29 Liberation
Juno's POV
"AAHHH! MGA PASAWAY TALAGA KAYO!!!"
Malakas kong sigaw sa mga kasamahan ko sa Tommy's pero natatawa ako at the same time.
Last day ko ngayon. Dahil excited sa despedida na hinanda nila para sa akin, nakalimutan ko ang isang ritwal dito kapag last day na ng duty.
May nag-abang sa akin palabas sa back exit tapos binuhusan ako ng isang timbang tubig na puno ng yelo nung last fifteen-minute break ko.
Hindi ako nakapalag dahil si Sir Matt pala ang gumawa nun. Baliw din ito eh!
Tawa sila ng tawa, kasi naka-video pala iyun.
"Sige na, Juno. Magbihis ka na," sabi ni Boss. "Wag mo na intindihin yung last two hours ng duty mo. Punta ka na sa dining area. Andun na mga kasamahan mo."
"Isusumbong kita ke Kuya Reid," birong irap ko dito. Tinawanan lang ako.
Bumalik ako sa employees room para magbihis na.
Pagpuntako sa dining, nasorpresa ako na sarado na ang Tommy's para sa mga customers. Exclusive na itong nakareserba para sa despedida ko. At naroon ang Tropang Kulugo pati ilang racers ng Palawan galing sa ibang grupo.
Nalaman ko na si Boss Matt ang nag-sponsor. Nagsalita pa nga ito sa stage bago tumugtog ang banda.
"...As one of the founders ng drag racing community dito sa Palawan, I'm proud that Juno started her name and ended her stint here as well. Making her the legit zero loss record across all communities in the Philippines to date. And to taint fifteen zero loss record of top male drivers kahit babae sya. It's just sad that she will leave Palawan for good. But here is the good thing. Juno, ang Dyosa ng Tropang Kulugo..."
Nagsigawan sina Pat. Sumunod ang mga ibang drag racers na naroon at mga kasamahan ko sa trabaho.
"...that name will always belong to Palawan. You are our community's pride and trophy. And it was an honor to meet you and be part of my resto bar. Enjoy the night guys!"
Natatawang naiiyak ako after ng speech ni Boss Matt. Imagine, Boss Matt yan. Founder ng community dito sa Palawan!
At naroon ang ilang mga ka-batch ni Boss Matt sa drag racing community at co-founders nya.
It was a fun night.
I did a video call to Paul and Troy.
"Mamatay kayo sa inggit!" Sigaw ko sa kanila dahil ang ingay sa resto. Tapos pinakita ko sa video sina Boss Matt at mga co-founders nya na kasama ako.
Kumaway pa nga sina Kuya Matt sa video at binati yung dalawa.
"Hayup ka, Juno! Bakit di mo sinabi sa 'kin? Sana nakapunta ako dyan!" sumbat ni Troy.
"Di ko alam. Sinorpresa nila ako!"
"Don't forget the pics, XG!" bilin ni Paul.
Oo, ganun ako tawagin ni Paul para asarin ako simula nung umaga after ng kasal ni Ate Sarah at Kuya Erol. XG for ex-girlfriend.
Tuluyan ko na raw kasi syang pinagpalit. Ang animales! Pareho sila ni Troy. Ang lakas mang-asar!
Nagising ako sa ring alert at pag-vibrate ng cp ko.
Pagmulat ko ng mata, nagtaka ako kung bakit nasa loob ako ng kuwarto na gamit ko sa presidential suite ni Kuya Reid.
Panaginip ko lang ba yung kagabi na dun kam isa duyan natulog ni Rob?
Naputol ang pag-iisip ko dahil sa patuloy na pagtunog ng cp ko.
Video call conference ni Paul at Troy.
Bumungad sa akin ang bagong gising na mukha ni Troy, at ang pagod na mukha ni Paul...pero parehong nakangisi ng nakakaloko.
"Good morning, Dyosa!" sabay na bati na ramdam na ramdam ko ang panunukso sa boses nila.
"Di ko gusto ngisi at tono nyo. Ano'ng meron?" panonopla ko.
Humagalpak agad sila nga tawa.
"Kami nga dapat magtanong nyan sa 'yo," si Troy.
Nagtaka ako.
"So, ano'ng feeling ng 'thunderbolt'?" si Troy ulit tapos humagalpak uli sila ng tawa ni Paul.
"Ano'ng... teka! Gago kayo ah! Pinagsasabi nyong mga kulangot kayo!" Namumula kong sigaw.
"We called last night," si Paul. "Someone answered your phone telling us that... Ano nga yun, Troy?"
"Uhm, teka. Pabulong nya sinabi eh. Tas parang galit... 'She's already asleep with me. Don't call her anymore!' " Gagad ni Troy tapos tawanan uli sila ni Paul.
Namula ako. So totoo palang dun kami sa duyan. Eh bakit andito ako ngayon?
"Mga walang hiya talaga kayo! Walang nangyaring 'thunderbolt'. Natulog lang kami!" Salag ko.
"Uuuy...defensive!" Tukso ni Paul. "Dyosa, ok lang sa 'kin yun. Di ko dadamdamin kung di mo sa 'kin bini—"
"Ta'namo, Paul! Ang bastos mo!"
"P're, parang masama loob ni Jun kasi nga...natulog lang sila!" si Troy.
Asar na asar ako, "Di yan totoo ha!"
"Si Rob yun, ano, XG?" si Paul uli.
"Ano'ng XG?"
"Ex-girlfrriend. Ramdam na ramdam ko na. Nalalapit na ang pagkakaroon mo nang bagong boyfriend. Papalitan mo na talaga ako," tapos tumawa uli.
Ngumuso lang ako. Naiinis ako sa kanila.
"Kwento na! Kwento na! Puta, gumising ako ng maaga dahil excited ako sa kwento mo. Ilang oras pa lang tulog ko oh!" Reklamo ni Troy.
"Inaasar nyo 'ko eh."
Inamu-amo at nilambing ako nung dalawa...kaya ayun... napakwento na 'ko.
"Kaya paborito ko mga anekdota ng buhay mo, Jun... lahat epic!" tawa ng tawa si Troy.
"Shit, XG! Naiihi na 'ko kakatawa sa 'yo," si Paul. "Sandali."
Nakita ko na naglakad si Paul.
"Oy puta ka, Paul!" si Troy. "Ano yan, naka-video call tayo habang dyumi-dyinggel ka?"
"Insecure ka na naman? E di ikaw rin. Palibsaha, itlugin ka," sikmat ni Paul.
My ghad! Ang mga lalaking ito!
Naalarma ako nung lumakad rin si Troy, "Teka nga!"
"Hoy...Hoy ! Ano yan ha?!" reklamo ko.
"Tado 'to si Paul eh. Maikli naman titi."
"O tara, sukatan tayo. Bawal i-zoom ang video. Bawal din filter. Jun, ikaw ang humusga!" si Paul.
"Paksyet kayo pareho! Ang babastos nyo!" Nahihindik kong sabi.
Tawa sila ng tawa. Tas nagpaalam ang dalawa para mag-CR sandali.
Pagbalik, medyo seryoso na sila. Medyo lang!
"Oy, Jun," si Paul. "Eto, payo lang ha."
"Ano?"
"You may want to consider Rob. Kasi, I'd only do that to a girl if I like her that much."
"Oo nga," segunda ni Troy. "Imagine, sinukahan mo, tulo-laway ka, naghihilik ka pa, umutot ka...mukhang di naman na-turn off sa 'yo."
"Kaka-turn off ba 'yun?"
"Natural!" sabay pang sabi.
"E bakit kayong dalawa? Lahat ng pagkakalat ko, keri nyo lang. Tsaka normal lang naman sa tao ang mautot, matae, dumighay, tulo-laway pag pagod...mga ganun."
"Iba naman tayo, tange," sikmat ni Paul. "We love you because you are you. We love you as a person, Jun."
"Well... depende," kabig ni Troy. "Siguro sa umpisa. Alam mo na, tawag ng social norms na magpakadisente. Mga bagay na ganun, malaking ekis sa iba. Pero kung gusto mo talaga yung tao, wala kang magagawa kundi tanggapin yung mga bagay na nakaka-turn off sa kanya. Package deal yun. Ganun sya eh."
Natahimik ako sandali.
"Ayoko muna sa ganyang usapan," parang napapagod kong sabi. "Isa pa. Halatang ayaw ni Rob sa inyong dalawa. Siyempre, kayo pipiliin ko."
Hindi rin sila nakakibo.
"Basta, simula ngayon, XG na petname ko sa 'yo," sabi ni Paul.
"XG, wag ka magpapakalasing," paalala ni Paul. "Wala kahit isa sa 'min ni Troy dyan. Walang dadampot ng pagkakalat mo."
"Eerr...o-wkeeey..." sagot ko.
"'Ala ako tiwala sa sagot nya, 'tol," si Troy.
Napanguso ako. "Yabang nyo ha! Andito mga Kulugo, papahatid ako sa bahay. Wala naman sina Ate dun kaya ok lang."
"Kausapin namin," si Troy.
Pumunta ako sa table nina Pat at binigay yung phone ko, "Kausapin daw kayo ni Paul at Troy."
Ibinilin akong parang bata nung dalawang kulangot sa anim na kulugo.
Ang ending, sa bahay kami lahat ni Long natulog kasama ang mga kulugo. Yung katulong lang kasi ang kasama nito sa bahay. Madalas na wala ang mga magulang nito na mga doktor.
"Di namin alam bahay mo eh," kamot-ulong sagot ni Charlie kinabukasan paggising. "Sa kotse pa lang tulog ka na."
"Sino nagpalit ng damit ko?"
"Yung katulong namin," si Long. "'Tangna, kaya pala bantay na bantay sa 'yo sina Paul at Troy kapag inuman eh. Tsk! Grabe!"
"Ipapa-carwash ko pa yung kotse ko. Amoy suka mo pa rin," nakangiwing sabat ni Pat habang nagkakape.
"Hehe...sorry," naka-peace sign ko pang sabi. "Long, arbor ko na lang tshirt at walking shorts mo."
Yun kasi ang pinalit nila sa nasukahan kong damit ko.
"'Ge, souvenir ko na yan sa 'yo."
"Pahatid naman ako sa bahay. Mukha akong boyoyong sa damit ni Long," sabi ko. Ang laki nga kasi sa 'kin.
Silang anim pa rin ang naghatid sa akin pauwi. Tumulong sila sa akin sa ilan pang ie-empakeng gamit, habang picture-picture kami sa bahay. Dun na rin sila nagtanghalian. Nagpa-deliver na lang kami ng pagkain.
Pinakilala ko sila kay Ate Leleng na katabing bahay namin dahil sumilip ito nung ang ingay naming pito sa apartment. Siya kasi ang nag-aalaga kay Hope kapag nasa trabaho at school kami ni Ate Andie. Kinikuha na lang namin ang pamangkin ko kung sino ang mauunang umuwi.
"Nakakalungkot," si Ben nung pauwi na sila. "Nakarating kami sa bahay mo kung kelan paalis ka na."
Malungkot akong napangiti.
"Group hug?" alok ko.
Di nila pinagdamot sa akin yun, kahit naging madamot ako sa kanila dati.
"Wag ka na umiyak," si Kiko at Larry. Di ko na kasi napigil.
"Sayang kasi," pag-amin ko. "Mali nga yata talaga naging attitude ko sa inyo. Mali yung ginawa ko dati."
"Wag mo na isipin yun, Dyosa," si Pat. "At least, dahil sa ginawa mo, nalaman namin na may ahas sa tropa. At ok na tayo bago ka umalis."
"Hindi tayo kumpleto," mahina kong sabi.
Natahimik sila.
"Hayaan mo na si Caloy, Jun," si Larry lang ang naglakas ng loob magbanggit. "Halos wala na rin kaming balita sa kanya. Ibang grupo, ibang community. Choice nya yun."
Pag-alis nila, kinuha ko agad ang cp ko to upload pics sa FB page ko at nag-send ako sa anim ng friend request sa FB. Pati kay Sir Abet na dati ay sa skype ko lang kinokontak. Pati sina Kuya Bart at mga kasama ko sa gym.
Ang bilis nila mag-confirm. Tapos nagsipag-pm agad. Di kasi sila makakapag-post sa wall ko.
Halos iisa ang mga sinabi.
Sa wakas, nakapasok din sa FB mo!
Isa-isa ko ring ni-reply-an na : No drag racing comments on my wall please! 😊
At positibo naman ang mga sagot nila.
Nag-create na rin ako ng FB page ko na Dyosang Juno.
Napahagikhik ako.
Hinalungkat ko yung kimono at katana set ko sa mga box na naibalot ko na. Tapos pumunta ako sa isang photo studio sa mall at nagpakuha ng picture suot ang mga iyun.
Nagustuhan ko ang lahat na anim na shots. Binigyan ako ng print at digital copies.
Umuwi agad ako at nag-FB uli. Pumili ako ng dalawang pics dun. Ginamit kong profile sa main account at sa page ko na pareho ang caption : Deadly Geisha lang ang datingan...Enterey!
Ayun, inubos ko ang maghapon ko sa pag-aayos nung FB page ko. Gumawa ako ng collage ng mga pics galing sa private album ko na may kinalaman sa drag racing at kung anu-ano pa na di ko pinapakita kay Ate Andie. Pinatungan ko ng letter art na : Happy liberation day! Welcome world and welcome to my world!
Tapos lahat ng laman ng private album ko na kami lang nina Paul at Troy ang nakakakita, nilagay ko sa page.
Ang unang post ko : Finally getting out of my shit hole to breath some fresh air!
Then, in-invite ko yung dalawang kulangot, anim na kulugo, Sir Abet at sina Kuya Bart na i-like yung page ko.
Bago matapos ang gabing yun, nag-follow sila sa akin...at iba pa. Mukhang pinaalam nina Paul at Troy yung page ko sa mga kakilala namin.
Then, nag-comment sina Paul at Troy sa post ko.
Finally! I'm happy for you! – Paul
Paul and I will always support you! – Troy
Nag-react ako ng heart sa mga comments nila at nag-reply : I love you both!
Ang dami agad comments at reaction page ko. May ilan nga agad na nag-share ng mga pics nila na kasama ako pati videos.
Hatinggabi na nung matapos akong makipag-chat kina Paul at Troy sa FB. Pati sa ilang naka-follow dun.
Nahiga ako na magaan ang pakiramdam. Ganito pala ang feeling ng parang nakalaya sa takot at pagdududa.
Oo, napag-desisyunan ko, ito na yung tamang panahon na bumalik ako sa dati. Alam kong marami na ang nabago sa 'kin, yet some things remain the same. Para akong nagkaroon ng realization at inspiration sa sinabi ng mga Kulugo kanina bago sila umalis. Hayaan ko na si Caloy. Mukhang masaya na naman sya. At nariyan na si Kuya Reid para kina Ate Andie at Hope, gaya ng sabi ni Rob.
Si Rob. Hinanap ko sya sa friend's list ki Kuya Reid. Ang tagal kong tinitigan yung friend request button.
Napabunting-hininga ako. Sabi ni Kuya Reid, maaga raw itong umalis kinabukasan after ng kasal nina Ate Sarah. Nakasalubong nya ito at nung Ralph past five ng umaga karga ako. Ito pa nga raw ang nagpasama sa isang attendant para buksan ang pinto sa presidential suite para maihiga ako sa kama ko.
Ni hindi man lang nag-iwan ng note. O kaya nag-text.
E di nga kayo nagpalitan ng cp number. Ano yan, hopeful ka na naman? One week na halos, Juno! Wag ka na. Sabi ng kontra-bida kong utak.
This time, umayon ako. Oo nga, naman. Isa pa, usapan namin, hanggang makaalis lang sya ng Palawan. E ayun at umalis na nga ang halimaw. Tsaka isa pa, asar nga pala ako sa kanya, kaya anong inaarte ko, di ba?
Di na ako uli nagtanong sa kanya ke Kuya Reid. Baka makarating ke Rob eh lumaki pa ego ng manyakis na yun. May dagdag pang-asar na naman sa akin pag nagkataong magkita uli kami.
Umalis na rin ako sa FB wall nyang wala namang laman. Ewan ko kung dahil naka-private lang ba o talagang wala lang. Hayaan mo sya.
Malamang nabo-bore lang yun at ako napag-diskitahang asarin nung nasa El Nido kami.
Pero, kaipokritahan kung itatanggi kong na-enjoy ko rin ang company nya kahit para kaming aso at pusa.
Kinabukasan, dumating si Ate Andie at Kuya Reid para tapusin namin ang pagbabalot ng mga gamit. Gabi na kami natapos sa lahat.
Nagpaiwan pa rin ako sa apartment dahil umaga ng susunod na araw, dadating na yung freight forwarder na magdadala ng mga gamit namin sa kinuha kong pre-owned duplex sa Cavite.
After that, nagpunta ako sa university para i-follow up yung TOR ko. Nag-confirm sila na makukuha ko na a day bago kami lumipad ng Manila. Then, dumiretso ako sa gym. Last session ko na dun at manlilibre daw sina Kuya Bart sa akin. Sa isang seafood resto nila ako pinakain.
Puro sila bilin sa akin na ituloy ko ang training ko, kahit sa ibang discipline, basta training. Ang kukulit!
"Kuya Bart," tawag ko. "May mairerekomenda ka ba sa aking... noma dojo sa Maynila?"
Natahimik sila sa sinabi ko. Hindi naituloy ni Kuya Lee ang pagkagat dun sa isang hipon na hawak nya.
Lahat ng mata nila napunta sa akin at huminto sa pagkain.
"Ano na naman ang pumasok sa utak mo, Juno?" Seryosong tanong ni Kuya Bart.
"Oo nga, Muse," segunda nung iba.
Na-awkward tuloy ako. "Wala. Gusto ko lang matuto ng kendo."
Nagkatinginan si Kuya Bart at Kuya Lee. "Bakit? Kanino plano gamitin yung katana mo?"
"Meron sya nun?" Nagulat yung ibang kuya-kuyahan ko.
"Meron yan. Original. Binili nya nung magpunta sya sa Japan."
"Was that the one in your FB page profilie pic, muse?"
Tumango ako.
"Wala akong paggagamitan. Pambihira naman oh. Interesado lang ako kasi meron nga ako sa bahay. Aanuhin ko yun kung di ako marunong gumamit? May baril, chako at arnis din ako. Lahat alam ko gamitin, maliban dun sa katana."
"My God, Juno! Pati baril meron ka?" Si Kuya Lee.
"Uhm, oo. Glock 9 pistol. Kay Papa yun. Dating scout ranger si Papa. Pinalipat ko lisensya sa pangalan ko dati. Pero nasa bahay lang. Nakatago."
Napasapo sila sa mga noo nila. "Ano bang plano mong maging sa buhay, Bunso?"
"Maging arkitekto? Juice colored, mga kuya ko. Hobby lang. Hobby. Bawal matuto?"
Walang nagawa si Kuya Bart, "Sige, ipi-pm ko sa iyo sa FB. Kesa sa kung saan ka pang dojo mapunta na di ko kilala."
Tuwang-tuwa ako. Hinalikan ko pa sa pisngi, "Thanks, Kuya!"
I hugged them all nung uwian na.
Si Kuya Lee ang naghatid sa akin sa Casa Alicia. Dun na kasi kami lahat mag-i-stay hanggang makalipad kami pa-Maynila.
Pagdating ng gabi, nag-FB uli ako. Nilagay ko yung pics namin sa seafood resto nina Kuya Bart sa account at page ko.
Two days pa lang, lampas one thousand agad ang followers ko.
Nakalaan ang sumunod na araw para mamasyal kasama si Ate Leleng at anak nyang si Rina. Maghapon iyun. Pinaka-treat namin sa kanya sa matyagang pag-aalaga kay Hope.
Sa huling araw namin sa Palawan, kinuha ko ang TOR ko sa university tapos umarkila uli ako ng motor at nag-stroll ako mula umaga hanggang hapon.
Mami-miss ko ang Palawan. Pero alam ko, babalik ako para bumisita or something. Kasi konektado pa rin naman si Ate sa Palawan dahil kay Kuya Reid. May dalawang hotel resort dito ang aso nya.
Nagpunta ako sa public park na madalas kong puntahan nung katatapos pa lang mangyari ang laban ko sa Olongapo.
Sa huling pagkakataon, tumambay ako dun at hinintay ang paglubog ng araw.
Bago ako umuwi, nagpunta ako sa dating practice area namin ni Caloy.
"Sana...tuluy-tuloy na ang liberation ko...pati sa iyo..." bulong ko sa hangin.
Hindi ko alam, may isang luha na umagos sa mata ko. At least...isang luha na lang.
Madaling -araw ang flight namin. Dumating kami sa NAIA pasado alas-sais ng umaga. Doon kami dumiretso sa bahay nina Tita Alice para mag-agahan.
Payag na payag ito na iwan muna sa kanila si Hope dahil sasama sa akin sina Ate Andie at Kuya Reid sa duplex. Tutulong kasi sila sa aking mag-ayos dun. Umpisa na kasi ng summer class ko sa Charleston University sa isang araw.
Medyo nagmamadali kaming umalis dahil nag-inform na yung freight company na ide-deliver ang gamit sa duplex bandang alas-onse ng tanghali.
Nag-volunteer ako na magmamaneho para mabilis. Ito kasing si Kuya Reid, di ito magmamadali kapag sinabi ni Ate na dahan-dahan lang.
Ang kaso, muntik akong mabuking ni Ate at muntik pa kaming mahuli ng traffic enforcer.
"Jun, magdahan-dahan ka nga. Bata pa si Hope para maulila! Maryosep!" Saway sa 'kin.
Si Kuya Reid, pangiti-ngiti lang. "Hayaan mo na. Kita mo nga, di naman tayo nakakasagi kahit siksikan kanina palabas sa National Road."
Inirapan sya ni Ate. "Ikaw, Juno! San ka natuto ng ganyang pagmamaneho? Para kang nakikipagkarera?"
"Dyan-dyan lang," umiwas ako ng tingin sa kanya sa rearview.
"Nagda-drag race ka ba dati sa Palawan?" Panghuhuli nito.
Di ako agad nakakibo.
"Juno!"
"Tsk! Hindi. Yung nagturo lang sa akin. Minsan sinasama ako. Ako yung navigator. Si Ate, sinisira mo'ng focus ko sa pagmamaneho eh."
"Ganun din yun. Ikaw talaga!" Bumaling ito kay Kuya Reid, "Ikaw mukhang natutuwa ka pa. Wag na wag mong ipapahiram dito yung Porsche mong grey. Help me, Lord! Baka mawalan ako ng kapatid ng wala sa oras!
"Alin? Yung two-seater na sports car na nasa Antipolo?" Singit ko. Nakita ko yun dati na nililinis sa gilid ng malapalasyong bahay ni Kuya Reid.
Di ko tuloy napansin yung traffic light na pa-red na.
Ayan na nga at may nakasunod na aming enforcer.
Nadala ko naman sa pa-cute at palusot nung huminto ako.
"Good afternoon, ma'm!" Bati nung enforcer. Ngumiti pa. Pa-cute din eh."Ah, beating the red light po kayo dun sa may intersection."
"Naku, kuyang pogi, pasensya na. Kasi ano eh...paano ba iIto? Nakakahiya kasi..." pa-charming ko. Eeww!
Tapos binulungan ko, "...secret lang natin, kuya. Taeng-tae na kasi ako. Kahit tanong mo pa sa mga kasama ko."
Nakita ko pa ang pigil na pigil na tawa ni Kuya Reid at pagkahindik ni Ate sa sinabi ko. Tapos yung enforcer, namula at nagulat.
"Kuya, pwedeng pass muna. Kasi baka dito pa ako abutan. Please! Ito naman lisensya ko, valid naman yan. Kailangan ko lang talaga magmadali." Kunwaring nakangiwing pangiti ko.
"Ah...eh... Sige po. Ah, pasensya na rin," sabi nung enforcer. Ito pa ang humingi ng pasensya. Haha!
"Naku, thank you talaga! Bye!" Mabilis kong sinara ang bintana at pinaandar ang sasakyan.
Doon lang tumawa ng tumawa si Kuya Reid, "You're freaking crazy!"
"Nakakahiya ka, Jun!" Akusa ni Ate na tumatawa na rin. "Loko mo, wag mo na ulitin yun. Sinungaling ka!"
"Sus, maliit na bagay," natatawang sagot ko.
Maganda naman yung duplex na napili ko. Though mas maliit sa dati naming bahay sa Sucat, meron din itong second floor. May dalawang magkasinglaking bedroom sa itaas at isang maillit. Ang maganda pa, may terrace na maliit sa bawat kuwarto. Tag-isang toilet and bath sa first at second floor. Beige at maroon ang dominant na pintura sa loob at labas ng bahay, na maayos pa naman at kahit di na muna ire-touch.
Kasya ang isang kotse sa garahe, actually dalawa, pero mawawalan na nang espasyo para sa garden. At dahil duplex, may madadaanan sa gilid papunta sa likod bahay.
Bakod at landscaping na lang ang kulang pero sabi ni Ate, sya na ang magpapagawa. Gaya ng sya ang monthly na sasagot ng amortization nito dahil ako ang nagbayad ng full downpayment.
Natapos namin ang pag-aayos ng mga gamit bago magdilim the next day dahil doon na rin natulog ang dalawa para mabilis kaming makagawa.
Babalik sila dito next weekend para maumpisahan na ang pagbabakod.
"Isama nyo si Hopia ha?" bilin ko. "Tatawagan ko si Kuya Mike. Sa kanya ako hihingi ng rekomendasyon para sa mag-aayos ng garahe at bakod. Pati kung pwedeng idamay ang garden."
Hindi na rin ako tumanggi nung nag-grocery si Ate ng stock ko ng pagkain para sa susunod na isang linggo. Maaga kaming natulog nang gabing iyon dahil pang-umaga kinabukasan ang pasok ko sa summer class.
The next day, ibinaba nila ako sa most convenient public transport papunta sa Charleston University.
"Jun," tawag ni Ate bago ko isara ang pinto ng SUV. "May budget ka pa ba?"
"Mabubuhay pa ako ng maalwan sa loob ng tatlong buwan, at kung magtitipid, mas mahaba pa. So don't worry, ok? Bye! Mwah!"
Sumakay ako ng van, ang pinaka-convenient at mabilis na sasakyan ko papunta sa Charleston tas sasakay pa uli ako ng isang dyip pagdating sa MOA terminal. Pero mas maganda sana kung may sasakyan ako. Preferably, motor. Kasi kapag nakahanap na 'ko ng trabaho, ayokong maiipit sa traffic. Tsaka, magdyi-gym pa uli ako. Kaya lang, di ko na pwedeng gastusin ang pera ko.
Nakalaan itong budget ko for the next three to five months. Yung pang-full payment ko ng tuition ng first at second sem, nasa mutual fund. Si Paul ang nagturo sa akin nun para yung kikitaing kong interes, pwede kong extrang panggastos. Schedule ang maturity ng mga iyun, base sa enrolment period. So far, yung mga pang projects ko ang iisipin ko.
Di bale, sabi ni Kuya Mike, may allowance ako sa company ng kaibigan nya kapag nag-OJT ako dun ng three months. Sa susunod na buwan na start ko once na ma-approve nang Charleston kung pwede ako sa company na yun.
Kailangang matapos yung bakod sa duplex, within this month. Hahanap na rin ako ng trabaho. Projected timeframe ko is makasimula ako sa OJT at part-time job ng May.
Pagpasok ko sa gate Charleston, pinakita ko yung temporary ID ko sa guard.
Medyo nangangapa ako sa lugar.
Tss. Malaking di hamak sa state university na pinanggalingan ko sa Palawan. At madami sa inaasahan ko ang nagsa-summer class. At marami ring may mga face value dito, male and female alike. Pati bading, maganda. Haha!
Feeling ko, nanggaling na 'ko kanina sa hallway na ito eh.
Pusang-gala! Male-late ako nito sa first subject ko eh. First day, late. Ayos!
Inikot ko uli ang tingin ko. Tsaka ko napansin na may ilang estudyanteng nakatambay sa parking ang nakatanaw sa akin.
Lumakad ako palayo sa area na yun. May nasalaubong akong babae.
"Miss, pwedeng magtanong?"
"Ano yun?" medyo may pagkasupladang sabi.
Swerte nito at bago lang ako dito tsaka kailangan ko ng tulong nya.
"Sa'n ba itong room na 'to? Di ko kasi ma-gets yung coding ng building sa reg form eh."
"Bago ka dito?"
Tumango ako.
May itinuro itong building. Tapos umalis agad.
Parang mas maraming bitch dito kesa sa pinanggalingan ko ah. Di bale, isang taon lang naman ang bubunuin ko dito.
Pinuntahan ko yung tinuro nya, only to find out, hindi yun ang tamang building.
Paksyet yun ah!
Labas uli ako.
Pagdaan ko malapit sa parking area,
"Jun?"
Napalingon ako. Di ko kilala yung lalaki at mga kasama nya. Sila yung nakita kong nakatanaw sa akin kanina.
"Sabi ko na ikaw yan eh," dugtong nito.
Tumaas ang kilay ko. "Di kita kilala."
Ngumiti ito at mga kasama nya. "Sa drag racing kami. Follower mo kami sa FB."
"Wala na 'ko sa community, matagal na. Sige, may pasok pa 'ko."
Nagulat ang mga ito. "Wow! Akala namin joke lang yung paglipat mo ng Manila. Ang swerte naman namin. Dito pa sa Charleston. Sa'ng room ka ba? Hatid ka na namin."
Kahit anong tanggi ko, di ko sila naawat. Ayoko namang makipagtalo dahil male-late na 'ko.
Pero, I have a bad feeling about this. Hindi ko sila namumukhaan at bakit parang di nila alam na ayokong makipag-usap tungkol sa drag racing.
It was an open book sa community.
This is not good. Kailangan kong sabihin kina Paul at Troy.
Ipi-pm ko sila sa FB.
Baka makasagabal pa sila sa goal kong 'total liberation'.
Pagdating ng break, nag-open ako ng data para makapag-FB.
May pumasok agad na mga notif sa FB ko, pero ang umagaw sa atensyon ko ay yung friend request sa main account ko, follow notif sa page ko at likes sa mga profile pics at solo pics ko.
Lahat galing sa iisang tao. Rob Agoncillo.
==========
Cross over with Her Ever After chapter 32 and 33
Chill muna ng konti sa chapter na ito. Gaya sa story ni Andromeda, set up ko si Juno sa paglipat ng Maynila.
try ko another UD tomorrow. Try lang ha. LOLZ!
Enjoy!
==========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro