Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23 Panis

Rob's POV

"Hi, I'm Jun," kaswal nyang sabi na inabot ang kamay ko.

Ganun din yung Vina.

Nagdalawang-isip ako kung nakilala ba ako ni Jun. Maliban kasi sa isang simpleng ngiti na iginanti nya sa akin, di ko masyadong nakita ang reaksyon nya dahil wala masyadong liwanag na tumatama sa mukha nya.

Baka hindi. Kasi wala syang ibang sinabi nung sabihin ko ang apelyido ko.

We were immediately served food pagkaupo namin sa table katabi kina Reid. Kasama namin ang mga kaibigan ni Andie at Aris Kho sa table.

Pinakilala rin kami ni Reid sa mga ito.

Pasimple akong tumingin sa table nina Jun habang kumakain. Nakangiti itong nanonood sa tumutugtog na banda. May pailan-ilang mga staff ng resto na kumakausap dito.

Ni hindi na lumingon sa gawi ko. Di katulad ng ibang bisita dito, na alam kong sa table namin nakatingin.

Well, pwede namang sa ibang ka-share ko sa table nakatingin ang mga babaeng bisita ni Andie. May ipagmamalaki rin naman si Ralph at mga kaibigan ni Andie...pero syempre, ako pinakagwapo dito! Di ako papayag na meron ibang mas makakaangat sa 'kin! Haha!

Siguro, di nya na talaga maalala. She was so damned drunk that night. Baka nga di nya alam na sinukahan nya ako. I didn't get to sleep that night dahil pina-carwash ko ng husto yung car rental because of her vomit.

...And yeah, I couldn't forget that uncomfortable yet funny moment when I helped her gay manager dress her up. Nasukahan nya rin kasi ang sarili nya. I even washed her tiny dress!

For Pete's sake! Ako, naglaba ng damit ng isang babaeng lasing at di ko naman talaga kilala!



First time, Agoncillo! Haha! Napapailing na natatawa ako habang binabanlawan ko ang kakapiraso nyang damit sa CR nung Sir Abet!

Saglit din akong nag-shower! Tang-ina kasi! Ang init ng pakiramdam ko.

Kahit hirap na hirap kami nung Abet bihisan ito dahil nanunulak, naninipa plus her sluggish smart mouthing, I can't help but get horny seeing her only in her sexy underwear.

Truth was, I was really eyeing her that night. Agaw-atensyon ang grupo nila pagpasok pa lang sa bar. Marami-rami kasi sila at may kaingayan yung mga kasama nyang lalaki at yung Sir Abet.

Pero, she stood out among her group. Tisay kasi na lalong pinatingkad nung pula at hapit na halter dress nyana hanggang gitna lang ng hita ang abot. Kahit petite lang, ramdam ang confidence at strong personality.

Hindi ko lang agad nilapitan dahil marami ngang kasama. I'm a patient man! I'll wait for the right moment.

Alam ko, hindi lang ako ang nakuha nya ang atensyon. Ang daming mata ang nakatingin dito habang nag-iinuman ang grupo nila sa mahabang table dun sa bar. At ang daming leeg ang pumaling pasunod sa paglakad nya nung lumabas ito sa bar di pa man tumatagal.

Medyo naghinayang nga ako, kasi bakit lalabas agad. I felt envy when there were two guys who got a chance to dance with her kahit sandali lang.

And damn! She was a good dancer. Hindi sya galawgaw sumayaw unlike the other girls in that bar. But she was really hot. Nakakahiya mang aminin, I felt a little horny with just that short dance, lalo na dun sa pangalawang lalaki.

Natuwa ako nung bumalik sya kasama yung manager nya. Though something was off about her kumpara nung bagong dating sila.

And I was right. Kasi sunud-sunod itong uminom ng alak. At yung manager nya, walang pakundangan sa pagbibigay dito ng beer, scotch at margarita.

Then she and the other girls stood up nung may magyaya sa kanilang sumayaw. I waited for a few minutes, then stood up heading to the dance floor. Aagawin ko sya sa kasayaw nya.

Kaso, another woman danced with me. Pinagbigyan ko.

"Hey handsome, want to hook up?" ang sabi nung babae.

She's pretty alright with full bumper, but, "No, thanks!"

I left her. My interest was with that lady in red. I saw her, iba na ang kasaway.

Damn! Naumpisahan kong mabuwisit kasi the guy she's dancing with was grinding his crotch on her behind. He asshole wasn't dancing anymore.

Pero natawa ako kasi, I think she knew. She changed her dance moves na may distansya na sa katawan ng lalaki. And when she got the chance, nakapagpalit ito ng bagong kasayaw. Wala ngang nagawa yung naiwang nyang kasayaw at yung babaeng kasayaw nung bago nyang partner.

Smart girl!

Bumalik sya sa table nila at uminom uli. Kaya nagkipagsayaw ako sa iba. Ang daming nagyaya sa akin for a hook up but my eyes kept on going to their table.

Tangna! Di na ba sya sasayaw uli? Magpapakalasing na lang ba ito?

Ako na lang ang magyaya sa kanyang sumayaw.

Habang papalapit ako, I heard her laughing. Napangisi ako. Tawang walang pretension. Wala syang pakialam kung magmukha or magtunog syang ewan.

A carefree laugh.

Kaso may nauna na naman sa aking magyaya sa kanya.

Tangna! Kelan pa ako naunahan sa babae?! Di ito pwede!

May nakita pa akong lalaki na hinawakan sya sa braso pero tinarayan nya.

Wow! Feisty! But it doesn't mean I'll back out.

That was the time I got to snatched her from her partner. Wala namang nagawa yung lalaki dahil ang laki ko. At wala ring pakialam si Lady in Red. Basta sasayaw sya. Yun na yun!

Hindi ko na ito pinakawalan. And it seemed she was enjoying my company. 

And oh boy! Dancing with her was like making love with her on the dance floor. No, di mukhang bastusin. You can really see art in the way she dances. She knew where to hold her partner. I guess she really is a dancer.

Di naman sya lugi sa akin. I know how to dance, too. In fact, some of the people in the dance floor gave us a bigger space and just enjoyed watching the two of us dance.

"Nice moves, lady," di ko napigilang ibulong sa kanya as we were dancing, me standing at her back with my hand draped around her small waist to her tummy.

If she's going to grind her butt on my crotch again, oh good heavens! I might ejaculate!

You know what I mean. The dance we were having was really sensual and she dances like a great tease!

I decided. I'm bringing her to my bed tonight!

"Jun, ledge tayo!"

Nagulat ako sa biglang pagyaya at paghatak dito ng dalawang kasama nyang babae.

"Tara!" sagot nito.

Damn! Bigla nya akong nakalimutan!

So, Jun? That's her name?

Before she and her friends danced on the ledge, nakita ko pang inisang tagay nito ang inabot sa kanyang margarita ng manager nila.

I went back to the bar counter and ordered beer. I watch her dance on the ledge.

Napapiling akong nangingiti. She will definitely pass for a performer.

Medyo napapasimangot lang ako dahil base sa mga lalaking nasa baba ng ledge, mukhang nabobosohan si Jun.

"JUNO!"

Nangibabaw ang galit na boses na iyon.

Napatingin si Jun sa baba ng ledge pero umirap then she continued to dance.

"Bumaba ka nga dyan! Kita na panty mo oh!" galit na sigaw uli nung lalaki.

"At least hindi brief!" Sigaw ni Jun pabalik.

Kasama ako sa mga natawa sa sagutan nila.

Next thing I knew, umakyat na yung lalaki sa ledge at hinatak si Jun pababa.

It may be a boyfriend-girlfriend thing, I don't know, but I stood up and looked for them.

Ang una kong nakita, yung mga kasamahang lalaki ni Jun nakatingin sa gilid ng dance floor.

Kaya pala, naroroon si Jun at yung lalaking humatak sa kanya. At may mga kasama ito.

Nagtatalo sila nung lalaki. Jun started walking away but the guys followed her and started arguing again.

"Jun, ano bang problema mo? You're acting weird. Are you drunk?"

"No. You're taking too much of my time. I just lost my guy because of you."

Hmm... lost her guy. I stepped towards them sa likod ni Jun.

"Guy? Kelan pa, Jun?" Singit nung isang lalaki na mukhang aso. "At nasaan?"

I snaked my arms around her waist from the back. I felt her stiffened a little.

"Hey, babe! Kanina pa kita hinahanap. Nawala ka sa ledge?" malambing kong sabi. Naramdaman kong nag-relax ang katawan nito sa yakap ko.

Sa peripheral ko, halatang nagulat ang mga kausap nya.

Umikot paharap sa akin si Jun na may ngiti sa labi. 

Damn those lips! It's my time!

"Oh,hi bab—"

I didn't let her finish. Sinalubong ko siya ng halik pagtingala nya.

I heard the guys cussed. Hindi ko na pinansin.

My senses were taken by this woman's soft lips... wait...unexperienced lips?!

She didn't know how to kiss back properly, so I held her jaw to get a good angle and access so I can kiss her well in front of these jack asses!

When I let go of her lips, "Isa pa nga. Di ako nakabwelo," Parang wala sa sariling nyang sabi.

I almost laughed out loud, but she sounded really cute and all.

"Later, babe. Hinihintay na tayo ng mga kasama natin," I said winking at her and tapping her cute nose.

Walang nagawa ang mga lalaking kaharap namin when Jun introduced us awkwardly.

Gusto ko na namang matawa nung sabihin nyang, ""Ah...eh... si July. Ka-date ko."

The guy's face, she called Caloy, fell to an epic loser.

That evening, I had a load of funny stuff because of this woman, like when she called me 'Sir' after that breathtaking kiss, then asked for my name. She'd almost believed me when I joked that my name was really 'July'. And she'd even introduced herself to me. Like, giving me her real name.

Who'd do that in a place like this and to mere stranger?

She's an intelligent but smart-mouthed little lady, alright, yet she's innocent and not a good liar.

I can tell. She cusses at walang pakialam kung matu-turn off ako sa kanya. She turned down my offer for a drink maliban na lang nung makipagpalitan ako nang business card sa manager nya. She doesn't know how to kiss, and blushes on awkward questions or if caught lying.

I always distance myself from innocent women because they tend to be clingy if you get intimate with them, but Jun just caught my interest.

She's a no non-sense conversationalist. There's intelligence in the way she talks. It's my first time to drink with a hot woman that instead of flirting, we'd talk about movies and TV series. For heaven's sake, I'm enjoying it!

I was even surprised that she's an architecture student and in drag racing. Wala sa itsura nya.

Nalaman ko nang gabing iyun kung sino yung Caloy at mga kasama nito. At nalaman ko kung ano ang ibig sabihin nung Sir Abet nya na broken hearted ito ngayong gabi.

Maybe Jun was just so drunk or maybe she really needed to pour her heart out, sinabi nya sa akin yung lahat tungkol kay Caloy, crying. Mula sa pagkakakilala nila hanggang sa marinig nya kanina na pinagpupustahan lang pala sya ng mga ito. Ang pagsisinungaling nya sa kapatid dahil sa drag racing.

Damn that asshole Caloy!

Di sa nagmamalinis ako. I have my share of crying women running after me, but I never told them nor make them feel that there is something to look forward to sa akin.

They want to share my bed, sure. Pero I make it clear to them that there are no strings attached to it. It's their fault kung aasa sila.

I didn't agree sa sinabi ni Jun na pinag-iisipan nyang labanan si Caloy sa isang drag race competition.

It's illegal and dangerous. Sayang si Jun kung maaaksidente at mamatay.

"Don't exert negative emotions to such bunch of idiots. Sayang ang energy at luha mo. Sa akin mo na lang ibuhos. Paiiyakin pa kita sa saya," sabi ko.

Well, I'm trying my luck with her but I won't push it. I don't really go for virgins but if it's gonna be this woman, I'm happy to make an exception.

And as expected, I got some of her smart-mouthing.

I just chuckled. Tapos nagyaya na itong umuwi.

Hilo na talaga ito sa dami ng alak na nainom.

She took off her heeled shoes reasoning na baka matapilok sya dahil lasing na nga.

"I don't know if that's a genius thinking or a drunkard's brain working, Jun," napapailing kong sabi.

I scooped her up and carried her.

Nung una, pumapalag ito na ibaba ko. Again, I got a fill of her smart mouth.

"July..."

"Hhmm..."

"Antok na ko. Wag mo ko momolestyahin. Papatayin kita!" Banta pa.

I just chuckled.

She's asleep when I settled her in my car's shotgun seat.

Napapiiling ako.

The first woman who made me feel unattractive. Ni hindi ko nakitang nagwapuhan sa akin eh. Gusto kong mainsulto.

Well, kung sabagay, she's inlove with someone else. And still hurting about it.

Napansin ko na may sumusunod sa aming sasakyan.

I made a conclusion that it was the Caloy guy. Mabilis at mahusay magmaneho, pero uubra ba sya sa akin? His driving skills would be for competition. I drive better because it is part of my profession and for survival purposes. I made sure the driver couldn't follow us.



"Psst! Type mo?" pasimpleng dinunggol ni Ralph ang tagiliran ko.

"Huh?"

"Yung kapatid ni Andie. You've been checking her, kanina pa."

Nagkibit-balikat lang ako sabay kunot ng ilong.

"Maganda naman ah," dugtong nito.

"Ni hindi nga tumingin sa atin ng matagal. Itong gwapo nating ito, lalo na ako."

Natawa si Ralph, "Well, that makes it more challenging."

"Try mo, kung uubra ka," mapakla kong sabi. Naiinis ako sa sarili kong sinabi.

"Hhmm... maybe not. She's beautiful and fresh alright, but...nakakahiya kay Andie," nakangising sabi.

May punto sya.

"E kung di kapatid ni Andie?"

"Pwede."

"Tss."

"Alam mo ba kung ilang taon na?"

"Nope. Aris Kho only hired me to investigate on Andie. I just knew Jun is the sister."

Di na kumibo si Ralph.

Wala silang ideya na si Juno dela Cruz yung dating kinuwento ko sa kanila na trip kong chick sa Palawan but she ended up throwing up in my car. Di naman kasi ako nagbanggit ng pangalan. Tawa nga sila ng tawa nung kinuwento ko yung bihisan portion ng gabing iyun.



"Harang ba yung manager nya?" kantyaw ni Reid.

"Gago! Di ko gawain manamantala ng babaeng lasing, 'no! I prefer her awake and feeling me," sikmat ko.

"Malay mo, tawagan ka pag nahimasmasan na. Di ba may card ka dun sa manager," si Ralph.

What Ralph said made me hope for a week. Lilipad talaga ako pabalik ng Palawan if Jun called. But she didn't.

Ipinagkibit ko na lang iyon ng balikat. I'm not the type who'd chase after a woman. Ayaw nya, e di wag. Kung gusto, then go. Madali akong kausap. Isa pa, women chase me. Usually, I'm the one, running away!



Totoo rin yung sinabi ko kay Ralph. When I started my investigation about Andromeda dela Cruz, and found out that she has a sister named Juno, I knew it was her. Nasa basic information na binigay ni Aris Kho na Andie ang nickname ni Andromeda. I remember Jun said that night that her sister's name is Andie.

Yet, I did not do any further investigation about Jun. It is against my principle. I do not invade other people's privacy. I only check out other people surrounding my subject if it has something to do about crime, conspiracy or something like that. Yung purpose ni Kho sa paghahanap kay Andie has nothing to do with Jun or any info about her. Isa pa, out of respect na rin kay Andie at kay Reid.

After Andie blew her cake candles, the band played an upbeat song. The vocalist invited guests to dance. Marami ang tumayo, kabilang na sina Reid, Andie at ang mga kaibigan nito.

Di ko alam but I got a bit alarmed nung may lalaking papunta sa table nina Jun.

"Oh, sa'n ka?" nagulat si Ralph nung bigla akong tumayo. Di ko nito sinagot. I did long fast strides to Jun's direction.

Halatang nabigla ito nung tumapat ako sa kanya, boxing out the guy na nakita kong magyayaya ditong sumayaw.

"Care to dance?" I said offering my hand.

Saglit na tumaas ang dalawang kilay nito pero inabot ang kamay ko. She tried to hide it but I saw her mischievous smile.

Ano'ng iniisip nito? Naalala na nya kaya ako?

Nanibago ako when I held her waist. I prefer it when she was wearing the halter red dress. Yung nahahawakan ko ang balat nya sa likod at balikat.

Kunsabagay, nung makita ko sya kaninang pagpasok pa lang namin ni Ralph dito sa Tommy's, medyo nag-alangan ako kung sya nga si Juno. Mas mukha syang bata despite the fact that we met more than a year ago. Wala itong kahit anong make up tapos naka-slimfit black jeans na tinernuhan nya ng gray oversized sweatshirt na see-through ang tela. Kahit dim ang ilaw sa dance floor, kita na nakasuot lang ito ng plain black 360 max support sports bra underneath. She matched it with a black sneakers without socks. Add that red hair she has now.

Hhmm... chick yet sporty. Bagay sa personality nya which is very opposite kay Andie. At mukhang may tago talagang kalokohan sa katawan.

As we looked for a space sa dance floor, tumayo na rin sina Ralph, Mike at Jeff. May narinig akong impit na nagtilian nung kumuha ng kapareha ang mga ito mula sa nga guests.

I caught Jun rolling her eyes patungkol sa mga nagtiliang babae. I smirked. Supladita pala talaga!

"Ano? Tatayo na lang tayo dito?"

Napakurap ako ng dalawang beses kay Jun.

"Oh, sorry. I got distracted," sabi ko.

Here she goes again with her smart mouthing.

I don't know but my heart started to beat faster than normal when she put both hands on my shoulders.

"It's a J.Lo song. Marunong ka ng modern salsa jazz?" she asked as she started to sway slowly.

"Maybe," sagot ko.

"Good."

I was actually disappointed. She really doesn't remember.

But the disappointment I felt was overshadowed by amazement when she turned her back on me while holding both my hands then slowly swayed those luscious hips na di kayang itago ng suot nyang oversized sweatshirt.

Napangisi ako sabay ng pag-angat ng kilay ko nung tumupi paunti-unti ang tuhod nya habang kumekembot pababa sa paanan ko. Her round sexy butt almost touching my front.

She definitely is a good tease when dancing.

I pulled her up and turned her around facing me then grabbed her waist to press to my body.

"Not bad huh?" komento nya na halos magkadikit na ang mukha namin.

And hell yeah! We danced like lovers as if walang ibang nagsasayaw doon. Next thing I knew, may mga pumipito at nagchi-cheer sa paligid namin.

Like that first night we met, we were given bigger space sa dance floor. May nakipag-showdown pa nga sa aming iba doon kaya lalong lumakas ang sigawan at palakpakan. But who could beat us?!

Tila ginanahan ang banda, tinuloy nito ang pagtugtog sa panibagong kanta still with upbeat tune. But it was a bit of hiphop.

Putsa, di ako masyadong marunong ng hiphop. I was having challenges keeping up. But Jun was a good partner. Di nya ako pinabayaan.

Naupo kami pagkatapos ng pangatlong kanta. Ayaw ko pa sana syang bitawan pero,

"Tama na," sabi nito. "Sweet dance na, boring!"

Nanghinayang ako.

"Panis!" sabi ni Juno pag-upo.

Nagtawanan ang mga naroroon as I ran my hand on my sweat-soaked hair na bahagyang tumatabon sa mukha ko.

"Bunso, akala ko Architecture ng kurso mo? Bakit parang dancing ang specialty mo?" Biro ni Jeff kay Juno.

"Akala ko mangangarate ka kanina sa dance floor," gatong ni Mike.

"Gulpihin kaya kita ngayon, Kuya Mike," irap dito ni Juno.

Talaga palang ganito sya kahit sa mga kaibigan ni Andie. Kahit nakikipagbiruan, suplada ang dating.

Naupo na ako kasi di na ako uli nilingon ni Jun.

Nung mag-duet sina Andie at Mike kasama ang dati nilang mga kabanda, isa si Jun sa makulit na nagchi-cheer.

"Kuya Mike, wala ka pa ring kupas!" sigaw ni Juno. Kinindatan ito ni Mike. Umirap lang ang babae.

Napakunot ng husto ang noo ko. May gusto ba si Jun at Mike sa isa't-isa? Ano na'ng nangyari dun sa Caloy?

Nakaramdam ako ng pagkairita. Parang nasira nun ang mood ko sa natirang oras ng party.

Nanghinayang ako nung malaman kong hindi sa Casa Alicia matutulog si Jun, but was also relieved dahil doon mag-i-stay sina Mike.

Pagdating sa hotel, I just took a quick shower and went to the resto bar sa ground floor. Halos magkasunod lang kami ni Ralph. Hinintay namin si Reid bumaba.

We need to talk about Aris Kho.

As I tell Reid what I have gathered about Andie's ex-boyfriend,

"Bro, si Montecillo, di ba close buddy sila pati nung Jeff at fiance ng kapatid mo? What do you think? Hindi ba sila nag-eespiya para kay Kho?" tanong ni Ralph.

"I'm not sure. I feel their genuine concern and respect for Drew, Hope and Juno. They sound sincere sa pakikipag-usap sa akin. They never mentioned Kho in any of our conversation, maybe out of respect. Minsan lang kay Montecillo but that was because of Monkho, purely business. Though I'm sure they are still talking about her. Hindi ko lang alam kung pabor sa akin o hindi."

"Yeah, I saw that even the younger sister is close to them," nakangiwing singit ko.

Natawa si Ralph. "Puta, Rob! Kailan ka pa na-insecure?"

"I'm not!" Tanggi ko.

"Mahihirapan ka dun," sabi ni Reid. "Pinagpawisan nga ako nung kausapin ako tungkol sa intensyon ko sa ate nya. She was quite straight forward. Amasona yun. Di mo ba narinig kanina. Pinagbantaan si Mike."

"She was just kidding," I said. Hindi ako naniniwala na may ganoong kapasidad si Juno.

"You're challenged," si Ralph. "Di ka sanay na di pinapansin ng babae especially when you made the first move. Dinedma ka na ni Jun after nung showdown nyo sa dancefloor eh. Tangna, nasapawan kayo, pati yung nakikipag-showdown sa inyo. Walang nagawa ang galing mo sa sayaw kahit isama mo pa kapogian mo. Ano ngang sabi?"

"Panis," panggagatong ni Reid.

"Ayun, panis! Totoo naman, panis kayo."

Napangiwi ako. "Gago! Ang bata pa nun. College student pa lang, pagkakadinig ko dun sa Jeff."

"Bente uno na si Jun. Matanda ka lang ng limang taon dun. Dapat graduating na ng Archi. Nahinto lang dahil nga sa nangyari," si Reid.

"Kahit na. Not my type," tanggi ko pa rin.

"Maganda naman ah tsaka sexy kahit medyo kinulang sa height," si Ralph.

"Tangna mo, Ralph! Tulak ka ng tulak sa akin, ikaw yata may gusto dun," naasar na sagot ko.

"Nagseselos!" Pang-aasar ni Reid. Nag-high five pa ang dalawang balusubas.

"Ulol nyo pareho!" Singhal ko."Puta, Reid. Ikaw ang topic dito, sine-segue nyo sa akin!"

Tangna! Di ako pikon na tao...pero napipikon ako ngayon.

Ibinalik ko ang usapan kay Kho. We finished almost three in the morning.

Kinabukasan, subconsciously, I was hoping na pupunta si Jun sa Casa Alicia. Pero hindi daw ito sasama sa pagpunta nina Reid sa El Nido.

I was somewhat disappointed.

Ralph and I flew back in Manila before lunch.

Pagdating sa condo ko, I was having a fight with myself kung hahanapin ko ba si Jun sa FB. Finally, my mind won. I did not.

The next few days, medyo naisasantabi ko na ang pagpasok ni Jun sa isip ko pero lampas isang linggo lang, tumawag si Reid.

"Hey, Rob! I need your agency's service,"

"About?"

"Si Juno. Luluwas ng Maynila bukas. She'll be looking for a university to transfer to, pati school para kay Hope. I need one security to look after her."

Nahigit ko ang hininga ko, "Oh, I see."

"Ikaw na lang kaya. It's your chance, dude," tukso nito.

"Ulul! Tigilan nyo nga ako ni Ralph."

Humalakhak ito. "Fuck, man! If only you can hear yourself. You're not usually like that when we talk about your women. You always brag about them."

"Hindi ko babae si Jun."

"Yun nga eh. Kaya ka siguro ganyan. Kasi di ka makaporma," tumawa uli ito.

"Sige na! May ginagawa ako. Istorbo ka!" Pigil asar kong sabi.

"Ok, ok. Anyway, Jun doesn't know I hired you. Keep it that way. Magagalit yun. I just want to make sure since we still do not know the guy who threatened them before."

"E bakit pababayaan nyo syang lumakad mag-isa?"

"She's free-spirited and can handle herself. In case lang na kailangan nya ng back-up, at least may security na nakabantay sa kanya from a distance. I'll text you her flight sched. She'll stay at the villa for four days and three nights."

Nagtaka ako sa sinabi nitong 'she can handle herself' kaya lang bago ako makapagtanong,

"Just send me the bill. Sige, bye."

Dial tone.

Buong maghapong nagtalo ang isip ko kung sino sa mga tao ko ang ia-assign ko para bantayan si Jun...hanggang sa maihilamos ko na lang ang palad sa mukha ko.

"Damn! Fine! I'll just do it!"

I frustratingly exclaimed to myself.

============

This is a cross over sa Her Ever After chapters 12-13 and 17

===========

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj