Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3 (LHWW)

Third chapter:

Simula na ng pasukan at buti na lang ay ayos na din ang pakiramdam ko. Ang pasok ko ay 8:00AM at si Legend ay 7:00AM kaya nauna na siya. On the way na kami ng driver ko sa Dream Team Academy. Nakarating ako ng 7:30AM sa school kaya tumambay muna ako sa dance studio at nanuod ng mga sumasayaw. 5 minutes before 8 ay umalis na ako at dumiretso sa klase ko.

Ang Dream Team Academy ay pinamumunuan din ni Lolo Kingsley. Hangang hanga nga ako kay Lolo kasi biruin mo naman, Isang music school at isang music company ay hinahandle niya. Idol kaya namin ni Legend si Lolo Kingsley!

Natapos ang klase ko ng 3:00PM. Si Legend ay kanina pang 1:00PM kaya nauna na siya sa akin. Ako naman ay dumiretso sa DTE dahil pinapatawag ako ni Lolo doon. Bakit kaya? Nang makarating naman ako dun ay hinintay ko pa na matapos ang isang business meeting saka kami nag-usap ni Lolo privately sa office niya.

“Merichelle, I want you to be the representative of Dream Team Entertainment  for the Channel 100 Music Awards.” What?

“Pwede po paki-ulit?”

“I want you to be the representative—“

“Why me, Lolo? I can’t. I’m still not ready.” Sagot ko.

“I’ve seen a potential on you that you’ll present our Entertainment well. Trust me, Apo. I know that you can.”

“But... I am afraid that I might make a mistake.” Malungkot kong sabi. Ayokong madisappoint sila sakin.

“Mistake is a part of life and success, Merichelle. Without it, We would not achieve the life we have now. Trust me and yourself, You can do this. Alam kong hindi mo kami madidisappoint. You are a smart girl, Merichelle.” Napangiti ako sa sinabi ni Lolo.

Tumayo ako at lumapit sa kanya at niyakap siya. “Thank you, Lolo.” At bumitaw na ako at nakita kong nakangiti siya sa akin. “Okay, I will represent our Entertainment for Channel 100 Music Awards.”  Sabi ko.

“That’s the granddaughter that I am proud of!”

Kinabukasan after sabihin sa akin ni Lolo ang tungkol doon ay nagmall ako para pumili ng isusuot ko. Nahihirapan akong pumili kung ano ang damit na isusuot ko. Naka-ilang pasok na ako sa mga stores pero wala akong mapili. Ano ba isusuot kapag sa ganoong event?!

“Uhm, Di bagay. Hmm, Eto? Ugh, Gara tignan. Hmm, Eto kaya? Ayyy hindi bagay sa kulay nun eh. Ugh! Ayoko na!” iritado kong sabi habang inuusod ung mga hanger at pumipili.

“I could help you if you want.” Napatingin ako sa nagsalita. Isang babae na mukhang manika. Ang puti niya at bumagay sa kanya ung gray contact lense niya. Ang pula pa ng pisngi niya and what amazed me the most was her outfit! It’s so damn cool and perfectly matched with each other.

“I am Yellow Hilton. I was a fashion designing student so maybe I can help you. Kanina pa kasi kita nakikita na palipat-lipat ng store and you can’t decide what to buy so I offered my help.” Sabi niya sa akin. She’s not obviously a Filipina, The way she talks and her looks was not from our race. Grabe, Ang bait naman niya kaso nakakahiya.

“I am Merichelle Tang, Nakakahiya naman sa’yo, Yellow.”

“Nuh, It’s okay and don't be shy besides I was the one who offered my help, right?” Oo nga naman, Merichelle. Pumayag ka na kaysa naman na umikot ulit at kulang na lang ay pasukan mo na lahat ng store dito. Kaya in the end ay pumayag na din ako at nakakatuwa lang kasi ang nasayang kong oras ay  dalawa tapos nung siya ang pumili ay 30 minutes lang! Grabe ang galing niya naman kahit 2 years lang siya nag fashion designing. Kwinento niya sa akin na taga Hongkong siya at lumipat siya dito para mag-aral nung bago niyang course.

“Anyway, Merichelle, Nice to meet you. I gotta go now. Goodluck tomorrow!” sabi niya tapos naghiwalay na kami. Hindi ko sinabi sa kanya na awarding event ang pupuntahan ko. Sinabi ko lang na eleganteng damit at magmumukha akong kagalang-galang at outstandingly gorgeous! Naka-uwi na ako ng mga 9PM at natulog na ako dahil sa pagod. Hindi na ako muna pinapasok ni Lolo, Pumasok na lang daw ako after the event.

Hinanda ko na ung dapat kong gawin para sa Channel 100 Music Awards. My god! Kinakabahan pa rin ako. First time ko to eh. Nung una akala ko ay worldwide ito pero buti na lang ay sa Pilipinas lang ito. Ang Channel 100 Music Awards ang pinaka-unang awarding event ng Channel 100 kaya mas kinabahan ako. Wooo! Kaya mo to, Merichelle!

Ito na ang araw na ito. Inaayusan ako ngayon ng mga hinire kong stylist. Si Legend naman ay parang tangang tinititigan ako habang inaayusan ako.

“Legend, Stop staring.” Sabi ko at ngumiti lang siya.

“Ate, Ang ganda mo. Kamukha mo talaga si Mom.” Ngumiti na lang ako bilang tugon.

“Gwapo ka din naman, Legend. Mas gwapo nga lang si dad kaysa sa’yo.” Pagbibiro ko. Nagpout siya. Haha.

“Hindi ah. Pantay lang kami.”

After kong ayusan ay sinuot ko na ung gown, yes gown, akala ko nga dress lang pero sabi ni Yellow ay mas elegante tignan kung gown. At dahil yellow ang name niya ay yellow ang pinili niyang damit para sa akin. Maganda ung gown na napili niya kaya hindi na ako kumontra. Nang masettled na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto ko. Naghihintay doon si Legend na malaki ang ngiti sa akin. Alam ko na sasabihin neto.

“I know, Legend. So, Shall we go?” inunahan ko na siya. Haha.

“Tsk. Talagang alam mo na sasabihin ko eh noh? Pero gusto ko pa din sabihin, You are so gorgeous, Ate Merichelle. No wonder na magkapatid nga tayo.” Tignan mo to, Nagiging sweet na naman.

“Thank you so much for the compliment.” Magalang kong sabi at nagbow pa at natawa kami parehas.

“That wasn’t a compliment, Ate. That was the truth.” Sabi niya at inoffer ang kamay niya sakin at naglakad kami pababa ng stairs. Nakaabang naman si Lolo sa baba at habang bumababa kami ay nakangiti lamang siya. Kagalang galang tignan si Lolo. The moment we reached him, He held my hand and smiled.

“You are indeed a goddess, Apo.” Niyakap ko si Lolo.

“Thank you po.” Sagot ko naman.

“Ako, Lolo? Hindi niyo ako pupurihin?” sabi ni Legend at humarap naman si Lolo sa kanya.

“Hmmm, Still the same.” Sabi ni Lolo.

“Aww yun lang tapos kay Ate may goddess? Nakakatampo ka, Lolo.” Parang batang sabi niya. Haha.

“Just kiddin’, Legend. Sige, Ikaw na ang diyos ng kagwapuhan.” Pagbibiro ni Lolo. Hahaha. Natawa na lang kami pati ang mga yaya.

“So, Shall we go now?” sabi ni Lolo at tumugon kami ni Legend. Inoffer ni Lolo at Legend ang kamay nila parehas at kinuha ko naman ito saka kami sumakay sa limousine at dumiretso sa Philippine National Stadium.

Nakarating na kami sa Stadium at ang daming reporters at iba-iba pang tao na may kinalaman sa event na ito. Tumingin ako sa orasan ko at 6:00PM na. 7:00PM ang start ng awarding event. Bumaba na kami sa limousine at parehas na nakasabit ang kamay ko sa braso ni Lolo at Legend. Picture there, Picture here, Picture everywhere kaya nakangiti lang dapat.

Nang makapasok ako sa loob ay pinadiretso ang mga representative ng bawat music company sa backstage rooms. Naggoodluck sa akin si Lolo at Legend bago ko sila iwan. Pumasok kami sa isang room na may mahabang table. May mga numbers ito. 10 ang upuan at ang numbers 10 to 3 ay occupied na meaning na sila ang representative ng company nila. Lima ang lalaking representatives na nasa loob at 4 na babae kasama na ako. Wala pang naka-upo sa seat #2 and #1 meaning ako yung sa #2. Yung sa #1 sigurado ako na ito ang Royal Star Entertainment. Umupo na ako sa upuan ko.

“Okay, So ang representative na lang ng Royal Star Entertainment ang hinihintay natin. And we are so proud to say that the representative of RSE for this awarding event was the CEO and owner itself.”

Oh my gods. It means si Princeton Leighton Yang ang representative ng RSE. Jusko, Sa wakas ay makikita ko na ang itsura ng the great yang na iyun! Naghintay pa kami ng 5 minutes saka pumasok ulit ung babae na nagsabi kanina.

“Mr. Yang’s here.” Sabi niya at pumasok na ang lalaking nacucurious ako kung ano ang itsura.

What the hell?!!! O_O

“Good evening. I am Princeton Leighton Yang, The CEO of Royal Star Entertainment. It was nice to meet all of you.”

Pwedeng tumulo ung laway? Joke! Kung gwapo siya nung una ko siyang makita nung nakabangga ko siya, Ngayon eh overload ung kagwapuhan niya! Grabe ito, Siya pala si The Great Yang ah. Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na kinakalabit na ako nung representative #3 na girl sa gilid ko tapos napatingin ako sa kanya.

“Mr. Yang’s infront of you.” sabi niya. Teka, Ano sabi niya? Tumingin ako sa harapan ko at nakita kong nakalahad ang kamay niya sa akin at nakangiti siya! Shocks! Ang pogi pamatay eh!

“I didn’t expect to see you here, Miss. Anyway, Are you okay now?” tanong niya sa akin. Teka! Yung kamay niya nakalahad, What to do?!

“Huhhh, I am fine now and thank you pala.” Nahihiya kong sabi at kinuha ko yung kamay niya at nakipagshake hands. “I am Merichelle Tang, The representative of Dream Team Entertainment.” Pakilala ko. I learned to compose myself before the event. Dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at ngumiti.

“Good to hear that, Miss Merichelle.” Sabi niya at umupo na siya sa tabi ko. Gadddh! Ang swerte ko naman! May sinabi lang na guidelines ung babae tungkol sa kung ano ang gagawin namin at madali lang naman ito kaya nagets namin lahat. Takte, Nasinghot ko na lahat ng pabango ng katabi ko sa sobrang bango niya! Hindi kaya magkasakit ako neto?! Haha.

5 minutes na lang ay magsstart na ang awarding event. Kinakabahan ako seryoso. Sana hindi ako matipalok. Sana hindi magcrack ung boses ko mamaya. Sana.. ugh! Basta believe in yourself, Merichelle!

“Good Evening, Ladies and Gentlemen. I am NicxSujuELF, the host for today’s event and I welcome all of you to Channel 100 first awarding event……” Blah blah blah. Hindi ko na napakinggan kasi kinakabahan ako. Wahhhh. Huwag ngayon oh please lang. Kaya ko to.

“You’re trembling, Merichelle.” Nagulat ako dahil nagsalita ung katabi ko. Emeged! Ako ba yung kausap niya? Teka, Merichelle daw? Ako lang ang Merichelle dito! Teka ulit, Tinawag niya akong Merichelle? I’m gonna faint. I’m gonna faint. Catch me, I’m gonna faint. Nako, Tumigil ka, Merichelle! Himatayin ka pa dyan eh malapit na kayong lumabas!

“Don't be. Isipin mo ikaw ang pinakamaganda dito, Well, ikaw naman talaga.” Wahhhh. Wala na hinimatay na ako! Joke ulit. Asa naman pero takte kinikilig ako ano ba!

“Uhm, Sal-lamat.” Sabi ko na lang at ngumiti ng palihim. Buti na lang ay dumilim na nun kaya hindi na  niya ako nakitang ngumiti. Nawala ung kaba ko ah! Ayos! HAHA.

“Alright, It is time now to introduce the representatives of each music companies. The Top 10, Mr…..” tapos pinakilala na ni NicxSujuELF ung Top 7. Tatlo na lang kaming natira sa backstage. Yung girl na kumalabit sa akin kanina, ako at si Princeton. Emeged.

“Top 3, Mrs. Neowyna Montez, The representative of the Fierce Eyes Entertainment.” Pagpapakilala ni NicxSujuELF kay girl na kumalabit sa akin kanina and lumabas na si Neowyna at nagpakita sa mga tao. Ang ganda niya lumakad, infairness. Model siguro siya. Jusko, Ako na pala ang sunod! Bumuntong hininga ako ng malalim at pumikit sandali at nagsign of the cross. Narinig ko naman na tumawa ng mahina si Princeton. Emeged bakit siya tumatawa?!

“You’re so funny, Merichelle. Don't be nervous. Walk there like you are the most stunning woman here.” Nako po! Tama na, Princeton! Kanina mo pa ako pinapakilig eh! Tumingin ako sa kanya at nakita ko na naman ang killer smile niya. Saluhin niyo ako ulit! Baka mahimatay na naman ako sa isip ko. Chos!

“Thanks, Sir.” Formal kong sabi. Weee! Ang galang ko. Haha.

“Drop the formal thingy, Merichelle. Just call me, Princeton.” Sabi niya ulit tapos nilahad niya ung kamay niya. NILAHAD NIYA ULIT! Mahahawakan ko ulit ang kamay niya! Kinuha ko ito at nagsalita siya muna.

“I am Princeton Leighton Yang. Call me Princeton.” Sabi niya. Heaveeen grabe!

“I am Merichelle Tang. Call me Merichelle.” Sagot ko naman at binitawan ko na ung kamay. Kahit ayoko pa pero kailangan, baka isipan niya chinachansingan ko siya. Haha. Chos. Baka nga siya ang nanananchansing kasi nakadalawang hawak na siya sa kamay ko hahaha joke!

“Top 2, Mrs. Merichelle Tang, The representative of Dream Team Entertainment.” Sabi ni NicxSujuELF. Hala! Ako na pala tapos hindi pa ako ready! Huhuhu. Wait lang, 5 minutes muna! Pumalakpak ung mga audience at mas kinabahan ako. Wahhhh!

“Kaya mo yan, Merichelle. You are gorgeous.” Kamatis na ung pisngi ko sa sobrang pula. Talo na ung blush on na nilagay sa akin kanina. Wahhh, Princeton, Please lang, Huwag mo muna ako ngayon pakiligin kasi ako na ung lalabas oh! Ngumiti na lang ako sa kanya at nagsimula ng maglakad palabas. Huminto muna ako sa dulo at nakita ko ang sobrang daming tao sa loob ng stadium.

Nagsimula na akong maglakad at inisip ko ang sinabi ni Princeton. ‘You are gorgeous’ Tama, I am gorgeous and proud to be. Tingala akong nakangiti habang naglalakad. Yung kamay ko ay nasa gilid ko lang. Nang makarating na ako sa pinakaharap ng stage ay mas lumakas ang palakpakan. Nagbigay ulit ako ng isang matamis na ngiti saka ako naglakad papunta sa tabi ni Neowyna.

“And of course, Top 1, Mr. Princeton Leighton Yang, The Representative and the CEO itself of the Royal Star Entertainment!” pakilala naman ni NicxSujuELF kay Princeton. Oha. Close na kami niyan hahaha. Kahit gustuhin kong lumingon para makita si Princeton na naglalakad kaso hindi pwede kasi dapat ang tingin namin ay sa audience lang habang pinapakilala ang mga representatives.

Sa paglabas ni Princeton ay mas lumakas ang palakpakan at halos lahat ata ay nagsigawan na lalo na ung mga babae. Nang nasa tabi ko na si Princeton ay bumulong siya sa akin.

“You walked like a goddess, Merichelle.”

LEMME DIE. NAKAKA-ILANG BESES NA SI PRINCETON PARA KILIGIN AKO. OVERFLOWING!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: