20 Kumot
"Taas mga kamay!"
Bumunot agad ng baril ang ilan sa mga pulis at nakatutok sa amin.
Tumayo agad si Troy mula sa pagkakaupo sa driver's seat tapos si Paul dumiretso ng tayo. Sabay na nagtaas ng kamay pero sa akin nakatingin ng matalim.
Halatang badtrip ang mga ito sa akin dahil di ako umalis.
Taliwas sa ginawa ni Caloy na lumabas ng kotse at kinabig ako sa bewang pahapit sa kanya. Nanigas ako.
Nanlaki rin pareho ang mata nina Paul at Troy.
"What the—" sabay pa nilang sabi.
"Boss, bakit? Ano hong problema?" tanong ni Caloy sa mga pulis.
"Walang tanung-tanong! Talikod! Bitawan mo yang –"
Natigilan yung pulis. Tapos tinitigan kami ni Caloy.
"Teka...namumukhaan ko kayong dalawa ah! Kayo na naman?!" ang sabi.
Yung dalawa sa mga pulis, sila yung muntik manghuli sa amin ni Caloy dati nung...
Letse! Ayoko maaalala!
Pero...wala akong choice. Ito na naman kami!
Otomatikong umangat ang isang kamay ko sa likod na bewang ni Caloy at isa sa dibdib nya. Mahigpit ko syang kinapitan.
"Babe?" arte ko na nag-aalala.
Lalong humigpit ang yakap ni Caloy sa bewang ko tapos tumingin sa akin sabay bulong,
"Ako'ng bahala," then kissed me on the head.
Tragis na puso ko, parang nakikipag-drag racing na naman ang lekat, oo!
"Sabi ko na, drag racers kayo eh," sabi nung isang pulis na naalala kong nag-posas dati kay Caloy.
"Teka lang, Sir. Ano hong drag racers?" si Caloy uli.
"May tumawag 'min. May ginaganap na drag racing dito. Kayo yun! Na-gago nyo kami nun ah!" galit na sabi nung pulis.
"H-hindi po," sabi ko.
"Ano'ng hindi?! Sabi mo nun, buntis ka. Aba'y patag pa rin yang tyan mo, ilang buwan na!" sikmat nung pulis na humatak sa akin dati palabas ng kotse ni Caloy.
"Nakunan sya nung January, Boss. Wag nyo na ipaalala. Galing pang treatment ng depression girlfriend ko," medyo asar na sabi ni Caloy.
Tarantadong ito, ang galing talaga umarte at magsinungaling!
"Tsaka, pwede ho bang pakibaba ng baril nyo. Baka maiputok nyo yan eh. Natatakot si Juno," sabi ni Caloy.
Parang nag-alinlangan yung mga pulis.
Tumikhim si Paul, "Sir, mawalang-galang na ho. Magkakaibigan ho kami. Binenta nila sa akin itong kotse. Dumalaw lang kami sa kanila kasi di ako makakarating sa kasal nila middle this year."
"Bonding lang ho habang single pa," gatong ni Troy. "Na-flat lang kami pagdaan dito."
Napatingin ako sa kanila. Sumasakay ang mga ito sa palabas namin ni Caloy. Naikwento ko kasi sa kanila dati ang muntik na naming pagkakahuli ni Caloy.
"Jun, pakita mo yung SPA mo sa dashboard," pahaging ni Paul sa akin.
So, may pakinabang din pala ang katamaran ni Paul na magligpit ng papeles!
"Ako na ang kukuha!" sabi nung isang pulis.
"Bawal ho yun, Sir! Wala kayong search warrant," singit ni Troy.
Natigilan ang mga pulis.
"Sige, yung babae ang kukuha. Pati ID nyo, ilabas nyo!" ang sabi.
Ganun na nga ang nangyari.
Nung ma-confirm nila ang pangalan ang pangalan ko sa ID at SPA, at tingnan ang mga ID nung tatlo,
"Galing pa kayong Maynila?"
"Oho. May RoRo naman. May problema ho ba dun?" si Paul.
"Nagro-roadtrip ho kami sa Palawan. Maganda ho kasi dito," si Troy.
"Sumama kayo sa 'min sa presinto."
"Ano'ng kaso namin? E tatawag na rin kami ng abogado," sabi ni Paul.
Natigilan uli mga pulis lalo na nung sabihin ni Caloy, "Kapag bumalik ang depression ng girlfriend ko, magde-demanda rin ako."
My ghad! Ang tatlong bugok na ito! Wala akong masabi! Sila pa ngayon ang nananakot sa mga pulis!
Gustong kong matawa sa kabila ng pag-aalala ko. Sumubsob ako sa dibdib ni Caloy kasi baka makita yung di ko mapigil na pagngiti.
Lalo akong niyakap ni Caloy at hinimas sa likod.
"Calm down, babe. We'll be fine," may kalakasang sabi ni Caloy sa tenga ko.
Tumaas yata lahat ng balahibo ko! At nangaligkig ako.
Juno, maghunus-dili ka! Umaarte lang kayo!
Tragis, eh nakiliti tenga ko eh! Magagawa ko?!
Pero parang nakatulong pa iyon kasi,
"Natatakot na yung babae, partner," medyo mahinang sabi nung isang pulis. "Hayaan nyo na."
Tumikhim yung isang pulis na binalik yung baril sa holster nya, "Wala ba kayong nakita ditong mga kabataan o mga naka-kotse?"
Si Troy ang sumagot, "Mga kotse ho, nasalubong namin, pero ilan-ilan lang. Di kami sigurado kung mga kabataan. Tsaka parang di naman ho nagkakarera."
Tumangu-tango yung mga pulis. Tapos nagpaalam na ang mga ito.
Nagmadali kaming magpalit ng spare tire.
"Hon," sabi ni Paul, "Dun ka muna sumakay kay Caloy. Baka nag-aabang lang yung mga pulis sa kung saan sa daan. Lipat ka na lang bago pumasok sa resort."
Nagdalawang-isip ako. Ayokong mapalapit uli kay Caloy. Kasi hanggang ngayon, mabilis pa rin ang pulso ko mula sa pagyayakapan namin kanina sa harap ng mga pulis.
"Dyosa, sige na," susog ni Troy.
Hinila na rin ako ni Caloy, pero,
"Caloy, sandali," sabi ni Paul.
Inakbayan ako ni Paul, at medyo nilayo kay Caloy, "Chill ka lang. Wag ka pahalata."
Then gave me a peck on the lips, sabay bulong, "Tangna, feeling ko incest 'to, Jun. In fairness, ang lambot ng lips mo ha!" tapos humagihik ng pigil.
Hinampas ko sa balikat, sabay gigil-bulong, "Gago ka! Tsansing na yan!"
"Sorry, it's not tsansing to kiss my girlfriend," he smirked.
"Tss." Mahinang sabi ni Caloy.
"Oy, mamaya na landian nyo. Tara na!" si Troy.
Tahimik kami ni Caloy sa buong byahe kasi nung magbalak sya magsimula ng usapan, di ako sumagot. Di na rin uli sya nagsalita.
Mabuti at di nito sinama si Neri. Sa single race na lang ito sumali. Balita ko kasi, nag-iinarte si Neri at di sila magkasundo. Pag nagkataon, rambol kami nung bruhang yun ngayon dito sa kotse ni Caloy.
Gaya nang usapan, isang kanto bago pumasok sa beach resort, lumipat ako sa kotse ni Paul.
Badtrip sina Paul at Troy pagpasok ko sa backseat.
"Alam nya ang nangyari! Hindi nga sya umalis. Sinadya nina Danny na butasin yung gulong. Sigurado ako na sila rin ang tumawag sa mga pulis!" sabi agad ni Troy.
"Ano'ng sabi nya?" si Paul.
"Wala syang sinabi. Di kami nag-usap. Mahirap magbintang nang wala tayong ebidensya. Kung meron sana," sagot ko.
"Ipagpasalamat na lang natin na di sya umalis. At least, di ba... nakagawa sya nang ilulusot," dagdag ko.
"Sus, kilig na kilig ka naman! Grabe yakapan nyo ng ex mo eh!" sikmat ni Troy. "Aray ko!"
Kinutusan ko ito tapos binalingan ko si Paul, "Ikaw ha?! Mga hokage moves mo!"
"Buti pinaalala mo. Magtu-toothbrush ako mam—Jun, nagmamaneho ako!"
Kinurot ko kasi ng husto ang pisngi nito. "Tigilan nyo 'kong dalawa. Pag-uuntugin ko kayo!"
Pinagkumpulan agad ang kotse namin at ni Caloy pagpasok sa resort.
Ang daming nagtanong kung paanong hindi kami hinuli ng mga pulis.
"Sinabi lang naming turista kami at na-flat-an. Ganun," sabi lang ni Troy.
"Naniwala sila?!" may nagtanong.
"Oo. Tss. Hayaan nyo na yun. Ang importante, walang nahuli sa atin. Kung sinuman ang gagong nagtimbre sa mga pulis, epic fail sya," parinig ni Paul. "Tangna nya, binutas pa'ng gulong ng kotse namin ni Dyosa. Gulong na naman? Obvious masyado!"
Lahat ng nakarinig, halos sabay-sabay napatingin sa kumpulan ng grupo nina Danny sa di kalayuan.
"Puta! Dapat talaga i-ban na lahat ng yan eh. Hindi lang kick. Ban talaga," may nagsabi.
"Walang ebidensya, bok. Pag meron, iba-ban daw talaga, sabi nung mediator. Galit na rin eh," may sumagot.
"Di pa ba sapat yung rambol nila kanina?"
"Si Troy daw kasi unang nanuntok. Di lang ipe-penalize si Troy kasi below the belt talaga sinabi ni Danny," paliwanag nung isa.
Hindi na namin ginatungan pa ang mga sinabi ng mga andun para di na uli magkagulo.
Si Caloy, lumayo na sa kumpulan. Kami naman, pumasok na sa mga cottages namin.
Lumabas agad kami pagkapalit ng pampaligo.
"Wala ba dito yung chick ni Troy?" tanong ko kay Paul.
Magkahawak kami ng kamay papunta sa malaking bonfire na pinagkukumpulan ng mga naroon. Andun din yung malaking sound system na inarkila nila.
Umiling ito, "Wala yun sa drag racing scene. Insurance agent ng mga sasakyan yung babae. Nancy ang pangalan. Nag-alok daw sa office nina Troy. Dun nya nakilala."
Tumangu-tango ako. Nakita ko si Troy na nauna na pala sa amin at nakikipagkulitan sa mga naron sa bonfire. Andun din ang Tropang Kulugo, minus si Caloy.
May sariling umpukan ang mga tropa ni Danny. Parang nagkaroon ng unspoken agreement na i-box out sila. Dun sumali si Caloy. Di ko malaman ang naramdaman kong magkahalong relief at pagkalungkot.
"Ang daya! Bakit di ka naka-two-piece? May picture kayong tatlo na naka-bikini ka," sabi nung isang racer.
Nakapulang one-piece suit kasi ako pero malalim ang ukab nito sa likod na lampas pa sa bewang ko.
"Ayokong naka-two piece si Jun kapag andyan kayo," biro ni Paul.
"Exclusive kami. Wag na kayo!" sundot ni Troy.
May nag-abot ng San Mig light sa amin. Kuwentuhan at kulitan kami sa bonfire. Nagkakatuksuhan. Nung tuksuhin kami ni Paul na maghalikan ng lips to lips,
"Ayokong nakatingin kayo. Mamaya na pag kami na lang ni Jun bago matulog," sakay ni Paul. "Aray!"
Kinurot ko ito sa tagiliran. Ang bastos eh! Baka kung ano isipin ng mga tao dito.
Lalo tuloy nagkatuksuhan.
"Ang daya. Masyadong wholesome image nyo eh. Asan na yung Paul na kilala naming matinik sa chicks?" sabi nung isa.
"Ayaw ni Jun ng PDA," salo ni Troy.
"Ganito na lang. Laro tayo ng truth or dare," may isang babaeng nagsabi.
Luka-lokang ito. Alam ko iniisip nito eh.
"Hon," kinalabit ako ni Paul, "Swimming tayo."
Nagsipag-angalan ang mga naroroon nung magpaalam kami ni Paul.
Naglangoy nga kaming dalawa. May pailan-ilan ding naglalangoy at ilang nasa buhanginan lang.
Bumalik lang kami sa pampang nung nagsimula na uling mag-inuman na lang at magsayawan ang mga naroon.
Nagkaroon ng bulung-bulungan tungkol sa pagtutuloy ng laban namin ni Danny pero di na kami nagkomento nina Paul at Troy.
Nagpaalam si Paul na may kakausapin lang tapos ibinilin ako kay Troy. Hinayaan ko lang. Nakisali na lang kami ni Troy sa inuman at sayawan. Tapos nakikigulo rin kami sa mga group pictures at pakiki-photo bomb. Kahit yung mga kulugo, may pictures ako at nakipagsayaw ako sa kanila.
"Lugi tayo ke Jun. Dating member 'to ng dance troupe eh," sabi ni Long nung makipag-showdown ito at ang partner nya sa amin ni Charlie na syang kapareha ko naman.
Nawili ako. Matagal na panahon din na tinago ko ang ganito kong personality. Hindi naman siguro kataksilan ito sa sitwasyon namin nina Ate Andie at Hope. Anyway, I never revealed anything sa ibang tao, maliban kina Paul at Troy na malaki ang tiwala ko.
Di ko na rin napansin ang oras, tsaka nag-umpisa na akong makaramdam ng hilo dahil sa nainom kong alak. Di ko nga malaman kung nasaan sina Troy at Paul.
'Tragis, baka nanchi-chicks yung dalawa. Ok lang si Troy, pero si Paul, sana maging discreet lang sya.
Kahit medyo malayo ang cottage namin sa night party, bumalik ako para mag-CR. Ayoko dun sa malapit na public toilet. Nakita kong may pumasok dun na magkakapareha na di naman magjo-jowa. Putsa, di ko bet manood ng live show, no!
Paglabas ko ng cottage namin pabalik sa night party, may yumakap mula sa likod ko at tinakpan ang bibig ko tapos bumulong,
"Mag-uusap lang tayo."
Di ako agad nakagalaw, kaya madali lang akong nabitbit ni Caloy sa may gilid ng cottage namin. Natatabingan yun ng mabababang puno kaya madilim.
"Bakit ka humiwalay sa marami?" gigil na sabi ni Caloy.
"Pakelam mo ba?" sikmat ko.
"Alam mong naririto ang grupo nina Danny sa nakahiwalay sa marami. Tapos nakainom ka pa. Di ka ba nag-iisip, Jun?!"
"Andyan lang sina Paul at Troy," depensa ko.
Ngumisi ito. "Both your boyfriends are having fun with some girls in some dark places in the resort. Not even inside a cottage, babe."
"Oh..." yun lang nasabi ko.
Tadong Paul yun ah! Sabi ko, wag magpapakita ng kabulastugan nya eh!
"You don't even look surprised nor jealous. Boyfriend mo ba talaga si Paul?"
"Oo naman!" bigla kong sabi. "Asan ba? Tadong yun ah!"
"Wag mo na hanapin. Di naman ako naniniwalang nagseselos ka, babe."
"Babe mo mukha mo! Alis nga dyan," tinulak ko sya pero konti lang itong natinag.
Diniin nya ako sa pader ng cottage, tapos hinalikan ako ng mariin sa labi.
Nung una, tinutulak ko sya pero desidido sya. Bumagsak ang depensa ko.
Sabi nga ni Troy, wag lang ako malalasing kundi lalabas ang totoong nararamdaman ko ke Caloy.
Namalayan ko na lang umikot na ang kamay ko sa leeg nya at sumasagot na sa paghalik nya.
Nakapikit pa ako nung maghiwalay ang labi namin.
"I knew it, Jun. There's something odd about your wholesome romantic whatsoever relationship with Paul. You won't even share a passionate kiss in front of everyone. That peck on the lips earlier was a big joke."
Napamaang ako sa kanya.
"You can't kiss each other like what we just did, babe...kasi akin pa rin yan," tinuro nya ang kaliwang dibdib ko.
"Hindi ko alam kung anong palabas o usapan nyo. That is the least of my concern. I won't tell anyone about what Paul was doing, and that we kissed now. Just stay with the crowd and don't be alone in the resort with your condition."
May tuwang gumapang sa dibdib ko. Concern pa rin sa akin si Caloy!
"Ayokong nahahati ang atensyon ko sa pagsama ko kina Danny, Jun. Please naman. Makisama ka naman," frustrated nyang sabi.
"At kung pwede, wag mo na ituloy ang laban nyo ni Danny. Alam nating pareho na ilalampaso mo lang sya. At alam rin yun ni Danny."
Hinawakan nya 'ko sa magkabilang balikat.
"I'm trying to build back what I lost in Olongapo. Ibalato mo na sa akin ito, Jun. Please. Tutal wala na rin sa akin ang loyalty nina Pat. Kinuha mo na rin. Ito na lang, Jun. Tirhan mo naman ako. Yung pagkakataon ko lang makabalik kay Anne, please."
Biglang bumagsak ang pakiramdam ko. Yun pala yun!
Di ako nagsalita. Basta marahan kong tinabig ang kamay nya sa balikat ko. Tapos tumalikod na ako sa kanya...pabalik sa loob ng cottage.
Nasira nun ang buong gabi ko. Lahat ng sayang naramdaman ko kanina sa party, nawalang parang bula!
Di na uli ako lumabas ng cottage. Para akong robot na naligo at nagpalit ng damit. I stayed in Paul's room and cried in my sleep. Ni hindi ko alam kung anong oras natulog si Paul sa tabi ko.
That was the last time na nakita at nakausap ko si Caloy dahil maaga raw itong umalis kinaumagahan, kasabay ng grupo nina Danny.
Nung pansinin ni Paul at Troy ang pamamaga ng mata ko, inaway ko sila pareho, lalo na si Paul.
Sinabi ko sa kanila na may nakakita kay Paul na gumagawa ng himala sa resort.
Panay ang sorry nito sa akin. "Turista rin yung chick. Di naman ako gagawa ng kalokohan sa taga-community rin," depensa nito.
"Kahit na. Buti si Caloy lang ang –" napatigil ako sa pagbubusa.
"So, si Caloy pala. Ano'ng sabi?" si Troy.
Naiyak na naman ako habang kinukwento ko sa kanila ang nangyari at mga sinabi ni Caloy.
"Tahan na, Jun. And I'm sorry talaga," si Paul na inakbayan ako. Andun kaming tatlo sa kuwarto namin ni Paul sa cottage.
Awa naman ng diwata ng mga alak, nagkaayos agad kaming tatlo bago mag-uwian.
Pagdating ng Monday, tumawag sa akin si Paul at Troy para sabihing nakauwi na sila. Buti na lang nakausap ko sila, kasi nasisimulan ko na namang ma-depress. Iyun ang araw nang alis ni Caloy sa Palawan. Di ko rin nakita ang mga Kulugo sa campus.
Kuhaan na lang ng grades nung magkita kami at sabay-sabay kaming kumain ng lunch. Parang isang malaking himala iyun sa paningin ng mga estudyanteng naroon sa canteen. May mga natuwa pero ang mga fantards, as usual, may mga side comments.
Hindi ko na kailangang magkomento dahil ang mga kulugo na ang harap-harapang sumaway sa mga ito. At least, naging masaya ang last day ko sa campus para sa school year na iyon.
After a week, tumawag sa akin si Troy. Binalita na talagang na-ban na raw si Danny at ang grupo nito sa community.
Ang dahilan, nilabas raw nung mediator dito sa Palawan ang info na galing sa kapatid nitong pulis. Ang cp number na ipinantawag ay galing sa isang ka-grupo nito. Tapos may dalawa itong ka-grupo na bumaligtad at nag-squeal sa community na sila ang inutusan para butasin ang gulong ni Paul. Yung hinihintay kong balita kung sumali na si Caloy sa grupo ni Danny, walang binanggit si Troy. Kaya di ko na inungkat.
Bumalik sina Paul at Troy pagdating ng holy week gaya ng pangako nila. Naubos ang maghapon namin kakagala lang, tapos ihahatid nila ako sa bahay bandang ala-una. Nag-overnight swimming kami nung Sabado dahil Linggo ng tanghali ang flight nila pabalik ng Maynila.
Kahit pagod, sumama akong magsimba kina Ate Andie at Hopia, hanggang sa pagmo-malling. Di pupwedeng mawala ang family day naming tatlo.
Dahil wala nang pasok, mas marami akong oras na ginugol sa gym para mag- training at pag-a-assist sa pagtuturo ni Kuya Bart. Pero kahit na bumalik ako sa uwiang alas-nueve ng gabi at dinahilan kay Ate na nagbago na 'sched ko sa Mcdo' , malaking oras ko pa rin ang bakante. Meaning, mas maraming oras para magmukmok. Kaya lang, tinatamad pa akong maghanap ng trabaho.
Hindi ito pupuwede, sabi ko sa sarili ko. Nang dahil kay Caloy, nagiging tamad ako. O sa tamang salita, nawalan ako ng gana sa ilang bagay.
Nung minsang naglo-loitering na naman ako dun sa public park, nakuha ng isang nagmo-motor ang atensyon ko.
Kinabukasan, dinala ako ng paa ko sa isang driving school. Nag-aral akong magmaneho ng single na motor.
Malamang may nakakita sa akin, nakarating yun kina Paul at Troy. Tinawagan ako ng mga ito at kinatkatan sa phone ng sabay via conference video call.
"Ano na namang pumasok sa utak mo, Juno?!" Singhal ni Paul.
"Delikado ang pagda-drive ng single. Kaskasera ka pa naman," gatong ni Troy.
"Wala kasi akong ibang magawa eh," katwiran ko.
"Ano yan? Dahil na naman ba yan ke Caloy?!" mataas na boses ni Troy.
"Caloy agad? Pwedeng nagpapalipas lang ng oras at nagre-relax?!" Asar kong sagot.
"Kami ang hindi ma-relax sa pinaggagawa mo, Jun. Ano ba yan?" si Paul. "Kutos ka sa 'kin. Pupunta ako dyan first week of May."
Which he did. Sermon ang inabot ko.
"Wag mo 'ko irap-irap at ngusu-ngusuan, Jun. Tirisin kita eh!" sabi nito.
"Subukan mo! Sa June, kukuha na uli ako ng belt testing ko para sa black. Baka ikaw gulpihin ko dyan," sagot ko.
Maghapon kaming magkasama. Pagdating nung gabi, hinatid ko sya sa airport pabalik ng Maynila.
"Jun, alam namin ni Troy na di ka naming maawat dyan sa pag-aaral mong mag-motor. Kaya please lang, mag-ingat ka ha?" ang sabi pagkatapos nitong humalik sa pisngi ko.
"Syempre. Kawawa ka naman, mawawalan ka ng Dyosang jowa," biro ko.
"Baliw! Sige na," paalam nito. Niyakap at hinalikan ko sa pisngi bago pumasok sa airport.
Third week nang May, nagkita uli kami ng mga kulugo nung enrolment. At gaya ng dati, may ilang subjects na classmates ko sila, pero mas kaunti ngayon kesa nung mga nakaraang sem.
Pahapyaw silang nagkukuwento sa akin tungkol sa mga naging laban nila nung bakasyon. Pero kapansin-pansin na di sila nagbabanggit ng kahit ano tungkol sa community, grupo ni Danny...at Caloy. Parang sina Paul at Troy lang. Kapag nagbanggit tungkol sa drag racing, iyun lang sa mismong laban nila. Walang tsismis o kahit ano.
Though may isang pagkakataon akong nabalitaan na nakita raw si Paul na may kasamang chicks sa isang laban nila sa Dagupan, hindi ko pinatulan. Alam ko naman kasing malaki ang posibilidad na totoo yun.
Tinawagan ko lang si Paul at Troy para sermunan.
"Discreet na nga kami eh," salag ni Troy. "Di tumatalo si Paul ng taga-community. Tsaka magla-lie low muna ako."
"Bakit?"
"Busy na ko sa showroom tsaka sa review ko. Pinupwersa na 'ko ni Dad kumuha ng board."
"Kaya patawarin mo na 'ko, girlfriend. At ang pagiging marupok ko in the very near future," tawa ni Paul.
"Very near future talaga? Mga siraulo kayo! Ewan ko sa inyong dalawa. Naku, talaga! Never kong na-imagine na maging martir na jowa, Paul!" Asar kong sabi.
"Ako na bahala dun, girlfriend," sabi ni Paul. "Wala naman silang makukuhang ebidensya. Ako pa!"
Nagyabang pa ang ungas!
Yung 'ako na bahala dun', nalaman ko ang ibig sabihin kinagabihan. Nag-post si Paul ng pics namin nung dumalaw sya nung first week ng May na may caption: Crossing miles to visit my Dyosa.
Umani agad yun ng maraming comments sa FB account nyang gamit sa community at sa real account nya.
Napatirik ang mata ko. Kaya pala di nya p-in-ost agad, kasi may pinaglalaanan. Pangbawi kapag may kababalaghan syang ginawa at may nakakita.
Di lang pala magaling sa stock market prediction at financial planning ang tinamaan ng magaling!
Mahusay din sa mga plano at prediksyong pangkababalaghan nya!
Goodluck sa babaeng magiging 'ultimate' nyang tinatawag.
Though, dahil sa ginawa nya, mabilis na namatay yung kuwento tungkol sa 'pambababae' nya. Mga paandar eh!
Napansin ko nga na busy na si Troy dahil nabawasan ang pagtawag nito sa akin. Sabi ni Paul, nadagdag daw kasi sa sched nito ang panliligaw dun sa Nancy.
"Sabihin mo, ipakilala nya sa akin, para mabawasan ang busy sched nya," natatawang sabi ko.
"Hayaan mo, makakarating."
First Saturday ng June, sorpresang dumating ang dalawang pasaway sa Palawan para i-cheer ako sa black belt testing ko sa Krav Maga.
Lalo akong na-inspire. Ang popogi ng cheer leaders ko eh! Haha!
Awa ng diwata ng mga karatista, nakuha ko ang black belt na pinapangarap ko. Yun nga lang may ilang pasa ako sa braso, balikat at binti sa pagsalag ng mga atake nung blackbelt na ka-spar ko.
Paul was quite generous that day. Nilibre ako nito ng whole body massage para ma-relax daw ako matapos ang testing ko. Tapos sya rin ang sumagot ng dinner namin.
"Boyfriend, ano'ng meron? First time nating kumain sa hotel resto. Romantic na sana, kaya lang may asungot," nakangising inginuso ko si Troy.
"Sorry naman ano? May kasama kayong third wheel," natatawang sabi ni Troy. "Pasensya na, na-miss lang kita kaya sumama 'ko ke Paul."
"Arte mo, Troy. Tadyakan kita dyan eh," sabi ko.
Napansin ko ang pagtitinginan ng dalawa. Kinabahan ako. Merong something. Pero di muna ako nagtanong. Ayokong sirain ang magandang mood namin habang kumakain.
Nung roadtrip uli kaming tatlo after. Si Troy ang nagmaneho. Ako ang naupo sa backseat.
Hindi ako kumibo nung mapansin kong patungo kami sa dating practice area namin ni Caloy. Parang may mga paru-parong nagliparan sa sikmura ko. Ang pinaka-memorable na lugar sa amin ni Caloy. Mula sa masaya, nakakaasar, nakakatawa at nakakaiyak, meron kami ditong dalawa.
Akala ko, wala nang epekto sa akin ang lugar na ito. Meron pa rin pala, nabawasan lang ng konte.
Well, at least, nabawasan. Pang-aalo ko sa sarili ko.
"Dyosa..." tawag ni Paul habang nakatambay kaming tatlo sa labas ng kotse. Nakaupo kami sa hood, paharap sa overlooking ng dagat. Nasa gitna nila ako.
Madilim man, may ilang mga ilaw kaming natatanaw mula sa kabilang mga isla tsaka may ilan dumadaang mga lantsa at barko pa yata.
Masarap din sa tenga yung tunog ng paghampas ng alon.
"Oh?"
Di ito nagsalita. Kinabahan ako. Ito ba yung dahilan ng tinginan nila kanina ni Troy?
"Sabihin mo na, Paul," udyok ni Troy.
"Jun, aalis ako next week," umpisa ni Paul.
"Oh, sa'n lakad mo?"
"Sa New York. Mga isa't kalahati hanggang dalawang taon akong mawawala," malumanay nyang sabi.
Dahan-dahan akong napalingon dito.
"Joke ba 'yan, Paul?" Alam kong hindi.
Kapag ganito ang tono ni Paul, seryoso ito. Ayaw lang tanggapin ng hypothalamus ko yung sinabi nya.
Ngumiti ito ng tipid at malungkot. Tapos umiling.
"Bakit?" Nanginig na ang boses ko.
"Mag-aaral ako dun para makakuha ako ng lisensyang makapag-trade ng stocks sa US, at the same time, magta-trabaho rin. Ganun," sabi nya na nagkibit-balikat.
"Ngayon mo lang sinasabi?" naiyak na 'ko sa palad ko. "Mukhang matagal nang alam ni Troy."
Kinabig ako nito sa dibdib nya. Umiyak na talaga ako. Yung kamay ni Troy pumisil sa balikat ko.
"Dapat sasabihin namin sa iyo nung event sa Palawan kaso mukhang mali ang timing kasi nga yung huling usap nyo si Caloy," si Troy ang nagpaliwanag.
"Jun, di ko rin masabi agad sa iyo kasi nagpapagaling ka pa emotionally. Mukhang medyo ok ka na naman eh. Tsaka...yun nga next week na ang alis ko," dugtong ni Paul.
"Kaya pala... kaya pala ang galante mo masyado ngayon. Yun pala, iiwan mo 'ko," sumbat ko.
"Andito pa naman ako sa Pilipinas, Jun," salo ni Troy.
"Busy ka na rin eh. Tsaka baka ma-basted ka nung chick mo pag nagselos sa 'kin. Ni hindi ka nga ina-add sa FB."
"Tss. Di yun," sabi nito. "Teka, ini-stalk mo ba ako?!"
Ngumuso lang ako.
Hindi talaga maganda ang hatid sa akin ng practice area na ito.
Dati si Caloy... ngayon naman, si Troy at si Paul.
Iyak ako ng iyak. Both men hugged me tight just to pacify me.
"Jun, para naman kaming mamamatay ni Troy eh. Babalik naman ako. Tsaka may phone at FB. May skype. Ano ba yan?" Malumanay na saway ni Paul.
"Nasa Maynila lang ako, Dyosa. Kapag kailangan mo talaga ako, pupunta naman ako," si Troy.
"So... break na ba tayo, Paul?"
"Tange, hindi. Di ko pa nakikita 'ulitimate' ko. Pangharang kita sa mga gustong mamikot sa akin, akala mo ba," sabi ni Paul.
Natawa kaming tatlo. Tawang kulang sa buhay.
That evening, nagpaalam ako kay Ate na hindi ako makakauwi. Sabi ko, biglaang despedida ng 'kasamahan ko sa McDo'.
Pumayag naman ito tutal wala syang pasok ng weekends. Sya na rin ang nagsabi na hapon na kami magsisimba.
Nung gabing yun, dun ako nag-stay sa hotel room ni Paul. Pati si Troy, dun na rin naglagi. Nagpuyat kami sa pagkukuwentuhan at nanood kami ng movie.
Nakatulog na ang dalawa katabi ko sa carpeted na sahig sa kalagitnaan ng palabas. Naiwang bakante ang kama.
Sumiksik ako sa gitna nila.
Kasi mami-miss ko nang husto ang dalawang ito. Kahit si Troy. Ayoko rin kasi itong abalahin, lalo na at mukhang seryoso ito sa panliligaw kay Nancy. Ayokong maging hadlang sa mga pangarap nila at kaligayahan.
Kinuha ko yung kamay ni Troy at ni Paul. Pinagsalikop ko ang tag-isa kong kamay sa kanila. Tapos pinatong ko sa tyan ko.
Tahimik uli akong umiyak.
Si Paul at Troy. Ang dalawang taong tanggap ako bilang ako. Walang malisya, walang pagpapanggap.
Kabaligtaran ni Caloy.
Di lang yun. Kung si Caloy, hinanap at sinamantala ang kahinaan ko bilang babae na pwedeng magmahal sa kanya na nangyari nga...ang dalawang ito, pinrotektahan nila ako sa abot ng makakaya nila laban sa kahinaan kong iyun...nang walang kapalit.
Si Paul at si Troy, pinaramdam nila sa akin, that despite my strong personality as a woman, kailangan ko pa rin ng proteksyon. Di man sa romantikong lebel, pero bilang kaibigang babae.
Na minsan, pwede kong ipakita na mahina rin ako at kailangan ko ng tulong, kahit emosyonal lang.
Na ako si Juno, sa likod ng pinapakita kong pagiging matapang at matatag, mahina rin. At naghahanap ng tao o mga taong mag-aalaga sa akin kahit sa maliit na bagay lang...kahit bilang kaibigan lang.
Bukas, babalik ako na ako sa dati. Yung dapat malakas sa lahat ng anggulo, para kay Ate Andie at kay Hope.
Hindi bale, di naman ito permanente.
Napahikbi ako.
Sabay pang gumalaw ang kamay ng dalawa. Sumiksik sila pagitna sa akin.
"Ssshh... tahan na, Jun," si Paul. "Baka masinghot mo na kami nyan."
"Matulog ka na. Tama na yan," bulong ni Troy. "Pagod ka pa sa karate testing mo."
Tapos sabay nila akong niyakap.
Hindi na. Kahit malamig ang buga ng hangin galing sa aircon, hindi ko na kailangan ng kumot ngayong gabi.
Sapat na sa akin yung yakap ng dalawang ito.
Doon ko napagtanto, hindi pala sukatan ang tagal ng panahon para ituring mo ang isa o dalawang tao bilang matalik na mga kaibigan.
=========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro