13 Scorned
Bigla ring nanahimik ang mga nagchi-cheer kanina at umugong ang mga bulungan nang marinig ang pangalan na tinawag ko.
"Sya yung Juno? Yung Jun na navigator nya?"
"Yung Dyosa ng Tropang Kulugo?"
"Bakit nya kinalaban si Caloy?"
Naglaban kami ng tingin ni Jun. Hindi ito nag-iwas ng tingin.
"Kumalas na raw si Jun sa grupo nung December pa. Balitang may pinag-awayan pero sila lang nakakaalam dalawa."
"Kaya siguro nawala ng isang buwan. Pinaghandaan ng husto."
"Sabi sa inyo, lucky charm lang yan ni Caloy. Nung mawal si Jun, nawala na rin ang galing. Si Jun ang nagdala ng record."
Napakuyom ako lalo sa palad ko sa mga bulung-bulungan.
Natigil sila dahil sa marahan at malakas na palakpak ni Paul. Sumunod si Troy. Nakangisi ang mga ito. Pati ako napatingin sa mga ito.
Kitang-kita ng paghanga nila kay Jun. Napapailing pa ang mga ito habang nakangiti ng malapad.
Sumunod na ang iba pang kasali sa karera na tinapyasan ni Juno ng mga record at mga spectators.
"Dyosa, ikaw na!" May sumigaw na babae.
"Jun, marry me!" sigaw ng isa galing sa likod.
May ilang pabirong lumuhod tapos yumukod sa lupa sa paharap kay Jun.
Kami lang ni Danny at ang grupo nya ang hindi pumalakpak. Nung may magtangkang pumalakpak na isang kagrupo, binigyan ito ng matalim na tingin ni Danny.
Hindi ko pinigilan ang tropa na mag-cheer para kay Jun.
"Shit! Si Jun pala yun," sabi ni Pat na pumapalkpak din kasabay nina Larry at Ben.
Mas maraming tumatakbo sa utak ko kesa dun.
"So, ikaw pala si Juno ng Palawan," sabi ni Paul na nakangiti. "Tangna, akala ko top one navigator ka lang eh."
"Kaya pala ayaw lumabas," may sumigaw mula sa likod. "Ayaw madumog ng fans."
Umugong ang tawanan.
Namula si Jun at ngumiti. "Sira." Simpleng sabi.
Lumapit si Troy then he extended his hand, "Ngayon lang kita nakita ng malapitan. Mailap ka nung nanood ako ng laban nyo dati sa Palawan. Congrats!"
"Salamat," Tipid lang talaga ang mga sagot nya.
Kinabig ito ni Troy at niyakap. Nagkaroon ng tuksuhan.
"Uy, teka," bahagya nyang itinulak si Troy.
Nakangising bumitaw naman ito sabay sigaw nang, "Yes!" na nakataas ang kamay.
Nagkatawanan uli, pati si Jun na napatakip pa sa bibig.
Inakbayan ito ni Paul, "Tsk! Wala akong masabi. Dyosa talaga! Idol!"
"Grabe, hindi naman," namula ito. "Ikaw nga idol ko eh!"
Nagkatuksuhan uli. May sumigaw pa sa grupo ni Troy.
"Wala, Troy. Tablado ka kay Paul!"
"Ouch!" Pabirong sabi ni Troy na humawak pa sa dibdib nya.
"Group hug! Group hug!" Pasimula nung isang natalo sa karare kaya naglapitan kay Juno ang mga ito.
"Ay, paksyet kayo! Teka muna!" umatras si Jun sa kotse tapos hinila si Paul paharang.
Pero wala itong nagawa dahil pinaikutan na sya ng mga racers doon.
"Tangna nyo! Yang mga hokage moves nyo ha! Wag kayo magtangkang manghipo!" Natatawang sigaw na lang ni Juno ang narinig ko dahil natabunan na sya ng mga nakalaban namin sa karera.
Nagtawanan ang mga naroroon.
Nanliit ang mga mata ko sa galit. Naghalu-halo na.
Una, pakiramdam ko, niloko ako ni Juno. Sinadya at pinaghandaan nya lahat. Dahil doon nawala ang pagkakataon na mapadali ang pakikipagbalikan ko kay Anne. Hindi ko alam kung bakit nya ito ginawa.
Pangalawa, dahil sa mga narinig ko. Mas tiningala ng community namin si Juno kaysa sa akin. That despite being a navigator, natabunan na pala nya ako...lalo pa sa pagkapanalo nya sa aming lahat ngayong gabi.
Pangatlo, ang pagtrato nya kina Paul, Troy at sa iba pang racers na naririto ngayon. Hindi sya ganyan sa amin nina Pat.
Yung paghila nya kay Paul bilang pangharang, ako dati ang nasa posisyong iyon. I felt I was being ditched like a dirt!
Kami ang original na tumatawag dito ng Dyosa!
"'Langya, Dyosa! Ginulat mo kami lahat," di pa rin makapaniwalang sabi nung head ng event organizer na syang mediator sa mga racers. "Lika na. Para sa prize pot."
"Caloy," gigil na tawag ni Danny.
"Tang ina ka! Bakit nandito navigator mo?! Akala ko ba hawak mo yan sa leeg?"
Hinila ako nito pero binawi ko ang braso ko bago pa kami makalayo.
"Hindi ko rin alam," maikli kong sagot na di tumingin dito. Nakatuon ang mata ko kay Juno.
Nakikipag-usap ito sa mediator, kasama si Onid.
"Putang-ina! Putang-ina!" Tungayaw ni Danny.
Dinukot ko ang phone ko and dialed the unknown number. Tapos tumingin uli ako kay Jun.
Tama ang kutob ko dahil,
"Excuse lang. May tawag ako," narinig kong sabi nya.
Lumayo sya ng ilang hakbang tapos dumukot sa bulsa nya. Pagkakita nya sa screen noon nag-angat sya ng tingin sa akin.
Alam nya kung nasaan ako! Pinakikita nya sa akin lahat ng ito. Na inagaw nya sa akin ang labang ito.
Naglapat sandali ang mata namin.
Napatiim ako ng bagang pero binundol ako ng kaba when she smiled all knowingly then shook her head. I know that behavior. She's hiding something else.
Then realization hit me! Sino ang ... so kilala nya ang sumabotahe sa kotse ko!
Kinansela nya ang tawag tapos tumalikod pabalik.
Humakbang ako pasunod sa kanya.
Huminto sya sa tapat ng mga kasaling racers na nag-uusap.
"Paul, Troy. Pwedeng humingi ng pabor?"
"Sure, anything," sabi Ni Paul. Tangnang ito. Nagpapa-cute ke Juno.
"Call. Ano yun?" Si Troy naman na dumiretso ng tayo. Isa pa itong papogi!
"Paano kami?" biro nung isa.
"Wag ka na!" sabi ni Troy.
"Mapagkakatiwalaan ko ba kayo?" Tanong ni Juno, tapos pasimpleng tumingin sa akin.
Ano'ng ibig nyang sabihin dun? Sa mga ito na sya magna-navigator?
"Oo naman!" sabay na sagot nang dalawa.
"Wag ka maniwala dyan. Babaero yan!" Sabi nung ibang karerista doon.
Huminto ako sa malapit dahil nagtinginan sa akin ang mga racers na kumampi kina Paul nung magkagirian kanina laban kina Danny.
"Jun," tawag ko sa kanya. Tiningnan lang ako tapos tuloy lang na kinausap si Paul.
"Paul, yung prize money, pwedeng ikaw muna humawak? Masyadong malaki eh. Ayokong magbyahe ng dala yun. Pa-deposit sana sa bank account ko sa Monday, kung ok lang sa iyo."
Kunsabay, singkwenta mil ang taya ng bawat kasali. Labinlima kaming nakalaban nya tapos triple pa ang hiningi namin taya ni 'Roman'.
"Sure. Ikaw pa! Susunod ako kahit ano'ng iutos mo!"
Tangnang mga banat ni Paul. Nakakasuka!
"Troy," baling nito. "Yung kotseng gamit ko, pwedeng sa shop mo i-display?"
May malaking garahe sina Troy dahil buy and sell ng used cars ang business ng pamilya nito.
"Bakit, ibebenta mo kotse mo?" Si Troy.
Tumango si Juno. "Una't huling karera ko ito. Para di kayo makabawi." Biro nito.
Hindi kami binibiro ni Jun ng ganun. Nanggigil na naman ako.
"Ang daya," sabi ni Paul.
"Sayang naman, Jun," sabi nung isang nakikinig. "Nag-aagawan na nga kami na i-invite ka sa grupo namin."
"Wag na. Wala na 'ko plano umulit," tanggi nya.
"Tara, Paul. Hinihintay na 'ko nung kasama ko dun," turo nito sa kumpulan ng mediators at facilitator.
"Sama ako," si Troy na sumabay ng lakad sa kanila. "Mataas ang value ng kotse mo, Dyosa. Lalo na sa nangyari ngayong gabi. Ano'ng plano mo?"
"Ipapa-auction ko. Ipo-post ko sa group wall natin for bidding."
Tumangu-tango ang dalawa.
"Sasali kami sa bidding," ang sabi pa.
"Juno!" Tawag ko.
Lumingon ang tatlo sa akin. Pati yung mga naroroon, nakatingin. Huminto pa nga yung iba sa pag-uusap.
Pakiramdam ko, kanina pa nila hinihintay ito. Ang magharap kami ni Jun.
Wala akong pakialam! Ang alam ko lang, galit na galit ako!
Inilang hakbang ko lang papalapit sa kanila pero humarang si Paul at si Troy. Tapos itinulak nila ako palayo kay Jun.
"Ano, Jun? Nakahanap ka nang bago mong tropa? Nang bago mong makukuhanan ng mas malaking pera, ha?!"
"Bastos ka ah!" sabi ni Troy na itinulak uli ako.
"Troy, hayaan mo sya magsalita," awat ni Jun.
Lumapit na rin yung mediator. Tumakbo na rin sa likod ko sina Pat.
"Sige, Caloy. Sabihin mo lahat ng gusto mo," sabi ni Jun. "Isama mo pa yang pito mong alipores!"
"Gumaganti ka sa 'kin, Jun? Porke ba ..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
"Ano, Caloy? Sige ituloy mo. Porke ano?" Hamon nya sa akin. Pero bakas ko ang sakit sa mga mata nya.
"Bakit, Jun. Gusto mo ba itinuloy ko yun?" Pang-iinsulto ko sa kanya. "Kasi may gusto ka sa akin?! Akala mo hindi ko alam?"
Napatiim ang bagang ni Jun. Tapos ngumiti ng mapait.
"Galit ka dahil hindi ko itinuloy kaya mo ito ginawa, hindi ba? Aminin mo, Jun, kasi bitter ka!" Akusa ko sa kanya.
"Talaga lang ha? Ikaw na nag-ungkat, Caloy. Sa harap ng mga tao dito. Oo, may gusto ako sa iyo, kasi sinadya mo. Ang tyaga mo rin eh, ano? Mahigit isang taon mong ginawa lahat ng plano mo para mahulog ako sa iyo dahil..." tiningnan nya sina Pat sa likod ko. "...sa pinagpustahan nyo akong walo."
Natigilan ako.
"Shit!" pabulong na mura nina Long at Kiko.
Some people gasped from behind.
"Fuckers!" si Paul.
"Akala nyo di ko malalaman, ano?" Gigil na sumbat ni Jun. "Pati ang panggagamit mo sa akin para maging navigator mo. Sinamantala mo na kailangan ko ng pera. Mga putang ina nyong walo, inuulam nyo ko sa mga tsismisan nyong mga hayup kayo kapag wala ako sa paligid! Yung sinasabi mong anak ko, Caloy, si Hope. Anak ng ate ko. Single parent sya kaya kami ang nagtataguyod sa kanya dahil may sakit sa puso ang pamangkin ko."
"At wag na wag mong ipamumukha sa akin na bitter ako! Alam nating pareho kung anong nangyari. Napahiya ka sa sarili mo kaya di mo itinuloy yun. Tang ina ka, Caloy, nakakahiya ka! Kulang pa sa iyo mga babae mo para pwersahin mo 'ko?"
"What?!" Reaksyon nina Paul.
"Pagkatapos, ano? Sasaluhin ako ni Vugz kasi kailangan ko ng pera? Pak yu kayong lahat!" Sigaw ni Jun. Namumula na ito sa galit.
"Oh my god!" may mga babaeng nagbubulungan sa paligid.
Shit! Wala akong masabi. Alam nya lahat!
"Lampas kalahating milyon ang napanalunan ko ngayon. Io-auction ko ang kotseng gamit ko ngayong gabi. Sa palagay nyo, kailangan ko pa ng pera nyo? Paksyet kayo! Ang perang kinita ko sa pagiging navigator mo, malinis na trabaho yun. Alam mo yan, Caloy. Kayo lang ang marumi mag-isip. Wag nyo ko itutulad sa inyo! Ginagawa nyong commodity ang mga babae sa mga pustahan nyo sa drag racing. Nakakahiya kayo!"
Pati mga naroroon natahimik. Marami sa kanila ang tinamaan sa sinabi ni Jun.
"I played fair, Caloy! Kayo ang hindi, lalo ka na. Kayo ng tropa mo! Ang ginawa ko lang ngayon, ang sagipin ang sarili mula sa kapahamakan na dinala nyo... lalo na ikaw, sa akin. Pak yu kayong lahat!"
Umiyak na si Juno.
Napahugot ako nang malalim na hininga. Gusto kong magwala pero pakiramdam ko, wala akong karapatan.
"Dyosa, tama na yan," hinawakan ito ni Paul sa balikat.
Hindi nya ito pinansin.
"Sinigurado ko na magiging angkla mo ako para ma-maintain mo ang zero loss mo, pero ano, ha? Hindi mo pinahalagahan ang isang bagay na iningatan ko para sa iyo mismo. Ikaw ang nagdikdik sa utak ko na gusto mo ng prestige. Ibinigay ko sa iyo. I worked hard. Naghahanda ako ng husto bago ang mga laban mo. Lahat ng pag-iisip sa bawat karera nating dalawa, ipinasa mo sa akin. Kaya wag kang magtataka na naungusan kita ngayong gabi. Malinis ang panalo ko."
She wiped her tears with the back of her hands.
"Nananahimik ako sa campus, ginulo nyo ang buhay kong magulo na. Walangya kayong walo!"
Inakbayan ito ni Troy at kinabig. Umiyak si Jun sa dibdib nya. Inabutan naman ito ni Paul ng panyo.
Tang ina! Ang sakit nila sa mata. Naasar ako na nakikita ko.
Masama na rin ang tingin sa akin ni Paul, umiiling-iling pa ito. "Di mo pwedeng sisihin si Jun, Caloy. Kayo rin ang nagtulak sa kanya para sumali ngayong gabi," ang sabi pa.
"Sinadya mong hindi gamitin ang totoo mong pangalan para makapandaya ka," singit ni Danny.
Marahas na nag-angat ng tingin dito si Jun at bumangis ang mukha nito, "Isa ka ring bobo eh, 'noh, Danny? Bakit, 'Danny' ba ang pangalan mo sa birth certificate mo? Hindi ba't Demetrio ang totoo mong pangalan?"
Halos umusok ang ilong ni Danny. Asar kasi ito sa pangalan na lolo nya ang nagbigay.
May mga natawa sa mga nakikinig.
"Mas marami dito ang gumagamit ng ibang pangalan dahil illegal ang drag racing, kaya wag kang tanga!" sundot pa ni Jun.
"At iyang kabobohan nyo, ilagay nyo sa lugar," nagpunas ito ng ilong tapos tinawag yung mediator.
May pinindot ito sa cp nya tapos inabot ito sa mediator.
Nagtaka ako sa ginawa nya.
"May gusto ka pang sabihin, Caloy," Balik nya sa akin.
Hindi ako nakakibo. Wala akong masabi.
She prepared for everything and attacked me in a position she knew I could no longer struggle.
Pahiyang-pahiya ako. Sa mga tao dito, kay Danny ...lalung -lalo na kay Anne!
Si Anne! Nagpalinga-linga ako.
Nakita ko sya sa gitna ng mga tropa ng kuya nya. Hindi ito pinalalapit sa akin.
Nagngitngit ang loob ko. Hindi ko alam kung sa sarili ko o kay Juno.
"Kung wala na, Caloy. Ako meron pa," dugtong nito. "Tutal alam mo nang ako ang nag-text sa iyo kanina. So dapat naisip mo na rin na kilala ko kung sino ang nag-planong sumabotahe sa iyo. Kaya nga nagdala ako ng dalawang spare tires. Para sa iyo talaga yun."
Nahigit ko ang hininga ko.
Tumingin si Jun sa likod ko kaya napalingon ako. Nagtabihan ang mga naroroon pati sina Pat, maliban kay Vugz.
Namutla ito lalo na nung bigyan ko sya nagtatanong na tingin, "Vugz, ikaw?"
Hindi ako makapaniwala.
"Wala kang katibayan, Jun!" Depensa nito.
"Meron," sabi nung mediator. "May video dito sa phone ni Jun. Pinasingaw mo yung gulong ni Caloy habang nagkakagulo kanina sa karera."
"Tangna ka, Vugz!" Sinuntok ko ito sa mukha.
Nasalo ito nina Kiko at Ben. Nakisuntok rin si Pat at Larry. Umawat naman si Charlie at iba pang malapit sa kanila.
Gumitna na ang mga marshals.
"Binigyan na kita ng hint sa canteen, Caloy. Palibhasa ang utak mo naka-focus kung paano ako lolokohin. Mali ka ng taong pinagkatiwalaan."
"Sino ang gusto mong pagkatiwalaan ko, ikaw? Ano ba'ng ginawa mo sa akin ngayon?" Singhal ko dito.
Hindi ako nakagalaw nung mabilis na humakbang sa papalapit sa akin si Jun tapos sinampal ako at hinila ang kuwelyo ko papantay sa mukha namin.
"Ouch!" narinig kong sabi ng iba sa mga naroroon.
Gigil syang bumulong, "Gusto mo bang ipagkasigawan ko dito na talaga namang magpapatalo ka at sinadya mong gitgitin si Troy kanina para manalo si Danny? Ano'ng dahilan, Caloy? Si Anne? Wala kang bayag, alam mo ba iyon? You can't even win her back the right way. Magpapakadumi ka pa katulad ng demonyo nyang kapatid. Sinayang mo ang pagod ko para ma-enjoy mo ang putangnang 'prestige' na pinagsasabi mo. She doesn't deserve someone like you. I don't even deserve you, you asshole. Pero minahal kita kahit ganyan ka. Sinayang mo! Binastos mo pa ako! Hindi ko hiniling na maging tayo pero sana pinahalagahan mo ako bilang tao, bilang babae o kahit yung pinagpaguran nating ma-achieve. Pero wala. Hindi nga ako nagkamali ng pagkakakilala sa inyong walo. Kayo ang nagkamali sa akala nyo tungkol sa akin. Pero wag kang mag-alala, hindi kita ilalaglag dito sa ginawa nyo ni Danny. Bayad ko na yun sa pagtuturo mo sa akin magmaneho."
Tsaka nya ako binitawan.
"Bakit di nyo tanungin si Vugz kung bakit nya ginawa yun, Caloy? O kung sino ang kasabwat nya," malakas na sabi nya uli.
"May ebidensya ka ba sa mga sinasabi mo, Jun?" Si Paul. Badtrip na rin ito.
"Oo naman, pero mas maganda kung manggagaling kay Vugz."
Galit na nilapitan ito ni Paul kasama sina Troy at mga ka-grupo nila.
"Teka...teka muna!" Sigaw ni Vugz na kalahad ang palad paawat kina Paul. "Si Danny. Si Danny ang may pakana nito. Sabi nya, ibabalato nya sa akin si Jun, pag-alis ni Caloy sa Palawan. Gusto nyang di umabot sa final match si Caloy para di na nya kailangang tumupad sa usapan nila."
"Wala akong alam dyan!" Tanggi ni Danny na humakbang pa papunta sa amin. Nahawi ang mga nagmimiron.
Nagsisikip ng dibdib ko. Sa galit. Sa sama ng loob. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila akong lahat.
Gusto ko lang naman mabawi si Anne.
"Ikaw, babae ka! Wag ka mag-iimbento!" hinablot nito sa braso si Juno.
Hahatakin ko sana si Danny palayo at si Paul kay Juno pero nagulat kami nung biglang mapaluhod si Danny at dumaing.
Basta ang alam ko, ipit ni Juno ang kamay ni Danny sa nakatupi nyang braso habang gamit ang isa pang kamay pang-lock doon.
Tapos tinuhod ito ni Jun sa mukha kaya napahiga na si Danny sapo ang ngusong dumugo.
Hindi kami agad nakahuma. Literal na napatanga kaming lahat.
May isang ka-grupo pa si Danny na balak tulungan si Danny pero bago sya makalapit, may hinugot mula sa back pocket nya si Jun at itinatak iyon. Yung expandable baton nya na minsan ko nang nakita sa bag nya.
Lalong nahawi ang mga naroroon.
Paghakbang nung lalaki, yumuko si Jun at pinalo ito sa hita kaya napaluhod ito sa isang tuhod. Nung magbalak pang tumayo, she gave the poor guy a punchkick on the chest sending him totally flat on the ground catching his breath.
Nagpilit naman bumangon si Danny. Hindi ito binigyan ng pagkakataon ni Juno na makatayo pa. Inangat nya ang braso ni Danny at ipinilipit patalikod.
"Fu-fuck you!" impit na mura dito si Danny na nakahalik na sa lupa.
"No, you fucked up your own ass," namumula si Juno sa galit.
Ginamit ni Jun ang baton nya to hold the arm lock tapos tinukuran pa ng tuhod nya sending Danny grunting in pain tapping sa ground.
"Oh my God! Someone stop her!" yung isang babae sa grupo nina Danny ang nagsalita. "She's gonna kill Danny!"
Doon kami nahimasmasan. Dahil ako ang pinakamalapit, ako ang unang nakahablot kay Juno palayo kay Danny.
Napaharap sya sa akin and almost landed a punch on my face but it stopped mid-air nung makilala nya ako.
Then I saw deep pain in her teary eyes, mixed with anger, "Huwag mo akong hahawakan!" Gigil nyang sabi sabay piglas.
"Amanos na tayo, Caloy! Ako na ang sumira ng ng stat mo. Itatak mo yan sa makitid mong utak!" tumalikod na sya sa akin.
Sinalubong ito nina Paul at Troy. Si Onid nakamasid lang mula sa kotse nila.
"Jun, ayos ka lang?" si Paul.
Si Troy naman inabutan ito ng bottled water.
May mga dumalo kay Danny at sa kasama nya. Pero nakatingin lang ang karamihan lalo na ang mga grupo nang mga racers na kasali sa event.
Marami ang mga nagtatawa sa inabot ng kapatid ni Anne.
"Mabuti nga! Kupal kasi ugali eh."
"Babae lang pala katapat! Tss."
"Nice, Jun!" May sumigaw pa.
Yung iba nagpapalakpakan at pumapaswit.
"Tangna, i-ban na si Danny dito! Panira lang sa reputasyon ng community yang gagong yan!" Sabi ni Troy
"Fuck you!" Sigaw ni Danny.
"May isang audio at isang video recording ako sa cp ko na magkausap kayo ni Vugz, Demetrio. Wag mo akong itulad sa 'yo na walang laman ang utak kundi puro hangin!" Sigaw ni Juno kay Danny na tinulungan ng mga kasama nito makatayo at pumunta sa mga sasakyan nila.
"Tangna ka! Ako ibabalato mo? Ano'ng akala mo sa sarili mo? Di mo 'ko pag-aari. Lampa ka ngang boyoyong ka! Nilampaso lang kita sa karera!"
Nagtawanan ang mga nakarinig.
Danny raised a dirty finger.
"Why don't you stick that dirty finger of yours into your ass then to your mouth, fucker!" Sigaw dito ni Troy.
Tumalikod na rin ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sinalubong ako nina Pat.
"Caloy, sa iyo na raw sasabay si Charlie. Ayaw na nya umangkas kay Vugz," sabi ni Larry.
"Sige, walang problema," walang gana kong sabi.
"Shit! Di ko akalain na ganito," si Pat.
Bago ako sumakay sa kotse, nakita ko pang sumama si Jun sa grupo nina Paul at Troy.
Napabuga na lang ako nang hangin sa bibig at napailing.
I feel drained. Totally drained sa lahat ng nangyari ngayong gabi.
That evening kalat na kalat sa drag racing community ang nangyari, kahit pag-uwi namin sa Palawan.
When Monday came, we received a treatment I never expected to get in my entire life. Pinag-uusapan kami sa campus ng pabulong at kapag dumadaan kaming magkakaibigan, iniiwasan kami na parang may nakakahawang sakit ng karamihan ng mga estudyante. Lahat ng kabaligtaran noon.
Though may iilan na nanatiling loyal sa amin, pero halos mga babae. May kakaunting wala lang pakialam.
Kabaligtaran ni Jun. Sikat na sikat sya ngayon sa community at sa campus. Pero tila wala itong pakialam.
"Tol," si Ben, hangos na dumating satambayan namin. "Check nyo sa community, dali!"
Wala akong ganang alamin pero si Pat ang naglabas ng laptop nya.
Ang unang tumambad sa amin ay video compilation na may title na 'Hell Hath No Fury Like a Goddess Scorned'. Mga kuha mula sa karera nung Sabado hanggang sa away ni Jun at Danny. Lahat naka-highlight kay Juno.
Ang daming comments doon.
Naroon na rin ang announcement na na-kick na sa community sina Vhugz, Danny at ang kagrupo nito na kasali sa bugbugan blues kay Juno. So far, since may access pa ako sa grupo, it means naroroon pa ako. Pero wala na akong lakas ng loob pang magkomento.
Naka-post na rin ang kotse ni Juno for bidding at marami ang interesado.
Bumigat na naman ang pakiramdam ko.
Nawala ang lahat sa akin. Lahat ng pinaghirapan ko.
Pagdating na hapon, inabangan ko si Jun sa may gate ng campus.
Lumihis sya ng daan pero hinabol ko sya.
"Jun!"
Huminto sya at parang walang-ganang sinabing, "Ano na naman, Caloy?"
Ilang segundo kong iginala ang mata ko sa mukha nya na tila kinakabisado iyon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro, dahil alam kong hindi ko na maibabalik sa dati ang samahan namin. Ngayon pa lang, nami-miss ko na si Juno.
Sobrang nanghihinayang ako pero iba ang lumabas sa bibig ko nung magsalita ako.
"Hindi ko makakalimutan ang nangyari, Jun! Nawala ang pagkakataon kong mabawi si Anne dahil sa iyo!"
============
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro