18 Loveteam
Naging malaking ugong sa campus ang dadating na event sa Aborlan, hindi dahil sa malaki itong event kundi dahil marami-rami pala ang pupunta doon. Mga pupuntang mga natalo sa Olongapo nung malaman nilang isasama ako ni Paul...as his official girlfriend.
Una kong narinig iyun sa mga Kulugo. Si Pat at Larry ang nagboluntaryong magsabi.
"Ganun ba?" malamya kong sagot.
"Ngayon ka lang kasi makikita uli sa drag racing scene after Olongapo," si Pat.
"Punta ka, Dyosa. Lalaro kami. Tsaka, ano... huling laro ni Caloy sa Palawan kaya lalaro kaming lahat sa grupo. Parang farewell game na," si Larry. "Baka mag-lie low na rin kami. Aalis na si Caloy eh."
May gumapang na lungkot sa dibdib ko. Una, dahil kahit alam kong aalis si Caloy, hindi ko mapigilan ang malungkot. Maghihiwalay kami ng galit sa isa't-isa. At...hindi ko na sya makikita. Akala ko, emotionally prepared na ako. Hindi pa pala masyado. Kasi, subconsciously, naroon pa rin yung sayang hatid sa akin na alam kong nasa paligid lang si Caloy. Na kahit di kami nag-uusap, makikita at makikita ko sya sa campus. Yung makita ko lang, ok na ako.
Letse ka, Juno! Ang pathetic mo! Sigaw ko sa isip ko.
Hindi bale, masasanay rin ako na wala sya sa paligid. Konsola naman ng isang parte ng utak ko.
Pangalawa, dahil nakita ko ang lungkot sa mukha ng mga Kulugo. Isa ito sa masamang epekto ng ginawa kong paglaban sa Olongapo. Bumaba ang moral boost ng mga ungas. Nakadagdag iyun sa pag-alis ni Caloy na bumaba rin ang confidence.
Hindi ba iyan ang gusto mong mangyari, Jun? Ano'ng inaarte mo?
Kasi...sa umpisa lang pala masaya. In the long run, kapag nakikita ko ang pagsisisi sa mga kulugo, nagi-guilty ako. Maliban kay Vugz na matigas talaga ang mukha, yung anim, nag-effort na makipagbati sa akin.
Kaya nga nakakausap na nila ako ng konte tungkol sa drag racing uli. Though may reservation pa rin. Ramdam ko na tinitimbang nila kung ano ang sasabihin sa akin. Naroon na ang panganganino nila na baka mag-beast mode na naman ako.
Kinuwento ko ang obserbasyon at nararamdaman ko kina Paul at Troy noon.
"Because you beat their alpha. Di man nila maamin sa sarili nila, ikaw na ang tinitingnang alpha ng mga tropa ni Caloy. In a way, naging bahagi ka rin ng grupo nila. Actually, ikaw ang beta nila noon, hindi yung Vugz. Di naman masyadong maugong pangalan ni Vugz, alam niya yun, kaya nga trip na trip ka nung ulol na yun, para ma-under ka nya kasi nasasapawan mo sya noong navigator ka pa lang ni Caloy. Actually kahit si Caloy, sapaw mo at isa yun sa kinagagalit ng ex mo kasi ramdam nya," si Paul.
"Ex mo mukha mo, tado!" asar kong sabi.
Tumawa sila ni Troy. Naka-group call kami nun sa Skype.
"Yun lang, dahil mas matagal na nilang kaibigan si Caloy, they chose to stick with him. Yet, they still look up to you. Kahit papaano naman pala eh may loyalty ang mga ugok," sabi naman ni Troy.
Mapait akong napangiti, "Pero ako...hindi nila kaibigan? Sa loob ng isang taon?"
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Paul, "Jun, wag kang magagalit ha? Ikaw na ang may sabi. Noon, hindi mo nilalapit ang loob mo sa kanila. Na sila pa ang sunud ng sunod at nangungulit sa iyo pero lagi mo silang binabara at tinutulak palayo. Na sumasama ka lang kapag may laban kayo ni Caloy. Do you think, kung tinrato mo sila katulad ng pagtrato mo sa amin ngayon ni Troy, aabot pa kayo sa ganun?"
Hindi ako nakapagsalita.
"Sa palagay ko, kung ibinalik mo ang pakikipagkaibigan nila na kahit peke pala, may isa o dalawang lalambot sa mga iyan para sabihing wag na ituloy yung pustahan sa iyo," malumanay na sabi ni Paul.
Napaiyak ako.
"Huy, Jun! Wag ka nga umiyak," saway ni Troy. "Tangna, Paul. Bakit mo pa kasi sinabi?"
"Kaibigan nya tayo. She should know her faults, too," narinig kong depensa ni Paul. "We are the best people to tell her that."
"E, bakit kayo?" sabat ko sa pagitan ng pagsinghot, "Kahit alam nyong ganito ugali ko..."
"For a start, wala kaming masamang intension sa iyo, Jun. Hindi ko nga alam na babae ang tumalo sa akin but for a newbie to beat me in that race was a big wow for me. I was sincere when I saluted you nung di ka pa lumalabas ng kotse mo. How much more nung malaman kong ikaw yun? Kahit di mo sabihin, alam mong isa ako sa natatawa nung pumasok sa entry si 'Roman'. You just gave me the biggest slap and wake up call noon sa Olongapo. Na hindi mo pwedeng husgahan ang isang tao kung di mo sila kilala. Nung kausapin nga ako ni Onid na ayaw mo munang bumaba kasi natatakot ka since wala kayong grupo, I thought, you must be a loner looking for a group. Kaya nga humarang agad ako nung sumugod si Danny after ng final race. You needed protection, kahit akala ko 'lalaki' ka," si Paul.
"Palagay ko di lang si Paul ang sinampal mo that time. Lahat kaming nagtatawa kay 'Roman'. Isama mo pa ang mga sinabi mo kay Caloy, maraming tinamaan," sabi ni Troy. "Actually, nung bumaba ka sa kotse, nganga kami. Tangna, babae ang lumampaso sa amin."
Natawa pa pareho. Pati tuloy ako.
"Pero ito, Dyosa...ako initially, crush na crush kita nun. Pero, puta lang, nung makita kitang magalit at bugbugin si Danny at yung isa nyang tropa...Ayoko na sa 'yo!" humagalpak ito ng tawa. "Pag naging tayo, putsa, baka kahit konting tampuhan, gulpi ako."
"Tado!" natatawang sabi ko.
"Kidding aside, Jun," si Troy uli. "When I heard your story, I saw Lily in you. Gutsy and all but in a different way. You're smarter than my little sister, I guess."
"Ikaw, Paul, di mo ba ako crush?" asar ko dito.
"Tss. Wala tayong spark, Dyosa. Tingin ko sa iyo, younger version ni Mama. Ayokong matulad ka sa kanya. Dead na dead sa tatay ko kaya ayun,pumayag maging number two, noon. Kaya kita binabantayan," nakangiwing sabi ni Paul.
"Amputah! Nanay ang image mo ke Paul!" Tawa ng tawa ni Troy.
"Gago ka, Troy ha! Tsaka, di ako patay na patay ke Caloy, no!" sikmat ko. "Gago kayo pareho ah!
Nakita ko kasi sa camera na pareho silang nagtirik ng mata sa sinabi ko.
"Pinapairal ko pa rin common sense ko, 'no!" nakangusong sabi ko.
"Oo nga. Basta wag ka lang malalasing. Lumalabas yung totoo!" sundot ni Troy.
"Pero, wag ka mag-alala, ibe-break talaga kita kapag nakita ko na ang ultimate ko," sabi ni Paul na natatawa.
"E papano ako? Unfair naman," reklamo ko.
"Asus, mag-move on ka muna ke Caloy, tsaka mo na problemahin ang bago mong lablayp," singit ni Troy.
"Tado kayong dalawa, pinagtutulungan nyo ko. Ikaw Troy, di mo pa pinapakita sa 'kin yung chick mo!"
"Yoko, sisiraan mo 'ko!"
"At ikaw, Paul, sabihan mo 'ko. Di ako makikipag-break sa 'yo pag di ko bet ipapalit mo sa 'ken!"
"Wala ka namang magagawa 'no! Bubuntisin ko agad para mapilitan kang makipag-break sa 'ken!" Tapos humagalpak sila ng tawa ni Troy.
"Mga gago talaga kayo!"
Yung pag-uusap naming iyon ang nagbigay ng push sa akin na mag-mellow sa mga kulugo. Kaya ito, nag-uusap na kaming anim kahit papaano ... maliban kay Caloy. Ayoko na rin kasing magkalapit kami uli. Proteksyon ko na rin sa sarili ko. Ako lang masasaktan.
May ibang mahal si Caloy at aalis na ito.
Tama na yung ok na kami ng mga kulugo. Anyway, kami naman ang maiiwan dito.
"Pupunta naman talaga ako, sabi ni Paul. Di pwedeng hindi," sagot ko kina Pat at Larry.
"Ahm..dun ka sa grupo nila sasama, Jun?" sabi ni Larry.
"Pupunta ako kasi sabi ni Paul. Tsaka andun din si Troy. Hindi yung racing ang ipupunta ko dun," sabi ko. "Hindi ito usapan na lilipat na ako ng ibang grupo ng racing. Nag-exit na nga ako sa community, di ba?"
Matamlay silang tumango.
"Wag nyo na isipin yun. Mag-praktis na lang kayo. Pag pinayagan ako ni Paul, ipag-chi-cheer ko kayo sa event," sabi ko na lang. "Tsaka, finals na natin this week, mag-aral kayo."
Doon sila ngumiti ng malapad.
Kinumpirma ni Paul at Troy ang mga sinabi nina Pat at Larry.
"Oo, maraming pupunta para manood. Sinakto talagang end of sem yung event. Tsaka gusto nilang makita kayong maglabing-labing ni Paul. Hot item kayong dalawa, 'no!" tatawa-tawang sabi ni Troy.
"Labing-labing ang lintik!" sikmat ko.
"Wala tayong magagawa, artistahin ako eh. Showbiz ang dating natin, girlfriend," si Paul.
"Kapal mo! Artistahin ka lang—"
"Dyosa ka! Oo na, alam na namin yan!" si Troy.
"Isa ka pang mortal ka, manahimik!"
"Partida, Troy, bansot pa yan," sabi ni Paul, "Paano na lang kung matangkad pa si Jun?"
"Bansot agad! Hello, pang-Pinay ang height ko! Ang cute ko kaya!"
Pinagtawanan lang ako ng mga ito.
Nag-konsentra na lang ako para sa finals namin, sa ilang estudyanteng tinu-tutor-an ko at sa gym nung dalawang linggong iyon.
Nalaman ko na si Neri ang kinuhang navigator ni Caloy at nagpa-practice ang dalawa. Pinilit kong hindi na mag-isip ng negatibo. Kahit minsan, naririnig ko ang pagyayabang ni Neri.
Alam kaya nito na may mga 'kaibigan' itong back stabber na nakikinig sa pagyayabang nya?
Napapailing na lang ako.
Friday ng gabi ang event. Sakto lang dahil hanggang alas tres ng hapon ang huling subject na may final exam ako. Classmate ko pa ang apat sa mga kulugo. Kasama si Caloy doon.
Nauna na akong lumabas ng classroom dahil nakipaghuntahan pa ang mga kaklase ko kina Caloy dahil ito na ang huling araw nya sa campus.
Base sa narinig kong usap-usapan, sa Lunes na ang lipad nito pa-Maynila. Malamang may ibang mag-aayos ng transfer documents nito pabalik sa Maynila. Ni hindi na nga hihintayin na lumabas pa ang bigayan ng grades. At ni hindi na interesadong kumpletuhin kung may grade itong incomplete.
Hinihintay ko ang text ni Paul or ni Troy. Kaninang madaling -araw pa sila dumating. Nag-RoRo ang mga ito kasabay ng mga ka-grupo nila dahil may mga dalang sasakyan.
Nagpunta muna ako sa canteen para bumili ng canned juice. Nung tumunog ang cp ko, akala ko si Paul na.
Si Ate pala. Nagbilin lang na dumaan ako sa grocery para sa hapunan namin bukas. Alam nito na hapon na ako makakauwi bukas. Ang sabi ko may aasikasuhin lang ako kasama ang ilang kakilala. Mabuti at di na sya nagtanong. Basta ang iniwang salita sa akin ay mag-iingat ako sa mga lakad ko at wag magpapabaya sa pag-aaral. Nakaka-guilty tuloy.
Saglit lang pagkatapos ko mag-reply sa kanya nung tumawag si Troy.
"Sa'n ka na? Dito na kami ni Paul sa parking. Punta ka dito dali. Me mga chick na nagpapa-cute sa boypren mo," sabay tawa.
"Weh?"
"Oo nga. Dali. Awayin mo! Habang andito pa si Caloy mo. Para makita nya na jealous girlfriend ang datingan mo ke Paul," tapos humagikhik.
Gago rin eh.
"Sa'n kayo naka-park? Bakit nakikipaglampungan si Paul? Putik, ang reputasyon ko ha?"
"Malapit sa tambayan nung mga tropa mo dati. Kinakausap lang ni Paul. Alangan namang bastusin nya eh babae yun. Pero nagpapa-cute. Dali, tingnan ko itsura nyo."
"Tado!" natatawa kong sabi.
Pero tumayo na ako bitbit ang may backpack ko na medyo may kalakihan. Nagdala kasi ako ng damit pamalit bukas pag-uwi. Sinabihan na ako nina Paul na magdala ng extra pati pang-swimming dahil lahat ng galing Manila, nag-usap na sa isang beach resort sa Aborlan titigil hanggang bukas ng hapon. Same place rin ang party celebration after sa mga gustong mag-join.
"Sige, papunta na 'ko dyan."
Ang totoo, kinakabahan ako. Andun kasi si Caloy. Di ko alam paano ba umarteng badtrip na girlfriend sa ganoong sitwasyon.
Pero madali lang pala. Kasi, nung makita ko kung sino yung mga kumakausap ke Paul at Troy, badtrip na agad ako. Badtrip na tao...hindi girlfriend!
'Tragis! Ang mga fantards pala nina Caloy.
Mga hitad na 'to. Harap-harapan ang pagiging taksil sa mga Tropang Kulugo. Dun pa sa malapit sa tambayan. Di man lang itago kina Caloy. Some fantards they are! Letse talaga!
E bakit ikaw ang parang affected sa pagsasalawahan ng mga kiring yan, Juno? Aber? Parang wala nga lang kina Caloy at mga kulugo eh.
Napanguso ako sabay irap.
Bigla akong napasimangot kasi nahuli ni Troy ang pag-iinarte ko. Ngumisi ito ng malapad.
Mabilis akong lumapit kina Troy at Paul sabay tumikhim ako ng malakas.
"Oh! Hi, hon!" Bati ni Paul.
"Tss." Mahina lang yun, pero narinig ko mula sa tambayan nina Caloy.
Tinikwasan ko si Paul ng kilay tapos binaling ko tingin ko sa mga fantards. "O, naligaw kayo? Dun tambayan ng mga kulugo oh!" Tinuro ko pa.
Namula ang mga ito. Nahilaw ang mukha.
Narinig ko ang impit na tawa ni Troy.
Inakbayan ako ni Paul tapos naramdaman ko na humalik ito sa tuktok ko.
'Matik na inilagay ko ang braso ko sa likod ng bewang ni Paul. Normal na sa aming tatlo yun. Buti nga at di ko katabi si Troy kasi baka pati ito, ganun gawin ko. Masa-shock ang mga babaeng ito. Kumalat pa na jowa ko parehong kulangot na ito. My ghad!
"Si Jun nga pala, girlfriend ko," plastic na pakilala ni Paul. Kasi alam naming lahat na alam rin ng mga alembong na ito yun.
"Tss." Ayun na naman, galing sa tambayan.
"Ah, oo, kilala namin sya. Ano, sige," sabi nung isa sa tatlong babae.
Tumalikod na ang mga ito at mabilis na lumayo.
"Aray!" reklamo ni Paul kasi kinurot ko na ito sa tagiliran.
"'Kaw naman, selosa," malakas na sabi ni Troy.
Gago rin eh. Pinaparinig pa kung kanino!
"Isa ka pa! Ni hindi mo ni-remind itong si Paul," sermon kong mahina. "Mga babaero talaga kayo! Naku ka, Troy. Makilala ko lang yang chick mo, ewan ko lang!"
Kumakamot sa ulo na nagbeso ito sa akin sabay mahinang sinabi, "Ito naman! Sinadya talaga namin, for show. Kanina pa nakatingin dito si Caloy mo. Ouch!"
Pasimple ko ring kinurot.
"Caloy mo, your face!" Gigil bulong ko.
"Hon, let's go," may kalakasang singit ni Paul. Sinasadya nito iyon para marinig hanggang tambayan.
"Sa'n mga kotse ny—"
Napahigit ako ng hininga kasi nakita ko na yung sasakyan. Yung gamit ko sa Olongapo!
"Surprise!" sabi ni Paul.
May hatid na tuwa at pait sa akin ang sasakyang yun.
Napangiti na lang ako ng tipid.
"Ikaw mag-drive, hon. Miss ka na nang baby mo," sabi ni Paul.
Baby. Yun ang madalas na tawag ng mga drivers sa sasakyan nila.
Eto na naman yung mixed emotions ko. Gusto ko na ayaw kong i-maneho ang kotseng ito. Pero,
"Sige," pagpayag ko.
Na-miss ko na rin magmaneho. Magdadalawang buwan na rin mula nang huli akong mag-drive...mula Olongapo papunta sa showroom nina Troy sa Q.C.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Paul sa driver's side.
"Saan mo nahugot yung hon-hon mo ha? Ang corny mo," nakanguso kong bulong na nakatingala ke Paul.
"Sa tabi-tabi lang," natatawang sagot nito.
"Jun!"
Si Pat, papalapit sa amin.
"Oh?"
"Nagsabi ka na?" tanong nito tapos tumingin kay Paul.
Bigla kong naalala yung sinabi ko sa kanila ni Larry. Napatingin ako sa tropang kulugo. Lahat sila nakatingin sa amin. Kita na umasa sila sa sinabi ko noon. Pero si Caloy, kunut na kunot ang noo. Tapos napabaling ako kay Paul, na nakataas ang dalawang kilay sa akin.
"Ano, h-hon, may laro mamaya sina Pat. Pwede bang ano...ipag-cheer ko sila?"
"Lahat sila, ipagchi-cheer mo, hon?" Tiningnan ako ni Paul ng may kahulugan.
"H-hindi, hon. Ano, yung anim lang," sagot ko.
"Sure, walang problema, 'Tol," sabi ni Paul kay Pat, sabay akbay sa akin ng mahigpit.
"Sige, salamat, p're," tinapik nito si Paul sa balikat at tumango naman kay Troy na pasakay na rin sa backseat, tapos bumalik na ito sa tropa.
Pag-upo ko sa driver's seat, nakita ko pang nag-high-five sina Pat, maliban kay Caloy. Napaiwas ako nang tingin kasi napabaling ito sa amin.
"Ok na pala talaga kayo nung mga dati mong tropa," nakangising sabi ni Troy nung makalabas na kami sa campus.
"Naisip ko kasi yung mga sinabi nyo sa akin ni Paul," pag-amin ko. "Na-realize ko, may mali nga rin siguro ako. Ang akin lang, di pa naman siguro huli."
Pareho nila akong tinapik ng mahina sa balikat.
"Nasa'n kotse mo, Troy?"
"Wala akong dala. Carpool ako kay Paul. Tatlo kami dito sa baby mo. Salitan kami sa pagmamaneho. Layo ng byahe namin mula pa Maynila," sabi nito. "Kaya nga ikaw pinagmaneho ni Paul. Kunwari lang yan na na-miss ka ng kotse mo."
Tumawa si Paul, "'Kaw na magmaneho hanggang Aborlan, Dyosa. Bukas ng hapon, patayan uli kami pabalik ng Manila."
Inirapan ko na lang sila. Kunsabagay, ganun ang alam kong gawa ng mga dayo. Carpooling, para tipid na sa gasolina at bayad sa RoRo, pwede pang magpalitan sa pagmamaneho.
Papasok pa lang kami sa resort, nakita ko na yung mga pamilyar na mukha sa community. Lampas singkwenta rin ang mga naroroon, sa tantya ko. Karamihan, halatang naligo na sa dagat.
Yung mga babae, nagpapaligsahan sa pagtitipid ng tela ang mga bikini. Wala nang naiwan sa imahinasyon, asus!
"Ayoown, andito na yung Dyosa ni Paul!" May sumigaw.
Nagkumpulan sila papasalubong sa amin di pa man kami nakakababa sa kotse.
Sangkaterbang batian ang nangyari.
"Oh, wag na humalik o yumakap. Ako lang pwede," harang agad ni Paul nung may isang magtangkang bumeso na lalaking racer. Isa ito sa dating zero loss nun sa Olongapo.
Nagtawanan ang mga naroroon.
"Grabe makabakod ah!" komento nung isa.
"Syempre, mahal pamasahe pabalik-balik ng Palawan," ganting biro ni Paul na nakaakbay na sa akin.
"Ang daya, e bakit si Troy, pwede?"
"Iba ako eh!" sabat ni Troy.
Napasimangot ako nung makita ko ang grupo nina Danny. Hindi ito sumama sa grupo ng sumalubong sa amin.
Kaya nung magyaya mag-swimming si Troy, tumanggi ako.
"Mamya na lang after ng event. Pahinga muna ako. Na-drain ako sa final exams namin kanina tsaka pinagmaneho nyo ko nang malayo, mga bugoy!" sabi ko. Totoo naman.
Isang two-storey family cottage ang kina Paul. Magkakasama doon ang grupo nya. Sa katabing cottage naman ang grupo ni Troy.
Sa kuwarto ako ni Paul umidlip. Ginising nya ako isang oras bago ang umalis.
Kumain lang ako saglit ng dinner na itinabi ni Paul para sa akin.
Ako uli ang nagmaneho papunta sa event site. Si Paul syempre sa shotgun, tapos si Troy at yung isang ka-grupo ni Troy na naki-carpool kay Paul sa backseat.
Marami nang tao pagdating namin. Medyo nahiya nga ako kasi, parating pa lang kami, naririnig na agad ang hiyawan nung mga naroroon at pagcha-chant ng magkahalong, 'Juno! Juno!' at "Dyosa!Dyosa!"
"Syeeet! Di ako prepared," sabi ko. "Ayoko bumaba, di ako nagka-gown."
Nagtawanan yung tatlong kasama ko sa kotse.
"Kutusan kita dyan eh," sabi ni Troy.
Pagbaba namin sa kotse, lalong lumakas yung sigawan.
Nilapitan agad ako ni Paul at inakbayan.
"Nakow, ayan na yung may-ari! Wag na kayo!" May sumigaw sa kung saan. Tapos nagtawanan sila.
"Ideal loveteam ng community yan! Wag na kayo umepal!" May malakas na nagsabi pa.
Lumapit sa amin yung mediator, "Naku, Jun. Ang daming nag-join sa community dahil sa iyo. Daming aspiring newbie! Gusto kang gayahin, mapababae o lalaki. Buti dumating ka."
Nahiya naman ako, "Grabe, ako agad? Pwede namang gusto lang talaga nila."
"Aba, eh sila mismo ang may sabi. Ayan nga oh, daming newbie na kakarera ngayon. Dami mo nang di alam. Bakit ka pa kasi umalis? Sayang talaga," bumaling ito kay Paul. "Baka pwede mo namang kumbinsihin, 'tol. Sayang, at medal agad namin si Jun sa Palawan."
Tumawa lang si Paul, "Wala akong magagawa. Pag sinabi na ng Dyosa ko, yun na yun!"
Nagkaroon ng tuksuhan, "Sus, under ka pala eh."
"Mahirap na magulpi," biro nito.
Lalong lumakas ang tawanan.
"Nagpaparinig ka?!"
Biglang tumahimik ang mga naroroon.
Napalingon kami. Si Danny, at ang ilang ka-grupo nya, kasama si Caloy!
Gumugrupo na talaga sya kina Danny uli.
Kahit ayoko, may mapait na pakiramdam na gumapang sa dibdib ko.
===========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro