Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 (LHWW)

Ninth chapter:

Naramdaman ko ang isang halik sa aking noo at isang tubig na tumulo sa aking pisngi.

“I am really sorry and I love you so much, Merichelle Tang.” Narinig kong sabi ni Princeton. Narinig kong suminghot pa siya. He is crying, Merichelle. My god, How could I hate this guy? I was about to open my eyes when suddenly naramdaman kong dumapo ang labi niya sa labi ko. It lasted for 5 seconds tapos naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at may nilagay na kung anong bagay at sinara ito.

Binuksan ko ang mga mata ko ng dahan-dahan pero palabas na siya ng pinto. Nanghihina pa ako kaya hindi ako makapagsalita. Nang tuluyan na siyang makalabas ay tinignan ko ang bagay na inilagay niya sa kamay ko. Isang mini mp3 player pala yun. Sinuot ko ang earphones nito at inopen ang mp3 player. Ito ang mga bumungad sa akin na laman.

Introduction (Princeton’s covers) . Here In My Heart. Di ko Inakala. Let me get over you getting over me.

Napangiti ako sa nakita ko. Naalala ko tuloy ung sinabi ko sa kanya dati.

-FLASHBACK-

“Sweetlove. Ano pala favorite song mo?” tanong ni Princeton noon sa akin.

“Nako sweetlove, Sobrang dami eh. Bakit?” tanong ko naman sa kanya.

“Yung pinaka-paka-paka favorite mo, Sweetlove.” Makulit na sabi niya.

“Hmmm. 3 songs to be exact. First is Here In My Heart by Plus One. Second is Di Ko Inakala by Juris. Third is Let me get over you getting over me by AJ Rafael and Yeng Constantino. That’s it, Sweetlove.” Nakangiti kong sabi kay Princeton.

-BACK TO REALITY-

Kaya pala niya tinanong dati kasi ginawan niya ng cover ang mga favorite songs ko. Plinay ko muna ung Introduction (Princeton’s covers).

“/Ehem/ Uhm, Hello. Mic test. Yan, Okay na. Haha. First things first, I made these covers for my one and only Sweetlove, Merichelle Tang. I asked you what’s your favorite song and it turned out na tatlo pala yun. Oha! Pinagsikapan ko to, Sweetlove. Pinagpuyatan at pinag-aralan ko lahat ng ito para maging isang magandang cover. Secondly, Hindi ko pa nasasabi sa’yo to, wait, Baka sabihin mo mayabang ako ah, Pero honest to, Magaling akong sumayaw at kumanta, Hindi lang halata. Haha. Thirdly, I hope you’ll love the covers I especially made these for you, Sweetlove. And Happy Happy 3rd weeksary sa atin, Baby. I love you! PS. After you listened to these songs, Gusto ko puntahan mo ako at bigyan ako ng kiss ah. One kiss—NO. Three kisses kasi three songs. Haha. PS ulit. Baka mas lalong mainlove ka sa akin kapag narinig mo na to.”

“Hahaha.” Tawa ko mag-isa kahit mag-isa lang ako dito sa kwarto. Nung 3rd weeksary pa pala namin itong gift niya sa akin. Teka nga, Nasaan kaya sina Legend? Hmmm. Papakinggan ko muna nga itong mga covers. Una kong plinay ung Here In My Heart.

♫ Wherever you are tonight girl, I’ll see you in my dreams. Wherever I go tomorrow, You’ll be here next to me…♫

Hindi ko alam pero kinilig ako. Ang ganda ganda ng boses ni Princeton. Hindi ko akalain na ganito pala kagaling si Princeton. Naalala ko tuloy ung sinabi sa akin ni Yellow na magaling ngang kumanta at sumayaw si Princeton. Totoo nga. Natapos ang kanta habang sinasabayan ko siya pero mahina lang. Ang galing galing mo, Princeton. Sinunod ko naman ang Di Ko Inakala.

Parang ilog..Ng tadhana. Na nandito ka’t minamasdan.. Aking buhay..Nagkakulay. At ngayo’y hawak na kita…♫

Pinikit ko ang mga mata ko habang pinapakinggan ang kantang ito. Gustong gusto ko ang kanta na ito ni Juris dahil ito ang nararamdaman ko para kay Princeton. Tugmang tugma ang mga lyrics sa nararamdaman ko para sa kanya. Talagang nagniningning ang buhay ko buhat ng nandito ka, Princeton. Matapos ang kanta na ito ay sinunod ko ang Let me get over you getting over me.

Somebody told me you were leavin’, I didn’t know. Somebody told me you’re unhappy, But it doesn’t show…♫

Ang kanta na ito ay ang pinagsamang Let me be the one at I’ll never get over you getting over me. Two of my fave songs but I love the combination more. Maganda kasi ang blending nito. Hindi ako binigo ni Princeton sa mga covers niya. Sobrang galing niya at ang totoo niyan, Mas okay ang mga covers ni Princeton kaysa sa mga orihinal na kumanta. Haha. Totoo ang sinabi mo, Princeton, Mas nainlove pa ako sa’yo matapos kong pakinggan ang lahat ng to. The song ended when Legend came in and stares at me while his eyes were wide as an owl. Wow. Cute brother!

“Legend.” Tawag ko sa pangalan niya. Medyo bumalik na din ang lakas ko, Nakakanta nga ako kanina eh. Haha. Hindi ko alam pero dapat malungkot ako ngayon dahil sa nangyari sa amin ni Princeton eh, Pero bakit ganun? Parang ang saya saya ko pa.

“ATE!” sigaw agad ni Legend at tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

“Napapansin ko lang, Everytime na magigising ako sa ospital, tatakbo ka sa akin at yayakapin ako. Aminin mo nga, Namiss mo ako noh?” pabiro kong tanong kay Legend. Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti sa akin.

“Oo naman, Ate. Tsk tsk. Wala na dapat next time ah. Akala namin aabutin ka ng ilang linggo o buwan bago ka magising, Thank god and one week lang.” nakangiting sabi ni Legend sa akin. Narealize ko lang na nakasuot pa pala ang earphones sa akin kaya tinanggal ko ito at inayos.

“Where did you get that, Ate?” tanong ni Legend.

“From someone special.” Sagot ko.

“Teka, Huwag mong sabihin na galing dito ang g@gong yun?!” sigaw ni Legend. Galit nga pala to kay Princeton dahil sa ginawa niya sa akin.

“Easy, Bro.” pilit kong pagpapakalma sa kanya.

“Nako Ate! Huwag mo ng babalikan ang walang hiyang yun! Hmp! Napaghiganti na kita dun, Ate!” proud na sabi niya pero ano?

“Ha? Anong ginawa mo, Legend?” seryosong tanong ko sa kanya.

“Binugbog ko ang mukha niya.” Simple niyang sagot. Kung ganun, Bakit walang sugat to? Mas malaking tao si Princeton kaysa sa kapatid ko ah.

“Hindi siya lumaban, Ate. Hinayaan niya lang ako na bugbugin ang mukha niyang panget!” napabuntong-hininga ako sa sinabi ng kapatid ko. I found it sweet pero hindi na dapat ginawa ni Legend yun.

“Legend.” Tawag ko sa pangalan niya. Tumingin siya sa akin at naghihintay ng sagot.

“Ayokong nananakit ka ng ibang tao dahil sa akin. Ayokong masaktan ka dahil sa akin. Legend Graysen Tang, Makinig ka sa akin. Napaginipan ko si Mama at Papa—“ pinutol niya ang sasabihin ko dahil nagreact agad siya pero pinigil ko siya.

“Listen first. They told me na maging good boy ka, Legend. Huwag mong hayaang madisappoint sila sa’yo. Okay? Pati, Naiintindihan ko na galit ka kay Princeton pero sana mapatawad mo siya. Galit siya—“ he cut me off again.

“Fine, Ate. Dun din hahantung yun eh. Magagalit ako, Mapapatawad ko siya. Basta ba huwag niya lang ulit hayaang saktan ka kasi kung nangyari yun, Ipapatapon ko na siya sa dead sea! Once is enough, Twice is too much. Thrice is suicide, Ate. Second chance niya na to, Siguraduhin lang niyang makakabawi siya sa’yo.”

Ngumiti ako sa kapatid ko. “Ang sweet sweet naman ng brother ko oh. Haha. Yes, Sir!” Natawa na lang kami sa sinabi ko.

►►►

Almost 2 months na ang nakakalipas simula ng magising ako sa ospital. Nalulungkot ako sa mga nalaman ko dati ng magising ako. Umalis ang pamilya ni Princeton at pumunta sa Greece daw. Iyak ako ng iyak noon kasi namimiss ko na siya. Paano kung makahanap siya ng bagong babae dun? Hindi ko ata kaya. Sunod naman ay ang malaman ko na si Neowyna pala ang sumagasa sa akin at sinadya niya pala yun. Pero naaawa ako sa kanya kasi may sakit pala siya sa utak.

Pero masaya din ako sa ibang bagay. Unang una syempre, Sa wakas! Graduate na din ako. Masaya ako kasi nakatapos na din ako. Pero malungkot din kasi hindi kumpleto ung mga mahahalagang tao sa buhay ko tulad ni Princeton. So ngayon, Sa Dream Team Entertainment ako nag-o-on the job training ULIT.

Binigyan ako ni Lolo ng 1 month para patunayan ko sa kanya na kaya ko ng pamahalaan ang DTE. Oha! Kaya super busy ako ngayon lalo na at super duper malapit na ulit ang ‘Concert for a cause: Mason Foundation’ na nireschedule.  Gaganapin yun bukas, Yes, BUKAS NA! Jusko, Kinakabahan pa din ako eh. Basta, I’ll make sure na magiging successful to!

Pangalawa, Instant sikat na si Yellow Hilton sa buong mundo simula ng ipakilala siya. Ang daming humanga sa kanya kaya sumikat agad siya. She deserved it anyway. Sunod naman ay panalo kami sa isang internet poll sa pinakamagaling na music company sa Pilipinas at magaganap ang music awards para dito sa December 20.

Ano na nga bang araw ngayon? December 15 na ngayon at 5 days na lang at awarding na ulit. Guess what kung sino naman ang representative ng Dream Team Entertainment? My brother, Legend! Excited pa nga siya eh. Haha.

Sa 2 months na yun, Lagi kong naaalala si Princeton. Kamusta na kaya siya? Gusto ko na siya makita kaso masyado akong busy ngayon. Gustuhin ko man puntahan siya sa Greece kaso wala talaga akong time lalo na at ako na nga ang susunod na magmamana ng DTE. Kapag ako na ang CEO ng DTE, Si Lolo ay magfofocus na lang sa Dream Team Academy. Okay na din yun para hindi na masyadong pressured si Lolo.

Hayyyy. Sana makita ko na ulit si Princeton Leighton Yang. Miss na miss ko na siya. Swear po! Promise, besides napatawad ko na siya. Narealize ko na masyadong maikli ang panahon para sayangin ito sa kaka-isip lang sa mga maling nagawa sa’yo ng isang tao.

KINABUKASAN. ‘CONCERT FOR A CAUSE: MASON FOUNDATION’ DAY. 10:30AM.

Nako po! Nakakaloka na nakakabaliw. Mamayang 7PM na ang concert. Sana talaga please please walang mangyaring masama ulit na ikakasira ng concert. Sana lang talaga. Marami na ang nasayang dati, Hindi na dapat maulit yun. Pumunta ako sa Stage and Lights Department, Itong department na ito ang lagi kong chinecheck, Syempre alam niyo na, Ung nangyari dati. Hehe.

“Make sure everything is in order and in safe condition, Okay? I want everything fixed and completely arranged.” Sabi ko sa ibang staffs sa department na iyon.

“Yes, Ma’am.” Sabi nila at ngumiti.

“Nacheck niyo na ung wirings? Metal bars sa stage? Pati ung lights, Safe ba lahat yun?” tanong ko ulit.

“Halatang-halata na kinakabahan ka, Merichelle. Chill lang, Sigurado akong magiging ayos na ngayon.” Napatingin ako kay Yellow na naka-cross arms.

“Sana nga, Yellow. Ayoko na maulit yung dati.” Sabi ko na lang at ngumiti siya. Humarap naman siya sa mga staffs.

“Lunch time na po muna tayo. Balik trabaho na lang po pag 12PM na sabi ni Sir Kingsley.” Pag-aannounce ni Yellow at nagthank you sila at nagpaalam sa amin.

“Tara na, Merichelle. Gutom lang yan eh. Ikain mo lang yan uy! Haha.” Pagbibiro ni Yellow. Umakbay naman siya sa akin at dumiretso sa eating room. Pagkatapos naman naming kumain ay nagpahinga muna ung iba. Yung iba naman ay bumalik na ulit sa kani-kanilang trabaho kahit wala pang 12PM. Ako naman ay inaantok pero hindi pwede. Marami pa akong aasikasuhin eh. Pero wala eh, Hindi ko nalabanan ung antok ko kaya ayun, Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako pero may narinig akong nagsalita bago tuluyang makatulog ako.

“Sweetlove.”

►►►

Nagising ako sa ingay ng mga tao. Nang tuluyan ng maka-adjust ang mata ko, Nagulat ako ng may tilian akong narinig kaya napatayo agad ako. Tumingin ako sa mga staffs na naglalakad .

“Anong nangyayari?” tanong ko sa isang staff.

“Nako, Ma’am. 5 minutes na lang po ay magstart na ang concert.”

“WHAT?” tumingin ako sa orasan ko. 6:45PM na. Ang tagal ko palang nakatulog?! “Bakit hindi niyo ako ginising?! Marami pang dapat gawin!” sigaw ko. Hindi ko alam pero nainis agad ako. Marami pang gawain eh. Kasi naman eh!

“Utos po iyon ni Sir Kingsley, Ma’am. Magpahinga daw po muna kayo. Pati po ayos na ayos na po ang lahat.”

“Ugh. Alright, Thanks. Nandyaan na din ung band guests especially ung host na si NicxSujuELF?” tanong ko sa kanya.

“Yes, Ma’am. Pero may konting pagbabago lang po sa band guests. Hindi po makakarating ung last performer---“

“WHAT?” sigaw ko ulit. Nako naman oh! Paano na yun?

“Wait lang, Ma’am. May pumalit naman pong isang lalaki eh.” Sagot niya ulit.

“Sino?”

“Si---“ naputol ang sasabihin niya dahil sa sigawan ng mga audience. Ano ba yan!

“Nako, Ma’am. Mauuna na po ako ah.” Sabi niya at nagmamadaling umalis na siya. Wahhhh! Ano ng gagawin ko ngayon? Ang lakas lakas ng tilian sa labas. Dumiretso na lang ako sa gilid ng stage para panuorin ang mga nasa stage. Tumingin ako sa audience, Sobrang dami ng tao. Napuno ang buong venue, Nakakatuwa lang. Napangiti ako dahil dito.

“Good Evening, Everyone. I am NicxSujuELF, Your host for today’s event….” Panimula ng host.

“Now, Let’s welcome our first performer,  Ms. Yellow Hilton from DTE! Let’s give her a round of applause!” nagpalakpakan naman kami. Lumabas naman si Yellow na nakayellow na outfit. Kinulayan din ang buhok niya ng Yellow Hair Chalk. Ang cute niya. HAHA.  Sobrang lakas ng tilian ng ngumiti siya. Nagsimula siyang kumanta ng Let it go. Halos lahat ng audience ay nakikisabay sa pagkanta niya. Sino ba naman ang hindi nakaka-alam sa kantang ito?

“What a spectacular performance! Thank you, Ms. Yellow. Alright, For our next performer, The Two Beat from FEE….” Taga Fierce Eyes Entertainment ito. Nagsayaw at kumanta ang dalawang lalaking ito. Kumuha kami ng iba’t-ibang bands/artists sa iba’t iba ding Music Entertainment sa Philippines. Matapos ang performance ng mga naimbintahan namin, Nagkaroon ng pamimigay ng T-Shirt at other freebies. Nagtagal iyon ng 30 minutes.

“Ayan! May iuuwi na kayo galing dito sa concert huh! HAHA.” Sabi ng host na ikinatawa naman namin. “Nako nako nako, 2nd last performer na, Ang susunod na performer natin ngayon ay espesyal! Let’s welcome, The grandson of DTE’s CEO, Legend Graysen Tang!” nanlaki ang mata ko sa sinabi ng host. Magpeperform si Legend?! Wala naman siya sa set ng list ng mga performers nung huling makita ko ah.

Lumabas si Legend sa kabilang stage at todo sigawan ulit. Naka-Gray na outfit naman ang kapatid ko. Ang pogi ng kapatid ko, Grabe. Syempre, Mana sa Ate. Ehem ehem.

“Legend! Legend! Legend!” sigawan ng audience. Nako po! Ang dami na agad na fans ng brother ko ah. Hmmm, Naka-isip ako ng plano dahil dito pag ako na ang CEO ng DTE. Nang magsimula ng sumayaw si Legend, Napatingin ako sa audience at natatawa ako kasi halos nababaliw na sila. Literal ah. Haha. Iba charisma ng mga Tang eh!

Natapos ang performance ni Legend. “MORE!!” sigawan ulit ng mga tao pero nagulat ako ng tumalikod si Legend at bumalik sa gilid ng stage kasabay ang pagkadilim ng paligid. Teka nga, Wala sa plano to ah. Bakit hindi ako na-inform? Bakit? Haha. Ang OA ko takte.

Napatingin kami sa gitna ng stage nang umilaw ang bilog sa floor at tumaas ito ng dahan dahan. Nakatayo doon ang isang lalaki. Nagulat ang lahat ng pumutok ang mga fireworks sa bandang harapan ng stage kasabay noon ang pagkabukas ng mga ilaw at tumutok ang spotlight kay Legend na nakatayo sa bilog na ngayon ay nakataas na. Mas lumakas ang tilian ng audience dahil dito.

“WAHHHHH~!” kung kanina mas baliw ang mga babaeng audience, MAS na ngayon.

“LET ME HEAR YOUR SCREAM!” malakas na parang baliw na sigaw ni Legend. Haha. Tapos nun ay sumigaw ang mga fangirls ng brother ko. Nako po! Nakakatuwa lang kasi feel ko magiging successful tong concert na to. Nagsimulang kumanta si Legend ng isang rock song na nagpabaliw sa lahat na nandito. Lahat kami ay nakikisabay sa kanya. Para sa huling hirit ng kapatid ko, Nagheheadbang siya habang tumutugtog ang rock song. Matapos ang kanta ay pumutok ng sunod-sunod ang fireworks sa stage na mas mataas at mas lumakas ang tilian ng audience.

Natapos ang performance ni Legend na sobrang saya at nakakaloka! Masayang pumunta ang host na si NicxSujuELF sa gitna ulit ng stage. Sumisigaw pa din ang audience kaya pinatahimik sila ng host.

“Oh my god, Legend! You made the crowd wild and crazy! Sorry to say but that would be enough for Mr. Tang. Don’t worry, We still have our last performer for this night. Actually, This guy is the highlight of this concert and all of you know who he is, of course! We will ensure that we’re gonna end this concert full of love and happiness. Let’s welcome now, Our last performer and the highlight of this concert, The CEO of Royal Star Entertainment, Mr. Princeton Leighton Yang!”

O__o Did I heard it right?! Princeton Leighton Yang? As in si Sweetlove ko?! OH MY GOD! A tear suddenly fell when the song started. The song is Here In My Heart. Napatingin ako sa lalaking lumabas sa kabilang side ng stage. Nakasuot siya ng puting sando na pinatungan ng gray na leather jacket na umaabot hanggang tuhod niya at naka tight black leather pants na tinernuhan ng black and white shoes. Kung may nagbago man sa kanya, Iyon ang mukha niya. Mas lalo siyang gumwapo at umaliwalas ang mukha.

Naglakad siya papuntang gitna ng stage habang nababaliw, nagtitilian ang mga babaeng audience. Kumpara kay Legend, Mas malakas ang kay Princeton. Ngumiti siya bago siya nagsimulang kumanta. Tumahimik na ang audience at sabay sabay silang winawagayway ang mga kamay nila ng mabagal. Pinunasan ko ang luha na kumawala sa mata ko at ngumiti habang nakatingin sa likod ng lalaking mahal ko. Sobrang ganda ng boses niya lalo na pag live. Ramdam na ramdam niya ang pagkanta niya.

Natapos ang kanta at tumili na naman ulit ang audience. Yung mga tao sa likod ko ay kinikilig at nag-uusap. Narinig ko pa ang pangalan ko. Ang sabi ay ang sweet daw ni Princeton sa gagawin niya para sa akin. Ano naman kaya yun? Kinabahan at masaya ako at the same time.

“Here In My Heart, No one can replace you. That song was dedicated to the girl I love. I miss you and I love you, Sweetlove. For the next song, It is also for my sweetlove. Listen carefully.” Sabi ni Princeton sa audience. Muli, Nagsigawan ang mga babae. Ako ba sinasabihan niya? Sweetlove daw eh? Eh diba kami yun?! Pero malay mo may ibang girl pala kaso—Ugh. Nevermind. Tinuon ko na lang ang atensyon ko kay Princeton. Tumugtog naman ang Di Ko Inakala. Teka nga? Bakit puro favorite songs ko?

Nagsimula ang kanta at nakisabay ako sa pagkanta niya. Pati ang mga taong nasa likod ko ay nakikisabay na din. Nang matapos ang kanta ay nagsigawan ulit ang audience.

“Di Ko Inakala, Na ganito ako magiging kaadik sa pagmamahal sa’yo. I love you, Sweetlove. Hindi ako magsasawang sabihin sa’yo yan. And for the last song, Let me get over you getting over me.” Sabi ulit ni Princeton. Nagsimula na muli ang kanta. Una, Here in my heart. Pangalawa, Di Ko Inakala. Pangatlo, Let me get over you getting over me. Favorite songs ko to!! So para sa akin nga talaga ang pagkanta niya? Wahhhhh!

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na hindi lumapit sa kanya pero ngayon, Hindi ko na kaya, Nagsimula na ang kanta pero hindi ko pinansin, Tumakbo agad ako sa gitna ng stage at agad na niyakap siya. Nagulat pa siya dahil sa akin. Narinig ko naman ang malakas na tilian.

“Sweetlove.” Sabi niya habang nakayakap ako ng sobrang higpit. Sa sandaling yun, Hindi ko na narinig ang tilian ng tao kundi ang iyak ko na lang, Tawa ni Princeton at ang tibok ng puso naming dalawa. Ang sarap pakinggan sobra. Niyakap niya ako pabalik habang natatawa.

“I guess you really missed me more than I expected.” Natatawang sabi niya pero mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Wapakels! Namiss ko siya eh! Sobra sobra sobra!

“Hindi pa tapos ung kanta, Sweetlove, Tumakbo ka na sa akin.” Sabi niya ulit pero wapakels pa din. Mas na mas hinigpitan ko ang yakap ko.

“Easy, Sweetlove. Hindi na ako mawawala sa tabi mo.” Napangiti ako sa sinabi niya kaya humiwalay na ako at pinunasan na parang bata ang mga luha ko. Tumingin ako sa kanya at saktong nagtama ang mga mata namin. And the next thing we know?

We were kissing infront of the shouting audience.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: