Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4 First

Lumingun-lingon agad ako. Baka sakaling may ibang estudyanteng dumaan.

Kaso, pailan-ilan lang, puro pa babae at sa kabilang side pa nang kalye naglalakad.

Pasimple kong kinapa yung expandable baton ko na nakasiksik sa secret side pocket ng backpack ko.

Isang malaking bentahe ko rin na nakamaong ako dahil wala namang uniform ang College of Engineering and Architecture nang eskwelahan namin. Malaya akong makakakilos.

"Hello, Ms. Navigator!" bati nung lalaking tingin ko eh hindi rin naman nalalayo ang edad sa amin.

Naka-cap ito tapos nakatabon pa yung hoodie nya. 

Di ba ito naiinitan? Mag-aalas onse na nang tanghali ah.

Medyo nakahinga ako nang maluwag. Mali pala ako ng akala.

Galing sa drag racing community ang lalaking ito. Pero alerto pa rin ako. Hindi sya tagarito. At merong hindi tama sa sitwasyon.

Bakit niya ako kailangang harangin? Navigator lang ako. Dapat si Caloy ang kausapin niya.

"Ano'ng kelangan mo?"

"Pwede ka bang makausap?" ang sabi.

"Nag-uusap na tayo."

Tumawa ito nang mahina, "Mailap ka nga, tulad nang sabi nila."

Sinubukan kong dumaan sa gilid nya pero humarang sya sa dadaanan ko. Tapos may sinenyasan sya sa likod ko.

Shit! May kasama sya?

Paglingon ko, may papalapit na kotse sa amin.

Putsa, kilala ko ang kotseng ito. Nakita ko na ito sa FB na isa sa ini-stalk ko.

Yung isa sa  makakalaban mamaya ni Caloy!

Kinapitan ako sa braso nung humarang sa akin.

By reflex, binitawan ko ang librong hawak ko tapos hinawakan ko ang kamay nya sa braso ko. Inangat ko ang hinliliit nya sabay pinilipit kasama ang kamay at braso nya.

Wala syang choice kundi ang bitawan ko at mapauklo.

It isang malupit na 'nutcracker' move. Ang pinakamabisang galaw ng mga babae laban sa mga lalaki.

Napaluhod na ang lalaki sapo ang gitna nang mga hita nya.

Pagkabitaw ko sa kamay nya, umatras agad ako at mabilis na hinugot ang expandable baton sa gilid ng backpack ko. Ang regalo sa akin ni Ate Andie bago kami lumipat sa Palawan.

Humaba agad iyon pag taktak ko.

Narinig kong huminto ang kotse ng mga kasama nito sa gilid namin.

May bumaba doong dalawang matangkad ding lalaki at isang babae. Parehong nakatingin sa kasama nilang tinuhod ko na nakaluhod pa rin sa sidewalk at nakangiwi.

"Tangna, babae lang pala katapat mo," natatawang sabi nung driver ng kotse.

Tapos tumingin sa akin, "Jun, right?"

Hindi ako nagsalita o tumango.

"Tss. Di ka nga pala talaga basta malalapitan," sabi nung babae.

"Ano'ng kailangan nyo?" Matapang kong tanong.

"We just want to ask you na lumipat sa grupo namin. We can offer you more since na ikaw ang top 1 navigator sa Palawan," sabi nung lalaki.

Umirap yung babae tapos kumapit ng mahigpit dun sa lalaki at halos ipagduldulan yung gifted nyang boobs  na hindi naman proportion sa katawan nya.

Insekyora ang letse! Parang aagawin ko syota nyang ulupong!

"Alam ko ang salitang loyalty. Salamat na lang!" Ismid ko.

Dinampot ko ang mga libro ko. Yung humarang sa akin kanina, nakatayo na pero hindi makadiretso. Parang baliw pa itong ngumisi sa akin.

"Feisty! I like it," ang sabi.

"Gusto mong tuluyan kang mabaog?" sabi ko sa kanya habang pinapaikot ang baton sa kamay ko paamba sa kanya.

Nakangiwi itong umatras at napatukod sa hood nang sasakyan.

Sinaway ito nung driver ng sasakyan, "Huwag kang tumukod sa hood!"

"Urong bayag ka pala eh. Peste!" Sabi ko. "Sa susunod, wag mo 'kong hahawakan!"

Tumawa yung isang matangkad na lalaking galing sa backseat kanina, "Wag ka magmalinis, Jun. Ang mga navigators na katulad mo, pinagsawaan na nang mga drivers nila."

"Tangna nyo, wag nyo ko itutulad sa mga kaladkarin nyong navigators!"

Napasinghap yung babaeng kasama nila.

Totoo naman kasi. Hindi ko nilalahat, pero sa nakikita ko during race, kung hindi girlfriend nang driver ang babaeng navigator, significant other naman. At tipong ok lang sa mga babae ang ganung kalakaran.

"So, tibo ka nga?" ismid nung babae.

"Paki mo? Bigwasan kita dyan eh!"

Pareho-pareho kaming napaigtad nung may bumusina ng pagkahaba-haba.

Nakahinga ako nang maluwag nung makita ko ang sasakyan nina Kiko, Larry at Vugz na magkakasunod.

Mabilis bumaba ang tatlo kahit di naiayos ang pagkakahinto ng mga kotse nila sa likod ng sasakyan ng mga dayong ito.

Ayoko ng gulo, pero kung aabot sa ganun, at least patas ang bilang namin. Tatlong lalaki at isang babae bawat sides.

"Ano'ng meron dito, Jun?" Tanong agad ni Vugz.

"Itong mga bastos na ito, nire-recruit ako palipat sa grupo nila. Mga gago lang eh!" Sabi ko.

Tumalim ang tingin ng mga kulugo sa mga dayo.

Umatras ang mga ito na nakataas ang mga kamay. "She said no...so we're going."

Mabilis silang sumakay sa kotse at umalis. Bigla rin itong huminto sa intersection malapit sa gate ng campus namin dahil muntik may makasalubong.

Bumaba pa yung driver para tingnan kung may gasgas ang sasakyan nya.

Nakita kong dumampot ng bato si Kiko.

"Kiks, wag!" Saway ko. "Lalaban tayo ng patas. Pero lintik lang! Ilalampaso namin sila mamaya!"

"Nice, Dyosa!" Sabi ni Larry. Inangat nito ang kamay para mag-high five. Pinagbigyan ko.

Pasimpleng umakbay si Vugz sa akin sabay tanong, "Ano yan?"

"Metal baton. Gusto mo ma-experience sa mukha mo? Alisin mo nga kamay mo sa balikat ko!"

Natatawang lumayo ito sa 'kin, "Sungit na naman!"

Tinago ko na yung baton sa bag ko.

"Tara, sakay ka na," yaya ni Larry.

"Di na. Malapit na lang ako. Tsaka iikot pa kayo sa likod," sagot ko. Sa back gate kasi dumadaan ang mga ito dahil doon nagpa-park ang grupo nila.

Hinayaan na nila ako pero gusto kong mapa-facepalm dahil nakasunod ng mabagal ang mga kotse nila sa akin hanggang makapasok ako sa main gate ng campus.

Tapos kumaway at pasigaw na nagpaalam ang mga kulugo bago umarangkada papunta sa back gate.

As usual, agaw-atensyon. Tss.

Classmate ko si Caloy at Pat sa first subject pero si Pat lang ang nandun. Pinaalis nito yung katabi ko sa front row.

Siga talaga eh!

Pahapyaw ako nitong kinausap dahil nabalitaan nya raw yung nangyari. Usap-usapan daw sa school dahil may apat na babaeng estudyanteng nakakita na may humarang sa akin.

"Kina Vugz ka na lang magpa-kwento. Wala ako sa mood. Bad trip pa 'ko," sabi ko.

Napakamot na lang ito sa ulo.

May isang oras akong free time bago ang last two subjects ko bandang hapon kaya nagpunta ako sa canteen.

Sa pinto pa lang ng canteen, natanaw ko kaagad sina Caloy na nag-aabang.

"Halika, Jun. May pag-uusapan tayo," seryosong sabi ni Caloy.

"Teka, kakain muna 'ko. Nagugutom na 'ko."

"May take out na pagkain sa tambayan, Dyosa," sabi ni Larry.

Inakbayan ako ni Caloy. Medyo na-tense ako.

"Tara. Wag ka na umangal. Mauubos break mo. Di naman kita mapapa-absent sa susunod mong subjects."

Napabuntung-hininga na lang ako. Pero nahuli ko ang makahulugang tinginan ng mga kulugo.

Pasimple kong iginalaw ang balikat ko para alisin kamay ni Caloy, pero lalo nya lang hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

"Caloy, ano ba? Yung kamay mo!" Madiin kong bulong.

Tiningnan nya lang ako ng patagilid at matalim, sabay, "Shut up, Jun!"

Natigilan ako tapos napayuko ng konti.

Shit! Shit! Bakit wala akong magawa?

Yung tambayan na sinasabi nila, doon sa parking lot ng campus kung nasaan ang mga sasakyan nila. May ilang cemented benches na nalililiman ng mga puno. Yung tapat lang halos kung saan ako nadapa dati.

Parang naging exclusive na sa Tropang Kulugo ang area na ito. Walang ibang nagkakamaling tumambay dito, maliban sa mga freshmen na di pa sila kilala, na pinapaalis din nila.

Binuksan ni Caloy yung pinto sa shotgun.

Wow ha, first time, Jun! Wag ka kiligin. Badtrip lang yan dahil siguradong nakarating na sa kanya yung balita sa nangyari kanina.

"Wag kang aalis dyan, hanggang di ko sinasabi, Jun," tapos tumalikod na ito nang di sinasara yung pinto ng kotse nya.

Napakagat lang ako sa labi.

Nilapitan ni Caloy ang tropa na nakaupo sa dalawang benches. May inabot sa kanyang take out food galing sa Burger King si Kiko, tapos bumalik sa akin.

"Ayan, kumain ka muna."

Kinuha ko iyon. Combo meal ng Jr. Whopper.

"Kulang sa 'kin 'to. Gusto ko rice," reklamo ko.

"Tss. Mamaya na. Baka umutot ka na naman sa kotse ko," nasusuyang sabi nito.

Natawa ako ng mahina.

Naalala ko tuloy yung sinabi nya. Ilang beses na yata yun. Pero di ko makakalimutan yung una.

Bago pa lang nya ako tinuturuan mag-drive noon.




"O, bakit mo binubuksan yung bintana?"

"Para di kulob. Nauutot ako," simple kong sabi.

Napabuka ang bibig nito at parang nahindik sa sinabi ko.

"Bakit, Caloy? Di ka nautot? Ang arte mo! Pasalamat ka nga inabisuhan kita."

"Salamat ha?!" Sarkastiko nyang sabi.

"Ang arte mo. Tao 'ko. Natural mautot ako pag sobra hangin ko sa tyan," sikmat ko sa kanya.

"Tss. Para kang hindi babae," bubulong-bulong na sabi nito pero tuloy lang sa pagda-drive.

Ihahatid na nya ako nun sa McDo. Katatapos lang ng 'driving lesson' namin.

"So pag babae, bawal umutot? Ganun? Ungas ka rin eh! Ihinto mo nga, uutot ako sa labas. Letse!"

"Wag na. Sige na. Putris naman oh!" Reklamo nito na nakatakip sa bibig at ilong ang isang kamay.

"Ang OA mo ha! Wala pa. Nausog mo yata. Tsk!" Nasusuya kong sabi.

"Ang laki kasi nung binili mong Gulp eh," sabi ko pa.

"E bakit pinilit mong ubusin?" Asar na sabi nya.

"Aba, eh sayang kaya. Naku, Caloy ha! Palibhasa, di ka hikahos sa buhay. Ang daming batang nagugutom sa kalye. Kahit potable drinking water wala sila tapos—"

"Wala na. Wala na 'kong sinab—Fuck! Umutot ka na? Ambaho! Itodo mo nang bukas yung bintana!"

Natawa ako sa itsura nya, "Grabe ka! Ang yabang mo. Di naman masyado. Sakto lang. Bakit, kabanguhan utot mo?"

"Kahit na! Di iyon ang point ko. Wag sa kotse ko!"

"Natatae na nga ako eh."

"Puta naman, Jun!"

Napahagalpak ako ng tawa. "Bilisan mo na nga. Sa store na 'ko magbabanyo."

"Bakit may plano kang dito sa kotse ko?!"

"Pwede. Ok lang?" Pang-aasar ko sa kanya.




"Prone ka sa kabag pag marami kang nakain tapos napaparami ka sa softdrinks," sabi ni Caloy.

"Alam mo pala eh, bakit di juice binili mo?"

"Si Kiko ang bumili. Nakalimutan kong sabihin."

Sinimulan ko na kumain. Umalis uli si Caloy at lumapit sa tropa. Nag-usap sila. Feeling ko, ako yung topic kasi pasimpleng sumusulyap sa akin sina Larry.

Patapos na ako kumain tsaka lang bumalik si Caloy.

"So," umpisa nya, "Maliban sa offer na lumipat ka at pagtanggi mo, ano pa nangyari?"

Tumikhim muna ako, "Wala na. Dumating na sina Vugz. Tapos umalis na sila."

"Sabi ni Kiko, pinalo mo raw yata ng baton yung isa eh. Parang pilay daw."

Natawa ako, "I wish. I just cracked his nuts with a kick."

Natawa rin ito tapos napatangu-tango habang hinihimas ang baba nya, "Inano ka ba?"

"Hinarang ako. Gusto daw ako makausap. Kaso sinenyasan yung kasama nya na naka-kotse tapos bigla na 'kong hinawakan ng mahigpit sa braso. Natural na-alarma ako. E kung saan ako bitbitin ng mga yun?"

"Nagda-drugs ka ba? Masyado kang paranoid."

"Masama bang protektahan ko sarili ko, Caloy?" Sabi ko sa kanya. "Hindi tama ang ginawa nila. Kung may issue sila sa karera, ikaw ang kausapin nila, wag ako. Navigator lang ako. Ikaw ang driver."

Natatawa itong itinukod ang siko sa pinto ng kotse nya. "You still don't get it, do you?"

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ikaw ang number one navigator sa Palawan, mapababae o lalaki. Isa ako sa mga drivers na zero lost ang stat. Gusto nilang taasan ang probability na mamamantsahan ang record ko kung mapaghihiwalay nila tayong dalawa. Alam mo kung bakit? Yung kumausap sa iyo, zero lost din iyon."

"So, takot syang magasgasan stat nya ganun? 'Tragis na yan. Ang dumi maglaro!" Sabi ko.

"Marami ka pang di alam sa drag racing, Jun. Because you don't mingle with people especially at the event that's why you are missing a lot."

"Ang importante sa akin, Caloy, magawa ko ang trabaho ko as your navigator. Yun lang. Ayokong ma-involve sa ibang dumi ng drag racing. Ito pa nga lang, dami ko nang kasalanan sa batas at sa ate ko," sambot ko. "Kaya sabihin mo sa iba, yun lang ang interes ko. I don't want to go deeper in this drag racing shit. Wag nila akong isali sa iba pa."

Maluwag itong napangiti, at gaya ng dati, he patted me on the head. "That's my babe."

"I-babe mo mukha mo!" Pinalis kong kamay nya sa ulo ko.

He just smirked.

Muntik pa akong ma-late sa sumunod kong subject. Nagtalo pa kasi kami ni Caloy na huwag na akong ihatid.

"Baka may humarang na naman sa 'yo dito na tropa nang kabila."

"Para kang sira. Di nila basta gagawin yun sa loob ng Campus. Wag ka na sumunod. Tsk! Agaw-atensyon eh."

"Magkaklase naman tayo sa last subject mo. Antayin na rin kita," tapos mabilis itong lumakad.

Wala na akong nagawa nung lampasan nya ako para mauna sa classroom ko. At wala rin akong nagawa nung sa last raw ng mga upuan nya ako paupuin, para magkatabi kami.

Nakisuyo na lang ako sa isa kong classmate sa likod na kung pwedeng palit kami ng upuan today.

Tahimik lang naman ito sa klase namin. Nakakasuya lang yung ilan kong classmates na pasimpleng lumilingon lagi sa amin.

Sabay na kaming lumipat para sa last subject ko na magkaklase kami. Meron pa syang isa pang klase after nito. Kaya nagulat ako nung hatakin nya ako papunta sa parking lot pagkstapos ng klase namin.

"Ihahatid kita sa Mcdo," sabi.

"May huling klase ka pa, di ba?"

"Oo, may thirty minutes break naman ako. Babalik agad ako dito. Tara na!"

Napisil ko na lang ang pagitan ng mata ko lalo na nung pinagtitinginan kami habang naglalakad ng mabilis, hatak-hatak nya ako.

Hindi ba sila masasanay na magkasama kami lagi? Hanggang ngayon ba issue pa rin na first time na 'tibo' ang navigator ni Caloy? Tss.

Habang nasa byahe, "Wala ka bang kara-karate ngayon?"

"Wala. Ano ka? Pasado alas-seis na nang gabi. Kapag maaga lang ang uwi ko sa school ako may session sa gym. Tapos diretso na ko sa store."

"Bah, malay ko ba sa sched mo? May tutorial ka pa nga minsan eh. Tigilan mo na nga yan, Jun. Tsaka wag ka na mag-renew ng contract sa McDo."

"Open contract kami. Kahit habambuhay kami dyan unless ma-terminate kami or kusa kaming umalis."

"Yun naman pala eh. Sobra-sobra kinikita mo sa racing natin."

"Ang kulit mo rin eh. Di nga pwede. Ano'ng sasabihin ko ke Ate kung saan galing pera ko, ha?"

Di na ito kumibo hanggang makarating kami sa McDo.

Bago ako bumaba, "Eleven labas mo di ba? Dito na kami ng tropa pagkatapos ng last subject ko."

"So before ten? Ang aga pa nun, Caloy."

"Babantayan ka namin. Baka puntahan ka dito nina Dom. Kilalang makukulit at mahilig manulot mga yun."

Natigilan ako. So, araw-araw nya akong babantayan?

Ang sweet naman! Syeeet!

"Wag ka mag-alala, kahit ngayong gabi lang. Matapos lang itong laban natin sa kanila. Isasama ko sa deal na di ka pwedeng sulutin kapag nanalo tayo."

Gusto kong umangal sa sinabi nya. Sus! Parang gusto kong bigyan na pangit na navigation si Caloy mamaya para matalo kami, tapos araw-araw na nya ko babantayan. Haha!

Ganun nga nangyari. Mahigit isang oras pa ang natitira sa shift ko, andun na ang mga kulugo.

Halos maihi sa kilig ang mga kasamahan kong babae.

"Jun, pakilala mo naman kami," sabi ni Jen. Cashier din.

"Kaya pala dedma ke Jun mga nagpapa-cute ditong mga crew at customers eh. Sawa na sa gwapo ang muse natin," sabi ni Sir Abet. Isa sa mga kitchen managers.

"Saang parte gwapo mga yan?" Biro ko pabalik. "Nakow, wag kayo magkakamali sa mga kulugong yan. Kahit poste, pinapatulan nyan."

Nagtawanan mga kasamahan ko. Napalingon tuloy sa amin sina Caloy.

"Naku, tumingin dito, Jun," kinikilig na sabi ni Karen. Isa ring crew. 'Sige na, pakilala mo kami mamayang uwian."

"Bahala kayo. Basta pag nadisgrasya kayo ng mga yan, walang sisihan," sagot ko.

"Eh ba't ikaw?" Si Jen uli.

"Alam mo, Jen. Kilala ko na likaw ng mga bituka nyan noon pa. Di sila uubra sa'kin. Tsaka ang mga dyosa, di pumapatol sa mga mortal," pabirong sabi ko.

"Ay, gusto ko yan. Gusto ko yan!"

Nag-high five pa kami.

Nung out ko na, di naman sumama sina Karen at Jen. Kumaway na lang ako sa kanila nung papalabas na kami.

"Jun, marunong ka naman pala ngumiti lagi tsaka makipagbiruan, katulad kaninang naka-duty ka, eh bakit lagi kang masungit sa amin? Wala namang pagkakaiba, " Si Vugz nung nasa parking na kami ng store.

"Kasi, kayo nga iyan. Yun ang pagkakaiba," sagot ko.

Natawa sina Pat, "Nagtanong ka pa kasi eh."

"Nililigawan ka ba nung manager nyong kulot?" si Caloy.

"Sino? Si Sir Abet? Eh mas malandi pa sa akin yun. Bading yun."

"So, may tago ka palang landi sa katawan, ha, Jun?" singit ni Kiko.

"Letse!" Bulong ko sabay irap dito. Padabog akong pumasok sa kotse ni Caloy.

Nagtawanan lang ang mga kulugo.

Gabi na at walang traffic, pero inabot pa rin ng dalawang oras ang byahe namin papunta sa event. Marami nang tao pagdating namin.

Gaya ng dati, di ako lumabas sa kotse ni Caloy.

Nagkumpulan na sila sa harap nang magkakadikit na kotse ng tropa. Sinamantala ko iyon para mag-text kay Ate na ok lang ako sa 'bahay' ng classmate ko. At uuwi ako mamayang bago pumutok ang araw.

Balak kong matulog na lang sa byahe pauwi tapos matutulog uli ako nang tatlo hanggang apat na oras sa bahay, bago pumasok uli sa eskwela.

Hindi na lang muna ako pupunta sa gym mamaya. Hindi ko kakayanin ang puyat at pagod. Kung nasa school lang si Caloy mamaya, hihiramin ko na lang ang susi ng kotse nya at iidlip ako dun after class ko bago pumasok sa McDo.

Di ko na naman inaasahan na magre-reply si Ate. Tulog na iyon ng ganitong oras, pero 'matik na sa 'min ang magpaalam sa isa't-isa, noon pa mang nasa Maynila pa kami. Kahit nung buhay pa sina Papa at Mama.

Kaka-send ko lang nang message nung katukin ni Caloy ang hood ng kotse nya. Pag-angat ko nang tingin, sinsenyasan nya akong lumabas.

Kinuha ko yung cap ni Caloy sa dasboard at isinuot bago lumabas. Ganun lagi ang ginagawa ko. Ayokong masyadong nakikita ang mukha ko sa mga event.

Ang nakakakita lang sa akin nang malapitan eh yung mga kapustahan nina Caloy, kapag gustong masiguro na babae ang navigator o kung gustong makita lang ang navigator.

Minsan kasi, pati navigator kasali sa pusta, lalo na kung chicks ang dahilan ng karera. Nakanood na 'ko nang ganun.

Natatawa nga ang mga kulugo nung makita ang dismaya sa mukha ko.




"Tsk! Ginagawa nyong commodity pati babae dito eh. Kunwari pa kayong female navigator, e chini-chicks nyo rin," himutok ko.

"Eh gusto rin naman nung mga female navigators eh. Kung ayaw naman nila, walang pilitan. E bakit sila pumapayag? Kaya naman pumayag mga yan maging navigator dahil type nila yung drivers o kaya dahil din sa ganyang kalakaran," Katwiran ni Vugz.

Napapailing na lang ako.

"Wag ka mag-alala. Di kita isasali sa mga ganyang pustahan," sabi ni Caloy, and again, he patted my head. As usual, tinabig ko kamay nya.

Tumawa lang ito nang mahina.




Paglapit ko, nagulat ako na inakbayan agad ako ni Caloy sa harap nung apat na kapustahan. First time nya iyong gawin. Lagi lang kasi kaming pormal at magkatabi lang sa mga ganitong pagkakataon.

"Si Jun. Navigator ko," simpleng sabi ni Caloy.

"No need for introduction. Kilala na namin sya," sabi nung isang medyo bilugan ang katawan.

Ngumisi ito sa akin. Pokerface lang ako sa kanya.

"Sino ba'ng di makakakilala sa Lucky Charm mo, Caloy?" Nabosesan ko ito.

Si Dom. Naasar ako sa naalala.

"Kung wala si Jun, hanggang kelan kaya zero lost ang record mo Caloy?" Pangbubuwisit nito.

Naramdaman ko ang paghigpit nang akbay sa akin ni Caloy.

Alam ko ang ginagawa ni Dom. Sinisira nya ang mood ni Caloy para mawala ang konsentrasyon sa karera mamaya.

Ganun pala ha?! Teka nga! Bubwisitin ko rin silang dalawa nang maarte nyang navigator.

"Eh ikaw, Dom," singit ko. "Bakit kailangan mo akong kausapin kanina para offer-an lumipat sa inyo? Takot kang matapyasan stat mo? Nagdala ka pa ng dalawang tuta at isang kuting para harangin ako. Lampa naman!"

"Aba't—" sasabat sana si Dom.

"Bakit totoo naman, di ba? Luhod sa harap ko aso mo, Dom. Musta na ba sya? Nabasag ko ba nang tuluyan itlog nya? 'Tragis, kakausapin mo lang ako, kailangan mo pa nang alalay," sarkastikong sabi.

Nagtawanan ang mga naroroon. Si Caloy, naramdaman kong umalog ang balikat.

Namula si Dom. Napasinghap ang babaeng navigator nya.

"Wag ka madumi maglaro, Dom. Kaya yang navigator mo, ang dumi ng mukha eh. Kakarera lang, ang dami pang kulay sa mukha. May debut ba sa kotse mo habang nagkakarera tayo?"

Lalong nagtawanan ang mga nakarinig.

"Sobra ka na ha!" Maarteng sabi nung babae.

Inirapan ko lang. Sabay ikot ng mata ko.

"Tama na yan," sabi nung moderator na natatawa pa rin at napapailing.

"Sinabi ko sa inyo noon pa, wag si Jun ko," sabi ni Caloy.

Syeeet! 'Jun ko' daw!

Yumuko ako at sinipa -sipa yung bato sa paanan ko para itago ang pigil kong ngiti. Kinikilig ako eh. Bakit ba!

Tinapos na nila yung usapan.

Pagpasok namin sa kotse, "Salamat." Sabi ni Caloy.

Alam ko ibig nyang sabihin.

"Wala yun. Mahirap na mag-away kayo bago ang karera. Ayokong masira mood at focus mo sa pagmamaneho. Isa pa, sa akin sila may direktang atraso. Ako pa hinamon nila ng asaran."

Natawa si Caloy, "Alam ko. May pakinabang din pala kami dyan sa dila mo."

"Gago!"

Tumawa lang ito habang nagmamaniobra papunta sa starting line. Sina Pat at Kiko na lang ang naiwan sa area namin.

Malamang pumunta na sina Vugz at Larry sa pinag-usapang finish line. Sina Ben, Long at Charlie, malamang hiwa-hiwalay na iyung nagpunta na sa mga dadaanan namin.

Si Caloy lang ang may laban ngayon. Sa ibang araw sila may laban at sa ibang lugar pero di ako sumasama kapag ganun.

Lumapit si Pat at Kiko para sa final check ng mga gulong, tail lights at kung anu-ano pa sa labas ng kotse.

"Caloy," tawag ko sa kanya.

"Oh?" Sagot nito na nakatingin lang sa side mirror kay Pat.

"Gusto kong mangulelat si Dom. Di ba zero lost yan?"

"Medyo malabo yun, Jun. Malamang second yan. Syempre tayo first," biro nito.

Pero di ako ngumiti. Napatikhim si Caloy.

"Problema mo, Jun?"

"Bad trip ako sa ganyang ugali. Gusto kong gasgasan mo record nya at ego nya," sabi ko.

"Bagong bili sasakyan nyan ni Dom. Suportado ng mga magulang nya bisyo nya sa drag racing," may nadama akong tampo sa boses ni Caloy.

Sa limitadong personal na impormasyong alam ko dito, sa lola nya ito nakatira ngayon. Taga-Maynila pala talaga ito, salungat sa pagkakaalam ko dati na galing itong private university dito lang rin sa Palawan.

Ipinatapon dito ng daddy nya. Di ako sigurado sa totoong dahilan. Kasi di naman ako nagkukuwento sa kanila tungkol sa personal kong buhay, kaya di rin ako nagtatanong sa kanilang mga kulugo. Hanggang ngayon nga, di nila alam cp number ko. At di ko rin kinuha mga cp numbers nila kahit binibigay nila noon. Ayaw ring maniwala na di ako nag-e-FB. Na ginagamit ko lang FB ko para may paglagyan ng pictures. Nagsawa na lang sila kakukulit.

"Yun nga eh. Bago sasakyan nya," sabi ko. "Dikitan mo mamaya sa kanan, yung parang masasagi mo sya. Kakabig agad yan palayo sa iyon. Makakasira yun sa speed at momentum nya."

Tumingin ito sa akin, "Paano mo nasabi yun?"

"Kaninang umaga nung puntahan nila ako. Napansin ko na masyado syang conscious at banidoso sa sasakyan nya, mapaloob at labas. Di mo naman syempre ikakaskas. Natural, pati tayo, madedelikado kapag sumayad kayo sa isa-t-isa. Takutin mo lang."

Tumingin sa harap si Caloy, nag-iisip, "Risky gusto mong mangyari, Jun." ang sabi pagkatapos.

"Kaya mo, Caloy. Basta sa kanan ka lang banda didikit sa kanya."

"Bakit kanan?"

"Mas mahusay ka magkontrol sa kanan kesa sa kaliwa."

Bigla itong napatingin sa akin, "Tsaka masasabi ko sa iyo kung sasayad ka sa kanya o hindi."

"Pa'no mo nalaman yun, Jun?"

"Inoobserbahan kita tuwing nagmamaneho ka."

Natahimik ito, "Sige, basta suportahan mo 'ko."

Nag-fistbump kami.

Gaya nang inaasahan ko, ganun nga ang nangyari. Tatawa-tawa si Caloy nung lumayo na ang agwat namin kina Dom. Pero pumangatlo pa rin ito sa finish line.

"Sayang,"sabi ko. Nasa loob kami ng kotse. "Gusto ko sana, huli talaga sila."

Hinihintay na lang namin yung pang-apat na kalaban.

Sumadsad daw ito sa railings pero di naman grabe. Umiwas daw kasi kay Dom na biglang kumabig sa side nila nung dikitan ng naka-second place. Mukhang napansin nito ang ginawa namin ni Caloy. Ginaya kami. Haha!

On the way na raw. Yun ang dahilan kaya naging third sina Dom.

Tumunog ang two-way radio sa kotse ni Caloy.

"... alis na kayo dyan! May mga cowboy...! May nag...timbre....Puta...!

Nawala na ang connection nito.

"Fuck! Shit!"Sabi ni Caloy.

Mula sa malayo sa likuran na namin, nakita ko sa rearview mirror ang pusikit na ilaw na pula at asul.

Nagkanya-kanya na nang pulasan ang mga naroroon. Pati sina Vugz at Larry, nakaalis agad.

May napaharang sa harap namin at namatayan ng makina. Siguro sa sobrang takot at taranta na mahuli ng pulis, di mai-start ng driver ang kotse.

Umatras si Caloy at nagmaniobra.

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko.

Shit! Papa'no ito?

"Kalma ka lang, Jun," sabi ni Caloy. "Ako'ng bahala sa iyo kung magkahulihan."

Napangiti ako.

Pero malapit na yung mga pulis, hindi pa kami nakakalayo. Kita ko pa ang silhuweta nung namatayan nang makina na nahuli na.

Tumunog uli ang two-way radio.

"... Wag kayong dadaan sa main road....may nakaabang ...cowboy... Hanap...lulusutan..."

Naramdaman kong binagalan ni Caloy ang pagmamaneho.

"Caloy, bakit ka—"

"Relax ka lang," kalmado nyang sabi tapos iniliko sa isang maliit na rough road ang kotse nya.

"Malamang may mga nahuli na sa mga nauna sa atin," sabi habang tinatanggal yung two-way radio at itinago sa dashboard.

"Patayin mo yung headlight. Malapit na yung mga pulis," sabi ko nung huminto kami.

"Hayaan mo lang," tumingin ito sa rearview.

May dumaan na ngang pulis tapos umatras pabalik sa nilikuan namin.

"Caloy...nakita na tayo!"

"Jun, I'm sorry but... I have to do this," sabi ni Caloy na direktang nakatingin sa mata mo.

"Hah? Ang ali—"

Bumaba ang mukha nito at hinalikan ako... sa bibig kong nakabuka pa dahil nagsasalita ako!

Nanlaki ang mga mata ko at di ako nakagalaw.

Syeeet! Ang first kiss kooo!!!!

==================

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj