Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2 Aray


"What a rush!"

Putsa, napapa-English ako nang wala sa oras!

Di ko alam kung dahil nahahawa ako kay Caloy o dahil magkahalong excitement at kaba na naranasan ko sa katatapos lang na race.

Pero alam ko sa kabila nang kaba ko, nakangiti ako nang maluwag!

"We won, babe..." Sabi ni Caloy.

"Hah?!"

"We won!" This time mas malakas nyang sabi.

Dun ko lang napansin na kinakatok na pala ng tropa nya ang bintana nang kotse sa magkaparehong sides namin.

Ang pinag-usapang ruta eh paikot pabalik sa starting line kaya narito uli kami.

Tapos may dumating na sasakyan. Isa yun sa tatlo naming kalaban.

"That was just the second place. Our gap was really far. You were great, babe," malapad na ngiting dugtong nito.

Ni hindi ko nga alam na kami ang nauna. Basta ang tumatak sa isip ko kanina habang mabilis kaming umaandar ay yung mga sinabi ni Caloy bago kami umandar mula sa start line.



"You don't need to navigate now. I just want you to experience the ride first," bilin nya habang sinisigurado ang pagkakakabit ng seatbelt ko.

Di ako nagkomento kasi sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Buti na lang nakayuko ito sa seatbelt ko, kasi pag tumingin ito sa mukha ko, mapagkakamalan na kaming naghahalikan ng mga tao sa labas ng kotse.

Maryosep! Halikan agad, Jun?! Tukso ng utak ko.

E bigla ngang tumingin si Caloy sa akin, napabaling tuloy ako sa labas ng bintana.

"You nervous? You're not talking. Very unusual of you."

"Ungas! Ang lapit nang mukha mo sa mukha ko," medyo mahina kong sabi.

Natawa ito nang mahina. Tapos umayos na nang upo.

Saglit nyang binuksan ang mga bintana. Lumapit ang tropa tapos isa-isa itong nag-fistbump sa kanya.

Umikot si Vugz sa side ko.

"Uy, Jun," Pagtingin ko, nakayuko ito sa akin. Saglit na nagtagal ang mata sa dibdib ko. "Pag natakot ka, wag mong yayakapin si Caloy. Baka mabangga kayo. Gusto pa kitang maiangkas sa kotse ko."

Naka-pokerface lang ako sa kanya, sabay angat ng kamay ko na naka-angat ang gitnang daliri.

Nagtawanan ang mga Tropang Kulugo.

"Wag ka na, Vugz. Di ka uubra ke Jun. Exclusive yan ke Caloy," pang-aasar ni Kiko, isa pang barkada nila.

Tiningnan ko nang matalim yung Kiko. Umatras ito mula sa bintana ni Caloy na nakataas ang dalawang kamay, "Wala na 'kong sinabi," tatawa-tawa pa.

Asar na dumiretso nang tayo si Vugz, "Tingnan natin," narinig kong sabi nito bago bumalik sa kumpol ng tropa sa side ni Caloy.

Napataas ang kilay ko. Bigyan ko kaya ng black eye 'to? Tingnan ko lang kung maka-'tingnan natin' pa ito kapag sarado mata nya sa maga. Angas ampotah! F na F ang sarili, letse! Mortal lang naman!

Nung magsimula ang karera, napakapit ako nang mahigpit sa seatbelt ko tapos napapikit nang mariin. Ramdam na ramdam at dinig na dinig ko ang pag-arangkada nang silver na Honda ni Caloy pati ang tatlo pa naming kalaban.

"Jun, open your eyes!" Sigaw ni Caloy as he drove. "Feel the speed!"

Bigla akong napadilat. Pinanood ko ang mabilis na pag-andar namin. Pasaglit-saglit ko ring tinitingnan si Caloy sa pagmamaneho nya. Seryosong-seryoso ito. Sa bawat pagkabig nang manibela, pagpalit ng kambiyo, pagtapak sa gas at preno.

Sa salitang beki, kinakarir nya talaga!

"Don't look at me, dammit! Nawawala ako sa focus! Nangungulelat na tayo!" Hiyaw nya sa akin. "Eyes on the road!"

Ganun na nga ang ginawa ko. At unti-unti, nadadala ako sa enthusiasm ni Caloy.

Yung kaba na dala nang takot ko kanina, napalitan nang kaba dahil sa excitement.

Sa unang kalaban na nalampasan namin, napahiyaw ako!

"YES!" Sabay halakhak. Nahampas ko pa nga yung dashboard.

Ganun ang nangyari sa mga sumunod pang nalampasan namin. Minsan napapasuntok pa ako sa hangin.



Napaigtad ako nung bumukas ang pinto sa side ni Caloy, kasabay nang sigawan ng mga tropa at iba pang naroroon.

Naiwan ako sa loob ng kotse. Napapikit ako ng madiin. Ganun pala! Ganun pala ang feeling nun! Napangiti ako sa sarili ko!

"Jun..."

Napalingon ako. Si Caloy, binuksan na pala nya ang pinto sa side ko, "Labas na dyan."

Nagsigawan at nagpalakpakan ang tropa pagbaba ko.

"Ayooowwwnn! Yung lucky charm ni Caloy!" Di ko alam kung sino sa tropa ang sumigaw nun kasi ang ingay nila.

Nagkumpulan sila papalapit sa amin, "Group hug! Group hug!" Chant pa nila.

Bigla kong hinatak si Caloy papunta sa harap ko pantakip sa akin, "Pak yu kayo, subukan nyo!" banta ko.

Nagtawanan ang mga kulugo. "Tsk! Wala, exclusive na talaga," may narinig akong nagsabi.

Natawa si Caloy tapos ipinatong yung palad sa ulo ko. Tadong 'to! Palibhasa hanggang kili-kili nya lang ako!

Tinabig ko kamay nya, "Tsk! Di mo 'ko aso!"

Natawa uli ito pati mga tropa at ilang naroroon.

"Tara, kunin natin yung premyo. Tsaka meet up sa mga kalaban," sabi nya, tapos yumuko ng konti tapos bumulong, "Kalabang nilampaso natin."

Natawa ko, "Yabang mo!" Sabay hampas sa balikat nya.

Doon nagsimula na madikit ang pangalan ko sa tropa nina Caloy kahit di pa rin ako nagdididikit sa kanila sa campus.

"Nakakasama ka naman ng loob, Jun," himutok ni Caloy. "Ilang beses ka na sumama na napanalo natin ang mga karera, pero di ka pa rin sumasama sa 'min sa pagtambay."

"Oo nga, Dyosa," sambot pa ni Pat.

Kung binansagan ko silang 'Tropang Kulugo', tinawag nila akong 'Dyosa ng mga Kulugo'. Mga ungas din eh! Gantihan lang?

"May trabaho pa 'ko. Tsaka nag-aaral ako. Wag nyo ko itulad sa inyo," sikmat ko sa kanila. "Kung kagandahan mga grades nyo sa school, baka sakaling makitambay pa 'ko kasama nyo."

Napakamot sila nang ulo.

"Sus, kahit triplehin mo pa sweldo mo sa McDo at tutorial mo, di aabot sa isang panalo natin sa karera kita mo dyan. Itigil mo na yan!" Sabi ni Caloy.

Totoo naman. Sa unang karerang kasama ako na nanalo si Caloy, tumataginting na biente singko mil ang binigay nito sa akin.



"Hati tayo tutal first time mo. And I really enjoyed that drive for a first timer. Sa susunod na yung thirty percent na usapan natin," ang sabi.

Gusto kong malula sa pustahan nila. Palit-buhay nga para sa karerang pang-kalye!

Sa apat na karera ni Caloy na navigator nya ako, may nakatago na akong mahigit sixty thousand sa bangko. Kaunti lang ang binabawas ko doon. Madalas, kapag kinakapos lang ang kita ko sa McDo at tutorial para sa school project.

At sa bawat pagsama ko sa karera, nagsisinungaling ako kay Ate Andie na madaling-araw ang labas ko sa McDo.

Ipinasok ko ang sobra-sobrang pera ko a isang mutual fund. Di kalakihan ang tubo ng pera ko doon, pero at least, nadadagdagan kahit nakatago lang sa bangko.

Di naman kasi tumatanggap nang pera sa akin si Ate. Yung pera ko daw, gamitin ko sa panggastos ko sa school. Yun lang daw na karguhin ko ang pag-aaral ko ay malaking tulong na. Medyo ayos ang kita ni Ate Andie sa home-based job nya. Sapat na iyon para sa panggastos namin sa bahay. Nagigipit lang kami minsan kapag may dagdag na gamot or vitamins si Hopia. Ang mahal kasi ng mga reseta nito. Sa mga ganung panahon lang tumatanggap sa akin si Ate. Hangga't maari kasi di namin ginagalaw ang tirang pera mula sa pinagbentahan ng bahay namin sa Sucat. Pang-emergency namin yun para sa pamangkin ko.



"May pinaglalaanan ako ng pera ko. Palibhasa yayamanin kayo eh," sagot ko tapos nilampasan ko na sila.

"Sa'n ba punta mo?" Humabol si Caloy.

"Sa office ng dance troupe. Magpapaalam na 'ko. Di na ko a-attend ng practice mamaya. May iba akong gustong gawin kesa ang sumali sa dance troupe. Tsaka para yung mga feeling bida-bida dun, kanila na trono."

May mga dati na kasing myembro sa dance troupe na may tagong inis sa akin dahil mas naunahan pa akong mabigyan nang importanteng parte sa dance routine kesa sa kanila. Tsk! Mga insecure talaga eh!

"Bakit? Sinusuportahan naman namin mga laban at performance mo ah."

"Yun nga eh. Dumami lalo ang nagagalit sa akin dahil sa inyo. Ang iingay nyo kasi kapag nanonood kayo tsaka yung mga fantards nyo, mga insecure! Pag ako nagka-kotse, sagasaan ko mga pabebeng yun eh!" Asar kong sagot.

"Dumami rin naman fans mo!" Yabang nito.

At totoo rin yun. Kasabay nang lalong pagsikat nina Caloy sa drag racing community sa Palawan, dawit ako dun. Nabansagan akong 'Lucky Charm ni Caloy', at yung iba, nakiki-'Dyosa ng mga Kulugo' na rin. Pero, walang masyadong nagtangkang makipag-usap sa akin sa drag racing. Alam nilang mailap ako. Madalas lang ako sa kotse ni Caloy at kung minsang lumabas ako, dun lang ako sa kumpulan ng mga Tropang Kulugo.

Ang pagiging mailap ko ang lalong nagdagdag sa curiousity ng mga nasa drag racing community...lalo na sa mga lalaki, kahit sa campus.

Minsan nga, may mga nagpupunta pa sa store namin para magpa-cute. Humahaba ang pila ko kasi ayaw lumipat sa ibang cashier. Ang sarap i-high five sa mukha ng tray ang mga animales, isama na yung mga ka-crew ko at mga managers namin na malakas manukso.

Under normal circumstances, I would have had fun with it. Sasabayan ko sila sa kulitan at asaran. Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, friendly ako at extrovert.... NOON.

Pero, iba na'ng sitwasyon namin nina Ate at Hope. At mas importante ang pamilya namin, kesa sa mga harutang ganito sa school at sa trabaho.

Napansin ko ang unti-unti kong pagbabago nung mamatay si Papa na sinundan ni Mama...Lalo na nung gabing madukot si Ate Andie.

Di ko man sinasadya, pero parang otomatikong nag-switch on sa sarili ko na maging ganito ako. Mataray at palaban. Siguro subconsciously, kung nagpupursige ni Ate Andie na itaguyod kami, ako na lang ang nakikitang kong magpo-proktekta kay Ate at kay Hopia.

Tatatlo na lang kami. Kami na lang ang magsusuportahan at magpo-protekta sa isa't-isa. Wika nga sa Lilo and Stitch, OHANA means family. Family means nobody gets left behind or forgotten.

Tss. Ito napapala ko sa pagbababad ni Hopia sa Disney Channel eh. Haha!

"Di ko kailangan ng maraming fans at haters. Tahimik na buhay at maraming pera ang kailangan ko," sagot ko kay Caloy.

"Samahan na kita sa fourth floor."

Hinayaan ko na. Tahimik lang kami ni Caloy papuntang fourth floor. May mga nasasalubong kaming bumabati. Si Caloy ang bumabati pabalik. Karamihan mga babae.

May mga babae namang nagtatangkang makipagkaibigan sa akin, pero halata ko na dahil lang iyon sa nagiging matunog ng pangalan ko at pagiging dikit ko sa Tropang Kulugo, na ngayon eh bansag na rin kina Caloy, courtesy of me. Tanggap na naman ng mga ungas yun. Kahit sila, yun na tawag nila sa mga sarili nila eh.

Pero karamihan sa mga fantards nila, nakaismid sa akin. Pagbuhul-buhulin ko pa sila eh!

Naalala ko pa nga minsang vacant time ko. Nasa canteen ako nun kumakain mag-isa. May nagparinig sa akin sa kabilang table...



"Ganyan talaga kapag galing Maynila. Sanay sa mga lalaki. Kita mo nga, dikit ng dikit kina Caloy."

"E bakit ang balita ko, tibo raw? Kaya nga di matatakutin kahit first time sa drag race."

"Hindi noh! Hinala ko dyan, natatakot din pero pinipigil lang dahil lumalandi kina –"

"Excuse me?" Sabi ko lumapit sa mesa nila. "Ulitin mo nga sinabi mo, miss?"

"Bakit, totoo naman ah," sabi nung babae parang leader ng apat na babae. Maangas na nakatingala ito sa akin. Nakatayo kasi ako sa harap ng table nila at nakaupo ang mga ito.

Nakakuha na kami nag atensyon sa canteen.

"Ganun ba?" Napangisi ako. "Gusto mo palitan mo ko na navigator ni Caloy? Walang problema sa akin. Teka."

Nakita ko kasi sina Vugz at Pat, palingun-lingon sa canteen Alam ko, ako hinahanap ng mga ungas na ito. Pepestehen na naman ang lunch break ko. Kaso may nauna nang peste.

Kinawayan ko sila palapit sa akin. Kita ang pagliwanag ng mukha ni Vugz. First time ko kasing una silang pansinin.

"Uy, Dyosa," bati agad sa akin ni Vugz paglapit. "Sabay kami mag-lunch sa iyo."

Gusto kong sampalin ang ulul na Vugz na ito kasi patingin-tingin na naman sa boobs ko habang nagsasalita. Putsa naman, close neck na nga suot kong t-shirt eh.

Pasimple kong hinawi ang mahaba kong buhok para matakpan ang dibdib ko.

"Nawalan na 'ko nang gana. 'Nga pala, 'san yung pinakamalaking kulugo sen'yo?" Si Caloy ang tinutukoy ko.

Nagdilim mukha ni Vugz. Feeling ko may tagong inggit ito kay Caloy eh.

"Bakit mo sa 'kin hinahanap? Di i-text mo."

"Wala akong number ng kahit na sino sen'yo. At di ako interesadong kunin. Ganito, pakisabi na lang ke Caloy, papalitan daw ako nito," tinuro ko yung babaeng maarte. "...as navigator. 'Kako, pumayag na 'ko. Kakahiya naman eh. Habul na habol daw ako sa inyo eh."

"Huy, Jun!" may tumawag mula sa likod ko.

Speak of the devil and he doth appear. 

Si Caloy kasama yung iba pang Tropang Kulugo.

"Psst. Lika dito!" Tawag ko pabalik.

Nakita ko'ng namumula na yung grupo ng mga babae tapos lahat na halos ng estudyante sa amin na nakatingin.

"Bakit? Ano'ng meron dito?" Si Larry.

"Oy, Caloy. Itong fantard mo," turo ko sa babae na di na nakaimik. Siguro na-startruck kina Caloy. Haha!

"... papalitan na 'ko sa karera mo. Pumayag na 'ko."

"Uy, wala akong sinabing ganun," biglang malumanay na sabi ni Ateng Fantard.

"O, bakit ang bait mo ngayon?" Pang-aasar ko pa. "Tapang mo kanina, di ba? Sabi mo nga ako duwag eh, so I assumed matapang ka. E di ikaw na pumalit sa 'kin. Wala namang problema. Ayaw mo nun, mapapalapit ka sa mga ungas na 'to. Pili ka na lang kung kanino ka unang magpapa-cute. Mahilig magsipagpatol ang mga kulugong ito sa mga pabebe. Gusto mo, pagtag-isa-isahan nyong magbabakarda. Tsaka mas marami pa sa mismong race. Mas pogi pa nga sa mga ito."

Nangamatis yung mga babae. May mga natatawa sa mga nakikinig at merong mga napapasinghap sa mga pinagsasabi ko.

Puta, wala akong pakelam! Di ako magpapaapi kahit madami sila. Tama na yung nadehado kami noon, lalo na ang ate ko!

"Uy, Jun, tama na yan," awat ni Caloy.

"'Tragis na 'to, ang arte eh. Di mo naman alam pinagsasabi mo. Alam mo ngayon,Miss, isa kang malaking brainless sa harap ko at nitong tinitingala mong mga idols mong mga pasaway din. Kasi alam nila kung bakit ako ngayon navigator ni Caloy. Ikaw at yung mga katulad mo, puro kayo dada nang walang basehan."

Hinila ako ni Caloy, "Jun, tama na yan!"

Hinawi kong kamay nito. "Teka muna, Caloy. Tutal naririto tayo sa canteen. Maraming makakarinig para magkaalaman na. Puta, nakakaumay na kasi itong mga katulad nito at mga makakating dila dito eh."

Bumaling ako sa buong tropa, "Kayo nga magsabi ng totoo, mga kulugo kayo. Kelan ako naghabol sa inyo ha? Di ba kayo ang laging namemeste sa akin? Ikaw, Caloy, sino nag-alok ng ilang beses para sumama sa karera nyo? Ako ba, ha?"

Namumula na 'ko sa galit. Gutom na 'ko eh. Tapos mawawalan ako nang gana sa mga ganitong klaseng tao. Letse lang!

"Kami na, ok? Kami na nangulit sa iyo!" Malakas na sabi ni Caloy. Naasar na rin kasi. 

"O ayan, narinig na nilang lahat. Masaya ka na, Jun? Halika na!" Hinila uli ako.

Binawi ko uli braso ko, "Teka, di pa ko tapos eh. Ano, miss fantard, klaro na sa iyo, ha? Sabihin mo yan sa mga katulad mo ha? O kung di ka pa kumbinsido, sama ka sa susunod na laban nina Caloy. Partidahan kita. Sa shotgun ako sa backseat ka kapag karera. Ang unang tumili sa takot, sisipain palabas ng kotse during the race. Ano, bet mo, ha?"

Nagsimulang umiyak yung babae, pati yung isa nilang kasama.

"Tapos iiyak-iyak kayo ngayon. Tangna, kayo nagsimula ha! Nananahimik akong kumakain dito. Wag kayo magsisimula nang di nyo kayang tapusin kasi ako di ako magsisimula nang gulo pero kaya kong tapusin, para masaya tayong lahat. Kaya ikaw at yung mga tsismoso at tsismosang nakakarinig nito ngayon dito, sinasabi ko sa inyo, di ko kayo kilala kaya di ko kayo pinakikialamanan. Di nyo rin ako kilala, kaya shut up na lang kayo. Katalinuhan ka ba ha? Di ka rin naman kagandahan eh. Matangkad ka lang sa akin. Ibuhol ko kayo sa mga kulugong ito eh!"

Ang tahimik nang buong canteen. Tumalikod ako sabay dinampot ang bag ko.

Bumaling ako kina Caloy, "Wag muna kayo maglalapit sa 'kin. Bad trip pa ko!"

Nagmartsa ako palabas ng canteen.

Iniwan ko sina Caloy na napatanga sa mga sinabi ko.

"Teka, bakit pati tayo nasali?" Tanong ni Kiko kung kanino.

Ngayon lang nila nakitang nagalit ako at namumula ang mukha ko sa asar.

May nahagip ang mata ko na mga natatawa. Di ko sure kung sa akin o dun sa mga fantards nina Caloy. Yung iba, naka-thumbs up sa akin. May ilan akong nadaanan na nakataas ang kamay para makipag-high five. Pinagbigyan ko. Fine. High five kung high five.

Yung iba, nagbubulungan at yung iba, nag-iiwas nang tingin sa akin.

Hindi ko alam ano ang ginawa nina Caloy o kung meron man pag-alis ko sa canteen. Hindi nga kasi sila sumunod.

Pero the next day, wala na yung mga mahilig magparinig sa akin. Tapos yung mga namumukhaan kong mga fantards ng mga kulugo, umiiwas ng tingin sa akin kapag nasasalubong ko. Though meron pa ring nang-iismid sa akin pero walang nang sinasabi.

Yung mga lalaki, daming bumabati, may pailan-ilang babae. Tinatanguan ko lang.


Tapos na akong magpaalam sa head instructor ng dance troupe. Ayaw nga nitong pumayag nung una. Sinabi ko sa kanya ang mga issues ko sa grupo. Tapos ang trabaho ko at sa huli, sinabi ko na babalik na talaga ako sa una kong hilig.

Nagulat pa nga ito. "Talaga? Kaya pala malambot ang katawan mo at ang taas mo tumalon," natatawang sabi.

"Wag nyo na lang pong ipagsabi. Ayoko po kasing may ibang makakaalam."

"Walang problema, iha."

Paglabas ko nang office ng dance troupe, may kausap na babae si Caloy. Naupo muna ako sa couch sa may pinto.Nilabas ko ang cp ko at naglaro nang offline Farm Heroes Saga. Baka maistorbo ko pa usapan nila, eh mukhang seryosohan.

"Caloy, promise naman. Di na ako magpa-panic sa race. Ako na lang uli navigator mo."

"Look, Neri. Ilang beses kitang pinagbigyan. Nagpa-practice pa nga tayo para mawala nerbyos mo eh. Ganun pa rin. Si Jun, walang kaming practice-practice. Isinabak ko kaagad sa karera. Wala kaming problema. And we are acing each race. Palaging malayo ang agwat sa 'min nang kalaban. Hindi ako nagagahol o tipong naghahabol sa kalaban."

"Papaano tayo?"

Naku, si Ateng, gusto yatang makipagbalikan. Ito na yung juicy na parte. Natatawa ako sa isip ko.

"Ano'ng paano tayo? Di naman naging tayo ah?"

Pinigil kong matawa. So... si Neri lang pala nagkalat ng kwentong yun. Haha!

Navigator lang pala si ateng!

"Eh paano yung mga nangyari sa 'tin?"

Asus! Bumigay na pala ang hitad! 

Susko, Juno, tsismosa ka rin eh! E sarili ko lang naman katsismisan ko! Natatawang sabi ko sa isip.

"Ikaw may gusto nun, Neri. Nagbigay ka nang motibo. Ikaw pa nga nagyaya eh. Wala akong sinabi sa iyong gusto kita."

Tsk! Napaka-insensitibo rin nito ni Caloy eh!

"Bakit, kayo nung Juno? Siguro mas gusto mo sya kasi tisay at maganda. Malamang mas sanay sya sa kama," sumbat ni Neri.

Nanlaki ang mata ko. Ay potah! Pinuri nga ako tapos ganun! Walang ganyanan. Baka ihulog ko sila pareho ni Caloy sa balcony ng fourth floor.

"Pinagsasabi mo, Neri? Hirap na hirap nga ang tropa na paamuhin si Jun. Ang hirap hawakan, kung di pa pupuwersahin. Tumigil ka nga. Malamang isa ka sa nagkakalat ng tsismis dito tungkol sa amin."

Napahinga ako nang maluwag sa narinig. Salamat naman! At least may narinig ako kay Caloy na natuwa ako sa kanya.

"...isa pa, di ko gusto si Jun. Iba gusto ko. Kaya manahimik kayo!"

ARAY KO! Isang malaking aray ko naman.

Nagulat ako sa naisip ko. Teka, bakit 'Aray ko', Jun?

Oo nga, bakit nga ba ' Aray ko' ha, Jun? Tanong ko rin sa sarili ko.

============

Don't forget to comment and vote!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj