Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

BREAK

Khai's POV

What is the color of the solution positive for the ONPG test? I read the last question from the questionnaire silently. I shaded C on the scantron as it says yellow. I reviewed my answers for the last time before submitting it to the proctor.

Ito na ang huling exam ko para sa midterms, at mukhang maayos naman ang magiging resulta. I finished answering for about 30 minutes, and I am confident about most of my answers.

Tumayo na ako at mabilis na lumabas ng room. Gusto ko nang kumain ng late lunch. Three o'clock na kasi ng hapon, at kaninang 7 pa ang huli kong kain. Inuna ko kasi ang mag-aral kaninang break para sana makapagbasa-basa pa ako para roon sa isang subject. May mga topic kasi sa exams na hindi ko na-cover dahil wala ako noong last discussion.

Hindi ko kasabay ngayon si River dahil may family dinner daw sila mamaya at kinakailangan niyang maghanda dahil kasama raw nila iyong anak ng isang kaibigan ng papa niya. Hindi ko pa alam ang buong detalye pero siguradong magkukwento iyon mamaya sa akin habang naglalaro.

Naiisip kong sa isang fast food resto na lang kumain para mas convenient. Ngayong linggo, halos sa fast food chain lamang ako kumain dahil wala na akong time magluto dahil mas inaalala ko ang mga exam. Kaya baka nanganganib na rin ang laman ng account ko.

Habang naglalakad palabas ng building ay tumunog ang cellphone ko. I fished it out of my pocket and I saw a notification from Instagram.

Ydenverdelossantos: Sa'n ka?

khairamirez: Palabas pa lang ng school. Kakain.

khairamirez: U?

Ydenverdelossantos: Are you with someone?

khairamirez: No. Mag-isa lang. Baka mag-fastfood lang ulit.

Ydenverdelossantos: No, you wouldn't. Hintayin mo ako sa Gate 10.

khairamirez: Huh? Why?

Nakakunot ang noo kong tiningnan ang message pero hindi na siya nag-seen pagkatapos noong huli niyang chat. Naguguluhan man ay dumeretso nga ako sa Gate 10. Nakakahiya naman, baka maghintay si Mr. Matcha roon.

Malapit lang sa building ko ang sinabi niyang gate kaya nakarating agad ako roon. Umupo lang ako sa bench na nasa ilalim ng isang malaking puno. Nakatingala lang ako habang naghihintay.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang pares ng kamay na tumakip sa mga mata ko. This fresh scent...

"Ang tagal mo," reklamo ko.

Narinig ko naman siyang tumawa. "Ikaw, masyado kang natutuwa sa fast food." Tinanggal niya ang kamay niya mula sa mga mata ko at tsaka pinitik ang noo ko. Sinamaan ko siya ng tingin. What was that for?

"Tara na."

Dahil gutom na ako ay sumunod na lang ako sa kanya. Saan kaya ako dadalhin ng isang 'to? Baka naman mamaya ay sa fastfood lang din, tutuktukan ko 'to.

Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa malampasan namin iyong street na puro sikat na kainan dito sa La Verde. Lumiko lamang kami sa susunod na street kung saan wala akong alam na kainan. Parang wala naman dito. Ito iyong side ng university na hindi pinupuntahan ng mga estudyante dahil masasarap ang mga kainan doon sa kabilang side.

"Malayo pa ba? Mamamatay na 'yung tao sa gutom oh."

"Malapit na, Boss."

True indeed, he stopped in front of a small carinderia. 'Inay During Eatery' is carved on an old wood nailed on top of the door. The shop is small, and they only have two customers inside. Mukhang matagal nang nakatayo rito ang karinderya na ito rito, pero ngayon ko lamang ito nakita. There are wooden tables and old monobloc chairs inside.

Sa counter ay naroon ang isang matandang babae. Lumapit sa kanya si Denver, ngiting-ngiti, at tsaka nagmano. "Oh, Tutoy, ngayon ka lamang pumarito ulit."

"Na-busy ho, Nay, e. Katatapos lang po ng exams." Ngiting-ngiti ang matanda at ngayon ay nakatingin ito sa akin. "Si Khai ho, kaibigan ko."

Tumango lang ang matanda. Inabot ko naman ang kamay niya at nagmano sa kanya. "Gwapo at marespetong bata. Ito na ba ang nobyo mo?" Para bang nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa narinig. Si Denver naman ay namumula ang mga tainga habang nagkakamot ng batok. "Bakit? Hindi ba't siya—"

"Nay, pakihainan po kami ng paborito kong order-in, hehe," putol niya sa sasabihin ng matanda. Inalalayan niya ako papunta sa isang table at pinaupo. Ang bastos naman nito, hindi pinatapos si nanay. Nacu-curious na rin tuloy ako. Hindi ba't ako ang ano?

"Ay sus!" natatawang kantyaw ng matanda sa kanya. Hindi ko naman alam kung bakit pulang-pula ang buong mukha ni Mr. Matcha sa mga sandaling ito.

Habang nakatingin doon sa kusina ay bigla siyang nagsalita. "Iyon si Inay During, ang may-ari ng karinderya. Sobrang underrated nitong kainang ito. Masarap ang mga ulam ni nanay, lasang probinsya."

"Kilala mo siya personally?"

Umiling siya. "Hindi. Nakilala ko lang siya one time na gutom na gutom na ako nung first year tapos puro puno ang mga kainan sa kabilang street. Tapos, ayon, nakita ko 'to accidentally." Tumango-tango lamang ako habang nakikinig. "I eventually became close with Inay During, halos araw-araw akong narito nung freshie year ko dahil naho-homesick ako." I get him. Nakaka-homesick talaga kapag freshman year, hahanap-hanapin mo talaga ang bahay, lalo na kung taga-probinsya ka. This place surely is warm, amoy bahay.

Speaking of bahay, nami-miss ko na ang nanay at tatay ko, tsaka si Kuya. Matagal na rin noong last akong umuwi. Parang tatlong buwan na ako rito sa syudad. Wala akong time umuwi dahil sa kabilaang training at pag-aaral. Naiintindihan naman nina Mama. Hindi nga lang din nila ako mapuntahan dahil busy sila sa pagma-manage ng farm namin. Hay...miss na miss ko na ang caldereta ni Mama.

We usually have a short academic break after every exam week, three days maximum. Kaya baka umuwi muna ako bukas, tapos babalik na lang sa Wednesday. Sa Thursday na rin kasi ang start ng intense trainings namin.

Ilang sandali pa ay dumating na ang in-order ni Denver. Iyong amoy pa lamang ng mga pagkain ay masarap na. Nakakatakam. Mukhang bagong luto pa rin ang mga 'yon. Mayroong sinigang, kare-kare, at pritong liempo. Mayroon pang bagoong sa isang platito para sa kare-kare. Ang dami naman ng in-order nitong si Denver. Balak ba niyang patabain ako nang husto?

Sasandok na sana ako ng kanin, pero mas mabilis pala 'tong si Mr. Matcha dahil nakuha niya agad iyong sandok at nagsimulang sumandok ng kanin. Gutom na gutom na rin ba ang isang 'to?

Matatawa na sana ako dahil parang nagmamadali siya sa pagsandok, pero hindi pala iyon para sa kanya kundi para sa akin. Naglagay na rin siya ng sabaw ng sinigang doon sa mga maliliit na bowl. Ang bait-bait talaga nitong si Mr. Matcha. Siguro noong nagpaulan ng pagiging gentleman ang Diyos ay nagsu-swimming pa siya. Napaka-swerte ng magiging girlfriend niya kapag nagkataon.

Nahiya naman ako kaya't dumampot ako ng tissue at pinunasan ang utensils.

"Kain ka na. Kanina ka pa nagugutom 'di ba?" sabi niya matapos ilapag ang bowl ng sabaw sa harap ko. "Tikman mo iyong sinigang ng Inay During, magugustuhan mo." Ginawa ko ang sinabi niya, at napag-alaman kong tama nga siya at hindi nag-e-exaggerate. Masarap talaga ang sinigang, gayundin ang iba pang mga nakahain na ulam kaya naman naparami ako ng kain. Ang kaninang inaakala kong sobrang dami ay sakto lamang pala sa aming dalawa. Nakakatuwa rin siyang kasabay kumain dahil marami siyang kumain. Para bang ganadong-ganado siya.

"Nabusog ka ba?" tanong niya nang makalabas kami ng karinderya. Talaga bang tinatanong niya ako? "Sobra. Parang pinupurga mo na ako e." Natawa naman siya dahil sa sagot ko.

"Gusto mo ba ng desserts?" Napanganga ako sa tanong niya. Walang kabusugan, ano? "Hindi ko na kaya. Tama na, please lang, wala nang space sa tiyan ko."

"Kaya mo pa. Kahit gaano ka pa kabusog, there would always be a room for desserts. Kaya tara na, kain tayo ng cake. Igagawa na rin kita ng matcha latte, bet?" Para bang nagliwanag bigla ang mundo ko nang marinig ang matcha latte. Ang tindi nitong si Mr. Matcha ah, alam na alam ang kahinaan ko.

"Yie, sasama na 'yan."

"Oo na, tara na. Palibhasa, alam na alam mo kung paano ako kunin."

"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka. Naku!" sabi ni Nanay at kinurot pa ako nang pabiro sa tagiliran. "Mabuti na lang e nagluto 'yang Mama mo ng pananghalian. Halina't kumain na, Aiden." Lumapit ako kay Papa at nagmano sa kanya. Umupo na rin ako sa isang silya.

"Alam mo, muntik nang magtampo iyang nanay mo sa iyo. Hindi ka raw nagte-text. Nabo-bored na raw siya sa kakalaro ng Candy Crush." Natawa naman ako sa sinabi ni Papa. "Sorry na, Ma. Busy po e."

"Ay sus! Ang sabihin mo, busy ka sa girlfriend mo sa Manila. Kaya hindi mo na naaalala ang Mama mo rito sa Laguna," may tampong sabi ni Mama habang naglalagay ng pagkain sa harapan ko. "Ay mabuti nga ho sana kung mayroon, Ma. Ang nakikita ko nga lang lagi ay ang bola tsaka sina River." Si Mama naman ngayon ang natawa. Sinundan pa ito ng halakhak ni Papa. "Ilang taon ka na sa Manila, wala ka pa ring nahahanap. Gilas-gilasan mo naman, Nak!"

"Nako, Pa, ni hindi nga ata lumalabas ng dorm iyang si Bunsoy." Napalingon ako sa pinto nang marinig ang pagsabat ni Kuya sa usapan. Dumila lang ako sa kanya at itinuloy ang pagkain. "Dedma sa bashers."

Na-miss ko ang ingay rito sa bahay. Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa mga oras na 'to, lalo na noong niyakap ako ni Mama, parang nawala iyong pagod ko. Wala akong iniisip na training o kaya naman ay acads dahil tapos naman na ako sa mga pending requirements ko. Ang gagawin ko na lamang ngayon ay magpahinga.

Pipikit na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Nag-message si Mr. Matcha.

Ydenverdelossantos: Hindi ka pupunta sa Cafe San today?

khairamirez: Hindi.

Pagkatapos noon ay nag-send ako ng picture ng kama ko, kasama ang view sa labas ng kwarto ko.

Ydenverdelossantos: Wala ka sa dorms?

khairamirez: Umuwi ako haha

Ydenverdelossantos: Sayang naman! Did you forget what day it is today?

Nag-send siya ng picture ng available na pastries sa Cafe San ngayong araw. Ngayon ko lang naalala na Firday ngayon. May cream puffs ngayon! Sayang naman at hindi ako makakabili. Napasimangot ako nang maisip iyon.

I viewed Denver's story, at nagsisi lamang ako. Sana hindi ko na ginawa. Naka-story lang naman iyong cream puffs na nasa shelf. Nakakainis! Nag-react ako ng angry emoji sa story niya at nakatanggap lamang ako ng tawa mula sa kanya.

Ydenverdelossantos: DW I will treat you next Friday! Creampuff >o<

I liked his message. Grabe naman ang dami ng pera nitong taong 'to! Palagi na lang akong nililibre. Noong kumain kami kahapon ay siya ang nagbayad, at hindi niya pa ipinaalam sa akin na nagbayad na siya. Kung hindi ko pa nga tanungin ay wala siyang balak na sabihin ito sa akin.

khairamirez: lol no. Puro ka na lang panlilibre. Ako naman next time 😠

Ydenverdelossantos: Awe...Are you asking me on a date?🫢

khairamirez: Whatever. Shift mo 'di ba? Bakit puro ka cellphone d'yan?

He only replied with an emoji so I tossed my phone somewhere and closed my eyes. Another ping made me open my eyes again. Buwisit! I opened the group chat and checked the post sent by my friends.

GC Ka Soho

Justice: Grabe naman talaga 'yan sila. Everyday may date!

Ram: Boyfriend daw oh!

I clicked the link, and it directed to a tweet about me and Denver. It is a photo taken in the field yesterday, with the caption 'the nation's boyfriend' and 'the nation'. Doon kasi namin naisipan na kainin iyong desserts na binili namin kahapon. It was the picture while I was laughing my heart out because of a video Denver showed me.

Ram: Paawat naman kayo! (naiinggit)

Justice: Hindi ka sana maiinggit kung pumapayag ka sa mga aya ko.

River: Ang lalandi ng mga tao, mga salot!

Nag-react lang ako ng laughing emoji sa mga message nila. I don't want them to think that I am affected by all of these.

Justice: Tahimik yung isa oh HASHAHSASHA

Ay... Hinayupak talaga itong si Justice.

Khai: Mga hunghang!

River: My boy's not denying anything

Ram: Gago! HAHAHA

Mr. Matcha and I talked about the shipping and all, and we decided to just laugh things out. Hindi naman iyon makaaapekto sa aming dalawa. Tsaka mas sikat siya kaysa sa akin tapos ayos lamang daw sa kanya na ma-ship sa akin. Isa rin iyon e. Kapag alam niyang may mga nakatutok na camera sa amin ay umaakbay pa talaga siya. Marami tuloy kaming picture sa Twitter na nakaakbay siya sa akin. Kabilaan na rin daw ang mga edits namin sa Tiktok. Minsan nga ay sine-send pa sa akin ni Denver iyong mga video na nakikita niya. Sutil din ang isang 'yon. Kaunti na nga lamang e iisipin ko nang nagugustuhan din niya iyong mga video namin. Tuwang-tuwa ang mokong sa mga video e. Nagse-save pa talaga siya ng ilan para ipanood sa akin kapag magkasama kami.

Dahil hindi na ako inaantok ay pinili ko na lamang na manood ng reels sa IG. Napangiti kaagad ako nang makakita ng cat videos.

That's how my short academic break went. Noong mga nakaraang araw ay nakahilata lamang ako buong maghapon at tumatayo lamang kapag kakain na. Maya't maya rin ako halos kumakain dahil na-miss daw akong lutuan ng pagkain ni Mama. Nagluto pa nga siya ng mga ulam na hindi mabilis mapanis para raw may mailagay ako sa freezer na iinitin na lang kapag kakain na. Alam niya rin naman na hindi ako marunong magluto.

I will be going back to Manila today. "Alis na po ko, Ma, Pa." Humalik ako sa pisngi nilang dalawa nang makababa ako sa kotse. Inihatid lang nila ako rito sa terminal ng bus dahil busy rin daw sila ngayon. Kaunti lamang din naman ang dala kong gamit kaya ayos lang na mag-commute ako.

Mayroon akong nakasabay sa pag-akyat ng bus. Isa na lamang ang spot na may available na window seat kaya't nagmamadali akong naglakad papunta roon. I am praying hard that the one in front of me will not sit there. I hate it when I am sitting on the aisle seat. Mas gusto ko kasi iyong natatanaw ko ang mga bundok at palayan na madadaanan ng bus. Kusang bumagsak ang balikat ko nang umupo siya sa seat na gusto ko. Sayang naman. Hindi ko rin naman kayang sabihin sa kanya na magpalit kami ng upuan.

"Uhm, do you want us to switch seats? You look like you badly want the spot." Matapos niya iyong sabihin ay ngumiti siya. Singkit ang mga mata niya kaya naman nawala ang mga ito nang ngitian niya ako.

"It's okay. Thank you, though." I smiled small and took the seat beside him.

"I insist." Tumayo siya at hinintay akong gumalaw kaya naman lumipat na ako ng upuan. Nagsimula na rin kasing tumakbo ang bus. "Thank you."

"Wala 'yon." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "I'm Caleb, from Central University." Hindi ko alam ang gagawin dahil ang awkward ng mga ganitong pangyayari para sa akin. Hindi ako sanay na kumausap ng kung sinu-sinong tao lang. Pero sige na, bahala na si Batman, mukha naman siyang mabait. Tsaka para na rin sa pagbibigay niya sa akin ng upuan.

I shook his hand and said, "I'm Khai, from La Verde University."

He only smiled at me and nodded. "Syempre kilala kita 'no. Who wouldn't know the best setter in collegiate volleyball?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro