. "Excuse me?"

"You see, kahit walang umaamin sa inyo, alam namin na kayo yung sa gasoline station."

"If you think my ego was bruised because she defended me, I'm sorry, it wasn't. Actually, I'm proud of it. That's what two people in a relationship do. We protect each other."

"Wrong again. I mean, how does it feel seeing Juno and Caloy together?" mapang-asar na pambabara nito.

Di ko napigilan ang pagtagis ng bagang ko but tried to keep a pokerface, "Well, she beat him up ... for me."

"There was another version I heard. She didn't know it was him. Kaya nga huminto si Juno at kaya si Caloy rin mismo ang umawat sa mga kasama nya na wag sasaktan ang Dyosa nya nung magkakilanlan sila," pang-asar na sabi. "Do you know that back in Palawan, she couldn't lay a finger on Caloy kahit galit na galit sya?"

Unti-unting lumiliit ang tingin ko sa taong ito. Hindi ko alam kung dahil sa nagsisimulang maningkit ang mata ko sa galit.

Galit dahil tila may katotohanan ang mga sinabi nya base sa narinig kong pag-uusap nina Caloy at Juno sa gasoline station.

Peralta scoffed, "Hindi mo alam? I thought she is your girl?"

"It's not just in my personality to dwell in the past, John. That was her past. I'ts her right to keep it to herself or tell me, if she wanted to."

"And she opted not to tell you," makahulugang sabi nito.

"Kasi di naman importante."

Lahat kami napatingin sa likod nina John. It's Juno.

Her eyes were on Peralta.

Damn! Ni hindi ko napansin na naroon pala sya.

This is so not me. I am always aware and observant about my surroundings kahit may kausap pa ako.

When it comes to Juno dela Cruz, nasisira ang focus ko.

Tumayo na ako. Seeing her dead expression, she's likely to go ballistics again.

"Hi, babe!" I kissed her forehead after wrapping an arm around her shoulders.

Her face didn't change. She did not even look at me.

She was just focused on Peralted with her cold eyes and straight face.

"Gagawin ko uli yun kung may mananakit uli kay Rob, Louie. Tandaan mo yan," ang sabi.

It sounds gay but it felt like there were butterflies in my stomach hearing those words from her.

"Kwento lang ang narinig mo, Louie. O baka video na napanood. Still you are the second or third person. Unlike me, ako mismo yun. Marami kayong hindi alam. Kagaya ng hindi mo alam na walo ang kumuyog kay Rob."

"Jun, tama nayan," awat ko. Pero di ito natinag.

Naramdaman ko ang tensyon sa katawan ni Juno.

"And the fact that he beat five of those guys all by himself. Kung isusunod mo sa aking itanong kung bakit nagulpi pa rin si Rob, kasi di sya nag-e-effort masyado lumaban. Di sya basagulerong kagaya nyo. So maswerte pa rin sila na sa akin natapos ang gulo. Kasi ako, hinliliit lang ako ni Rob."

Then Juno leaned over to get closer to Peralta's face, "Kaya kung ako sa iyo, shut up ka na lang. Masuwerte ka kung ako pa ang gugulpi sa 'yo, Louie. Gusto mo ma-experience? Hindi mo kakayanin si Rob."

Napatanga sa kanya ang tatlong lalaki. Gusto kong matawa sa itsura nila.

Bibig pa lang ni Juno, di na sila makalaban eh!

Tapos biglang kambyo si Peralta, "I don't think so. I think he's a coward hiding behind your back."

"Hindi rin," paismid na sabi ni Jun. "Naaawa lang sya sa pwede mong sapitin kung papatulan nya yang kayabangan mo."

"Babe, halika na. Or else I'll french kiss you here," nangingiti kong banta.

Nangingiti ako kasi sa totoo lang, kahit lalaki ako, kinikilig ako.

Biglang lumingon sa akin si Juno na naniningkit ang mata kasabay ng pamumula ng mukha.

"Come," kinindatan ko lang ito bago giniya ko na ito palayo kina Peralta.

Malapit na kami sa pinto nung hampasin ako sa tyan, "Gago ka talaga!" she hissed.

"Ayaw mo kasing magpaawat," natatawa kong sabi. "Kanina pa kita niyayayang umalis. Effective naman, di ba?"

Napapailing na lang ito sabay ng pigil na ngiti.

Hinahagilap nito ang seatbelt when I said, "Hello kiss ko?"

"Huh?"

Inabot ko ito sa batok then kisse her on the lips.

Parang gusto kong masaktan sa pagkabigla ni Juno.

Her reaction was way different from my kiss she welcomed when I arrived from Australia four days ago.

Pero binalewala ko yun.

It's more important to feel her lips against mine because,

"I miss you so much," mahina kong sabi when our lips parted yet our faces so close to each other.

Nakapikit pa ito habang kinagat-kagat ang itaas at ibabang labi ng salitan.

Dumilat sya at inikot ang mata sa mukha ko. Matipid na ngumiti.

"Na-miss din kita," she sincerely said looking into my eyes.

My heart fluttered, not just by the words she said.

It was about something I saw in her eyes. There was uncertainty there yet ... I knew it. I can feel it.

My pag-asa ako sa laban na ito.

I gave her a quick peck on the lips then I did her seatbelts.

"Let's go," I said.

We talked about random stuff on the way to the hospital.

Taking off my stitch did not even take two minutes. After giving further instruction and prescription, the doctor said we can go.

Pagdating sa Red Crib, pinutakte ng tanong si Juno ng mga kasamahan.

Panay kibit-balikat alng, 'no comment' at 'Ayos lang kami' ang sagot ni Juno.

Nung ako ang tanungin nung ilang makulit na kasamahan nito, "Pareho lang kami ni Jun ng sagot," nakangiti kong sabi.

"Andaya! Pinag-usapan nila ang sagot!" Maktol nung Mitchie.

Di ko rin naman masyadong inistorbo si Jun. I just stayed at the bartender's counter the whole duration of her shift.

Beer lang ang ininom ko, while watching a ball game na LED TV doon. Nung magsawa, I started multi-tasking.

Watching Juno with her job while I read and answer emails na di ko naasikaso sa tatlong araw na absent ako.

"Ok ka lang dyan?" tanong nya nung magawi sa counter para ibigay ang order ng isang grupo ng guests nila.

"Don't worry about me, babe. I'm perfectly fine here watching you," tukso ko.

Inirapan lang ako.

Nung mangawit ako sa pag-upo, kinausap ko ang mga bouncers para kumustahin.

"Ayos naman, boss," ang sagot.

Pasimple akong tumingin sa labas. Inaabangan ko yung delivery man ng bulaklak para kay Juno pero nakauwi kami at lahat sa duplex, walang dumating.

"Jun..."

"Hhmmm..." antok nyang tugon. Nakahiga na kami nun at nagpapaantok.

"Parang di nagpaparamdam si... Mr. Cookie ah," sabi ko.

Nagkaroon ng tensyon sa katawan nya na yakap ko.

"Hayaan mo sya," malamya nyang sagot.

Ilang saglit na katahimikan ulit.

"Jun..."

"Hhmmm..."

"You still remember the night before I came back from Australia?"

"Ano yun?"

Tsk! Nakalimutan na ba nya?

"Sabi mo, may pag-uusapan tayo. It sounded really important."

This time the tension in her body was more evident.

She cleared her throat, "Next time na lang, Maw. Antok na antok na ko eh. Tsaka pagod ako."

My heart sank.

I knew what we were supposed to talk that night was someting good for us.

Ramdam ko yun sa tono at ritmo ng salita nya nung sabihin nya sa akin na gusto nyang mag-uusap muna kami nung inuungot ko ang pangako nya na pag-iisipan ang tungkol sa 'thunderbolt'.

And seeing Caloy again changed the course of the wind for our sail.

We were quiet for minutes... I don't know how long.

I was thinking and contemplating on things.

Kung si Caloy ang masamang hangin na nagliligaw sa layag ng barko namin ni Juno, ako pa ang kapitan ng barkong yun. Ako pa rin ang may hawak ng timon para mapanatiling nasa tamang direksyon kami ni Juno.

At kahit ibaligtad kami ng mga alon, wala akong balak bumitaw kay Juno.

I cleared my throat matapos mag-ipon ng lakas ng loob, "Jun...can we date exclusively?"

But I only heard her soft snoring. 

============

Nag-e-emote si Papa Rob! LOLZ!

============

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj