Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Matuling lumipas ang mga araw. At mahigit isang buwan na rin simula noong huling araw na magkita sila ni Philip.

Walang lumabas na iskandalo. Marahil ay pinakiusapan ni Philip ang asawa nito na tumahimik nalang at pinakisamahan ito ng maganda.

Sa mga araw na nagdaan ay tila siya unti unting namamatay. She miss him badly. Gabi gabi pa rin siyang umiiyak. At inaalala ang mga sandaling pinagsaluhan nila ni Philip .

Ni minsan ay hindi nagpakita sa kanya si Philip. Marahil ay wala na itong interes sa kanya. 

Na tila isang laruang pinagsawaan.

Napapikit siya ng mariin at napasandal sa kaniyang swivel chair.

Napagaga ba niya na pumasok sa ganoong relasyon? Hindi bat naging masaya naman siya sa piling nito? Kaya wala siyang dapat pagsisihan. Experience. Yun ang angkop na salita para doon.

Napahawak siya sa kaniyang sentido. Nahihilo nanaman siya. Napapadalas ang pagkahilo niya at ang pagsusuka niya sa umaga.

"Are you okay?" Napamulat siya ng marinig ang boses ni Jake.

Ngumiti siya at umayos ng upo.

"I'm fine," 

Umupo ito sa harapan niya. "Noong nakaraang linggo ko pang napapansing namumutla ka na parang may sakit ka." 

Napabuntung hininga na lang siya. "Marahil ay pagod lang ito," at sumandal siya sa swivel chair.

Hinawakan siya nito sa kamay at hinila patayo. Napakunot naman ang noo niya.

"Saan tayo pupunta?" 

"Sa ospital. I'm worried. Alam kong may sakit ka baka mapano ka." at iginiya siya nito papasok sa kotse.

"Okay lang ako Jake. Baka kailangan ko lang ng pahinga. Idiretso mo nalang ako sa bahay,"

"Not this time darling. Ako ang masusunod ngayon." at nginitian siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang magpahinuhod nalang dito na pumunta sa ospital.

Pagkarating sa ospital ay agad na sinuri siya ng doktor. 

Pinapasok si Jake sa loob bago sinabi ang resulta.

Malawak ang ngiti ng doktor ng balingan silang dalawa.

"Great news you are two months pregnant," the doctor said.

What? I'm what?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. I am two months pregnant. Oh my.

    

Agad na nalukot ang mukha ko at napahikbi. Yumuko ako upang maitago ang mga luha ko. Agad naman akong nilapitan ni Jake.

Hinaplos ang likod ko.

"Don't cry. Tama na Alliyah." halos pabulong lang niyang sabi.

Tumingin ako sakanya. At kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya.

"I'm sorry..." sabi ko at yumakap ako sa kanya at  umiyak. 

"Don't be sorry," pang aalo niya kay Alliyah habang patuloy parin siyang umiiyak. "So who is the lucky guy?" 

Nanatili parin akong nakayakap sa kanya. Sasabihin ko ba sa lalaking ito? Mas lalong lumakas ang hikbi niya dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya inaakalang may mabubuo. Akala niya gumagamit ng rubber si Philip. Oh damn.

Iniharap siya ni Jake sa kanya at mataman siyang tiningnan habang patuloy pa ring umaagos ang mga luha niya. Pinunasan nito ang mga luha niya sa mata gamit ang thumb finger nito.

"Sino ang ama ng dinadala mo?" At parang may bara sa lalamunan nito. Kitang kita niya ang galit nito sa mga mata.

Napahikbi siya.

"Si Philip.." Pabulong niyang sagot at sinapo ang mukha niya at napahagulgol nanaman.

Si Jake ay biglang naggawalan ang mga muscles sa mukha and he greeted his teeth. Napakuyom din ito ng kamao sa sobrang galit nito. 

Kilala niya ang Philip na ito. Isa itong kilalang negosyante sa lipunan at kinikilalang beast pagdating sa mga babae. Kapag may babaeng natipuhan ay liligawan tapos pag nakuha na ang gusto ay agad itong iiwanan. Bagamat may asawa na ito ay nagagawa pa din nitong makipagrelasyon sa kung sino sino. At balita niya ay may anak na rin ito sa kaniyang asawa na sa ibang bansa nakatira.

Parang gusto niyang manuntok sa puntong iyon. Ang babaeng minahal niya ay sa lalaking ito lang pala mahuhumaling. At ang masakit pa ay buntis na ang mahal niyang si Sofia.

Tumaas baba ang dibdib niya sa sobrang galit. Kitang kita niya sa mga mata ni Sofia ang sakit.

At nasasaktan siya para dito. Bakit siya pa ang minahal nito kung meron naman siya? Ano ba ang wala sa kanya?

Tiningnan niya si Sofia na umiiyak pa rin. Agad niya itong kinabig sa dibdib niya. Hindi niya kayang makita itong nasasaktan.

"Shh. Stop crying darling," at hinagkan niya ang ulo nito.

"Paano na ako ngayon Jake?" Umiiyak pa rin na tanong ni Sofia sa kanya.

"Marry me," mariing wika niya.

Sunod sunod naman na pag iling ang ginawa ni Alliyah. 

"Ayokong idamay ka sa problema ko Jake." 

"Pero.."

"No. Sorry Jake. Hindi ko rin ginusto ito." 

Inalok ko na siya ng kasal pero tinanggihan niya pa rin ako. Aakuin ko ang anak ng lalaking iyon. Ngayon ako nakaramdam ng inggit sa ugok na iyon.

"Ipaalam mo sa kanya ang kalagayan mo,"

"No!" Sigaw ni Alliyah sa kanya. "Hindi niya na kailangang malaman Jake wala ng dahilan pa. Aykong sirain ang pamilya niya."

"Ayaw mong sirain ang pamilya niya pero paano ka?" 

"Kaya kong buhayin ang anak ko." mariin niyang sagot.

"Pero gusto mo bang lumaki ito ng walang kinikilalang ama? Pano ang sasabihin ng mga tao?"

Agad na nagkalambong ang magandang mukha ni Alliyah.  Umiiyak nanaman siya.

"Hindi ko alam." nanghihina niyang sagot at kasabay ang sunod sunod na pag iling.

"I'm asking you again. Marry me"

"No Jake. Salamat sayo I appreciate you so much pero hindi dapat. You deserve someone better." at sa pagitan ng luhaang mukha ng dalaga ay nginitiaan siya.

Agad niya itong kinabig at niyakap. Sana nga bulong niya sa kaniyang sarili kasabay ang pagbagsak ng luha niya sa mga mata. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro