Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

36 Delivery


"Weh ano naman kung di ako pumasok? Kailangan talaga mag-a-attendance ako sa 'yo?"

Pasimple nyang hinatak yung kumot patakip sa katawan nya, pero hinatak ko yun pabalik.

"Rob, ano ba? Akina na yan," she hissed.

Tapos parang may sinabi ang gagong si John sa kanya.

Di ko gusto ang emosyong biglang bumalot sa mata nya tapos napatingin sa akin saglit pero agad ring umiwas ng mata.

"Hello? Oh, Cherry?"

Bago na naman ang kausap nya.

Naupo na 'ko sa gilid ng kama.

"...uhm...sige, hindi, ok lang...sige, salamat ng marami... Ahm, oo, pasensya na rin. Ano kasi...uhm, oo...Text mo sa 'kin yung topics para...oo..."

Tumingin uli si Juno sa akin ng panakaw.

"...Cher, kaninong number ito?... ahhh, ganun ba?... Ok...ok...bye!"

Tahimik nyang binalik sa sidetable yung cp nya at kinipit ng husto yung kumot pabalot sa katawan nya. Di na naman sya nagsalita.

Tss. We were fine just a few minutes ago. Actually, more than fine.

And then suddenly... ewan ko pero naramdaman ko na naman ang pader na nakaharang sa amin pagkatapos ng tawag na yun. Pinilit kong balewalain.

"Bakit daw tumawag yung Louie at Cherry?" tanong ko.

Ilang segundo bago sya sumagot. Tss. Sinasabi ko na!

"Uhm...kailangan kong pumunta sa Charleston para sa second class ko after lunch."

"Bakit daw?"

"Classmate ko si Cherry sa pang-umagang summer class ko. Nasira daw yung laptop nya. Andun yung ipapasa naming paper para bukas, di nya pa napapa-print. Ka-group ko sya. Ano, kailangan naming gawin yun ngayong araw."

Tumango ako. "Eh yung Louie? Classmate mo rin ba?"

Hindi kumibo si Jun. Tumayo na sya balot ng kumot pero di nakaligtas sa akin ang pag-igting ng panga nya.

"Maliligo lang uli ako saglit," sabi nya sa halip.

"Jun...may tinatanong ako sa 'yo," di ako sigurado kung malumanay ba o galit ang pagkakasabi ko nun.

Naghahalo na naman kasi ang frustration ko sa pagkabitin, sa biglang pagbabago ng pakikitungo ni Juno sa akin, at sa galit at pagdududa sa pagtawag ni Peralta.

Humarap sya sa akin. Kinabahan ako sa kawalan ng emosyon sa mata nya.

"Sigurado ka bang hindi mo alam ang sagot sa tanong mo, Rob?"

Hindi ko maiwasang di kabahan sa paraan ng pagtatanong nya.

Shit! Bakit ba ako kakabahan? Wala naman akong ginagawang masama.

Kahit may duda na ako dahil sa tingin nya sa akin kanina nung kausap nya si Peralta, di ako agad nakasagot. Nasukol nya ako sa tanong na yun.

Di na rin nagsalita si Juno nung damputin yung mga damit nya sa sahig.

"Juno..."

Di nya ako tiningnan.

Napansin ko na nagsisimulang mamula ang mukha nito. Hindi ko alam kung dahil pa rin sa hiya na muntik nang may mangyari sa amin.

"Jun naman," hinawakan ko sya balikat.

"Wag mo nga akong hawakan!"

Pareho kaming nagulat sa marahas nyang pagpiksi.

Naisabunot ko na lang ang kamay buhok ko.

"My God, Jun! Nalilito na 'ko sa iyo. We were just about to ... to..." hindi ko masabi yung salita.

"Ano? About to fuck each other, Rob?!" Her voice raised a notch.

Nabigla uli ako.

"What —"

"Ano ba talaga dahilan mo at pinagsisiksikan mo sarili mo sa 'kin, Agoncillo?"

Napikon na 'ko, "Kasi gusto kita. Gustung-gustong kita, Juno! Ayan, masaya ka na?!"

Akala ko mabibigla sya sa sinabi ko pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nya.

"Gustung-gustong ano, Rob?" she flatly asked.

Ako na naman ang natigilan.

"Ikama ba, Rob?" This time, nagkaroon ng pait at haplos ng pigil na galit ang tono nya.

Napailing ako. "Hindi...hindi ganun, Jun," frustrated kong sabi.

"Wala namang tayo pero yung kanina... hindi natin dapat ginawa yun."

Nagpanting ang tenga ko, "Tayo? Walang tayo?!" I smirked as I walked towards her.

Her face was defiant as she looked at me, "Bakit, Jun? Ibig mong sabihin nung kayo pa ni Paul...you're freely doing it toget—"

Pumaling ang mukha ko. I wasn't expecting that. Nabingi ako ng bahagya dahil maliban sa malakas sa karaniwang babae si Juno, umabot ang mallit ng parte ng palad nya sa tenga ko.

"Huwag.Na.Huwag.Agoncillo." Hingal at madiin nyang nyang sabi. Namumula sa galit I Jun. "...na idadamay mo si Paul dito ... kahit si Troy! Wala kang alam!"

Again, a first. Unang beses akong masampal hindi dahil sa inayawan ko na ang babae.

Nasampal ako dahil sa pagtatanggol sa kaibigang lalaki!

Mariin kong nakuyom ang palad ko. "Bakit di mo ipaalam sa akin?" pigil na pigil ang galit at selos na nararamdaman ko ngayon sa dalawang yun.

"Sino ka ba sa buhay ko, Rob? Sabihin mo nga?"

Nagagalit ako. Wala kasi akong maisagot.

She smirked, "Ni hindi mo nga masabi sa akin kung sino si John Louie Peralta."

Nung tumalikod uli sya, "Jun... hindi...hindi naman importanteng tao si John para pag-awayan natin."

Huminto sya sa may pinto ng banyo pero di lumingon, "So, kilala mo nga?"

"Schoolmate ko sya. I was in third year when he came in as a freshman."

"And...?"

"Sa Charleston."

Doon na lumingon si Juno.

"Yes...I graduated there. Magna cum laude in Applied Physics."

Tumango ng marahan si Juno.

"John was a management student. Umalis sya ng Pilipinas after his sophomore years due to some school issues. He studied abroad. I heard nagloko pa rin sya sap ag-aaral sa Greece. Now his back in Charleston. Still in third year."

"Paano syang tinanggap uli sa Charleston?"

"Pinsan ng mother nya ang president ng university."

"Oh!"

"Why, Jun?"

"Sya ang nagbigay ng number ko kay Cherry. Wala naman akong pinagbibigyan nun sa school...maliban sa registrar dahil kailangan sa form."

Fuck!

"Yun lang ba ang gusto mong malaman, Jun, kaya tayo nag-aaway?"

"Meron pa ba, Rob?"

Napasapo ako sa noo.

Pumasok na sa banyo si Juno, kaya nagbihis na lang uli ako.

I waited for her sa living room.

Sandali lang nakababa na ito.

"Asan ang susi ng motor ko?"

Gusto ko na namang mapailing. Malamig pa rin ang pakikitungo nya sa 'kin.

"I'll give it to you later. Ako na kukuha nun sa hotel."

"Wag na. Ako na. Akina susi."

"Hindi pwede. You said it yourself earlier. Nahihilo ka pa. Ihahatid kita sa Charleston. Susunduin din kita mamaya."

This time, nagmatigas na rin ako. Nilabanan ko ang matalim na tingin ni Jun sa akin.

Sya ang sumuko.

Umakyat uli sya sa itaas. Akala ko may kukunin lang pero nagtagal sya. Kaya sumunod ako.

I was surprised na nakahiga uli si Juno. Though nakapikit, alam kong gising ito.

"Jun, akala ko, pupunta ka sa school ngayon?"

"Masyado pang maaga," sagot nya na di dumidilat. "Idlip muna 'ko."

Simpleng pagtataboy yun. Pero imbes na lumabas, nahiga rin ako sa tabi nya.

I just kicked my shoes. Pareho pa kaming nakapanlakad.

"Jun..." niyakap ko sya sa bewang.

Pinalis nya yun pero pinatigasan ko ang braso ko, kaya hinayaan na nya.

"Jun... ano ba kinagagalit mo?"

"Wala. Wag ka muna maingay. Dalawang oras na lang itutulog ko."

Hindi ako nagsalita muna.

"Si Louie..." simula ko. "Ex sya ng ex ko back in college."

She got a little tensed.

"...and we're here again, taking interest with the same girl..."

Hindi sya nagkomento kaya akala ko mas interesado syang umidlip pero,

"Nasa'n sya ngayon?"

"Sa America, last I heard."

"Kailang last?"

"Mga five years ago."

"Mahal mo pa?"

Nag-isip ako saglit. I chose to tell Juno. Baka yun ang gusto nyang malaman at sinabi ni Peralta sa kanya.

"She rejected my marriage proposal. She chose her dream to be in Broadway than me. So, there."

"Di mo sya pinigilan?"

"I followed her once sa New York to convince her to come back. She asked for two years na wag ko muna syang i-pressure. I did and I waited. Pero di na sya nagparamdam after that talk."

"I see."

Then I felt her relaxed. Hanggang maging steady na uli ang paghinga nya. She's already asleep.

I cuddled her in my chest. Isiniksik nya ang ulo sa leeg ko.

Medyo nakahinga ako ng maluwag.

Sana paggising nya, ayos na uli.

Nakaidlip rin ako. Saktong nagising ako para umalis kami si Juno.

She was still quiet but at least she wasn't as cold as when she got that call earlier.

Tahimik lang kami papunta sa Charleston. Sa likod kami dumaan dahil may dala kaming sasakyan.

Dahil wala akong car sticker ng Charleston, pinakita ko na lang ang alumni ID ko sa guard.

At kapag minamalas nga naman, papalabas kami ng kotse ni Juno nung dumating si Peralta kasama ang mga tropa nito.

Tang ina! Dun pa talaga nag-park sa tabi ng sasakyan namin!

Kinapitan ko agad ang kamay ni Juno.

Napatingin lang ito sa akin na nakakunot ang noo.

"Ako na sa bag mo," sabi ko. Naro'n din kasi sa bag yung laptop nya.

"Ako na. Ok lang."

"Jun."

Napabuga ito ng hangin bago ibigay ang bag nya sa akin.

Alam naming pareho na pinanonood kami nina Peralta.

"Musta na, Rob?" kalmadong bati nito matapos kong i-lock ang Audi ko.

I didn't like it. I know he's just pretending to be nice. Dahil naririto si Jun.

"Good," maikli kong sabi.

"Ganda ng Audi natin ah," he kept babbling.

"Thanks." Sabi ko na lang. Bumaling ako kay Juno. "Hatid na kita. Saan ba kayo magkikita ng classmates mo?"

"Nasa cafeteria mga ka-grupo mo, Dyosa," si Peralta ang sumagot.

Tinapunan ko ito ng matalim na tingin. Juno did not bother looking at him.

"'Lika na, Rob," sya na ang tumagtag sa kamay ko.

"See you later, Jun," habol pa ni Peralta as we walked away.

Puta! Papansin talaga!

Naramdaman ni Juno ang paghigpit ng hawak ko sa kamay nya, "Ayoko ng gulo, Rob. Graduating na 'ko."

Nakatingin sa amin ang mga estudyante pagpasok ng cafeteria. Nagkaroon ng bulungan sa ilan.

May kumaway kay Jun mula sa isang table. Isang babae at dalawang lalaki.

"Magte-text pa lang ako. Mabuti alam mong narito kami," sabi nung babae. Malamang sya yung Cherry.

"Ano, nakita namin si Louie sa parking. Sya nagsabi," sagot nito.

Saka nadako ang tingin ng mga ito sa akin.

"Kasama mo?" tanong nung babae.

Ako ang nag-angat ng kamay naming magkasalikop.

"Aahh... akala ko si Louie ang..."

Siniko ito nung kasamang lalaki kasi umasim agad ang mukha ni Juno.

"Yun baa ng balita dito?" singit ko.

Nagkibit-balikat lang ang mga ito.

"Rob, hayaan mo na," mahinang saway ni Juno. Tapos pinakilala nya ako sa mga ito sa pangalan lang.

"Ako na lang gagawa nung report sa bahay," sabi ni Juno. "Naka-save pa naman yung ilang notes at draft sa hard disk ko. Kung merong kayong notes, paki-email na lang sa akin."

"Sigurado ka, Jun?" yung isang ka-grupo nilang lalaki. "Di ba may OJT ka pang hinahabol?"

Tumango ito, "Di muna ako papasok sa OJT. Maluwag naman sched ko dun. Tsaka may background na ako dyan nung sa Palawan pa 'ko. Di lang na-credit dito yung subject kasi mas malawak ang scope na meron sa curriculum dito."

"Don't worry, I'll help her out," boluntaryo ko.

Napatingin sila sa akin.

"Di ka ba papasok sa trabaho kahit half-day?"Si Jun.

Umiling ako, "Kukunin ko pa yung Augie mo."

"Yung motor mo, Jun?" sabi nung isang lalaki. "Yung nasa FB page mo? I followed you."

"Yeah, that one," ako na ang sumagot. Parang nailang kasi si Juno.

"Sure ka, bro?" sabi nung isang lalaki.

Tiningnan ko yung mga notes na binigay nila kay Jun. "Yeah, I'm sure."

"Archi ka rin ba?" Yung Cherry.

Umiling lang ako. "Pero naiintindihan ko kung ano yang nasa notes nyo. I think it was tackled in one of my subjects here."

Kumunot ang noo ng mga ito.

"Ahm, ano...alumni sya dito. Applied Physics," si Juno. Tapos tumikhim, "Magna cum laude."

"Oh...I see." Napatangu-tango pa ang mga ito.

"Sige, may klase pa ako in twenty minutes," paalam ni Jun.

Hinila ko si Jun papunta sa counter, "Let's get a sandwich and a juice for you, first. Di ko alam na dikit ang sched mo. Di ka na nakapag-lunch."

Di naman ito nagreklamo.

She ate as we walk to her classroom. May ilang classmates na rin sya dun.

"Kukunin ko na yung motor mo," inabot ko yung susi ng Audi sa kanya bago sya pumasok sa loob.

"Para saan yan?"

"Iwan ko sa iyo. Baka kailangan mo kung may emergency. I can't drive two vehicles at the same time."

Kinuha nya yung susi, "Magco-commute ka? Tatlong oras lang ang klase ko."

"I'll be back to pick you up. Iuuwi ko muna yung Augusta sa duplex. Then, we'll eat dinner outside. You ditched me the last time."

Natawa ako when she rolled her eyes. At least, she's getting back to her old snob self.

"Jun..." pinigilan ko sya sa braso nung papatalikod na sya.

"Oh?"

I held the back of her neck and gave her a chaste kiss on the lips.

May ilang impit na napatili galing sa claasroom nya.

"Gagi ka!" She hissed sabay hampas sa tyan ko. Namula ang mukha nito.

"Sige na pasok ka na," sabi ko na nakangisi. Inirapan ako nito.

She was trying to act cool and calm pagpasok sa classroom nya pero napaka-obvious ng pamumula ng mukha nito.

Nakatingin sa kanya ang mga kaklase nya. May ilan na tinukso sya.

Nasa may hagdan pa lang ako, nakatanggap ako ng text sa kanya.



Gulpe ka sa 'ken mamya!



Natawa ako. Tawa na nawala dahil nasa may ibaba si Peralta, na may kasamang apat na kaibigan nya.

Di ako sigurado kung inaabangan ako nito kaya di ko pinansin.

"Agoncillo!" Tawag nito sa akin nung malapit na ako sa front gate ng campus.

"Oh?"

"Not bringing your Audi?"

"I gave the keys to Jun. She may need it."

"She has a big bike. She doesn't need your car."

Sinasabi ko na. Dahil wala si Juno, lumabas ang sanga-sangang sungay ng gagong ito.

"That's for Juno and I to decide," tinalikuran ko na ito.

At gaya ng inaasahan ko, sinugod ako nito ng suntok mula sa likod kaya umiwas lang ako ng hakbang sa patagilid. Sumadsad ito sa lupa na parang tanga.

May narinig akong nagtawanan.

Tumayo ako sa tabi nya. "Hindi kita papatulan dahil nasa loob tayo ng campus, John," sabi ko.

"Baka kapag napaaway ka uli sa isang kilalang alumni na ngayon, kahit kamag-anak ng president ng Charleston, i-kick out ka na ng tuluyan dito. Isa pa, ayokong madamay si Juno sa gulo. Tutal nagpapapogi ka sa kanya, kaya umayos ka."

"Mayabang ka pa rin hanggang ngayon, Rob," sagot nya pagkatayo.

"Hindi ako nagyayabang. Alam mong hindi ako mahilig magbanta ng di ko ginagawa. Hindi nga kita pinagbabantan. Pinagsasabihan kita ng tam among gawin. You haven't change a bit. Still immature and all."

"Halika sa labas, dun natin ito tapusin!" Gigil nyang sabi.

I smirked, "Baka nga kay Juno, hindi ka umubra. Sa akin pa kaya?"

"Ano yan? Nagtatago ka sa likod ng babae?" Pang-asar na ngisi nya. Natawa ang mga kasama nito.

"No. I'm just telling you how weak you are. You can't even beat her on an arcade race."

Nawala ang ngisi sa mukha nito.

Tinalikuran ko na ito.

"Tingnan ko angas mo kapag naagaw ko si Juno sa iyo, Agoncillo!" Sigaw nito nung nakalabas na ako ng gate. Pinagtitinginan tuloy sya dun ng mga estudyanteng naroroon. "Tulad ng ginawa mo sa 'kin kay Tamara!"

Napatiim ang bagang ko pero di ko na nilingon. Ayoko nang patulan dahil para akong nakikipag-away sa isang spoiled brat na teenager!

"Let me see you try, I'll break every bone you have," bulong ko sa sarili ko.

I just hailed a cab going to the hotel. Medyo na-traffic ako papunta pero mabilis namang naibalik ang Augusta sa duplex. Kaya lang medyo naipit uli ako sa traffic pabalik sa Charleston.

Dalawang kanto mula sa Charleston nung tumawag si Juno.

"Sa'n ka na?"

"Just two blocks away. Wait for me it the car."

"Ayoko."

"Why?"

"Andun si Louie pati mga tropa nya. Baka masira ang mood ko, gagawa pa 'kong report mamaya."

"Alright, wait for me at the front gate."

Ganun na nga ang nangyari. Sabay kaming pumunta ni Juno sa parking.

Tumahimik ang grupo nina John pagdating namin. Nung batiin nito si Juno, tiningnan lang sya nito.

"Suplada ka talaga, kahit tinulungan ko kayo ng mga groupmates mo," ang parinig.

Badtrip na tumingin si Juno sa kanya, "Salamat nga pala, Louie. Ok na?"

"Suplada ka talaga," nakangiting sabi.

Walang modo talaga eh. Kahit alam nyang narito ako at sa pagkakalam nyang 'kami' ni Juno, harap-harapan syang nagpapa-charming dito.

But Juno can handle him I know.

"Mabait pa nga ako nyan sa iyo, Louie. Nung binu-bully ng mga kasama nyong teenager ang pamangkin ko na mag-aapat na taon, may narinig ba akong 'sorry' sa inyo? Wala di ba? Ikaw pa nga naghamon sa akin ng karera sa arcade. Pinagyabang mo pa sa page ko na ikaw lang ang nakapagpalaro uli sa akin ng 'karera' ... sa arcade! Nagsalita ba ako, Louie? Hindi di ba? Kaya please lang. Lubayan mo 'ko. At shut up ka na!"

Nahilaw ang mukha nito tapos napakamot sa batok. "Si Dyosa naman."

"Babe, let's go," tawag ko kay Juno.

Pasimple ako nitong pinanlakihan ng mata bago sumakay sa kotse.

Nakalabas na kami sa campus when I talked, "Let's have a heavy meal. Di pa 'ko kumakain ng lunch. Malapit na rin mag-alas-kuwatro."

Pumayag naman ito. Nakabalik kami sa duplex past six. We immediately started her report nung makapagpalit sya ng ms kumportableng damit.

Ikinuha nya ako ng pambahay na damit ni Reid para makapagpalit ako, "Isuot mo nga yan. Naalibadbaran ako na wala kang t-shirt."

Nasa sala kami nun. Nakakalat ang mga notes sa center table at sa single couch.

Napangisi ako. She just indirectly admitted na affected sya sa akin.

That's good. And too bad for me because she has some school paper and homework to finish tonight, dahil kung hindi... Napangisi ako.

"Hindi ko gusto ngisi mo, Rob. Tigilan mo. Naiirita ako," sikmat sa 'kin.

Natawa na 'ko ng tuluyan.

Binato ako nito ng throw pillow.

Habang tinutulungan ko ito sa report paper nya, may ilang bagay akong nalaman kay Juno.

Matalino ito. At matyaga magbasa ng mga notes na available. She'd even check the net para sigurado. Though may pagka-OC talaga. She wanted all fonts in order mula sa title, outline heading at body ng report. Saglit pa nga naming pinagtalunan kasi sabi ko mamaya na ayusin ang fonts. Gusto nya habang tina-type, ayusin na. Ako ang nasunod dahil ako ang nag-type ng final paper habang ginagawa nya yung isang homework nya sa panghapong klase.

When I reviewed the report, madaling intindihin. She knew how to explain things simplified but all contents are there. Even the tables and graphs to help aid the reader of the report are easy to understand. At mailinis ang gawa.

Pangalawa, mas mabilis itong mag-isip kung may pagkain habang gumagawa. Dalawang beses kaming nagpa-deliver ng pagkain. Sa isang sikat na food chain at sa isang pizza house. Ang takaw talaga!

Bago mag-ala una ng madaling araw, tapos na ito.

"Syeeet! Ang gorgeous body ko, nangalay!" Parang wala sa sariling sabi habang nag-iinat. Namula ito nung marinig akong tumawa ng mahina.

Inirapan ako.

"Pwede ka na umuwi. Salamat sa pagtulong. Ako na magpi-print nito sa taas," ang sabi.

"Patulog. Ano'ng oras na oh," turo ko sa wall clock nila.

Tiningnan ako ng masama.

"Wala akong gagawin sa 'yo. Kahit gapangin mo 'ko, di ako gagalaw," ngisi ko.

Tatlong throw pillow ang sunud-sunod na lumipad sa direksyon ko.

Hinihintay koi tong magmura para may dahilan akong halikan ito at malay... baka matuloy yung naudlot kaninang umaga. Pero wala akong narinig.

Mukhang alam nya. Tsk! Sayang!

"Jun..."

"Hhmmm..."

Nakahiga na kami nun at nagpapaantok.

"Iwasan mo si Peralta. Ok lang ba?"

"Di mo kailangang sabihin. Sya lang naman mahilig maglalapit."

"Jun..."

"Oh?"

"Aalis ako ng maaga mamaya. Baka wala na 'ko paggising mo."

"Ok."

Tss. Di man lang nagtanong kung bakit.

Ilang minuto kaming tahimik.

"Busy ako this week. Wag mo 'ko isi-seen zoned sa FB pag nag-chat ako tsaka mag-reply ka sa text or sagutin mo ang mga tawag ko. Kung hindi, pupuntahan kita dito."

Mahinang hilik ang narinig kong sagot nya.

Tangnang yan! Tinulugan ang pagda-drama ko!

Bago ako umalis ng alas-sais ng umaga, I already cooked breakfast for her.

I even left a note there.



Eat up. No left overs. Or else I'll eat you all day leaving you without strength to stand up for a week.



Natatawa ako nung basahin ko uli yun.

I made sure the doors are locked bago ako umalis.

Dumiretso ako sa Tagaytay. Pinuntahan ko ang isang rehab center dun. Kinuha ko ang rehab at psychiatric report ni Ignacio Regala Jr. Ang isa sa barkada ni Bernie na pinaghihinalaan naming may kinalaman sa pagkamatay ni Bernie at pagdukot kay Andie.

After a talk with the people handling Ignacio and reading the report, it was confirmed. Kasangkot nga ito sa dalawang insidenteng iyon.

On my way back to Manila, I received a text message from Juno.



Ang bastos mo talagang animales ka!!!



Natatawa na lang ako.

Sumaglit ako sa condo para magpalit then pumasok na sa agency.

Jack went to my office with a smug face. Alam ko ang tinatakbo ng utak ng sira-ulong ito.

"Fuck off!" sabi ko.

Tumawa lang ito. "Balita? Ayos na kayo?"

"Office hours, Jack. Magtrabaho ka."

Tumawa lang ito. "Here's the result I got about the case nung agent natin sa Bicol."

Style nito eh. Dati namang pinadala nya lang sa office ko yun. Talagang sumadya pa dito. Makiki-tsismis tungkol sa amin ni Juno ang gago!

Di ko na ito pinansin. Tatawa-tawa lang na lumabas.

Itinawag ko kay Reid ang tungkol sa nakuha ko sa Tagaytay. And he cried silently again over the phone.

Naawa ako sa kaibigan ko.

I was busy the whole week. Bumalik ako sa CDO for some important matters.

But I made sure to text Juno everyday kahit isang beses lang. Nagre-reply naman ito pero kadalasan, maikli lang.

Friday night came when I found myself visiting Juno's page. Just to get pissed off.

There were two shared pics on her page. Na maraming comments at reactions.

One coming from Peralta. It was Juno's pic at Charleston's parking as she just took off her helmet beside Augie. It was on her page two days ago.



Isn't she amazing?



Yun ang caption. Tangnang parang stalker lang eh!

Walang comment si Juno at ang mga 'sentinels' nya.

And another that really got not just more reactions and comments but my attention, too.

It came from one of her followers. Malamang taga-Charleston din dahil kuha ito ng isang flower delivery man na may hawak na isang bouquet ng bulaklak, at kausap si Juno sa hallway malapit sa hagdan ng Archi and Engineering Building. It was just this afternoon.



Sa wakas, nakita na rin ni Manong ang recipient ng delivery nya. Sweet naman ng papabol mo, Jun!



Yun ang caption. It was a girl who post the pic.

They thought it was me...but no.

Sa dami ng reaction at comments, wala dun ang pangalan ni Peralta. I'm not sure if that is a good or a bad sign.



Meron si Paul na comment na : Ano yan, Dyosa?! Gulay ulam mo mamayang gabi?! Haha!

At si Troy : Jun, hindi bagay namay hawak kang ganyan! Eeeww!



Napasimangot ako.

Di ako nakatiis, I did a rundown on Juno's follower list. Pati sa mga nagko-comment sa page nya.

May isang pangalan dun na nag-stand out but I didn't think this is the person I was looking for. It's a woman.

Dianne Quimbo. She started following Juno just a week ago yet she was really active in commenting and putting like and other reactions kahit sa mga lumang posts sa page.

So, I checked her FB page. Lucky for me, it was in public.

But my eyebrows raised when I found out that she's also a drag racing enthusiast. Actually, more than an enthusiast.

And there are two persons in her FB who were connected to Juno.

Is this woman spying on my girl?

Not possible. Juno does not compete anymore. Isa pa, bakit masyadong visible sya sa page kung ang purpose nya is to spy.

But I just couldn't take this sitting down.

Saktong kaka-online ni Juno, so I did a video call. First time!

"Oh? Balita?" Yun agad bungad nya.

Tss. Wala man lang lambing. Di ba ako na-miss ng babaeng ito.

"Where are you?"

Pawis kasi ang mukha nito at medyo namumula.

"Gym. Katatapos lang."

"No OJT?"

"Bukas pa. Whole day ako. Wala naman akong pasok sa Charleston ng Sabado tsaka nasa ospital pa si Hopia. Sa gabi, gym uli."

"Jun..." tawag ko kasi nawala ito sa screen. Mukhang ipinatong sa locker door yung cp nya.

"Oh?"

"Di kita makita. Ano ba'ng ginagawa mo?"

"Naghuhubad ng keikogi. Puno pa sa shower room. Closing na kasi. Sabay-sabay uwian namin. Maraming ditong nagte-training ng gabi."

"Patingin nga."

Her face showed on the screen again. I can see her bare shoulders. My imagination is running wild again.

"Alin? Yung keikogi ko? Hinubad ko na, nakatupi na."

"Hindi yun. Ikaw. Yung wala nang training uniform."

Namula mukha nito, "Tarantado!"

Natawa ako.

"Ang bastos mo talaga! At wala kang mapapala. Naka-towel na 'ko! Walang'yang 'to! Sige na!"

"Wait... I'm just kidding. Baka lang kasi seryosohin mo," natatawa kong sabi.

Sinamaan ako ng tingin.

"Uhm, Jun. The flowers...yung nasa FB page mo..."

"Wag ka magpanggap, Di yun galing sa 'yo! Wala sa personality mo!" Pambabara nya agad.

Napangiwi ako.

So alam nya kung sino?

"Wala akong sinabing akin yun. Just want to ask kung..."

"Walang pangalan yung sender. Walang balls para humarap sa 'kin. Sweet na sana kaya lang major turn off ang ganun."

She likes flowers?!

"Jun, sa bahay ka lang ba sa Sunday?"

"Baket?"

"Uhm... Sunday morning ang balik ko sa Manila. Punta 'ko sa duplex."

Nag-isip ito saglit. "Magsisimba ako ng Sunday. Tapos bibisita kay Hopia. Then gym hanggang gabi."

"Gym uli? Araw-araw?"

"Sinusulit ko na. Mababawasan na oras ko dito. Start na 'ko sa part-time job ko sa Lunes."

"May oras ka pa ba, Jun?"

"Naman!"

"Papa'no sa regular sem?"

"Ako na bahala dun."

"Sa'n ang work mo?"

"Sige na. May bakante na sa shower room," bigla nyang paalam.

Di ko alam kung narinig nya yung tanong ko o umiiwas lang sya.

May itinatago ba si Juno? Baka kilala nya yung nagpadala ng bulaklak?

Lalo akong di mapakali. Kaya kinabukasan, I cancelled my Sunday morning flight and rebooked it nang gabing iyun.

I arrived in Manila past midnight.

Sumaglit ako sa condo to shower and change.

I grabbed some clothes into my small travelling bag then headed to Cavite. 

 I want to see her. Can't wait till the sun is up.

Medyo nagtaka ako paghinto ng Audi ko sa tapat ng duplex.

It's almost two in the morning.

Bakit bukas ang ilaw sa kusina? At bakit maliwanag pa sa kuwarto nya?

Sumampa ako sa bakod. Tapos umikot ako sa side ng kusina.

I peeked inside and saw some bottles of beers and an almost empty bottle of Absolut vodka. Plus some plates na mukhang pinaglagyan ng pulutan.

Did she drink at home? Or she had visitors kanina?

Nagmamadali akong umikot sa side ng maliit na kuwarto at umakyat sa dingding.

Baka lasing na naman ang babaeng yun.

Tss.

Palabas pa lang ako sa maliit na kuwarto, kita ko nan a bukas na bukas ang pinto ng kuwarto ni Juno.

Shit! Baka di na nya naisara dahil sa kalasingan.

Mabibilis na hakbang akong nagtungo doon...para matigilan lang.

Saglit na namanhid ang katawan ko sa nabungaran ko.

Tapos para akong pangangapusan ng hininga.

Hindi ko alam kung sa sakit na naramdaman ko sa dibdib ko o dahil sa galit.

Ayun si Juno. Natutulog ng nakaupo sa kama nya na nakasandal sa headboard ng kama nya.

Suot ang regular nyang pantulog na malaking tshirt.

Hindi ko masabi kung nakapanty lang bai to o nakasuot ng maikling shorts.

Dahil may lalaking natutulog na nakaunan sa hita nya, patalikod sa pinto.

At tila nakatulugan na ni Juno ang paghaplos sa ulo nito!

==============

Cross over with Her Ever After chp. 41

=============

Don't forget to comment and vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj