40 Shit Happens
There... about 5k words UD for you, pipol!
===================
Matamlay akong nagbihis at bumaba, bitbit ang beddings.
Parang gusto kong maiyak habang binababad ko yun.
'Tadong Rob yun. Biglang nawalang parang bula. Sabi nya sya maglalaba ng beddings. Animales!
Napanguso ako habang iniinit ko yung dala nyang pagkain. Kung di lang masarap luto ng mommy nya at di ako nanghihinayang, di ko na 'to kakainin eh.
Hindi tuloy ako nakakain ng marami. May natira pa kaya nilagay ko sa ref uli.
Uminom ako ng pain killer.
'Tragis kasi! Ang sakit ng katawan ko. Pati yung 'ano' ko. Nilamog ako ng halimaw na yun kagabi. Para akong nakipag-full contact sparring sa isang kapwa ko blackbelt.
Maaga akong umalis papunta sa dojo para sa training ko. Di ko muna ginamit si Augie, kasi nung sumampa pa lang ako at maupo dito, bearable naman pero masakit pa rin eh.
Sa training ko, medyo di ako masyadong active. Napansin din ng sensei ko dun. Sa iilang beses kong training, di sya sanay na ganun ako. Sabi ko lang na medyo pagod pa 'ko.
Maaga rin akong umakyat sa kuwarto ko kinagabihan. Nag-FB ako matapos kong mag-review para sa finals ko kinabukasan. Walang chat sina Paul at Troy. Buti na lang at di rin sila online. Baka mabuking ako nila ako kapag tinukso nila ako kay Rob. Siguradong mahahalata nila na na-meet ko na si pikachu at nagkaalaman na ng 'thunderbolt'.
Susko! Baka mamatay ako sa sobrang asar! Wala akong balak ipaalam sa kanila hangga't maari. Iiwas muna ako sa ganung topic.
Di ko alam kung anong oras ako nakatulog kasi hinihintay ko ang tawag ni si Rob. Pero wala.
Matamlay ako kinabukasan paggising. Nag-commute pa rin ako pagpasok sa Charleston. Ayoko lang muna gamitin si Augie, kahit matitiis ko yung sakit sa pagitan ng hita ko. Gusto ko kasi, fully healed ako. Maaga na lang akong umalis sa bahay.
Buti na rin yun. Iwas na rin na ang malaking posibilidad na magkita kami ni Louie sa parking. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya.
Pinilit kong wag isipin si Rob habang nag-e-exam ako. Awa naman, madali-dali ko namang nairaos ang finals exams ko.
Badtrip lang kasi nasalubong ko si Louie at mga tropa nya nung uwuian. Galing sila sa isang coffee shop sa labas ng campus.
"Uy, cupcake!" Tawag nito, iniwan agad ang mga tropa nya. "Asan si Augie?"
FC talaga ito! Nakiki-Augie sa motor ko!
"Pinagpahinga ko muna. Sige," nauna na ako.
Humabol ito at sumabay sa akin papunta sa gate, "Hatid na lang kita."
Tiningnan ko sya ng bored na tingin. "Wag na salamat."
Naiirita ako dahil pinagtitinginan kami nung ilang estudyante na nasasalubong namin. May ilan pa nga na nag-a-eye roll.
Sundutin ko kaya mga mata nito tapos saksak ko sa ngalangala nila si Louie? Ang aarte! At ito namang lalaking ito, F na F na maraming may crush sa kanya sa campus! Alam kaya ng mga hitad na ito na dapat, matagal nang graduate ang bugok na ito at dahil sa kagaguhan na binitbit hanggang ibang bansa eh estudyante pa rin hanggang ngayon?
Mentalidad talaga ng ibang babae, mas attractive sa kanila ang badboy image! Bugbugin ko pa sa harap nila si Louie eh, malaman nila na ampaw pagiging badboy nito. Pwe!
Oo, yun ang impression ko ke Louie. Nung nagkagulo sa RC, sinabihan pa ang tropa nya na tulungan ako... eh bakit di na lang sya ang gumawa? Kundi ba naman talaga ampaw! Yung personalidad at attitude nito pinagsamang Danny at Cal—ay letse!
Naku, ang init masyado ng ulo ko ngayon!
"Louie," hinarap ko ito nung papalabas na 'ko sa gate. Napansin ko na nakasunod na rin pala sa'min mga tropa nya. Tss.
"Pwede layu-layo ka muna sa 'kin? Di pa 'ko nakaka-move on dun sa nangyari sa Red Cribs."
"Kaya nga kita nilapitan. Gusto ko mag-sorry," nagpa-cute pa ampotek!
"Okay, fine. Accepted na yung sorry mo, basta wag mo muna ako lapitan. Isa pa ayokong pagsimulan na naman ng away namin ni Rob. Bigla na lang nasulpot yun," taboy ko.
Bigla itong ngumisi, "Ikaw naman. Wag mo 'ko pinagloloko. Wala si Agoncillo. Nakita ko sya kahapon ng tanghali sa NAIA nung – di mo alam?"
Napansin nito ang pagkabigla sa mukha ko.
Lalong lumapad ang ngisi nito. "Tsk, tsk! Some boyfriends you got there, cupcake," pang-aasar pa nito.
Lalong uminit ang ulo ko. "Sige na, alis na 'ko," iniwan ko na ito palabas ng gate.
"Ayaw mo pa kasi sa akin eh," sigaw nito. "Ako, sasabihin ko lagi sa iyo ang whereabouts ko. Lagi pa tayong magkasama sa campus."
Di ako nakatiis, pinakyuhan ko sya ng hindi tumitingin sa kanila habang naglalakad palayo.
May narinig akong nagsinghapang mga babae. Nagtatawa naman yung iba, karamihan mga lalaki.
LAKOMPAKE! Badtrip na talaga ako!
At yung badtrip na yun, binuhos ko sa training ko sa dojo. Nagdagdag ako ng oras dito since marami akong bakanteng oras hanggang magpasukan na.
Ganun din sa OJT ko. Para mas maaga sa expected date matatapos ang required hours ko.
Dumaan ang ilang gabi na wala akong natanggap na pm, text o tawag kay Rob.
Ayoko namang ako ang maunang kumontak. Isipin nito, ang clingy ko eh, wala namang kami.
Nairita na naman ako. Walang kami pero, may naganap na 'kidlatan blues'!
Tsaka, sya nagsabi na tatawagan nya ako nung Monday night. Thursday na, nganga pa rin?!
Oo, naintindihan ko naman. Trabaho yun. At kung totoo man ang sinabi ni Louie, malayo ang pupuntahan. Mag-eroplano ba naman.
Eroplano, so malamang out of town na kailangang makarating agad. Sabi nya nga emergency.
O kaya pwede ring out of the country. Gaya sa US...New York... ganun... New York... New York... Broadway? Sa ex nya?! AMPOTAAAH!!!
Tarantado kasi itong si Louie eh!
Magtanong kaya ako ke Kuya Reid? Isang malaking ekis. Maliban sa ayokong magka-idea sila sa kababalaghan namin ni Rob, alam kong hindi pa sila ganun kaayos ni Ate. Baka makadagdag pa ako sa isipin nila.
Napansin na nga rin sa RC na nabawasan ang sigla ko. Akala ko, naitago ko yung pagkainis ko ke Rob. Napansin pala ng mga kasamahan ko, lalo na nung bumalik sina Louie dun ng Friday night. Di ko na kasi magawang ngumiti tuwing bababa ako sa bar counter para sa mga order ng grupo ni Louie.
"Psst! Ngiti naman dyan," sabi ni Kuya Jeps, yung bartender namin.
"LQ kayo ni Yummy Jowa?" si Mitchie.
"Hindi," tanggi ko. "Andyan na naman kasi sina Louie. Yung schoolmate kong magulo. Buti nga di kasama yung isang katropa nilang kasali sa rambol dito nung nakaraan."
"Weh? Nung isang araw ka pa nga parang wala sa mood. Lumala lang ngayon."
Ngumuso ako,"'Di ah! 'Dami lang akong iniisip. Tas sandali lang bakasyon ko, pasukan uli," depensa ko pa rin.
"Ok, sinabi mo eh," pero halatang di ito naniniwala sa 'kin.
Asar na asar naman ako ke Louie kasi kinausap pa ang manager ko na kung pwedeng dun na lang ako sa VIP room nila. Marami daw kasi silang ioorder every now and then at ayaw nilang maghihintay pa na may aakyat.
Kahit anong pilit nya na maupo sa tabi nya, pinanindigan kong tatayo na lang ako malapit sa may pinto para hintayin kung may additional order sila.
'Tragis gawin ba akong GRO? 'Kakasuya!
At sayang yung mga tips na makukuha ko sa ibang customers na ise-serve ko sa ibaba, kesa nakatunganga ako sa kanila habang nakikinig at naonood sa mga kayabangan nila.
Susko! Kung pagkain lang ang kahambugan ng mga ito, either naimpatso or nagtae na 'ko!
Tapos nung uwian, naghintay pa pala ito at dalawa nyang kasama.
Letse at kay Augie pa nakasandal! Gusto kong budburan ng alcohol ang motor ko, pramis!
Umayos agad ito ng tayo paglabas ko pa lang sa employees' door, "Cupcake!"
Nakasimangot akong lumapit sa motor ko. Di ko sya pinapansin. Sobrang wala ako sa mood. Lalo na sa kanya!
"May laro kami next week, punta ka," yaya nito.
"May trabaho ako," malamya kong sagot habang inaayos ang helmet.
"E di absent ka. Kahit triplehin ko pa sweldo mo ng araw na yun. O kaya makipaglpalit ka ng off."
Sumakay na 'ko kay Augie tapos tiningnan ko ito ng malamig, "Alam mo, Louie. Kung sakaling mataon man yang laban mo na rest day ako, di pa rin ako pupunta. Nakakaintindi ka naman ng Tagalog. Sinabi ko noon pa na di na ako kakarera."
"Manonood ka lang naman. Tsaka suporta lang. Bakit naman sa Tropang Kulugo, nag-cheer ka sa kanila bago ka umalis ng Palawan?"
"Mga kaibigan ko yun. Ikaw hindi. Ni ayaw ko ngang naglalalapit ka sa 'kin eh," panonopla ko na talaga.
Nahilaw ang mukha nito, kasunod ng pagdilim ng aura nya nma pilit nyang kinokontrol lalo na't nagpigil ng tawa ang lasing na nyang barkada.
Nag-helmet na ako.
"Jun..." may bahagyang bigat na ang salita nito. "Trust me on this..."
Tumaas ang kilay ko.
"...I will get you in my car... and I will get you to race."
Di na ako nag-react. Sinara ko na ang visor ng helmet ko. Nung iaabante ko na ang motor ko, pinigilan nito ang manibela ng motor ko.
"That I promise you, Jun," seryoso nyang sabi.
Tinabig ko ang kamay nya at umalis na 'ko.
"Worst night eveeeer!" Sigaw ko nung makalayo 'ko.
Letse! Ako rin nabingi sa ginawa ko dahil nakulong ang boses ko sa helmet. Bwiset!
Pagdating ko sa bahay, nag-shower agad ako at nag-FB. Naka-offline pa rin si Rob.
Nagpatung-patong na ang init ng ulo ko.
Tang ina! Irrational na kung irrational pero kapag di ako kinontak ni Rob ngayong gabi, makikipag-usap na sya sa pader.
Kinuha ko ang cp ko at tinawagan sya. Out of reach!
Nag-text ako sa cp nya at pm sa messenger nya na iisa ang laman:
Hello! Buhay ka pa ba?! Let me know para maipagtirik kita ng kandila!
Oo, ganun na 'ko ka-badtrip! Imbes na di pumapasok sa utak ko mga panlalason ni Louie sa utak ko tungkol ke Rob, nare-reinforce pa tuloy.
Papaano kasi, lumalala ang pakiramdam ko na nadale ako ng 'hit-and-run' !
Nag-online na rin si Troy. Tapos nag-video call sa messenger.
Maganda ang bukas ng mood nito. Mukhang ayos na uli sila ni Nancy. Pero nahalata yata nito na badtrip ako.
"Problema, Jun?" Yun agad ang sinabi.
"Wala," kaila ko.
"Juno."
Napakagat ako sa labi. Mabilis na nag-isip ng idadahilan.
"Si Louie kasi..."
"Ano?" Bumakas agad ang pag-aalala at asar sa mukha nito.
Kinuwento ko yung nangyari nang nakaraang mga araw hanggang kanina tungkol kay Louie.
"Ano'ng sabi ni Rob?"
Shit! Sa halimaw pa rin pala magbu-boomerang ang topic.
Nagpabuga ako ng hangin, "Wala si Rob. Out of town job. Ayoko sabihin at baka masira ang konsentrasyon nun sa trabaho," dahilan ko na lang, which is true, dahil sakaling nagkakausap man kami ng halimaw na 'yun, di ko rin sasabihin hangga't nasa trabaho pa sya.
Tinitigan ako ni Troy. Umiwas ako ng tingin, kunwari nagta-type ako sa laptop.
"LQ?" seryoso nyang tanong.
Umiling ako, "Walang LQ, dahil wala namang relasyon."
"Ang pakla naman ng pagkakasabi mo," komento nya.
"Si Paul ba?" Pag-iiba ko ng usapan.
Di ko alam kung napansin ni Troy na umiiwas ako sa usapan o hindi. Pero sumagot naman ito,
"Baka busy pa yun. Friday morning pa lang sa US. Sunday ng gabi tawagan ka namin."
"Ikaw, balita? Mukhang ayos na kayo ni Nancy ah," Ungkat ko.
"Medyo. Getting there," nakangiti nitong sabi.
Buti pa sya. Tapos nagkwento ito ng kung anu-ano. Pati nga tungkol kay Paul at Lauren, nagkwento sya.
Bago kami magpaalam sa isa't-isa, "Kelan ang balik ni Rob? Mag-e-enrol ka na sa Monday, di ba?"
"Walang pang definite date," di naman ako nagsisinungaling. Di ko naman talaga alam.
"Ganito na lang, kapag wala pa si Rob, sasamahan kita sa Monday. Isasabit ko na rin mga dalawa o tatlong tropa."
"Wag na, ok lang ako."
"Basta! Sige na. Sa Sunday night pagtawag namin ni Paul, let me know."
"Ok, ok fine," pagsuko ko.
Ayos na rin yun. Nami-miss ko na rin ito. Tsaka para malaman na rin ni Louie na nasa likod ko pa rin ang community. Baka sakaling dumistansya ito.
At gaya ng nakarang araw, walang reply sa text at pm ko si Rob.
Umiyak ako ng umiyak hanggang makatulog ako... makatulog na kinukundisyon ang isip ko...
"Juno, charge it to experience. Shit happens!" yun ang mantra ko hanggang lamunin na ako ng antok hanggang magising ako kinaumagahan. Kinaumagahan na tila manhid na ako sa emosyon.
Letse! Di lang si Rob Agoncillo ang nag-iisang lalaki sa mundo! At di lang ako ang dalagang di na virgin sa ibabaw ng planeta!
Bago ako umalis papuntang OJT, tumawag ako sa isang kasamahan ko at nakipagpalit ako ng sched sa RC na makakauwi ako ng maaga-aga. Nag-text si Ate na sa duplex sila matutulog ngayong Sabado ng gabi.
Excited ako. At least may ibang tao sa bahay. Di malungkot umuwi.
Papatulog na si Hope nung dumating ako. Umakyat ako agad sa kuwarto na gamit nila ni Madel at nag-goodnight dito.
Naglambing ako kay Ate na paghainan nya ako ng hapunan dahil di ako kumain sa RC tsaka sya ang nagluto ng hapunan. Na-miss ko luto nya.
Habang kumakain, binalita nito na galing sila kina Ninong Art para abusihan ang matanda na kung pwedeng ito ang maghatid kay Ate sa altar.
Nag-volunteer ako na ako na ang magdadala ng barong kay Ninong Art kapag yari na.
Natutuwa ako na mukhang ayos na uli sila. Kahit si Hope kanina, maaliwalas na ang bukas ng mukha eh.
Pero, gusto kong malaman kung sinabi na ni Kuya Reid kay Ate ang totoo tungkol sa tatay ni Hope.
Napansin ni Ate ang kakaibang tinginan namin, kaya lang bago pa sya makapagtanong, may narinig akong motor na huminto sa harap, kasabay ng pag-buzzer ng doorbell.
"I'll check it," sabi ni Kuya Reid tapos naglakad na ito papunta sa maindoor.
"Jun, may inaasahan ka bang bisita?" Tanong ni Ate.
Umiling ako. "Wala akong kilala dito, tsaka wala akong classmate or katrabaho malapit dito."
Pumintig agad ang puso ko sa kabila ng pagtanggi ko ke Ate.
Baka si Rob?
Gumamit ng doorbell dahil nakita nya ang sasakyan ni Kuya Reid?
Pero pucha! Ano'ng sasabihin nitong dahilan kung bakit gabing-gabi na eh pupunta sya dito?
Pero teka nga muna! Kagabi pa natapos ang ultimatum ko ah! 'La na kong pake kahit dumating sya ngayon!
Asus! Kunwari ka pa Juno! Aminin mo, biglang tumalon ang puso mo nung maisip mong si Rob ang nagdo-doorbell ngayon.
Letse!
Pero, mali pala ako.
Yung Singkit na Ulupong ang nasa labas. Nagpipilit itong makausap si Ate Andie.
Mukhang nakarating na sa kanya ang balitang tuloy ang kasal ng dalawa.
"What do you want, Kho? Tulog na si Hope."
"Si Andz ang ipinunta ko dito, Schulz. And stay out of this!"
"Ano'ng meron dito?" Singit ko na.
"Jun, gusto kong makausap ate mo."
"Di ba yan makakapaghintay sa ibang araw? Gabi na masyado tsaka tulog na si Hope," kalmadong kong sabi. Nauumpisahan ko na ring maawa sa isang ito kahit naroon pa rin ang galit at sama ng loob ko sa kanya sa ginawa nya kay Ate noon.
"Jun, please naman oh!" Pakiusap nito.
Naumpisahan nang humulagpos ang tinitimping galit ni Kuya Reid.
"Aris, go home please," pakiusap ni Ate.
"Andz naman! Mag-usap muna tayo bago ka magdesisyong magpaka... magpakasal," pakiusap ng ex nya mula sa may labas nang gate.
"Natutulog na si Hope, Aris. Walang may gusto sa atin na maulit na naman ang nangyari nung birthday nya."
Nagpalitan pa sila ng mga salita. Push and pull ang nangyayari.
Nahalata ko na mayroon pa ring confusion kay Ate, pero alam ko, mas matimbang si Kuya Reid.
Hanggang magtaas na ng boses ang ex ni Ate maybe out of frustration and desperation dahil hinila na ni Kuya Reid si Ate papasok sa duplex.
Kaya ako na ang lumapit sa may gate at kausapin ito.
Mahina kaming nagtalo.
Kaunti na lang at masasapak ko na ito eh. Mabuti nag-desisyon itong umuwi nung sabihin ko na tatawag na ako ng pulis dahil nanggugulo sya at gabing-gabi na.
Sinipa pa nito ang gate bago sumakay ng motor na gamit at umalis.
Nadatnan ko sina Ate at Kuya Reid sa sala. Nakaupo si Ate sa sofa at nakaluhod si Kuya sa harapan nya... magkahawak ng kamay, mahigpit.
Gusto ko na namang maiinggit. Sa kabila ng patung-patong sa pagsubok, nanatili silang hindi bumibitiw.
Samantalang ako... Shit!
Napabuntung-hininga na lang ako at piniling manaiig ang saya para sa kapatid ko.
Sana...sana, walang bibitaw sa kanila kapag nagtapat na si Kuya Reid.
Tutulungan ko silang hindi magkahiwalay.
Kahit si Ate na lang ang maging masaya sa lovelife nya.
Ayos na naman ako. Ok na ako. Ang importante, si Ate at si Hope.
Same routine kami kinabukasan. Pagkatapos magsimba, nag-malling kami.
Hapon, nagpaalam na ako para pagpunta sa dojo. Hinatid pa nila ako sa duplex dahil sama-sama kaming nasa SUV nakasakay. Kailangan kong kunin si Augie.
"Jun, yang pagmamaneho mo ha? Naka-motor ka," paalala ni Ate.
"Tss!" Yun lang ang naging sagot ko.
"Paano yung house warming na plano mo?" Tanong pa.
Lumukot ang ilong ko. "Wag na lang siguro, 'te. Mas importante yung kasal nyo ang unahin natin."
"Kahit small dinner lang kasama mga kaibigan natin," pilit nya pa.
Ayoko talaga. Magkakaroon pa ng mas pagkakataon at dahilan si Rob na pumunta at magkita kami. "Wala pa naman akong masyadong ka-close dito."
Medyo natigilan at nagkatinginan silang dalawa ni Kuya Reid.
"Let us know kung kailan mo gusto," si Kuya na lang ang nagsalita.
"Sige, sige. Ang kulit nyo," napipilitang sagot ko na lang.
That night, isinuko ko na ang ideyang tatawag pa si Rob o anupaman.
Kausap ko sina Paul at Troy, napansin nila na hindi ako kasing perky tulad ng dati.
"Jun..." si Paul.
"Hhmm..."
"'Musta na kayo ni Rob?"
Shit! Yun pa lang, naiyak na 'ko.
"Tsk!" di ko alam kung sino sa dalawa yun. Kasi nakasubsob na 'ko sa palad ko.
"Uy, XG... ano ka ba?" may halong pag-aalala ang boses ni Paul.
"Tang ina! Punta nga ako dyan!" Badtrip na sabi ni Troy.
"Hindi...wag na," saway ko sa pagitan ng pag-iyak.
"Di pwedeng ganyan ka, Jun," pilit nito. "Nung panahong kailangan ko ng kakausap sa akin dahil ke Nancy, di mo 'ko pinabayaan."
"Hindi. Ayos lang ako. Kasalanan ko naman eh," depensa ko.
Napaka-inconsistent ko. Galit ako ke Rob pero pinagtatakpan ko pa rin sa dalawang ito.
"Umariba na naman kasi pagiging assuming ko," dugtong ko. "Wala namang syang sinasabi o kung ano pa. Wala namang 'kami' eversince. Tarantado kasi kayong dalawa sa babae. Ako sumasalo ng karma nyo," pabiro kong sabi.
"Dati pa yun ha!" Salag agad ni Paul.
"Nasa'n ba sya?" tanong ni Troy.
Nagkibit-balikat lang ako."Totoo yung sinabi ko sa inyo nung nakaraan. Out of town or maybe out of the country. Nag-eroplano eh."
"Paano mo nalaman?"
"Si Louie..."
"Puta! Nagpapaniwala ka dun?!" Asar na sabat ni Troy.
"Wala akong makitang dahilan para magsinungaling sya sa parteng yun. Yung ang dahilan kaya kinukulit ako kahit sa Red Cribs. Nabanggit nya nitong nakaraang linggo kasi idinahilan ako na baka biglang sumulpot si Rob. Sabi nya, nagsisinungaling ako dahil nakita nya sa NAIA si Rob. Tas, ayun, nahalata nyang nagulat ako sa sinabi nya. Lalong lumakas ang loob dahil ang pagkakaintindi nya, nagkakalabuan kami ni Rob. E walang namang lalabo, dahil wala naman talaga. Moro-moro lang yun sa 'min."
"Nagkausap na ba kayo?" Si Paul.
"Ni Rob? Hindi. MIA ang halimaw," pinilit kong ngumiti pero pakiramdam ko naging ngiwi yun.
"Dapat masanay ka na. Alam mo ang nature ng trabaho nung tao," depensa ni Paul para dito.
Kung alam lang ng dalawang ito ang ill feeling sa kanila ni Rob.
Napaismid na lang ako, "Kahit simpleng 'Hi' sa messenger, wala?! Kahit man lang isang beses. Di yung madadatnan ko na lang yung sulat nya sa bedside table..." di ko naituloy ang sasabihin ko. Kasi biglang nagseryoso ang mukha nung dalawa.
"Juno!" Sabay nilang sabi.
"Oh, bakit?" biglang lumiit ang boses ko.
Shit! Shit! Buking na agad ako. Me and my big mouth!
"Natutulog dyan si Rob?!" Si Paul.
Nakagat ko ang labi ko. "Eh..."
"Kelan pa?!" salo agad ni Troy.
Napanguso na ako. Putris, di ako aamin ng totoo! Malulusutan ko ang dalawang ito.
Dinaan ko sa pagmamaldita. "Ilang linggo na pero pasulput-sulpot lang. Ano'ng magagawa ko? Kahit anong lock ang gawin ko sa buong bahay, nakakapasok ang halimaw na yun! Nakikitulog lang naman! Grabeee!"
Exaggerated kong sabi na may pakumpas-kumpas pa.
"Ngayon alam nyo na kung bakit ako naging assuming?!" sikmat ko pa.
Di agad nagsalita yung dalawa.
Pero yung kinakatakot kong tanong, as expected,
"Yung 'thunderbolt'?" Taas ang kilay na tanong ni Paul.
Namula ang mukha ko. "Punyeta kayo! Tigilan nyo nga ako sa ganyan. Napo-pollute utak ko eh. Minsan tuloy kung anu-ano naiisip ko kapag andyan yung tao eh!" OA ko uli na sabi matching hand gestures uli.
Natawa na yung dalawa.
"Tangna, Jun. Malaman ko lang na kaya di nagpaparamdam yan si Rob dahil nagkakidlat na kayo... tangna lang talaga!" natatawang sabi ni Troy pero alam kong seryoso ito.
"Uuwi ako ng Pilipinas!" segunda ni Paul.
Ayan. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya ayokong magkwento. Di ko gugustuhing mag-away ang tatlo. Protective rin sa akin ang dalawang ito.
"Basta bukas, sasamahan kita mag-enrol. Dadating din daw si Mario at Vic. Gusto rin nila makita school mo," si Troy.
"Tawagan ko si Arnel, kung pwede sya," gatong ni Paul.
Wala na akong nagawa. Sila na nag-set up ng sched ko.
Pero deep inside. Natutuwa ako. Wala mang Rob, andito pa rin ang dalawa para sa akin.
Kinabukasan, nakatanggap ako ng text galing kay Ate. Biglaan ang pagre-resign ni Madel. May hahabuling scholarship for med school sa Davao. Pinapupunta ako sa bahay nina Tita Alice ngayong umaga para makapag-paalam daw ako.
Nalungkot ako. Para ko na rin itong kapatid, di man kami palaging nakakapag-usap. Ramdam ko kasi na genuine ang pinapakita nitong pagmamalasakit sa pamangkin ko. Lalo na nung inatake sa puso si Hope. Si Madel ang natatanging klaro ang utak na kumilos at i-CPR ang pamangkin ko, kaya umabot ito sa ospital.
"Kaya pala lately, namamayat at namumutla ka. Nag-aaral ka rin pala online," sabi ko kay Madel.
Binigyan ko ito ng scarf na binili ko sa Japan.
"Chika na lang tayo sa FB ha?" Bilin ko pa.
Dumiretso na ako sa Charleston U after that. Dun kami nagkita nina Troy sa coffee shop sa labas ng campus.
Gusto kong mapakamot sa ulo nung makitang anim silang lahat. Dalawa ang kasama ni Troy na katropa nya, at tatlong katropa ni Paul.
Sa Med building area kami nakapag-park. Susko, buti na lang at nag-carpool na lang sila at dalawang kotse lang ang dalawa. Ang dami pa namang nag-eenrol ngayon.
Pinagtitinginan tuloy kami sa campus nung naglalakad na kami mula pa lang sa parking, lalo na nung akbayan ako ni Troy.
Nakita namin ang grupo ni Louie sa cafeteria nung kakain kami ng lunch. Nakita kami nito.
"Mabuti hindi lumalapit," bulong ni Troy.
Kaswal kaming nakukuwentuhang pito sa kabila ng mga mapang-usisang tingin at bulungan ng mga naroroon.
Napadiin ako sa gitnang mata ko nung marinig ko ang ilang bulungan ng ilang babae at lalaki dun.
"Di ba yan yung nililigawan ni Louie? Yung matapang?"
"Yan ba yung jowa nyang alumni dito?"
"Hindi. Isa yan sa bestfriend nya. Follower nya 'ko sa FB page nya. Pati iba kong kakilala. Yung mga kasama, parang mga barkada sa drag racing."
"May isa pa syang bestfriend?"
"Oo, nasa abroad. Bestfriend, na naging ex tapos bestfriend pa rin. Yun yung pagkaka-gets ko sa page nya."
"Aah... sya ba yung babaeng ..."
"Oo, sya yun. Daming naghahabol dyan. Lalo na sa drag racing community," ayun na, pinagkuwentuhan ang mga kalat na balita tungkol sa akin tungkol sa drag racing dati. Yung iba, OA na.
"Naku, kung napanood mo yung video nila ng hunk nyang boyfriend. Tandem sila sa rambol. Ang angas. Sayang, nawala yung video. Pag nakita mo yung baby Augie nyan. Tang ina, maglalaway ka sa motor nya."
"Kaya pala gwardyado. Anim ang kasama oh."
"Sya pala yung sinasabi nung kapitbahay naming crush na crush sya. Sasabihin ko, schoolmate ko."
"Asan yung boyfriend?"
"Malay. Baka may trabaho."
Naramdaman ko ang pagtapik ni Troy sa kamay ko.
"Kalma ka lang. Wala naman silang sinasabing masama."
"Si Louie may kasalanan nito eh. Dinadamay pa 'ko sa pa-famous nyang aura," naiinis kong bulong. "Nananahimik ako."
"Wala kang magagawa, Dyosa," sabi nung isang tropa ni Paul. "Hanggang ngayon, sikat ka pa rin. Lalo na at mas maraming DR enthusiast sa Maynila. Wala lang talagang makakapilit sa iyo, pero pagnagkataon, mas sisikat ang community kung di ka tumigil."
Napanguso ako.
Natawa na lang sila.
Kaso, bago kami matapos kumain, lumapit na sina Louie sa table namin. Natahimik sa cafeteria.
"Pare," bati kay Troy. "Louie, here."
Dahil maayos naman itong nagpakilala, inabot ni Troy ang kamay nito.
"Napadayo yata kayo dito?" kaswal na tanong ni Louie.
Si Arnel ang sumagot. "Andito Dyosa ng community namin. Ibinilin ni Paul."
"Oh, the ex slash bestfriend," magaan na komento ni Louie.
Nakita ko na medyo na-badtrip si Troy.
"Andito kami dahil bestfriend ko si Jun. At ibinilin sa amin ni Rob na samahan sya habang nasa trabaho. May nanggugulo raw kasi sa kanya dito," may laman na sabat nito.
"Oh, I see. Ganun ba?" Parang nang-aasar na si Louie.
"Troy, halika na," hinatak ko na ang kamay nito tapos binalingan ko yung lima. "Guys, tara na. Para matapos agad ako maka-enrol."
Umalis na kami. Buti di na sumunod o nagsalita uli si Louie.
Bandang alas-tres, tapos na akong mag-enrol. Wala naman akong ibang gagawin kaya nag-inuman kami sa duplex.
Ang iingay ng mga timaan ng magagaling!
Si Troy ang nagko-control ng iniinom ko, dahil may pasok pa ako sa OJT kinabukasan, kaya bago mag-alas nueve, nag-uwian na sila.
Naiwan na naman ako mag-isa sa duplex. At dahil nakainom, napa-emote na naman ako. Kasi, tarantadong Rob yun. Nakita ko na naman yung sulat na iniwan nya sa akin nung nakaraan.
Awa naman, nairaos ko ang linggong iyun ng maayos. Nagdagdag ako ng oras sa OJT, dojo at RC habang bakasyon.
Pero, pagdating ng Sabado ng umaga, binulaga ako ng tawag ni Kuya Reid. Wala pa akong isang oras sa OJT ko.
"Jun, please ... help me! Your sister ran away!" Umiiyak ito!
"Ha? Bakit?!"
"She found the necklace in the library office. She thought it was me who abducted her!"
"Papaano?"
Pinaliwanag nito na hindi sya nakauwi. Nag-inuman sila nina Ralph at Rob the previous night.
Gustong mag-init ng mata ko.
Nakabalik na pala si Rob kagabi?
Naglatang ang galit sa dibdib ko.
"Your sister is confused, Jun. So... I told her last night, I'm postponing the wedding until she's sure. And I had to talk to my friends. Ang sakit-sakit kasi," naiiyak uling sabi. "Then Kelly drugged me. She brought me to my condo and took our pictures naked. She posted it on my FB wall then tagged Drew."
"PUTANG INA!" napasigaw ako.
Napatingin yung mga staff ng office sa akin. Wala na akong pake.
Naglakad na ako papunta sa office ng bisor ko. Habang kausap si Kuya Reid. Naiiyak na rin ako.
"Drew went back home. Sa library sya dumiretso. I don't know how she got into my vault. Next thing I knew she was pointing my gun at me then to herself. I had no choice but to let her go out. Kundi sasaktan nya ang sarili nya."
"Si Hope? Nasaan si Hope?"
"She's in my Mom's house with the new nurse."
"Pupunta ako dyan!"
Mabilis akong nagpaalam sa bisor ko. Pinayagan naman agad ako dahil tumawag na rin pala sa pinaka-boss si Kuya Mike para sabihing may emergency kami.
Tapos sunud-sunod na tawag na ang natanggap ko galing kina Ate Sarah, Kuya Mike at Kuya Jeff bago ako makarating sa parking.
Kinumpirma ko na alam ko na at papunta na ako sa Antipolo.
Di pa ako nakakalayo, tumatawag na si Ate. Itinabi ko si Augie at sinagot ang tawag nya.
"Ate, nasaan ka?" Iyon kaagad ang sinabi ko.
"Jun, kailangan nating mag-usap."
"Kayo ni Kuya Reid ang dapat mag-usap, ate!" Napataas na ang boses ko. "Tumawag sa akin sina Ate Sarah at si Kuya Reid. Ate, bumalik ka na sa villa. Kung gusto mo, magkita tayo tapos sabay tayong –"
"Ano'ng alam mo, Jun? Sinong kumausap sa iyo?"
"Alam ko na ang lahat, Ate. Andun ako nung magtapat si Kuya Reid sa harap nang pamilya nya."
"Kailan pa, Juno?" mabagal at seryosong tanong nya.
"Uhm... ate..." kinabahan ako.
"KAILAN PA?!"
"Nung ... nung birthday ni Hope. Nung isinugod sya sa ospital tapos pati ikaw naka—"
"Ganun na katagal mong alam?! Wala kang sinasabi sa akin, Jun?!" Sigaw nya sa akin sa phone.
"Ate... kasi... mahirap ipaliwanag... kaya nga –"
"Putang-ina, Juno! Nasira ang buhay ko nung gabing dukutin at halayin ako ni Reid, tapos sa kanya ka rin—"
"Teka...teka. Hindi ganun yun, Ate. Mali ang –"
Pinutol nya ang tawag.
Napaiyak na ako.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Tumawag ako sa manager namin sa Red Cribs na hindi ako makakapasok mamayang gabi dahil sa isang emergency.
Pumayag agad ito dahil dinig pa nito ang pagsinok ko sa pagpipigil umiyak.
Ilang minuto akong nagpakalma sa gilid ng kalsada bago ako nakapagmaneho uli.
Pagdating ko sa Antipolo, ramdam ang tensyon sa mga naroroon.
"Nasa office library sila, anak," sabi ni Nanay Lydia na halatang galing sa pag-iyak.
Nakita ko na sira ang door knob ng office ni Kuya Reid kaya itinulak ko na lang yun.
May gumapang na galit sa dibdib ko nung makita ko si Rob na nakaupo sa tapat ng desk ni Kuya Reid at seryoso silang nag-uusap, kaharap nito ang laptop nya na may nakakabit na kung anu-anong aparato.
May isa ring lalaki dun na kasama nila. Sa tindig nito, mukhang tao ni Rob.
"Kuya Reid..." mahina kong tawag.
Hindi ko tinapunan ng tingin ang kausap nya.
Pero si Rob ang unang tumayo para salubungin ako.
Tiningnan ko ito ng matalim at inangat ang kamay ko para pahintuin sya sa balak nya.
"Huwag mo akong lalapitan, Agoncillo! Huwag ngayon, please!"
Seryoso at madiin kong sabi.
===================
Cross over with HEA chapter 44, 45, 49, 50
===================
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro