Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28 Duyan


"Nababaliw ka na nga..." halos pabulong nyang sabi.

"I'm just asking for you to stay with me only for the duration of my stay here in Palawan, Jun."

Tinitigan nya ako ng puno ng pagdududa.

"I'll keep my word. You know me, Jun. I told your manager Abet, that I'd bring you to his home safe. I did. I told Reid I'd look after you when you were in Manila. And I did. I was supposed to do it covert, but I was alarmed when you got drunk with that Troy and I don't know him. That's why I have to take you."

Tinimbang nya mga sinabi ko.

"Hanggang makaalis ka lang ng Palawan. Pagkatapos ng kasal ni Ate Sarah."

Bigla akong napaisip sa sinabi nya.

Damn! That only means until tomorrow afternoon!

I wasn't thinking well. Pero nasabi ko na kaya,

"Yes."

"Deal. Pero yang kamanyakan mo, Rob. Tigilan mo!"

"I'll try."

"Pipilayan kita, letse ka!"

"You know you can't do that to me, babe. And I won't let you. I'll just pin you down and put us on a very compromising position like in my condo and in my room upstairs."

Sinamaan nya ako ng tingin, "Tigilan mo 'ko kakatawag ng 'babe'. Me pinapaalala ka sa 'king tao. Napepeste 'ko."

"Sino, yung Caloy mo?" Sarkastiko kong sabi.

Sa kabila ng matalim nyang tingin, nabanaag ko dun ang lungkot.

Fuck! Is she not over him yet? Then there were Paul and Troy... and she's attracted to me.

What kind of woman is she? Like a freaking hagfish with four hearts?

'Tang ina lang!

"Alright, let's put it this way. Ako'ng escort mo sa kasal ni Sarah at Erol," I grinned at her.

"Tsk!"

"And no calls with those two dweebs while I'm still here. Even name mentioning."

She rolled her eyes.

"Come," I tugged her arm but she stood her ground.

"Ayoko sa kuwarto mo. Baka kung anong kabulastugan na naman gawin mo," singhal sa 'kin.

Natawa ako. "Di ko alam kung nagpapakipot ka, Jun. Sa bibig mo na mismo nanggaling. And I admitted it too that I like you a lot. So I guess ..."

"Letse ka! Wala akong sinabing gusto kita!"

I put both hand in my pocket, "You said you find me hot, and—"

"Marami akong kilalang hot and hunk. Feeling mo?!"

I smirked then I leaned forward, "But you said you we're confused about –"

"Tumahimik ka na, Rob, ha!" Napipikong banta nito, dinuro pa ako.

Ang sarap talaga asarin nito. Namumula ang mukha, tapos liliit-lalaki ang mata kasabay ng butas ng ilong.

Natawa na naman ako, "So, where do you suggest we take a nap?"

Umikot ang tingin nito, tapos sabay turo, "Dyan na lang sa mga sun loungers."

Napasimangot ako, "People will see us when they pass by? Ok lang sa iyo yun? And when the sun starts moving, maiinitan tayo."

Napaisip ito saglit. Nagtatalo ang isip kung papayag sya sa suite ko.

"Come, I know a better place. Don't worry, we won't be confined in a room."

"Saan?"

"Basta."

Hindi na sya pumalag nung akbayan ko ito kasi dumaan malapit sa amin yung Yam.

We went to the east side of the resort which was like a hundred meters away. Medyo mapuno doon pero di naman masukal at tanaw pa rin ang dagat.

"Loko mo, Rob. Ililigaw mo ba 'ko dyan? Ano'ng akala mo sa 'ken, pusa?"

"Sira!" I gently pinched her pert nose.

We walked a bit until we reached a clearing. I pointed to her some trees with hammocks, "Dyan tayo matutulog."

"Wow...!" she whispered. "Ang ganda..."

Aside from this clearing under the shades of the trees, dinig dito ang alon at malayong ingay galing sa resort na humahalo sa mga huni ng ibon. Sakto lang rin ang ihip ng hangin dito.

I liked this place. Twice or thrice na yata akong natulog dito.

I knew she'll like the place. She loves the outdoor and she's free-spirited.

Inalis ko yung mga tuyong dahon sa duyan na napili ko.

"There, kasya tayong dalawa dito," sabi ko.

"Ok ka lang? Dun ako sa kabila," Turo nya sa isa pang duyan dun na mga limang dipa ang layo sa amin.

"No, can do, babe. It's either here or my suite," I firmly said.

Madiin na naglapat ang labi nito, "Tragis ka, Rob! Tigilan mo 'ko sa babe-babe na yan ha!"

"Alright, I'll think of another name for you. Come."

Nahiga na ako sa duyan at inunan ang dalawang braso ko.

"Urong ka dun."

"Look, Jun. Don't be stupid, ok? This hammock is designed to keep its load in the middle. So kahit umurong ako, pareho pa rin tayong dadausdos sa gitna. Halika na, sayang oras."

Nakasimangot itong sumampa sa duyan tapos nahiga ng patalikod.

Tulad ng sabi ko, dumausdos sya sa akin dahil mabigat ako.

Natatawa ako nung pilit nyang nilalayo ang katawan sa akin.

Tumagilid na rin ako ng higa paharap sa likod nya.

"Rob, ano ba?!" Piksi nito nung iangat ko ang ulo nya para iunan sa braso ko.

"Tss, wag ka na maarte. Nagtabi na tayo sa condo ko. Ako pa nga naghubad ng damit mo and even cleaned you up!"

"Shut up ka na ha! Ano ba yang kamay mo!" tinabig nya yung kamay ko na yumakap sa bewang nya.

"What I'm trying to say is, wala naman akong ginawa sa 'yo. Ikaw pa nga ang – ugh!"

Siniko ako nito sa tagiliran. Tsk!

Humarap ito sa akin tapos hinampas ako sa dibdib, "Ang kapal mo! Hindi kita hinipuan nun!"

Natatawa na naman ako, "Di yun ang sasabihin ko. Masyado kang guilty."

"Pak yu k—"

Yup! Inipit ko sya gamit ng nakaunan kong braso then caught her one hand before kissing her again on the lips.

Napatanga na naman ito sa akin pagkatapos then nanliit yung mata sa asar.

Di ko binitawan ang kamay nya pati ang pagkakapulupot ng braso ko sa balikat nya. I even wrapped my leg to hers to make sure she's immobilized.

"I told you earlier, I'll do you if you cuss, scream or do anything stupid, Juno. Halik pa nga lang yan," bulong ko sa tenga nya.

Napahingal ito. Akala ko sa galit but I saw that she was having goosebumps. I smirked.

Nagpipigil yata. Haha!

"Keep still and be quiet. Let's take a nap."

I didn't let go until I felt she already relaxed.

Nakaunan lang sya sa dibdib ko at nakapatong lang rin ang kamay nya sa sikmura ko.

Ako nakatingin lang sa dagat while tapping her shoulder.

I started relaxing, too. I know she's getting comfy.

I thought she's already dozing to sleep when she called my name.

"Rob...?"

"Hhmm..."

"Paano mo nalaman dito?" tanong nya.

"My company takes care of Reid's company's safety and security. So, I know the full plan and landscape of this property and nearby areas."

"Ano ba'ng company nyo?"

"Why so interested?"

"Curious is the right word. Sabi mo safety and security. Tapos, alam mo kung paano i-counter ang sipa at throws ko. Tsaka magaling ka raw magmaneho sabi dati ni Calo—"

Tumikhim ito. Di tinuloy ang sinabi.

Nagdalawang -isip ako kung sasabihin ko sa kanya. She might distance herself from me if she knew what I'm capable of.

"Rob...?"

"Type mo talaga ako, 'no?" biro ko.

"Kapal!"

Natawa ako.

"Lugi ako. Ang dami mong alam sa 'kin. Wala akong alam sa 'yo...maliban sa manyakis ka."

Napahalakahak ako. Mahina akong hinampas sa dibdib.

"Rob, hindi nga. Walang biro. Maliban kina Pa—"

"I said no mentioning of their names." Mapakla kong sabi.

"I'm trying to make a point here, baliw! I mean, maliban sa kanila ... sa iyo pa lang ako naglabas ng saloobin ko noon. I guess, that would count that sub-consciously, may tiwala ako sa 'yo."

"Di ka pa sure na may tiwala ka sa 'kin , huh!"

"Naiirita ko sa 'yo. Ang bastos mo kasi. Ang lakas mo pa mang-inis."

I chuckled, "That's me."

"Ano nga? Nililigaw mo usapan eh."

I cleared my throat, "My skills are necessary to my profession. I own a security and investigation company."

"Investigation?" Napaangat ito ng katawan tapos tumingin sa mukha ko.

"Uhuh. Bumalik ka nga sa pwesto mo. Natatanaw ko cleavage mo. Sabihin mo na naman, binobosohan kita."

"Gago!" pero bumalik ito sa pagkakaunan sa dibdib ko. "Pina-imbestigahan ba ni Kuya Reid si Ate?"

"That's confidential."

"Kapatid ko sya.Ikakasal na sila. At andyan ang pamangkin ko."

Malalim akong napabuntung-hininga. "Keep this confidential, alright."

"Ok."

"Reid wouldn't do that. Mas gusto nyang si Andie mismo ang magsabi sa kanya ng mga nangyari noon. It was Aris Kho."

"Ano?!"

Then I told her what happened to Kho's request.

"I told Reid about it. He loves your sister, so much. And I admire him for that."

"Hanggang saan ang alam mo tungkol kay Ate?"

"I didn't investigate on that part. Aris Kho gave all the info kasama sa request na hanapin si Andie at alamin yung nangyaring pagdukot sa kanya."

I felt her hand grasped the front of my shirt. Her body got tensed. She really loves her sister and her niece.

"Pero kilala ako ni Kho at nahalata nyang limited ang info na binigay ko so he stopped the investigation. Hindi na rin ako nag-push. Una, I don't investigate on people's lives unless it is part of the job and Kho cancelled my service. Pangalawa, ayaw rin ni Reid. Ayaw na nyang makalkal yung nangyari sa Ate mo. Reid doesn't want Andie to relive the trauma. Kaya nga inangkin na nyang anak nya si Hope."

Juno's shoulder shook. I let her cry silently.

"Reid told me about how you worry about Andie and Hope. You can rest your mind. My friend will not abandon them. And he got me and Ralph. By the way, Ralph knew everything that I know. His law firm handles all legal matters about Reid and his family. Mapa-business or personal."

It took a minute or two for her to calm down. Then,

"Ako? Pina-imbestigahan mo 'ko?"

"Why would I? Wala namang nagbabayad sa agency ko para paimbestigahan ka."

"Kung meron, gagawin mo?"

"Gusto mo ba?"

"Syempre hindi. Ungas ka ba? Subukan mo, papatayin kita."

Natawa uli ako, "E di hindi. Takot ko lang sa 'yo. Aray!"

Kinurot ako nito ng pino sa tyan.

Hindi ko na sinabi na mas gusto kong ako lang ang nakakaalam ng tungkol sa kanya.

Hindi na uli sya nagsalita. Kaya pumikit na rin ako.

I was awakened by my phone's vibration. It was a call from Ralph.

"'Sup?" Sagot ko.

"Where are you?"

"Tabi-tabi lang."

"Alas-kuwatro na nang hapon. You even missed lunch."

"Aw, shit!" bulong ko. Napatingin ako kay Juno na tulog pa rin.

Nalipasan ito ng gutom. We came here before eleven in the morning.

May nagsalita sa background nito.

"Is that Rob? ... I'll talk to him."

It was Reid.

"Hey, Rob. Juno's missed lunch, too. Wala kayo pareho sa mga kuwarto nyo. Are you with her?"

"Turn off the damn speaker phone," sabi ko. Akala nila hindi ko alam.

May mga nagtawanan. I knew it. Hindi lang sila ang nakikinig.

When I heard the blip, "Hey, Rob," si Reid uli.

"Yeah, I'm with her. Balik na kami sa resort. Don't dare embarrass Jun once we get back, asshole. She's gonna kill me."

Reid chuckled. "Where 's she?"

"Sleeping."

"East woods?"

"Yup. Gotta go."

Binulsa ko uli ang cp ko. I looked at Juno. Nakayakap na ito sa bewang ko.

Parang ang ikli ng oras.

Mukhang ngayon lang ito nakatulog uli ng mahimbing. Yung tipong bigay na bigay. Nung lasing na lasing itong natulog sa condo ko, hindi ito naghihilik, but she is now.

I mean, it was a low toned snore. When I raised her head to wake her up, she even has a drool at the corner of her lips and my shirt was a bit wet. I'd normally get turned off with the snoring, lalo na sa tulo-laway pag tulog pero natawa lang ako.

I wipe it off with my thumb then pinunas sa shorts ko.

"Hey, wake up," marahan kong inalog ang balikat nya.

Umungol lang ito tapos kumunot ang noo.

My biggest nerve just flickered at the sound of her moan. Shit!

Not now, please. Babalik pa kami sa resort to change. My shirt isn't long enough a cover if I get a bulge in between my legs. Damn!

"Jun, kailangan na nating bumalik sa resort para sa kasal ni Sarah."  

"Tsk!" Mahinang maktol nito tapos tinakpan ang tenga.

I held her chin up then gave her a kiss on the lips. Wala itong reaksyon but when I started nibbling her lower lips, bigla itong napadilat ng malaki. Tapos tinulak ang mukha ko gamit ang palad nya.

"Gago ka ah!"

Kinapitan ko agad kasi baka magwala ito at mahulog kami sa duyan.

"E di nagising ka," tukso ko. "Wag ka magalit. Me atraso ka sa 'kin."

"Natutulog ako, pa'no ko magkakaatraso sa 'yo?" masungit na naman. Parang laging may dalaw eh.

Tinuro ko yung parteng dibdib ng tshirt ko na basa, "You drooled on me."

Kinapa nito ang gilid ng labi.

"I already wiped it off," sabi ko.

Inirapan lang ako, "Ututan pa kita dyan eh."

Tss. Gandang babae pero di man lang napapahiya sa ganun. Proud pa. Haha!

Napapailing na lang ako.

Bumaba na ito sa duyan. Pinagpag ang gusot ng damit at sinuklay ng mga daliri ang buhok nya.

"We have to hurry. It's almost four. Just an hour before the wedding starts. You still have to prepare."

Di ito kumibo. Tapos umatras ng ilang hakbang.

"Ano'ng ginagawa mo?" taka kong tanong.

"Umutot. Gusto mong amuyin? 'Lika dito," mataray na sagot tapos pinagpag ang pang-upo nya.

Napahalakhak ako. She's really crazy.

Inirapan uli ako tapos naunang maglakad.

"Hey, wait up!" Habol ko.

Nakasimangot nyang tinabig yung kamay kong nakaakbay sa kanya pero binalik ko lang yun.

"We've got a deal, don't forget."

Di na nga nya inalis.

"Smile or at least, wag kang sumimangot. Sayang, maganda ka pa naman."

"Di ako maganda. Lampas na 'ko sa lebel na 'yan. Dyosa ako!" pasuplada nyang sagot.

I chuckled, "Ibang klase ang confidence level natin ah."

"Sarili ko ang huli kong kakampi sa mundo. Dapat lang mahalin ko ako."

"Point taken, Dyosa."

She just smirked.

Hinatid ko sya hanggang sa suite nila sa eight floor, then I went to my room, then called the resort's resto.

"It's Rob Agoncillo here. Can you bring a light meal for Juno dela Cruz sa suite ni Reid Schulz? Yup, Asap. Thanks!"

In less than forty-five minutes, I was able to shower and change into my black tux.

I was contemplating if I should pick her up at their suite or just go ahead to the wedding place which is outside the resort. I decided to do the latter.

Malamang matagalan yun. Alam mo na ang mga babae.

Naroon na ang mga guests sa paggaganapan ng kasal. Nakatayo na si Andie at Reid sa harap dahil sila ang kakanta sa kasal ni Sarah.

Nakita ko agad kung saang hilera ng mga upuan nakapuwesto ang mga kaibigan ni Sarah kasama si Ralph.

And I wasn't expecting that Juno is already there katabi si Ralph. Kita ko agad si Juno kahit nakatalikod ito dahil nangingibabaw ang pula nitong buhok with just a white porcelain chopstick to hold its messy bun. May ilang buhok nahulog na buhok sa likod nito which made it even sexier dahil medyo backless ang suot nitong damit kaya kita ang maputi nyang likod.

Tumayo ito dahil tinawag ni Andie.

I held my breath when I saw her walked towards her sister. Katulad ni Andie, simple lang ang suot nito na white bandage knee-length dress. Umayon naman sa pulang motif ng kasal ang suot nitong sapatos, clutch bag at crystal accessories. Well, of course, her hair!

When she returned to her seat, I saw that she was wearing very light make-up, which only highlighted her bloody red lipstick.

Over all, she looks a bit bitchy but elegantly chic.

Our eyes met nung pabalik na sya sa upuan nya.

I mouthed 'Wow!' and she returned it with a smirk sabay irap.

Napalingon tuloy si Ralph. Gumuhit ang pang-asar na ngiti nito.

Pasimple akong nag-dirty finger sa kanya as I walked towards them. Tumawa lang ito ng walang tunog.

Then a guy talked to Juno na nakaupo sa likurang hilera nila. It was Yam.

Nagsalubong agad ang kilay ko.

"Move," bulong ko kay Ralph.

Napapailing-ngisi na umurong ito ng upuan para makatabi ko si Juno.

"Hi, babe," pasimple pero madiin kong bati kay Juno then glared at Yam.

Napatikhim ang lalaki at umayos ng upo.

I put my arm sa sandalan ng upuan ni Juno.

"Whoa!" Mahinang sabi ni Ralph, ganun din si Sam at Rika.

"O-wkey, what's going on?" sabi ni Sam na nanunukso ang tingin sa amin ni Juno.

Bago pa may makapag-react, tumugtog na ang wedding march dahil narito na si Sarah.

Doon natuon ang pansin namin.

"Grabe, ang ganda pa rin ng boses ni Andromeda," narinig kong sabi ni Rika.

"Si Papa Reid din kaya. Bagay talaga, kahit sa boses," si Sam.

The wedding ceremony went well. Except for Sam and Rika who kept on badgering Juno what's going on between us.

Na sinasagot lang ni Jun nang , "Tanungin nyo ang halimaw na 'to," tapos ituturo ako.

Natatawa lang akong sumagot na, "No comment. She'll kill me if I tell you. That was the deal."

"Kayo ha? May pa-secret-secret na kayong nalalaman ha," tukso ni Sam kay Juno sabay sundot sa tagiliran nito.

Napanguso lang ang babae.

"Di ko malaman kung gago ka talaga o ang torpe mo," bulong ni Ralph na natatawa.

"Fuck off!" I hissed.

Going to the reception sa loob rin ng hotel resort, I offered my arm to Juno. Nung kumapit sya dun, nag-iirit na naman sina Sam at Rika tapos nagmamadaling lumakad para iwan kami kasama sina Ralph at iba pa.

"Sisikmuraan na talaga kita, Agoncillo!" Gigil bulong ni Juno.

"Go ahead, then I'll kiss you well in front of everyone at the reception."

O, di natahimik sya. Haha!

Unfortunately, we got different tables. Buti na lang magkatabi lang rin. So I made sure na doon ako sa side ng table naming kung saan malapit ako dito. Pero di ako nito pinapansin.

Para talagang bagyo ito si Juno. Paiba-iba ang mood. Minsan, ok naman sya sa 'kin...pero madalas hindi.

At kapag nagalit, parang lindol na intensity ten na biglang umaatake. Haha!

Nung tawagin ang mga single na babae para sa pagsalo ng bridal bouquet, bumulong si Ralph.

"Ano'ng gagawin mo kung si Jun ang makasalo nyan?"

Natigilan ako saglit. Tumawa ng walang tunog ang gago. Pero sumagot ako,

"I-box out mo yung ibang kasali sa pagsalo ng garter para siguradong ako makakuha."

"Wow ha? Seryosohan na ba?"

"Baka sipain sila ni Juno kapag inangat nila ng husto yung garter. At least ako, kaya kong sanggain."

Tawa ito ng tawa. "Tama...tama. Di ako makikigulo. Baka mapingasan kagwapuhan ko."

"Saang parte?"

"Lul!"

But Sarah only handed the bouquet to Andie. We were expecting that Erol would do the same with the garter kay Reid.

But Reid was nowhere in sight. Nagkaroon ng bulungan sa reception dahil ang tagal na nakatayo doon ni Erol matapos nyang makuha ang garter sa legs ni Sarah.

When the party host finally announced na ipapagaw na lang at tawagin ang mga single men, tumayo agad si Aris Kho.

Kita ko agad ang pag-aalala sa mukha ni Andie. Pagkaasar naman sa mukha ni Juno. Nagpalinga-linga ito, siguro hinahanap si Reid.

Nagtama ang mata namin. Tumango ako kay Juno, then she gave me a weak smile.

My gaze met Andie's, too. Like Ralph, I nodded at her then stood up. Naroon na rin ang mga kaibigan ni Kho. Mukhang kahit ang mga ito, ayaw nilang makuha ng kaibigan ang garter. Kahit kaibigan nila si Aris, ayaw na rin ng mga ito na magulo pa si Andie at si Reid.

But the odds where on Aris' favor. Sumabit ang daliri ni Erol sa garter kaya bumagsak lang ito sa sahig sa tapat ni Aris. Isang malaking hakbang lang at nasa ilalim na ito ng sapatos nya, securing it for himself.

Nag-cheer ang mga bisita. Tinapik ng mga bachelors si Aris sa balikat. Napailing sina Mike at Jeff. Si Ralph, matamlay na pumalakpak. Napabuga naman ako ng hangin sa bibig. Masama ang tingin sa akin ni Juno nung magtama uli ang mata namin.

Lumapit ito sa akin.

"Bakit wala kang ginawa?" Pabulong na sumbat nito.

"What can I do? Nakita mo naman ang nangyari. Be reasonable naman, Dyosa," katwiran ko.

Frustrated na naipadaan nya sa buhok ang palad.

Pinisil ko ang balikat nito, "Hey, chill. We'll find Reid so he can immediately snatch Andie away from Kho in the middle of the last dance, alright?"

Tumango ito. I handed her my hanky.

"Here, you're sweating with frustration."

Kinuha naman nya iyun. "Salamat."

Bumalik si Reid nung nilalagay na yung garter kay Andie.

"Hey, relax," sabi ko at ni Ralph. He's really pissed off.

"Sa'n ka ba galing?" Naiinis na sabi ni Juno.

"I got a call. Sabi sa reception, it was a persistent female caller and an emergency. Pero pagdating ko dun, wala na sa linya. When I was about to go back tumawag ulit, but all I got was a sound of a busy street traffic. Damn!"

Something was off about it but that is not the priority now. Sinabi namin kay Reid and plano namin ni Juno.

"Juno and I will do it," sabi ni Reid.

Nung kalagitnaan ng tugtog, nagsayaw ang dalawa at pasimpleng lumapit kina Andie at Aris.

At wala ngang nagawa ang lalaki nung kumapit na sa kanya si Juno ng mahigpit at kunin ni Reid si Andie.

Mataktikang inilayo ni Reid at ni Juno sina Aris at Andie habang sumasayaw.

I took that chance to dance with Jun.

"...wag ka nang lalapit kay Ate. Masaya na sya. Wag ka nang manggulo!" Mahina pero madiing sabi ni Juno.

Nakatiim ang panga ni Aris. Alam kong hindi ito makikinig sa sinasabi ni Juno at alam iyun ni Juno, kaya lalong bumangis ang mukha nito.

I have to take her away. Konti na lang, at baka magmala-dragon itong bumuga ng apoy kay Kho.

"Can I have a dance with her?" Singit ko.

"Sure," inabot agad ni Aris sa akin ang kamay ni Juno tapos naglakad palayo.

"You alright?"

"Mapuputukan ako ng ugat sa batok sa ulupong na yun!" Inis na sagot nito.

"Chill ka lang. Sayaw na lang tayo."

We dance to two songs nung may isang lalaki na nakiapgpalit ng partner sa amin. Ayoko man, but it will embarrass the guy especially the woman he's dancing with.

I saw that Juno excused herself after that song. Susundan ko sana but my phone rang. Galing sa isa kong agent.

I lost sight of her pagkatapos nang mahabang tawag na yun.

I went back to our table and had some wine.

Then I saw Juno again, with Sam and Aris. Mukhang may nangyaring di maganda dahil nakaismid na naman si Jun kay Aris habang mahigpit syang nakakapit sa braso ng lalaki.

Nung bumalik sina Sam at Juno sa table nila at lumabas ng reception hall si Aris, niyaya ko sya uling sumayaw.

Pa'no, sunud-sunod na naman ang inom ng wine. Baka malasing na naman ito si Juno!

"Ano ba'ng nangyari?"

"Hinarang ni Madison at nung mag-asawang Kho si Ate sa itaas. Naku! Sarap pilipitin ng leeg ng maarteng babaeng yun!" Gigil na naman ito.

"Saktong magsi-CR kami. Sumama na rin si Kuya Reid sa second floor dahil mas konti ang nagbabanyo dun. Andun yung ulupong, inaaway yung tatlo para kay Ate. Ang kaso nung paalisin ni Kuya yung talo, sila naman nung singkit ang nag-aaway. Nagalit si Ate."

"O, asan na sina Reid?"

"Ewan ko. Naglalabing-labing siguro sa taas."

"Tayo kaya, kelan maglalabing-labing?" biro ko.

"Mukha mo, labing-labing!" pero nagpipigil ito ng ngiti.

"Jun, wag mong pigilin yang tawa mo, baka maging utot yan."

"Gago!" Natawa na nga ito.

Bipolar talaga! Well, at least, di na sya nakasimangot.

Hindi ko na hiniwalayan si Jun that evening. Isa pa, binabantayan ko ang pag-inom nito ng wine.

Hindi pa tapos yung reception party, nahihilo na ito. Kaya niyaya ko uli itong magbabad sa dagat.

And like the night before, nakaidlip ito sa likod ko habang nasa dagat kami... and me having blue balls!

"Jun..."

"Oh?"

We were walking along the hallway going to their suite. Nakaakbay ako dito at nakapulupot ang braso nya sa bewang ko. Mukhang natutulog ito ng naglalakad. Parang tamad na tamad humakbang eh.

"Take a quick shower and change. I'll pick you up after ten minutes."

"Bakit?"

"Tabi tayo matulog."

"Gago ka talaga," patamad nya pa ring sagot.

"I have to leave earlier than my scheduled flight tomorrow. Kailangan ako sa office. So yung deal natin, masho-shorten."

Di ito kumibo.

"Dun uli sa may duyan."

Her face lit up a little. She really likes the place... just the way I like it.

"Di ba malamok dun?"

"Not that I know of. I'll bring a blanket for us. Then we'll get an anti-mosquito lotion from the clinic on our way out."

"Sige."

Pagpasok nya sa suite, nagmamadali na rin akong pumunta sa suite ko para maligo at magpalit ng damit.

Bitbit ang isang kumot at flashlight, sinundo ko si Juno.

Napangiti ako nung makita kong naka-pajama ito.

We hurried to the east woods after getting the anti-mosquito lotion.

"Rob, ano ito?"

Dahil nakaakbay ako dito at nakakapit sya sa bewang ko, nakapa nya yung,

"Hunting knife," simple kong sabi.

"Akala ko ba safe dito?"

"It is but just to make sure. Things just happen, you know."

"Kunsabagay."

I turned the flashlight as we enter the woods.

"Ang dilim pala dito, sobra," komento nya.

"Pag nasanay mata mo sa dilim, makikita mo yung dagat at ilang ilaw galing sa kabilang isla. You'd even see the stars peeking above the trees."

Pinagpag ko uli yung duyan bago kami pumuwesto ng higa.

"Isang kumot lang talaga?"

"We're too compact in this hammock, Jun. We don't need two blankets. Isa pa, we need each other's warmth kapag malamig na mamaya."

Naaninag ko pa ang pag-usli ng nguso nito.

"Rob..."

"Oh?"

Nakaunan uli ito sa dibdib ko at yakap ko sya sa balikat.

Inayos ko yung kumot hanggang dibdib namin.

"Pagud na pagod pakiramdam ko. Baka malawayan ko na naman tshirt mo."

"Ok lang. Lalawayan naman kita sa buong katawan—ugh!"

Piniga kasi nito ang tagiliran ko. Grabeng lakas ng grip nito! Tsk!

"Ang tigas naman talaga ng abs mo."

Eto na naman kami sa usapang ito. Malamang may tama pa rin ito ng alak. Ganito ito sa akin kapag hilo pa sa alcohol eh. Sobrang honest! Haha!

"May muscle ako na mas matigas pa dyan. Yun ang pinakamatigas kong muscle kapag nasa mood."

"Bastos!"

Napahalakhak ako.

"Tangna mo ka—"

Hindi na nito natapos ang pagmumura sa 'kin because I already cupped her face and kissed her fervently. I only stopped when she needed air to breath. She's still not that good at kissing.

"I told you, I'll do you if you cuss or do anything stupid."

"You're not doing me. Halik ka nang halik!" simmat nito sabay hampas uli sa dibdib ko.

"You want me to do you? Dun tayo sa kuwarto ko."

"Hindeeh! Ang manyak mo talaga!" Gigil bulong nya tapos piniga uli ako sa tagiliran.

Natatawa lang ako while tapping her back and shoulders.

"Sleep, before I change my mind," sabi ko na lang.

We were silent for minutes.

Just listening to the sound of nature around us, the far noise from the resort and our breathing.

"Rob..." mahina nyang tawag.

"Antok na 'ko..."

"Di kita momolestyahin kasi papatayin mo 'ko," dugtong ko.

She chuckled lazily. Antok na talaga.

I kissed her head, "I won't. Babantayan kita tonight. Matulog ka na."

"Ok..."

Tapos tahimik na uli. Then her breathing became steady and there goes her cute snoring again.

I felt her phone vibrated na nasa tagiliran nya.

Kinuha ko iyon.

Again, a conference call from Paul and Troy. I answered it.

"Hello! Jun?"

"Bakit ang tagal mong sagutin?"

Sabay nilang bungad.

"She's already asleep with me. Don't call her!" Mahina ang asar kong sabi then cancelled the call.

Pinatay ko na rin yung cp.

Napabuga ako ng hangin.

"I won't, Juno... I won't until you're ready..." I whispered in the air.

=============

Cross over with Her Ever After chapter 30 and 31 


=============


Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj