Loving Your Imperfections
Unpleasing Beauty Series #2
Si Christina Francheska Vergara ay isang babaeng mababa ang confidence at tiwala sa sarili. Maganda siya ngunit hindi masyado alaga sa balat, ang maputi niyang binti ay may mga peklat, ang kaniyang katawan ay hindi kapayatan, matangkad ngunit kalakihan, maliban sa mga peklat ay maiitim ang kanyang siko at tuhod marami rin siyang stretch marks sa tiyan, hindi niya kaya mag-suot ng mga damit gaya ng shorts,crop top, sando, dress, at kahit anong damit na makikita ang kaniyang katawan. Nagka-trauma na siya sa bully dahil bata pa lang ay sad'yang binubully na siya ng mga tao, maski magulang niya at pamilya niya ay kinakahiya siya dahil sa katawan niya.
Kaya lagi lang siya nakakulong sa kan'yang kwarto, ilang beses din siya umilit ng pag-aaral, bago niya na pag-pasyahan ang tumigil nalang. Sa edad na 13 ay nasubukan na niyang kitilin ang sarili dahil sa mga masasakit na natatanggap niya, physical and emotional.
Madalas siyang saktan ng kan'yang ama, sinturon,kahoy at kung ano-ano pa ang ginamit nito, habang puro masasakit na salita naman ang nakukuha niya galing sa kan'ya ina, tangi ang kanyang Kuya, Lolo at Lola lang ang kakampi niya sa buhay ngunit wala masyadong alam ang mga 'to.
Sa bahay ay sinasaktan siya ng magulang niya habang sa paaralan naman ay binubully siya ng kan'yang mga kaklase, minsan ay umaabot na sa puntong physical na ang pang-bubully ng mga 'to sa kan'ya.
Kaya laking pasalamat ni Christina na kahit hindi siya nakapagtapos ng college ay ang iniwang restaurant sa kaniya ng kan'yang, Tita ay napalago niya nang maayos, mahirap pero, kinaya.
Kilala ang pamilya niya sa lugar nila at sa iba pang bansa bilang mayaman at beauty queen ang lahi ng pamilya niya. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit siya kinakahiya ng pamilya niya.
Sa edad na Twenty-six years old ay gano'n pa rin ang buhay niya kung noon ay bahay at school siya, gano'n din ngayon, trabaho at bahay lang, wala pa rin siyang confidence sa sarili kaya madalas lang din siya magtago.
Pero, isang araw habang busy siya sa restaurant ay laking gulat niya ng pumunta ang Ina niya roo , at masama ang mukha sa kan'ya ibinigay ang isang invitation card.
Gusto ng kan'yang Lolo at Lola na pumunta siya sa birthday celebration ng Lolo niya, gulat at kabado si Christina sa gustong mangyari ng mga Lola niya dahil sa unang pagkakataon ay mismo ang Ina niya ang nag-bigay ng invitation card at pumayag ito sa gusto ng Lola at Lolo niya dahil sa nagdaan na taon na nag-ce-celebrate ang Lolo at Lola niya ay hindi siya dumadalo dahil alam niyang magagalit sa kan'ya ang magulang niya at alam din niyang maraming bisita ang dadalo.
Kahit takot na takot ay dumalo siya binigyan siya ng kan'yang Lola ng gown na pinasadya pa talaga para sa kan'ya ngunit hindi niya sinuot 'yun dahil sa takot na ma-husgahan ng tao nasa paligid niya.
Pero hindi niya inaasahan na sa pag-dalo niya ng okasyon ng kaarawan kanyang lolo makikilala niya ang isang lalaki ugod ng sungit at parang lahat sa paligid niya ay problema.
Si Alexis Marco Hernandez ay apo ng isang sikat na nagmamay-ari ng isang malaking hacienda sa province nila may sarili rin itong company pero hindi pa iyon gano'n kasikat. Masungit si Alexis, gusto niya sarili niya lang ang nasusunod maski ang kan'yang Ina ay hindi nito sundin, palibhasa ay may galit pa rin siya sa kan'yang Ina, sinisisi niya ito, kaya hindi sila buong mag-pamilya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro