Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17 'Seryoso'

Apat na linggo na simula nung bumalik sina Paul at Troy sa Maynila. Sa FB kami madalas mag-chat na tatlo kapag di sila busy. Minsan tumatawag sila sa messenger or sa cp mismo. Hindi pa rin ako naghahanap ng trabaho. Ginawa ko na lang busy ang sarili ko sa pagtu-tutor sa pailan-ilan kong estudyanteng naghahabol ng grades dahil malapit na ang fourth grading exams.

Tsaka sa gym. Nagsimula na kasi yung sinabi ni Kuya Bart na klase para sa mga beginners ng Krav Maga para sa mga bata at teeners.

Di na ako nakabisita kay Dino. Bumalik na ito ng Mindoro. Nabenta na kasi yung bahay ni Sir Abet. Minsan naman, nagcha-chat kami ni Sir Abet para magkumustahan. Minsan, bumibisita ako sa McDo para maki-chika sa mga dati kong ka-trabaho.

Umuwi lang ako nang maaga nung birthday ni Ate Andie.

Nabawasan na ang oras ko magmukmok dun sa may public park at pagiging loiterer sa mall.

Awa ng langit, unti-unti na ring tumatahimik ang ingay na gawa ng mga fantards ng tropang kulugo. Naging kapansin-pansi na rin ang pag-iwas namin ni Caloy sa isa't-isa. Feeling ko, isa iyun sa mga factor kaya nilubayan na ako ng mga solid fantards nila.

Siyempre, pabor sa kanila yun! Opportunity na nila ang kumerengkeng!

Asus! Pake ko ba sa kanila!

At eto nga, umiihi ako sa women's CR, may pumasok doon na mga fantards.

"Si Neri, talagang sinamantala na kailangan ni Caloy ko ng bagong navigator. Alam kaya ng mama nya na ilatag na nya halos ang sarili nya ke Caloy?"

"E talaga namang malandi yang si Neri. Malakas lang talaga ang loob na sya unang lumapit kasi nga may nakaraan sila."

"Tsaka ipinagyayabang nyang nanay nya yung head registrar dito, no! Di naman maganda, puro porma lang."

"E di ba nga, sya lang naman ang nagsabing naging sila ni Caloy?"

"Ambisyosa rin eh! Akala mo kung sinong magaling."

Natawa na lang ako sa sarili ko.

Wala talagang magawa ang mga babaeng ito. Dati, kampi-kampi sila sa pang-aaway sa akin. Ngayon, sila nagsisiraan.

Paano ako gaganahang makipagkaibigan sa mga ganyan? Tsk!

"E di ba nga, nung nakaraang Sabado, natalo si Caloy, eh sya yung navigator?"

May gumapang na mapait na pakiramdam sa akin ang balitang iyon. Natalo pala uli si Caloy?

Natahimik ang mga ito nung lumabas ako sa cubicle para magsuklay at magpulbos sa salamin doon.

Tumikhim yung isa sa kanila.

Naku, wag nito asahan na makikipag-usap ako sa kanila. Di ko type kausap mga plastic! Mas gusto ko silang ipakilo sa nangangalakal.

Muntik akong mapabungisngis sa tinatakbo ng utak ko.

"Hi, Jun, 'musta ka na?"

Sabi ko na eh. Kahit di ako tumingin sa mukha nito, alam kong may naka-plaster na pekeng ngiti sa maaskad na mukha nito.

Saktong nag-ring ang phone ko. At base sa ring tone, alam kong si Paul iyon.

Good! The more reason na di ko kausapin ang mga ito.

Sinagot ko agad yung phone ng di tumitingin sa kanila, "O, Paul?"

Narinig ko ang mahinang pagsinghap ng mga hitad. Tapos bulungan ng pangalan ni Paul.

Pinakita ko talagang pinaikot ko ang mata ko sa mga maarteng ito.

"Punta 'ko dyan sa Saturday night. May ime-meet akong client investor sa Western Front Golf Course ng Sunday morning," sabi nito.

"Di naman kita inaawat," sagot ko.

Natawa ito, "Ibig kong sabihin, sunduin mo 'ko sa airport. Sakto lang ng tapos mo sa gym ang lapag ko. Sabay tayo mag-dinner tutal di ka naman umuuwi ng maaga."

Napanguso ako. Alam nila na nagmumukmok ako sa park mula pagkatapos ng gym session ko hanggang bago mag-alas dose ng gabi...minsan lampas pa.

"Jun, di pwedeng hindi. Nag-aalala kami ni Troy sa 'yo."

"Bakit di mo kasama yun? Sabi nyo sabay uli kayong bibisita," paglihis ko sa usapan.

Niligpit ko ang maliit kong pouch bag sa backpack ko gamit ang isang kamay lang tapos lumabas ako ng CR. Lakompake kahit sinundan ako ng tingin nung mga plastic fantards.

"Business talaga ang purpose ko. May laban yung isa nyang ka-grupo ng Saturday night. Susuportahan nya."

"O sya, may magagawa pa ba ako?"

Sinabi nya ang flight number nya.

"Pasalubong ko ha—Aay!"

May nakabangga sa akin kaya nabitawan ko yung isang libro ko at muntik na yung cp. Pero nanigas agad ang leeg ko para di lingunin. Kilala ko ang amoy ng cologne na yun.

Pasimple kong dinampot yung libro. And I confirmed it kasi nakita ko yung suot nyang sneakers.

Hindi ko na pinansin.

"Hello, Paul?"

"Tss," parinig ni Caloy.

"Anyare?"

"Uhm, may nakabangga sa akin. Muntik ko mabitawan cp ko. O sige na. Kita-kits sa Sabado. Ingat!"

Nawala na rin ito sa linya.

"Jun!" Tawag ni Caloy.

Di ako lumingon. Ayoko na. Tama na. Gusto kong mag-move on. Hirap na hirap nga ako eh.

Akala ko nagkaintindihan na kami. Tas eto na naman sya.

Wow! Parang mag-jowang nag-break lang ang peg mo, Jun? Napangiwi ako ng lihim.

Nung hindi ito sumunod, magkahalong relief at panghihinayang ang naramdaman ko. Aminado ako, para na akong tanga!

Hindi ko alam kung bakit bigla na naman kasing nag-i-initiate ng conversation itong si Caloy.

Hindi na naman nya ako in-approach nung mga sumunod na araw.

Nung dumating ang Sabado ng gabi, sinundo ko si Paul sa airport. Nag-taxi na lang kami papunta sa hotel kung saan sya naka-book ngayong gabi hanggang bukas. Nung mai-deposito nya ang dala nyang gamit sa room nya, bumaba na kami sa resto doon para maghapunan.

"Mamaya ko na bigay pasalubong ko bago ka umuwi. Nasa luggage ko," si Paul habang kumakain kami.

Nagkumustahan kami. Nalaman ko na katulad dito sa Palawan unti-unti na ring namamatay yung issue sa Maynila, pero nakatatak pa rin sa kanila si 'Roman'.

"Balita ko, natalo uli si Caloy nung huli nyang laban ah," banggit nito.

Nagkibit lang ako ng balikat.

"Yung grupo ni Dom, pinuntahan ka ba uli?"

Umiling ako, "Sinabi ko na pina-blotter ko sila sa pulis for harassment. Di na uli nagparamdam."

Two weeks ago kasi, inabangan uli ako ng grupo ni Dom para alukin uli akong sumali sa grupo nila. Tinanggihan ko pero after three days, bumalik na naman kaya sinabihan ko nang ganun, which I really did, pero after na nung pangalawang pangungulit nila.

Naglakad-lakad kami ni Paul pagkatapos. Umuwi ako lampas alas-dose ng madaling-araw pero hinatid ako ni Paul ng naka-taxi hanggang sa kanto namin.

Kinabukasan, nagkita uli kami ni Paul nung hapon para samahan ko syang mamili ng pasalubong tapos hinatid ko uli sya sa airport.

Bago sya pumasok sa loob, "I hate to ask, Jun, but how are you holding on?"

Alam ko ang ibig nyang sabihin, "I'm fine. Sabihin mo rin kay Troy, wag sya mag-alala."

Saglit kaming nagyakap tapos nagbeso kami.

"Ingat," sabay pa naming sabi kaya natawa kami.

"Text mo 'ko kapag nasa Manila ka na," bilin ko.

"Ikaw rin kapag nakauwi ka na," sagot naman nito.

Pagdating ng Monday, nagulat ako sa kumalat na balita. Girlfriend daw ako ni Paul. Na pumunta ito sa Palawan para bisitahin ako.

May nakakita raw sa amin sa airport kahapon na naghalikan tapos umalis na ito pabalik ng Maynila.

Natatawa tuloy ako. Ang tsismis talaga!

Ang dami tuloy urot sa classroom. Tanung ng tanong kung totoo.

Sa bwisit ko, I burst out, "Ano bang kiber nyo kung totoo yun o hindi? Kayo ba pinakelamanan ko kung sino mga syota nyo?!"

May tumikhim sa may pinto.

Natahimik ang classroom. Si Caloy at yung tatlo sa mga kulugo na classmate namin today.

Namula ako kahit di ko gusto.

'Tragis naman kasi!

Nakatanggap ako ng conference call galing kina Troy at Paul nung matapos ang huling klase ko.

"Hello, girlfriend!" bati ni Paul.

"Hi, boyfriend!" sagot ko.

"E paano 'ko?" angal ni Troy.

"Punta ka rin dito mag-isa. Malamang, instant jowa agad kita, kinabukasan," sabi ko.

Sabay-sabay kaming natawa.

"So, nakarating na pala dyan," sabi ko.

"Actually, kaninang umaga pa namin alam. Di ka lang namin inistorbo kasi me klase ka pa," si Troy.

"Paano nakarating balita sa inyo?"

"Uhmmm... may picture tayo sa community. May nakakita sa atin sa airport. Galing sa isang grupo dyan sa Palawan," si Paul. "Send ko sa iyo yung pics. Compromising. Magaling umanggulo yung kumuha."

Tawa ng tawa si Troy at ito.

Narinig kong tumunog ang notif ko sa FB messenger, "Wait, tingnan ko."

Nanlaki mata ko. Yung isang kuha, nakaakbay sa akin si Paul at nakahawak ako sa bewang nya. Nasa drop off bay kami ng airport. Pero ang malupit, yung pangalawa. Yung nagpaalam na kami ni Paul sa isa't-isa na magkayakap kami at nagbeso.

Napailing na lang ako. "Hayaan mo na. Di naman siguro nakakamatay ito."

"As expected from you," si Troy. "Sa holy week, sabay kami ni Paul pupunta dyan."

"Sige, sige, Troy. Bet ko ya—"

Nabitin yung sasabihin ko kasi nagtama ang tingin namin ni Caloy na papalabas pa lang ng classroom.

Kunut na kunot ang noo nito.

Tumikhim ako. "Ano, sige tuloy natin."

Nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Hindi ko na pinansin yung ilang estudyanteng tumitingin sa akin nung palabas ako ng campus.

After two weeks uli, bumalik si Paul sa Palawan pero sa Coron for a seminar tungkol sa investments and stock market. Sa huling araw nya, sinundo ako nito sa campus.

Ang kulit, kasi dun pa talaga naghintay sa may canteen tapos binati ako ng, "Hi, girlfriend!"

I rolled my eyes. "Loko ka talaga. Tara na!"

Marami na kasing nakatingin. Nakakasuya.

Kinuha na nito yung backpack ko at Rotring case, tapos umakbay sa akin palabas ng canteen.

"Para F na F natin," biro ko nung ikawit ko ang kamay ko sa bewang nya.

Tumawa lang ito ng mahina.

"Totoo nga!" may narinig akong nagsalita somewhere sa canteen.

"Talagang bumibyahe pa si Paul from Manila," lalaki ang nagsabi nun.

"Ganda mo eh, 'no? Talagang bumiyahe pa 'ko," natatawang bulong ni Paul. Narinig rin pala nya.

Napabungisngis ako.

Tapos bigla itong nagsalita ng may kalakasan, "Girlfriend, sa parking tayo. May car rental akong dala. Roadtrip tayo."

"E yung flight mo mamaya?"

"I had it rebooked tomorrow before lunch. Naka-check in ako sa dati."

"Ah ok."

May tumapik sa kanya sa likod. Si Pat.

"Napapadalas tayo dito ah," bati nito kay Paul.

Gago itong si Paul. Kaya pala ang lakas ng boses! Kokotongan ko ito mamaya, pramis!

"Andito si Jun eh," simple nyang sagot.

"As expected."

I almost froze. Pero di ako lumingon.

"Ano'ng ibig mong sabihin dun, P're?" halatang na-badtrip si Paul sa sinabi ni Caloy.

"Wala lang," pang bored na sagot nito.

"Paul, let's go," hinila ko na ito palayo.

Pinagalitan ko ito nung nasa kotse na kami. "Di mo na dapat pinapatulan mga ganun."

"Tss."

"Nood na lang tayo ng movie. Nagpaalam na ako kay Kuya Bart na di ako makakapunta sa gym ngayon."

Nagreklamo si Paul dahil love story ang gusto kong panoorin.

"Inaasar mo ba 'ko, Juno? Eh mystery at science fiction ang sabi mong trip mong palabas."

"Eh napanood ko na yung iba dyan eh. Yan na lang hindi."

Tiningnan ako ni Paul ng masama, "Nagmumukmok ka pa rin ba, Jun?"

Hindi ako nakakibo. Napabuga ng hangin si Paul, "Sige, halika."

Nung umiyak ako sa palabas, "Yan na nga ba'ng sinasabi ko eh," bulong ni Paul.

Tapos, nag-roadtrip kami ni Paul. Kung saan-saan lang within the city. Bago mag-ala-una ng madaling -araw, hinatid na nya ako sa kanto namin.

"Jun, may event two weeks from now dito sa Palawan. Sa may Aborlan. Dadating ang grupo nina Danny," si Paul bago ako bumaba. "May kumakalat na balita pero di confirmed."

"Ano?"

"Baka samantalahin ni Danny na gumanti sa iyo. Di ko sure kung alam ni Caloy yun."

"Nananahimik na ako. Di pa ba sila maka-move on?" asar kong sabi. "Tsaka akala ko ba kicked out na siya sa community?"

"Si Danny lang naman. Di kasali yung iba nyang ka-grupo. May laban yung isa nyang kasama. Troy and I made our sched free for that. Dadating kami. Anyway, kasali naman yung ibang ka-grupo namin so susuporta rin kami. Punta ka."

"Ayoko."

"I'm not inviting you. I'm telling you. Troy said so, too."

"Para ano? Ayoko na nga ma-involve dyan."

"It's for your protection."

"Protection?"

Hindi agad ito nagsalita. Parang pinag-iisipan pa ang sasabihin. Tapos tumikhim.

"Pinag-usapan namin ni Troy...we will make our boyfriend-girlfriend joke as official."

"Ano'ng official? Official joke?"

"Walang gagalaw sa iyo kapag alam nilang seryosong girlfriend kita. Alam nilang makakalaban nila ang grupo ko at ni Troy."

Napatanga ako kay Paul. "Ni hindi mo 'ko niligawan? Gago ka ba?"

"Tss. Asa ka naman, Juno!"

"E ba't ikaw? Hindi si Troy?"

"E sabi mo dati sa Olongapo, idol mo ko. So, mas kapani-paniwala yun kesa ke Troy. Tsaka, may gustong pormahan si Troy."

"E papa'no kung may matipuhan ka nang babae?"

"Ay puta! Kailangan nating mag-break!" Tapos tumawa ito ng malakas.

"Ulul! Pag-iisipan ko," binuksan ko yung pinto ng kotse pero di iyun bumigay.

"Di ka namin tinatanong ni Troy sa gusto naming mangyari. Sinasabi namin sa 'yo ang gagawin nating tatlo."

"Tangna naman kayong dalawa, oo!" Napakamot ako sa ulo.

"Wag ka na, Dyosa. Wala ka ng kawala sa amin ni Troy. Di ka naman maipatatanggol nung Caloy mo. Aray!"

Sinuntok ko ito sa balikat. "Gago! Di ko jowa yun!"

"Yun nga eh. So, paano? Tayo na simula ngayong gabi. Ano bang petsa ngayon, para may monthsary tayo?" Tapos tumawa ito.

"Potah!" singhal ko.

Nakita kong nag-dial ito sa cp nya, "Oy, kups! Ayos na! Eto, kausapin mo."

Si Troy yun. Sigurado ako. Kinuha ko yung phone. "Hello?"

"Naks, Jun! Swerte mo, unang syota mo, si Paul," tapos humagalpak ito ng tawa.

"Pak yu kayo pareho!" Singhal ko.

"March 6 anniversary natin, Dyosa," singit ni Paul.

Binigyan ko ito ng dirty finger. Tumawa lang.

"Asa ka naman na aabot tayo ng taon. Babaero ka rin," sikmat ko. "Oy, Troy, kung mambababae kayo ni Paul, discreet lang ha? Ayoko lumabas na pinagtataksilang girlfriend."

"Grabe ka sa amin, Jun!" Reklamo ni Troy. "O, picture kayo. Ikakalat na natin yan sa community."

"Tado ka, Troy. I-chika mo sa 'kin kung sino yang popormahan mo para makaliskisan ko. Tapos sisiraan kita ng husto!"

Tawa sila ng tawa ni Paul.

Bago ako bumaba ng kotse ni Paul, ilang beses kaming nag-picture ni Paul sa loob kasi di nya gusto yung mga naunang kuha.

"Anak ng... para kang natatae dito eh. Ulit nga."

"Halatang napipilitan ka lang eh. Isa pa!"

"Talaga naman eh. Pwersahan ito. Mahabaging diwata ng gabi! Napaka-unromantic ng unang boyfriend experience ko!"

"Gusto mo romantic? Tara, dun ka matulog sa hotel room ko. Aray ko!"

"Paul, ang bastos mo! Pag romantic, sex agad, ganun?!"

"Teka, wala akong sinasabing ganun. Pwede namang cuddle lang," natatawang katwiran nito.

"Gago!"

"Kiss mo na lang ako sa pisngi para di kita yung nahihindik mong mukha. Tangna, kanina pa tayo. Inaantok na 'ko," sabi ni Paul.

"Ano ka? Sinuswerte?"

"Ang arte mo, Jun! Ilang beses na tayo nagpapaalaman ng ganun. Pati ke Troy. Ano'ng pinagkaiba? Kukutusan na kita eh."

Ganun na nga ang nangyari. Nagustuhan ko rin yung pic, "Ang cute natin ah!" sabi ko.

Nakayakap ako sa leeg ni Paul at halik sya sa pisngi.

"Ako nagdala. Ako nakaharap sa camera eh!" Pagyayabang nito. "Ang pogi ko dito oh!"

Nakita ko na iyun ang ginamit nyang cover pic ng dummy account nyang gamit sa community.

Nilagyan nya ng caption : She gave me my first loss... And I am now her first boyfriend! Proud to belong to Dyosa! It's official!

"Ang baduy mo, Paul!" Natatawang sabi ko.

"Para isipin talaga nilang seryoso tayo."

Si Troy ang unang nag-comment : Ayun oh. Pumapag-ibig na sila! Paano na 'ko, Dyosa?! 😉

Nag-reply si Paul : Wag ka na!

Tapos sunud-sunod na yung mga nag-comment. Mapalalaki at babae.


Sinasabi ko na eh. Sa Olongapo pa lang eh! 'Grats sa inyo!

Match na match!

Kaya pala lagi kang nakikita sa Palawan, Paul! Congrats sa inyo!

Wala na pala akong pag-asa sa 'yo, Jun!

Ako rin!

Me three!

Paul, paano na tayo? Haha! Peace, Jun! Congrats!

Jun, pag nag-break kayo, pm mo ko. Sasaluhin ko si Paul! LOL!

Ay, bakit sa pisngi? Hindi sa lips?



Natawa kami.

Nag-video call si Troy sa messenger. Nilagay iyon ni Paul sa speaker phone.

"Ayos ah. Halik sa kuya o sa uncle!"

Lalo kaming natawa ni Paul.

Tumikhim ako, "Ano, mga panget... salamat ha," nanginig ang boses ko.

Inakbayan ako ni Paul, "Ikaw pa, mahal ka namin ni Troy kahit bansot ka."

Natawa ako ng mahina. "Yabang nyo talaga! Alam nyo, nung una, nagsisisi ako na pumayag ako na maging navigator ni Caloy kasi nga ... ayun."

Huminga ako ng malalim kasi tumulo na ang luha ko. Baka mapahagulgol ako. Aasarin ako ng dalawang baliw na ito.

"Pero, dapat pala magpasalamat ako sa nangyari. Kasi...kasi nakilala ko kayong dalawa," naiyak na 'ko.

"Ang panget mo talaga umiyak, Jun," saway ni Troy.

"Bakit? Nakangiti ka ba umiyak? Tado!"

"Sige na, labas na sa kotse ko! Antok na 'ko," si Paul.

"Ang sweet nya, 'no?" sabi ko kay Troy. "Yan ang boyfriend material!"

Tawanan uli kami.

Nag-flying kiss na lang ako kay Troy na pabiro nyang sinalo tapos nagbeso uli kami ni Paul.

Kinabukasan, may mga bumati sa akin tungkol sa amin ni Paul.

Matipid na ngiti lang ginanti ko.

May ilang fantards nina Caloy na ngumingiti sa akin tsaka ilang estudyanteng nagbubulungan kapag nakikita ako. 

Dedma!

Sa labas na lang ako nag-lunch. Sa isang foodchain doon.

Nagulat ako nung biglang may maupo sa tapat ko. Si Caloy!

Nakangisi ito sa akin.

"Kaibigan pala huh? Pero tama lang ginawa mo. Dahil paparating sina Danny para sa event in two weeks."

Di ako nagsalita. Tuloy lang ako sa pagkain na parang walang tao. Ayokong ipahalata sa kanya na apektado pa rin ako sa presensya nya. May boyfriend na 'ko, hello!

Nabwisit lang ako dahil may hawak itong number. At wala pa yatang tatlong minuto, eto na yung crew dala yung pagkain nya.

Tumaas ang kilay ko, "Dito ka kakain?"

"Oo, bakit? Bawal ba? Tsaka punuan. Walang bakanteng iba," pabalewala nyang sabi.

Inikot ko ang tingin ko. Punuan nga pero, "Bakit di ka dun maki-share ng table?"

Turo ko sa isang table na pang-animan na may dalawang nakaupong lalaki.

Tumawa lang ito ng pagak pero di na nagsalita. Tapos kumain na kami ng di nag-uusap.

May ilang estudyante dun na tinatapunan kami ng tingin. 'Tragis naman kasi itong si Caloy!

Nag-ring ang cp ko. Si Paul.

"Kakarating ko lang sa NAIA. Diretso na 'ko sa bahay. Bibigay ko ke Mama yung pasalubong mo," kilala na ako ng Mama nya. Pinakausap na sa akin ni Paul sa phone at video sa messeger.



"Magandang bata ka pala!"

"Naku, Tita. Magkakasundo tayo!"

Narinig ko si Paul tumawa sa background. "Pumalakpak na naman tenga mo, oy!"

"Ay, mabuti at binawasan mo kayabangan nito at ni Troy," ang sabi. Kilala rin nya si Troy.

"Hindi naman po sila mayabang. Pasaway lang," natawa kong sabi.

"Oy, Juno!" Singit ni Paul. "Bini-build up ka naming ni Troy ke Mama tapos ikaw..."

Natawa kami pareho ng mama nito.

"Iha, bantayan mo ang dalawang iyan ha. Wag magpapaiyak ng babae. Tsaka kumbinsihin mong itigil na yang racing-racing na yan."

"Sige po, Tita. Ako'ng bahala. Babalian ko ng buto."

"Ay sya. Gawin mo, kesa ikamatay nila yang ginagawa nilang karera."



"Kumusta mo na rin ako kay Tita."

Medyo naiilang ako kasi alam kong nakikinig si Caloy.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Kumakain ng lunch. Ano, kumain ka na ba?"

"Wow! Biglang worried girlfriend lang?" Tumawa ito.

"Gagi!"

Tumikhim ng malakas si Caloy.

"Jun, may kasama ka dyan?"

"Ah eh... Oo. S-si Caloy. Ano, naki-share ng table sa akin."

"Gago rin eh. Papansin. Ano'ng sabi?"

"Mamaya na lang. Sige na. Di ako makakain, daldal mo."

"Ok. Sige na."

"Sige bye."

"Teka, walang 'I love you'?" Tapos humagalpak ng tawa.

"Mukha mo!"

"Para convincing. Nakikinig yan eh. Dali, naghihintay ako. Wait. Para makabwelo ka," tumikhim ito. "Sige na. Bye, I love you!"

Pero ang gagong Paul, narinig ko ang impit na hagikhik.

Napatirik ang mata ko, "Sige, I love you, too!"

Di ko sure kung halatang labas sa ilong yung pag-a- I love you ko ke Paul.

Dun na talaga ito humagalpak ng tawa. "Tangna, kikiligin na ba ako, Jun?!"

Nabuwisit ako, pinatayan ko ng cp.

Siraulo talaga eh!

"Kung sasama ka kay Paul sa event, wag kang hihiwalay sa kanya."

Napaangat ako ng tingin kay Caloy.

Sinabi nya iyon ng nakatitig sa akin. Di ako nagkomento.

Tapos na itong kumain. Nagpupunas na ng tissue sa bibig.  

"Andun din ako kahit wala si Anne. Mas importante sa akin na makuha ko uli ang pabor ni Danny kesa ang bantayan ka."

Napahigpit ang hawak ko sa plastic spoon at fork ko. Naputol iyon pareho.

Caloy smirked then leaned over the table para makalapit ang mukha sa akin.

"I knew it, Jun. Hindi talaga buo ang loob mo sa pakikipag-relasyon kay Paul. Di ka pa rin nakaka-move on sa akin," nakangisi nitong sabi at napailing pa.

Tapos tumalikod na ito palabas ng food chain.

Napatiim ako ng bagang. Ayokong maiyak sa sinabi nya. Pero, tumulo na ang luha ko. Mabilis ko iyong pinahid.

===============

This chapter is also a preparation to a future story! :)  

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj