31 Cupcake
Tulog pa rin si Rob nung magising ako sa alarm ng seven nang umaga. Nakakasuya lang na balot ako ng kumot kahit di naman aircon ang kuwarto ko, tapos sya, prenteng naka-boxer at nakabuyangyang sa kama ko.
Asan naman ang hustisya!
Lalo tuloy uminit sa kuwarto ko. Ang hot nya eh!
'Tragis! Sarap kumuha ng Dairy crème at Milo sa kusina, tapos dito ako sa kuwarto mag-aagahan habang nakatitig sa mala-pandesal nyang abs.
Agahan, men! Agahan!
Napabungisngis ako.
Letse! Makalabas na nga! Baka magising ang halimaw na ito eh, pagbintangan na naman akong hinipuan sya kapag mahuling nakatingin sa kanya.
Feelingero pa naman ito.
Susko! Para namang gapangin ko sya. Over my dead gorgeous Dyosa body! Tse!
Five minutes bago mag-alas-otso ng umaga, dumating yung apat na tao nina Kuya Mike sa MonKho na gumagawa ng bakod at gate namin. Medyo may edad na yung dalawa sa mga ito, pero yung dalawa, mukhang matanda lang sa akin ng ilang taon.
Bago mag-eleven tapos na sila. Dun ko na sila pinakain ng early lunch.
"Sabay ka na sa amin, Ms. Jun," sabi nung isang parang pinakabata sa kanila.
"Uhm, sige lang. Mauna na kayo," sagot ko.
Patapos na sila kumain nung bumaba si Rob. Nagsasalin ako nun ng tubig sa mga baso nung apat.
"Jun...?" Tawag nito.
Lahat kami napalingon sa may hagdan.
Napanganga ako at halos umusok ang mukha ko sa init at pamumula.
Si Rob, nagkukusot pa ng mata, papasok sa dining area ... ang halimaw eh naka-boxers lang!
"ROB!!!" Hiyaw ko sa magkahalong kahihiyan at galit.
"What?!" sabi nya, tapos napatingin sa amin. "Oh!"
"MAHABAGING LANGIT, AGONCILLO! MAGPATALON KA NGA!!!"
Natawa yung dalawang may edad na lalaki, tapos yung dalawa pa nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Rob.
"Good morning, everyone," kaswal nyang sabi sa mga bisita na saglit tumigil dun sa dalawang halos kaedaran nyang lalaki. Ipinadaan nya ang kamay sa buhok para maayos iyon ng kaunti.
Tapos tumingin sa akin at ngumiti. "'Morning, babe!"
Juice colored! Maswerte itong si Rob at hindi ko abot-kamay, kundi na-spin ko sya ng kitchen knife!
"Tanghali na!" sikmat ko. "Pwede ba, magbihis ka!"
"Where are my clothes? Sa sala ko yun hinubad kagabi."
My ghad! Ang dumi na malamang ng iniisip ng apat na bisita ko sa pinagsasabi ng halimaw na ito.
Lupa, lamunin mo na ako. Ngayun din!
Huminga ako ng malalim, ilang beses. Malapit ko nang ibalibag ang dining table namin ke Rob.
"Nasa center table," mababa at gigil kong sabi.
"Uhm, ok," tumingin sa mga bisita. "Excuse me, gentlemen."
Tumango ang mga ito sa kanya.
"Naku, pasensya na kayo," hinging paumanhin ko matapos ang ilang segundo ng awkward silence.
"Hindi. Ayos lang, Ms. Jun," sabi nung isang may edad. "Nobyo mo?"
"Hindi po."
"Yes."
Napalingon uli kami kay Rob. Nakapantalon na ito, pero yung tshirt nya, nakasampay lang sa balikat nya.
Pinanliitan ko sya ng mata pero di ako pinansin.
Naupo ito dun sa isang bakanteng upuan sa tabi ko. "Kain na 'ko, babe. Tapos ka na ba?"
Umiling lang ako. Ayoko muna magsalita. Mapapasigaw na 'ko eh baka tumalon ang tonsil ko sa bibig ko sa sobrang asar.
"Hinihintay mo ba ko? Lika, kain na tayo."
Bakit kaya nyang umarte ng parang walang kwenta sa kanya na kanina eh mukha syang porn star na ... putris! Yung imahinasyon ko, kung saan-saan na 'ko dinadala.
"Mag tshirt ka," mahina kong sabi nung inilapag ko ang pinggan sa harap nya. "Wag mo i-display mo yang katawan mo sa mga bisita."
Di ito nagkomento. Basta pokerface lang na uminom ng tubig.
"Ms. Jun," napatingin ako dun sa parang team leader nila. "Mauna na kami. Pinapabalik kami ni Engr. Montecillo sa warehouse."
"Engr. Michael Angelo Montecillo?" Singit ni Rob.
"Oo."
Bahagyang kumulimlim ang mukha ni Rob. May isyu talaga 'to ke Kuya Mike.
Kunsagay, ang magnanakaw daw ay galit sa kapwa magnanakaw. Siguro, ganun din sa mga chickboy.
Tumayo na yung apat. Kaya tumayo na rin ako para ihatid sila palabas ng gate.
Nagulat ako na pati si Rob sumama. Nakasampay pa rin ang tshirt sa balikat nito.
Pagkaalis ng sasakyan nung apat,
"Ugh!" daing nya sapo ang sikmura.
Malakas ko syang hinampas ng backhand dun tapos bumalik ako sa dining.
"Sinabi ko mag-tshirt ka. Kabastusan ang ginagawa mo."
Sumunod ito, "Alin?"
Tumigil ako sa sala at hinarap sya, "Una, ang kakain ng hubad baro. Pangalawa, bababa ka dito ng nakaburles tapos may mga bisita at parang wala lang sa 'yo. Maryosep, Rob! Ano na lang ang iisipin nung mga yun? Tapos hahanapin mo sa 'kin yung hinubad mong damit sa sala?! Tatawagin mo pa 'kong 'babe?! My ghad!"
"That was my purpose," kibit-balikat nyang sabi. "I hate those two guys ogling at you."
"Ogling-ogling! Letse!" sikmat ko tapos nagmartsa na 'ko papunta sa dining. "Tapos di ka pa nagdamit ng kumpleto. Ano yan? Dini-display mo'ng katawan mo sa mga bisita? May type ka ba dun?!"
"Are you insinuating that I'm gay?" Natatawa nyang tanong. "Jun, you don't have to do that just to provoke me to kiss you. You can just ask."
"Ang kapal ng mukha mo," naiirita akong kumuha ng plato ko. "Kotang-kota na 'ko dyan sa halik-halik mong yan. Di na big deal."
Hinatak nya ko sa braso tapos sinapo ang dalawang pisngi ko sabay madiin akong hinalikan sa labi. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa braso nya at sa platong hawak ko.
Tapos napapikit ako nung magsimulang gumalaw ang labi nya at marahang sipsipin ang pang-ibabang labi ko.
"Di pala big deal ha?" Bulong nya.
Napadilat ko. Nakangisi ang gago sa 'kin. Hindi ako makapagsalita kasi gabuhok lang ang layo ng mukha namin.
"Don't echo what that fucking Caloy told you before. Hindi bagay sa iyo, Jun."
Napasinghap ako. Naalala nya pa rin ang mga kinuwento ko sa kanya nung unang pagkikita naming sa bar sa Palawan!
"Though... your kissing is improving. You're starting to get the hang of it."
Nag-init ang mukha ko.
Gumanti ba 'ko ng halik sa kanya? Di ako aware! Syeeet!
"And you're right, Jun. Dinidisplay ko katawan ko dun sa dalawang bisita mo. Para alam nila kung ano ang babanggain nila once they cross the line going to you," seryoso nyang sabi.
Para na akong tuod na napamata na lang sa kanya. Nagmumukha na akong tanga.
Putris kasi'ng mga banat nito.
"Kumain na tayo," sabi nya tas magaan na tinapik ang pisngi ko. Kinuha na rin nya yung plato sa kamay ko para ilagay sa mesa.
For the first time, wala akong masabi. Tahimik na lang akong kumain. Hindi na rin nagsalita uli si Rob.
Lumabas si Rob nung naghuhugas na ako ng pinggan. Akala ko uuwi na. Pero sandali lang bumalik ito. May dalang maliit na bag. Tapos pumasok sa banyo. Naligo. Umakyat ako sa kuwarto ko para magpahinga sandali... tsaka para kalmahin ang dibdib ko.
Natapos kaming kumain at nakapaghugas na ako ng pinggan pero wala pa rin sa normal ang pagpintig ng puso ko.
Tss. Walanghiya kasing Rob yun!
Binuksan ko ang laptop ko at nag-log in sa FB ko.
Gaya ng inaasahan ko, ang daming notif dahil sa huling pasabog kagabi ni Rob sa page ko.
Pati nga sina Kuya Bart at Kuya Lee, nakikitukso na rin.
Walang komento sina Paul at Troy. They really knew when to shut up. Kaya mahal ko ang dalawang ito eh. So, di rin ako nagkomento sa mga pangungulit sa page ko.
Mamamatay rin ang isyu.
Pag-open ko ng chatroom naming tatlo, yung mga messeges nina Paul at Troy, una nanunukso hanggang sa nagtatanong na kung ano na nangyari sa akin at tanghali na eh hindi ako nagpaparamdam. Last message was from Paul. Fifteen minutes ago lang.
Nag-type ako ng maikling message.
Mga pogi, ok lang ako. Virgin pa rin. LOLZ! Usap tayo later tonight, pramis. Maghahanap pa 'ko ng costume para sa birthday ni Hopia. Thanks for the concern. Lab yu talaga! Mwah!
Nag-log out agad ako, tapos nahiga.
Tsk! Naiisip ko na naman yung kanina bago kami magtanghalian. Iiiihh!!!
"Jun..."
Si Rob, nakasandal sa may hamba ng pinto ng kuwarto ko habang nakahalukipkip. Bigla akong napabangon.
"Oh?"
Syete! Bakit ang hombre pa rin nito kahit simpleng hapit na gray tshirt, itim na pantalon at yung itim nyang running shoes lang ang suot nya.
"Akala ko may lakad tayo?"
"Uhm, oo. Maliligo lang ako," nagmamadali akong kumuha ng tuwalya tsaka isusuot kong damit. Dala ko na rin yung lotion ko. Yung banyo sa second floor, common toilet. Dun na lang ako magbibihis. Di ako pwedeng lumabas dun ng naka-panty at bra lang ngayon, 'no!
"Excuse," sabi ko sa kanya pero lampas sa kanya ang tingin ko.
Ang laking bulto nito na nakaharang sa pinto eh.
"Jun..." Di ito tuminag sa pinto.
"Oh? Excuse nga kasi."
"You're so quiet. Di ako sanay."
"Wala naman akong sasabihin."
"Lagi kang may nasasabi."
"Eh wala nga eh. Ang kuleeet!" Nauumpisahan ko na namang mainis.
"Eh bakit di ka tumitingin sa 'kin? Kanina pa habang kumakain tayo?"
"Hindi ah!" Napilitan tuloy akong tumingin sa mukha nya.
Pucha! Ayun na naman yung malapad nyang ngisi na nang-iinis. Tapos yung mata nya, kung may boses lang, humahalakhak na!
Hinampas ko nga sa dibdib, "Nakakainis ka!"
"There. That's better," sabi nyang nakangisi. "Maligo ka na!"
Tapos mahina pa akong tinapik sa pwetan nung papunta na ko sa banyo.
"Naman eh!"
Tumawa lang ito ng mahina.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis.
Nasa sala si Rob pagbaba ko, busy sa pages-cellphone.
"Tara na," sabi ko. Inayos ko yung paborito kong red backpack at red hoodie jacket sa balikat ko.
Pag-angat nya ng tingin sa akin, ayun na naman yung malapad nyang ngiti.
"Couple shirt, huh?"
Napatingin tuloy ako sa suot ko. Napangiwi ako.
Nakteteng naman! Di lang t-shirt, pati yung skinny jeans ko itim din, tapos yung high cut chucks ko, itim din.
Akma akong tatalikod pabalik sa taas para magpalit nung pigilan nya ko sa braso.
"Don't. You already look great. And we look perfect together. Let's go," hinatak na 'ko nito.
Napabuga na lang ako ng hangin sa bibig.
Habang nila-lock ko yung frontdoor, umikot si Rob sa gilid ng bahay papunta sa likod. Saglit lang naman.
"Nice gate and fence. I checked the back too," sabi ni Rob paglabas namin sa gate. Inalog nya pa ng konti, siguro tine-testing nya yung tibay. Tas, humakbang sya paatras para bistahan yung bakod. "You designed it?"
"Paano mo nalaman?"
"It tells your personality."
"Gaya ng..."
"It looks elegant yet simple. At first glance, a thief will think it would be easy to get in or break the gate... but it's not. Parang ikaw."
Tumaas ang kilay ko. "A professional thief can always find a way to get in."
"I am that professional thief. I will make sure to find my way in," ngumiti ito sa akin at tumingin ng diretso sa mata ko.
Ako ang umiwas ng mata.
Syeeet! Di ko kinaya ang mga hugot ng halimaw na ito! Mainit pa ang sikat ng araw eh lumalandi na eh!
"Uhm...tara na," tinuro ko yung kotse nyang itim.
"How'd you know it's my car?"
"It tells your personality," panggagaya ko.
Napangiti ito, "Gaya ng...?" gagad nya.
"Maangas at mayabang ang dating. Low cost subdivision lang kami tapos Audi R8 ang dala mo," nakangiwi kong sabi.
Natawa ito. "I love fast cars and I need it in my job. Get in."
Hindi man lang ako ipinagbukas ng pinto matapos nyang i-unlock yung cardoor.
Napatirik ang mata ko.
"What's the eye rolling for? You're a strong woman, for me to open the car door for you, Jun. You even managed to disarm me last night," natatawa nyang sabi habang nagsi-seatbelt.
Nakteteng! Nakita at na-gets nya pala ang pag-eye roll ko.
"I'm not a gentleman, Dyosa," sabi nya habang ini-start ang sasakyan nya.
"Obviously," sarkastiko kong sabi.
Ang bango naman ng kotse nito. Amoy Rob. Hehe!
"And you're not the typical type of girl, too."
Pailalim na patagilid ko syang tiningnan.
Ano ito? Tibo na naman ba ako sa tingin nya na isang malaking challenge?
"You are way too special to be typical. Very unique in your own way," pasimple nya 'kong sinulyapan bago nagmaniobra paikot sa tamang direksyon.
'Tragis! Namula ako dun. Eto na naman sya sa mga banat-Rob Agoncillo nya. Mga Mr. Swabe attack!
"You're blushing. Kinikilig ka na agad, Jun. Yun pa lang sinasabi ko," tukso nya.
Pucha!
"Hindi ako kinikilig. Nagpipigil ako ng utot!" sikmat ko.
Napahalakhak ito. "That's what I'm talking about. You're really something."
Sa Greenhills kami napadpad.
"Anlayo ng byahe natin, 'Maw," sabi ko. "Sigurado kang meron dito?"
Nagpa-park na sya nun.
"Yeah. I already checked online while you were prepping up. What's 'Maw'?"
"Halimaw."
Natawa na naman ito.
Apat na costume shops doon ang napuntahan namin bago ako nakahanap ng costume na Sheriff Callie. Si Rob, pumili ng costume na pirate at cowboy. Yung cowboy, kamukha ng kay Woody ng Toy Story.
"Bakit dalawa binili mo?" Tanong ko.
"Si Ralph, nagpapabili rin. Wala na syang time na bumili."
"Ahhh...Alin sa 'yo dyan?"
Ngumuso ito, "Yung cowboy sana para partner tayo... kaya lang mas gusto ko yung pirate."
"Bakit?"
"Para huhulihin mo 'ko," sabay kindat sa akin, "Tipong hahabulin mo 'ko kasi sheriff ka, di ba?"
Napangiwi ako, "Babarilin na lang kita kesa magpagod pa 'ko makipaghabulan sa 'yo."
Natawa ito ng malakas.
Napatingin tuloy sa amin yung ibang namimili dun.
"Wala namang baril ang costume mo."
"Meron ako sa bahay. Gusto mo ma-experience? Matagal ko na'ng di nagagamit yun."
Natahimik ito. Tapos seryosong napatitig sa akin.
"Seriously, Jun. You have a gun?"
"Uhuh. Glock 9 pistol lang. Tanungin mo pa si Ate," kalmado kong sagot.
"I saw your display cabinet. May chako, arnis at complete set ng katana dun. Do you know how to use them, too?"
Tiningnan ko lang si Rob, at sa halip, sinabi ko, "Tara, magbayad na tayo."
Nauna na ako sa counter.
Bigla itong nagseryoso. Hinayaan ko.
Di nya ko napilit na pabayaran sa kanya ang costume ko.
"May pambayad ako, Rob. Di ako pulubi. Nagpasama lang ako sa 'yo. At wala kang obligasyon na bayaran ang pinamili ko."
Hindi ko pinansin ang mariing paglapat ng bagang nya.
Pero kinuha nya pa rin yung paper bag ng pinamili ko at sya ang nagbitbit nun.
Ang awkward ng atmospera namin paglabas ng costume shop. Hindi kami nag-uusap. Though sabay kami sa paglakad, parang may makapal na pader sa pagitan namin.
Hindi ko ma-gets ang drama nya.
Wala akong obligasyong sagutin ang tanong nya, gaya nang may karapatan akong tanggihan nag offer nyang bayaran ang pinamili ko.
Si Paul at Troy nga, bumiyahe pa-Palawan para lang magpalibre. Kasi alam nilang mas maa-appreciate ko na ina-acknowledge nila ang kapasidad ko.
Akala ko ihahatid na nya ako pauwi sa Cavite, pero nagpunta kami sa Macapagal Ave. at huminto ito sa tapat ng mga hilera ng seafood restaurants doon.
"I'll pay for our dinner. Ako ang nagyaya," simple nyang sabi bago ito naunang bumaba.
Walang kibo akong sumunod sa kanya.
Punuan ang mga resto doon dahil Sabado ng gabi. At medyo maingay.
Naglakad pa kami para humanap ng di masyadong crowded na kakainan. Nauuna sya sa akin ng ilang hakbang.
Mukhang badtrip pa rin.
"Cupcake!"
Napatigil ako. Si Rob, diretso lang kaya lalo akong naiwan.
"Cupcake!"
Juice colored! Sana mali ang iniisip ko. Wag naman po ngayon, mahabaging diwata ng seaside!
Nagpalingun-lingon ako.
"Cupcake!"
Pasimple akong napasapo sa noo ko. Eto na nga si Louie, patakbong papalapit sa akin. Kasunod mga minions nya plus mga chicks yata nila.
"'Musta?" medyo pahingal nyang sabi paghinto sa harap ko. "Naabutan din kita sa wakas. Ang galing mong umiwas sa campus eh."
Di ko napigilang mag-eye roll.
Parang nagulat yung mga kasama nilang babae sa inasal ko ke Louie.
"Accept mo na yung FR ko," pangungulit nito.
"Tingnan ko mamya," sabi ko na lang. "Sige, alis na 'ko."
"Teka, mag-isa ka lang naman. Sama ka na lang sa 'min, Cupcake," pigil nya sa braso ko.
Napangiwi ako dun sa 'cupcake'.
"She's with me."
Nawala ang ngiti sa mukha ni Louie nung makita si Rob sa likod ko. Tapos yung mga kasama nilang mga chicks, mukhang na-starstruck.
Napapisil na lang ako sa pagitan ng mata ko.
"Babe, let's go. I'm starving," kinuha na ni Rob ang kamay ko at pinagsalikop sa kanya.
"Boyfriend mo?"
Di na 'ko nakasagot nung iangat ni Rob ang magkahawak naming kamay para ipakita sa mga kaharap namin.
"She's not confirming it, dude," si Louie kay Rob. "Not even on your posts in her FB page."
Ang kulit din eh.
"Sige, alis na kami," sabi ko na hila si Rob palayo.
"Don't forget my FR, Cupcake!" habol na sigaw ni Louie
"Tss. Cupcake my fucking ass!" mahina pero badtrip nitong sabi.
Di ako nagsasalita.
"I'm beginning to hate it, Jun. The more I know and spend time with you, the more I get to meet your boys," disgusted nyang sabi.
Napamulatgat akong napalingon sa kanya. "Pinagsasabi mo?"
Di sya kumibo.
Hinila ko ang kamay ko, "Alam mo, Rob. Uuwi na lang ako. Hindi ako matutunawan sa 'yo eh."
Tumalikod na 'ko. Iritang-irita na 'ko.
"Teka, Jun," habol nya, pigil sa braso ko.
"Bitawan mo 'ko, Agoncillo. Uuwi na 'ko. May pagkain ako sa bahay. Kaya ko magluto."
Naglapat na naman ang labi nya ng madiin. "Look, I'm sorry. Halika na. Nagugutom na 'ko."
"Uuwi na 'ko. Nawala na yung kakapraso kong gana sa pag-iinarte mo mula pa kanina, Rob."
"Mukhang ikaw ang nag-iinarte ngayon, Juno," naiinis na ring sabi nito. "Porke andyan yung 'cupcake' mo?"
Mabigat akong nagbuga ng hangin sa bibig. Nagpipigil ako ng asar eh, pero di na kaya ng powers ko.
"Ito ang isa sa dapat mong tandaan, Rob, kung gusto mo 'kong makilala talaga. Wag mo 'kong igagaya sa mga babae mong pabebe. Dahil hindi ako ganun. Bwisit na bwisit ako sa mga ganun. Hindi ko ugaling mag-inarte para amu-amuhin mo lang tapos ayos na uli. Katulad ng ginagawa mo ngayon. Gusto mo amuhin kita kasi badtrip ka? Pahinog ka, boy! Pag ako badtrip, badtrip ako! Dumistansya ka muna dahil baka di kita matantya. Ok?"
Tumalikod na 'ko nang di hinihintay ang sagot nya.
"Jun, wait... shit!" narinig ko pang sabi nya nung sumakay ako sa isang multicab na saktong huminto sa tapat ng dampa lane.
Saktong pa-MOA yun. Buti bitbit ko ang backpack ko.
Aw shit! Napatampal ako sa noo ko nung papaliko na kami sa MOA terminal.
Yung paperbag ng costume ko, nasa kotse ni Rob.
Bahala na! Baka ipakisuyo ko na lang kay Kuya Reid. Tss.
Di ako makapag-isip ng diretso. Ginugulo ng halimaw na yun ang utak ko.
Nakapila na ako sa may UV Express nung makita ko si Rob na papalapit.
"Ay shet! Ang pogi!"
"Naku, naku! Papalapit sa atin!"
Bulungan nung dalawang babae sa unahan ko. Nagkurutan pa.
Gusto kong matawa. Mga feelingera!
"Boyfriend material."
"Asawa, besh."
Yung sa likod ko naman.
Sundutin ko kaya mga mata nito at hilahin ang mga dila? Ang aarte eh. Parang ngayon lang nakakita ng gwapo.
Ok fine. Literal na tall, konting dark, handsome at hunk ang halimaw na ito. Pero, kailangan talagang umarte ng ganun? Ang haharot! Nakakainis!
Selos ka, Jun? Sabi ng utak ko.
Hindi, 'noh! Di bale sana kung yung Hemsworth brothers yan, o kaya si Lee Min Ho o Mario Maurer.
Tsaka, badtrip na badtrip pa 'ko!
Asus!
"Jun..."
Dedma. Ni tingin, di ko tinapunan.
Natahimik yung mga babae. May mga lalaking tumikhim sa paligid.
May kumalabit sa akin. Yung babae sa likod ko.
"Miss, ikaw yata ang kausap."
Pinandilatan ko yung mahadera. Natahimik ito.
"Gusto mo, ikaw kumausap sa kanya," pasimple kong panonopla dito.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Rob.
Bumaling ito dun sa babae, "Pasensya na, Miss. Buntis kasi misis ko. May toyo."
"Aaahhh...! Ang cute nyo naman magtampuhan!" sabi nung mga babaeng kanina lang eh pinagnanasaan ang halimaw na 'to.
Pero teka!
Misis?! Buntis?! Toyo?! Ampotaaah!
Nagdidilim ang paningin akong bumaling dito.
"Gago ka ah!"
Tumaas ang boses ko. Naglingunan na pati yung ibang nakapila dun.
Shit! Nakakahiya, pero pucha kasi!
"Lika na, Jun," hinawakan ako sa braso. "Dun lang ako naka-park malapit sa hypermarket."
Hinatak ko ang kamay ko ng pasimple, sabay nanggigigil kong sabi, "Wag mo nga 'kong hawakan, Agoncillo. Lumayu-layo ka nga sa 'kin. Mga tatlong dipa!"
May nagngisngisan na sa paligid.
Napakamot sa batok si Rob tapos naupo dun sa malapit ng sementadong bench.
Tatlong dipa nga lang halos ang layo sa 'kin! Lakas maka-gago! Tsk!
Inirapan ko. Di ko sya tinitingnan.
Nung papasakay na 'ko sa van, lumapit uli ito.
"Kukunin ko lang yung kotse. Wag ka mag-iiba ng van. Susundan ko kayo."
Tapos umalis na.
"Ang sweet naman!" bulungan uli.
Napatirik ang mata ko. Kaaarte! Pwe!
Naningil pa muna ng pamasahe kaya natagalan pa kami ng konti.
Tapos nakita ko yung Audi ni Rob na huminto malapit sa van namin. Bumusina ito ng isang beses sabay baba ng car window nya.
Papansin talaga ang tinamaan ng magaling eh!
"Shit! Sportscar pa ang sasakyan ng hubby mo, miss," tila kinikilig na sabi nung babaeng nasa likod ko kanina na katabi ko ngayon sa van. "Makapagbati ka na kasi."
"Tsaka mas kumportable dun. Buntis ka pa naman. Pogi pa ng katabi mo," tapos nagbungisngisan. "Ay, mister mo nga pala!"
Mga harot na 'to! Feeling close lang, 'te?! At kung maka-buntis ang mga talipandas. Sampalin ko kaya mga ito ng hymen ko?! Sira-ulong Rob kasi!
Porket hombre at naka-sports car, bati agad? Iwagwag ko kaya ulo nito tas iuntog ko sila sa isa't-isa?
Naku, kapag ganitong badtrip ako, bayolente talaga ang takbo ng imahinasyon ko!
Imahinasyon lang naman. Harmless naman ako kapag harmless ang kausap ko.
Di na lang ako nag-react. Kunwari wala akong narinig.
Kahit di ako lumilingon, alam kong nakasunod sa van namin si Rob. Yung kasing mga babae dito sa van, parang mga two-way radio ng mga marshalls sa drag racing. Dinig ko ang mga bulungan nila.
Pagpara ko sa tapat ng gate ng subdivision, eto na nga ang Rob. Ewan ko kung nasaan ang guard dito. Parang dalawang beses ko pa lang nakita mula nung lumipat ako.
Walang hassle na nakapasok si Rob, mabagal na sumasabay sa gilid ko.
"Jun, common. Hop in," pilit-pakiusap nito.
Dedma.
Wala syang nagawa kundi ang mabagal na sumabay sa paglakad ko hanggang makarating ako sa duplex, which is limang kanto mula sa gate.
Lumabas sya ng kotse at sumama hanggang sa may gate.
Hinarang ko yung kamay ko nung akmang papasok din sya.
"Patulog uli," ang sabi.
Kinuha ko yung paperbag ng costume ko, "Rob, umuwi ka na. Mas komportable sa condo mo. Tsaka maaga pa 'ko bukas kina Tita Alice. May simba kami. Salamat sa pagsama sa 'kin kanina. Goodnight. Ingat."
Sinara ko na yung gate bago pa sya makasagot.
Nawalan na 'ko ng ganang magluto. Kumain na lang ako ng cookies at nagtimpla ng Milo. Nag-shower at nagbihis agad ako pag-akyat sa kuwarto.
Tapos nag-pm kina Paul at Troy.
Si Troy lang ang nakausap ko via Skype. Malamang, busy pa sa trabaho si Paul. Mag-aalas- diyes pa lang ng Friday morning sa New York ngayon.
Nagkuwento ako kay Troy. Lahat, as usual. Pero di ko agad binanggit yung nangyari kagabi nung gisingin ko si Rob.
Natatawa na naman ito at tinutukso ako. Tapos pinagpapayuhan ako na wag na pansinin si Louie at maghinay-hinay kay Rob.
"Nanliligaw sa 'yo yung July mo."
"Hindi kaya!"
"Dyosa, it's the twenty-first century. Do not enclose yourself to the idea of flowers, chocolates then movie and dinner dates in a courtship. Tsaka di kita ma-imagine na may hawak na bulaklak. Yung baton mo, pwede pa," tapos tumawa na naman ito.
"Look, panliligaw is a man's way to get to a woman's heart at yun ang paraan nya ng panliligaw. To spend time with you kahit sobrang busy nung tao. Tsaka yung matinding effort nya para magpasensya sa kamalditahan mo! Wag mo 'ko ngusuan, Juno! Kung naging lalaki ka, baka mas basagulero ka pa sa 'min ni Paul!"
Inirapan ko ito.
"This maybe your chance to get a lovelife, Jun. Makakatikim ka na rin ng 'thunderbolt'. Yii-hiii!!!" humahagikhik na sabi.
Sira-ulo talaga eh! Buti wala pa si Paul, kundi pagtutulungan na naman ako ng dalawa.
"Troy..."
"Oh?" Napatigil ito sa impit na tawa.
"Something happened last night."
"Wow, mukhang juicy yan ah. Nag-third base na kayo?"
"Third base?"
"Oral sex!"
"Potaaah kaaa!!!" Sigaw ko.
Tawa na naman ito.
'Tragis! Wala rin talagang filter sa akin eh. Ewan ko, di ako masanay sa kanila ni Paul. Kasi nagkukuwento rin naman ang mga ito sa akin ng mga sexcapades nila, mild nga lang. Pero kahit na.
"Troy, seryosohan na kasi," naiinis kong sabi.
"Ok..." natatawa pa rin ito. "Fire away."
Dun ko na kinukwento yung paggising ko kay Rob. Tsaka yung nature ng kumpanya nito.
Natahimik si Troy.
"Troy... ano na? Natahimik ka?"
"Wala akong masabi, Jun. I mean, yeah, I think he's a dangerous man tulad ng sabi mo. But he definitely can protect you."
"Pero... ano? Alam kong may karugtong sasabihin mo."
"I don't know the exact description, Jun. Uhm... siguro... I'm uncomfortable about what you just told me about him. Like, there's a possible danger lurking beneath the surface of you getting close to him."
Pareho kami ng pakiramdam.
"I'll tell Paul kapag nagkausap kami, Jun. For now, chill ka lang. Basta, wag ka masyadong mainitin ang ulo. I have to go. Alam mo na, weekend with the gang," tapos nagpaalam na ito.
Nag-FB na lang ako.
Inisa-isa ko yung notif ko. Wala ako sa mood, mag-post ng kahit ano.
Then yung mga unread messeges ko naman ang tiningnan ko.
May galing kay Louie.
Cupcake, yung FR ko ha?
Di ko pa rin ni-reply-an. At di ko pinansin FR nya.
Biglang nag-message uli. Nakteteng, naka-online pala.
Seen zoned na naman ako ☹
Dedma.
Tapos may pm rin si Rob.
Hey, sorry na.
Dedma.
Niligpit ko na yung laptop ko.Pakiramdam ko, na-drain ako today.
Nakatulugan ko ang pag-iisip sa 'away' namin ni Rob at mga sinabi ni Troy.
Di ko alam kung anong oras yun nung maalimpungatan ako kasi may nakayakap na sa akin mula sa likod.
Di na 'ko nag-react ng bayolente. Kilala ko na ang amoy ni Rob.
As usual, nakakumot na 'ko, pero di sya naki-share. Malamang naka-boxers lang uli ito.
Lumingon ako.
Gising pa pala sya.
"Pa'no ka nakapasok?" mahina kong tanong.
Maliban kasi sa doorknob at deadbolt, sinigurado ko rin na sinara ko yung dalawang boltlock sa front at backdoor. At may grills ang lahat ng bintana namin.
"I'm your professional thief, Jun. I will always find a way to get in no matter how difficult you plan it to be. Remember that," mahina nya ring sagot.
Napabuntung-hininga na lang ako. I can't even lock myself in my house away from this man.
"Go back to sleep. Ihahatid kita sa Alabang bukas after natin mag-heavy breakfast. Di ka kumain ng dinner."
Ito kaya, nag-dinner din?
"Di pa rin ako kumakain," sabi nya.
Pucha, pati ba pagbasa ng isip, kaya nito?
"Goodnight, Jun," hinapit uli ako nito sa kanya tapos hinalikan ang tuktok ko.
Kahit may nagtatagong takot ako sa lalaking ito, di ko pa rin maitatangging safe ang pakiramdam ko kapag andyan sya.
Natulog na uli ako.
============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro