Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

☠ 51


Puno ng takot ang mga mata ni Sandra nang balikan ang lahat ng mga mensaheng ginawa at natanggap sa loob ng halos tatlong linggo. Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha nang mabasa ang post na ibinahagi ng kaibigang si Clyde.

"Sandra, gusto mo ba ng midnight snack?" Lumabas si Agnes mula sa banyo, nagpupunas ng buhok. Naglaho ang ngiti sa mukha nito nang makita siyang nanginginig at hindi halos makahinga.

"Sandra!" Dali-daling lumapit si Agnes at marahan siyang hinawakan sa braso. "A-Anong nangyari? Ba't ka umiiyak?"

Tanging singhap at iyak lamang ang naisagot ni Sandra kaya naman nataranta si Agnes at labis na nag-alala. "T-Teka kukuha ako ng tubig at paper bag!"

Kumaripas si Agnes ng takbo palabas ng silid at pababa ng hagdan, naiwan naman si Sandra na nakaupo sa kama.

Hatinggabi at tulog na ang kapitbahayan, namukod-tangi sa katahimikan ang bawat hikbi at iyak ni Sandra.

Sa isang iglap, bigla siyang nakarinig ng isang malakas na kalabog. Sa hindi malamang dahilan, lalo siyang nakaramdam ng kaba.

"A-Agnes?" Umiiyak niyang sambit sabay tayo, mahigpit ang hawak sa kanyang cellphone.

Lumabas siya ng silid, mabibigat ang bawat hakbang habang tinutunton ang pinanggalingan ng kalabog. Nahigit niya ang kanyang hininga nang makarating sa tapat ng master's bedroom at makitang nakabukas ang pinto.

"A-Agnes?" mahina niyang sambit sabay silip sa loob. 

Nakapatay ang ilaw sa kisame, ngunit dahil sa nakasinding study lamp ay naaninag niya ang nakabukas na bintana. Dahil sa malakas na ihip ng hangin, pansin niyang pumapasok sa bintana ang ilang sanga ng katabing puno. Pumapasok na rin at napupunta sa sahig ang ilang patay na dahon.

Lumapit si Sandra sa bintana at pinagmasdan ang mga dog house kung saan natutulog ang mga aso. Napabuntong-hininga siya at hinila pababa ang bintana. Gumawa ito nang malakas na ingay, pero hindi nagising o gumalaw ang mga aso.

Pinunasan ni Sandra ang mga luha at nagsimulang maglakad papunta sa pinto. Nakakailang hakbang pa lang siya nang bigla na lamang may humawak nang mahigpit sa kanyang paa.

Impit siyang napasigaw, ngunit kasabay nito ang malakas niyang pagbagsak sa sahig. Bago pa man siya makabangon, nakita niyang gumapang mula sa ilalim ng kama ang isang malaking pigura na nakasuot ng isang kulay puting maskara.

Sa sobrang gulat at takot ay dali-daling gumapang si Sandra patayo at tumakbo. Ngunit sa paglabas niya ng silid ay bigla siyang may nakasalubong.

"K-Kaylee!" Iyak ni Sandra at agad na hinigit ang braso ng kaibigan. Hinila niya ito upang sumasabay sa pagtakbo, pero nanatili lamang ito sa kinatatayuan.

"Kay..." Nagsitayuan ang balahibo ni Sandra nang makita ang ngisi sa mukha nito.

"I told you to check under the bed," mahina nitong sambit.

"A-Ano?" Napasinghap si Sandra, puno ng takot at kalituhan ang mukha.

"You've been dying to meet Sting, right?" Nagtaas ng kilay si Kaylee.

Wala sa sariling napalingon si Sandra at laking gulat niya nang makitang nasa likod na niya ang taong naka-maskara. Wala na siyang nagawa pa nang biglang tumama sa sentido niya ang isang matigas na bagay.

***

Hinang-hina man, pilit na dumilat si Sandra. Natagpuan niya ang kanyang sarili na nakaupo sa sahig. Sinubukan niyang sumigaw at gumalaw, ngunit nagimbal siya nang mapagtantong nakatali ang kanyang mga kamay at may busal pa ang kanyang bibig.

Impit na napasigaw si Sandra nang makita niya si Kaylee na nakaupo sa ibabaw ng kama, nakangisi habang pinagmamasdan ang kanyang bawat galaw.

"About two years ago, I told you that I will come for you and make you pay for ruining my life. Well, this is it, Sandy." Humalakhak si Kaylee. "You really thought you can escape the consequences of your actions by blocking me. Well, take a look... I didn't just find you, Sandy. We became friends."

Nanlaki ang mga mata ni Sandra sa narinig. Imit siyang nagsisigaw, nanlalaki ang mga mata.

"You probably don't remember me, right?" Napabuntong-hininga si Kaylee at ngumiti. "Gano'n naman talaga 'yon 'di ba? The perpetrators quickly forget their wrongdoings, while the victims suffer from the trauma for the rest of their lives."

Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Kaylee. "It's so easy for you to spread false rumors and talk bad about people while hiding behind your dummy account. Alam mo, ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung bakit mo 'yon ginawa sa mga taong hindi mo naman kilala. What did you get from spreading rumors? Did it make your heart feel good? Did it make you happy? Did it make your life a little less miserable? Probably no, because you're a pathetic loser who only finds happiness in talking shit about other people. I get that you're thirsty for attention, but dang it, Sandra. Did you have to make other people suffer for it?"

Pilit na sumisigaw si Sandra ngunit dahil sa busal sa bibig ay mumunting ingay lamang ang kanyang nagagawa.

"You called it a tea, right? Well, your tea made my brother's life a living hell." Tuluyang pumatak ang mga luha ni Kaylee habang nakatitig sa kawalan. "Everyone bullied him for something he didn't even do. I begged you, Sandra. I begged you to take down your posts and clear his name, but you did nothing. You just blocked me and acted like you did nothing wrong!"

Pagak na humalakhak si Kaylee. "You created that Lovely Little Sandy page to spread different rumors. You even accepted submissions from rumormongers like you! Wala lang sa'yo ang ginawa mo kasi hindi ikaw ang biktima! Kung ikaw 'yon, anong mararamdaman mo? Hindi mo 'yan naisip 'di ba? Saka mo lang binura ang page na 'yon nang magpakamatay ang kapatid ko. Napakadali lang sa'yo ng lahat. You moved on like nothing ever happened, while my family suffered so much! My father was so heartbroken over what happened to my brother that he died of a heart attack!"

Nanlaki ang mga mata ni Sandra sa narinig.

"Yeah, that's right. My father has been dead for years, and it's all because of you." Ngumisi si Kaylee, tagaktak ang mga luha. "At hindi lang buhay ko ang sinira mo, Sandra. Marami kami. You only got away with it because no one knew you were behind that Lovely Little Sandy page. But believe me, Sandra. When the truth comes out, no one will be there for you. 'Yong mga kagaya mo, babaliktad rin sila, magkukunwaring inosente kahit parehong-pareho kayo ng mga ginagawa."

Panay ang iling ni Sandra, pilit na sumisigaw. 

"I'm not as cruel as you, Sandra. In fact, the reason why I befriended you was to learn whether you have changed your ways or not. See, it's been a while since we found out the truth. We just didn't do anything because we hoped you would show signs of guilt or regret. Well, do you regret everything you've done? Have you changed your ways?"

"Mmm!!" Impit na iyak ni Sadra at desperadong tumango-tango habang umiiyak. 

"Are you really sorry? Or are you sorry now because someone knows your dirty little secret?" Ngumisi muli si Kaylee.

"Agnes? Sandra?"

Parehong nanlaki ang mga mata nina Kaylee at Sandra sa gulat nang marinig ang boses ni Clyde mula sa labas ng silid. Nabuhayan ng loob si Sandra at lalong nagsisigaw, si Kaylee naman ay mabilis na napatayo.

Bago pa man makalapit si Kaylee sa pinto, bigla itong bumukas at pumasok si Clyde.

"Sandra?" bulalas nito, kunot-noo.

Lalong nagpumiglas si Sandra at impit na umiyak, nabuhayan ng pag-asa ng makita ang kaibigan.

"Anong nangyayari?" bulalas ni Clyde, pero umirap lamang si Kaylee.

Mabilis na lumapit si Clyde at hinila si Sandra patayo. Dali-dali nitong tinanggal ang busal sa bibig ng dalaga.

"Sh-She's crazy!" Singhap ni Sandra sabay hagulgol. "C-Call the cops! Kaylee's crazy! She's going to kill me!"

"Ano?!" tanong agad ni Clyde.

"Sandra's behind the infamous Lovely Little Sandy page," tila ba nababagot na sambit ni Kaylee sabay lakad palapit sa malaking aparador ng silid.

"Hindi!" Protesta ni Sandra at lalo pang naiyak. "C-Clyde, it wasn't me!"

"Kung gano'n, sino?" Nagsimulang manubig ang mga mata ni Clyde. "Sino ang nasa likod ng page na 'yon?!"

"I-It was Agnes!" Walag pagdadalawang-isip na giit ni Sandra sa pagitan ng bawat hikbi. "Agnes made that page! She posted those foul rumors! Last month ko lang din nalaman!"

Nagbaba si Sandra ng tingin sa sahig at humagulgol. "It was her! She made that page!"

"I know..." Bumuntong-hininga si Clyde.

Umiiyak man, napangiti si Sandra dahil sa narinig. "Th-Thank you for--"

"I know the truth, Sandra. You can't lie your way out of this," walang emosyong dagdag ni Clyde, malayong-malayo sa dati nitong kilos.

Napakurap-kurap si Sandra. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Clyde habang humahakbang paatras mula rito. "C-Clyde... I..."

Nagbaba ng tingin si Clyde sa sahig, lumuluha. "We were friends since we were kids, Sandra. How could you do that to me and my family?"

"No, Clyde, it was Agnes!" Hagulgol ni Sandra.

"No, it was you..." kalmadong giit naman ni Clyde, pulang-pula ang mukha at mga mata dahil sa galit. "You spread rumors about my dad and our restaurant. People believed you and stopped coming, we had no choice but to close down. May sakit si mommy nang mga panahong 'yon, pero walang-wala kami. That restaurant was our only source of income, Sandra. And because of what you did, people refused to help us and we couldn't even provide mom's needs. Wala kaming nagawa hanggang sa nawala siya."

Umiling si Sandra at mabilis na humawak sa braso ni Clyde. "Hindi ako 'yon! S-Si Agnes--"

"Agnes was your victim, too." Mariing pumikit si Clyde. "Nakalimutan mo na ba? A video scandal spread around the campus and through the Lovely Little Sandy page, you deduced that it was Agnes."

Napasinghap si Sandra, hindi makapagsalita.

"As expected, wala lang sa kanya ang mga ginawa niya." Napabuntong-hininga si Kaylee at binuksan ang aparador sa kanyang harapan. Inilabas niya mula rito ang luhaang si Agnes, nakatali ang mga kamay at may busal ang bibig.

"You heard everything, right?" tanong ni Kaylee sabay tanggal ng tali sa kamay ni Agnes, pati na ng busal sa bibig nito.

"A-Agnes..." Singhap ni Sandra.

Napatitig si Agnes kay Sandra, nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha. "Th-that was you?"

"A-Agnes, sorry!" Iyak ni Sandra sabay iling. "I-It was just a guess--"

"You made me want to die!" Palahaw ni Agnes at mabilis na tinanggal ang relo sa kanang braso. Itinaas nito ang pulsong puno ng mga peklat. "It was years ago, but I can still remember how painful every single day felt for me! No one believed me, even if it wasn't me! I was living in hell, Sandra! What did I ever do to you?!"

"You did it to yourself! It wasn't my fault!" luhaang giit naman ni Sandra, nakakuyom ang mga kamao. "Bakit ako ang sinisisi ninyo?! Your brother killed himself, not me! It wasn't my fault your mom's sick! And what the fuck, Agnes?! Ako ba ang naglaslas sa pulso mo?! Bakit ako ang sinisisi ninyo?! Depressed din ako, pero sinisi ko ba kayo?! You guys are just a bunch of weaklings!"

Napasinghap si Kaylee, hindi napigilang ngumisi. "You haven't changed at all, Sandra."

"We even asked Sting to give you one last chance." Napabuntong-hininga naman si Clyde.

"K-Kasabwat n'yo 'yong Sting na 'yon?" Napakurap-kurap si Sandra, ngunit ilang sandali pa ay napasinghal. "Mga hayop kayo! Pare-pareho kayong mananagot sa ginawa ninyo! Ano 'yon?! Paghihiganti n'yo 'yong pananakot sa akin?! Hindi ko 'to palalampasin! Sisiguraduhin kong makukulong kayo!"

Umalingawngaw ang sunod-sunod at mabibigat na hakbang. Pare-pareho silang napalingon sa pinto at nakita ang isang malaking pigura na lumapit sa pinto. Nakasuot ito ng isang kulay puting maskara.

Napalunok si Sandra sa takot nang makita ang baril na nasa kamay nito. "G-Guys.."

"This is Sting. He reached out to your victims the moment he found out your identity. Sa aming lahat, kaming dalawa lang ni Clyde ang nakiusap na bigyan ka ng pagkakataong magbago at magsisi," walang emosyong sambit ni Kaylee at nagbaba ng tingin sa sahig. "You just blew your last chance, Sandra."

"W-What?" Napasinghap si Sandra, halos hangin ang lumabas mula sa bibig.

"What about you? Are you willing to give her a second chance?" tanong naman ni Clyde sabay tingin sa direksyon ni Agnes.

Nagpunas ng mga luha si Agnes at pilit na nagtaas ng noo. "I don't care, just don't do your shit here. Ayokong madamay. I didn't see or hear anything."

Hindi nakakilos si Sandra, gulat na gulat at litong-lito sa mga nangyayari lalo na nang isa-isang lumabas ng silid sina Agnes, Clyde, at Kaylee.

Hahabol sana siya sa mga ito, ngunit nakaramdam siya ng pagkahilo. Nagsimulang manlambot ang kanyang mga paa, hanggang tuluyan siyang bumagsak sa sahig.

Bago tuluyang sumara ang mga mata, nakita niyang lumapit ang isang taong nakasuot ng puting maskara.

"Nice to meet you, Sandra. It's time for me to take your heart."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro