44 Gasoline Station
Yung MALAPIT NA ...
... ETO NA!!!!
==============
Maaga akong gumising para maghanda. Magko-commute lang ako papasok dahil susunduin ako ni Rob mamaya.
Napangiti ako habang nagsusuklay.
This is it, Juno! Ilang oras na lang, magkikita uli kayo.
Excited ako, di ko yun itatanggi.
Siguro naman, magkakalinawan kami ng halimaw na yun.
Oo, dapat lang na itama namin yung magulo naming status. Di pwedeng ganito. Himas sya ng himas tas pipisil sa akin. Manghahalik kung kelan nya gusto.
Kaya umayos syang halimaw sya. Nakuuuu! Kung hindi, wala ang inuungot nya sa aking 'thunderbolt'.
Napahagikhik ako.
Sige, tawa ka! Umentra na naman ang kontrabida kong utak.
Paano kung di naman pala ready sa commitment si Rob?
Ay, syeet! Tigang! Di ako papayag! Think positive!
Ano ba 'yan?! Nahahawa ako sa kahalayan ni Rob!
Bawal ang bad vibes! Paulit-ulit kong sabi sa utak ko mula lumabas ako sa duplex hanggang makarating ako sa Charleston.
Ang kaso, di umubra ang mantra ko ng araw na yun.
Kasi, papunta sa second subject ko, nasalubong ko ang di nakakatuwang hilatsa na mukha ni Louie.
Dyosa ka, Juno! Wag magpapaapekto sa mga walang kwentang mortal!
Isa pa, di dapat masira ang mood mo sa nalalapit na 'moment' nyo ng Maw mo mamayang gabi. Pak!
Kumbinsi ko sa sarili habang papalapit ito.
"Hi, cupcake!"
Himala at mag-isa ito.
Tumango lang ako ng tipid tapos nilampasan na sya.
Sumabay ito sa paglakad, "Akala ko absent ka. Wala si Augie sa parking eh."
Dedma.
"Jun..." tawag nya nung papasok na 'ko sa classroom ko.
Nilingon ko, taas ang kilay.
"Ako yung... yung nagpapadala sa yo ng bulaklak at chocolates."
Tss.
Ampaw talaga ang utak nito. Alam nya na nakita ko syang kinukulit yung ilang delivery man kapag natsatsambahan nya para alamin kung sino ang nagpadala. At sinabi nya rin sa 'kin na hahanapin nya yun at gugulpihin.
"Talaga?" pa-epek akong ngumiti.
Nagliwanag ang mukha nito, "Oo!"
"E di ... gulpihin mo na sarili mo. Di ba, yun ang sabi mo sa 'kin dati?"
Nahilaw ang mukha nito.
"Alam mo, Louie, isip-isip din pag may time, ok?" Pang-asar na tinapik ko pa sa balikat.
At para lalong mabwisit, "Isa pa, kilala ko na."
"Sino?!"
"Si Rob. May date nga kami mamayang gabi kaya di ko dala yung Augusta ko."
Di ito nakakibo.
"O, pa'no? May klase pa'ko," tinalikuran ko na.
Bago matapos ang second subject ko, dumating ang flower delivery ... sa mismong classroom ko.
Hiyang-hiya ako sa prof namin kasi na-interrupt yung lesson nya. Pero mukhang game naman ito at nakitukso kasama ang mga classmates ko.
"Wala ba itong kasamang card?" tanong ni Sir sa delivery man.
"Uhm, wala po eh, pero may note," inabot nito yung parang magandang klase ng yellow linen paper.
Kumabog ang dibdib ko. Ngayon lang nagbigay ng ganyan si Flower Boy!
Ang kaso...
"Ako na ang babasa, Ms. Dela Cruz. Penalty for disturbing the class."
My ghaaaadd!
Hiyawan mga classmates ko.
"Teka, sir! Akin yan eh. Ngayon lang nagpadala yan na may kasamang sulat!" Angal ko na medyo napapapadyak pa sa sahig.
"Wag ka na, Jun! Matagal na kaming excited malaman kung sino yang admirer mo!"
Lakas mambuyo ng mga walanghiya kong classmates. Lugi eh. Na-overpower ng mga lalaki ang bilang ng babaeng archi students.
"Aah... ikaw ba yung nasa CUNL?" Tanong ng prof namin.
Syete talaga!
"Sya yun, Sir! Basahin nyo na, Sir! Inaabangan namin yan. May dare si Jun sa secret admirer nya," yung isa sa walo kong classmates na babae.
"Pambihira, binebenta nyo 'ko eh."
Nagtatawanan sila.
"Ano ba yun?" Na-curious na rin si Sir.
Sinabi nila.
"Ah, kaya pala sumulat na," nakangising sabi ng prof ko. "May kapalit na date eh."
"Dali na, Sir! Basahin nyo na, please!"
Wala na! Pati prof namin, nawala na sa isip yung lesson!
Tumikhim si Sir, "Ms. Dela Cruz, go back to your seat."
"Sir naman eh!" Angal ko uli.
"I'll fail you, if you won't."
Napapanguso na lang akong bumalik sa upuan ko. Sarap nyang bigyan ng flying kick sa makintab nyang noo, pramis!
Tapos, ayun... binasa na nya with feelings. Natatawa pa nga ito pero pinipigilan lang. Napapahinto si Sir kapag sumisingit ng komento mga classmates ko.
Hi Jun,
Sana di mo tinotoo yun sinabi mo dun sa umaway sa 'yo na ibibigay mo sa kanya yung mga bulaklak. Pero masaya ako na nagustuhan mo yung chocolates and cookies.
"Oohhh..." pa-OA sabi nung mga classmates ko.
By the way, nabasa ko yung sinabi mo sa FB. Marami akong nabasa dun na sila daw ako. mapapaaga yata ang pagpapakilala ko sa iyo. Kinakabahan ako kasi baka di mo 'ko matanggap.
"Fuck! The guy is probably ugly."
"Baka isa lang mata. Nasa noo!"
Tapos tawanan. Pati ako natatawa sa sinasabi nila. Pero, nata-touch ako sa laman ng sulat nya. Parang hirap ang kalooban nito.
Nag-iipon lang ako ng lakas ng loob. Nagkausap na tayo, pero di ko masabi sa 'yo. Suplada ka naman kasi kahit noon pa.
"Uy, from the past mo, Jun?"
Ganun din ang naiisip ko.
Malalaman mo kung ako talaga yung aamin sa iyo. I will bring the same cookies na sinasama ko sa bulaklak. I baked all of them myself.
"Wow! Marunong mag-bake! Plus pogi points!"
"Palitan na code name nyan! Mr. Cookie na sya!"
You will know if it's me infront of you once you tasted the cookies I will give you.
See you!
"There! No name, not even initials," pagtatapos ni Sir.
"Shoooocks! Nakakakilig naman! Jun, papuntahin mo dito sa campus kapag magtatapat na!"
"Di pwede! Yari yun ke Louie!"
"Jun, what was your boyfriend's comment, by the way?"
Napangiwi na lang ako, "Alam ni Rob mga plano ko."
"Oo nga, Jun. Pag bet mo si Mr. Cookie, akin na lang yung yummy boyfie mo?"
"Yung alumni dito?"
Na-curious si Sir, "Alumni? Really? Sino?" Bading yata ito. Chismak eh.
"Uhm... Rob Agoncillo, sir... " nahihiya tuloy ako. Di pa naman kami nung halimaw na yun!
"Oh, I see. Robinson Agoncillo. Poor Mr. Cookie then."
Robinson pala ang totoo nyang pangalan.
Hanep, Juno! 'Thundelbolt' muna bago malaman ang totoong pangalan. Henyo ka talaga!
Pang-aasar ko sa sarili ko.
"Bakit naman, Sir?" Usisa nung mga classmates ko.
"Well, that guy was a former campus figure, too, in Charleston. He graduated magna cum laude with degree in Applied Physics."
Napagtanto ko, kilala nga sya dito. Kahit mga professors.
"Whoa..." mahinang ugong sa room.
Napatingin sa akin ang mga classmates ko lalo na nung idugtong ni Sir ...
"He's from a family of miltary generals... including his dad. Good kid, though, despite that. Did he not investigate on Mr. Cookie, Ms. Dela Cruz? He owns an investigation company, right?"
Siyempre, di ko ilalaglag si Rob, "No, sir. He's not threatened in anyway."
"Good, good!"
Nakteteng! Na-hot seat ako! Showbiiiz!
Buti na lang nag-bell na.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Jun," kalabit ng isang classmate kong lalaki nung papalabas na ako.
"Bakit?"
"Si Lance... naka-FB live kanina yung sa classroom," natatawang sabi.
Napasimangot ako, "Nasa'n na sya?"
"Nakalabas na eh."
"Sabihin mo, pipilayan ko sya," pabiro kong sabi.
Natawa ito at ilang classmates naming nakarinig.
Pagpunta ko sa campus cafeteria, ang daming nakangiti sa akin tsaka niloloko ako sa sulat ni Mr. Cookie.
"Aabangan namin ang susunod na kabanata."
"Kayo talaga..." nasabi ko na lang.
Nagsisimula na akong kumain nung makita kong pumasok sina Louie. Nagpalingun-lingon ito. Di ako sigurado kung nakita nya ako kasi may humarang na tatlong babae sa harapan ko.
Syete! Gulo na naman ba?
Tumikhim yung parang pinaka-leader nila, tapos ngumiti.
"Juno dela Cruz, right?"
Tumango ako sabay subo ng pagkain.
"Pwedeng makiupo?" Paalam nito.
"Sige lang."
Nung makaupo silang tatlo, "May kailangan ba kayo?"
Nagkatinginan sila bago nagsalita yung isa, "Invite ka namin sana sa sorority namin. We need someone like you in the group."
Nagulat ako nung may limang babae na mabilis napapalapit sa amin.
Yung isa sa kanila, dinuro yung mga kaharap ko, "Talagang nanadya kayo eh. Porke alam nyong kukunin namin si Juno sa grupo namin!"
Tsk! Mukhang magkaaway na sorority. At mukhang mas bigatin ang itong mga bagong dating.
"Teka...teka muna!" Awat ko. "Wag kayo mag-away. Patapusin nyo muna ako kumain."
May mga natawa tuloy sa katabing table.
Nag-shut up naman sila, in fairness.
"Girls, ganito ha. Wag kayong mag-away. Kasi sisterhood nga ang sorority eh. Dapat maayos na samahan. Tsaka ano...hindi ako sumasali sa ganyan."
"E bakit sa drag racing..."
Napahinto ito magsalita nung kumunot ang noo ko.
"May personal akong dahilan kung bakit ako sumali NOON dun. Pero umalis rin ako dahil mas gusto ko ng tahimik lang. Yung nga lang, close ako sa mga naging kaibigan ko dun. Hindi nila ako iniwan kahit umalis ako."
Napahinga ako ng malalim.
"Graduating na ako. Busy ako sa maraming bagay. Wala akong extra time para sa sorority o kung anupaman dahil working student ako. Isa pa, iba ang hilig ko at mga trip kong gawin. Pero, salamat pa rin. Na-appreciate ko ang imbitasyon nyo."
"So, pag-alis nyo ngayon dito sa table ko, kung pwede wag na kayong mag-away. Di ako worth it para pag-awayan nyo, ok?"
Walang nagsalita sa kanila. Parang gusto pa nilang i-try na kumbinsihin ako.
Bumunot ako ng mga bulaklak dun sa bouquet na dala ko. Inabot ko sa kanila paisa-isa.
"O ayan. Tag-iisa kayo. Pampakalma! Tsupi na," pabiro kong sabi. "Naiistorbo nyo lunch ko."
Wala silang nagawa. Sa magkaibang pinto ng cafeteria sila lumabas.
Tinuloy ko ang pagkain ko. Di ko na pinansin yung mga nakatingin sa akin doon.
Bahala sila kung ano ang gusto nilang isipin.
Bago tumayo, inayos ko yung bouquet. Lumuwag ang pagkaka-bundle nito since binawasan ko ng walong piraso yung isang dosenang roses dun.
Bago ako pumunta sa unang subject ko ng after lunch, dumaan ako sa locker ko para iwan dun ang mga bulaklak.
Di ko ito dadalhin mamaya. Maba-badtrip si Rob.
Bukas ko na lang iuuwi.
Natahimik yung mga kasabayan ko sa locker area. Pagsara ko ng pinto ng sa akin, napa-igtad ako kasi nakatayo pala dun si Louie.
Seryoso ang mukha nito.
"Si Agoncillo pala ha?" sarkastiko nyang sabi.
Nag-eye roll ako. Malamang napanood na nito yung FB live ng classmate ko. Ang bilis kumalat!
"You lied," sumbat nito.
"Nauna ka," pambabara ko. "Isa pa, kaya ko ginawa yun para tigilan mo na 'ko."
Iniwan ko itong nakatayo dun, nilampasan ko yung dalawang kasama.
"Jun," malakas na sabi. "I will get that Mr. Cookie out of the way. Then Agoncillo."
Maraming nakarinig nun. Halatang nagulat sila at na-badtrip.
Mukhang nagkakaroon na rin ng fans dito si Mr. Cookie ah. Nasasapawan na si Louie.
Nag-vibrate ang cp ko. Text ni Troy.
So, Mr. Cookie na pla ha! LOLZ!
Napangiti ako. I replied.
In fairnss, msarap ung cookies. Consistnt lasa. Me klase n ko. Wag is2rbo!
Bago ko maibulsa cp ko, nag-vibrate uli. Akala ko si Troy uli, pero kay Rob galing.
Just got out of NAIA. C u later! Miss u!
Napangiti ako sabay kagat ng labi.
'Tragis! 'Miss u' daw!
Syeeet!
Kinakain ko yung cookies during lesson. Ganitong pagkakataon, masaya pati seatmates ko, kasi binibigyan ko naman. Di naman mahigpit sa amin. College na kami para pagbawalan pa sa ganun. Basta wag lang magkakalat.
Halos hilahin ko ang oras during ng symposium. Tingin ako ng tingin sa oras.
Tss. Ang boring naman kasi eh. O sadyang excited lang ako.
Ang kaso after nun, tinawag ako nung isang archi student.
"Juno, tawag ka daw ni Dean. Andun sa may stage, kausap yung guest speakers."
"Bakit daw?"
"Ewan ko. Sige alis na 'ko."
Tsk! Malapit na mag-seven eh.
Nagpalitan na nga kami ng text ni Rob. Kanina pa syang six twenty sa labas. Dun sa may coffee shop malapit sa campus.
Dinukot ko ang cp ko. Tinawagan ko sya.
"Palabas ka na?" Yun agad ang sabi nya.
"Di eh. Tapos na yung symposium pero pinatatawag ako nung dean namin."
"Bakit daw?"
"Di ko rin alam eh."
"Tsk!"
"Sandali lang naman siguro."
"Bilisan mo ha?"
"Ok."
Nagpunata ako sa may ibaba ng stage. Nasa first row kasi yung dean ng college namin, tapos na nitong kausapin yung guest speakers kanina. Andun din yung secretary nya.
Tumikhim ako, "Good evening, Dean. Pinapatawag nyo raw po ako."
Kumunot sandali ang noo nito.
Nagpakilala ako, "Juno dela Cruz po."
"Oh, yes. Take a seat. This will be quick."
Tumikhim ito pagkaupo ko.
"Our basketball varsity team and their coach went to my office earlier..." simula nya.
Anak ng kamote naman! Alam ko na tinutungo ng salita nito.
"They told me that you declined their request to be the team's muse for the upcoming invitational basketball tournament with St. Margarette and Xanderville's universities."
Totoo yun. Maliban sa wala akong time, malaki ang posibilidad na makita ko pa ang mga dati kong classmates at kakilalang mga plastic sa St. Margarette dati. Ayoko!
Isa pa, yung mga cheerleaders ng Charleston. Baka magtitirik ng mata sa akin, eh, talagang masusundot ko!
"Iba na lang po, Ma'm. Marami pong mas deserving at mas gustong mag-muse para sa basketball team. Tsaka may trabaho po ako after ng klase ko dito."
"Ikaw kasi ang request nila, Ms. Dela Cruz. You seem very popular in the campus that's why they asked for you. Moral booster ka nila. Para naman sa school. I'll recommend a special discount for your second sem, para makabawi ka sa magiging absent mo sa trabaho. Excuse ka naman sa subjects na masasagasaan ng laban na kailangang andun ka. Anyway, it's only a three-week tournament. Just once a week. It's just that our school is really taking pride at keeping the tournament's trophy for the past six years. So, I won't take no for an answer."
Bumaling ito sa secretary nya at nagbilin na lakarin na i-wave ang magiging miscellaneous fee sa tuition ko para sa second sem.
Wala na akong nagawa. Di naman nya ako kinausap para papayagin. Kinausap nya ako, para utusan. Just pure genius!
Sa kabilang banda, siniguro naman nito na compensated ako. Yun nga lang, feeling ko, naisahan ako ng basketball team doon. I-dribble ko kaya mga noo nila?
Kailangan ko palang alamin ang sched ng tournament na yun, para makapagpaalam ako sa RC.
Buti na lang tapos na 'ko sa OJT ko last week.
Nagpaalam na ako at nagmamadaling lumabas.
Nakita ko agad si Rob sa coffee shop. May iniinom itong espresso habang nakatingin sa cp nya.
Bakit ba ang gwapo ng nilalang na ito kahit naka-plain light blue tshirt lang at itim na maong?
Ganun lang ang porma nya, pero nahuhuli ko ang panakaw na sulyap ng mga estudyante ng Charleston na naroroon sa shop. Lalo na yung mga babae, tapos magbubulungan, yung iba maghahagikhikan.
Nangingiti ako sa naiisip ko.
Hinawi nito pasuklay sa ulo nya ang may kahabaang buhok. Tumatabing kasi sa line of sight nya habang nakatringin sa cellphone nya.
Lalo syang nagmukhang hot. Syeeet! Ang lantod ko.
"Maw..." tawag ko paglapit.
Nag-angat ito ng tingin. Nagliwanag ang mukha tapos ngumiti.
"Hey..." tumayo ito kumapit agad sa bewang ko pahapit sa kanya.
Inaasahan ko na yun. Kaya tumingala ako para salubungin ang labi nya pagbaba sa akin.
Sandali lang naman yun. Pero ang lapad ng ngiti nito.
"Oooh... taken na pala..."
"Sya yung Juno, di ba? "
"Yun pala bf nyang alumni dito. Pa'no si Mr. Cookie?"
Napasimangot ng konti si Rob. Narinig nya rin kasi.
"You want to have coffee first?" Alok ni Rob.
"You've watched the video..." sabi pa nung babae malapit sa table.
"...and I'm not threatened in anyway," di nakatiis na singit ni Rob, nakangiti naman ito.
Mahina kong pinalo sa braso. "Tara na nga. Nagugutom na 'ko."
Natawa lang ito taposkinuha ang kamay ko at pinagsalikop sa kanya. Sabay kaming lumabas.
"Shit! Ang sweet nila!" Impit na sabi yun somewhere sa coffee shop.
Di ko sila masisi. Kahit ako kinikilig eh! Haha!
"Napanood mo na, ano?" Tanong ko kay Rob pagkalabas ng coffee shop.
"Yeah. I even mimicked your line, right?"
Natawa ako ng walang tunog.
"Hhmm... that was the first," sabi nyang nakangiti nung nasa kotse na kami.
Isang kanto pa lang kaming nakakalayo sa Charleston.
"Alin?"
"Welcoming my kiss in front of other people," saglit akong sinilip nito tas binalik agad ang mata sa daan.
Nag-init ang mukha ko.
"Mustang byahe mo sa Australia?"
"Evading the topic, babe?" Kita ko ang ngisi nito kahit di nakatingin sa akin.
Syeeet!
Nahiya tuloy ako.
Pa'no ba ito mamaya? Yung pa nga lang sinabi ni Rob, natatahimik na 'ko. Yung pang kausapin ko sya tungkol sa status namin?
Mahabaging diwata ng lablayp! Gabayan mo po ako mamaya. Kung pwedeng ibalato nyo na sa akin ito, please!
Kaya mo yan, Jun! Sayang ang lahat ng pagko-contemplate at lakas ng loob na inipon mo nung nasa Australia si Rob.
Naramdaman ko ang kamay ni Rob sa ibabaw ng kamay ko.
"Hey, I like it, ok?"
Tumango lang ako.
"Where do you want to have dinner?" tanong nito.
"Basta dun sa hindi formal dining. Ayokong de numero ang kilos ko."
"I know a place."
Tahimik kami ng ilang minuto pero medyo na-traffic kami.
"Jun..."
"Hhmmm...?"
"Yung sulat ni Mr. Cookie... bakit parang excited ka?"
Gusto kong matawa na kiligin sa tono nito. Nagseselos ba ito?
"Wala...excited ako kasi alam mo na, parang regalo. Unang beses nyang magpadala ng sulat. Alam mo yung feeling na unti-unti nang malilinawan yung mistryo ng isang palaisipan sa atin."
Nagseryoso ang mukha nito. Tas parang tumigas ang bagang.
"Uy..." sinundot ko sa tagiliran.
"Parang gustung-gusto mong magkita kayo eh."
Natawa na ako ng mahina. "Para kang tanga, Rob."
"Tss. So, iniisip mo pala talaga sya?"
Natawa na talaga ako ng may kalakasan. Kinikilg ako sa inaarte nya eh.
"Nagseselos ka ba?" Di ko napigilan ang bibig ko.
Sabay rin kaming natahimik.
Syete naman! Me and my big mouth.
Too early, Juno! Mamaya na!
Kinabahan tuloy ako sa pananahimik nito.
Good sign ba yun... o bad?
Mga ilang segundo, tumikhim si Rob.
"Ano ba sa palagay mo, Jun?"
'Tragis! Binalik nya sa akin yung tanong.
Di ako ready!
Nagkibit na lang ako ng balikat.
Tumikhim uli ito, "I don't share, Jun! Territorial ako."
Di ako nagkomento. Dina-digest ko ang sinabi nya.
Yes ba yun o no, sa tanong ko kanina?
Good or bad sign?
Syete naman talaga, oo!
"May pasalubong ako sa 'yo," buti iniba nya yung usapan. "Naiwan ko sa condo. Kunin natin later."
Kinagat ko labi ko. Nangingiti kasi ako.
Mga galawang hokage nito ni Rob. May pinaplano itong masaya ... masama pala! Haha!
Pero bago ang lahat... kailangan naming magkalinawan!
"Ano yun, koala?" biro ko, para mamatay yung tensyon ko.
"Hindi. Kangaroo."
Pareho kaming natawa ng mahina. Tawang tense rin ba ang naririnig ko sa kanya?
"Juno..."
"Rob..."
Sabay naming tawag sa isa't-isa. At sabay rin kaming tumigil.
Syeeet! Tense kami pareho?
May sasabihin rin ba sa akin... o lilinawin?
Lalo tuloy akong kinakabahan.
Hintayin ko na lang kaya sya magtapat?
Magtapat talaga, Juno? Ganun ka kasigurado? Grabe, ang confidence level mo ha?!
'Tragis talaga! Bakit ba ako biniyayaan ng ganitong klaseng utak!
Masyadong nega!
"You first," ang sabi nya.
"Ikaw na muna."
Sabay na naman naming sabi.
Natawa na kami.
"Di nga, Maw. Ikaw na. Ano ba yun?"
"Ano, naisip ko lang. Sa graduation mo, punta tayong Australia. Grad gift ko sa 'yo."
Napatanga ako sa kanya. "Weh?!"
Tinignan nya 'ko saglit.
"I'm serious, Jun. Tsaka, sara mo yang bibig mo. Tulo laway ka pa naman."
Bigla kong sinara bibig ko sabay pinalo sya sa balikat ng magaan. "Grabe ka sa 'kin ha?! Pag pagod lang ako ganun!"
Tumawa lang ito.
"It's a nice place. Been there like four times. Makakakita ka pang koala bear. It seems you're fond to such kind of creatures."
"Huh?"
"Katulad ni Pikachu.
Nag-init ang mukha ko. "Hay, nakoooh!!!"
"I mean, kulayan mo lang ng dilaw ang koala bear, parang si Pikachu na. I was referring to the real pokemon thing. Ikaw, Jun, ha! Ibang Pikachu iniisip mo eh!"
JUICE COLORED!
Pag nilagyan ng itlog ang mukha ko, maluluto sa sobrang init!
"Nakakainis ka na!" Sinuntok ko ito sa balikat.
Syet! Ang tigas! Nung balikat, ok?! Balikaaaat!!!
'Tragis! Nagiging berde na ang kulay nang dati kong dugong bughaw!
Tumawa lang ito, "Hey, hey... I'm driving."
Syanga naman! Huminto naman ako.
"You can beat me up pag baba natin. Just not now. Baka maaksidente tayo. Di bale sana kung ako lang ang masasaktan. Di pwedeng pati ikaw."
Puchang mga simpleng banat nito. Kinilig na naman ang bumbunan ko!
Isang bagay na masaya akong na kasama ang halimaw na ito eh.
Ginagawa nyang roller coaster ang pakiramdam ko.
Dun ko na lang napansin, nasa SLEX na kami.
"Maw, sa'n ba tayo kakain?"
"Tagaytay. There's a cool resto there. Not really formal, not so hip and noisy. Overlooking ang pwesto."
Gusto ko ang idea nya. Romantic ang datingan!
Syeeet!
Ang harut-harot ko na, pramis!
"Maw..."
"Oh?"
"Naiihi ako."
"May malapit na gas station tayong madadaanan, bago mag-exit."
Dun nga kami nagpunta.
Lumabas din ito sa Audi nya.
"I'll just buy a bottled water," ang sabi tapos tinuro yung 7-11 sa loob ng compound ng gas station. "May ipapabili ka?"
"Soya milk lang. Yung nasa ready to drink bottle."
"Bakit dala mo pa yan bag mo?"
"Maghihilamos ako. Feeling ko ang lagkit ng mukha ko."
"You're still beautiful, Jun."
Inirapan ko sya para itago ang kilig ko.
Lokong Rob ito. Baka maihi na ko sa panty ko nito eh!
Naghiwalay kami ng direksyon.
Isinasara ko ang zipper ng stretchable pants ko sa loob ng cubicle ng ladies CR nung makarinig ako ng kalabog mula sa labas. Parang ... parang ... sasakyan ba yun?
Nagmadali tuloy ako.
Tapos sigawan. Mga lalaki. Though hindi ko naririnig ang boses ni Rob.
Pero kahit na!
Kamamadali ko, lalo akong natagalan mabuksan yung pinto ng cubicle.
Nag-aalala ako kay Rob!
May kabang bumundol sa dibdib ko.
At tama ang pakiramdam ko. Paglabas ko ng CR, wala sa na sa tapat ng 711 yung Audi. Pero yung manong guard, nakaupo sa tapat nun at parang hilo.
Yung Audi, nasa gasolinahan na. May nakabangga sa gilid nito na Honda. At may dalawa pa uli na kotse sa likod nito.
May tatlong lalaki na nakahiga malapit sa may Honda.
Yung mga gasoline boys, parang mga takot. Hindi gumagalaw sa pwesto nila.
Kasi si Rob, nasa may bandang gilid. Yung may mababang hilera ng mga halaman... nakikipagsuntukan sa apat pang lalaki. Dalawa na lang pala. Kakatumba lang nung dalawa pa.
Bakit parang hindi masyadong lumalaban si Rob? Sigurado ako, kaya nyang patumbahin ang mga ito.
Halos tumigil ang puso ko na makita ko na may pangatlong lalaking naka-itim na hoodie ang bumaba sa panghuling kotse.
Patakbo nitong nilapitan ang mga nag-aaway tapos may dinampot. Hindi ko agad nakita kung ano yun dahil medyo malayo sila sa ilaw. Pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa galaw nyang yun.
Tumakbo ako na hindi naisasabit sa likod ko yung backpack ko.
Nanlaki ang mata ko nung umangat ang kamay nung lalaking naka-itim na hoodie na nasa likod ni Rob.
Batuta ang hawak nito. Yung sa guard ng 711!
May umagaw nun sa guard!
Umiwas si Rob pero itinulak sya nung isang nasa harap nya kaya napaatras sya uli.
Parang nadurog ang puso ko nung marinig ang solidong tunog ng pagtama ng batuta sa batok ni Rob.
Tapos napaluhod ito sapo ang batok. Hilo!
Sinamantala yun nung dalawa pang lalaki para sipain si Rob sa tagiliran.
Umakyat ang dugo sa ulo ko!
PUTANG INA!
Kinuyog nila si Maw! Nakatukod na ang dalawang kamay nya sa semento tapos gumulong.
Yung pag-pivot ko paglapit, nagbitaw ako ng solido at malakas na spinning back kick.
Tinamaan sa tagiliran yung pinakamalapit sa akin na sumisipa kay Rob. Sumadsad agad ito sa halamana, at napahiga.
Narinig ko pa ang magaspang na pagdaing nito.
Aabutin ng ilang minuto bago ito makatayo uli, sigurado ako.
Nagulat yung isa pang lalaki, pero ako ang dinaluhong.
Binitawan ko ang backpack ko sa tabi ni Rob.
Nagkaroon ito ng pagkakataon na suntukin ako kaya bahagya lang akong nakasangga gamit ang balikat ko.
Napaupo ako patagilid.
Narinig ko pa ang pag-ubo ni Rob at pilit tumayo dahil isa na lang ang naiwan sa kanya. Yung naka-itim na hoodie.
Tang ina! Pula na ang tingin ko sa paligid.
Galit na galit ako!
Pasugod uli sa akin yung lalaking nakasuntok sa akin.
Itinukod ko ang isang kamay sa semento at paangat na sinipa ito sa sikmura.
Napauklo ito hawak ang nasaktang tyan.
Lumuhod ako sa harap nya at binigyan ko ito uppercut kaya napaupo ito.
Sinamantala ko yun para tumayo at sinipa ito sa dibdib tapos kinubabawan ko. Apat na suntok ang inabot ng mukha nya sa akin.
Wala akong pake kung ano itsura nito dahil sisiguraduhin kong maga ang mukha nya.
Sa normal na sparring, mararamdaman ko ang sakit ng mga solidong suntok na yun sa kamao ko. Pero ngayon namamanhid ako sa sobrang galit.
Magaspang na dumaing si Rob. Kaya napalingon ako.
Ang hayup na naka-hoodie, pinalo uli ng batuta si Rob sa bandang ulo.
Dinampot ko yung backpack ko para kunin ang metal baton ko.
Pero nung umangat uli ang kamay nung lalaki, mabilis akong lumuhod sa gilid ng nakadapang si Rob at ipinangsangga ang backpack ko sa paghampas ng batua.
May narinig akong nag-crack sa loob ng bag ko.
Shit! Shit! Ang laptop ko!
Tapos isang hampas pa uli ang naramdaman ko. Alam kong tumama na ng bahagya sa braso ko dahil lumihis ang bag ko.
Talagang nagdilim na ang paningin ko.
Bigla kong binitawan ang bag ko tapos pasunggab kong niyakap sa bewang yung naka-hoodie.
Napaupo ito sa semento kasama ako na nakaluhod sa harap nya.
H-in-ead butt ko ito.
Nahilo ako ng kaunti pero di talaga ako makaramdam ngayon ng sakit sa sobrang galit.
Napahawak yung lalaki sa bandang ilong at nguso. Dun sya tinamaan dahil matangkad ito.
Sinuntok koi to sa ibaba ng Adam's Apple. Napa-ubo ito tsaka ko kinubabawan, kaya napahiga sya.
"PUTANG INA KANG ANIMALES KAAA!!!" Gigil na gigil kong sabi habang sinusuntok ko ito sa mukha. Nakatukod na ang idsang tuhod ko sa tyan nya.
"BAKIT MO GINANUN SI ROB NA HAYUP KA!!!" Kinapitan ko na ito sa harap ng hoodie nya para iangat tapos suntukin uli.
Hindi na ito lumaban pagkatapos kong magsalita. Sumasangga na lang.
Pero karamihan ng pinakawalan ko, tumama sa mukha nya. Wala akong planong tantanan sya, kahit nakita ko sa peripheral ko na may papalapit na ul isa aming kasama nya.
Ang lalaking ito ang object of destruction ko... dahil sa pagpalo nya kay Rob!
Napaubo uli ito at nagpilit magsalita.
"... T-tama na..."
Nahinto sa ere ang kamao ko. Para akong nagising sa saglit na kabaliwan nung marinig ko ang boses na yun.
Imposible!!!
"... Hi-hindi k-ita lalabanan, J-un...." Hirap sa paghinga nyang sabi, hawak ang leeg.
Nahigit ko ang hininga ko at parang huminto ang puso ko.
Inangat nito ang kamay.
"P-pare.. wag... " awat nya sa mga kasama na malapit na pala. "...Wag nyong... s-saktan si Juno..."
"Shit! Si Dyosa yan?" may nagsalita sa likod ko.
Bigla kong inalis ang pagkakasaklob ng hoodie sa ulo nya.
Nanginig ang kamay ko at nabitawan ang harap ng hoodie nya.
Yung taong hindi ko magawang saktan noon sa Palawan kahit galit na galit ako...
Eto at binugbog ko!
"C-caloy..." pabulong kong sabi.
===========
NGANGA!!!
===========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro