14 Groupie
Ayan na po ang pambawi. Mahabang update with 3580 words.
=============
Juno's POV
"Hindi ko makakalimutan ang nangyari, Jun! Nawala ang pagkakataon kong mabawi si Anne dahil sa iyo!"
Parang gustong madurog ng puso ko sa sinabing iyon ni Caloy.
After all that happened, si Anne pa rin. Kahit ipamukha ko sa kanya na hindi mabuti ang idinudulot ng paghabol nya sa babaeng iyon dala ng tarantadong si Danny. Kahit ipamukha ko sa kanya na mali sya ng mga taong pinagkatiwalaan. Kahit ipamukha ko sa kanya na mali ang ginawa nya, nilang magbabakarda sa akin.
Ako pa rin! Ako pa rin ang may kasalanan in the end.
Pinagtanggol ko lang ang sarili ko at ipinaalam sa kanila na hindi si Juno dela Cruz ang tipong basta yuyuko sa kalokohan nila.
Ang sakit. Galing pa kay Caloy. Ang sakit-sakit!
Napangiti ako ng mapait pero sa tingin ko ngiwi ang nangyari.
"Bahala ka na kung yan ang gusto mong isipin, Caloy. Hindi ko kayang intindihin kung anong klaseng pagmamahal ang nararamdaman mo kay Anne. Kung tingin ko sa iyo ang tanga mo, at ikaw tingin mo sa akin bitter ako sa iyo at napakawalanghiya ko, so be it. Siguro kasi, magkaiba tayong tao."
Tumalikod na ako. Ayokong makita nya ang pinipigil kong luha.
Dumiretso ako sa gym. Balak kong mag-araw-araw muna dito habang wala pa akong trabaho.
Wala si Kuya Bart pagdating ko. Wala rin doon yung mga kuya-kuyahan ko na regular kong nakakasabay. Maaga pa kasi sa regular kong schedule dito. Ay mali, wala pala talaga akong schedule ngayon. Tss.
While using my spare time sa gym, I started thinking again.
Magpapahinga muna ako sa pagtatrabaho kahit dalawang linggo bago mag-apply uli. Tutal malaki napanalunan ko nung Sabado. Nag-text na kaninang after lunch si Paul. Sabi nya nai-deposit na nya yung pera sa bank account ko.
Gusto ko mang i-treat si Ate at si Hope sa out of town, hindi pupuwede. Maliban sa mapapagalitan ako ng husto kapag nalaman ni Ate kung bakit ganoon kalaki ang pera ko.
Tsaka baka hintayin ko rin muna na mabili yung kotse ni Sir Abet. Babalik ako sa Maynila kapag sure na yung buyer at magbabayaran na.
Iti-treat ko rin si Paul at Troy para sa pagtulong sa akin pagluwas ko sa Manila. Bahala na kung anong ipapaalam ko kay Ate. Tutal di pa nya alam na nag-resign na 'ko sa McDo.
Nung mag-resign ako more than two weeks ago, inubos ko ang oras ko sa pagpa-practice mag-drive mag-isa, kung ano ang ipapaalam ko kay Ate kung bakit mawawala ako ng dalawang araw, ang mag-plano kung paano pauunahin si Dino sa Manila na maneho nya ang kotse via RoRo, kung saan sya mag-i-stay for one day habang hinihintay ang pagdating ko doon dahil mag-e-eroplano ako pa-Maynila on the same day ng event, at kung anu-ano pang pagpaplano. Ayoko kasing makatunog ang kahit na sino sa kanila na ako si 'Roman'. Kaya nga kahit member ako ng community, wala akong ina-accept na friend request sa kanila. Si Caloy nga, di ko friend sa FB. At walang nakaka-view ng FB ko. Profile at cover pics ko lang ang makikita. Yung cartoons na Mt. Olympus ng Walt Disney.
Ewan ko. Siguro, may katamaran talaga ang mga ito. Ni hindi nila pinag-aksayahan ng panahon na i-check yung profile ni 'Roman' sa FB. Sa chatroom nga, nagtaka sila kung paano nasali sa group page si 'Roman'. But nobody checked. Iyong mismong FB account ko rin ang ginamit ko. Nagpalit lang ako ng pangalan at public pics. Yun lang. Maliban sa talagang walang makaka-view sa FB ko, nobody noticed the changes I made.
I just gave Dino the contact number of the event coordinator/mediator para makipag-usap tungkol sa pustahan, and pose as my 'financer'. Ako rin ang nakipag-debate para ma-approve ang pagsali ko sa argumentong zero loss ang ruling, walang sinabing dapat may win. Tapos pumayag ako ng P50k ang taya nila at P150k sa akin.
Palit-buhay talaga. I mean, halos masaid ang lahat ng ipon ko sa mga 'kinita' ko as navigator ni Caloy for one year, mula sa set up pa lang ng sasakyan, sa pusta hanggang gastusin pagpunta sa Maynila. Literal na apat na libo na lang ang natira sa passbook ko. But it paid off. Bawing-bawi!
I planned everything. During the event, sinadya kong palabasin na kahit sa pagpa-park ng kotse, may problema ako. Alam ko kasing minamaliit nila si 'Roman' at 'Onid' sa chatroom. Wala silang ideya o siguro nawala sa isip nila sa kasali ako sa chatroom ng mga members ng group wall ng community. Hindi naman kasi ako nakipag-chat sa kanila doon dati kahit minsan. Kahit nga ngayong naka-bid ang sasakyan ko, si Troy ang bahala doon, tutal may komisyon sya doon. Yun naman ang business nila ng pamilya nila.
Sinamantala ko na wala silang lahat alam tungkol kay 'Roman', pero may alam ako tungkol sa kanila. Yun ang ginamit kong panlaban sa kanila since first time kong kumarera. Edge ko ang element of surprise. Binigyan ko pa nga ang sarili ko ng ilang minuto na obserbahan silang magmaneho during the race. Hinayaan ko silang mauna ng ilang segundo. Tinantya ko muna bago ako umatake.
Kay Paul ako talaga unang kinabahan. Sa lahat ng zero loss, ito ang magaling. Pangalawa si Troy. Siguro yung opinyon kong iyon, impluwensya na rin ng pananaw ni Caloy.
Pero si Caloy, it was really a gamble. Sa kanya ako medyo tagilid. Bakit ang hindi? Sya ang nagturo sa akin magmaneho kaya alam nya ang style ko kahit sa drifting. That was why, when I learned the route map ng event, I memorized it. Then I practiced my drifting. Malaki ang posibilidad na makilala ako ni Caloy kapag nag-drift ako, dahil iyon ang huli naming inensayo na hindi namin totally na-polish. Ilang beses rin naming pinagtalunan ang estilo kong iyon. So nung sa mismong race, I showed him who I was. It will add confusion and doubt in him. Pinakagat ko si Caloy sa alam nyang drift ko then sa huli, I did the drift he didn't know I can do. Also, I have two good cards against him. Una, alam kong hindi si 'Roman' ang una nyang pagtutuunan ng pansin. Pangalawa, he won't focus on driving to win, but will focus on how to help Danny finish first.
Then there was Danny, tss! Isang malaking tae lang yun. Tae ang laman ng utak na puro mabahong hangin. Utot kumbaga.
Naalala ko ang sinabi nina Paul at Troy sa akin nung gabi ng victory party after the race.
"Mag-iingat ka kay Danny. He's a sore loser. Lalo na at nag-iisa ka na at walang grupo. Ang edge mo lang, nasa Palawan ka. Pero pupwedeng balikan ka pa rin nya o nang grupo nya kahit doon lalo na kung may laban sila sa Palawan," si Troy.
"Kapag may nabalitaan kaming laban nila sa inyo, pupunta rin kami ng tropa," sabi ni Paul. "Para bantayan ka."
Natawa ako. "Ano yan, Paul? Umi-style ka sa akin?"
Humalakhak ito pati si Troy, "Tangna, Jun! Kaya pala ang daming ilag sa iyo eh. You're pretty sharp and blunt!"
Natawa rin ako.
"Kidding aside, Jun," si Troy naman. "Kung free naman kami, why not? Then maybe we can hang out sa place nyo."
"Isa ka pa!" birong sikmat ko kay Troy. "Don't me! Bago pa ako lumuwas dito, na-stalk ko na kayo sa social media. Kilala ko na mga balahibo nyo."
Napakamot ang mga ito sa batok, "Tangna! Walang lusot!" natatawang sabi nila.
I partied with them. Marami ang nagulat at natuwa na sumama ako. First time I did since I became a part of the community. Sad part was, it will also be my last. Katulad ng pagkarera ko nang gabing iyon. And saddest part was, I partied without Caloy. The person who introduced me to this group.
On the brighter side though, I gained friends. Si Paul at si Troy. And some other people there. Pero sa dalawa lang talaga palagay ang loob ko. In fact, binakuran ako nung dalawa kaya walang makalapit masyado. Dino didn't join. May iba raw syang lakad. Sa hotel na lang kami magkikita. Kinabukasan pa naman nang alas-seis ng gabi ang flight namin pabalik ng Palawan.
Laking pasasalamat ko na di mapagsamantala itong sina Paul at Troy. At least, di bastos katulad ng putangnang si Vugz at di namumuwersa gaya ng paksyet na si Caloy.
I partied in full blast that night.
Got myself plenty of pics with the people here.
And some with Paul or Troy. Yung iba, groupie kaming tatlo.
I'd hold up my phone for a selfie tapos magpo-photobomb ang dalawang ungas! Tawa ako ng tawa.
"Dyosa, we didn't know that you're a party animal,too!" sabi nung isang racer doon. Katatapos lang naming sumayaw. "This is a big revelation! Bakit ka nagtago noon sa yungib?"
"Busy ako sa school at trabaho," sabi ko lang.
But most of the time, si Paul at Troy lang ang palitan kong kapartner sa pagsasayaw.
"Jun, you're drunk. I think that's enough," si Troy.
"Hindi ah!" Tanggi ko.
"Ilang beses mo na kaming tinawag ni Paul na Caloy," he said flatly.
Napatingin ako kay Paul. Nagkibit ito ng balikat while raising his eye brows.
Napangiwi ako. Shit! Shit!
Nakahiwalay kaming tatlo ng table. Ang mga ungas, iniwan ang kanya-kanya nilang grupo para di ako malapitan nung iba. Isa pa, may ilang babaeng kasama ang mga racers dito na halatang insecure sa akin. May ilan namang babae na hayagan pumupuri at lumalapit. Siguro, dahil na rin kina Paul at Troy. Kasi sa pagkakaalam ko, walang official girlfriends ang dalawang ito.
Well, at least, walang mang-aaway sa akin ditong jowa ng may jowa.
"You really do love that jerk, don't you, Juno?" si Paul.
May tumulong luha sa mata ko pero pinahid ko agad. Di ako nagkomento.
"Well, that tear gave away the answer," si Troy. "Lucky bastard!"
"Is it true?" Si Paul.
"Ang alin?"
"Yung sinabi ni Caloy na bitter ka sa kanya kaya ka gumanti?"
Umiling ako, "No. I just felt betrayed as a person. It's not easy for me to trust tapos ganun ang mangyayari. I felt being used tapos pinaasa ako ni Caloy sa merong something. I tried to dodge and shrug off the feeling, kung alam nyo lang. Ang sa akin kasi, navigator lang. Yung kikitain ko sa bawat panalo ang habol ko. Walang personalan. Yun, sinadya nya. He knew his way in so ayun..."
Paksyet! Umiiyak na pala ako!
Inabutan ako niPaul ng tissue na nasa table namin.
"...I fell when the least I expected it. Ayoko talaga eh, kaso timanaan ako, paunti-unti. Di ko namalayan. It was like a thief in the night."
"Lagi kasi kayong magkasama," sabi ni Troy.
"Pwede. Kaya lang kasi, my thought at that time, sya yung lumapit kahit hindi ako approachable sa campus."
Hinampas ko sa braso si Troy kasi nang-aasar yung mukha nya na hindi sya naniniwala sa sinabi ko.
"Hindi nga. Troy, para kang tanga!" Reklamo ko.
"Bakit ganun ka? I mean, yun din ang impression naming lahat sa iyo sa community. Kaya nga nagugulat kami sa iyo ngayon. Ayos ka namang kausap. Walang arte," si Paul.
"Personal lang. Iba kasi sa campus. Yung tingin nila sa iyo kung galing kang Maynila. Tsaka, working student ako kaya wala rin akong masyadong time lalo na at architecture ang kurso ko. Full load pa ko sa subjects."
Halatang nagulat sila so, "Dito ako nag-highschool at first year college. Lumipat lang kami sa Palawan," sabi ko. "Tsaka, bawal ba mag-archi ang babae?"
Tumawa ng dalawa, "Kilalang mga pasaway ang mga yun. Paano mo naging tropa yung walo?"
"Di ko sila Tropa. Palagi ko ngang pinagbababara mga yan kasi nga ang yayabang sa school tsaka ayun nga, pabaya sa pag-aaral. Classmate ko yung iba sa kanila sa ilang subjects since last year."
Kinuwento ko sa kanila yung unang pag-approach sa akin ni Caloy. Yung nadapa ako sa sidewalk na tapat lang ng tambayan nila.
Tawa ng tawa yung dalawa.
"Ayun ganun! Tado kayong dalawa ha? Ginagawa nyo 'kong clown," nakanguso kong sabi.
"Akala ko nung una, mga tipong galawang breezy style ni Caloy at kakuntsaba nya yung pito. Then he offered me to be his navigator. Ilang beses. Hanggang sa kumagat ako. Sayang eh. Baka biglang maoperahan ang pamangkin ko sa puso, at least may ipon kami."
Nakikinig lang yung dalawa.
"Months passed, di naman lumampas si Caloy sa pagiging driver-navigator partnership namin. I even fart or burp aloud infront of him, minsan nga sa loob pa ng kotse nya, as if, wala lang. Walang pa-cute. Di naman kasi ako pabebe. Kaya nga kami nag-click. Akala ko, nahanap ko na uli yung pagkakaibigan na matagal ko nang hinahanap."
"Ano kasi, I used to have two best friends back in highschool. Trio kami, unseparable. But after two years. I found out bakit ko sila naging kaibigan. Ian, my guy bestfriend, gustung -gusto ko sya. Alam nyo na yung parang kay paksyet na Caloy. Lagi kaming magkakasama, na-develop, ganun. Pero sinabi nya na gusto nya yung girl best friend namin. So, I helped him out. During our graduation ball, nagtapat sya kay Janet. Ako ang nag-set up kahit ang sakit sa puso ko. Yet, Janet rejected him. That same moment, sinabi ni Janet na ang gusto nya, ako. Puta, akala ko boyish lang si Janet, parang ako. Tangna, hindi pala. Kaya nya ako kinaibigan, kasi gusto nya ako. Tapos nakipagkaibigan sa akin si Ian, dahil kay Janet, para ilakad ko sya. Tapos, along the way, nagkagusto ako kay Ian. Tangnang buhay yan! Yung unseparable trio namin, puno ng pagpapanggap!"
Natatawang pagbabalik-tanaw ko kina Paul at Troy.
"Kaya ayun, hirap akong magtiwala uli sa mga gustong makipag-kaibigan. Then here comes talkshit na Caloy and his fucking minions. Sobrang kukulit. Literal, sinusundan nila ako sa campus. And si Caloy, walang pretensions, di nya tinago sa akin pagiging pasaway at babaero nya. And..." naluluha na naman ako.
"...Unconsciously, his dream to maintain a zero loss stat became my dream as well...for him. Hindi para sa akin. I worked hard. Naging coach, adviser, cheerer nya ako sa loob ng kotse during practice and race. Alam mo yun, Paul. Yung efforts ko so he can live his dream. I was not even noticing na ganun na pala ang standing ko as navigator. Ayoko kasing maniwala. Pero nung kay Caloy na mismo manggaling na top 1 akong navigator sa Palawan at kilala ako kahit saang drag racing groups, tsaka ako naninwala...kasi ...si Caloy ang nagsabi eh," umiyak na ako. Paul patted me on the back.
"Unconsciously, ganun ang epekto nya sa akin. Pero hindi ko alam yun. Mid-December ko lang na-realize na ganun. Nagising kasi ako when I heard them talk about the bet on me. Pero yung feelings ko, nakabaon na pala dito. Na kahit alam kong balasubas sya, unconsciously, tinanggap ko yung kapintasan nyang yun kahit puro panlalait ang inaabot nya sa akin sa mga kalokohan nya," turo ko sa dibdib ko. "Ang hirap bunutin. Kahit alam kong hindi sya healthy sa akin, hindi pala ganun kadali alisin yung pagmamahal sa isang tao. Potah, sa asshole pa ako natapat!"
Inabutan uli ako ni Troy ng tissue.
"Tang-ina! Si Caloy pa man din ang first kiss ko dahil sa putangnang drama namin para di kami hulihin ng pulis after ng isang drag race na sinalihan namin. Nagpanggap kaming mag-jowang nag-aaway sa bakanteng lote. I even pretended pregnant kahit pahiyang-pahiya ako. Tangnang yun!"
They both chuckled a little with a combination of huffing.
"Kaya nga nagkaroon ng ideya si Caloy na may tinatago akong pagsintang pururot sa kanya dahil dun sa halik na yun. Syet!"
"Dyosa, di ko malaman kung matatawa ako sa iyo o maawa," si Paul.
"Makinig ka na lang. Yun lang kailangan ko ngayon. Naglalabas ako ng sama ng loob. Tutal andyan kayo, pagtiisan nyo na," suminga ako sa tissue.
Napangiwi yung dalawa.
"Ang arte nyo ha?" sikmat ko pa. "Normal sa nag-eemote ang sipunin!"
Natawa ito. Umorder pa uli silang ng isang bucket ng San MIg Light.
"Asan na ba tayo? Ah Ayun. Umiwas muna ako sa kanilang walo. Pero wala eh. Buking na buking ako. Pero dineretso ko na sya. Na ayoko ng ginagawa nya since na sinabi nya, it was just a kiss intended make an escape. Napahiya ako, 'lam nyo ba yun? Big deal na big deal sa akin, tapos, 'It was nothing' lang daw. Paksyet talaga!"
Alam ko, may amats na ko . Sobrang daldal ko na eh. Tsaka napapadalas na 'ko sa kaka-English!
"Tapos, after a week, he made another move to make me think there's something between us. Only the next day, I found out, it was just a bet from the very beginning, among the eight of them. Kasi they thought, I was a fucking lesbian. A lesbian with a child. They were talking about my niece! Mahabaging diwata ng mga bakla! Kung alam lang nila! Patay na patay ako kay Lee Min Ho, Mario Maurer at Chris Hemsworth."
This time humalakhak na yung dalawa.
"Yung pustahan na yun, sinamantala ni Caloy, because he found out, di ako matatakutin . He invited me to be his navigator. Ayun ganun. Ikakama, tapos ipapasa kay Vugz kasi babalik na pala ng Maynila si Caloy sa summer for good."
Kinukwento ko na rin yung nangyari sa bar na nagulat silang naroroon ako, tapos nagalit si Caloy and there was this July guy who helped me out. Hanggang help out lang. Di na ko nag-eloborate. Kahit naman may tama na ako ng alak, alam kong nakakahiya kung ikukuwento ko yung nangyari ng buo.
"I think Caloy got frustrated because of my sudden change of attitude and having July that night. So the next day we met after a race, that was the time he almost raped me. So far, sa tingin nyo ba bitter ako sa ginawa ko kanina kasi—"
Paul pat me on the shoulder. "Tagay na lang natin yan!"
"Hay! History has a way of repeating itself in a way," sabi ko na lang. Di ko maidugtong na pati yung involvement ng isang lesbian, naulit.
"Ibig mong sabihin, Jun, di ka pa nagkaka-boyfriend?"
"Sa hinaba ng dinakdak ko dito, Troy, di mo pa na-gets yun?"
"Suplada talaga!" Natawang sabi nito.
"Twice akong na-broken hearted nang walang jowa. Ang saklap, men!" Sabi ko sabay tungga ng San Mig light ko.
Si Paul ang naghatid sa akin sa hotel pagkatapos. Di na rin ako makapagmaneho, hilo ako sa dami ng nainom ko. But I made sure na di sobra-sobra. Ayokong magkalat tulad nung nangyari sa club strip sa Palawan with July. Baka wala pa si baklang Dino sa hotel para awatin ako sa pagbuburles pag nagkataon. Nakakahiya kina Troy at Paul kung mangyayari yun. Scandal ang magiging peg ko.
Naka-convoy lang si Troy dahil sya ang nagmaneho ng kotse ko. Bukas, convoy na kami ni Dino sa grupo ni Troy papunta sa showroom garage nila para i-display ang kotse ko for selling. Nag-check in na lang rin ang dalawang grupo sa parehong hotel na pinagtigilan namin ni Dino.
Humiwalay na'ng mga katropa nila pagdating sa Trinoma. Si Paul, sumama pa hanggang sa showroom nina Troy and both were kind enough to treat us to lunch at ihatid kami ni Dino sa NAIA 3 pagdating ng hapon.
We exchange cp numbers. I requested na wag nila ibibigay kahit kanino ang number ko. They were even surprised to know na nalaman lang ni Caloy ang number ko nung gabi ng event dahil nga binalaan ko ito laban kay Vugz. Dun na nakumbinsi ang dalawa na mahigpit talaga ako pagdating sa privacy ko.
"Uy, Jun!"
Napahinto ko sa pagsuntok sa punching bag. Si Kuya Bart, dumating na pala.
"Mukhang nagre-ready ka na sa brown belt testing ah," ang sabi.
"Kelan ba, Kuya?
"Last week na January. Tapos, go tayo sa class natin for beginners and kids, ha?" Paalala nito.
"Sige ba!" sagot ko.
That whole week, sa gym lang ako, prepping up sa belt testing ko sa Krav Maga.
Weekend came, I received a text message from Troy as expected. Dahil that is the day ang huling araw ng bidding. Natawa ako nung malaman kong si Paul ang nanalo sa bidding and he paid for it at a handsome amount.
Tinawagan ko si Paul, "Oy, anong trip mo?" sabi ko.
Nasa may canteen ako noon. Katatapos ko lang kumain. Back in my old self. Eating alone. Malungkot rin. Nakaka-miss yung mga ulul na mga kulugo kahit papaano .... lalung-lao na si Caloy.
Buti, kahit papaano, merong Paul at Troy akong naging kaibigan. Kahit long distance ang pagkakaibigan naming, at least, I feel more secured. Kahit sa umpisa pa lang, kampante na 'ko sa dalawang ito. And at this point, medyo safe sa akin, emotionally. Di ko sila masyadong hahanap-hanapin dahil eversince malayo talaga kami sa isa't-isa.
Tumawa ito, "Di ko kasi matanggap na newbie ang unang gumasgas sa record ko. Tapos di pa ako makakabawi kasi ayaw mo na uli kumarera. So, I thought, dapat ako makabili nung sasakyan na ginamit ng tumalo sa akin."
Tawa ako ng tawa. "Sira! Ganito, kunin mo na yung kotse ke Troy. Itatawag ko sa kanya. Next weekend pa ako pwedeng lumuwas para sa papers nung kotse. Pahinga muna ako this weekend kasi kakaalis ko lang last week. Baka kung anong isipin ni Ate."
"Paano yung bayad ko?"
"May tiwala ako sa iyo, Paul. Sa inyo ni Troy," sabi ko.
I heard him chuckle. "Sige, kami na lang mag-usap ni Troy about getting his commission first. Let me know your flight sched, para masundo ka namin."
"Ok, sige na. May klase pa ako," tumayo na ako.
"Ok, ingat."
Pagbaling ko para kunin ang bag ko sa katabing upuan, nagulat ako na nakatayo si Caloy sa likuran ko.
Nakikinig ba sya sa usapan naming ni Paul?
Hindi ko alam kung galit ito o ano. Nakatitig lang sa akin. Ako na ang umiwas ng tingin tapos lumakad na ako papalabas ng canteen. Marami ang bumabati sa akin. Simpleng tango at ngiti ang ibinalik ko.
As I was nearing the exit, nakita ko sina Pat, Larry at Charlie sa labas ng canteen, nakatingin sa akin pero wala na yung angas sa aura nila.
Sigurado ako, ako ang inaabangan nila.
===========
Ian and Janet... do the names sound familiar? They were mentioned in the early part of Claiming Andromeda especially sa birthday ni Andie. The trio's separation was unclear to Andie then which was also mentioned after Andie and Juno's mom died. Ang alam lang ni Andie, lumipat ng bahay ang pamilya ni Ian at si Janet, hindi na sa St. Margarette nag-college. The real reason was the one mentioned above.
==========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro