Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26 Goodnight

Nakasakay kami sa tourist van na service ng hotel ni Kuya Reid. Sya na talaga! Pramis!

Tanaw ko na ang Schulz Hotel and Resorts El Nido. Nate-tense ako. Katatapos lang kasing kausapin ni Kuya Reid sa cp yung Ralph. Sa pagkakatanda ko, yun yung lawyer nilang kaibigan. Tapos narinig kong sabi ng aso ni Ate,



"Just ask the receptionist for your room and keys. All guests have assigned rooms."

Tapos tumawa si Kuya Reid. "Of course, you have separate rooms, fucktards...ugh!"

Siniko ito ni Ate Andie sa tagiliran.

"Reid! Marinig ka ni Hope," bulong ni Ate.

"Aw, sorry."

Tumikhim si Kuya, "Where was I? Ah, oo. Ayun. Yup. Magkatabi lang kayo ng room ni Rob."

Tapos tumawa uli si Kuya at pasimpleng tiningnan ako. Feeling ko tuloy, ako ang pinag-uusapan nila.

"Matatanda na kayo. Just don't make any mess. It's my resort's inauguration today, and my sister's wedding tomorrow. Hintayin nyo na lang kami sa reception. Dito na kami sa gate ng resort."



Palihim akong bumuga ng hangin nung huminto na yung van sa reserved parking para sa amin.

Ako ang nagbitbit ng gamit ko. Isang hand carry bag lang naman ang dala ko. Hindi ako sanay na may nagbibitbit nito kahit may mga bellboys agad na lumapit sa amin.

Yung gown na isusuot ko bukas para sa kasal ni Ate Sarah, nakapaper bag lang na hawak ko rin. Di naman kasi ako bumili ng fluffy gown. I kept it minimum para madaling dalhin so I bought a knee-length sleeveless bandage dress. 

Pagpasok namin sa reception area, nakita ko sa peripheral ko ang dalawang lalaking tumayo mula sa waiting lounge palapit sa amin.

Ang tigas ng leeg ko para di sila lingunin, pramis!

"Reid!" si Ralph yun.

Nagbatian sila. Gaya nung una, pabirong binati ni Rob si Ate ng 'misis'.

"Hello, there!" bati ni Ralph sa 'ken.

"Hi!" Kumaway lang ako ng tipid. Di ko tinapunan ng tingin si Rob.

Pasalamat sya, napigilan kong irapan sya. Naiinis ako sa mukha nito. Ewan ko.

Asus! Pahiya ka lang kasi sa kanya, ilang beses na! Arte-arte mo! Gusto mo nga gawing agahan abs nyan nung makatulog ka sa condo nya eh.

Tse!

Ismid ko sa parteng yun ng utak ko na ewan ko kung akin talaga! Yung parte ng utak ko na kaaway ko lagi. Ang lakas mangdaot eh! Bwiset!

Pag ako nagkaron ng milyones, ipapaopera ko utak ko. Tas papapalitan ko nung palaging kakampi sa 'ken. Naku talaga!

"Jun, si Rob."

Bigla akong nagising sa pakikipag-away sa utak ko.

Di ko napigilang tingnan ng patagilid si Kuya Reid. Nagpipigil ito ng ngisi. Sarap bigyan ng flying kick sa mukha eh. Inirapan ko bago bumaling sa gawi ng mga kaibigan nya.

Isa pa itong si Ralph na di nga nakangisi ang labi, pero yung mata, humahalakhak. Pero si Rob, pokerface lang. Pag-untugin ko kaya silang tatlo?

Ngumiti ako ng tipid pero feeling ko, ngiwi yun,

"Hi." Pilit kong bati at kaway sa ex-anino ko ng apat na araw sa Maynila.

Tumango lang ito.

Ang sungeeet!

'Tragis, wag nya 'ko hamunin! Di sya mananalo sa 'ken ng pagsusungit, hah!

Nakow! Naisnab ka kasi kaya ka ganyan!

Hmp! Eto na naman ang kaaway kong utak! Manahimik!

Sumabay na sila sa amin sa elevator matapos makuha ang kanya-kanyang susi.

Gaya ni Madel, di ako sumasali sa usapan nila sa loob ng elevator.

Sa seventh floor bumaba ang dalawa. Kami sa eight floor kung saan naro'n ang mga presidential suite. Yung pinakadulong suite, exclusive kay Kuya Reid. Tatlo ang kuwarto dun kaya kasama na nila ako sa suite.

Pagka-settle ng gamit namin, lumipat agad kami ni Ate Andie sa suite ni Ate Sarah na nasa floor din na iyon. Naroon sina Ate Rika at Sam. Tilian kaming lahat sa loob.

Tapos kwentuhan kaming umaatikabo.

Maya-maya may kumatok uli. Si Ate Rika ang nagbukas ng pinto dahil baka yung kasama nya raw na pinsan nya. Pinakilala sa amin. Yusuke ang pangalan. Nagsabi lang pala na bababa ito dahil baka hanapin ni Rika.

"Ate, ang pogi at macho naman nun," komento ko.

"Pamintang buo yun. Sobrang secret nya yun. Tsaka wag nyong ipapaalam na pinsan ko sya," sabi ni Ate.

"Bagay pala kami," sabi ni Sam.

Natawa kami. Si Sam kasi kahit malanding bading, hindi nakakairitang kausap.

Pati tuloy ang pinsan nya naging topic namin.

Sinabi rin ni Ate Sarah na buntis ito ng dalawang buwan. Sasabihin nya kay Kuya Erol sa mismong wedding vow nya bukas.

Tawa kami ng tawa kasi nai-imagine na namin ang magiging reaction ni Kuya Erol at mga makakarinig. Nagpaalam ako na babalik muna sa suite namin para umidlip sandali.

Kailangan ko ng energy mamya sa party after inauguration.

Pagod pa ako sa ilang araw aktibidades ko para sa paglipat naming Maynila. Isama pa ang pag-aasikaso ng school clearance ko. Yung tipong lakad ako nang lakad sa loob ng campus kakahanap ng mga faculty members, mga deans at kung sinu-sino pa para matapos ko na ang clearance ko at mga kailangang school records para makuha ko na agad ang transcript ko. Nakakapagod at nakakasuya rin ang makiusap lagi sa mga paimportanteng school officials. My ghad!

Nagising ako sa katok ni Ate sa kuwarto ko.

"Jun, mauna na kaming bababa. Hintayin ka namin sa visitor's lounge."

"Sige," sagot ko nung pagbuksan ko ng pinto.

Naka-rash guard silang 'mag-anak'.

Si Madel, ang fresh tingnan sa suot nyang puting bikini na pinatungan ng manipis na floral sarong.

Nag-shower na ako paglabas nila.

Sinuot ko yung royal blue kong bikini. Pinatungan ko yung ng white see-through poncho na hanggang gitnang hita ko lang ang haba. Nag-towel dry lang ako ng buhok.

'Tas nag-selfie pa ako sa harap ng malaking vanity mirror doon at pa-seksing nag-pose. Inangat ko pa nga ng konte yung poncho ko para kita yung bikini bottom ko. Ilang pose rin ang ginawa ko. Lumabas na ako sa suite at naghintay sa elevator. Namimili ako ng pinakagusto kong selfie nung bumukas ang elevator kaya sumakay na ako. Nung makapili ako, nilagay ko sa FB album ko na kaming tatlo lang nina Paul at Troy ang nakaka-view.

Natatawa pa ako nung naramdaman kong huminto yung elevator. Pagtingin ko sa seventh floor pa lang.

Sana hindi yung halimaw na si Rob.

Ang pogi namang halimaw nun! Eto na naman ang antagonista kong utak.

At hindi dininig ng mga diwata ang hiling ko dahil pagbukas ng elevator, mukha agad ni Rob at Ralph ang nakita ko.

Though magkaiba ng design at kulay, parehong silang naka-board shorts at nakasando. Pinatungan nila yun ng summer printed polo na bukas ang mga butones.

Syeeet! Ang hot! Muntik tumulo laway ko.

Pero di pwede nakakahiya. Tsaka, hello! Si Rob yan. Ang nakakainis na si Rob. Hmp!

"Hey there!" bati ni Ralph.

Matipid ko syang nginitian. Di ko tiningnan si Rob.

Umatras ako kasi may iba ring sasakay sa floor na yun. Binalik ko ang tingin ko sa cp ko para lagyan ng caption yung picture. Di pa 'ko tapos mag-type, huminto uli yung elevator. Di ko alam kung saang floor kasi natatabunan ako ng dalawang higanteng kaibigan ni Kuya Reid.

Umatras sila dahil may sasakay kaya napagitnaan nila ako. Tinuloy ko lang ang pagta-type ko ng caption na :

Dahil di na 'ko mahal ni Paul   , hahanap ang Dyosa ng papabol tonight 😊 😊 @ El Nido, Palawan.

Pigil hagikhik ko yung p-in-ost.

"Tss."

Pagtingala ko kay Rob, nahuli ko pa ang pag-iwas ng mata nito.

"Text-moso," parinig ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph.

Isa pa ito. Kung di lang ito abogado at i-demanda ako, sinikmuraan ko na ito eh.

Tumunog ang cp ko. Binasa ko iyun. Si Paul, nag-comment.

Wow, ang hot! Balikan na lang kaya kita? 😊

Nag-comment na rin si Troy.

Nasa Pilipinas lang ako, dude! Mauuna ako sa 'yo sa Palawan! 😝

Natawa ako.

"Tsk!" Malutong yun.

Pagtingin ko uli kay Rob, di na ito nag-iwas ng tingin habang nakasilip sa cp ko.

"Garapalan na eh, ano?" Sarkastikong sabi ko sa kanya.

Pinanaliman lang ako ng tingin nito.

Nagulat ako nung bigla nya akong hawakan sa braso at iharang ang isang kamay sa tapat ng dibdib ko.

By reflex, napaiwas ako, "Ay kulangot!"

Yun pala, may pumasok uli sa elevator at maiipit ako nung lalaki sa harapan ko dahil medyo naghaharutan ito at yung kasamang babae.

Nakteteng naman kasi. Akala ko hahawakan nya boobs ko 'no!

Asa ka naman, Jun! O talagang inaasahan mo? Tukso na naman ng kontrabida kong utak.

"Text kasi ng text," parinig ni Rob.

Marahang tinapik ni Ralph yung lalaki sa harap ko.

"Kid, careful with your steps," teenager lang pala. Matangkad lang.

"May kasama kaming maliit. Baka matapakan mo. Ikaw rin," singit ni Rob.

Tumikwas ang kilay ko, "Maliit? Matapakan? Ano ako, tae?!"

"Ikaw may sabi nyan," pokerface nyang sagot.

May naghagikhikan sa mga naroroon sa elevator. Pati si Ralph, natawa ng mahina.

"Ugh!" Maikling daing ni Rob.

Siniko ko sya sa tagiliran.

Syeeet! ang tigas naman. Panalo talaga sa abs ang halimaw na 'to!

Nasa ground na kami nung mag-alert uli ang cp ko. Tag notif.

"After you," sabi ni Ralph.

Lumabas muna ako ng elevator at gumilid bago tingnan. In-screen cap at pinost ni Paul yung pic ko pati convo naming tatlo sa FB account nyang gamit sa drag racing community. Nakatag-kami ni Troy na may caption na: 

Crazy convo with Crazy Dyosa and her two Crazy Sentinels. ❤ .Oy, Troy, nasa Pinas ka lang. Bantayan mo yan. 😝

May comment na rin si Troy na : 

Bawal tumawid. Nakakamatay na hotness. Sasagasaan ko kayo. 😝

Nanlaki mga mata ko.

"Mga baliw lang!" Di ko napigilang sabihin na natatawa. At the same time, na-touch ako.

Oo nga. Paul and Troy are my sentinels.

Sunud-sunod na nag-alert ang cp ko dahil sa sunud-sunod ring makukulit na comments ng mga kakilala namin sa community.

Inilagay ko sa silent ang phone ko. Mauubusan ako ng charge. Inilagay ko na sa cp sling pouch ko.

Nagulat ako na nasa likod ko pa rin pala yung dalawa.

"Ginagawa nyo dyan?" Tanong ko.

"I'm with him," si Ralph ang sumagot na tinuro si Rob, "But he's waiting for you."

"Tss." Si Rob kay Ralph.

"Ano, Jun? You done with your 'sentinels'?" Sarkastiko nyang sinabi ang salitang yun.

"Problema mong textmoso ka?!" Inirapan ko ito tapos nauna na 'kong lumakad sa visitors lounge... para mabwisit lang uli.

"Sorry to keep you waiting," hinging paumanhin ni Rob.

Wow ha! May manners!

Bigla kong nakalimutan asar ko ke Rob at nabunton kay,

"Hay naku! May ulupong!" Di ko napigilang magparinig sa singkit na ex ni Ate Andie.

Mahinang nagtawanan ang mga naroon. Kami na lang palang tatlo ang hinihintay.

Sinaway ako ni Ate.

"Tita Dyosaaa!!! Kiss!"

"How are you, Hopia ko?" Yumuko ako para humalik sa pamangkin ko.

Biglang may tumikhim. Parang si Rob.

"Bunso, ang hot mo naman ngayon," biro ni Kuya Mike.

"Old news na yan, Kuya Mike!" Birong irap ko sa kanya pagharap ko.

Nahagip ng mata ko ang pagkunot ng noo ng halimaw kay Kuya Mike. Problema nito ni Rob? May bad blood ba sila ni Kuya Mike? Dapat nga magkasundo sila eh. Parehong sila ng balahibo.

Pero, siyempre, iba si Kuya Mike. Kuya Mike yan eh!

"Huwag basta tuwad ng tuw—" natatawang dugtong ni Kuya Mike.

"At bakit? May magtatangka? Subukan lang kundi lilipad sila palabas ng resort ng di sumasayad ang paa sa buhangin!" Sabi ko na nakapamewang pa. Tapos tumingin ako sa ulupong na singkit ng matalim.

Well, ipinapaalala ko lang naman yung ginawa ko sa kanya sa airport noon.

Nagtawanan uli mga kaibigan ni Ate kasabay ng pagsaway ng kapatid ko sa akin.

Nagkabiruan na kami at tuksuhan na lalo na nung nagpa-cute ako sa Japanese na pinsan ni Ate Rika, kahit alam kong bading yun.

Nagti-trip lang naman ako.

Nagyaya na si Kuya Reid na pumunta na sa event area para sa inauguration party.

Sinadya kong dumaan sa tabi ng ex ni Ate sabay mahinang nagbanta na, "Subukan mo lang..."

Nagsisimula na nga yung inauguration event.

As we enter the event, nagsalita yung host,

"Let's welcome the owner, Mr. Frederich Schulz, with his family and friends!"

Ang taray naman ng datingan. May ganun pang nalalaman. Haha!

Gaya ng mga normal na inauguration, may mga speech ang mga opisyal ng company ni Kuya Reid.

Di ko na pinag-iintindi mga sinasabi. Busy mata ko sa mga hunk papabols sa paligid. Hihi!

Umakyat rin si Kuya Reid para mag-speech. Narinig kong binanggit nya pangalan ni Ate. Tapos maya-maya, nag- I love you. Nagkatuksuhan tuloy. Kaumay! Hehe!

Ang alam ko, si Ate ang nag-request na ganitong theme ang gawin sa inauguration nila. Na gawing parang beach party imbes na formal party. Yung chill-chill lang.

Agree ako sa kanya dun. Beach resort ito kaya dapat lang na ganito. Mas masaya kaya kesa naka-formal gown.

Kanina yata yung ribbon cutting pagdating namin. Pero for picture taking purposes lang.

Dumating rin sina Tita Alice at yung daddy ni Kuya Reid. Napangiti akong makita na magiliw sila sa pamangkin ko. As in sobra.

Medyo nakaka-guilty lang. Ang alam kasi nila, apo talaga nila si Hopia.

Inikot ko ang tingin ko, sabay bulong kay Sam, "Baks, ang daming 'men'. Maiimpatso mata ko nito hanggang mamaya."

"Ay, true!" Naghahagikhikan namin sabi.

"Yun nga lang, dami ring magaganda," sabat ni Ate Rika.

Totoo naman. May mga babae dito na naka-bikini lang, as in. Parang mga nakabilad na daing. Hoho!

"Ang mga Dyosa, di dapat nai-insecure sa mga mortal, Ate Riks," sabi ko.

"Bet ko yan," sabi nito. Tapos nag-high five kami pati si Sam.

Naligaw ang mata ko sa gawi nina Rob. Naglilibot din ang mata nito sa paligid.

Naghahanap siguro ng malalandi nya dito. Hmp!

"Tita Dyosa, kiss!" Lumapit si Hopia sa akin. As usual kasunod nya si Madel pati si Ate Andie.

Yumuko ako at iniamba ang pisngi ko.

"Saan punta nyo, baby?"

"Dun muna sila sa children's party sa kabila," si Ate ang sumagot.

"Ah ok," may separate event yung mga bata na kasama ng mga invited guests. "Enjoy!"

Sinundan ko sila ng tingin. Naligaw uli ang mata ko sa gawi nina Rob.

Nagtama ang tingin namin. May binulong dito si Ralph tapos sumimangot. Di ko alam kung ako pinag-uusapan nila. Pero pasimple akong umirap.

"Ano'ng meron sa inyo nung yummy friend ni Papa Reid?" bulong ni Sam.

"Huh? Wala ah!" Tanggi ko.

"Hhmmm...parang meron eh," tukso nito.

Ngumuso lang ako. Nagkonsentra na lang ako sa pagkain na s-in-erve sa amin kani-kanina.

Nakakadalawang kopita na ako nang wine nung matapos ang formal program proper at i-anunsyo na party time na.

May umakyat na variety band. Mas dumami yung mga beer at kung anu-ano pang alak sa mga table nung patayin ang maliliwanag na ilaw sa area. Napalitan ito ng makukulay at malilikot na galaw ng ilaw. May mga tumayo na rin para magsayaw sa dance floor

Nagkayayaan na kami nina Ate Rika, Sam, Ate Sarah At Yusuke na magsayaw rin nung mag-ikot na sina Kuya Reid at Ate Andie sa mga tables dun para makipag-chikahan sa mga bisita.

Nung una kami-kami lang ang magkaka-partner. Nung may nakipagsayaw na sa aming iba, lumapit na rin si Kuya Erol para makipagsayaw kay Ate Sarah.

"Baka maagaw pa bride ko. Handang-handa na 'ko bukas ," biro nito.

Natawa kami.

Nakita ko pa sa dance floor si Boss Matt na may kasayaw na babae. Siguro, misis nya. Grabe makakapit eh.

Kumaway kami ng pasimple sa isa't-isa nung magtama ang tingin namin.

Sigawan kami nung magpalit ng mas magandang tugtog.

Matagal na rin kaming sumayaw. Kumukuha na lang kami ng alcoholic beverages sa tray ng mga dumadaang waiters.

Maya-maya lang, nakisali na sa amin sina Ate Andie, Kuya Reid, Kuya Jeff at Kuya Mike.

Ang saya-saya! Natutuwa ako kay Ate Andie. Enjoy na enjoy ito. Ang alam ko, ito ang unang beses na makapag-rave party sya sa beach. Tapos yung aso nya, tingin pa lang kay Ate, halatang ded na ded sa kapatid ko. Haha!

Bumalik kami sa table namin. Nagkwentuhan kami uli. Saglit lang nagpaalam na si Kuya Reid na matutulog na. Nahihilo na kasi si Ate.

"Grabe ka, Andromeda. Ilang bote pa lang naiinom mo na beer, nahihilo ka na. Partida, San Mig Light lang yan," si Sam.

"College pa tayo nung huli akong uminom," sabi si Ate.

"Oh!" Nagulat si Sam.

Tinukso ko, "Sus, magmo-moment lang sila ni Kuya Re--"

"Juno! Kakalbuhin na talaga kita! Ang harot mo!" Sikmat sa akin na namumula.

Tawa kami ng tawa.

"Jun, mapula ka na ha. Tama na yan," paalala sa akin ni Ate.

"Ganun talaga pag tisay, 'Te!" Kumindat pa ako. "Chill ka lang! Maglalangoy pa ako sandali bago umakyat."

"Kasal nina Sarah bukas, don't stay up late."

"Oo na. Matulog na kayo at magpakarami. Tsupi!" Taboy ko sa kanila.

Sumama na rin sa kanila si Ate Rika at yung Japanese nyang pinsan.

Bumalik kami sa dance floor at nagsayaw.

Kami ni Sam ang magka-partner, "My Ghad, Jun. Wag mo 'ko sawayan ng ganyan. Nakakatibo ka!"

Tawa ako ng tawa, kasi patalikod akong gumigiling sa harap nya.

May isang lalaki dun na kumapit sa bewang ko.

"Brod, pahiram muna kay Dyosa," paalam sa kasayaw ko.

Napalingon ako dito. Kilala ko ito. Mula sa community.

"Yam!" Napangiti ako.

Napasinghap si Sam. Ewan ko kung dahil tinawag syang 'brod' o dahil kay Yam. Pogi rin kasi ito. Pasado ito sa taste ni Sam.

Ito yung nag-third place sa round one ng laban ko sa Olongapo, kung saan nag-second si Paul.

Tumango na lang si Sam at nakisali kina Ate Rika.

"I just saw your hot pic on Paul's FB hours ago. Dito pala yun na sinasabi mong @ Palawan."

"Fiancé ng ate ko yung may-ari ng resort. Bestfriend naman nya yung ikakasal," sabi ko habang nagsasayaw kami.

"Big time ka na pala."

"Di ako kasali dun. Nakiki-party lang."

Natawa ito.

May dumaang waiter kaya kumuha ako ng isang beer sa tray nito. Ganun din ginawa ni Yam.

"Ikaw, ano'ng gawa mo dito?"

"My parents were invited. They tagged me along."

"Aah, I see." Rich kid rin pala talaga. Sa pagkakaalam ko, kaedaran ko lang ito.

"So...your pic. Looking for a new guy?" Nakangiting sabi.

Muntik kong maibuga sa kanya yung beer na nasa bibig ko. Nasamid ako.

Putsa, naubo talaga ako sa sinabi nya. Muntik lumabas yung beer sa ilong ko. Ang sakit sa lalamunan.

"Hey, chill," natatawa nyang sabi habang hinihimas ang likod ko.

"Gagi ka! Nagulat ako sa sinabi mo. Biruan lang namin ni Paul at Troy yun. Private convo naming tatlo yun. Inaasar lang nila ako at p-in-ost sa wall."

"Mag-a-apply sana ako eh," nakangiting sabi.

Napausog ito dahil may nakabangga sa kanyang sumasayaw. Medyo malakas yun.

"What the ..." medyo naasar si Yam dahil muntik nya mabitawan yung beer nya.

Pagtingin ko sa nakabangga sa kanya... si Rob. May kasayaw itong babae na halos ipagduldulan yung di naman pinagpalang boobs sa kanya.

Napairap ako.

Hinatak ko si Yam bago nya pa lingunin si Rob, "Upo muna tayo."

Bumalik kami sa table namin. Walang tao dun. Kahit yung ex ni ate na nasa ibang table kanina na kakwentuhan ni Madel, di ko na nakita. Sina Kuya Jeff, ewan ko kung nasaan na. Medyo kanya-kanya na kami.

"Nakita ko ate mo kanina, kasama ni Mr. Schulz. Maganda rin."

"Nasa lahi namin," biro ko.

Tumawa ito. Kumaway ito sa waiter para kumuha uli ng beer para sa amin. Nagkwentuhan kami. Kinumpirma ko sa kanya yung balita na lilipat na nga kami ng Maynila.

Nag-groupie pa kaming dalawa gamit cp nya. Tapos, nag-comment din sya sa post ni Paul na pic ko na : 

Sorry guys, I'm with her now. 😝

Tapos nilagay nya yung pic naming dalawa.

Naumpisahan kong mairita. Feeling nito?!

Tapos kinukulit ako sa address ko sa Maynila. Eh sabi ko, di ko kabisado. Sinangkalan ko na sa villa kami ni Kuya Reid titira.

Nung yung cp number ko ang kinukuha, "Kay Paul or Troy mo hingin," sabi ko.

Napakamot ito sa batok, "Ano ba'ng score sa pagitan nyo ni Paul?"

"Close kami," maikli kong sagot.

"E si Troy?"

"Ganun din. Sentinels ko nga eh."

"Baka pwede rin akong maging sentinel mo?"

Mabait nga pero uncool. Super uncool na feelingero. Naumpisahang sumakit at pumintig ng ulo ko sa lalaking ito.

Di ko sya feel. Di gaya nina Paul at Troy na kahit mahangin at babaero, magaan ang loob ko at totoong mapagkakatiwalaan.

Tsaka alam ko, sa tono ng salita nito, tungkol sa 'sentinel', iba ang iniisip nya.

Kaya sagot ko, "Wag na. Si Paul at Troy pa nga lang, sakit na sa bangs."

"Di ko pasasakitin ulo mo, promise."

Naku, sumasakit na nga, ngayon pa lang! Muntik kong masabi.

Nakukulitan na 'ko. Ayoko pa naman maglabas ng buntot dito sa party. Nakakahiya ke Kuya Reid kapag nagtaray ako dito tapos maging issue.

Diniretso ko na ito, "Di ba may girlfriend ka?"

Nagkibit ito ng balikat, "Matagal na kitang gustong ligawan eh. Kaso andyan nga yung dalawa. About Wanda, di naman ako seryoso dun."

"Pasensya na, Yam, pero di talaga eh. To be honest, turn off ako sa kakasabi mo lang about Wanda. Yung sa amin ni Paul, kahit almost one year lang kami, seryoso kami at may respeto kami sa isa't-isa. Kaya nga, bestfriends pa rin kami."

Well, di naman ako nagsisinungaling dun sa seryoso kami ni Paul. Kasi, seryoso naman kami sa pagkakaibigan namin. Kaya nga kami napasok sa relasyong boyfriend-girlfriend. Para protektahan ako.

Pasimple ko nang inikot ang mata ko. Di ko makita sina Sam. Malapit nang humulagpos ang kakapiraso kong pasensya sa katawan.

"Seseryosohin naman kita," pilit pa nito.

"Naku, Yam! Wag naman na ganitong nakainom na 'ko," sabi ko na. "Alam mong maldita ako. Nahihiya lang ako ke Kuya Reid na gumawa ng eksena dito. Wag mong sirain ang pagkakakilala natin."

"Bakit naman sina Paul at Troy?"

"Alam mo, Yam, kami nina Paul at Troy, iba yung sa amin."

Nasusuya na talaga ako. "Teka, hahanapin ko lang mga kasama ko."

Pero hinawakan nya ako sa braso pagtayo ko. "Samahan na kita."

"Babe."

Nahigit ko ang hininga ko. Kahit di ako lumingon sa lalaking nasa likod ko, kilala ko ito.

"Common, let's swim," pinatong ni Rob ang kamay sa balikat ko at pinisil iyun.

"And you are?" Si Yam na nakakunot ang noo kay Rob. Medyo nakatingala ito kasi mas matangkad na di hamak si Rob sa kanya.

Tumayo na 'ko, "Uhm, Yam, si Rob."

Nilagay agad ni Rob ang kamay sa bewang ko tapos nag-abot ng kamay kay Yam, "Hi! I'm her boyfriend."

Di ko alam kung mapapangiwi ako sa pakilala ni Rob o kikiligin ako.

Kikiligin talaga, Juno?

Ay syeeet! Oo, nga. Bakit ko ba naisip yun?!

This is the second time around na ginawa ito ni Rob.

Kahit halatang nagulat, inabot ni Yam ang kamay ni Rob, "Uhm, yeah. Nice meeting you. Friend nya ako."

"Oh, I heard somewhat different a while ago, though."

Pucha! Kanina pa ba sya nakikinig?

"Have you met Paul and Troy?" sa halip ay sabi ni Yam.

Juice colored naman ang taong ito! Starting today, iiwasan ko na 'to, pramis!

"Yeah, but just Troy. Paul, not yet. Nasa US sya eh," tapos inangat ni Rob ang baba ko patingin sa kanya.

"Kinukwento mo naman ako sa kanila, di ba, babe?"

"Ah eh... oo," hilaw na ngiting sagot ko. "Uhm, 'lika na, Rob. Swimming tayo."

Hinatak ko na ito, "Sige, Yam."

Kumaway na lang ako ng tipid.

Bago tumalikod, nagsalita si Rob.

"Hey, Yam! If you have contact with Troy and Paul, tell them to stay away from my girl, ok?"

Hindi ko na narinig ang sagot ni Yam dahil halos bitbitin na 'ko ni Rob papunta sa tabing-dagat.

Di agad ako nakapag-react dahil magkahalong pagkalito at pagkaasar ang nararamdaman ko sa huli nyang sinabi.

Nung malayu-layo na kami sa party area.

"Bitawan mo nga ako!" Singhal ko dito tapos pilit kong inalis yung kamay nya sa bewang ko.

"I thought, we're going to swim," pabalewala nyang sinabi.

"Ano'ng pinagsasabi mo ke Yam, ha? Boyfriend? Stay away from my girl?" asar kong sabi. Lalong pumintig ang ulo ko sa sakit.

Umismid lang ito. "Well, to make the situation believable, I guess."

"Of all people ha? Kay Paul at Troy mo pa ako palalayuin!"

Dahil may ilang posteng may fog light malapit sa dagat para sa mga gustong mag-night swimming, nakita ko ang bahagyang pagdilim ng mukha ni Rob.

"Di ka talaga mahiwalay sa mga 'sentinels' mo eh," he smirked sarcastically.

"Natural! Ewan ko sa 'yo, Rob, sa mga pinaglalaban mo. Dyan ka na nga!"

Pero pinigilan ako nito sa braso.

"You, little ungrateful rebel! Don't I deserve a little appreciation for saving your ass there for the nth time?"

"Di ko kailangan ang tulong mo kanina!"

"I doubt it! You were already looking for someone you know so you'd have an excuse to get away from that lousy guy. Hhmm... totoy pala!" Natawa pa ito.

Di ko napigilang mag-eye roll, "Di ko sinabing tulungan mo 'ko."

"Well, your Paul and Troy aren't around to rescue you."

Umirap lang ako.

"Look, Jun. Samahan mo na lang akong mag-swimming. Baka andun pa yung uhuging yun pag bumalik ka. Isa pa, you need to swim to shake that alcohol off your head. Mahirap na, baka malasing ka na naman."

I glared at him. Tadong ito! Pinapaalala na naman eh!

Tumawa ito.

"Sige na. Bayad mo na lang sa akin."

"Binigay mo ng libre ang feeling bayani mode mo tapos maniningil ka!" Sikmat ko. "Bakit di yung flat chested mong kasayaw ang yayain mong mag-swimming?"

Tumawa na naman ito, "Am I hearing jealousy somewhere? And... you were watching me!"

"Asa ka. Kapal mo!"

Tumawa lang ito pero hinatak ako sa pampang. "Common! Wala akong kasama, wala ka ring kasama."

Napabuga na lang ako ng hangin.

Ang kuleet!

Sumama na rin ako. Tutal, kailangan ko na rin dahil medyo nahihilo na 'ko at napintig ulo ko. Aakyat na rin ako maya-maya.

"Ok lang sa iyo sa malalim?" Tanong nya.

"Keri lang," kibit balikat ko.

Tumalikod ako sa kanya para hubarin yung poncho ko.

Kahit naman nakita na ako nitong naka-panty at bra lang, iba pa rin yung feeling na parang naghuhubad akong nakaharap sa kanya.

Iniwan ko sa buhanginan yung poncho at cp sling bag ko. Ganun din ang ginawa nya.

Nung humarap ako sa kanya, wala na rin itong suot na pang-itaas.

Tangna, Jun! Ang laway mo! Sita ko sa sarili ko nung saglit akong napatingin sa abs nya.

Kasi naman, masyado pang maaga para magpandesal. Di pa oras ng breakfast.

Napahagikhik ako.

Kumunot ang noo ni Rob. "What?"

"Wala," natatawa kong sabi.

Lihim akong nangingiti nung sabihin nyang kumapit lang ako sa kanya. Di nito alam na nakikipagkarera nga ako kina Paul at Troy sa paglangoy.

Lunurin ko kaya ito?

Pero hinayaan ko na. Wala ako sa mood talaga lumangoy.

Gusto ko lang lumubog at mag-relax. Para mawala hilo ko. Medyo mainit-init pa naman yung tubig.

Matapos ilubog ang ulo ko sa tubig ng dalawang beses, tumayo lang ako nung hanggang leeg ko na yung tubig at pumikit. Kinakampay ko lang yung kamay ko para di ako matumba sa alon.

"Hey, akala ko ba ok lang sa iyo sa malalim?"

Dumilat ako. Hanggang sikmura lang kasi nito ang tubig.

"Sorry naman! Sa diksyunaryo ng mga ka-height ko, hanggang dito lang ako pwedeng tumayo sa di malulunod," simple kong sabi.

"Gusto ko lang i-relax pakiramdam ko. Pampawala ng hilo. Tsaka biglang sumakit ulo ko ke Yam," pumikit uli ako.

Hinagip nya yung palad ko tapos hinila ako.

"Tsk! Naman eh," piksi ko.

"Wag ka na maarte. Halika."

Tumalikod sya sa akin tapos yung hawak nyang kamay ko, inikot nya sa leeg nya palibot sa balikat.

Umuklo ito para magpantay kami.

Nilingon nya ako, "Sampa ka sa likod ko. Doon tayo sa malalim. Gusto ko rin magbabad. Di ka pwede dun. Lampas sa iyo ang hanggang leeg ko."

"Ang yabang mo!" Mahina kong singhal pero sumampa na 'ko sa likod nya.

May kiliting gumapang sa mga ugat ko nung maglapat ang balat namin, dahil naka-bikini lang ako tapos sya, naka-board shorts lang.

Lalo na nung kapitan nya 'ko sa magkabilang hita para maayos nya akong maipasan.

Ewan ko kung naramdaman nya ang biglang pagkabog ng puso ko.

Pilit ko yung binalewala. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa pagitan ng balikat at batok nya nung maglakad sya sa mas malalim na parte ng dagat.

Huminto sya nung sa bandang leeg na nya yung tubig. Pinulupot ko na lang ng husto yung kamay ko sa leeg nya at legs ko bewang nya para di sya mahirapang kumampay to keep our balance.

Syeeet! Ramdam ko sa binti ko yung abs nya!

"Tatayo ka na lang dyan?" Mahina kong tanong habang nakasandal pa rin yung ulo ko sa batok nya.

"Uhuh."

"Rob..."

"Hhmm..."

"Yung boobs ko... nadudurog sa likod mo."

Ewan ko bakit ako nakikipag-usap sa kanya ng ganito ngayon. Siguro, dala na rin ng alak.

Tumawa sya ng walang tunog, "Not the first time. First time was we were chest to chest."

"Gago."

Tumawa uli sya.

"Tapos, nakaikot pa legs ko sa iyo...parang ang awkward."

"Gusto mo, paharap? Di yun awkward. Ang hot nun."

Natawa ako ng mahina, "Manyak ka talaga."

"I'm just being me."

"Napansin ko nga."

Di na sya nagkomento. Mga ilang segundo rin kaming tahimik.

Naghahalo ang natural na amoy at cologne nya sa amoy ng tubig dagat.

"Ang bango mo talaga," di ko napigilang sabihin.

"I know right. Lagi mo nga akong sinisinghot, sa dalawang beses tayong magkita."

Nakteteng! Napansin nya pala yun! Kakahiya!

"Tss." Na-react ko na lang.

Buti na lang nasa likod nya ko, kundi nakita nito pamumula ko.

Di na rin sya nagsalita uli.

Pumikit na uli ako. Ang sarap sa ilong ng amoy ng halimaw na ito. Tapos soothing sa tenga yung tunog ng alon at malayong tunog ng musika galing sa rave party.

Napadilat ako nung nakaramdam ako ng lamig sa likod ko hanggang pwetan.

Naglalakad na pala pabalik sa pampang si Rob at hanggang hita na lang nya yung tubig.

Tumikhim ako, "Sorry, nakaidlip pala ako."

"That's the point. Para makapahinga ka ng konti."

"Baba na 'ko."

Binitawan nya ang legs ko at hinayaan akong bumaba.

Sinuot ko na uli yung poncho ko tapos piniga ko yung buhok ko. Wala naman kasi kaming dalang towel.

"Here," inabot nya yung polo nya sa akin. "Dry your hair. It's dripping wet. Malamig na ang hangin."

Kinuha ko yun kasi gamit naman nya yung sando nya para sa buhok nyang may kahabaan para sa isang lalaki.

Kinuha nya pabalik ang polo tapos sinampay sa balikat nya. Sinuot uli ni Rob yung basa nyang sando.

"Come," Nilahad nya ang kamay sa 'ken. "Hatid na kita sa suite nyo."

Inabot ko ang kamay nya. Hinila ako padikit sa kanya tapos inakbayan ako.

Ang init naman ng katawan nito. Sarap sumiksik. Ang lamig na ng hangin eh.

Pinigilan ko ang kamay ko na kumapit sa bewang nya, pero wala eh. Naging 'matik.

Tapos sinandal ko na ang ulo ko sa dibdib nya.

Antok na ko eh. Bakit ba?

Asus! Reasons! Umentra na naman si kontrabidang utak.

Hindi kami nag-usap hanggang makarating sa suite namin nina Ate Andie.

"We're here," sabi nya.

Bumitaw na rin ako sa kanya nung ibaba nya ang kamay sa pagkakaakbay sa akin, "Sige, salamat."

Binuksan ko yung pinto gamit ang keycard na dinaanan namin sa recpeion desk.

"Don't forget to shower before you go to bed."

Nilingon ko sya, "Ok, ikaw rin. Salamat uli. Goodnight, Rob."

Humakbang na ako papasok.

"Jun."

Lumingon ako sa kanya patingala kasi kinapitan nya ako sa braso.

"Oh?"

Nahigit ko na lang ang hininga ko nung yumuko si Rob at bigyan ako ng isang magaan na halik sa labi.

Parang tanga akong napatitig sa kanya pagkatapos nung ilang segundong yun. Natawa ito.

"Goodnight, Dyosa," bulong nya sa halos magkadikit naming mukha.

Tapos tumalikod na ito pabalik sa elevator sa dulo ng hallway.

==============

Cross Over with HEA Chapter 28

Juice colored! 5,300+ words UD na naman! Di ko kasi napapansin kapag nagta-type na 'ko. Sorry naman!

==============

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj