12 Roman
Napakunot ang noo ko sa nabasa.
Sino sa mga makakalaban namin ito? Ano ang alam nya? Bakit may gustong sumabotahe ng sasakyan ko at sa paanong paraan?
Bakit naka-direkta lang sa amin ni Danny ang kagustuhan nyang makalaban?
Tang ina! Baka ginagago lang ako nito. Para mawala ang focus ko sa laro.
"Maganda set up ni Newbie ah. Ginastusan talaga!" Narinig kong komento.
"Sana ginastusan rin ang driving skills nung magmamaneho," sabi nung isa sa kumpol nila.
Nagtawanan ang mga ito.
Pasado alas nueve nung humilera ang mga kasali sa unang batch ng elimination sa starting line which is the finish line, too. Paikot kasi ang ruta. May parte nga dito na rough road at may bahagyang talahiban.
Sa pagkakaalam ko, may blessing ito sa may-ari ng malaking lupang gamit namin. Pero syempre, patago lang iyon sa mga pulis.
Nagkaingay na ang mga spectators nung lumapit ang mga drivers at representatives ng apat na sasakyan para sa huling instructions at bigayan ng pera.
Nawala na ang isip ko sa text message. Nawala na rin sa paningin ko sina Kiko, Charlie, Larry at Vugz. Makikiusyoso ang mga ito at makikipaghuntahan sa mga naroroon.
Events like this is a good opportunity to hook up with some girls and expand your network of friends.
Napailing ako na natatawa. Ang mga ito talaga. Kaya sirang-sira ang papel namin kay Jun eh.
Si Jun.
Napahinga ako ng malalim. Tsk! Sayang. Oo, nanghihinayang din ako. At least sana, nagtagal man lang ang pagiging navigator nya sa akin kahit hanggang makabalik lang ako sa Maynila end of sem.
Itinuon ko na lang ang isip ko sa karera at sa gagawin ko sa final para matulungan si Danny na hindi kami halata. Sa pangatlong batch ako ng elimination, at sa pangalawa ito.
Kami na lang nina Pat, Long at Ben ang naiwan malapit sa puwesto namin. Paminsan-minsan kong nililingon ang kotse ko.
Natapos ang unang batch. Nagkaingay ang mga naroroon. Si Troy ang nanalo, yung taga-QC. Mabait ito. Paglabas nga ng kotse, simpleng ngiti lang ang ginawa tapos, "Teka, kalma lang. Di pa tapos ang laban. May final pa." ang sabi.
May lumapit ditong babae para humalik, pero pasimple nitong iniwas ang mukha.
Natawa kami nina Pat.
Nagsimula na rin ang pangalawang batch. Nung papunta doon si Danny, umiral na naman ang kayabangan nito.
"Sure win na 'to!" ang sabi bago isara ang bintana ng kotse nya.
Tangnang ito! Kundi lang ito kapatid ni Anne, noon ko pa sinapak mukha nito eh.
My phone vibrated again.
Tsk! I sd wtch ovr ur car, ASSHOLE! Check ur damn tires! Their deal was 2 hv u out just on d eliminatn rnd! Puro ka papogi! Bobo!
Kinabahan ako.
"Pat, Long! Check nyo nga gulong ko sa likod," tawag ko sa mga ito.
"Ha?!"
"Dali!"
Sumunod naman ang mga ito while I check the front wheels.
Lumapit na rin sina Ben at Larry.
"Caloy!" si Long.
Nag-angat ako ng tingin. I saw worry on his face.
"Malambot yung sa kaliwa."
Shit!
"Ito ring sa kanang harap eh," sabi ni Larry.
Tang ina! Isa lang ang spare tire ko! Hindi ako pwede manghiram ksa tropa. Magkakaiba ang sasakyan naming at size ng gulong.
"Saan tayo magpapahangin nito? Kasali ka na sa susunod na batch," si Pat.
Medyo nakaagaw na kami ng atensyon sa iba doong malapit sa amin. Nag-usyoso ang mga ito.
"May sumabotahe ng dalawang gulong ni Caloy. Maayos ito kanina bago yung unang elimination eh," si Larry.
"Ay, puta!" sabi nung isang drag racer doon pero spectator lang ngayon. "Takot sa 'yo, 'tol!"
"Grabe naman! Ang dumi naman maglaro nun," sabi nung isang babae dun.
Nagkaroon ng ugong sa mga naroroon.
Maya-maya, lumapit yung isang staff ng event organizer.
"Pare, ano na? Nakarating sa 'min nangyari. Gago yun ah!"
"Putang ina! Isa lang spare tire ko," sabi ko.
Mabilis naming ikinabit ang gulong mula sa trunk ko.
Natapos ang second round. Tulad ng inaasahan ko, si Danny ang nanalo.
His win's cheering was lessened dahil sa komosyon sa puwesto ko. Pero di iyon nakabawas sa aliwalas ng mukha ni Danny nung lumapit sa lugar namin.
"Oh, anong nangyari?" untag nitong nakangisi.
Sinabi ni Vugz ang nangyari.
"O paano yan, Caloy? Defaulted ka na." Danny said with a smirk. Alam ko ang ibig nyang sabihin. Yung usapan namin sa final race.
Fuck! Made-default rin ang usapan namin kay Anne, automatic loss pa ito sa record ko.
Napatiim ang bagang ko. Walang matinong mag-isip na racer ang magpapahiram sa akin ng extra tire nila. Pabor sa kanila na ma-default ako, lalo na sa mga gusting magasgasan ang stat ko.
"Ano'ng problema?"
Napalingon kami sa nagsalita. Si Onid, yung financer nung newbie.
"May nagsabotahe ng dalawang gulong nya eh. Isa lang spare tire namin," sabi ni Long. "Made-default loss si Caloy."
"Baka may extra ka?" Hirit ko. Nagbabakasakali akong tanga ito para magpahiram sa isang kakumpetensya.
"Uhm, sige. Check mo kung kasya yung spare ko. Dalawa naman dala namin. Teka, kunin ko," simpleng sabi.
Nagkatinginan kami. Nakahinga ako ng maluwag. "Salamat, P're."
"Pat, sama ka na. Tulungan mo," sabi ko.
Paglayo nila, "Baguhan nga lang. Bobo eh," sabi ni Vugz.
Napakunot noo ako sa reaksyon nito. Bakit parang naasar pa sya?
Binigyan kami ng extra ten minutes para ayusin ang gulong bago sinumulan ang third batch.
"Salamat ng marami," sabi ko kay Onid.
"Mamaya ka na magpasalamat kapag tapos na kayo sa final. Dun sa driver ko," ang sagot.
Nagkatinginan uli kami nina Pat.
Sigawan ang mga naroroon nung humilera na ako at lumabas para sa final instructions at pag-abot ng bayad.
Nag-vibrate uli ang phone ko.
Text uli galing sa kanya!
Break a leg! See you sa final!
May kabang bumundol sa akin. Una, si Jun ang madalas magsabi sa akin ng 'Break a leg' pero imposibleng sya. Nasa Palawan sya nung umalis kami. Nakita ko pa sya sa campus. Dumaan ako doon bago kami sumakay sa RoRo. Gusto ko sanang magpaalam sa dito and at least hear her encouraging words for me. Pero nakahiyaan ko nang lumapit.
Well, common naman na linya ang 'break a leg' to cheer someone up. Pero pinaka-common ang 'goodluck', di ba?
Tiningnan ko si Troy. Hawak nito ang CP nya. Kausap nito yung chick na lumapit sa kanya kanina. Parang nagtatalo sila ng pasimple. Baka sya nga. 'See you sa final' daw eh. Sya pa lang ang nanalo sa elimination maliban kay Danny.
Mamaya, kakausapin ko ito. Para magpasalamat.
May bahagya pa ring kaba sa dibdib ko nung magsimula ang karera.
Shit! Pumapangatlo lang ako!
Hindi pupuwede ito.
Nag-concentrate ako. Inisip ko, nasa tabi ko lang si Jun. Nagco-coach. Inisip ko ang madalas nitong sinasabi kapag nasa karera kami. Yung mga pagchi-cheer nya sa akin.
Napangiti ako nung malampasan ko yung isa at maging second place. Nai-imagine ko si Jun na tumatawa sa shotgun seat. Lalo na nung malampasan ko ang huling kalaban ko which put me on the winning position. Sa ganitong pagkakataon, napapahampas pa si Jun sa dashboard ko tapos mapapataas pa ang mga kamay habang sumisigaw.
Isang metro lang yata ang gap namin, but I won the third batch sa elimination. Yun ang importante.
Nagtalunan pa ang mga kulugo paglabas ko sa kotse. Kasabay ng sigawan at palakpakan ng iba pang naroroon.
"Tangna, Caloy! Pasok ka sa final!" Tuwang-tuwa si Kiko na sumalubong sa akin paglabas ko nang kotse.
Tinalon pa ako ni Charlie tapos kinuskos ang ulo ko.
"Gago, yung buhok ko. Ang sakit sa anit!" Natatawa kong piglas.
Ipinatabi na ang mga kotse namin dahil susunod na ang fourth batch.
Nagtama ang mata namin ni Danny. Simple kaming tumango sa isa't-isa.
Nagkaroon ng ugong ng bulungan nung humilera na yung kotse ni Roman sa starting line. Inaasahan ko na lalabas ito sa kotse para sa final insrtuctions at pagbigay ng pera.
Pero si Onid ang lumapit. Nadismaya ako at lalong na-curious kay Roman. Gaano ba ito kakumpiyansa sa sarili? Ang mga ganyang gawain, mga datihan ng nangangarera.
Naisip ko, baka katulad ko at ibang nariritong kasali, nanggaling na rin dito nang nakaraang araw para ipamilyar ang sarili sa lugar. In-allow kasi ng mediator at event facilitator iyon since ito ang unang beses na gagamitin ang lugar na ito. At pormal na event ito sa diksunaryo naming mga drag racers. Di katulad nung pustahang kanto lang sa kalye na sinasalihan namin na posible ang sabotahe sa daan ng mga kagrupo ng mga kasali. Yung staff ng coordinators had the area secured and checked sa mga may planong manggagago, kung meron mang walang code of ethics dito.
Pero, putang-ina lang! May gagong nakalusot at partikular na target ako. Walang bayag ang gago!
Nabalik ang atensyon ko sa karera dahil may nagtawanan.
"Sabi sa iyo, patawa lang yung newbie eh," may nagsalita. "Nahuli ng ilang segundo pagputok nung signal."
Tumingkayad ako mula sa tabi ng kotse ko. Nakita ko pa ang tail lights nung Roman. Sa kanya na lang ang tanaw.
Di na muna ako nakiumpok sa harap. Ayoko nang iwan ang kotse ko.
Tumunog yung radio sa kotse ko... "...Tangna! Yung newbie!"
Na-curious ako. Nabangga ba o sumadsad?
Napansin ko na yung ibang naghihintay sa finish line nagkumpulan sa ilang sasakyan. Nakikinig sa radio. Nag-a-update kasi ang mga events marshals na nakakalat sa race route.
Yung iba nagbubulungan. Naririnig ko ang pangalan nung Roman.
Pumasok ako sa kotse ko para makinig.
"...Newbie now on second place. Kaka-overtake nya lang kay Yam... Tang-ina! Halimaw! Hinahabol nya ngayon si Paul!"
"Malapit na sila!" May sumigaw mula sa labas. Nagtakbuhan lahat sa finishline.
Lumabas ako ng kotse ko pero di ako lumayo. Malapit lang rin naman ako naka-park sa finish line.
From a distance, dalawang pares ng headlights ang nakita ko. Nagsimula nang magsigawan ang mga naroroon.
Nagkaroon nang magkahiwalay na chant para kay Paul. At iilan para kay Roman na sinasabing 'Newbie! Newbie!"
Natuwa ako para rito. Wala kasi itong kasama. Pero at least nakabawi sa panglalait ng mga naririto.
Napahiya ako sa naisip. Kasama pala ako sa nagtatawa dito.
Tinitigan ko nang husto ang dalawang sasakyan. Head to head ang laban.
Shit! Pati ako nae-excite! Magaling si Paul. Sa totoo lang, palagay ko mas magaling pa ito kay Danny at Troy, pero syempre, ako ang pinakamagaling!
Natawa ako sa sarili kong pagbubuhat ng bangko.
Kidding aside, si Paul talaga ang target kong matalo noon. Noong wala pa si Anne sa buhay ko. Alam ko na lihim din itong iniiwasang makalaban ni Danny. Ramdam ko na ginawan nito nang paraan na hiwa-hiwalay kaming tatlo ng batch sa elimination. Para sa final round, ako ang magiging pain para di manalo si Paul. Gaya ng usapan namin ni Danny.
Nagtilian at nagsigawan ang mga naroroon.
"Putang-ina! Natalo si Paul nung newbie!" Sigaw nung isa kagrupo ni Paul. Naibalibag pa nga nito yung jacket sa lupa.
"Whooo! Gabulbol lang ang agwat!" Sabi ni Vugz.
Naroon na ang lahat ng kasali sa fourth batch at nagbabaan ang mga drivers. Nagtapikan ang mga talunan.
Pero, hindi lumabas ng kotse yung Roman sa kabila ng pagchi-cheer ng mga roon ng 'Newbie! Newbie!'.
Bumusina lang ito ng isang beses at pinagalaw ang wiper ng dalawang beses.
May ilang nag-'boo' dahil kahit nilapitan ito ni Paul, ni hindi ito nagbukas ng bintana.
Pumasok si Onid sa shotgun.
"Pa-importante, amputah. Porke, nanalo lang!" May isang nagsalita.
Lumabas yung Onid at lumapit kay Paul tapos may sinabi.
Natawa si Paul. Kinatok nito yung hood ng kotse ni Roman at pabirong sumaludo doon. Gumalaw uli ng dalawang beses ang wiper. Tumalikod na si Paul at nakipag-high five sa mga kasama. Tapos napapailing na natatawa.
Sigawan uli mga andun. May sumigaw pa, "Pakita ka na!"
Ano yun? Nagpapa-cute? Babae ba ang driver ni Onid? Napailing ako. Wala akong kilalang babaeng driver dito na maglalakas ng loob kalabanin kami. Kadalasan, kapwa babae rin ang naglalabanan. At bilang lang sila sa daliri. Isa pa, wala nga itong racing experience. Kaya imposible.
Pero, magaling! I'll give him that!
Sayang, siya ang unang nakagasgas sa stat ni Paul. It would be a badge for this newbie. Sisikat ito. Sigurado ako. Malamang pag-iinitan ito ngayon si Danny.
Lumapit si Pat, "Sabi ni Paul, natatakot daw bumaba. Baka kuyugin eh sila lang nung Onid magkasama. Tsaka nahihiya raw. Mamaya na lang daw pagkatapos ng final lalabas."
"Baka panget," sabi ni Vugz. Nagtawanan kami.
"Pwede," sabi ko. Nag-high-five pa kami ng mga kulugo.
Nagkaroon uli ng ten minutes break para ipahinga ang huling naglaban. Tapos tinawag na kami sa final match.
Sa gitna kami ni Danny at sa dalawang gilid sina Roman at Troy.
Hindi ko malaman pero I felt like someone was staring at me. Napalingon ako sa kaliwa ko. Wala akong maaninag sa kotse ni Roman. Heavily tinted iyon.
Siguro, dito sila gumagawa ng himala ni Onid kaya ganun ka-tinted ang kotse nito. Natawa ako sa isip.
Putsa, di ko pala dapat,minamani ang isang ito. Silent killer ang puta! Saan kaya ito nagmamaneho dati?
Baka dating racer pero yung mga tipong race track ang labanan. Kaya siguro ayaw magpakita.
Tumunog na ang signal. I floored my gas pedal. Umingay ang paligid sa hiyawan ng mga naroroon kasabay ng pag-iingay ng mga makina at gulong naming tatlo...tatlo?
Nahuli si Roman sa pag-andar. Nasa unahan ko si Danny at si Troy. Halos magkapantay lang sila.
Kumabig ako sa kanan at tumapat sa gitna nila. Iyon ang hudyat ko kay Danny. Binigyan nya ako ng espasyo para makasingit ako sa gitna nila.
Medyo kinakabahan ako. Nasa kanan ko si Troy. Sabi nga ni Jun, mas malakas ang control ko sa kanan. Pero ngayon lang ako lalaro ng marumi. Ganito pala ang pakiramdam nang mandadaya sa laro.
Pasimple kong ginitgit si Troy. Bahagya itong umilag.
"Shit!" Narinig ko ang pagmura ito sa radyo. Tapos ang mahinang pagtawa ni Danny na nakaabante na nang ilang metro.
Tsaka ako kumabig para habulin si Danny. Pero nagulat ako nung biglang may mabilis na ilaw ang dumaan sa tabi ko at lampasan ako. Ginitgit nito si Danny sa left side.
Si Roman!
"Eto na yung halimaw!" sigaw nung isang marshal sa radyo.
Kinabahan ako nung makita kong halos gabuhok na lang at magkakasanggian na ang dalawa. Aksidente ito kapag nagkataon.
Hindi tuminag si Roman, ganun din si Danny.
Tapos biglang nag-menor si Roman. Nawala sa control si Danny at sumadsad sa roadside na may talahiban.
Napaiwas kami ni Troy kay Roman dahil nakabuntot lang kami dito. Nawala kami ni Troy ng bahagya sa kontrol tapos naalog ako.
Tang-ina! Ang rough road! Nawala sa isip ko.
Kabisado ni Roman ang daan!
Tumingin ako sa rearview. Danny's car is having difficulties getting out of the roadside.
"...nauuna na si Roman!" sabi sa radyo. "..Sadsad sa roadside si Danny. Muntik mawalan ng control si Troy at Caloy sa roughroad!"
May sigawang nangyayari.
"Putang ina! Hindi pwede 'to!" Sigaw ko.
Wala nang panahon para bumaba ako at tulungan si Danny. Nakabawi na kami ni Troy at hinabol ang gap sa distansya kay Roman.
Nakita ko na rin ang headlight ni Danny na humahabol.
Shit! Paano ba ito? Sino ang uunahin kong alisin sa daan ni Danny? Shit!
Nakita ko ang parte na paliko. Tama, dito gigitgitin si Roman. Medyo sharp bend ito kaya magme-menor ito.
And I was wrong. Roman made a sharp and dangerous drift at the bend, gumamit ito ng handbreak base sa angil ng mga gulong nya.
"Hayup na drift yan!" Sigaw in Troy sa radyo.
"Roman, idol na kita!" sigaw ng isa pang marshal.
Biglang kumabog ang dibdib ko. Kilala ko ang style na drift na iyon. Kilalang-kilala ko.
Pero imposible!
O imposible nga ba?
Yung malakas na loob manggitgit kay Danny. Walang pag-aalinlangan. Nagpahuli para obserbahan muna kami sa mula sa likod tsaka aatake. Kabisado ang trail...at ayaw magpakita hanggang matapos ang final race.
"You can drive fast, alright! Actually, you learn fast. That's good. Pero sa karera, Jun, risky ang tipo ng pagmamaneho mo. Mas agresibo ka pa sa akin magmaneho."
"Engaging yourself in drag racing is already a great risk, Caloy,"
"Promise, pagkatapos ng laban mo sa Olongapo. Mag-uusap tayo.Mag-practice ka. Kakailanganin mo yun."
"Last day nya nung December 30. "Ang sabi, may importante raw syang inaasikaso."
"I do not want to work with an asshole, Vugz. That's why I'm done with Caloy."
Tsk! I sd wtch ovr ur car, ASSHOLE!
Kung si Juno nga ito... bakit? Sya rin ba ang nag-text sa akin kanina?
Bakit? Ganti nya ba ito?
Pero, saan kukuha ng sasakyan si Jun? Tsaka, nasa Palawan sya bago kami umalis. Last trip ng RoRo ang sinakyan namin para makarating dito on time para sa event.
Imposible talaga!
Napahampas ako sa manibela. Di ko na inisip si Danny, hindi na ito makakahabol. Malayo pa sya.
I floored my gas. Ganun din si Troy. We were both gaining on Roman. Then there's the last bend at kaunti na lang, then finish line.
Napangiti ako. Alam ko ang kahinaan ng drift na iyun ni Roman. Mauunahan ko sya.
Naunahan ko na si Troy. It's just me and Roman. Hindi makakasingit si Troy sa last bend.
Pagkabig ko pakanan sa bend, my expectation failed me. Hindi masyadong gumilid si Roman katulad kanina. He did a smooth perfectly executed drift this time. Ako ang muntik sumadsad sa gilid dahil sa plano ko syang gitgitin para kumabig sya pakaliwa.
"Damn it!" Sigaw ko.
I tried to chase after him but it was a failed attempt. Roman's car made a loud noise nung mag-drift uli ito paglampas sa finish line at huminto patagilid sa aming paparating pa lang.
What a fucking show off!
I finished second then Troy at third.
Nagtakbuhan ang mga nanonood sa kotse ni Roman, karamihan mga babae.
"Newbie! Newbie!" chant ng mga ito pati nung iba pa.
"Wooooh! Idol na kita Roman," may mga sumigigaw pa.
Nagpuntahan sa akin sina Pat at Vugz, "Pare, ano'ng nangyari?"
Galit na galit ako. Ilan beses kong nahampas ang manibela ko. Putang ina!
Paano na si Anne? Paano na kami?
Nagbabaan na kami sa kotse. Kuyom ang palad ko at tiim-bagang.
Nagkaroon ng bulungan dahil dumating ang sasakyan ni Danny.
Galit na galit itong bumaba ng kotse nya at kinalampag ang hood ng sasakyan ni Roman.
"Putang-ina ka! Bumaba ka dyang kupal ka!" Duro nito.
Humarang sina Troy, Paul at iba pang kasali kanina sa race.
"Ano'ng problema mo, Danny?"
"That fucking newbie is a dirty player!"
"Natalo ka lang, dinaya ka kaagad?" Sabi ni Troy. "I was there. I saw everything from the back. It was a clean win."
Hindi ako kumibo. Totoo ang sinabi ni Troy. Roman won the game clean but his style is a combination of risky and smooth. Well planned.
"Ginitgit nya ako!" Pilit ni Danny.
"Talaga lang ha?" Sabi ni Troy. "E ang alam kong nanggitgit si Caloy. Parang may usapan kayo eh. Binigyan mo ng espasyo sa gitna natin."
Saglit akong natigilan.
"Ano'ng pinagsasabi mo?" salag ni Danny. "Pakelam ko ke Caloy."
Sumingit si Paul at iba pang racer doon, "Danny Boy, marami na kaming naririnig tungkol sa laro mong ganyan. Di ba ex ng kapatid mo itong si Caloy? So, anong meron? Bakit may ganung obserbasyon si Troy?"
Nagdilim ang paningin ko. Tang-ina!
Nag-umpisang maggirian ang grupo nina Danny at nung ibang racers doon. Doon ko nalaman, maraming asar talaga kay Danny.
"Wag kayo makigulo," sabi ko kina Pat. "Di kayo dapat madamay. Dyan lang kayo."
Humakbang ako sa side nina Danny. Napangisi ito.
Napailing sina Paul at iba pa.
"Di ko akalain, Caloy," Paul said with disgust. "Wala sa reputasyon mo."
May hatid na sugat sa ego ko ang sinabi ni Paul. Isa ito sa tinitingala sa drag racing community.
"Awat na yan!" sigaw ng ilang marshals at mga event staff. "Sabi ng mga marshals, walang violation o pandadaya. May mga mata tayo sa mga roadside."
Galit na umatras ang bawat grupo pero nahinto sila sa paghakbang dahil nag-click ang lock ng driver's side ni Roman.
"Ayan na si Roman!" May ilang nagsigawan.
Napabuga ako ng hangin.
Hindi ko na-kontrol ang biglang kaba sa dibdib ko.
Ito na ang newbie na gumasgas sa zero loss naming labinlimang naglaro ngayon. Ang katumbas ng laro ngayon ay 1-0 pero tatatak itong 15-0 kay Roman kung prestige ang pagbabasehan. Dahil labinlima kaming kalaban nya at lahat ay kilalang zero loss.
Bumukas ang pinto ng kotse. Natahimik ang mga naroroon.
Sneakers na pula ang una kong nakitang lumapag sa lupa.
Nahigit ko ang hininga ko. That pair of red sneakers!
Fuck!
May ilang pumito dahil makinis at maputing legs ang nakasuot noon. Nakamaikling maong shorts ito.
Nagdilim ang mukha ko. Sabay kuyom ng mga palad.
Tang-ina! Sinasabi ko na!
Dumiretso ng tayo ang driver noon na bahagya lang lumampas ang taas sa bubong ng kotse.
Nakasuot ito ng hooded jacket na pula. Inaasahan ko na yun. Paborito nya ang hoodie na iyon.
Tapos inalis nya ang pagkakasaklob niyon sa ulo nya.
May mga napasinghap. May mga sumipol at nagpalakpakan.
"D-dyosa..." sabay na sabi nina Pat, Larry at Ben.
I get it now. She chose the name Roman not only to sound like a man's name but also because her name was a goddess from the Roman mythology.
"Juno." Madiin kong sabi as our gaze met.
"Caloy." She said with a poker face. Tumango lang ito ng bahagya sa akin.
===========
Don't forget to comment and vote!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro