Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16 Kaibigan


Napatayo ako bigla.

"Ano'ng ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Aahhmm...pinuntahan ka namin?" si Troy na kunwari nag-iisip pa.

"Gagi!" Natatawa kong sabi. "Teka, kasi naman! Ginulat nyo ko. Upo muna kayo. Asan ba manners ko?"

"Wala ka naman nun," biro ni Paul tapos naupo na sila.

"Utut mo! Naku, di pa 'ko tapos mag-lunch. Teka, bili ko kayo ng –"

"Wag na. Hintayin ka na lang namin. Mukhang patapos ka na naman," si Paul.

Naupo uli ako. Noon ko lang na-realize. Ang tahimik halos lahat ng estudyante doon, at sa gawi namin nakatingin.

Nagmadali tuloy akong kumain.

"Dahan-dahan. Baka mabulunan ka," sabi ni Troy.

"Tss. Ayokong dito tayo. Naiinis ako sa mga mata na nakatingin dito," sabi ko.

"Masanay ka na. Pogi mga dumalaw sa 'yo eh," si Troy.

I rolled my eyes, "Yabang!"

"May iyayabang kami," sundot ni Paul.

"Naghahanap pa lang ako ng flight online. Buti di pa ako nakakapili ng oras. Loko kayo."

Nagkatinginan yung dalawa. May ibig sabihin yun.

"Ano'ng meron?"

Tumikhim si Paul, "Para di ka na pupunta sa Manila, kami na pumunta dito. Online wire transfer na lang tayo sa bayad, tapos pirmahan na tayo ng papers."

Hindi ako kumbinsido, "Yung totoong dahilan, Paul...Troy?"

Nagkatinginan uli sila.

Napabuntunghininga si Troy, "Mainit ka sa Maynila. Kina Danny, I mean. Alam nilang pupunta ka uli doon anytime since tapos na bidding ng kotse mo. Inaabangan ka nila."

"Willing naman kami sa buong community na protektahan ka sa grupo ni Danny. Maliit silang di hamak kung bilang ang pag-uusapan. Kaya lang, mas maganda na rin na umiwas sa kahit na maliit na gulo kung pwede naman. Kaya nag-usap kami ni Paul na kami na ang pupunta dito. Umalis ka na kasi sa group kaya wala kang balita," dugtong ni Paul.

Simula nung matapos ang bidding at magkausap kami ni Paul, um-exit na ako sa community. Ayoko na talagang magkaroon ng koneksyon. Tama na sa akin na magbalitaan kami nina Paul at Troy sa cp or FB. Ako mismo ang nag-send ng friend request sa dalawa. Bagay na di ko ginawa sa Tropang Kulugo. Gut feeling siguro na unconsciously, di buo ang tiwala ko kina Caloy. Sa palagay ko, hindi naman ako nagkamali. Sila pa nga ang nagpunta dito para protektahan ako.

"Di nyo man lang ako sinabihan," nguso ko.

"Sorpresa nga."

"May dalawang subjects pa ako in the next forty minutes. Three hours yun. Tapos, may session ako sa gym. Paano yan?"

"Basta, text mo kami pagtapos na klase mo. Tapos sama kami sa gym. We want to see you in action," si Paul.

Natawa ako na biglang nabura dahil papasok sa canteen ang grupo nina Caloy. Nakatingin sila sa table namin.

Biglang bumaha na naman ang katahimikan sa canteen.

Napalingon tuloy sina Paul at Troy.

Tumango sina Pat sa amin but Caloy just smirked.

Nananadya pa ito kasi nauna sya sa paglakad sa mga tropa nya at naupo sa table sa likuran nina Paul, paharap sa akin. Tapos ngumisi sa akin ng nakakaloko.

Gago lang eh! Akala nya? Sya lang pogi at boylet material sa mundo?

Sa isip ko, naka-dirty finger ako sa kanya at sinasabing, 'Eto ka oh! Ayan may bisita ako. Concern na mga tao. Pogi at mas maipagyayabang ng kahit na sino kesa sa iyo. Paul at Troy yan sa drag racing community. Ako dinadalaw, hindi kayo!'

Pinigilan kong mapahagikhik. Baka isipin nina Troy at Paul, nababaliw ako.

Ininom ko na yung juice ko, "Tara, wag tayo dito."

"Don't tell me, a-absent ka, Pat? Midterms na next week?" Biglang malakas na sabi ni Caloy.

Alam kong pinaparinggan ako nito. Dedma. Pake nya ba? Sila nga na di pumapasok, nakakakuha ng pasang-awa, ako pa na ulirang estudyante?

Naks! Jun, baba dyan! Baka malaglag ka sa taas ng bangko mo. Napangisi ako sa sarili.

Kinuha ni Troy yung libro ko tapos si Paul yung backpack at Rotring case ko. Hinayaan ko na kahit di ako sanay.

Nakatingin ang tropang kulugo sa amin. Di makapaniwala na hinayaan ko yung dalawa na bitbitin ang gamit ko.

Para bwisitin sila, inangkla ko pa ang tag-isang braso ko sa braso nung dalawa. Sakop tuloy naming tatlo yung daan.

Lalong umasim ang mukha ni Caloy!

Ano ka ngayon? Pak yu!

Umugong ang bulungan sa canteen. May ilan kasing drag racers wannabes na nakakakilala sa dalawang kasama ko.

Paglabas namin ng canteen, narinig ko ang mahinang tawa nung dalawa. Tapos sabay pa nilang ginulo buhok ko.

"Ano ba?!" Reklamo ko.

"Luka-loka ka rin eh, ano? Inaasar mo pa mga dati mong grupo," sabi ni Troy.

"Di ah!" Nakanguso kong sabi.

"Sinungaling!" natatawang sikmat ni Paul. "Saan tayo?"

"Sa library, gusto nyo?" nakangisi kong sabi.

"Nakow, Dyosa. Graduate na kami dyan. Wag na at baka lagnatin kami ni Paul."

Natawa ako. Sa pagkakaalam ko, graduate si Paul ng Business Economics two years ago at nagtatrabaho bilang freelance financial advisor at naglalaro sa stock market. Si Troy naman, Mechanical Engineering, last year. Naghahanda pa lang para kumuha ng board. Malaking bentahe sa kanya ang buy, fix and sell ng second hand cars ng pamilya nila. Dito nya nagagamit ang ilang kaalaman sa kurso nya. Feeling ko, kaya hindi ito masyadong pursigido sa pagre-review sa board dahil nawili sa racing at sa kanya na pinamahala yung isang showroom garage nila sa Q.C. Konektado lahat sa interes nya.

Sa may bleachers sa soccer field kami tumambay. Sa Linggo ng gabi ang balik nila sa Maynila. Nagplano kami ng bonding time namin mamaya hanggang makaalis sila. May kinuha raw silang car rental.

Hinatid pa nila ako sa classroom ko. Muntik kong matampal ang noo ko nung makita ko doon ang limang kulugo, kasama na si Caloy.

Shocks! Classmate ko nga pala sila ngayon. Pero ok lang, mamayang last subject, iba na mga classmates ko.

Medyo nagulat pa ako nung magkasunod akong yakapin ni Paul at Troy at ibeso pa ako.

"Sagarin na natin pang-aasar. Pabor naman sa akin," bulong ni Paul.

Natawa ako, kasi si Troy, nakangisi lang. Pasaway rin ang dalawang ito.

Natatawang naiiling na lang ako pagpasok sa classroom. Nakatingin lahat ng mga kulugo. Maliban kay Caloy, pero kunut na kunot ang noo habang nagpipipindot sa cp nya.

Yung seatmate ko, di nakatiis, "Jun, di ba taga-Maynila mga yun? Yung Paul at Troy."

"Oo. Mga kaibigan ko. Surprise visit lang," sagot ko.

"Di ba tinalo mo rin sila noong karera sa Olongapo?"

Nagkibit-balikat na lang ako. Ayoko mag-komento.

May mga tumikhim sa likod. Yung mga kulugo yun. Lakompake!

Pagkatapos ng last subject ko, bumalik ako sa canteen. Dun kami nagkitang tatlo.

"Tara sa parking. Andun yung kotse."

Napangiwi pa ako nung makita kong naka-park sila katabi ng mga sasakyan nina Caloy... at andun lahat sila.

"Kapag sinuswerte nga naman," bulong ni Troy. "Wala sila dyan kanina."

"Official tambayan nila yan," sabi ko.

Inakbayan ako ni Paul na dala yung bag ko.

Natigil sa pag-uusap sina Pat. Kaswal na binati sila nina Paul at Troy. Bumati naman sila pabalik maliban kay Caloy na nagse-cellphone na naman.

"Sa likod na lang ako tutal andyan gamit ko," imporma ko kay Troy.

"Paano mo ituturo yung daan papunta sa gym?"

Napatingin na si Caloy sa amin tapos umasim ang mukha.

"Basta."

Inulan ako ng tuksuhan sa gym dahil pumasok yung dalawa at nanood sa session.

"Kuya Lee, para kang timang!"

Tinatanong nya kasi yung dalawa kung manliligaw ko. "Wag nyo papaiyakin yang bunso namin. Ke Juno, babalian lang kayo ng tadyang nyan. Sa amin, giniling aabutin nyo."

Natawa ng alanganin yung dalawa.

After ng gym session ko, kasama ko ang dalawa sa paggala nung gabi. Hinatid nila ako hanggang sa kanto ng street namin pagdating ang ala-una ng madaling-araw.

"Bukas, dadalhin ko yung papeles ng kotse," sabi ko pagbaba.

"Sunduin ka namin sa gym pag-uwi, tapos roadtrip uli," si Paul.

Kinabukasan, gaya ng inaasahan ko, may bagong ugong na naman sa campus yung mga fantards dahil sa pagpunta nina Paul. Kesyo kaya ako bumitaw kina Caloy dahil kina Paul. Mga wala talagang magawang matino ang mga hitad!

"Binenta ko yung kotseng pinanglaban ko sa idol nyo. Si Troy ang ahente at si Paul ang bumili. Ano? Di mukha na naman kayong mga bobita sa mga pinagsasabi nyo?" pagtataray ko sa ilan sa kanila nung abutan kong nagtsitsismisan sa CR. "Ewan ko senyo kung bakit napaka-big deal sa inyo na kaibigan ko mga lalaking yan. Palibhasa di kayo makalapit kasi maiihi kayo sa mga panty nyo! Paano pa kaya kapag kinausap kayo? Nakakaumay kayo!"

Natameme ang mga ito.

At nung araw na iyon, inabangan ako ni Caloy pagkatapos ng dalawang pang-umagang subjects na magka-klase kami.

"Nananadya ka, Jun?!" akusa nya sa akin. Kinorner ako nito sa loob ng classroom paglabas ng iba pa naming classmates.

"Saan?"

"Bakit pinapunta mo pa rito yung dalawa kahapon? Dapat sa labas na lang kayo ng campus nagkita."

"Ay teka lang, Caloy ha? Una, ikaw ba may-ari ng campus? Pangalawa, bakit masyado kang affected? Yun ngang dalawa,natalo ko rin yun, cool lang kami. In fact, magkakaibigan na kami. Pangatlo, di ko alam na pupunta sila dahil ang usapan ako ang luluwas sa Maynila para sa bayaran ng kotse. Kaya sila ang biglang pumunta dito, kasi inaabangan din daw ako ng grupo ni Danny. Kaya nag-alala sila. Di ko nga alam yun dahil um-exit na ako sa community. Don't tell me hindi mo alam yun? Di ba tropa mo sina Danny?" Sarkastiko kong sabi.

"Tss. Kaibigan, my ass! Ganun kabilis sa kanila ano, Jun? Pero kami—"

"Kasi naramdaman ko na sincere sila. Yung sa inyo, dapat nakinig ako sa gut feeling ko na merong mali somewhere para di tayo umabot sa ganito!"

Naiyak na naman ako. Lumambot ang mukha ni Caloy.

"Jun..."

"Wag ka nang lalapit sa akin, Caloy! Pakiusap lang. Nananahimik na ako eh. Umalis na 'ko sa community. Dinispatsa ko na yung kotse. I'm avoiding anything that has anything to do with you. Nakakapagod na kasi. Please lang, tama na," sabi kong umiiyak.

"Wag mong gawing big deal na naging kaibigan ko sina Paul at Troy, dahil mas marami kang kaibigan kesa sa 'kin. In the first place, hindi kita kaibigan. Maling akala ko lang yun, kaya wala kang pakialam sa buhay ko," tapos lumabas na ako ng classroom.

Sa labas ako ng campus nag-lunch. Nung masalubong ko si Charlie at Caloy sa hallway pagbalik para sa panghapong klase ko, umiwas ako ng daan.

After ng gym session ko, nasa labas na yung dalawa. After naming magpirmahan ng dokumento at magbayad ni Paul, lumarga na kami ng lakwatsa.

"Oy mga kulangot," sabi ko. "Di ako kumuha ng session sa gym tsaka nagpaalam na 'ko kay Ate nang overnight swimming bukas. Tuloy tayo sa Turlte Bay."

Iyun ang treat ko sa kanilang dalawa. Bago mag-ala-seis ng umaga, sinundo na ako ng dalawa sa may kanto namin.

Nag-road trip muna kami sa mga madadaanan naming tourist spots. Salitan kaming tatlo sa pagmamaneho.

Tawa ng tawa yung dalawa kasi di ko rin alam ang mga dinadaanan namin.

"Jun, pakiramdam ko, lahat tayo turista dito sa Palawan. Pati ikaw nagtatanong ng direksyon eh. Ilang beses na tayong naligaw," si Troy.

"Wag nyo 'ko itulad se'nyo, 'no! Di ako lakwatsera," nakangusong sabi ko. "Nakagala lang ako sa Palawan nung maging navigator ako ni Ca—"

Napahinto ako. Napatikhim din yung dalawa.

"Well, anyway," sabi ko. "Lunch tayo sa seaside. Gusto ko ng seafoods."

Hindi na masakit sa balat ang araw pagdating namin sa beach resort. Nagpahinga lang kami saglit tapos nagkayayaan ng mag-swimming. Isang cottage lang kinuha namin na may tatlong kuwarto. Nagpalit ako nang baon kong swim suit. Black two-piece bikini iyon na may disenteng tabas.

Napapito yung dalawa nung lumabas ako sa kuwarto kasi nakasampay pa sa balikat ko yung sarong.

"Sexy natin ah. Sayang, kulang sa height," tukso ni Troy.

Binato ko ito ng throw pillow na nasa couch. "Ang yabang mo ha!"

"Magsarong ka nga bago tayo lumabas. Baka mapa-away pa kami ni Troy sa iyo eh."

Ganun na nga ginawa ko. Katulad sa canteen ng campus, lumabas kami sa cottage na naka-angkla ang dalawa kong kamay sa tag-isang braso nung dalawa.

Nagkarera kami sa paglangoy. Pero syempre, talo ako dun. Malakas lumangoy ang dalawa. Though close lang ang gap namin. Si Paul ang nanalo.

"Grabe ka, Jun! Tao ka ba?" Reklamo ni Troy habang humihingal pagbalik namin sa buhanginan. "Muntik mo na naman akong matalo dun ah!"

"Dyosa ako! Dyosaaa! Tandaan nyo yan!"

Natatawang naiiling lang sila.

Nagpaligsahan din kaming gumawa ng sand castle. Mananalo ba sila sa akin? E magaling ako sa design and structure. Kurso ko ito.

"Ang daya nyo!" asik ko sa dalawa, kasi pinagtulungan nilang sirain yung sand castle ko.

Ang sarap ng pakiramdam ng ganito. May kasama kang mga kaibigan na walang arte at di ako minamanyak.

Nag-shower at nagpalit na kami ng damit nung madilim na. Kumain kami ng dinner sa isang resto doon tapos naglakad-lakad.

Tawanan kami ng tawanan kasi pinag-uusapan namin yung mga nakakasalubong naming mga naroroon. Pupuriin ng isa tapos pipintasan nung isa. O kaya gagawan namin ng istorya. Nagti-trip lang kami.

Hanggang magkayayaan na mag-inuman. Doon naging personal na ang mga usapan namin. 

Nalaman ko na si Paul pala, anak sa labas. I mean, love child. Di na nag-asawa ang mommy nito. Sa kanya na lang nag-focus. Binigyan ito ng maliit ng business ng daddy ni Paul. At sustentado sa pag-aaral dati si Paul. Hanggang ngayon nga ay may sustento pa sila sa ama, pero ang mommy ni Paul, itinatago lang iyon as savings, since malaki ang income nila sa business at sa trabaho ni Paul.

Si Troy, pangalawa sa tatlong magkakapatid. Lalaki rin ang panganay nila, babae yung bunso na Lily ang pangalan pero namatay na raw ito halos magtatatlong taon na.

"Parang matagal na kayong magkakilala," sabi ko sa dalawa.

Natahimik sila sandali pero si Troy ang nagkwento.

"Si Lily ang dahilan kaya kami nagkakilala," umpisa nya.

Si Lily pala ang drag racer sa kanila. May kinalolokohan daw na racer din which happened to be Paul. Dahil bunso at nag-iisang babae, spoiled ito sa buong pamilya. Walang nakapigil sa gusto nito kaya pinasok ni Troy ang drag racing para mabantayan ang bunso.

"Mga buwan pa lang ako nagsisimula nun. Schoolmate ko yung nag-invite kay Lily sa isang event namin. Ayun ganun. Ini-stalk ako ng kapatid ni Troy. Hanggang sa malaman ko nga na yung kuya nya, pumasok na rin sa community. Sabay kami ni Troy gumawa ng pangalan dun, pati si Danny. Si Caloy, mas nahuli ng kalahating taon bago naging maugong ang pangalan. Dito na sya noon sa Palawan. Dati sya sa grupo nina Danny bago sya lumipat dito. Ang balita namin, nagalit daw si Danny nung malamang may relasyon ito sa kapatid nya, si Anne. Pero di klaro yung kwento. Nakilala nang husto si Caloy last year dahil sa bago nyang navigator na kilala lang sa pangalang Jun. Ikaw yun. Ikaw ang nagdala kay Caloy sa kasikatan nya. Nakadagdag pa dun na misteryosa ka. Di ka nakikihalo sa mga event tsaka walang makuhang picture mo na malinaw. Kundi, malayo, malabo, naka-cap ka or naka-hoodie. Pati nga FB mo, walang maka-view. Kaya nga pumunta minsan itong si Troy sa isang laban nyo. Nagkaroon kami ng dare na kuhanan ka ng malinaw na picture pero bokya sya," natatawang dugtong ni Paul. "Alam mo bang matagal ka nang pinag-iinitang kausapin nina Danny para lumipat sa grupo nila?"

Iba pala ang alam nilang kuwento kina Caloy. "Ayoko yang pag-usapan. Yung sa inyo ni Troy ako interesado. Anyare na sa kuwento?"

Tumikhim si Paul tapos nagtinginan sila ni Troy.

"Sige, ikwento mo, tol. Ok lang," sabi ni Troy.

"One time, pinagbigyan kong makipag-date si Lily. Movie date. Alam mo na, kissing. Pero yun lang, di na naulit. Natakot ako kay Lily, parang obsessed eh. Tapos kumalat yung balita na kami na raw. After ilang linggo, nagulat ako kasi sinugod ako ni Troy sa isang event. Buntis daw kapatid nya. Ako ang tinuturong tatay. Syempre, tinanggi ko. Nagkagulo sa event. Andun din si Lily, inawat si Troy."

Sumingit si Troy, "Nagalit kapatid ko. Umuwi ng galit drive kotse nya."

Nanginig ang boses ni Troy, "Naaksidente sya that night. Nakunan sya. Namatay rin si Lily. Pero bago sya malagutan ng hininga, inamin nya sa akin na di si Paul ang tatay."

"E sino?"

"Si Danny, pero ayaw daw akuin yung bata. Ipalaglag nya raw," may galit na sabi ni Troy.

Nabigla ako dun. "Putang ama pala talaga ng hayup na yun eh!" Medyo tumaas ang boses ko.

Hindi nagsalita ang dalawa. Si Troy mabigat na huminga ng malalim.

"So, dun nabuo bromance nyong dalawa?" sabi ko.

"Tangnang yan! Si Troy? Kadiri!" Singhal ni Paul.

Natawa lang kami.

"Gago, ang yabang mo! Maliit naman titi mo!" Ganti ni Troy.

"Ulul! Mas maliit sa 'yo! Labas mo yan, dangkalan tayo!" Sikmat ni Paul.

"O, sige. Game!" Patol ni Troy.

"Oooy! Paksyet kayo! Ang virgin eyes ko!" Napatili ako ng impit kasi sabay silang humawak sa mga zipper ng maong shorts nila.

Hagalpak sila ng tawa.

"Jun, kidding aside. Si Danny ang dahilan kaya binantayan ka namin ni Paul sa Olongapo at kaya nandito kami ngayon. Gago sa hindi lang gago si Danny. Mainit ka sa kanya. May isa ngang grupo na gusto nang itumba yun, pinigilan lang namin. Ayaw naming mahaluan ng patayan sa community."

Natahimik ako sandali kasi naluluha ako, "S-salamat ng marami."

"Wala yun," inakbayan ako ni Troy tapos ginulo buhok ko.

"'Kakainis ka!" Angal ko.

"Basta, palamig ka muna. Wag kang luluwas sa Maynila. Sabihan mo kami kung pupunta ka," si Paul. "Kapag busy kami, titimbrehan namin ang mga kagrupo para mabantayan ka kung sino ang libre. Mataas ang respeto sa iyo ng communtiy. Tangna, kinse ba naman kaming gasgasan mo ang record, sa unang laban mo pa. Umalis ka lang kasi."

Natawa lang ako. Naisip ko, hindi nga ako nagkamali sa mga ito.

"Ikaw, anong kwento mo?" Si Troy. "Bakit parang nagtatago ka?"

Since pinagkatiwalaan nila ako sa kwento nila, ikinuwento ko sa kanila ang dahilan ng paglipat namin sa Palawan.

Hindi sila nakaimik.

"Wala na kaming babalikan sa Maynila," sabi ko. "Sa inyo ko lang sinabi yan."

"Paano yan, marami kang pics nung party sa Olongapo?"

"Mabuti na rin yun. Para kapag natunton nya kami, papatayin ko talaga ang hayup! Para matapos na rin ang pagtatago namin. Nakakapagod na rin kasi."

"Sabihan mo kami pag kailangan mo ng tulong," si Troy.

We drank all night. Paggising ko kinabukasan, medyo masakit ang ulo ko.

"Lakas mo kasi uminom, di mo naman pala kaya. Binuhat ka pa ni Paul pauwi. Pinaglinis mo pa 'ko ng suka mo sa sala," reklamo ni Troy.

"Aay... Sareeey!" Nahihiyang ngisi ko sa kanila tapos naka- peace sign.

"Tangna, ok lang sana eh," si Paul, nakasimangot. "Kaso, ngalngal ka ng ngalngal kakatawag ke Caloy. Nakakauta! Buti kami lang ni Troy nakarinig sa pagkakalat mo."

"Ayaw mo palang pag-usapan si Caloy kagabi huh?!" sundot pa ni Troy.

Potah! Alam ko, pulang-pula ang mukha ko!

===========

Don't forget to comment and vote!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b3lj