38 Sched
"I do not share bed with another man, Juno!"
Nag-echo yun sa utak ko. Naguguluhan ako.
"Pinagsasabi mo, Rob? Kelan ko sinabing bading ka?"
Sya naman ang biglang naguluhan. Mula sa pagkakaseryoso ng mukha, nagsalubong ang kilay nito paunti-unti tapos naghiwalay uli. Tapos nagkaroon ng iritasyon sa mukha nito.
"That's not what I meant!" Asar na sabi. Humarap na ito sa akin at maangas na nakapamewang.
"Eh anong—"
Tsaka ko na-realize ang ibig nyang sabihin.
"Aba'y gago ka pala eh!" di ko napigilang sabihin. Ako naman ang galit ngayon!
"Ano'ng palagay mo sa 'kin, kaladkarin?! E yung nga lang muntik tayong mag-ano... ano..."
Syete! Di ko masabi! Biglang akong namula nung maalala ko yung momol namin.
"E sino yung lalaking kasama mo matulog sa kama mo two weeks ago?"
Bigla akong napaisip. Dumating sya ng Sabado ng gabi? Pumasok sya at nakita kami ni...
"Si Troy ba sinasabi mo?"
"Putang ina!" Galit nyang sigaw sabay suntok sa pinto namin.
Lumagabog yun.
"Rob, ano ba!" awat ko dito, sabay yakap sa malaki nyang braso dahil isusuntok na naman nya sa pinto.
Malamang sugat na ang kamao nito. Baka mabalian pa ng buto sa kamay.
"You slept with him?!" halos pasigaw nyang sabi nung bamaling uli sa akin.
"Ano'ng slept with? Si Troy? Kadiri ka! Virgin pa 'ko!" Sigaw ko pabalik.
Sabay kaming nagulat sa sinabi ko. Lalo yatang namanhid mukha ko. Letse talaga at isinigaw ko pa! Kasi naman!
Nabawasan ang bangis sa mukha ni Rob. Pero dumukwang sya ng konti sa mukha ko at gigil na sinabi, "Bakit sya natutulog sa kuwarto mo, kung ganun?"
"E o ano naman ngayon? Wala naman kaming ginagawang masama!" Depensa ko. "Natutulog nga kaming magkakatabi nina Paul eh!"
"Fuck!" This time, yung sofa naman namin ang pinagdiskitahan. Sinipa.
"Ano ba! Masira mo yan!" Tinulak ko na sya.
"Papalitan ko!" singhal nya sa akin.
"Ano bang problema mo ke Troy at Paul? Best friends ko mga yun!"
"What are you? Fucking best friends!"
Napeste na 'ko. Yung buwelo kong yun, sinapak ko si Rob sa mukha ng buong puwersa. Napaupo ito sa sahig.
Pero, syete! Ang sakit sa kamay!
"Tarantado ka, Rob! We don't fuck! At wag na wag mong aawayin sina Paul at Troy! Hindi mo sila kilala, at hindi mo alam kung ano ang pinagsamahan namin!" Dinuro ko sya. "Kahit kelan, hindi nila ako minanyak na katulad mong gago ka!"
Galit lang itong nakatingin sa akin. Pinunasan ang ang labi na may kaunting dugo gamit ang likod ng palad bago tumayo.
"Kung kukuwestyunin mo ang pagkakaibigan naming tatlo at kung paano namin tratuhin ang isa't-isa, ngayon pa lang, Rob, wag ka nang magpapakita sa 'kin," naiiyak kong sabi. "Kung hindi mo tanggap kung ano ako o paano ako makitungo sa iba, hindi rin kita kailangan."
Binuksan ko nang maluwag ang pinto. Madilim pa rin sa labas pero wala na ang mga bituin at buwan.
Napatitig ng matagal si Rob sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Baka makita nyang nagpipigil lang ako ng luha. Sa gilid ng mata ko, nakita kong napabuntung-hininga ito ng malalim sabay bumagsak ang balikat. Nung humakbang sya palabas ng bahay, madiin kong pinaglapat ang bagang ko. Ayokong mapaiyak ng tuluyan.
Hindi ko na hinintay na makalabas sya ng gate. Bahala sya kung isasara nya yun ng ayos o hindi. Basta ni-lock ko agad ang pinto namin tapos mabigat ang paa ko na umakyat sa kuwarto ko. Ni hindi ko na nga nabitbit ang bag at cp ko.
Basta blangko...blangko ang isip ko. Hanggang makaligo ako, wala. Wala akong maisip.
Pero nung mahiga ako, otomatikong tumulo ang luha ko.
Shit! Shit! Bakit? Di ko alam kung bakit. Ayaw namang gumana ng utak ko ngayon. Pagud na pagod na rin kasi ako. Alas-singko pasado na yata ng madaling-araw.
Kinuha ko ang isang unan ko at itinakip sa ulo ko. Patagilid akong humiga. Hindi yun nakatulong. Yung tahimik na pagtulo ng luha ko naging hagulgol.
Letse talaga! Bakit ba ako iyak ng iyak? Tanong ko sa utak ko.
Di pwede ito. Ayokong mag-report mamaya sa OJT na maga ang mata ko. Isa pa, barado na ang ilong ko.
Shocks! Yung cp ko. Kailangan ko pala mag-alarm tsaka mag-text sa supervisor ko sa OJT na magha-halfday ako ngayon. Babawi na lang ako next week. Tutal mas marami akong available na oras dahil finals na.
Kaya lang, tinatamad na 'kong bumaba. Ang bigat ng pakiramdam ko, pati ng talukap ko. Di ko lang basta mapigil ang pagsinok ko kakaiyak.
Bigalng may nag-angat ng unan sa mukha ko.
"Jun..."
Potek! Naiyak na naman tuloy ako.
"Akina yan!" umiiyak kong sabi pero yung kumot ko na ang tinakip ko sa mukha ko.
"Jun naman..."
"Bakit ka pa bumalik?!"
Di sya sumagot. Basta pakiramdam ko nakatitig lang sya sa likod ko.
Sandali lang, naramdaman ko ang paglundo ng kama sa likod ko, tapos yumakap ang braso nya sa bewang ko.
Humalik sya sa tuktok ko, "Hindi naman ako umalis."
Naging masinsin ang pag-iyak ko. Para na 'kong tanga. Iyak ako ng iyak, di ko naman alam kung bakit.
"Sorry na... wag ka na umiyak..." mahina nyang sabi.
Hinarap nya 'ko sa kanya tas pinaunan sa dibdib nya.
Talagang yari na ang loob nitong dito matutulog. Naka-boxer na lang eh.
Inalis nya yung kumot sa mukha ko, tapos magaan na humalik sa noo ko, "Matulog ka na. May OJT ka pa. Wag ka na lang kaya pumasok?"
"Di pwede. Magha-halfday ako. Magte-text pa ko sa bisor ko," pinigilan ako nito bumangon.
May inabot ito sa gilid ng kama, "Inakyat ko cellphone mo. Nakita ko sa baba."
Nag-send ako ng text na magha-halfday ako dahil sa isang emergency. Di ko naman inaasahan na magre-reply agad yung bisor ko.
"Gisingin kita ng eleven. Pahinga ka na," mahinahon nang sabi ni Rob.
'La na kong pake kung naka-malaking tshirt lang ako at naka-panty. Bigla kong naramdaman ang matinding pagod at antok. Mabilis na akong nakatulog dala na rin nung pagtapik-tapik nito sa likod ko at paghimas sa ulo ko.
Ginising ako nito nung tanghali. May pagkain nang nakahain, pero food delivery.
Wala kaming imikan hanggang ihatid nya 'ko sa OJT ko.
"Sunduin kita ng six," sabi nya. "Ako'ng maghahatid sa 'yo sa Red Cribs."
Tumango lang ako. Aba'y dapat lang. Di ko dala si Augie.
Di naman masyadong nagtanong yung bisor ko. Nahalata nya kasing medyo maga yung mata ko. Five thirty pa nga lang, pinauwi na ako nito dahil wala na rin masyadong gagawin na importante.
Habang hinihintay ko si Rob sa Mini-stop sa baba lang ng building ng OJT company ko, nag-FB ako.
Ang dami kong notif at pm galing kina Paul at Troy.
Inuna ko yung sa page, pero content not available na ang karamihan.
Tapos yung mga comments iisa halos ang laman.
Hala! Bakit nawala yung video?
Ang daya, di ko pa napapanood.
Ang angas! Pucha sana d-in-ownload ko na!
Bagay sila! Payag na 'ko palitan ang Jun-Paul loveteam!
Sino'ng may link? Pahingi.
Wala na rin eh yung mismong source.
Dyosa, anyare? Kuwento ka naman!
Nag-check ako ng mga pm. Ganun din ang mga laman. Kahit kina Paul at Troy.
XG, anong nangyari? Napaaway ka na naman?! – Paul
Jun, nawala yung video nyo. Napanood mo na ba? – Troy
Tawagan mo kami kapag nabasa mo ito – Paul
Nagkaroon na 'ko ng hinala kung ano yung video na sinasabi nila.
Nag-video call ako sa kanila sa skype. Sandali lang sinagot agad ni Troy, sumunod si Paul.
Kinuwento ko sa kanila ang nangyari sa RC. Maliban sa away namin ni Rob. Tama na lang na si Rob ang galit sa dalawa. Ayokong magkaroon ng masamang isipin ang best friends ko dito. Ako na ang bahalang magtanggol sa kanila kay Rob.
"Sinasabi ko na nga ba eh," si Paul. "Pero at least, di yung Louie ang nagpasimula."
"Gago pala sya eh. Dapat umawat sya. Nanood alang ang puta!" Asar na sabat ni Troy. "Buti andun yung pikachu mo, Dyosa!"
"Tarantado!" sabi ko.
"Ang bangis nyong dalawa. Kaya walang tumulong eh. Mas piniling manood," natatawang sabi ni Paul. "Sayang wala na yung video."
Nakita ko na pumarada na sa harap yung Audi ni Rob, kaya nagpaalam na 'ko sa dalawa.
"Oy, XG," si Paul. "Kwentuhan mo kami kapag nangyari na yung 'thunder—"
"PAK YU!"
Narinig ko pa ang tawanan nung dalawa bago ko na-end call.
Mga sira-ulo talaga eh! Di pa nga kami talaga ayos ni Rob.
Lumabas na 'ko ng Mini-stop. Rob was eyeing me. Alam ko gusto nyang magtanong kung sino yung kausap ko. Di ako nagkwento. Baka umiinit na naman ang ulo nito kapag nalaman na yung dalawa ang kausap ko.
Mga ilang minuto na kami sa byahe papunta sa Red Cribs nung magsalita ito, "I think you already know about the video."
Tumango ako, "Pero di ko napanood. Wala na sa page ko. Ganun din yung tanong sa mga comments."
"I had it removed. Up to the source, whoever uploaded that," simple nyang sabi.
Shocks!
"Kaya nyo yun?"
"Yeah."
Nakakatakot naman pala talaga ito! Pero teka...
"Pinakelaman mo FB ko?" Nagdududa kong tanong.
"Gusto mo ba?"
"Hindi, syempre!"
"Then I did not. Not even peeked in your private messages. As much as I wanted to."
"Bakit mo tinanggal yung video?"
"It's too risky that my face will scatter like a wildfire on the net. Not good for my profession. Yun pa lang pakikialam ko sa gulo satrabaho mo, risky na eh."
"E bakit ka ba kasi sumali pa?"
"You were there. I can't stop getting involved, Jun," simple nyang sabi tas saglit na tinapunan ako ng tingin.
Syeteeee!!!
Napatikhim na lang ako.
Di na uli kami nag-usap hanggang makarating kami sa RC, maliban nung sabihin nyang ihahatid nya ako pauwi.
Pinagkumpulan agad ako ng mga kasamahan ko pagpasok sa employees room.
Kinukulit ako tungkol sa nangyari kagabi at kung paano ko nagawa yun. Tapos di sila matapus-tapos sa pagtatanong tungkol sa 'jowa' ko.
"Girl, akala ko ba, wala kang boyfriend? Naku, eh sinabi ko na dun sa mga regular naming nagtatanong, tapos bigla-bigla, dumating yung hunk mong papa."
"Eh walang panama yung gustong pumorma sa 'yo. Baka lumpuhin nang jowa mo."
"E baka nga lang ke Jun, gulpi na sila eh."
Tapos nagtawanan.
Paglabas ko sa dining area, sinalubong ako nung manager namin.
"Jun, andyan si Big Boss. Gusto kang makausap sa office nya. Halika."
Nagulat ako na naroroon din si Rob sa office ng may-ari.
"Please take a seat," muwestra sa akin ni Boss Kit, yung may-ari. Parang nasa late mid-thirties pa lang ito.
Nagpasalamat lang ito sa pagtulong ko s nangyari kagabi lalo na kay Kuya Eric.
"I will give you a three-day paid offs. Take it tomorrow, then yung off mo sa Monday at Tuesday, it will be paid. That's what Mr. Agoncillo is asking as a return favor."
Napatingin ako kay Rob na nakaupo sa tapat kong couch. Tumaas ang kilay ko.
"Bakit ka nakikialam sa trabaho ko, Rob?" sabi ko na nakataas ang kilay. Nainis na naman ako.
Napatikhim si Boss, "Ahm, Jun, his company provides us the security personnel in the club, including our CCTVs and all. Isa pa, Mr. Agoncillo said it's your finals week sa darating sa linggo."
Natahimik ako. Hindi rin nagsalita si Rob.
"Take that time to rest and study."
"Sige, Sir. Salamat po," sabi ko at nagpaalam na.
Nagpaiwan pa si Rob sa loob. Inirapan ko ito bago ko isara ang pinto ng office ni Boss Kit. Nangngiti lang ito tapos napapailing.
Wala pang isang oras nagsimula ang shift ko, nakita ko na si Rob na nakatambay sa bar counter.
Inulan tuloy ako na tuksuhan ng mga kasamahan ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Sita ko sa kanya.
"I find your uniform cute. But I don't like you wearing it with all this people around and you serving them," sa halip ay sagot.
Napangiwi ako. "Ano ngang ginagawa mo dito?" Naiinis kong sabi.
"Drinking?" Inangat pa yung scotch nya.
Napatirik ako ng mata. Hindi sya umalis dun hanggang matapos ang shift ko. Ilang na ilang ako kasi feeling ko sinusundan nya lahat ng kilos ko. Hindi ko nga sya pinuntahan nung break ko eh.
"Rob," pauwi na kami nun at nasa kotse nya. "Yung mga bouncers sa RC... agents din ba?"
"No. Iba ang category ng security guards, bouncers, investigators, agents and so on sa agency namin," sagot nya. "Why?"
"Uhm, wala lang. Si Kuya Eric..."
"Yup, tao ko sya."
Napatangu-tango ako.
Sabay kaming kumain ng late dinner. Kung dinner pa bang matatawag ang mag-aalas-dos ng madaling -araw.
May dala itong pagkain galing sa RC. Pinabalot ni Boss Kit ng libre.
Wala naman na akong sinabi nung sumama itong umakyat sa kuwarto ko.
"Jun..."
"Hhmm..."
"Anong gagawin mo bukas?"
"Magsisimba kami nina Ate sa umaga, gaya ng dati, dun kina Tita Alice kami magkikita."
"Di na sila nagpupunta dito?"
"Di pa eh. Parang may problema si Ate at Kuya Reid," sabi ko. "Ayoko lang ungkatin. Personal nila yun."
"After ng simba nyo?"
"Malling kami. Then sa gym hanggang seven ng gabi," ayokong sabihin na dojo.
Baka kung ano na naman ang isipin nito. Mas pinili kong gamitin ang gym para mas general term.
"I see," sabi nya. "Nood tayong sine sa gabi."
Nag-isip ako sandali, "Dito na lang. Matagal ko nang di nabubuksan yung TV sa baba. Malaki naman yun."
"Ok, I'll bring food. Para di ka na magluto. Pahinga ka na."
"Goodnight, Maw."
Hindi na sya nagsalita pero naramdaman ko na hinalikan nya ko sa tuktok tapos kinipit sa kanya.
Sabay kaming umalis sa duplex kinabukasan. Nakasunod lang sya sa akin, sakay ako ni Augie. Humiwalay lang sya nung papasok na ako sa Madrigal gate ng Ayala Alabang.
Pansin ko pa rin na hindi kinakausap ni Hopia si Kuya Reid. At si Ate, kung kailangan lang. Naawa tuloy ako sa lalaki.
Parang ang awkward nga nung nag-malling kami. Halata ko na ganun din ang nararamdaman nina Tita Alice at Tito Frank.
Bago mag-alas kuwatro, nagpaalam na ako kina Ate Andie at nagpunta sa dojo.
By seven thirty, nasa duplex na 'ko. Dinatnan ko si Rob na nakaupo sa hood ng kotse nya.
Sabay naming pinasok ang sasakyan namin sa garahe.
"Kanina ka pa ba? Bakit naghintay ka sa labas?"
"Mga five minutes pa lang. Wala akong susi."
"Yeah right," sarkastiko kong sabi. "Inaakyat mo nga ako sa kuwarto ko."
"Wala ka naman dyan kanina," natatawa nyang sabi.
Napatirik ang mata ko.
Sabay kaming kumain ng hapunan. Ang dami nyang dalang pagkain. Kahit kumain kami mamaya uli, may matitira pa rin hanggang bukas ng tanghali.
"Luto mo? Masarap." Tanong ko.
"Si Mommy nagluto nyan."
Tumaas kilay ko, "Mama's boy ka?"
"You can say that. May problema ka dun?"
Nangingiti ako, "Wala naman."
"Bakit ka natatawa?"
"Ano, ang laki mong tao, pero di ka nahihiyang aminin na mama's boy ka."
"I can say na dadddy's boy din ako. Lahat kami. Pantay lang. My parents do not interfere with my business or personal stuff, unless I asked or it's really needed. Lahat kaming magkakapatid ganun."
"Ahhh...Ilan ba kayong magkakapatid?"
"Three. All boys. I'm the youngest."
Tumangu-tango ako. "Ang daddy mo?"
"With mom. He's a uhm... military general. Many of our relatives are also in the force or something related to that."
"Pati mga kuya mo?"
"Yung panganay, opisyal din sa US Navy pero yung gitna, sa side ni Mommy ang namana. He's into business. Pareho nang pamilyado."
"Lagi ka bang pinababaunan ng pagkain ng mommy mo?"
"No. I asked her to cook, para sa atin."
Nahinto sa ere ang kamay ko na susubo ng pagkain. Tapos dahan-dahan ko yung binaba.
"Alam nila ang tungkol sa akin?" Bigla akong kinabahan sa nalaman ko.
"Yeah. They always have a way of knowing stuff about us their boys. You know, parents are nosy."
Napangiwi ako, "Anong sabi nila?"
"Wala naman. They just want to meet you."
"Meet me?! Baket?"
Napatingin sya sa akin na parang nag-iisip kung seryoso ba ako sa tanong ko. Tapos, nagkibit balikat.
"Well, I guess because you always try to beat me up?"
"Sinabi mo yun sa kanila?!"
"Uhm.." biglang nagmukha itong guilty. "Sort of."
"Kakasuya ka naman! Ano pang sinabi mo?"
"Ano pa nga ba?" Tapos natawa ito ng walang tunog. "You don't feel ashamed farting in front of me. You even dared me to smell it. Yeah, that one."
"'Tragis ka! Totoo?! Sinabi mo yun?!"
"Oo nga. Sinabi ko ngang malakas ka pang kumain sa akin, kaya ayan, ang dami nyang pinadalang pagkain," natatawa na talaga ito.
"Nakakahiyaaa!!!" Nahihindik kong sabi.
"Then don't eat the food my mom cooked."
"Ay di pwede! Ang sarap kaya. Tsaka ngayon lang ako nakakain ng ganito. Ano bang pagkain ito?"
"Mostly Italian cuisine. She's a fan of Italian food. Pero yung carrot cake na b-in-ake nya, Mom said it was originally French."
"Ang taray pala ng mommy mo magluto, ano?"
"Yeah, she's the best!"
Nagtulong kami magligpit at maghugas ng pinagkainan namin.
Sabay pa kaming natawa nung magkasunod kaming nautot.
"Banyo muna ako," sabi ko. Naligo na rin ako.
Pagbalik ko sa sala, nakaligo na rin si Rob at namimili na ng panonoorin namin mula sa flashdrive na ikinabit nya sa home media box ko.
"Sci-fi thriller gusto ko," sabi ko sa kanya nung kumukuha ako ng cake at juice para makakain habang na nanonood.
"Lakas mo talaga kumain. Nagkaroon lang espasyo sa tyan mo..."
Inirapan ko lang ito. "Pake mo e sa masarap luto ng nanay mo!"
Tumawa lang ito.
Cloverfield ang una naming pinanood. Medyo luma na pero okay naman. Nanood pa kami ng isang investigative thriller. Sa pangatlong movie, nakatulog na ako.
Nagising ako nung pakiramdam ko nalulula ako. Yun pala nilalapag ako ni Rob sa kama.
"Tapos na yung movie?" Antok kong tanong.
"Malamang andito na nga tayo sa taas. Oh, sa'n ka pupunta?"
Bigla kasi akong tumayo.
"Ano, aayusin ko yung kalat sa baba. Baka ipisin. Ayoko sa ipis."
Hinawakan nya 'ko sa magkabilang balikat, "Nilinis ko na. I also washed the plates and glasses. Mahiga ka na."
Masunurin naman akong tao... minsan. Kaya nahiga na uli ako. Antok na antok na 'ko eh.
"Harap ka nga dito," sabi nya nung mahiga sa tabi ko. "Lagi na lang yung unan yakap mo eh."
"Tsk!" reaksyon ko pero humarap ako tas nilagay nya yung braso nya sa leeg ko.
"Jun..."
"Hhmmm..."
"Ano'ng oras pasok mo bukas?"
"Wala. Gym lang sa hapon," antok kong sagot. Nakapikit pa rin.
"Kelan finals mo?"
"Sa Tuesday. Parehong subjects. Sa Friday makukuha yung grades."
"Naka-enrol ka na ng first sem?"
"Monday next week. Bakit ba ang dami mong tanong? Paano ko makakatulog?" Dumilat na 'ko at tiningnan sya.
"I just want to confirm your sched, especially tomorrow."
"Baket?"
"Wala akong planong patalugin ka ngayong gabi."
"Hah?"
Di na ito sumagot basta bumaba na alng ang mukha nya sa akin.
Oo, sinisimulan na naman akong manyakin ng halimaw na 'to!
Saglit akong natigilan at nag-isip. Ang mga sinabi sa akin nina Paul at Troy.
"...malay mo, yan na kapalit ni Caloy sa buhay mo."
"...And keep Rob by your side. He likes you. He will protect you."
"You may want to consider Rob. Kasi, I'd only do that to a girl if I like her that much."
"Oo nga. Imagine, sinukahan mo, tulo-laway ka, naghihilik ka pa, umutot ka...mukhang di naman na-turn off sa 'yo."
"This maybe your chance to get a lovelife, Jun. Makakatikim ka na rin ng 'thunderbolt'. Yii-hiii!!!"
Napangiti ako sa isip ko... at gumanti na rin ako ng halik kay Rob.
At iniyakap ang kamay ko sa leeg nya.
============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro