Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

33 Arcade


Juno's POV

Pagkatapos magsimba, nag-malling kami nina Ate Andie kasama ang parents ni Kuya Reid.

Sa kabila ng gumugulo sa isip ko, napapngiti pa rin ako sa nakikitang likas na pagkagiliw ng matatandang Schulz kay Hopia.

Kaunti na lang, bilhin na yung mall para sa pamangkin ko eh.

"Half," narinig kong bulong ni Ate kay Kuya Reid. "Awatin mo naman parents mo sa pagbili ng kung anu-ano kay Hope. Baka ma-spoil ng husto ang bata."

"Just let them, Mine. Sabik sa apo ang dalawa," sagot lang nito.

Nangingiti ako sa dalawa.

Ako kaya, ganyan din kapag nagkaanak? Kaya lang, ang una kong tanungin muna eh, sino'ng tatay?

Yung halimaw?

Asus, nag-chicken out ka nga kagabi, este, kaninang madaling-araw. Sinayang mo yung moment. B-in-ad-trip mo pa nung bago kayo maghiwalay. Banggitin mo ba naman na magkikita kayo ni Troy eh.

Napanguso ako.

"Huy, bunso? Ano?"

"Ha?"

"Jun, may problema ka ba? Kanina pa kita nakikitang parang wala sa sarili eh," si Ate.

"Ha?"

"Kita mo yan. May tinatanong ako sa 'yo kanina, di ka nakikinig. Tinatanong kita ng harapan, di mo pa rin ako naintindihan."

Nahagip ng mata ko ang patagong ngiti ni Kuya Reid.

Inirapan ko nga ng pasimple.

"Wala, 'Te. Nag-iisip lang ako kung sa'n ako mag-a-apply ng trabaho," palusot ko.

"Di ba start ka na nag OJT mo first week ng May... after ng birthday ni Hope? Next week na yun ah."

"Oo. Madali lang yun. Makukumpleto ko yung required hours ko in three months time. Yun ang nilakad ni Kuya Mike dun sa company."

Dapat kasi, matapos ko yung required hours ngayong summer dahil yung OJT na cover ng subject ko. Si Kuya Mike ang lumakad dun sa company ng kakilala nya na bigyan ako ng certificate of completion end of May para maipasa ko. Pero kukumpletuhin ko sa company ang oras hanggang July. Hindi kasi kaya ng sched ko dahil lumipat nga kami from Palawan. Ang daming inasikaso.

"Sinabi ko naman sa 'yo, Amasona—"

Sinansala ko agad si Kuya Reid, "'Wag ka na, Kuya. Di mo 'ko kelangang ligawan ng ganyan. Pumayag na magpakasal sa 'yo si Ate. Tsaka di kita type."

Natawa ito.

"Jun, para kang timang," bulong ni Ate na natatawa rin.

After naming mag-lunch sa isang resto, naglaro muna kami ni Hope sa arcade nung magpaalam sina Ate Andie, Kuya Reid, Tita Alice at Tito Frank na maggo-grocery. Off kasi ni Madel ngayon at ginamit nya iyon para sa driving lesson nya. Ini-enroll kasi sya ni Ate.

Ang daming token na binili ni Kuya Reid kaya ang dami rin naming pinaglaruan. Pero dun kami nagtagal sa 3D racing na gumagalaw pati yung semi-capsule na upuan.

Nung una, si Hope lang ang pinapalaro ko dahil bata lang rin ang dalawang kalaban nya. Dahil na-enjoy ni Hope kahit natatalo sya minsan, dun kami naglagi.

Eh ang kaso, naubusan yung dalawang kalaro nya. May naupong dalawang lalaking teenager. Nung una hinayaan ko lang.

"Aalis din yan kapag laging talo," bulungan nung dalawa. "Para makaupo si Markie."

Tumaas kilay ko. So, tatlo pala sila. Tapos ganun ang gusto nila. 'Kay fine. Hinayaan ko pa rin hanggang sa mapansin kong pasimple nilang binu-bully ang Hopia ko.

"...bata, alis ka na. Lagi ka namang talo eh. Di ka nga makalapit sa kotse namin."

"I can play here if I want. I have many tokens," depensa ng pamangkin ko.

Good. Lumalaban.

"Madami din kaming token. You're just wasting yours," sabi nung isa.

"Di bagay sa babae ang racing. Walang pang babaeng nanalo sa lalak isa racing. Dun ka na lang sa iba," dugtong nung hindi makalarong kasama nila.

Lumapit na 'ko. Sorry naman. Mapagpatol ako. Lalo na't pamangkin ko ang pinagtutulungan nila.

"Baby, ako na dyan. Kandong ka kay Tita," ngumuso si Hope. Binulungan ko. "Tuturuan ko sila na kahit babae, magaling sa racing. Tayong dalawa. Kandong ka sa 'kin, ok?"

Ngumiti na ito, "Okay!"

In-adjust ko yung upuan para sa aming dalawa.

"Ay, ang daya!" Sabi nung teenager na katabi naming mag-tiya.

"Bakit madaya? Partida na nga yan, may kandong ako," katwiran ko. Tapos nginisihan ko ng nakakaloko. "Bakit, takot ka sa babae? Matangkad ka pa nga sa akin ng konte."

"Hindi ah! Sige laban tayo. Isang talo ka lang, tayo ka na dyan, ha?" hamon sa akin.

"Okay," pang-asar kong sagot.

Nakailang laro na kami, hindi Manalo sa akin yung dalawa. Napapasigaw pa nga silang tatlo sa frustration dahil ang layo ng agwat namin.

Tsaka ko napansin na marami na palang nakapalibot sa amin.

Lalo kong inasar yung tatlo.

"O, ano? May token pa kayo? Bili pa! Kahit umabot tayo dito hanggang bukas."

Naasar yung di makaupo. "Akala mo! Tatawagin ko mga kuya ko. Di mo matatalo yun."

"Dalian mo! Nanginginig na 'ko sa takot oh," pang-iinis ko.

Natatawa yung mga nanonood dun. Umalis na yung tatlo.

"High five tayo, baby," sabi ko kay Hopia.

"You're so good, Tita Dyosa!" Nagniningning ang mga mata nito.

"Simpri! Ako pa!" Syempre, natutuwa ako kasi masaya si Hope.

May iumupo uli. Isang kaedaran ko na babae at lalaki. Mukhang mag-jowa.

Tumayo rin sila after two games. Luhaan! Charot!

"You want to play again, baby?" tanong ko kay Hope.

"No. We stay like this po. You po mag-drive."

May uupo sanang mga bata pero pinigilan ito ng ilang lalaki.

Nagbalik yung tatlong teenager. May kasamang dalawang lalaki. Siguro yung sinasabi nilang kuya nila. Haha!

"Kami muna bata!" Inaangasan pati bata. Ang laki ng katawan eh.

"Sya yun, kuya," turo nung bata sa akin. Di ko makita yung mukha kasi nga may may bubong yung car capsule.

Tapos nung maupo nung dalawang lalaki, "Miss..." maangas na tawag nung katabi ko.

Pagtingin sa akin, napatanga. Tapos nanlaki yung mga mata.

Na-starstruck?! Ganda ko talaga! Wahaha! Halakhak ko sa utak ko.

"Tawagin mo si Pareng John. Dali!" Biglang sabi dun sa isang teenager.

"Bakit? Ayaw mo sya labanan?" Asar na sabi nung teenager.

"Ano ba yang tinawag nyong reinforcement?" parinig ko sa kanila.

"Ikaw kapatid ko, bakit tropa mo ipapalaban mo?" sabi din nung isa.

"Hindi, basta! Sabihin mo code red. Alam na nya yun! Bilis."

Problema nito?

Nakarinig ako ng click nung maghulog ako ng token.

Pag-angat ko ng tingin, yung nasa dulong capsule, nagse-selfie... feeling ko, sinama ako sa pic. At tama ang hinala ko kasi, bigla nitong tinapat sa akin yung camphone nya.

"Hoy, ungas!" sita ko. "Matuto ka gumalang sa ibang tao. Subukan mo 'kong kuhanan ng pic, dadami yang cellphone mo, pati pati siko mo, dagdagdagan ko!"

"Psst! Wag," bulong nung isa. Tapos may binulong. Kaya binaba na yung cp nya.

Nag-start na yung race. Nagka-countdown pa lang, pasikat na sa pagrerebolusyon ng virtual car nila ang dalawang ungas na ito.

Pag-go, pinauna ko ng konti. Pasimple kong inoobserbahan. Marunong sa karera. OA nga lang. F na F nila ang madiin na pagtapak sa gas ng arcade.

"Tita Dyosa," worried na sabi ni Hope. "We're going to lose."

"Nood ka lang, Hopia ko. Tatalunin nating dalawa yan," bulong ko.

Ngumiti ito ng matamis sa akin.

Napasigaw yung unang kalaban na na-overtake-an ko.

Yung pangalawa, nag-panic nung magpantay na kami. Gusto kong mapahalakhak.

"We won! We won!" cheer ni Hope.

"Tang ina!" Excited na sabi nung katabi ko. "Sabi ko na eh!"

"Hoy, wag ka magmura! May bata akong kasama!" sita ko.

May nagtawanan sa mga nanonood. Lalong dumami yung mga miron.

"Excuse lang. Pwedeng urong kayo ng konte," pasintabi ko sa mga nanonood. "Ang init na dito. Wala kaming hangin."

Bago pa sila makagalaw, may dumating uli. Tumatakbo pa nga.

"Ano'ng code red? Asan?" Ang sabi nung isang bagong dating.

Natigilan ako. Kilala ko ang boses na yun.

"Kalaban namin sa arcade, John," sagot nung nasa dulo.

Yumuko yung tinawag na John.

"Louie?" sabi ko.

Ngumiti ito ng malapad. "Hi, Dyosa!" Kumaway pa ng pa-cute ang animales!

Naitirik ko ang mata ko.

"He knows you, Tita?"

"Oo, baby. Schoolmate ko," ngiti kong tipid dito tapos bumaling ako kay Louie. "Kelan ka pa naging 'John'?"

Lumipat ito sa side ko. "John Louie Peralta," sabay lahad ng kamay.

Di ko iyon inabot. May natawa sa mga nanonood.

Napakamot ito sa batok tapos pinaalis yung barkada nyang katabi ko.

"Game?" hamon sa akin.

"Okay."

"If I win three games first, sabay tayong lunch tom sa school?" Dagdag nito.

Tinaasan koi to ng kilay.

"Baliw ka ba?"

Tumawa lang ito ng mahina, "I'm zero loss. But you're Juno dela Cruz. Dyosa ka ng communities ng—"

"Zip it!" Gigil bulong ko.

"Don't tell me, takot ka?"

"Kahit suntukan, di kita aatrasan, Louie," mahina kong sabi dito.

"I know. That's why I like you a lot," bulong nya rin.

Gago ito ah!

"Sige na, miss. Gusto naming makakita ng mas magadang laban," gatong nung mga nanonood dun.

"Tita, say yes na. Mommy will come back soon," gatong din ni Hope.

Napakamot ako sa ulo, "Okay."

Naghulog na kami ng token.

"Go, Kuya John!"

"Galingan mo, 'tol! Chance mo na 'yan!"

Cheer sa kanya ng mga kasama nya. Napaismid ako.

Inabot ni Hope ang mukha ko tapos k-in-iss ako sa pisngi, "Goodluck kiss ko po."

Napangiti ako ng matamis. "Thank you, baby! Tatalunin natin silang lahat," bulong ko pa.

Sa unang race, pinauna ko si Louie. Mukhang alam nya na oobserbahan ko sya sandali. Di ito bumanat ng andar. Nag-head to head lang kami.

Nauna pa nga yung isa nyang kasama.

Nagtatantyahan kami. Alam nya ang style ko. Well, isa sa mga style ko.

Bigla akong kumabig sa harap ng sasakyan nya kaya napahinto sya bigla, saka ako umarangkada.

"Fuck!" medyo malakas nyang sabi nung maiwan sya sa third place.

"Wag ka magmura!" sita ko.

Nataranta yung kasama nya nung mabilis akong humabol.

"Kalma lang si Ateng Pula Buhok oh," narinig kong sabi nung isang babaeng miron sa kasama nyang lalaki.

"Juno pangalan nyan. Sikat yan sa..."

Napakunot noo ako sa narinig. Kasama ba ito ni Louie? Bakit ako kilala?

Nagsigawan ang mga kasama nila nung lampasan ko na yung nauuna tapos humahabol si Louie.

Pasimple kong tiningnan ang galaw ng kamay ni Louie sa manibela. Left-handed gaya ko.

May hairpin curve. Pinauna ko sya. Nagtaka ito, nahalata ko. Kinagat nya yung pain ko. Nagpasikat itong nag-drift.

Napaismid uli ako. Ang lawak ng ginawa eh.

Humabol ako ng maikling drift pero sa inner lane ako pumasok. Napakabig sya kaya sumabit sa railing yung virtual car nya.

Napahagikhik ako ng mahina. Loko, yabang kasi!

May impit na napasigaw sa mga nanonood. Nung mauna ako sa finish line.

"Tsk! Kahit sa arcade, cupcake! Mahal na yata kita!" Nangingiting napapailing na sabi ni Louie.

"Wag mo 'kong tatawaging cupcake. Kinikilabutan ako."

Natatawang naghulog lang uli ito ng token, "Ready for the second round?"

Tumango ako. Pumili ito ng mas mahirap na race track.

Pag-green ng signal, pinaarangkada ko agad. Nagulat na naman ito. Akala nya yata, makikipag-tantyahan uli ako sa kanya.

Kami uli ni Louie ang first at second.

"Tita Dyosa, I wanna pee," biglang ungot ni Hope.

"After this race baby."

Minadali ko na. Napansin ni Louie iyon.

"Di ako pwedeng magtagal," sabi ko habang nakatingin sa arcade. "Narinig mo ang pamangkin ko."

"If I win this second race, lunch?"

"Deal!"

Bigla itong umarangkada.

Pinabayaan ko uli. Basta di ko pinapasingit yung third place.

"Tita," ungot uli ni Hope.

"One to two minutes, baby," bihira ko itong kausapin ng English. Kapag may inuungot lang at makulit na. "Or I'll end up having a lunch date with him."

"What's wrong with that po?"

Binulong ko na lang, "I don't like him."

"Oh!" Tumahimik na ito.

Ang hinihintay kong sunud-sunod na curve road at rough road.

Nag-drift ito pero mas maingat na.

Kalma lang ako. Naunahan pa nga ako nung isa. Nasa third na ako, kulelat.

"Hey, you better prepare for our lunch tomorrow," may kayabangang sabi.

May tumikhim sa likod ko.

Bigla akong kinabahan, pero di ako pwedeng lumingon.

Last two curves ahead, bigla akong umarangkada. Naiwan kaagad yung isa.

"Hope, lean on me," sabi ko. Nahaharangan nya kasi ang manibela ko.

Nag-drift si Louie, sinabayan ko sa outer lane. Head to head na kami.

May napapasigaw sa mga nanonood.

Tapos, naamoy ko ang pabangong iyon.

Shit! Imposible!

Nag-umpisang kumabog ang dibdib ko. Nasisira ang laro ko.

Huminga ako ng malalim, buga sa bibig. Kalma, Juno. Kalma lang!

Hindi sya yun! Kapareho lang ng pabango nya.

Sa last curve. Inunahan ko si Louie mag-drift at tila inaasahan nya yun. Sumingit sya, pero binawi ko agad. Good thing, may handbreak ang arcade kahit virtual race lang ito.

Sumagitsit ang gulong ko patagilid sa kaliwa, at kumalog ang car capsule ko. Humagikhik si Hope.

Sabay kabig uli sa kanan, tapos nagmenor ako dahil rough road ang kasunod. Nag-struggle si Louie kasi tinodo nya agad ang gas nya. Kumalog ang capsule nya, gaya ng isang nangyayari sa kotse. Tinodo ko ang gas pagkatapos ng roughroad. Naiwan si Louie at tropa nya.

Napahiyaw ang mga naroroon nung lumampas ako sa finish line. May pumalakpak pa.

"Nice, Ate!" sabi nung iba dun.

"God damn it!" Napamurang sabi ni Louie.

Binaba ko agad si Hope sa capsule, sumunod ako, "Alis na kami. At Louie, wag kang magmumura sa harap ng pamangkin ko. Mas malutong akong magmura sa iyo pero di ko yun ginagawa kapag may bata."

Tumalikod na ako papunta sa comfort room area. Kinarga ko na si Hope para mas mabilis.

"Juno," sigaw ni Louie. "No wonder you're top one across all communities."

Napatiim ang bagang ko, lalo na nung magkaroon ng bulungan.

"Sikat pala yung babae? Saan?"

"May page daw yan sa FB. Hanapin natin."

"Narinig ko dun sa kasama nung kalaban nya. Alamin ko pangalan nung page."

"I'd give my two arms just to see you in the actual race!" Pahabol ni Louie.

Putris! Sinigaw pa talaga!

Sinaklob ko yung hoodie ko sa ulo.

"Tara n—"

Tapos naamoy ko na naman yung pabangong yun.

Di ko na napigilan ang magpalingun-lingon.

Natigilan ako nung mahagip ng mata ko yung papalayong likod na iyon ng isang lalaki.

Sumikdo ang puso ko.

Kasing-tangkad nya pero parang mas nagkalaman.

Base iyun sa namumutok na muscle nya sa suot na hapit na puting tshirt.

Puting tshirt rin paborito nya isuot noon.

At nakasuot ng baseball cap ang lalaki. Paborito rin nya ang magsuot ng ganun.

Please, sana mali ako.

Bumuka ang bibig ko para tawagin.

Gusto ko lang makasiguro.

"Ca—"

"Tita Dyosa, let's hurry up," si Hope, nakasimangot na ito.

Hayaan na nga.

Nagmamadali akong pumunta sa paid comfort room, para siguradong di punuan.

Habang hinihintay kong matapos si Hope.

"Shit, Juno! Total liberation ang goal mo! Muntik mo nang makalimutan nung... shit!" Pabulung-bulong kong sabi.

Papalabas na kami nung tumawag sina Ate, "Nasa paid toilet lounge kami."

Sinabi nito kung saan kami magkikita. Dun na kami dumiretso ni Hope.

"Ate, mauna na 'ko. May pupuntahan pa 'ko," paalam ko nung magkita kami sa meeting place sa loob din ng mall.

"O, sige. May panggastos ka ba sa gala mo, bunso?"

Si Ate talaga!

"Kidnapin ko na lang si Kuya Reid pag wala na 'kong pera tas papa-ransom ko kay Tita Alice."

Natawa ang mommy ni Kuya, "Ikaw talagang bata ka."

"'My, itawag mo agad kay Rob. Pakakawalan agad ako ni Jun," ganting biro nito.

Napanguso ako, sabay irap, "Alis na nga ako."

Tumawa lalo si Kuya Reid. Si Ate, nangingiti lang.

Humalik ako kay Hope at umalis na.

Papalabas ako ng mall, tinawagan ko si Troy, "Psst, bugoy! On the way na 'ko sa Mandaluyong. Ikaw?"

"Paalis pa lang. Kita na lang tayo dun," nawala na ito sa linya.

Magpupunta kami sa bahay ni Paul. Dadalawin namin ang Mama nya tapos ida-drive namin yung dalawang kotse.

Ino-offer nga ni Paul na gamitin ko muna uli yung dati kong kotse na binili nya. Tinanggihan ko.




"Wala pa 'kong work. Mahal gasolina," sabi ko.

"E di padalhan kita ng pampagasolina," si Paul.

"Ako rin, 'tol, padalhan mo. Ako pa nagpapagas sa mga kotse mo kapag paiinitin ko makina eh. Tas, gasolina rin papunta se'nyo para sa kotse ko," hirit ni Troy.

"Gago! Dami mong pera!" sikmat ni Paul. "Si Jun, malapit na maging pulubi."

"'Na nyo pareho!" sabi ko. "Anak-pawis ako. Ganyan kayong mayayaman. Mapang-api!"

Natawa lang sila sa arte ko.

"Di nga, Dyosa. Seryoso 'ko," si Paul uli.

"'Yoko nga. Hassle maipit sa traffic. Sa gabi lang masaya ang kotse o kaya madaling-araw kapag sa Maynila. Ganito na lang. Troy, kunin mo yung kotse. Tas sa 'kin mo pagamit motor mo," malapad kong ngisi sa kanila. Naka-skype kami nun.

"NO WAY!!!" sabay pa nilang sabi.

Napahalakhak ako. Alam ko na ganun ang magiging reaksyon nila.




Nandun na si Troy pagdating ko kina Paul.

"Hello po, Tita!" bati ko sabay halik sa pisngi nito.

"Naku, ang manugang kong hilaw, lalong gumaganda!" sabi nito.

"Kaya lab ko kayo eh."

"Tss." Nakangising reaksyon ni Troy.

"Sana tinotoo nyo na lang ang pagiging magnobyo nyo ni Paul."

Alam ng Mama ni Paul na naging boyfriend ko ang anak nya at ang dahilan kung bakit kami pumasok sa ganung relasyon. Pero, hindi pa nito alam na may tinatarget nang Lauren Yoon ang anak nya. Parang di pa rin kasi ito maka-move on na naghiwalay kami ni Paul.

"Eeww!" sabi namin ni Troy.

"Incest, Tita. Incest!" natatawang sabi ko.

Inakbayan ako ni Troy, "Kaming tatlo, Tita, hindi talo. Isipin nyo na lang, yung panganay nyo lang ang nagpunta ng Amerika. May dalawa pa kayong naiwan dito."

Naluluha ang Mama ni Paul pero nakangiti. "O sya. Kumain na kayo dyan. At nang makalakad na kayo."

Dun kami kumain ng light dinner.

"Di ko na kayo mahihintay. Alam kong gagabihin kayo. Kayo nang bahala sa kotse ni Paul," ang sabi nung papaalis na kami.

May susi na si Troy sa bahay nila noon pa. Tapos pina-duplicate na iyun ni Troy at binigyan na rin ako ng kopya ngayon. Yun daw ang napagkasunduan ni Paul at Mama nito. Para na rin daw naman kasi kaming anak ni Troy nito. Isa pa, wala itong kasama sa bahay. Inaabala na lang ang sarili sa maliit na negosyo nila habang hinihintay si Paul umuwi pagkatapos ng isa't kalahati hanggang dalawang taon.

Nag-ikot lang kami si Troy sa may MOA Complex. Tapos tumambay kami sa may bay area. Dun namin tinawagan si Paul sa messenger.

Sandali lang namin ito nakausap dahil may pasok ito sa special course nya about investment ek-ek.

"Jun, sinabi na sa 'kin ni Troy. Here's my thought. If you think you can handle it, go. Rob is your match. Someone who can handle your temper at pagwawala mo, pag may toyo ka."

"Grabe kayo sa akin," nakanguso kong sabi. "Toyo agad."

"Totoo naman," sikmat ni Troy sa tabi ko. "Bigla mo ngang sinuntok si Paul dati."

"Aba, Troy. Ginawa ko yun kasi inaawat nya 'kong tulungan ka!"

"Teka nga kayong dalawa. Ako muna. Malapit na magsimula ang klase ko," awat ni Paul. "Ang akin lang, Jun. At least kilala ng future bayaw mo si Rob. Best friend pa nga di ba? Tsaka, at least may ibang magbabantay sa iyo kapag wala kami ni Troy. Magnet ka masyado sa trouble eh."

"Di ako nagsisimula. Wag nyo 'ko sisihin."

"Oo na. Wala naman kaming sinabing ikaw nagsimula. Kaya lang, alam mo na. Katulad nung Louie. Kilalang maloko daw yan kahit nung college days nya, ang sabi sa amin. Kaedad ko raw yan. Pero sa Greece daw pinagpatuloy ang pag-aaral. Yun nga lang, di rin natapos dun dahil nagloko uli. Nasali sa grupo ng drag racers. Lampas isang taon na sya sa Pilipinas. Nakabalik lang sa Charleston U dahil malakas ang kapit sa admin nung mga magulang nya. Bago pa lang ang grupo nya na sya rin ang leader. Iwasan mo sya, Juno. Ang pagkakaiba lang nila ng grupo ni Danny, si Danny at grupo nya k-in-kick. Sina Louie, hindi tinanggap from the very beginning...which I think is worse. Stay away from Louie. He may bring you trouble. And keep Rob by your side. He likes you. He will protect you."

Peaceful kasi ang community na kinabibilangan namin... ko dati. Kaya nga ganun ang nangyari kina Danny. Itoto-tolerate hangga't kaya pero ayun nga, kick out na kapag sobra. Tama na raw na illegal ang ginagawa naming drag racing, wag na dagdagan pa ng ibang posibleng asunto gaya ng basag-ulo at drugs.

Napakagat ako sa labi tapos bunting-hininga.

"Ano yun, Jun? May nangyari pa bang iba?" Tanong ni Troy.

Kinuwento ko ang nangyari sa arcade. Pati ang binitawang salita ni Louie.

Tahimik lang yung dalawa.

"Pabiro lang naman siguro," sabi ko.

"Type ka nun, sigurado ako," sabi ni Troy. "Fan boy mo sa page eh. Laging nagko-comment at laging may sine-share na pics at video dun."

"Just be cautious, Dyosa," paalala uli ni Paul. "And keep close to Rob. I haven't met him yet, but I trust him to look after you."

Tumango rin si Troy.

"Eh kasi naman... ine-echos ako nun," nakanguso kong sabi.

Sumingit si Troy. "Samantalahin mo na. Sayang ang 'thunderbolt'... Aray!"

Pinalo ko sa braso, "Binubugaw nyo 'ko eh."

Tumawa lang yung dalawa. Nagpaalam na si Paul.

Nag-stay pa kami ng kalahating oras sa bay area at nagkuwento si Troy ng kung anu-ano.

Paghatid namin sa dalawang kotse ni Paul sa Mandaluyong, hinatid na rin ako ni Troy sa duplex.

"Wow! Gara rin ng bahay mo ah," komento nito nung pinagkape ko muna.  "Uy, ito ba yung kinuwento mong tinanong ni Rob?"

Nakatayo ito sa tapat ng display cabinet ko.

"Oo, pero yung Glock 9 ko, sa mas secure na lugar nakatago."

Umuwi na rin ito agad pagkaubos ng kape nya.

Habang nakahiga ako para matulog, iniisip ko yung lalaking napagkamalan kong si Caloy.

Nag-desisyon akong wag na lang pag-aksayahan ng panahon. Mall yun at nasa Metro Manila ako. Maraming tao dito. Maraming magkapareho sa tayo, lakad, pabango, hilig sa damit, ganun. Isa pa, magkaiba sila ng built ng katawan.

Kinabukasan, sa may gate pa lang nakita ko na sina Louie.

Bakit ito naririto? Sa kabilang side ang parking na madalas nilang tambayan.

"Dyosa!" tawag nito nung makita ako.

Tumingin lang ako saglit sa kanila tapos dumiretso ng lakad.

Pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng naroroon dahil nakasunod sa akin ang mga ito.

"Jun," sumabay si Louie ng lakad sa akin. "Hatid na kita sa room mo."

"May paa ako. Kaya kong pumunta mag-isa dun," di humihintong sagot ko.

"Wag ka namang suplada. Kaya lalo akong nagkakagusto sa yo eh, ang hirap mong abutin," banat nito.

Huminto ako sandali, "Louie, ayoko ng atensyong ibinibigay mo sa 'kin, ok? Pati ang atensyong nahahatak mo dahil feeling ko, kilala ka dito sa school. Gusto ko ng tahimik na buhay estudyante. At busy akong tao," tapos lumakad na uli ako.

"Di naman kita iistorbohin. Pwede pa nga kitang ihatid sa mga pupuntahan mo," sumabay uli ito ng lakad sa akin.

"Salamat na lang. Pakiusap lang. Wag mon a 'ko lalapitan," naisip ko yung sinabi nina Paul at Troy sa akin. "Hindi magugustuhan ni Rob kapag nalaman nyang may lumalapit sa akin."

Napahinto ako nung tumawa ito.

"Ano'ng nakakatawa?" Naumpisahan kong mainis.

Letseng ito, umagang-umaga!

"Nag-away kayo nung Saturday, di ba? Iniwan mo nga sya sa Dampa eh."

Syete! Nakita pala nila yun?!

"Bati na kami," naglakad na uli ako nung matigilan ito.

Iniwan ko na.

Iniwasan ko sila maghapon. Tapos nararamdaman ko na rin ang kakaibang pag-iwas sa akin ng ilan sa mga classmates ko.

Yung iba naman, naglakas ang loob na magtanong kung mag-ano kami ni Louie.

"Wala. Dito ko lang yan nakilala," sagot ko.

"Matagal ka na raw nyang kilala. Yun ang balita namin," yung isang classmate kong babae.

"Hindi talaga. Kalilipat ko lang galing Palawan."

"Baka dun sa nababalitang page mo. Naririnig kong pinag-uusapan yun minsan ng mga boys sa cafeteria eh."

Hindi ako kumibo. Kailangan ko yatang i-check ang page ko. Dumami na naman ang followers ko eh. Baka yung iba dun dito rin nag-aaral sa Charleston. Yung mga huling nadagdag, di ko kilala o namumukhaan na galing sa community ko dati.

Pagdating ng hapon, dumiretso ako sa dojo para sa unang session ko.

Ganun ng ganun ang naging routine ko nung mga sumunod na araw. Busy naman na rin kasi ako dahil may OJT na ako na nagsimula ng linggong ito. Thrice a week/ three hours a day ako.

Minsan, sumasagi sa isip ko si Rob.

Kumusta na kaya ito? Di pa uli nagpaparamdam sa akin simula nung Sunday morning na ihatid nya koa sa Ayala Alabang.

Di man lang mag-pm sa FB or magtext. Kaya lang, di naman kasi kami nagpalitan ng cp number.

Ayokong isipin na hindi sya nag-e-effort na hingin ang number ko kay Kuya Reid. O baka hinihintay nyang ako mismo ang magbigay?

Tsk! Naiinis ako. Di ko alam kung bakit.

Bago ako matulog ng gabing iyun, nag-send ako ng pm kay Rob sa FB nya.



GN, Maw.



Yun lang.

Naghintay ako ng reply nya. Pero di sya naka-online.

Baka may trabaho.

Natulog na lang ako.

Nagising ako nung madaling -araw na may katabi. Nakayakap na naman sa mula sa likod ko.

"Rob..." mahina kong tawag.

"Hhmm..."

"Bakit andito ka?"

"Nag-pm ka eh."

"Tss. Simpleng reply lang ang dapat isagot dun."

"I thought you missed me. Kaya andito 'ko."

"Asa..."

"Tulog ka na, Jun. Maaga ka pa bukas."

"Ok."

"Jun..."

"Hhmm..."

"I won't be here paggising mo?"

Noon ko lang ito nilingon, "Aparisyon ka lang ba na dumadalaw sa 'kin ngayong gabi?"

Mahugong itong tumawa, "No, I have a flight at six this morning. Dumaan lang ako dito bago 'ko umalis."

"Work?"

"Why, jealous if not?"

"Ewan ko sa 'yo, Agoncillo," tinalikuran ko na uli.

Tumawa ito ng walang tunog, "Yeah, it's work. I need to go to CDO, but I'll be back on Saturday in time for Hope's birthday."

"Ok."

Niyakap uli ako nito tapos humalik sa tuktok ko.

"Sleep. Goodnight, too, Dyosa."

Gaya ng sabi nya, di ko na inabutan si Rob paggising ko. Gusto ko tuloy kwestyunin kung nananaginip lang ako.

Pero nung pagbaba ko sa dining, napatunayan kong dumating nga si Rob. Kasi may pagkain na sa mesa na may takip.

May note dun.



Eat up. Ako nagluto nyan. - Maw



Napangiti ako.

Ang gaan ng pakiramdam ko nung umagang yun pag-alis sa bahay... na nasira lang pagdating ng uwian ko.

Nakaabang si Louie sa may labas ng classroom ko.

"Hatid na kita pauwi," alok nito.

"May lakad pa 'ko," simple kong sabi.

"E di dun kita ihahatid."

"Louie...please, stop! Wag ako."

Shit! Hawig itong ganitong senaryo dati sa Palawan eh.

History repeats itself yata talaga. In a different shape and place lang.

"Look, pinipilit ko namang maging kalmado at sibil makipag-usap sa iyo. Pero, wag mo naman ipilit ang gusto mo."

"Ok, then just be my navigator."

Natawa ako. "Akala ko ba napanood mo lahat ng video ko, Louie? Di dapat alam mong di na uli ako kakarera."

"But you already did. We had a race at the mall."

Sira-ulo ba ito?

"Bano ka rin talaga eh," di ko na napigilan ang bibig ko. Ang hirap magtimpi sa ganitong tao eh. "Arcade yun!"

"Still, it's a race. And you were really good. How much more sa totoong laban? But first, I need a navigator."

"Ay ewan ko sa iyo!"

Nilayasan ko sya.

Humabol na naman ito. "I can offer a bigger sharing to you kesa sa naging usapan nyo ni Caloy."

Nanliit ang mata ko. So, hanggang saan ang alam nito tungkol kay Caloy?

Puta! Yun pa ang binanggit nya! Sa lahat naman!

Pilit kong isinisik sa isip ko ang paalala ni Paul at Troy.

Iwasan ko si Louie at ang grupo nito. Na mas malala pa ito sa kina Danny.



"Stay away from Louie. He may bring you trouble. And keep Rob by your side. He likes you. He will protect you."



"Hindi talaga pwede. Ayokong pag-awayan namin ni Rob," katwiran ko na lang.

Nagdilim ang mukha nito, kasabay ng pagngisi, "Si Rob?"

"Oo, bakit? Issue mo?"

"Gaano ka kasigurado na seryoso sa iyo yun?"

Di agad ako nakakibo.

Lalong lumapad ang ngisi nito. "Hindi mo siguro alam. May babaeng hinihintay ang syota mo. Hinihintay bumalik galing Amerika...para pakasalan."

Hindi ko pinahalatang nagulat at apektado ako sa sinabi nya.

Nagkibit-balikat lang ako sabay sabing, "Ganun ba? Ok."

Tapos tumalikod na ako. Diretso papunta sa sakayan.

Di ko alam, pero naiiyak ako sa narinig ko.

Tadong Rob yun ah!

=================

Don't forget to comment and vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj