Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Lovers in the Corridor

Lovers in the Corridor (One Shot Story)

By: Istoryaniangge

*****

Ilang beses na ba ako nag-daan sa Corridor na toh??

Mga may-isang daan na siguro mahigit??...Since nag-aaral ako dito.MALAMANG sa MALAMANG ito ang dina-daanan ko araw-araw…

Kung ilang beses na ako nag-daan dito ganun din ako kadalas nag- ang ulo ko..

(0.0 )<- (0.0) ->( 0.0)

May lahing kwago ata ako..

Kasi naman base on my own research..dito laging nag-dadaan si Kevin,..

Lets Define and Describe KEVIN (.).. Using my own version of dictionary

-Tall

-Dark

-Hand some

-A knight in Shining armor

-Simple

-Malakas ang dating daig pa si Ondoy

-Hindi sya may signal no.3 sa ka-hanginan

-Cute ngumit

-magaling mag-basketball

-Matalino

-black ang hair

-maganda ang mata may pag-ka chinito

-friendly

-BEST FRIEND ko DATI…

OH YEAH !!!!!!!

DATI ko yan BFF … mula nung kinder kami hanggang nung grade6 kami..

Kaso nga lang eh nung high school naman..Dun na nag-iba ang lahat,,,

Nagkaruon sya ng bagong barkada..

Mga kalaro sa dota,,

Wala naman sya kasing mapapala sa akin pag-dating duon ang alam ko lang ay Jack&Poy, Jack Stone at Chinese garter sama mo pa ang 10-20..

Lalo na nung first year kami naku nawalan na talaga kami ng time para sa pag-lalaro at pag-haharutan ni hindi na nya ako dinadalaw sa bahay,,

Wala nga syang regalo sa birth day ko nung 1sy year, 2nd year at 3rd year ewan ko lang ngayong 4th year na ako..kasi sa totoo nyan eh Feb.27 ang b-day ko yun eh limang araw mula ngayon..

Lagi namang walang nakaka-alala sa akin pag-bday ko kasi araw yun ng pasahan ng requirements madalang na din ang pumapasok nun dahil nakakatamad na rin..

Pero ok lang naman na walang mag-regalo sa akin..kahit na wala na akong handa at kahit hindi na nga ako ipag-shopping ng nanay ko ..basta…..

BASTA…….

MAALALA lang nya ulit.. (T.T)

Napaka-gandang regalo na nun para sa akin..

“Huy girl halika na may i-discuss daw si Ma’am”sigaw ni Christine sa akin mula sa luob ng room namin ..lakas talaga ng boses nito..di na nahiya ..ahehehe pero hayaan na nga natin..

Pumasok na ako sa luob kesa mag-mukha akong tanga na nakatayo mag-isa dun..

Natanaw ko naman si Kevin sa likod at naka-upo lang na may suot na earphone,, sure nakikinig naman yun ng rock favorite nya yun

Nga pala classmate ko sya since first year..

Kaso nga lang never na kami nag-usap mula nung nag-high school kami sa hindi ko malaman na dahilan.

Pag nagiging magka grupo kami sa project nd naman kami nag-kakaruon ng time mag-usap pa..kasi kasama nya lagi yung GIRLFRIEND nya..

TAMA GF nya..ahuhuuhhu

Naging sila nung mag-babakasyon na ng 3rd year kami..alam ko mga may isang taon na din sila..

Alam nyo ba yung feeling na bigla ka nalang umiyak sa hindi mo alam na dahilan??

Kasi ganuon ako..sobrang dalas..sa SOBRANG dalas napag-kakamalan na akong baliw ng kaibigan kong si Christine bakit daw ako umiiyak bigla..

Syempre ako naman hindi ko din alam ang dahilan hindi ko din masagot…

“mga anak may prom night kayo”-sabi ng teacher naming

“YESSSSSSSSS!!!!!!!!!” obviously sigaw yun ng mga classmate kong mostly ay girls..

Tss..hindi naman ako aatend dyan..mag-bubutas lang ako ng bangko…

Baka maubos ko pa ang pag-kain sa sobrang pagkainip ko sa pagkakaupo ko..

Last year hindi ako umatend..para san pa eh wala nga akong date nun..ni walang naawang yayain ako..nakakatampo nga tong mga mokong classmate ko nun eh pero wala na akong magagawa pa past is past kaya MOVE ON na tayo dahil si Ma’am nag-salita ulit

“Sa Saturday yun.” Sakto birth day ko pa yun..hindi talaga ako aatend pang-sho-shopping ko nalang ang gagastusin ko sa damit dyan

“bawal hindi umatend..last chance nyo na ito para sa high school life nyo..” ano ba naman yan ma’am basta hindi ako aatend

“nga pala Patricia hindi pwedeng hindi ka umatend last year hindi ka din umatend kaya..Compulsory na kung compulsory aatend ka..” wow ha special pa yung akin,,,tss bahala na hindi ako aatend..

“p-pero p-po”

“no buts…wala ng aangal pa you need to attend oh baka gusto mong mag-linis ng c.r. ng buong campus Patricia”

“What?? Ma’am naman wala kaming pera…”

“anong walang pera..i-sanla mo yang white gold mong hikaw..may ari kayo ng bigasan, mall, amusement park at…”

“OPO AATEND NA..!!” hirap mag-ka teacher na maraming alam ng background ng pamilya ko…

“sinisigawan mo ako Patricia?” pag-tataray ng teacher ko

“tss…hindi po Ma’am” sabay ngiti sya na parang naisahan nya ako .. Pero WAH! Naisahan nga nya ako dun!!!

~Lunch Time~

Eto ako naka-upo sa proper seat ko…sa tabi ng bintana nakatanaw ulit sa labas ng corridor..

Nagtataka ba kayo kung bakit sa corridor ko lagi hinahanap si Kevin??

Kasi ganto lang yan kasimple…

Sacorridorpagnandunsyatuwingdaratingakoopauwinaatdadaanakodunmag-isalangsyadunkahitnanungsilapanung-gfnyahindikoalamsakanyakungbakitsyanag-tambaydunkungyung-gfmonamanehnasaluobngroomathinihintaykangpumasokparamakauwinasyaparalangsilangtanganuh?

NAINTINDIHAN NYO BA?

Kasi ganto yan let me repeat it…again and again

Sa corridor pag nandun sya tuwing darating ako o pauwi na at dadaan ako dun mag-isa lang sya kahit na nung sila pa nung-gf nya hindi ko alam sa kanya kung bakit sya nag-tambay dun kung yung-gf mo naman eh nasa luob ng room at hinihintay kang pumasok para makauwi na sya para lang silang tanga nuh?

Ano intindi nyo nah??

Yun nga yung dahilan..

Pero ngayon tingnan mo mag-isa nanaman sya at may hawak ng note book at may sinusulat nanaman sya..

“HOY POKWANG!!”

“Oh bakit CHOCOLATE?” sagot ko naman kay Christine na epal sa pag-mumuni-muni ko

“Ikaw ha!! Since ng lumipat tayo dito sa room na to..araw-araw kang naka-tingin salabas at pinag-mamasdan si Kevin” sabay tusok sa tagiliran yan sa akin ako naman eto todo iwas

“Anong TODO makagamit ka naman ng word na ‘todo’ ha!! Hindi ah san mo naman yan nasagap ha!! Mag-iingat ka sumosobra na yang pagiging chismosa mo!!” eto ako Deny ehehe

“sus,,para sinabe ko lang GUILTY?..”

“hindi ko po alam”sagot ko sa kanya

PAAAAAAAAK!!

( -.-)// < (-.0)>

“aray bakit ka namamatok ha!!” sakit nun ah

“si patricia ang kausap ko hindi si Napoles anung ‘hindi ko po alam’ ka dyan”

“tse..”-sagot ko kasi si Kevin biglang pumasok na ako eto harang agad ng book sa mukha ko..instinct ko na ata to lage

“yun eh..yan ah..kutusan kaya kita dyan!! May pag-ka ‘hindi ko po alam’ ka pa ha!!! Eh ano yang drama mo?? Patakip-takip libro scenario ka pa dyan!”

“bakit dami mong alam?”sabay ligpit ko ng libro sa bag ko

“gutom lang yan!” dugtong ko pa sabay tayo

“HOY BABAE!!” sigaw nya napa-tingin tuloy silang lahat sa akin

“wag ka ngang sumigaw!!” hinatak ko sya pa-upo ulit

“KINU-QUESTION MO BA ANG PAGIGING KAIBIGAN KO SAYO??” nag-hehesterical nyang sabi..ano bang dram nito?

“hoy Christine hindi ka ba naka-inum ng gamot kanina? ano yang pinagsasabi mo ha?”

“naka-inum ako don’t worry..back to the story tayo!!!..” inhale exhale naman sya ako kinakabahan sa sasabihin nya at talaga namang todo titig ako sa kanya hindi muna uso ang kurap ng mata ngayon..

“ano ba pinapakaba mo ako!!” sabay hila ko ng damit nya pababa

“wag mo akong hubaran .. I know sexy ako wag mo namang pangalandakan!!”sagot nya g tatawa-tawa pa

“ano ba kasi ang gusto mong sabihin ha!!!”..bigla namang namula yung mata nya at tsaka nag-diretso ng iyak..

“uwaaaaahhh!!!Best friend for four years na friend kita may nararamdaman ako na may hindi ka pa na-share sa akin!! Nakakatampo ka!!” sabay singhot sya ako naman eto nga-nga!!!!!! (o.o?)

“ang sakit dito *sabay turo sa dibdib* kasi tuwing nakikita kitang umiiyak,,hindi ko alam ang gagawin..biglan ka nalang iiyak na parang nababaliw ka na sabay tatawa ka naman pag-tinanong na kita kung anong dahilan..pero FRIEND wag mo naman akong kalimutan lagi naman akong nandito…anytime anywhere!!” sabay yakap nya sa akin ako naman

“*sob* *hikbi* ikaw naman friend nag-drama ka pa! *sob* *hikbi* syempre naman hindi kitan akakalimutan!! Ayan *sob* *hikbi* nag-iiyakan tayo ng walang dahilan!! *sob* *hikbi* Naka-kuha na tayo ng atensyon,..basta *sob* *hikbi* friend I heart you!! ”sabay kiss ko sa pisngi nya

“I heart you too!!!”

~uwian~

Salamat at uwian nah!!!

Pero ang weird lang ng feeling at atmosphere sa paligid ko kasi alam nyo ba??.. I’m sure hindi kasi ganito yan

Pag katapos ng dramahan naming ni Christine eh nag-klase ulit kami at simula mag-start ang teacher namin mag-discuss at mag-turo..may kung anong bagay nag bumubulabog sa puso ko..sabi kasi ganito

Heart: Dug Dug Dug lingon lingon din sa Dug Dug likod pag may time Dug Dug

Eto naman ako uto-uto din kasi edi lingon naman ako

(-.-) -> ( O.-) -> (o////o)

Pero ang nakita ko lang si Kevin naka-tingin sa akin wearing na nag-aalala-ako-look at gusto-kitang-kausapin-look at na-shock-na-look

Dami nuh?? Pero ganun talaga eh..hindi na nga ako mapalagay sa upo ko eh…kasi kadalilingon ako nakatingin sya sa kin at talaga namang nakakapanibago yun kasi apat na taon syan wafakels sa akin..

Dati gusto ko kausapin nya ako mali pala kahit pala tingnan lang ako at ngumiti kahit nga wala na yung ngiti eh titig nalang pero bakit kung kalian naman nang-yayari na gusto ko namang kainin ako ng lupa o kaya naman eh sumakay ng space ship at lumipad sa Venus..Maging bubbles at mag-disappear na here dito sa Earth sa hiya na bumabalot sa katawan ko..

Habang busy ako sa pag-liligpit lumapit ulit si Christine sa akin hindi kasi kami seat mate nito

“uy may balita ako!”

“ano nanamang nasagap ng radar mo?naka-sagap naba ng dragon ball ang dragon radar mo??”

“baliw mas mahalaga to kesa dragon ball nuh!!”

“weh di nga?”

“oo nga ..basta listen to me..shadap!!!”

“ano ba yun??” ako sabay sukbit ng bag ko at nagayos ng hair ko

“break na pala si Kevin at si Gf nya!!” bulong niya sa akin

“oh? Kelan pa!” gulat kong tanong (U.u) (^.^?)

“yun eh nabuhayan eh..sabi na eh may pag-nanasa ka kay Papa Kevin eh…”

“bili na kailan pa!” pangungulitk k okay Christine

“eto nga Last year pa pala kaya pala hindi na sila mag-kasama..at si Kevin ang nakipag-break dahil si Girl eh..nag-karuon ng ‘The other Man!!’ ” chismosa talaga nito

“yun eh may pakinabang pala ang pagiging chismosa mo nuh??”

“Hoy!! Research ang tawag dun hindi chismis!!”

“sus,,pero siguro yun ang dahilan kaya may note book syang laging hawak at may sinusulatan baa dun nya nilalabasang lahat,,”

“Talaga??zHindi ko yun pansin!! Ikaw ha!! Sabi na eh siya yung Tinititigan mo sa Corridor at dahilan kung bakit nagiging kwago ka kahit tirik na tirik ang araw mahanap mo lang sya sa corridor!!!” kinikilig po sya ngayon sobra hindi ko naman mainitndihan kung paano nya nalaman yun

“Paano mo nalaman??”taka kong tanong

“kasi naman lusaw na si Papa Kevin pag-pasok ng room kasi kung maka-titig ka wagas!!haha”

“he baliw!!”sabay lakad ko naman palabas

“Pero friend hindi naman daw si EX ang dahilan kung bakit sya mag-isa.,yun ay dahil sa ibang tao sabi ng source ko!!” sigaw nya kasi nasa pintuan na ako!!

“source? Baka naman mali-mali yang balita mo!!” sigaw ko din

“Hindi ah…” hindi ko na narinig pa ang huli nyang sinabe…

Bayaan na sya at ng ako ay maka-uwi na,,

Pag karatingko sa bahay diretso kwarto na ako at bihissabay higa..

“ang tanga ni girl para pakawalan ka pa!! kung ako sya iningatan kita…,mahal na nga kita eh!...hala!!” sabunot-sabunot!! Ano bang pinag-sasabi ko??patay tayo dyan!!! Di yan pwede!!!

“pssss..tigil Patricia nahihibang ka na!!”sigaw ko pa..

“Sinong kausap mo??” biglang may sumilip sa pinto

“waaaaaaaah!!!!!!!!! MULTO!!!! ahuhu” nag-tago ako sa gilid ng kama sabay talukbong ng kumot sa mukha..

“ahahaha hindi ka pa rin nag-babago..” may tumatawa pa palang mulot?? Pero teka the voice is so familiar, so manly, so sexy, anu daw??

Tanggal ng kumot at silip sa pinto

“K-Kevin?..p-paano ka..at kyaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!! Yaya!!!!!!!!!!” sigaw ko narinig ko naman na may yabag papasok ng room ..kaso si Mama yung pumasok ng room ko..

“A-anak ano?..” natatarantang tanong ni Mama

“Ma paano yan nakapasok at …bakit sya nandito ??” sigaw ko

“ah anak nandito kasi ang tita mo..remember yung Mama ni Kevin umuwi na sila dito sa Pilipinas kaya bumisita sila dito..”

“Pero Ma ayoko sya dito palayasin nyo yan!!!!” sigaw ko sabay turo k okay Kevin nakita ko naman na lumungkot yung mukha nya at yumuko sya

“A-anak!”

“kung ayaw nyo ako ang aalis…bwiset na araw to!!!” dun ako sa fire exit nag daan at diretso agad ako sa kubo sa kapitbahay namin…may tatlong oras din ako na tumanga dun..tumatawag nga si Mama at isang unknown number at ako ay WAFAKELS!!!!

Dati akala ko kaya hindi nag-pupunta si Kevin sa bahay dahil akala ko nakalimutan na nya ang pupunta sa amin..at talaga naman na kinakausap nya ako na parang wala lang ,,,..

Nanatili ako dun gabi na din siguro alas-onse na din..hindi ako natatakot kasi naman sa likod bahay lang ako nag-punta..

Ng inaantok na ako umuwi na ako sa may front door na ako nag-daan

“PATRICIA!!!!!..ahhh,,haa,hhaaaaa,P-patricia,haa,hahha..” hinihingal na sabi ni Kevin nagulat naman ako kasi nakayakap sya sa akin mga dre spell Awkward ??

“K-kevin…” hindi ako makagalaw kasi kinikilig ako nuh!!

“k-kanina pa kita hinahanap natakbo ko na ang buong village at nag-punta na ako sabahay ni Christine pero wala ka..akala ko may nangyari na sayong masama…ok ka lang ba? May masakit ba sayo ???Sorry kung nagulat kita!!im sorry..”

Ano daw?? Nagkakagulo ang brain cells ko!! Kinikilig ako to the Max!!

Kilig no.1-Kanina pa nya ako hinahanap

Kilig no.2-TInakbo nya ang napaka laki na Village namin?

Kilig no.3-Nagpunta sya sa bahay ni Christine na kailangan mo pang mag-jeep ng dalawanfg beses sa layo nito sa bahay namin!!

Kilig no.4-Nag-aalala sya………..

Lastly and the Kilig no.5-  SA AKIN!!!!!!! MAY CARE SYA SA AKIN!!!!!!!

Oh my god I’m gonna die I’m gonna die!! Himatay kware..Ahehe

“Patricia” tss umepal ang Tatay ko..

“Papa” umepal ka pa ahahah Joke (^.^v)

“Pasok na kayo sa luob.”sabi ni Mama

Edi pasok naman kami…..Tatay yan eh mahirap ng mabatukan nuh lakas maka bobo pag ganun

~kinubakasan~

Kung dati nalingon ako lagi at umiikot ang ulo ko sa pag-hahanap iba ngayon hindi ko mai-angat ang ulo ko..

Kasi naman baka nandyan sya at kung ano pa ang mang-yari alam nyo na baka ma-rape este ma temp akong sipain sya palabas ng earth..

“GOOD MORNING!!!!!” bati ni alam nyo na kung sino yung baliw kong friend

“too..” sagot ko lang sa kanya

“anyare??”  bigla syang tumigil sa pag-lalakad ako naman tumigil din at hinarap sya,…

“Christine…..” naka yuko ako habang nakatingin sa sapatos ko..

“oh??”

“mamatay na ata ako……..” paputol kong sabi sa kanya

“ha???” (o.o?) gulat nyang sagot,,

“mamatay na ata ako…..” ulit ko naman

“WHAAAAAAAAAAT!!!!????? BAKIT KA MAMATAY?? SABIHIN MO MAY..MAY CANCER KA BA??MAY VIRUS KA BANG NAKUHA SA AKIN?? NAKULAM KA BA? NABARANG?? O KAYA NAMAN EH … OH GOD DON’T TELL ME NABUNTIS KA TAPOS PINALAGLAG MO YUNG BATA TAPOS NAG-KA PROBLEM DAHIL MAY SUGAT KA TAPOS..TAPOS!!...” nagheheterical nyang sabi

“SHADAP!! HINDI AKO MAMATAY NG DAHIL SA SAKIT SHUNGA KA BA? ANG HEALTHY KO OH..MAS SEXY PA AKO SAYO!!”

“eh bakit sabi mo mamatay ka na??”

“tss..hindi pa kasi ako tapos mag-salita!!”

“eh bakit kasi paputol-putol ka mag-salita ha?!!” parang wala kami sa Corridor kung mag-usap buti wala pa masyadong tao kundi baka nabato na kami ng book sa ingay naming,,

“GANTO KASI…..mamatay na ako..*tingin sa baba sabay blush* mamatay na ako sa kilig…” bulong ko

“ano?hindi ko narinig”

“ambingi mo te!!!”

“Sorry po!!!” nag-arte syang parang si Chichay

“ang sabi ko….MAMATAY AKO SA KILIG!!!!!!!!!” napa-nganga nalang sya sa sinabe ko dahilllllllll…….

“oh my…kyaaaaaaaaaaahhhhhhhhh dalaga ka na!!!!!!!! Sino ang dahilan!!!??? Tell me Tell tetetell me!!!! ” nag tatalon sya sa tuwa…

“si….”

“Patricia...” napalingon naman ako ng may magsalita sa likod

“K-kevin” oh gosh >/////<

“oh gosh te nangangamatis ka…..ayieee sya dahilan noh??” bulong sa akin ni Christine pero ni hindi ko sya nilingon na katitig lang ako sa napaka perpektong mukha nitong si Kevin kasi sa totoo nyan……..

M.U. na kami

M.U.-> nagkaruon kami ng magulong usapan..

“S-sabay na tayo…p-pumasok..” nauutal nyang sabi..

“ahmm girl mauna na ako geh babay…see yah later!!” hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang babaitang mukhang itang yun ahahaha jowk magada talaga yun…

“t-tara na?” aya nya sa akin habang naka lagay ang kamay nya sa batok nya ..

“tumataas ba ang presyon ng dugo mo?” tanong ko sa kanya

“ha bakit?” taka nyang tanong

“kasi nakalagay yang kamay mo sa batok akala ko na high blood ka na dyan” bigla naman syang ngumiwi at nag-salita

“kinakabahan ako kasi kasama kita” kaso hindi ko narinig

“ano?”

“Wala halika na!!” hinigit na nya ako papasok sa luob yun oh chansing ako dre holdind hands…

Pag pasok namin sa room

(o.o)(-.-)(=.=)(¬.¬)(●o●)(ˉˉ.)(˚_˚)

(o.o)(-.-)(=.=)(¬.¬)(●o●)(ˉˉ.)(˚_˚)

(o.o)(-.-)(=.=)(¬.¬)(●o●)(ˉˉ.)(˚_˚)

“ayieeeeeeeeeeeee” sigaw ng mga kaklase ko

“yun dumidiskarte na si Chong Kevin!”

“dalaga na si Ateng Patricia!!”

“Kaka tuli mo lang ba Kevin bakit ngayon kalang nagpaka lalake?”

“Kumekerengkeng na si Patricia”

“nag papalipad hangin na ba?”sa hiya ko bumitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Kevin hindi ako sanay..

“bakit mo tinanggal?” nagtatampong tanong ni Kevin

“u-upo na ako..” umupo ako agad at nag-buklat ng book ng biglang malaglag yung binabasa kong book nung isang araw ‘Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo ’ ni Mr. Ramon Bautista

“hindi mo na kailangan yan pinapansin ka na eh!!” bulong ni Christine sa akin habang todo kilig to….Hindi ko nalang sya pinanasin kasi naman

KINIKILIG AKO >///////< brrrrrrrrrrr….

Para akong tumama sa lotto….

Kasi Last week lang broken hearted na ako ng sobra…

Naiiyak na nga ako marinig ko lang yung kanta na Old Friend ni Kyla eh…

Mag- reminisce tayo ..

Monday: 5 days before my Birth Day..nalaman kong may Prom din kami na hindi ako aatend..Kinagabihan dumalaw sina Kevin sa bahay… ‘SINA’ yung word ha hindi lang sya! Sabay nga pala kami nag-dinner dun sila kumain sa amin..nag-regalo si Tita(Mama ni Kevin) ds skin ng damit pang prom kaya  a-attend talaga sko

Tuesday: Sabay kaming pumasok at kumain ng Tanghalian, miryenda hinatid nya ako sa bahay…Kinis nya ako  sa forehead ko….

Wednesday: Sabay kaming pumasok at kumain ng Tanghalian, miryenda at nanuod sa sinehan ..at kumain ng kung ano-ano nag laro sa fun house in short nag-date kami ng walang pasabi sa akin..hindi din nya sinabeng mag-date kami ako lang nag-lagay ng label mhehehee

Thursday: Sabay kaming pumasok at kumain ng Tanghalian, miryenda at nag-movie marathon sa bahay..

Ngayon ay Friday hmmmmmmmm….. ano naman kaya ang gagawin nung mahal ko??

Ayieeeeeeeee mahal daw oh!!!!!!!!!!!!!

Sooooooooooo kiliiiiiiiiiigggggggggggggg tagos to my bones..

Nandito ako sa kwarto ko at nangingisay na sa kilig…

Kaso bad trip eh..Hindi pumasok si Kevin nakakalungkot tuloy hindi ko tuloy sya matitigan habang naka-upo sya sa corridor at nakikinig o kaya naglalaro sa cellphone nyang tatskrin.. Cute kaya nya para syang bata na tuwang tuwa sa laruan nya,

Tapos tetext ko dapat sya kasi concern ang lola nyo kaso hindi ko nga pala alam ang number nya…kaya ako eto pag-kauwi ko nag-online na ako sa fb… kaso..kaso,…kaso…ka-ka-kaso ko dito sumasakit na ang kasu-kasuan ko sa lamig dahil pasado alas-onse na hindi pa din sya ol…kapag kasi namimiss ko sya dati nag papaka stalker ako at dito ko sya pinagnanasahan sa profile picture nya sa fb ahehehehe…

Kaso hindi kami friends ayoko namang ako ang mauna mag-add kasi napaka desperado ko naman kung ganun ako..Kasi nung 2nd year lang ako nag-gawa ng account ko tapos ni hindi manlang ako i-add ng tipaklong na yun eh pareho kaming member ng group ng section namin..imposible namang hindi nya alamang fullname ng best friend nya diba???.

Kaya nga sobrang na-hurt ako dun to the point na naiiyak ako sa harap ng cp ko kapag nag-online ako sa school nakiki-wifi kasi ako dun ahehehe..tapos makikita ko sya na kasama nya yung gf nyang mukhang feet na maka-PDA yung girl lang naman ang msy gusto mukhang linta oo sya ayaw nya ng PDA kasi halatang halata na naiinis sya eh..hmmmm opinion ko lang naman..

Inaantok na ako pero wala pa rin syang paramdam o kaya ni walang ilagay sa wall nya!!! Grrrr sarap sapakin..

Makapag-post nga

Kay lamig ng hangin pati puso ko giniginaw na rin….

Ayan……..

Dami agad comment!!!

Hindi ko na kukukwento kung ano yung nakalagay kasi puro ka-epalan lang hindi ko naman mga kilala maka-comment super nega!!Kesyo ganun kesyo ganyan,ako daw ay ganun..tapos ganyan..

Jombagin ko sila eh. >=[

Meron pa yung isa sabi patyin ko daw ang aircon mag sindi daw ako na katol para hindi lamukin.. ano kayan connect nun diba? Ala dami ng bobo ngayun…

Hmmmpp.. BADTRIP kasing Kevin to ni hindi ako i-add…ni hindi manlang mag-update o kaya itext ako…

Biglang may lumabas sa screen ….

SI KEVIN MY LABS!!!!!!!!!!!!!!!!!! INADD AKO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!

Oh my gayd! Oh my gayd!  Oh my gayd!

Anong oras?? Exactly 12…

Birth day ko na!!!!!!!!!!!!!!

Gandang panimula ng araw!!

Gandang gift!!!!!!!!!! I really love it!! (♥.♥)

Tas syempre wag ng magpa tumpik-tumpik pa!!!

Booommmm kararaka ACCEPT NA YAN!!!!!!!!!

Ang nasa wall nya nakalagay

Happy birthday to my best friend…friend na ulit kita! At ang saya ko kasi ako ang unang bumati sayo..at see you tomorrow…sana umattend ka at ako ang date mo!! Wala ng aangal pa! akin ka na mula ngayon!!!

Ano daw??????????

ako ang date mo!! Wala ng aangal pa akin ka na mula ngayon!!!

ako ang date mo!! Wala ng aangal pa akin ka na mula ngayon!!!

ako ang date mo!! Wala ng aangal pa akin ka na mula ngayon!!!

WOHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! NYAHAHAHAHAHAHA AATEND AKO KAHIT WALA PA AKONG DAMIT!!!!!!!

Oh mo….

“WWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ko ng biglang narinig ko ang yabag ng paa ni Papaat Mama

“Anak bakit?” kinakabahan na tanong ni Papa

“asan ang mag-nanakaw? Asan?” natatarantang tanong naman ni Mama..

“Ma….ahuhu…kailangan ko ng damit!!!!!!”

~kinagabihan!~

“ganda mo girl!”-Christine

“ikaw din..ahehe” hindi ako kumprtable sa suot ko kasi super girlie,,..pero tiis-tiis lang para sa date ko kahit na mamatay ata ako dito sa Super Duper High Heels..

Galing ng Nanay ko nabili agad ako ng damit at sapatos kahit madaling araw palang iba ang maraming friends!

“Tumangkad ka!!”-Christine

“Syempre naman mamatay-matay ako dito sa heels ko tumangkad lang ako.parang ikaw hindi ka ganun ha!” pang-iinis ko sa kanya,,

“ahehe wala eh ..pinanganak tayong cute! ahahaha”

“cute yuck hindi ako aso!” nga pala busy kami sa pagkain kasi yung dalwa nmin na date nig-cr at ewan ko kung nasaan na sila,,

Si Kevin ko syempre ang gwapo!! Tinutkso na nga ako ng mga classmate ko kay Kevin kasi nabasa nila yung sa Fb! At ang dami kung nareceive na gifts..

Pero .. yung magaling kong date wala pang gift sa akin.:(

“Nasan na yung mga classmate natin?” kasi naman parang kumonti yung tao dito sa Venue

 Eh sila lang yung maingay eh..tapos biglang na wala yung mga baliw sa dance floor

“ah nasa corridor tinutulungan si ..aisst patay nga pala!~” napatingin nalang ako kay Christine ng hindi na sya nagtuloy sa pagsasalita at nakita kong nakahawak sa bibig nya.sabay titig sa orasan sa phone nya

“anyare? Bakt tumahimik ka? Ano ba ang sasabihin mo?” diretso lang ako sa pagkain

“a-ano…. Ah!! Nga pala naC-cr ako eh tara samahan mo ako kasi dib a dadaan pa ng corridor bago makapunta ng cr eh nkakatakot eh!”

Ano yun nakalimutan nyang mag-ccr sya? Umuurong ba ang ihi?

“ang weird mo!” susubo pa sana ako ng carbonara kaso bigla akong hinigit ng babaitang ito..   

“Halika na bili!” tumakbo kami hanggat makarating kami sa Corridor katakot nga eh walang ilaw hindi ba nila alam na may party at talgang pinatay nila yung dapat eh ilaw sa labas ng cr..

“Hey! Christine asan ka!?” bigla kasing wala na akong kasama dito yung totoo may powers bay un at bigla nalang nawala.

Kinabahan ako ng makarinig ako ng napaka raming yabag parang may mga taong papalapit sa akin.

“Hoy! Hoy! Hoy! Sino ba ang nandyan? Nantitrip ba kayo? Hindi ako natutuwa! Natatakot ako!!” sigaw ko …kasi takot ako sa dilim, takot ako sa mumu, takot ako mag-isa in short DUWAG ako..

Tuloy lang sila sa pag-lapit sa akin..ako eto todo kabog ang dib-dib ko..natatakot ako..langhiyang Christine yan pag-ako nakaalis dito kokotongan ko yun!

Ng biglang may umilaw na mga L.E.D. lights na pa heart ang ayos..

Sunod-sunod na bumukas ang ilaw isa-isa itong bumukas hanggang sa dulo ng corridor nandun yung mga classmate ko at naka-ngiti

“sabe na trip nyo ako eh! Oh ano pa tinatayo nyo dyan panalo kayo natakot ako!” tumalikod na ako sa inis ko..sa dami ng taong pagtitripan ako pa!

“wag kang aalis friend dyan ka lang!” sigaw ni Christine hinarap ko uli sila

“isa ka pa pag ako lumapit dyan kokotongan kita!” lumapit ako sa kanila!

Tak Tak!

Biglang may mga Confetti na bumagsak ano ba ang nangyayari?

~A million times or more I thought about you

The years of tears, the laughter, things we used to do

Are memories that warm me like a sunny day

You touched my life in such a special way~

Naka-drugs ba sila?

Kumanta ba naman ng love song?

Kelan pa sila naging romantic?

“Anung trip nyo at nagpaka cheesy kayo?”

Kaso puro girls lang yung kumakanta..yung mga lalake sila yung may hawak ng mga cake kasi pa-letter yung cake  P-A-T-R-I-C-I-A  H-A-P-P-Y B-I-R-T-H-D-A-Y

Kahit na naiinis ako sa kanila nakakatuwa din kasi ang sweet nila.

~I miss the way you run your fingers through my hair

Those crazy nights we cuddled in your easy chair

Oh no, I wont let foolish pride turn you away

I’ll take you back whatever price I pay~

Biglang may yumakap sa likod ko sabay kuha ng kamay ko at hinarap ako sa kanya

“AYIEEEEEEEEEE!!” sigaw nila

“Kevin?” gulat kong sagot habang nakatitig sa kanya

“Happy 17th Birth Day!!” niyakap nya ulit ako pero nakaharap na ako sa kanya ngayon..

“t-thanks”niyakap ko din sya.. bango nya be!! Ahehehehe

~Old Friend, it’s so nice to feel you hold me again

No, it doesn’t matter where you have been

My heart welcome you back home again~

Bumitaw sya sa yakap nya sa kin..ay sayang aehehehe

“Patricia oh” may inabot sya sa kin na box

“mga regalo ko..” sabay ngiti nya oh my! wag pls masyado kang gwapo nakakalusaw ang kinang ng iyong mukha tuwing ngingiti ka!

“salamat!” pagkakuha ko binuksan ko agad kasi nga atat ako minsan..

May teddy bear, kwintas, bag na pink, at cellphone…

“eto lahat? Ang dami naman!” ang reklamador ko eh ako na nga itong binibigyan echos pa ako..

“kasi itong Bear regalo ko yan nung first year tayo di ko nabigay kasi wala na tayong pasok, etong kwintas kasi hindi ko alam kung paano ko ibibigay sa iyo baka hindi mo tanggapin kasi marami ka ng ganito...itong bag na ito binili ko para din sa birth day mo kasi naalala kita  kaso pinilit ako ng ex ko na maging kami kaya dib a parang mali na mag-regalo ako sa isang babae lalo na at may gf na ako NUN at etong cellphone may sim na yan kasi apat na taon na akong may number mo kaso wala akong lakas ng luob na itext ka! Sorry... ” bakit sa simpleng sorry nya gustong-gusto ko na syan patawarin? Dahil ba Mahal ko sya?

“baka kasi ayaw mo lang talga akong regaluhan? Kasi ni hindi ka manlang nag aksaya ng oras magpaalam..ni hindi mo naiisipan humingi ng advice nung na-inlove ka diba best of friends tayo? Bakit sa luob ng apat na taon ni hindi mo naiisipang lapitan, kausapin at magpaliwanag sa akin..” tumulo na ang luha ko..kasi lahat ng galit at inis ko sa kanya kailangan na nyang malaman..

“Patricia sorry..” mahina nyang sabi at kitang kita ko na tumulo yung luha nya kahit hindi ako nakatingin sa mga kaklase ko alam kong nakikinig sila dahil huminto sila sa pagkanta at pangangantiyaw.

“Nung birth day ko Nung first year ako nagpahanda ako ng spaghetti na may maraming cheese kasi alam ko yun ang favorite mo kaso nakalimutan ko na may isang taon mo na akong hindi kinakausap..tuwing papasok ako at dadaan sa corridor na ito lage kitang nakikita pero kahit misan ni hindi mo ako tiningnan ni minsan hindi mo pinag-tuunan ng pansin” nagtitigan lang ang mga mata naming na parehong umiiyak..naririnig kong sumisinghot na din yung mga kaklase namin

“nung mga araw na hindi mo ako pinapansin inisip ko nalang baka gusto mo ng bagong kabigan kaya siguro nawawalan ka na ng time pumunta sa amin,.kasi lalake ka baka gusto mo ng barkadang lalake na mas makakaintindi sa iyo kasi ang iniisip ko mamimis mo din ako…pero ang masakit lang…nagkaruon ka ng girlfriend na sobrang nagpasakit dito,,.dtio sa puso ko kasi nun ko lang na-realize limot mo na talaga ako..” lumayo ako sa kanya pero hinawakan nya yung pareho kung kamay..

“Kahit kalian ni hindi kita nakalimutan kaya ko lang sya naging girlfriend kasi sabe nya may gagawin yan masama sa sarili nya pag hindi ako pumayag na maging kame…Hindi ko sya mahal kasi sa luob ng apat na taon ang babaeng may pangalan lang na Patricia na best friend ko nung grade school kami ang nagpatibok ng puso ko…kahit kailan hindi yun magbabago..Kaya nung naghanap sya ng iba hinayaan ko ng sumama sya sa iba kasi ikaw yung mahal ko” umiiyak sya habang nagsasalita,,at nakatitig lang talaga sa akin..

“Kaya lang naman kita nilayuan dahil kay tito ,..dahil sa Papa mo..”

“ano naman ang kinalaman ni Papa?”

“nung grade six tayo inamin ko sa kanya nagusto kita..”

“Ha?Alam ni Papa?” bakit ni hindi manlang sinabe sa akin ng mga magulang ko?                       

“oo..pero sabi nya ayaw nya pa daw na ligawan kita kasi sobra pa nating bata..Ang totoo nyan kaya hindi kita kinausap ng matagal kasi sinasanay ko na ang sarili ko na wala ka kasi balak nina Papa na mag-migrate kami sa ibang bansa nung second year tayo .hindi ko alam kung paano magpaalam pa..” pinunasan nya ang luha nya at pinahid din ang luha ko sa pisngi..

“Anong kinalaman ni Papa?”

“Nung una hindi ako payag na umalis kami ng bansa kaso ng sinabe ni Tito na ayaw nya ako para sayo sobrang sakit nun kasi anu naman ang dahilan nya para hindi nya ako magustuhan?bakit may mali ba akong nagawa?Pangit ba ako para sayo? Ang alam ko gwapo ako eh ahehehe” nag-biro pa talaga to pero ano ang dahilan ni Papa para gawin yun ? Hindi ko maintindihan

“kaya nung sinabe uli ni Papa na aalis kami pumayag na ako..kaso ng marealize ko na hindi ko kaya na hindi kita makikita kahit sa malayo parang mamamatay ako sa hirap kaya nag-paiwan ako…Kinusap ko uli si Tito at pumayag sya na liligawan kita pagka-graduate natin ng high school tiniis ko na hindi kita kausapin kasi yun ang gusto ng Papa mo kasi alam nya na pag malapit tayo sa isat-isa baka mag-asawa agad tayo ng wala sa oras” ngumiti naman agad sya ng nakakaloko

“abno kaba? Anong asawa ka dyan?” sabay batok ko sa kanya..

“ewan sabi ng tatay mo yun eh..kaya pumayag akong lalayuan muna kita para makahanap ka na din ng ibang kaibigan..Kaso naalarma ako ng biglang sinabe ni Christine na umiiyak ka nalang bigla at lagi kang malungkot nung lunes na alarma ako sabihin mo Patricia may mahal ka na bang iba?” para syang batang yumuko..natawa naman ako sa tanung nya

“Meron na eh..” sagot ko sa kanya at nakita kong lumungkot yung mukha nya

“Dapat pala hindi ko nalang sinunod ang Papa mo dapat pala tinanan na kita dati pa at ng hindi ka na nagmahal pa ng iba..Hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko na lapitan ka kapag nakikita kitang nagdadadaan ka sa corridor na ito…” tumulo muli yung mga luha nya..mga luha ng panghihinayang pero teka at what? tinitingnan nya ako kapag naglalakad ako ditosa corridor?

“Natatawa ako sayo kapag natutulog ka sa tabi ng bintana kapag nagsasabunutan kayo ni Christine lalo na nung umiyak ka kasi natagusan ka” aba abno to ah natawa pa na napahiya ako..

“natuwa ako kasi dalaga ka na pwede na talaga kitang ligawan..kada magpapalit ka ng number mo sinisigurado kong alam ko ..sa fb mo lage nga kitang tinitingnan dun may pagka selfie ka pa nga eh..aheheheheh..Kaso may mahal ka na palang iba..” this time ako naman ang yumakap sa kanya

“Tange ikaw yung mahal ko! Tagal na kaya! Miss na Miss na nga kita eh …Sobra!!”yumakap din sya sa akin ng mahigpit..

“AYUN OH!!!!!!!!!” nagpalakpakan yung mga kaklase ko at nag-umpisa na uli silang kumanta hinawakan ni Kevin ang kamay ko at nag-sway sway sya..at sumasayaw kami

~Remember those romantic walks we used to take

You held my hand in such a way my knees would shake

You can’t imagine just how much I’ve needed you

I’ve never loved someone as I loved you~

Unti-unting lumapit ang mukha nya sa mukha ko…pumikit ako pati na rin sya narinig kung tumitili na yung mga kaklase ko at todo cheer yung mga lalake,..

Dumampi ang mga labi nya sa akin..Dumampi ag mga labi nya sa pisngi ko..

Syempre sa pisngi lang aba ni hindi pa nga sya nanliligaw 3 points na agad ang gusto nya?Asa!!

“I love you Patricia!!” sigaw nya ng malakas buti kame-kame lang ang nandito ..Haba ng hair ko!!

“I love you too Kevin!!!!” sigaw ko din sa kanya.

“Tayo na?” Masaya nyang tanong

“Hindi!”pang basag trip ko namang sagot

“Ano bakit naman?” napakamot nalang sya sa ulo nya

“Dalagang pilipina ang ginusto mo eh kaya magtiis ka at maghirap sa panliligaw..tsaka isang linggo palang tayo bati nuh! Beh =P ” hinarap ko naman yung kaklsae ko

“Kayo ha! Salamat sa effort I love you guys!!” sigaw ko sa kanila ng bigla akong hinigit ni Kevin

“oh bakit?”

“wag kang mag I love you sa kanila! Sa akin lang..” parang batang nagtatampo sya

“naku..naku…ito naman selos agad.hindi pa nga tayo ei..ahehehe” niyakap ko nalang sya at ganun din sya sa kin

“Naku friend mahirap yan seloso pala yan ahehehe..o sige itutuloy nalang naming yung pagkanta mag-moment muna kayo dyan ha!”

Nag thums up nalang ako sa kanila kasi naman birthday ko naman kaya hayaan na ntin na mag-moment kami ehehehe

~Old Friend, it’s so nice to feel you hold me again

No, it doesn’t matter where you have been

My heart welcomes you back .

Old friend, this is where our happy ending begins

Yes, I’m sure this time that we’re gonna win

Welcome back into my life again.~

Bumalik na ang best friend ko at ang masay nito at mahal nya ako..:) hindi ako na friendzone sa kanya yun ang mahalaga..

~Yes, I’m trying to live my life without you

Knowing I had lost my closes friend

We’ll I’m feeling low from time to time

Knowing I would never find

The kind of love I had when you where mine~

Kahit nagka hiwalay kami..kahit na yung gwapo kong Papa ang dahilan nun ok na rin siguro kasi alam na naming yung feeling ng magka-layo at hindi ko na hahayaan pang mangyari yun muli..Hindi ko kakayanin na mawala ng pa uli-ulit yung lalaking nagtiis ng matagal na panahon makapiling lang ako…Buti na rin siguro na nawalan kami ng communication kasi kung nagka-taon nagkasawaan kami ng wala sa oras..

~Old Friend, it’s so nice to feel you hold me again

No, it doesn’t matter where you have been

My heart welcomes you back .

Old friend, this is where our happy ending begins

Yes, I’m sure this time that we’re gonna win

Welcome back into my life again.~

“Hindi ko na hahayaang magkahiwalay pa tayo..” bulong nya sa kin

“Ako din…”

“Lalo kitang minahal sa mg panahong nakikita kita sa corridor na ito na dumaraan kasi lalo kitang namimiss kapag nakikita kita dito,,hindi naman kita mapuntahan sa inyo..kaya salamat sa corridor na ito kasi dahil dito ka laging nag-dadaan napapawi ang pagkamis ko sayo ng sobra…”

“mas mahal mo ata yung corridor kesa sa akin” biro ko naman

“hindi nuh mas mahal kita ..” nanatili kaming magka yakap hanggang sa matapos ang kantaJ

Mananatili kaming Masaya pangako ko yan sa inyo…

Dahil mahal na mahal ko itong lalaking to…

Sana wala ng dahilan para masira ang lahat…

Dear Readers…

            Ginawa ko itong story na ito simula ng December 21, 2013 at natapos ko lang ng January 3 2014 na…Tagal nuh? Hindi ko kasi alam kung paano tatapusin..eh nung napanuod kung magdrama si Chichay at Wacky boy sa G2b na inspired ang lola nyo kasi favorite din ito ng isa kong classmate na si Patricia kaya Regalo ko na ito sa kaibigan ko na si Patricia J ang taray ng new years gift ko ha!

Sana nagustuhan nyo itong one shot story ko na ito…Kasi ito masasabi ko na hindi puchu-puchu di tulad ng una kong ginawa na I love my superstar kasi nga gift diba? Kaya dapat special ang story na ito …

May isa pa akong istorya na ginagawa Dear Sratnger Love Eden ang pamagat sana naman may mag-basa .. pa-share at ipagkalat ang mabuting balita na kaibigan ko din ang bida dun..

Kaya kung gusto nyo na gawan ko kayo ng story makipag-kaibigan kayo sa akin..

Follow me..I-vote itong story at mag comment na din yun lang ang simple at nag-mumukod tangi kong hiling

That’s all Folks ^.^

Nagmamahal na Author,

Istoryaniangge

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: