Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22 Pikachu


Here's a 4,600 words update for you, readers!

Enjoy!

===========

Maaga ang shift ko ngayon dahil nakipagpalit sa akin ang isa kong kasama. Madali naman akong kausap. Isa pa ganun kami sa Tommy's. Kapag kailangan ng empleyado, sige lang at payag ang management. Ako rin naman, nakikipagpalit ng sched.

Dahil Sabado, maaga pa lang, marami nang tao sa club strip. May pailan-ilan na ngang maiingay, malamang maagang naparami ng inom.

Wala namang akong ibang gagawin pagkauwi maliban sa kulitin si Hopia at magbabad ng mga puting labahin. Iche-check ko rin kung tuloy ang skype conference ko sa dalawang kulangot ngayon.

"Hindi nga sabi eh!"

"Sumama ka na kasi!"

Napalingon ako sa dulong bar ng club strip. Nasa gilid nun ang malaking parking space para sa mga guests ng mga bars.

May nakitang akong babae na halos ka-height ko lang. Mukha itong mayaman, pero base sa pagsasalita nito, alam ko kaagad na di ito tubong-Palawan.

"Sige na. Ako na maghahatid sa iyo. Baka mawala ka pa," hila nung lalaki na mukhang nakainom na.

"No, thank you. Magtat-taxi na lang ak—Ouch!"

Napasubsob yung babae sa nakabukas na backseat door ng isang SUV.

Lumapit na ako. Hindi ko gustong makakakita ng ganito. Una kong naiisip si Ate at ang nangyari sa kanya.

"Excuse me," singit ko. "May problema ba?"

"Whoa! What do we have here? Another pretty chick," sabi nung lalaki na bahagyang mapungay na ang mata.

Pretty, ka dyan! Dyosa ako!

Hindi ko ito pinansin. Binalingan ko yung babae na umayos ng tayo. Nagkaroon ng konting relief sa magandang hawas ng mukha nito pero may takot pa rin.

"Miss, ok ka lang?"

Tumango ito.

"Magkakilala ba kayo?"

"No!" yung babae.

"Oo!" yung animales.

"I don't know you, you jerk! I'm just a tourist here!" sabi nung babae.

Hinawakan ko sya sa braso, "Halika, miss. Ako na maghahatid sa iy—"

Hinatak ito pabalik nung lalaki. Kaya napasama ako papalapit sa gago!

"Ako na maghahatid sa iny—"

Napatili yung babae dahil sinipa ko na yung lalaki sa pagitan ng hita at nung mapauklo ito, tinuhod ko sa mukha.

Napahiga ito.

"Tang ina!" may nagsalita mula sa loob ng SUV.

Shit! May kasama pala!

"Miss, halika! Takbo na!" Hinatak ko na yung babae papalayo.

Narinig ko pa ang pagmumura nung lalaking sinipa ko at ang pagsigaw ng mga kasama nito na nagbabaan sa SUV.

"Wait...I can't run fast!

Putris! Ang arte naman nito!

"Pwes, pilitin mo!"

Ilang dipa na lang, nadapa pa ito!

Pag minamalas nga naman!

Inalalayan ko itong tumayo. Nakita kong nag-akyatan na yung mga lalaki sa SUV.

Syete naman, oo!

"Dalian mo! Aabutan na tayo. Malapit na lang yung sakayan!" Malakas kong sabi.

Ang bagal tumakbo eh naka-keds naman!

"My purse! I dropped my purse!" Hiyaw nito.

"Nyeta! Iwan mo na!"

Pinara ko yung unang taxi na dumaan. Konti na lang humarang na ako sa kalye masiguro ko lang na hihinto ito.

Hindi dapat malaman nung mga ungas sa SUV na dito kami sumakay. Iikot pa naman sila palabas ng parking area.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa babae nung nasa taxi na kami at sabihin sa driver kung saan kami.

"Uhm... I guess..Oo," hingal at parang maiiyak na sabi nito.

Dun ko nalaman na taga-Maynila ito at kasama ang ilang kaibigang babae sa Palawan. Birthday daw ng isa sa mga kasama nya kaya sila naririto para mag-celebrate.

"Aba'y nasaan sila?"

"I got separated. They hooked up with some guys."

Napatirik ang mata ko.

"Tawagan mo!" Asik ko.

"Nasa purse yung phone ko."

"Tsk!"

Nalaman ko na aabutin ng isang oras ang byahe pabalik ng hotel na kung saan ito nakatigil kasama ang mga kaibigan.

"Uwi muna tayo sa bahay. Hihiramin ko kotse ni Ate. Ihahatid na kita."

"Salamat."

May sasabihin pa sana ito pero pumara na ako. Medyo paika-ika itong lumakad pagbaba namin ng taxi hanggang makarating kami sa bahay.

May extrang kotse na naka-park sa tapat namin. May bisita kami?

"Bilisan mo nga!" Iritableng sabi ko.

Hindi naka-lock ang screen kaya nakapasok agad ako ng tahimik.

Nakita ko si Sir Reid at Ate na magkatabi sa sofa. Nakaakbay ang lalaki sa kanya, tapos si Hopia tulog sa kandungan nito.

"Ehem!"

Napalingon ang dalawa sa amin.

"Looks like one happy family ah," ngisi ko. Sinasabi ko na eh!

"You don't have any worries about that, right?" sabi ni Sir Reid.

Sandali kaming naglabanan ng tingin.

"No... I guess I don't. Pero dito sa kasama ko meron," nilingon ko yung babae.

Medyo nagtaka ako na parang nakatitig ito sa akin pero nag-iwas agad ng tingin tapos parang nag-blush.

Problema nitong babaeng ito?

Sinabi ko kung ano nangyari nung magtanong sina Ate.

Sinabi rin nito na napahiwalay lang ito sa mga kaibigan.

"Ano nga pala pangalan mo?" Singit ko.

"Dianne..." Mahina nitong sabi.

"Halika, tingnan natin paa mo. Ang lampa mo kasi!"

Ilang beses akong sinaway ni Ate sa pagtataray ko kay Dianne

"Umiwas ka na sa mga kaibigan mo ha! Ang kaibigan, hindi ka iiwan. Tangna, inuna pa mga bahay alak at kalandian nila. Pati ako, mapapahamak. Alangan namang pabayaan kita!"

Sina Paul atTroy, kahit kelan di ako iniwan sa ere.

Nagpaalam ako kina Ate na pupunta muna kami sa kusina kasi titingnan ko ang paa ni Dianne kung namamaga.

Pinaupo ko ito sa dining chair at nag-squat ako sa tapat nya. Hinubad ko ang keds nito.

Yayamanin nga si Ateng, kinis ng paa eh. Mukhang bago pang pa-footspa! Haha!

Aba, mabuti! Nyeta, di ko planong maghilot ng paang may di kaaya-aya ang amoy! Hello!

Nalukot ang noo ko nung pag-angat ko ng tingin sa kanya, nahuli ko na naman itong nakatitig sa akin.

"Problema mo?"

Namula ito. "W-wala," tapos ngumiti ng parang nahihiya.

Arte!

Pero, parang pamilyar sya sa akin.

Di naman maga ang paa nito. Baka nabigla lang. Minasahe ko lang iyon saglit. Tapos pinainom ko ng tubig.

"Tara, hatid na kita."

Tahimik itong sumunod.

"Ate, pahiram kotse. Ihahatid ko lang ito sa hotel nila."

"Use my car," sabi ni Sir Reid. Hinagis sa akin yung susi ng kotse nya.

"Naks!BMW, angas ah!"

"Jun, kelan ka pa natuto magmaneho? May lisensya ka ba?" Sikmat ni Ate.

Shit! Oo nga pala!

"Grabe ka,'te! Wala kang bilib sa akin," sabi ko na lang matapos iwagayway yung driving license ko, sabay paalam.

Pero saglit akong bumalik,

"Oy, Amerikanong hilaw," sabi ko kay Sir Reid.

"Umayos ka dito sa bahay namin. Kung hindi, ibabangga ko yung BMW mo," banta ko.

"I'm half-German, you little twerp!" sagot nito.

"Ah, the dog!" sabi ko sabay labas uli.

Antaray ng sasakyan ni Sir Reid. Ang sarap imaneho. Iba talaga kapag mamahalin ang sasakyan eh.

"Uhm, 'nga pala. Ako si Jun," pakilala ko.

"Alam ko."

Bigla akong napatingin dito pero binalik ko agad ang mata sa daan.

"Pa'no mo ko nakilala?E taga-Maynila ka."

"Ah...eh... drag racing. Kilalang-kilala ka pa rin—"

"Ayokong marinig!" I snapped at her.

"I mean..."

I slammed on the brakes. "Look, miss. Ayokong makarinig ng kahit ano tungkol sa drag racing lalo na sa hindi ko kilala. At taga-Maynila pa man din. So kung ayaw mong maglakad pabalik sa hotel nyo, shut up ka na lang, ok?"

Napangiti ito ng tipid, "Mataray ka talaga."

"Wala akong pake sa opinyon mo tungkol sa akin. Manahimik ka na, pwede?!"

Basta, kanina pa ako naiirita sa babaeng ito. Naartehan nga kasi ako. At hindi ko alam, basta, lalong nadagdagan ang irita ko nung malaman ko na kilala ako nito at konektado sa drag racing.

Siguro, kasi sina Paul, Troy at mga Kulugo, bihirang-bihira na sila nagbabanggit sa akin tungkol doon. Siguro dahil ayoko ng maalala at balikan yung masasakit na nangyari noon. Nakaka-move on na ako. Actually, I already made a big jump.

Tapos etong babaeng ito na sumulpot lang sa kung saan, biglang magbabanggit tungkol dun. Syet lang!

 Buti di na ito nagsalita. Yun nga lang ilang beses itong pasulyap-sulyap sa akin. Nakakairita!

Ibinaba ko lang sya sa drop off bay ng hotel at hinintay makapasok sa loob bago umalis.

Pumasok agad ako sa kuwarto ko pag-uwi. Gusto ko bigyan ng privacy si Ate at si Sir Reid. Ilang minuto matapos kong marinig ang pag-alis ng kotse ni Sir, Reid, kumatok si Ate sa kuwarto ko.

Nagkuwento sya sa akin kung ano yung inabutan ko.

"Wala yun sa akin, 'Te. Basta alam kong masaya ka, go lang," sabi ko.

"Salamat, bunso."

Na-guilty ako. Kasi ang daming nangyari sa akin pero, wala akong kinukwento kay Ate. Ang akin lang naman, ayoko nang makadagdag pa sa mga isipin nya.

Kinabukasan, sumama si Sir Reid sa amin magsimba. Hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko nung tuwang-tuwa si Hopia makita ito pagkagising at tawagin ang lalaki ng tumataginting na 'daddy'.

Parang gusto kong maiyak para kay ate at sa pamangkin ko. At last, eto na yata ang hinihintay kong kaligayahan para sa kapatid ko.

Isang bagay na gusto ko sa lalaking ito, hindi nya kinagagalit ang pang-aasar at pagbibiro ko sa kanya. Cool, naisip ko.

But the next week was another disaster for us. Ang hayup na Bagyong Art Cena, muntik nyang ma-rape si Ate. Mabuti at dumating si Sir Reid.

Hindi ako pumasok sa campus at sa trabaho ng araw na iyon. Nanginginig ako sa galit. Nai-imagine ko na naman kung ano yung nangyari dati. Gusto kong patayin si Art Cena. Nakita ko kay Sir Reid ang kakambal ng nararamdaman kong iyun. May sugat ito sa mga kamao, na ayon sa narinig ko, dahil iyon sa muntik nyang mapatay si Art, kundi lang may umawat dito.

Ang pangyayaring iyun ang naging daan para isiwalat namin kay Sir Reid ang tungkol sa nakaraan ni Ate at nang pamangkin ko.

Naiyak ako sa harap ni Sir Reid sa dalawang dahilan. Una dahil nag-breakdown na naman kasi si Ate Andie. Pangalawa, ang mga sinabi ni Sir Reid kay Ate.

"Akin si Hope, Drew. Akin sya. Tandaan mo. Kahit sino ang magtatanong, ako ang daddy nya, ok?"

Inaangkin na nya ang mag-ina. Nakahinga ako ng maluwag. Masayang-masaya ako para kay Ate at Hopia.

Si Sir Reid na rin ang gumalaw para sa kaso laban kay Art Cena. Though, wala kaming nagawa nung magdesisyon si Ate na wag na ituloy ang demanda kapalit ng paglayo sa pamilya namin ni Art Cena.

Ayaw pa rin ni Ate ng gulo at ingay. Katwiran nya, madadamay si Sir Reid dahil di man kasing yaman, may sinasabi rin sa business world ang pamilya Cena.

Nakita ko ang effort ni Sir Reid para sa mag-ina. Pinagsisiksikan nya nga ang sarili nya sa dalawa sa maliit na kama ni Ate, nung abutan kong doon ito natulog.

"Ate, gusto ko si Kuya Reid para sa iyo...sa inyo ni Hopia."

"Kuya na talaga?"

"Bakit ayaw mo ba? May swabe sa dila, kesa tawagin kong Sir o kaya Boss," sagot ko.

"Mahal ka nya. Kita at dama ko. Hindi nya kinuwestyon ang pinanggalingan ni Hope. Narito pa rin sya sa tabi mo, sumusuporta. Umaalalay sa iyo. Truth is, siya na ang nakikibagay sa atin. Kahit mahirapan sya sa pagtulog, isisiksik nya ang sarili nya sa inyong mag-ina."

"Alam ko naman. Nagpapasalamat ako ng marami sa mga nagawa nya para sa amin...sa atin," pag-amin ni Ate Andie.

"Nagpapasalamat lang? Wag, 'te...wag mo syang paasahin kung di mo masusuklian ang binibigay nyang pagmamahal sa inyong mag-ina. Kung hindi mo kaya, sabihin mo na sa kanya . Baka hindi sya makaahon. Ate, sa mga pinagdaanan natin... mo....you still deserve to be happy." litanya ko.

Hindi alam ni Ate. Kinausap na ako ng masinsinan ni Kuya Reid. Gusto na nyang mag-propose pero parang may pumipigil kasi sa kapatid ko kaya kinausap ko na rin si Ate.

Though nagulat ako sa mga nalaman ko kay Kuya. Inamin nito sa akin na kapatid nya sa ina si Ate Sarah. Ang bestfriend ni Ate. Kailan lang daw nya nalaman.

Pumayag akong tumulong sa sorpresa nya para sa kapatid ko, kasabay ng proposal nya. Excited ako sa mga plano nya.

"Jun, gusto kong sabihin sa Ate mo lahat, but I want it a surprise in a nice way. Isa pa, gusto ko na kayong lumabas uli sa lungga nyo. Ang tagal na panahon na kayong nagtago. Kahit ikaw, Jun. Marami kang kaibigan. Kung gusto mo, dalawin mo ang boyfriend mo sa US. Sagot ko ang trip mo," sabi nya.

Nagulat ako sa mga sinabi nya. Bigla kong naisip si Boss Matt at tama ako.

"Si Matt ang nagkwento sa akin," napangiti ito. "Ikaw pala yung naikukwento nya sa aking sikat na bababeng navigator at racer. Gusto ka nyang makilala ng personal dati, e naging empleyado ka pa sa Tommy's," natatawang sabi ni Kuya Reid. "I'm also a car and racing enthusiast. Though, I've never tried drag racing. Wala na akong time. Wag ka mag-alala. Di ko naman sasabihin sa ate mo. Ikaw dapat ang magsabi sa kanya."

Nagkasundo kami sa sorpresang gusto nya. Ako ang nag-back up sa kanya nung ayaw maniwala nina Ate Nala at Kuya Carl nung magpakilala ito at sinabi kung nasaan si Ate Andie. Gusto nya kasing patugtugin ang dating mga kabanda ni Ate Andie sa Christmas party ng Casa Alicia. 

Nung ibalita ko kina Paul at Troy ang tungkol sa gusto ni Kuya Reid, tuwang-tuwa sila.

"That's good. Actually, it's great!" sabi ni Troy.

"Time to get out in the open for all of you," segunda ni Paul. "Pero, wag ka na pumunta ng US. Wala ako dito ng holiday break."

"O, saan ka?" si Troy.

Natahimik sandali si Paul. Tapos tumikhim.

"Dyosa," umpisa nito. "Ok lang ba sa iyo na...mag-break na tayo?"

"Ayooowwnn oh!" bulalas ni Troy. "Pumapag-ibig na si Paul!"

Natawa ako. "Hindeee! Pakilala mo muna sa akin yang 'ultimate' mo!" Sikmat ko.

"Uhm...hindi pa kami. Nasa friend zone pa lang kami."

"Ay, puta. Mahina!" si Troy.

"Wow! Nagsalita. 'Musta kayo ni Nancy?" salag ko para kay Paul.

Hagalpak sila pareho ng tawa.

"Kitams?!" sabi ko. "Pero, boyfriend, ang saklap mo naman! Break up sa Christmas season?"

Tumawa sila ni Troy.

"Kesa kumalat na pinagpalit kita habang tayo pa, Jun. Ano, pili ka?"

Napanguso ako, "May tama ka dun."

Napagkasunduan naming magkita-kita na lang sa Korea. Bibisita raw si Paul sa bahay ng 'kaibigan' nya. Half-Korean, half-American yung babae. Si Troy, isasama raw si Nancy.

"Pucha naman! Ako, walang partner?" reklamo ko.

"Hanapin mo si Lee Min Ho sa Korea," sabi ni Paul.

"Ay, gusto ko yan!" tawa ko.

Yun ang sinabi ko kay Kuya Reid. Trip to Korea.

"I have a budget for your trip to US. Going to Korea would be cheaper than that," ang sabi.

"Ang yabang mo rin, ano?" sikmat ko sa kanya.

Tumawa lang ito. "I'll get you a five-day trip  each to Korea and Japan. Para sakto ng tapos ng bakasyon namin sa Manila. Ayaw kita sa paligid kapag bakasyon namin. Iistorbohin mo lang oras ko sa Ate mo at kay Hope," biro nito.

Inirapan ko ito.

Pero syrempre, kinagat ko yung offer nya.At naiintindihan ko rin ang nararamdaman nya. Gusto nyang masolo ang mag-ina. At naisip ko, lalabas at lalabas ang balita ang tungkol sa kanya at kay Ate Andie.

Mas magandang may proteksyon ang mag-ina. Isa pa, nagkausap na kami ni Ate Sarah. Nagkaroon ako ng balita tungkol sa Singkit na Ulupong. Kung totoo man ang hinala ni Ate Sarah na sinadya nitong hindi pa rin makasal dun sa mukhang susong si Madison kahit ang tagal na, wala akong pake. Ayokong magkaroon sya ng pagkakataon na makalapit uli kay Ate. Galit pa rin ako sa kanya.

Awa naman ng diwata ng mga kakornihan, naging successful ang pagpo-propose ni Kuya Reid kay Ate sa mismong Christmas party ng Casa Alicia. Yun nga lang, kaumay sila pareho! Haha!

Kidding aside, tuwang-tuwa ako sa mga reaksyon nilang dalawa mula sa mga sorpresa ni Kuya Reid kay Ate, pati sa pagkanta nila pareho para sa isa't-isa.

In fairness, magaling umalulong ang aso ni ate! Haha!

Di ko lang pinapahalata na sa kabila ng kakornihan nilang dalawa, kinikilig ako ng husto. Ang laking lalaki ni Kuya Reid pero di ito nahiyang maiyak nung mag- 'I love you' sa kanya si Ate. At di sya napikon kahit inaasar naming mga nanood at maging comedy halos ang marriage proposal nya kay Ate.

Pero ang talagang na-touch ako, inangkin ni Kuya Reid na anak nya talaga si Hopia kahit sa mismong mommy nya nung dumating. Sobrang proud pa sya tuwing sinasabing anak nya ang pamangkin ko. At madali iyung paniwalaan. May hawig ang pamangkin ko sa kanya at kamukhang-kamukha naman ni Ate Sarah. Isang bagay na pinagtaka ko, though binalewala ko na lang.

Ang importante, masaya si Ate at si Hopia... at maari na kaming bumalik sa dati. Katulad nung nasa Maynila pa kami. Hindi na namin kailangan pang magtago.

Three days bago mag-Pasko, tumulak na kami pa-Maynila. Sina Ate, para sa bakasyon nila ni Hopia sa bahay nina Tita Alice, ang mga magulang ni Ate Sarah at Kuya Reid. At ako, para sa flight ko papuntang Korea.

Pagdating na pagdating sa Maynila, una naming pinuntahan ang puntod ni Papa at Mama. Pareho kaming nagtaka ni Ate dahil well-maintained ang puntod ng mga magulang namin. Sabi ni Kuya Reid, iyun ang unang beses na nagpunta sya dun.

Hindi na namin iyun masydong napagtuunan ng pansin dahil na rin sa pinipigil naming luha ni Ate. Nagdasal kami sandali ni Ate. Ilang minuto lang kaming nag-stay tapos bumiyahe na kami papunta sa bahay ng mga magulang ni Kuya Reid.

"You remember this intersection, Mine?" si Kuya. "Ang cute mo kaya nun. Nung magulat ka sa akin dahil nakadungaw na ako car window mo."

"Reminiscing talaga kayo eh, ano?" singit ko. "Pwede mamya pag-alis ko na. Kakaumay kayo eh."

"Mag-boyfriend ka na kasi para di ka mainggit," tukso ni Kuya Reid.

Alam ko, pasimple akong inuudyok nito para magsalita ako kay Ate.

"Ikaw kalahating German kalahating shepherd ka, tantanan mo ko ha?" sikmat ko.

Tinawanan lang ako nito. Though deep inside, bigla akong nalungkot. Naalala ko si Caloy. Saan kaya syasa Maynila? 

Ay letse! Paki ko!

Silang dalawa ni Ate ang naghatid sa akin papunta sa airport. Bago ako sumakay, binigay ni Ate ang Christmas gift nya sa akin.

Gaya ng bilin nya, binuksan ko ito nung nasa eroplano na ako. Kaya pala, trench coat yun. Magagamit mo sa Korea at Japan. Bet ko ang kulay nito, red wine.

May hotel na akong pagtitigilan. Kasama iyun sa mga naka-arrange na sa trip ko. Sabi ko kina Paul, dun na rin sila mag-stay. Dahil may dalawang kuwarto iyun.

"Iba talaga pag yayamanin," tukso ni Troy pagpasok nila ni Paul sa hotel unit ko.

"Gago, libre lang yan," sikmat ko.

Hindi ko alam, nag-usap pala ang dalawa na di na isasama ni Troy si Nancy.

"Minsan na lang tayo magkasama, kaya pagkakataon mo nang solohin kami," sabi ni Paul.

"Eh, paano yung 'ultimate' mo?" tanong ko.

"Lagi naman kaming nagkikita sa US," sabi ni Paul. Katabing unit nya lang daw ito sa flat na iunuupahan nya. "Ill visit her bago tayo pumuntang Japan. Sama kayo para ipakilala ko kayo sa kanya."

Sasama rin kasi sila sa akin sa Japan, though uuwi sila ni Troy ng Pilipinas para sa Bagong Taon. Mapapagsolo ako ng tatlong araw sa Japan.

We had a great time. Ang dami naming pics tatlo kung saan-saan. Yung isang araw naming paglalakwatsa sa Korea, kasama namin si Lauren Yoon. Ang 'ultimate' daw si Paul.

Pinakilala nya kami sa babae.

"Oh, it's you," ang sabi nito sa akin. "You're more beautiful in person."

"Gusto ko sya, Paul. Sobrang honest," sabi ko. "Ligawan mo na."

Nagtawanan ang dalawang kulangot kasunod ng mahinang pagsakal sa akin ng sabay.

Nagulat si Lauren sa eksena naming tatlo.

"What did she say? Don't kill her!" Awkward pero natatawang saway nya kay Paul at Troy.

Ako ang sumagot matapos akong bitawan ni Paul at Troy, "Don't worry, Lauren. It's not something bad about you. It's just that these two morons can't handle the truth."

Kilala nya pala ako as girlfriend ni Paul. Medyo naiilang sa akin though halata ko ang pagtataka sa mukha nito. Nakikita nya kasi na hindi kami romantically sweet ni Paul. Na pantay lang ang pagtrato ko sa dalawang kulangot na ito.

Nung magkaroon ako ng pagkakataong makausap ng solo si Lauren, binigyan ko ito ng hint.

"Paul and I are more of bestfriends than lovers. You see, the three of us came here for vacation. Not just Paul and me. They're my best buddies."

"Oh, I see."

"Just keep it a secret that I talked to you, alright? Paul's gonna strangle me for sure," tumawa ako ng mahina.

Ang saya rin ng stay namin sa Japan. Tawa ng tawa yung dalawa nung namili ako ng ilang pares ng bra at panty na Pikachu ang designs.

"Tangna, Jun! May binili ka nang stuffed toy ni Pikachu, di ba? Di ka na nakuntento dun?" si Troy.

"Lakampake!" pagsusungit ko.

"Pucha, kapag may naka-sex ka, Jun, at makikitang suot mo yang ganyang pares ng underwear, manlalambot ang titi ng kandidato ng lovelife mo," tukso ni Paul.

Tawa ng tawa si Troy.

"'Tado ka, Paul. Titi talaga! Ang bastos mo!" hinampas ko ito ng shopping bag.

"O sige, wag na, titi," sabi naman ni Troy. "Tawagin na lang nating 'pikachu'!" tapos hagalpak uli sila ng tawa.

Muntik ko nang isoli yung mga underwear at stuffed toy ni Pikachu. Nyeta kasi! Bakit 'pikachu' pa ang pinangpalit na tawag nila sa 'anes' ng lalaki? Mga gago eh.

Pero, paborito ko kasing pokemon si Pikachu. Hayaan na. Di ko papatulan ang dalawang ito.

Ang kaso, nung ihatid ko sila sa Narita airport pauwi ng 'Pinas,

"O, Juno. Mag-iingat ka dito. Wag basta-basta papatol sa poging may pikachu!" sabi ni Troy.

Napanguso ako. "Gago ka, Troy!"

"Malay mo, Jun, may thunderbolt ang mga Pikachu ng mga Japanese!" Si Paul na natatawa.

"Kuwentuhan mo kami," salo ni Troy.

"Pak yu kayo pareho! Tangna nyo, ang virgin ears ko!"

Pagdating sa Pilipinas ang dalawa, in-upload agad ni Paul ang mga pictures naming tatlo. Ang album caption: Holiday vacation with my best buddy and girlfriend in Korea...and then with my two best buddies in Japan.

Naka-tag kami doon ni Troy. Ang daming nagtanong, lalo na sa community, kung bakit ganun ang caption ng album.

Ako ang sumagot sa kanila gamit ang FB ko.



Mag-bestfriends kaming tatlo. We better stay that way.



Marami ang nanghinayang. Marami ang natuwa na kahit wala na kami ni Paul, sobrang close pa rin kaming tatlo. At marami rin ang nagbiro na available na uli kami ni Paul for a new relationship. Hindi na uli ako nagkomento, ganun din sina Paul at Troy. Ang mga reply lang nang dalawa ay yung tungkol sa bakasyon namin sa dalawang bansa. Gaya ng,



Ang sarap ng soju sa Korea at sake ng Japan. Si Troy.

Panalo! Segunda ko.

Basta alak, masarap! Si Paul.

Si Dyosa, ginawang tubig pareho. Si Troy.

Gago! Reply ko sa comment nya.

Oy, Juno! Wag magpapakalasing tapos hahanapin mo pikachu ha? Si Paul.

PAK YU!!! Asar na asar na reply ko kahit alam kong kaming tatlo lang nakakaintindi nun.



Sa tatlong araw na ako na lang ang naiwan, sinamantala ko na ang pamimili ng mga pasalubong at ang pangarap kong original katana set.

Tragis, ang mahal pala ng ganitong klase ng blade. Ang laki ng nabawas sa ipon ko. Basta collection ko kasi, sariling pera ko ang gamit ko.

Mabuti na lang, ang laki ng pocket money na binigay ni Kuya Reid. Kahit nakakapamili na ako ng kung anu-ano sa Korea at Japan, di ko pa ubos. Ibabalik ko na lang sa kanya yung debit card.

Pero di rin kinuha ni Kuya Reid ang debit card nung sinoli ko. Sa akin daw talaga iyun.

Aba, e di pabor!

Lumipas ang mga araw, sinabihan ko na si Ate Andie na pwede namang dun na sila tumira sa unit ni Kuya Reid sa Casa Alicia, basta dadalawin nila ako ng weekends para makakasimba kami ng Sunday. Naawa kasi ako kay Kuya Reid. Parang di ito sanay sa maliit na bahay, e ayaw naming umalis sa apartment namin dahil narito sina Ate at Hopia. Pangalawa, si Madel. Yung nurse ni Hope na kinuha raw ni Tita Alice para sa 'apo' nya. Alam na kasi nila ang heart condition ng pamangkin ko. Katabi ko si Madel sa kuwarto ko. Wala namang problema sa akin, kaya lang naawa ako dito dahil palipat-lipat ng higaan. Kailangan nyang tabihan si Hope pag-alis nina Ate pagpasok sa trabaho.

Katwiran ko, ganun din naman kapag nakalipat na kami ng Maynila sa April. Tapos sa June, ikakasal na sila.

Ang kaso, ayaw ni Ate...nung una.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak dito na isang gabi bigla itong tumawag para sabihin sa akin na doon na sila sa Casa Alicia, tulad ng suhestyon ko.

Walang problema sa akin yun. Though alam ko, may parang problema sila ni Kuya Reid. Ayoko lang makialam. Nakikita ko naman na inaayos nila ang mga nagiging issues nilang dalawa. Maganda ang communication nila as couples, compared dun sa Ulupong na Singkit!

Isang linggo bago ang birthday ni Ate Andie, kinausap uli ako ni Kuya Reid.

"Ano na namang pinaplano mong German Shepherd ka?" biro ko.

Napangiwi ito, "Magkapatid nga kayo ni Drew," ang sabi. Drew ang tawag nya kay Ate.

Sinabi nito na gusto nitong magpa-party para sa birthday ni Ate. Gusto nyang palalabasin naming walang nakaalala sa kaarawan nito pero dadalhin nya si Ate sa Tommy's. Dun na kami maghihintay kasama ang mga kaibigan at piling bisita.

"I want to surprise her," ang sabi pa ni Kuya Reid.

Sa gabi ng birthday ni Ate, napaiyak si Ate pagdating sa Tommy's. Dumating sina Ate Sarah, Kuya Errol, Kuya Mike at Kuya Jeff – galing lahat ng Maynial. Naroon din ang ilang kaibigan ni Ate sa Casa Alica. Tumawag rin sina Sam at Ate Rika na parehong nasa abroad.

It was indeed ang successful surprise for my sister... and me!

"Sorry, na-delay yung flight namin."

Hindi ko alam kung bakit biglang dumagundong ang dibdib ko nung marinig ko yun.

Pamilyar sa akin ang boses na yun. Yung malalim at buong-buo boses ng lalaki.

Lumingon ako.

May dalawang lalaking dumating. Mga kaibigan ni Kuya Reid.

"Happy birthday, misis!" bati nung isa kay Ate. Sya uli. Pagbeso nito sa kapatid ko, nakita ko ang mukha nya.

Parang may mga insektong nagpulasan sa sikmura ko.

Shit! Buti praktisado ako sa The Art of Dedma!

Umayos agad ako ng upo at ibinalik ang mata sa bandang tumutugtog sa stage ng Tommy's.

Sya ba talaga yun? Bakit mahaba ang buhok?

Gaga! Lampas isang taon na rin yun! Malamang di nagpapagupit!

"Salamat!" sagot ni Ate.

Shit! Shit! Magkakilala sila ni Kuya Reid!

Naku, baka magsalita o magtanong ito ng kung anu-ano. Masisira ang birthday ni Ate dahil tiyak na magagalit ang kapatid ko kapag nalaman nyang dati akong nagda-drag race.

Pasimple akong huminga sa bibig. Kinakabahan akong di ko mawari.

Parang kang na-love at first sight, Juno!

Tragis! Anong first sight? E di naman kami first time magkita nito! Na-imagine ko na naman ang mga kinuwento sa akin ni Sir Abet.

Naramdaman ko ang pangangapal ng mukha ko sa hiya ng maalala yun. Shit! Shit!

Buti, hindi masyadong maliwanag sa puwesto namin nina Ate. Hindi halata ang pamumula ko.

Kalma, Juno! Dyosa ka! Malay mo, di ka na nya naaalala.

"Ah, Jun, Vina..." si Kuya Reid.

Ito na! Syeeet!

Patay-malisya akong lumingon pero sinigurado kong kay Kuya Reid ako nakatingin.

Oo, I'm buying time. Kahit ilang segundo lang.

"Mga kaibigan ko," simula ni Kuya.

"Ralph Marquez," inabot nung isang hunk yung kamay nya kay Ate Vina, tapos sa akin.

Tumikhim yung isa. Wala akong choice kundi tingnan ito.

Nagtama ang mata namin. Nabasa ko doon, naalala nya ako.

Nyeta talaga!

Simple itong ngumiti tapos inabot ang kamay una sa akin.

"I'm Rob..."

Rob? Yun ba talaga ang pangalan ni Ju—

"...Agoncillo."

Tragis! Confirmed!

===========

This chapter has fast forward cross overs (sa POV ni Juno) sa Claiming Andromeda chapters 43 to final chapter,  hanggang Her Ever After chapters 1 and 12.

===========

Don't forget to comment and vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj