Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

24 Deja Vu

Sorry uli at natagalan ang UD. Meron pa rin akong mental disorder. LOLZ!

Here it is, 5,000+ words UD.

=============

I arrived at NAIA 3 thirty minutes bago ang paglapag ng sinasakyang eroplano ni Juno. I came riding my BMW ninja type bigbike. Mas madaling sumunod kung ganito kesa sa kotse ang gamit ko.

Umikot ako sandali sa parking. Naroon na yung SUV ni Reid na susundo kay Juno. I parked from the SUV like fifteen to twenty meters away. Nung mapansin kong may kausap yung driver sa cp tapos nagmaniobra na palabas ng pay parking, pasimple na rin akong sumunod.

Saktong papalabas pa lang si Juno ng airport exit nung pagparada nung SUV sa pick up bay. Hand carry bag at backpack lang ang dala nito. Sumenyas sa driver na wag na lumabas ng sasakyan. May isang kotse sa pagitan namin. Ayos lang dahil naka-helmet naman ako.

Lalo itong nagmukhang bata sa suot na cap sleeve white slim tees na tinernuhan nya ng itim na skinny jeans without belt. Lalong tumingkad ang pagka-dye ng pula nyang buhok nung tamaan ng pangtanghaling araw, kahit nakaangat yun in a messy bun using a ... chopstick? Napailing ako na nangingiti. Tapos yung high cut chucks at backpack nya, katerno ng buhok nya, pula rin.

Wala rin syang make up. In fact, medyo namamawis nga ang mukha nito but it added more charisma on her face dahil maganda ang naging epekto nun sa natural na oil ng mukha nya na namumula ang bandang ilong at pisngi marahil dahil sa init. Tapos, natural na pinkish red ang labi nito.

Kahit medyo pinagkaitan ng tangkad, may mga leeg pa ring naiiwan ang pagbaling sa kanya.

Napakunot ang noo ko nung sa tabi ng driver naupo si Juno matapos nyang ilagay ang mga gamit sa backseat.

Malamang iyun ang nakasanayan nya. Dala na rin ng mga panahon na navigator sya sa drag racing.

I followed the SUV with a distance. Nagtaka ako nung lumampas ang sasakyan nila sa dapat likuan sa Ortigas Avenue. Baka sa iba dadaan, pero ito ang pinakamalapit at pinakamabilis na daan.

Didiretso na ba ito sa isang university na napipisil nitong lipatan?

Nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam nung mapansin ko ang mga nadadaanan naming establisyemento. Puro may kinalaman sa mga motor vehicles and parts.

Huminto yung SUV sa tapat ng isang malaking buy and sell used cars. Bumaba si Juno na hawak na yung backpack nya tapos umalis na yung SUV.

Ano'ng kalokohan ang pinaplano ng bulinggit na ito?

Pumasok si Juno sa loob. I looked at the sign: BENAVIDEZ BUY & SELL USED CARS SHOWROOM.

Naririnig ko na ang business na ito. May ilang branches ito sa Metro Manila, ganun din sa ilang probinsya. Ito siguro ang main. Malaki eh.

Pumarada ako sa katapat na foodchain. Nakita kong naglakad si Juno papasok sa loob. Diretso sa dulo. Dun siguro ang opisina ng administrator dahil merong two-storey establishment na may apat na pinto sa ibaba.

Ano'ng gagawin nya dito? Bibili ng sasakyan? Para saan? O... kakilala nya ang may-ari?

Hindi malayo. She was in the drag racing community. Not sure kung active pa rin sya.

Medyo naiinip na ako dahil lampas na nang kalahating oras ako dito sa loob ng foodchain. Wala na ngang lasa yung softdrinks na binili ko dahil tunay na yung yelo.

Tumayo na ako para subuking pumasok sa loob ng showroom. Baka kung ano nang nangyari sa babaeng yun.

Napahinto ako sa tabi nang motor ko dahil nakita ko na sya papalabas. Parang nagtatalo sila nung lalaking kasabay nya. Tinabig pa nga nya yung kamay nung lalaki nung umakbay sa kanya na tila nagpapaliwanag pa.

Pero, mukhang nanalo si Juno sa argumentong iyun kasi bumagsak ang balikat nung lalaki tapos naihilamos yung palad sa mukha.

Sandaling pumasok yung lalaki pabalik sa opisina at paglabas, may hawak na itong itim na helmet at itim na jacket. Inabot nya ang mga yun kay Juno.

Kahit may distansya, kita ko ang matagumpay na ngiti sa mukha ng babae.

They walked across the showroom then they went to what looks like a private garage. The guy went in then I heard a motorcycle revved up.

I'm not liking the sound of it. Are they going out on a freaking motorcycle? Akala ko maghahanap si Juno ng university.

Is he her new guy? What happened to that Caloy guy she was crying her heart out about a year ago? Sinira na ba nya ng tuluyan ang sarili nya dahil sa lalaking yun and now jumping from one guy to another? Getting what she wants using her charm?

Yes, I admit it. She's charming in her own special way. A very unique one, actually.

I couldn't deny it. I don't usually think about women after a day I met them, but I thought about Juno for more than a week when we first met. Then my interest on her was revived when I learned that she was Andie's sister. And that interest was growing dahil parang di ko matanggap na di nya ako naaalala nung magkita uli kami sa birthday ng kapatid nya. Ayokong maniwala.

Now, here she is. Talking to that guy with all smiles. Nakasakay yung lalaki sa isang itim na motor nung lumabas ng garahe. I think a ninja type bigbike like mine, though iba ang modelo.

When the guy unloaded the vehicle, they even fucking hug...what the hell?! Did they just peck on the lips? I'm not sure, because of the distance and the angle where I'm at now.

But damn! Sobrang nadismaya ako. That was not my impression about her.

My eyes started going round when the guy helped put the black jacket on Juno and she wore the helmet. Tapos pabirong kinatok nung lalaki yung helmet na suot nya nung nakaupo na ito sa motor. Then si Juno, pabirong hinampas yung lalaki na nakatayo sa tabi nya.

Shit! Shit!

Nagmamadali akong nag-helmet!

Tangna! Si Juno lang ang sasakay at gagamit nung motor!

As I rode my bigbike, nakalabas na si Jun ng showroom. Mabilis!

I don't know pero bigla akong nag-alala.

Is it because I'm scared she might get into an accident? Puta, racing grade ang Honda ninja bike na dala nya. Hindi basta-bastang regular na motor.

At isa pa, following her will become a bit more challenging. Not that I don't like challenges. I like it actually. My BMW bike can definitely outrun her Honda. Mas mababa ang cc ng dala nya.

But this is a different thing. She's a woman riding an expensive bike, for Pete's sake! Maynila ito! Grabe ang dami ng mga sasakyan dito at mga pasaway na drivers. That being said, prone to robbery. Isa pa, hindi problema ang pagsunod, unless mapansin nya na may sumusunod sa kanya at maging agresibo sya sa pagmamaneho. Yun ang kinakatakot ko. Dahil agresibo si Juno. Iyun ang pagkakabasa ko sa kanya base na kuwento nya at pagkikita namin ng dalawang beses.

I still kept my distance. It was easy to spot her dahil sa pambabaeng red backpack nya na nakasuot sa likod nya. Kitang-kita iyun dahil itim ang jacket nya.

We are heading to Diliman. Malamang sa U.P. ang punta ni Juno.

At a stop light, parang kinakausap pa sya nung sakay ng isang kotse na katabi nyang nakahinto. Isang beses lang nyang tiningnan tapos di na pinansin. Tila lalong nag-ingay yung nasa loob ng kotse. Mga lalaki. I think college students.

I almost smirked nung pag-green ng traffic light, pinaharurot ni Juno ang motor sya. Kumain ng alikabok ang mga gagong lalaki sa kotse.

They tried to go after her, wala silang napala. Walang kahirap-hirap na nagpasingit-singit ang babae sa mga sasakyan doon.

Now, I know she chose to use a motorcycle. For traffic convenience and escaping. And she knows how to drive that thing. But I know mine better.

It took her more than an hour in the U.P. Admin Building bago bumalik sa parking.

But I was surprised na may kasama syang dalawang lalaki at isang babae pagbalik. Mga kaedaran nya.

"Nagulat kami nung mag-text si Troy. Galing ka daw sa shop nya. Abangan ka raw namin dito sa UP," sabi nung isang lalaki.

"Angas mo talaga, Dyosa. Buti nahiram mo yan kay Troy," sabi pa nung isa.

Tumawa lang si Juno.

"Babalik ka na ba, Jun?" tanong nung isang babae.

"Hindi. Naghahanap lang nang university," ang sagot nya.

"Dito ka na lang," himok pa sa kanya.

"Mag-i-inquire pa ako sa iba. Daming di make-credit sa units ko. Sayang ang oras. Delayed na nga ako ng isang taon. Dapat graduating na 'ko eh. Sige," paalam nito.

Nakipag-fistbump ito sa mga naroroon.

She went to another university in Manila. Gaya nung una, may mga naka-kotseng nakakapansin sa kanya.

Either kinakawayan, binabati or binubusinahan sya para magpapansin. At gaya ng una, tinatapunan lang ito ng isang tingin ni Jun. Minsan nga, hindi pa.

Mahigit isang oras din ang inabot nya sa admin building ng university na yun.

She even bought a hotdog sandwich and a canned juice sa canteen. Siguro ginutom na. She ate them while walking back to the parking.

I was just parked like four motorcycles apart. Naka-helmet ako kaya di ako nag-iisip na makikilala nya ako.

May lalaking lumapit sa kanya nung itapon nya ang pinagkainan sa garbage bin.

"Ngayon lang kita nakita dito, miss. Transferee ka?"

"Hindi."

"Ah, first year?"

Pushy ang gago. Halata namang di interesado si Juno. Ang panget nya kaya at ang panget ng diskarte nya.

Tss. So ikaw gwapo?

Oo naman!

Eh diskarte mo magaling?

Oo naman!

E bakit di ka naalala ni Juno?

Tangna!

Mura ko sa sarili ko.

"Hindi." Sumakay na si Juno sa motor.

"Dito ka na lang mag-aral. Ok dito sa school namin. Marami kaming gwapo dito," ang kulit ng ungas. Ngumiti pa. Nakakairita ang mukha.

"Ayoko." Maikli nyang sagot as she started the engine.

"Bakit naman?"

"Kasi maraming katulad mo dito. Alis nga dyan. Sagasaan kita ng motor eh," iritableng sagot.

Napaatras yung lalaki when Jun loudly revved up the engine before driving away.

Hindi ko napigilang tumawa na ako rin ang nabingi dahil naka-helmet nga ako.

That woman!

Bago mag-alas seis ng gabi, bumalik ito dun sa showroom. When she went out of the office, kasabay na nya yung lalaki habang nagtatawanan sila.

Nasa labas na rin ng showroom yung SUV ni Reid na naghatid dito kanina.

"Sige, balikan mo .... bukas. Iwan ... sa 'yo ... susi. Ibibilin ... ko. Wala ako til Friday," ito siguro yung Troy na sinabi nung lalaki kanina sa UP.

"Sensya na. Di kita maimbitahan ...... tuluyan ko. Di .... bahay yun," si Juno.

"...tawag...Tita ... Saturday na tayo punta... drive ... mga kotse..." yung lalaki uli.

Tumango si Jun. May sinabi pa siya na di ko na narinig.

Mula sa tinatayuan kong cigarette vendor malapit sa entrada ng showroom, di ko masyadong narinig lahat ang usapan nila pero nakuha ko naman ang pinag-uusapan.

They hugged then he kissed her on the forehead tapos pumasok na si Juno sa SUV.

Hinintay lang nung lalaki na makaalis ito bago bumalik sa loob.

That's when I followed. Fifteen minutes after pumasok sa villa nung SUV, pinasok ko na rin ang motor ko. Kinausap ko ang security guard, which happens to be from my own agency.

"Yung bisita sa villa na babae, let me know kung aalis uli tonight until before six in the morning tomorrow."

"Yes, sir."

"Dun na 'ko matutulog sa quarters nyo. Maliban sa security, kay Nanay Lydia nyo lang ipaalam na naririto ako."

"Sige lang, boss."

Di naman ako maarte. I've been in the worst God-forbidden places.

Kilala ako ng mga tao at katulong dito sa villa. Ang agency ko ang in-charge sa security ng business at sa personal ni Reid.

We were even the ones who put up the CCTVs here, gaya na rin sa mga offices, bars, hotels at resorts. Pero sa villa, walang CCTV sa mga kuwarto. Hanggang hallways lang ng second floor.

Nag-monitor ako ng mga CCTVs sa loob ng security quarters. Actually, partikular kong hinanap si Juno. Nasa servants' quarter dining area ito. Kasabay kumakain ang mga katulong.

I put on the headset then nilakasan ko ang volume ng CCTV sa area na iyun.

"Susko, malay ko bang mala-palasyo itong bahay ni Kuya Reid. Pambihira, muntik akong maligaw pababa galing sa kuwarto ko papunta sa kusina," daldal nito habang kumakain.

Tumawa yung mga kasabay nya pati si Nanay Lydia.

"Kapag lumipat na sina ate dito, kakalug-kalog sila. Kawawa naman ni Hopia namin. Walang kalaro."

"May mga bata sa likod bahay, kung hindi maselan ang pamangkin mo," si Nanay Lydia.

"Hindi yun. Wala ngang kalaro yun kundi yung kapitbahay namin."

Naghugas na ito ng kamay. Inawat ito ng isang katulong na maghugas pa ng pinggan.

Tumanggi ito nung alukin ni Nanay Lydia na manood na lang sa den.

Umakyat na ito sa kuwarto nya para magpahinga. Kunsabagay, may cable tv din sa mga kuwarto sa second floor.

Hindi na ito lumabas uli.

May dumating akong pagkain. Sigurado akong nasabihan na si Nanay Lydia na narito ako.

Masyado pang maaga ang alas-nueve para matulog ako.

Nag-check na lang ako ng mga emails ko sa cp ko. And spoke to some of my agents for their reports.

Bandang alas siete ng umaga nung dumating ang agahan ko. Pinasabi ni Nanay Lydia na alas nueve ng umaga raw aalis si Juno. Kaya pagkakain, naligo na rin ako.

Tumawag ako kay Nanay Lydia na manghihiraman ako ng damit kay Reid. Sandali lang, may tshirt, pantalon, boxers at medyas na dinala ang isang security. Mga bago lahat.

That day, nagpahatid uli si Juno dun sa showroom at kinuha yung Honda bike.

She went to another university somewhere in Manila. I waited in the parking malapit sa motor nya. Napansin ko na naiwan nya yung GPS sa nakakabit sa motor. Kunsabagay, maykaya naman ang mga nag-aaral dito para magnakaw pa ng GPS ng motor.

"May nakakita raw kay Dyosa kahapon."

"Confirmed yun. Gamit nya motor ni Troy."

Naagaw nun ang atensyon ko. Mga estudyanteng nag-uusap sa isang kotse sa parking malapit sa akin.

"Saan mo nalaman?"

"Nakausap ko yung tropa ni Troy sa UP. Naghahanap ng malilipatang university si Juno."

 Hindi nila alam, narito lang sa campus nila si Juno. At ayan lang sa malapit ang sasakyan.

"Alam na ba ng tropa ni Paul?"

Paul? Sino'ng Paul?

"Oo. Tinawag na rin daw ni Paul. Patingin-tingin na lang daw kay Dyosa. Alam nyo na, kahit wala na sila ni Jun, close pa rin sila."

The fuck? Ex ni Juno... yung Paul? So wala pala talaga yung Caloy.

"Wag na lang daw ipag-ingay. Ayaw na nga ni Juno talaga bumalik ni makarinig ng balita sa community. Tsaka... ayaw nilang makarating agad kay Danny."

Tangna...may Danny pa!

Lalo akong nadidismaya sa naririnig ko.

"Tss. Wala na yun si Danny. Busy na yun sa sarili nyang community na puro pulpol!"

Nagtawanan ang mga ito.

Maybe they are talking about the drag racing community.

"Gago! Nag-iingay sila ngayon. Lalo na si Caloy."

Caloy?!

"Tangnang Caloy yan. Meron pa rin ba sila ni Anne?"

"Malay ko. Huling balita ko, hiwalay uli. Away-bati palagi. Break tapos sila uli."

Umalis na ang mga ito bago pa bumalik si Juno.

Nag-early lunch ito sa isang foodchain. Then she headed out again. At nagiging malinaw sa akin kung saan ang pupuntahan nyang university.

Napangiti ako. So, she considered Charleston University. Mahal ang tuition dito. Labas pa ang miscellaneous fees. Papaano pa ang mga projects nya?

Upper middle class, the least if not rich, ang makaka-afford mag-aral dito.

Sabi ni Reid, tumanggi ito nung offer-an nya na sagutin ang pag-aaral. So meaning, may tagong pera ito.

Doon umabot ng dalawang oras si Juno. I even had time to chat with the old security guard na dati nang dito naka-duty nung nag-aaral pa ako dito.

After that, dumaan ito sa isang 711 at bumili ng pagkain then she went to a cemetery. Her parents grave. Di ko man naririnig, kinakausap nito yung puntod tapos umiyak. A warm feeling enveloped my heart. She stayed there for almost two hours. Nakaupo lang sa tapat ng dalawang puntod. Kumakain habang nagse-cellphone. Nag-selfie pa nga kasama yung mga puntod. Tapos parang may kausap sa video call.

Kalat na ang dilim nung umalis sya dun. Bumalik na sya sa villa sakay ng motor.

Kinabukasan ng umaga, may pinuntahan syang mga pre-schools malapit sa villa. Then after lunch, she went to a housing company. Then headed somewhere in Cavite. Branch din nung unang housing company and checked out some pre-owned houses.

Is she buying a new house?

Hhmm ... she has plans. Long term.

Is she settling down with someone she's secretly involve with? Mahilig sa sikreto ang bulinggit na ito eh.

I don't know but I'm not liking the idea.

Hindi sya sa villa naghapunan. Nagpunta ito sa bay walk malapit sa Star City. Kumain sya ng kanin sa isa sa mga karitong karinderia dun.

Pinagtitinginan sya ng mga kasabay nya. Simple lang ang suot nito gaya kahapon pagdating galing Palawan. Though, di na nya gamit yung itim na jacket nung Troy kahapon. She is using a black hooded cotton jacket.Kaya nga lang kasi, tisayin. Tapos pula pa ang buhok. Idagdag pa yung dala nitong motor. Pangalawa, ang lakas kumain... at wala syang pakialam sa paligid nya. Haha!

Sinamantala ko na rin yun para kumain sa ibang food stalls doon.

Then she left the motorcycle sa isang pay parking sa area after itago yung GPS ng motor sa backpack nya.

So I walked, too, following her.

She stopped sa may bay area at naupo. Nakatanaw lang sya sa madilim na dagat, kahilera ang ilan pang mga tao doon.

She put that hoodie over her head then hugged her knees. Dun nya ipinatong ang baba nya at tumanga sa dagat.

Di ko maiwasan ang magsindi ng yosi as I watch her and those people around her.

 Kaya ayoko ng ganitong magbabantay. Napapayosi ako ng wala sa oras. It's been months since the last time I smoked.

Inabot yata syang nakaupo dun ng isang oras. That's when I came to know another side of Juno dela Cruz.

She's lonely... for whatever reason. Outgoing ang impression ko sa kanya, but now, this is what I'm seeing.

The next day, after lunch na sya umalis sa villa. She went back to Troy's showroom. Wala pang thirty minutes, lumabas na ito but this time, she was in a car with that Troy guy.

And when I heard the car engine, I knew. Tama ang hinala ko. Sa drag racing sila nagkakilala.

They went to a modest house in Mandaluyong. After an hour, the house gate opened and two cars emerged. Each one of them driving. Naiwan sa loob ng bakuran ang kotseng gamit nila kanina.

Umabot sila sa Tagaytay, just driving casually. Tapos huminto sila sa isang sikat na bulaluhan doon.

Para silang mag-syotang ewan kasi para silang magbarkada lang pero kita mo na concern sila sa isa't-isa. That Troy guy would even wrap his arms around her na tila sanay na si Juno. Tapos maghaharutan at magkukulitan.

Nakakainis tingnan!

Bago mag-alas nueve ng gabi, nakababa na kami uli sa Maynila, partikular sa BGC. Sa isang high end bar doon.

Walang pakialam si Juno kahit kaiba ang suot nya sa mga karaniwang babaeng naroroon na sexy ang mga suot.

Kumportable at confident itong pumasok sa suot na hapit na maong, tshirt na pinatungan ng hoodie nyang pula at yung pula nya pa ring chucks.

Dumiretso sila nung Troy sa isang mahabang mesa na may okupante nang grupo ng magkahalong lalaki at babae.

Mabuti at malapit lang sa bartender counter ang pwesto nila. Doon ako naupo.

Mga kakilala nila dahil nakipag-fist bump sila at high-five.

"Oy, bossing!" bati nung isa kay Troy.

"Tangna, Dyosa. Totoo nga! Akala ko joke lang na nasa Maynila ka."

"So, dito ka na mag-aaral sa pasukan?"

Ngumiti lang si Juno sabay inom dun sa inabot sa kanyang bote ng beer.

"Parating na tropa ni Paul."

Paul na naman! Tss.

"O, eto na pala sila eh."

May bagong dating na grupo. Tinapik si Troy nung isa.

Batian sila kabi-kabila.

"Puta, p're. Dala mo pala oto ni Paul. Oy, Jun!"

Nakapag-fist bump sila sa mga ito.

"Alam mo na. Binilin ni Paul yung baby nya. Kailangang painitin yung makina

"Dyosa," kalabit nung isa kay Jun. "Isang round lang, walang pusta oh. Dala mo naman yung baby mo."

Kumumpas lang si Juno dito ng pabalewala. "Wag ka na! Iinom ako ngayon. Wala na sa isip ko yan. Tsaka di ko na oto yun, 'no!"

Napamulagat ako. She's going to drive later! Is she nuts?

"Wag mo na kulitin si Jun," sabi nung Troy. "Kami nga ni Paul, di namin mapilit na labanan uli kami, kahit for fun lang, kayo pa?"

"Talagang di kayo pinabawi. Di nyo na mabubura ang zero loss ng Dyosa! Partida, number one navigator pa yan!"

Tawanan sila.

So, lumaban pala talaga sya. And she won!

Nice one...really nice! No sarcasm there.

Kaya pala kilala sya. Ilang beses kong narinig sa mga campus na pinuntahan nya.

"Kinse kayo, dude, walang nakabawi kahit isa!"

Hagalpakan uli sila.

"King ina, Kit!" Sabi ni Troy. "Tatlo kaming nandito sa kinseng yun, gulpihin ka namin."

"Fuck you, Kit!" sabi nung isa pa.

Tawanan uli.

"Mga paksyet kayo, move on na," saway ni Juno.

I ordered a bottle of beer as well na paunti-unti ko lang iniinom. A woman approached me and started a chat.

Hinayaan ko na. Pero mas lamang ang atensyon ko sa usapan sa grupo nina Juno.

"Musta lovelife, Jun? Baka pwede ka na ligawan. Wala na naman kayo ni Paul?"

Nagkaroon ng kantyawan.

"Tigilan nyo nga ako. Ang mga Dyosa, di kailangan ng lovelife," birong sagot nito tapos nakipag-high five sa mga babae doon.

"Agree!"

"Nakow, bago kayo makarating ke Jun, dadaan muna kayo ke Paul at Troy."

Tawanan uli, "Dami mong bodyguards, Jun."

So, what's with Troy and Paul? How about that Danny guy?

"So, you wanna go some place else?" sabi nung kausap kong babae ng hinaplos pa ang balikat ko.

"Oh, no thanks. I'm just here to drink. Better ask someone else," pinahalata kong di maganda ang mood ko.

Ngumuso ito tapos umalis na. Mabuti, hindi makulit. I've met the worse types.

Nalaman ko sa usapan nila na nag-aral pala sa driving school si Juno mag-motor, at nagre-renta ng motor sa Palawan kapag freetime nito.

"Buti abot mo sahig paggamit mo motor ni Troy?"

"Pak yu ka, Remz," sikmat ni Juno. "Di ako unano. Five three ako at mahaba legs ko. Saktong Pinay ang height ko, mga ungas!"

"Abot naman nya, nakatingkayad lang," pang-aasar ni Troy.

"Tado!" mahina itong sinuntok ni Juno sa balikat.

Marami na ring nainom ang grupo nina Jun, kahit ito. Paano naman, lahat yata ng iabot sa kanya, tinatanggap. Ibang klase talaga.

They even danced. Natutukso nga rin akong lapitan at makipagsayaw kay Juno pero di pwede. As much as possible, ayokong magpakita. Kung kailangan lang.

At yung kailangang iyun, dumating nung uwian na.

"T-troy, di koh na khaya mag-drive," lasing na si Juno magsalita. Pinkish na rin ang mukha at leeg nito.

"Baliw ka kasi. Lakas mo uminom tas ayaw mo paawat. Paano kita ihahatid sa tinutuluyan mo? Kabisado mo ba address?"

Umiling lang si Jun at yumukyok uli sa mesa.

"Uy, wag ka muna matulog!" sabi ni Troy.

"Tol," kalabit nito sa isang naroroon. "Hatid mo nga kotse ni Paul. Alam mo naman bahay nya, di ba?"

"Natural, dati naming leader yun," sabi nung kausap.

Oh, I see. Mukhang bigatin talaga ang mga tinalo ni Jun, at naging boyfriend pa nito.

Tumingala uli si Jun, "Sha condoh moh na lang h-ako mah-tutulog, Troy."

NO WAY! Sigaw ng utak ko, kaya tumayo na ako papalapit sa kanila.

"O, sige. Tara."

"Buhatin mo na lang, 'tol!"

Isinukbit ni Troy ang braso ni Juno sa balikat nya para buhatin si Juno.

"Tsk! L-lalahkad ahko," tanggi ni Juno na pilit tumayo pero halatang hilo na dahil humapay sa pagtayo kaya napaupo uli.

"Kukutusan na kita, Jun! Tumahimik ka!" sabi ni Troy. "Makakarating ito ke Paul. Yari ka!"

"Suh-bukhan moh!" sagot ni Jun.

Tss. Paul na naman!

"Ako na'ng bahala kay Jun," sabi ko.

Napatingin silang lahat sa akin.

"Sino ka naman?" sabi nung isang kasama nila.

"Rob...?" Nagulat na sabi ni Juno na inaninag ang mukha ko.

"Ako nga."

"Rob?" si Troy tapos tumingin kay Juno. "yung July na kinuwento mo sa 'min ni Paul?"

Nagulat ako pero di ko pinahalata.

Tinampal ito ni Juno sa braso, "T-tang-na mo, Troy! N-nilaglag moh 'koh!"

I smirked. So, kilala nya pala ako from the very start at kinukwento nya pa ako dito sa Troy at dun sa Paul. My gut feeling was right nung magkita kami uli. She knew me!

"Di pwede." Sabi ni Troy. "Kargo ko si Jun."

"Kargo mo? Bakit hinayaan mong uminom ng marami at malasing ng ganyan e magmamaneho pa sya pauwi sa villa?"

"R-rhob, wag ka na nga. Duhn hako mhatu-tulog kina Troy," sabat ni Juno.

"You're all drunk. How can you possibly get home safe?"

"I can still drive," si Troy.

"Marami kami. We look out for each other. Stay out of this, man!" singit din nung isa.

"Jun," baling ko. "It's either you come with me or...I'll tell Andie about this and everything else I know about your stunts. Count Reid in."

"Shit!" pabulong na sabi ni Juno sabay hingang malalim. "Bhlackmail yan, ghago kah."

"I don't care. So...?"

Kahit antok ang mata, matalim akong tiningnan ni Jun, tapos tumingala kay Troy, "Sih-ge na, Troy. Sa khanya koh 'sama."

"Tangna! Tsk!" Na-badtrip ito.

Dumukot ako sa wallet ko, "Here's my card. Give me yours."

Parang replay lang ito ah.

"Bakit?"

"Just to assure you, she's safe with me. And I'll use her car. Motor ang dala ko."

Galit itong tumitig sa akin na kumuha ng card sa wallet nya at inabot sa akin.

"I'll bring your motorcycle with me. Para sigurado ako," sabi ni Troy.

I shrugged my shoulders, "Alright. Just make sure you'll pay for it if you damaged it."

"Yabang!" somebody said from their group.

Inabot ko yung susi ng motor ko, "It's a BMW K 1200S. That's why."

May suminghap sa mga babaeng kasama nila.

Pilit man nyang itago, nakita ko ang pagningning sa mata ni Troy nung abutin yung susi at tingnan ito.

Nilapitan ko si Juno at binuhat.

"Pucha nah-man oh! Babah moh ko!"

"Keep still, Jun!" matigas kong sabi at hinigpitan ko pagkarga sa kanya.

Nakasunod sa amin si Troy at iba nilang kasama.

She let out a heavy sigh tapos sumandal na lang sa dibdib ko. "Han-tok na koh. Wag moh ko mom-lestyahin. Pahpatayin kitah."

Natawa ako, "Deja vu."

"Hhmm... yeah, dejah vuh," bulong nya.

Si Troy ang nagbukas nung kotse tapos inabot nya sa akin ang susi na kinuha nya sa bulsa ng hoodie jacket ni Juno.

Tulog na si Jun paglapag ko sa kanya sa shotgun seat.

I turned to Troy pag-upo ko sa driver's seat, "I'll return the car to the address on your card. Dun ko na rin kukunin ang motor ko."

"Nasa'an ang motor mo?"

Itinuro ko. "Don't follow me. Baka maaksidente pa kayo."

"No, can do. She's weird when she's drunk," sabi nito with pokerface.

Oh, so he's seen it too? How about Paul and Danny?

"I know. I bet she already told you about our first meeting?"

Kumunot ang noo nito.

Hindi nya alam o baka hindi naalala ni Juno dahil lasing na lasing sya noon o hindi na nya talaga kinuwento? Well whatever.

"Looks like you didn't know. The more I can't entrust her to you. So don't follow us," then I drove away.

But they did. I understand them though. 

It was a bit difficult losing them on the road. Walo silang sumusunod sa akin plus Troy on my bike. Also, I'm still thinking about their safety. Nakainom na sila.

So, dumaan ako sa Dasmariñas Village where my family house is. I told the guard not to let them in. Wala silang nagawa.

Lumabas ako sa kabilang gate and went to my condo back in BGC.

Of course, I won't bring a drunk woman to my mom's house, for Pete's sake!

Karga ko si Juno hanggang sa unit ko.

And as déjà vu it is, she threw up habang bitbit ko sya bago pa man kami makapasok sa kuwarto ko.

"Damn!"

Kumalat ang suka nya sa pagitan ng livingroom at nag-iisang kuwarto sa unit ko, maliban pa sa damit naming dalawa.

She did it twice. Jesus!

Para akong nagpipinetensya ng gabing iyun. I had to clean up her mess, clean up myself...ang pinakamahirap sa akin was to clean her up!

Pinagpawisan ako ng husto as I undress her at punasan sya sa buong katawan.

I can feel my 'boy' getting hard.

Fuck!

I tried to dress her up with my shirt and a boxer but she started pushing, kicking and cursing me. It was all a replay, except that there was no Sir Abet with us, making it more of a penance for me.

Parang mas gusto ko pang ipako na lang ako sa krus nung dahil sa kakagalaw nya, nalihis ang isang cup ng bra nya so I got a good look of her well-shaped breast with pinkish crown. Pati yung panty nya na naibaba ng kaunti showing the thin layer of her 'happy trail'.

So I gave up nung ayusin ko ang underwear nya. Because one more touch of her skin, I will end end ravishing her.

Nakakahiya kay Reid at kay Andie.

My God, Juno dela Cruz! You'll be the death of me!

Himutok ko matapos ko sya kumutan na lang in just her undies.

I'm tired as well, so after taking a shower, nahiga ako sa tabi nya patalikod para matulog na.

=============

Don't forget to comment and vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj