Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

WET

Khai's POV

Days went by fast, and today marks the first day of our midterms exam. Midterms are always done for one whole week. Ang mga araw na walang schedule ng exams ay kino-consider na free day. Wala rin kaming naka-schedule na practice ngayong linggo. Malapit na ang tournament pero kailangan din naming maipasa lahat ng exams namin. Kung may isang subject kasi kami na maibabagsak e hindi kami papayagan ni coach na sumalang. Kaya ito, babad na naman ako sa pag-aaral. Got to put the student in student-athlete first.

Dalawa lang ang exam namin ngayong araw. Mabuti na nga lang at magkasunod lamang ang dalawang exams na 'yon, mas maaga akong makakapagsimula ng pag-aaral at mas maaga rin akong makakapagpahinga. Hindi naman ako kinakabahan ngayong araw. Natapos ko namang basahin lahat ng learning materials ko, tsaka nakikinig naman ako palagi sa mga discussion. This study habit works for me. I listen to their discussions, take down notes, then recall and review a little. Kapag may hindi ako alam e binabasa ko na lamang sa reference book. Pero ang priority ko ay ang pagtulog nang maaga at tama sa oras. I don't know how, but this works best for me.

When I opened the folder containing the questionnaire, my lips instantly formed a smile.

The exams went smoothly, and now, I'm headed towards Cafe San to get an order of matcha latte. I might also get something sweet. I need them sugar in my veins. Need these glucose molecules to produce energy for me this whole week.

I might see Denver there today. He told me his shifts in Cafe San. Apparently, Denver is only a part-time worker at the cafe. I don't know why, although I know that he is also a big shot, considering he studies at an expensive school and lives in a costly condominium building. Kahit hindi niya sabihin, alam kong mayaman siya. Sa pananalita at pananamit pa nga lamang niya ay mahahalata mo kaagad na mataas ang estado niya sa buhay.

Speaking of Mr. Matcha, he sends me a message almost every day, except 3 days ago. He told me he needed to focus on making an original recipe for his midterms exam. Iyon daw kasi ang exam nila sa isa nilang major subject. Medyo marami na rin kaming napag-usapan na mga bagay-bagay, sa mahigit isang linggo naming pag-uusap. May sense naman siyang kausap, hindi katulad ng ibang tao, pero hindi kasi talaga ako mahilig makipag-usap sa chats. Nabanggit ko iyon sa kanya, at sinang-ayunan niya lamang ako dahil ganoon din daw siya. Oo nga. Hindi ko rin nakikita sa kanya ang pagiging pala-chat. Minsan lamang kaming mag-usap sa isang araw at nakakatuwa na may kabuluhan ang mga pinag-uusapan namin.

I don't know why I like conversing with people with high emotional intelligence and the awareness of everything that's happening around them. Denver is one of those people. That is why I enjoy talking to him for a few minutes everyday.

It was like me following Denver on Instagram is a big deal. Denver and I were trending for days when we followed each other. We have some shippers. Sikat din naman itong si Denver dahil ilang beses na raw itong naipalabas sa television, sabi sa isang tweet. He received a lot of awards, and he even got offers from the top restaurants here in the country, kahit hindi pa siya graduating student. Ganoon pala siya kasikat. I even saw some of his fans posting him being on the cover of a magazine featuring known chefs. With his looks, pwedeng-pwede nga na maging isang modelo ang taong 'yon. He's got the height, the looks, and the body of a model. I would not be surprised if I will find him in magazines not related to food in the future.

Hindi ako nakatakas sa mga pang-aasar nina River tungkol sa amin ni Mr. Matcha. Ilang araw nila akong inasar sa hindi ko pagsabay sa kanila noong gabing uminom kami. Kaya raw pala ako naunang umalis e makikipagkita lang ako sa bebe ko. Mga hunghang. Hindi naman namin binibigyan ng pansin ang mga ito at nagpapatuloy lamang kami na parang normal lang ang lahat.

When I reached the cafe, I saw him placing the newly baked pastries on the shelf. He is focused on arranging the bread with a smile on his face. Some of the girls in the shop were taking pictures of him while blushing. I approached the counter and waited for him to finish what he was doing. Siya lamang kasi ang tao sa counter.

Denver saw me and was about to place his tray down when I stopped him. "Ayusin mo muna 'yan. Hindi pa naman ako nakakaisip ng order," sabi ko dahil hindi ko pa rin naman talaga alam kung ano ang bibilhin kong pastries. Nakangiti nitong ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Why do his teeth look so perfect? And his lips so pink?

"How's your first day of exams?" tanong niya na sa tinapay pa rin ang tingin.

"Fine, I guess. Nasagutan ko naman nang maayos. Ikaw ba?"

"Ayos lang din. Written exams lang naman ngayong araw. Friday pa naman 'yung cook off sa major." Nang matapos siya ay pumasok siya sa loob at pagbalik niya ay hindi na niya dala iyong tray na hawak niya kanina.

Pagbalik niya ay doon siya sa counter dumeretso. "Good day, Sir! Are you ready to order?" Tumango lang ako at itinuro iyong isang red velvet bun at iyong New York cheesecake na walang toppings. "I'll have a red velvet bun and a slice of your New York cheesecake. I'll have it for take-out."

Tumango-tango lamang siya at inilagay sa register ang orders ko. "How about a cup of iced matcha latte?"

"Of course."

He chuckled. "For a while lang po."

Napailing na lamang ako bago umupo sa table malapit sa counter. Wala naman akong balak na tumambay rito pagkatapos. Mas mabuti kasi kung doon ako mag-aaral sa loob ng room ko. Mas focused kasi ako kapag alam kong mag-isa lamang ako.

I scrolled on the bird app and saw some of our pictures side-by-side. I don't know what trend this is, but they posted a picture of me from our individual posters from the previous season tournament and Denver's picture where he wears his chef uniform. It was funny because we both have the same pose in the pictures. It was captioned 'Hmm...mukhang may nag-usap sa pose. We saw what y'all did there 👀'. Hindi pa rin pala nakaka-move on ang mga tao rito. Mga delulu.

Then, I came across one of our plays where Justice received the ball perfectly, and we played a synchronized attack at first tempo. I was glad no one notices our hand signals about the play that we will be doing. Then, when Ram smashed the ball, the camera zoomed in on us. It was the ending score of our semifinals game which earned us a spot in the finals. I really hope we can enter the finals again this year. Sana rin, kung loloobin, manalo kami this season.

"Orders for number three." My gaze drifted from my phone to the man smiling brightly while approaching my direction, holding the tray with a paper bag and a take-out cup because I forgot to bring the glass cup he gave me. Huh? Anong number three e wala naman siyang binigay na number sa akin.

"Akin ba 'yan?"

"Of course. Ikaw lamang naman ang number three ng La Verde." Ah! So he was referring to my jersey number. Inirapan ko siya nang pabiro. "Ang mema." He only laughed at my remarks.

Nang malapit na siya sa akin ay hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, pero napakabilis ng mga pangyayari. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naliligo sa malamig na matcha latte. Nasa sahig ang mga in-order kong tinapay, ang tray, at ang cup na wala nang laman ngayon. Nang yumuko ako ay nakita ko si Denver na nakaluhod, nakapatong ang dalawang siko sa mga hita ko at nakaharap sa akin. Para bang gulat na gulat siya sa pangyayari. Pero, bakit doon siya nakatingin...

"Are you alright, Denver?" He looked up with an apologetic smile. "I-I'm sorry, Kai. Hindi ko sinasadya." Nangingintab ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Pulang-pula ang buong mukha niya, at para siyang isang tuta na nagpapaawa. Hindi ko sinasabing mukha siyang aso, iyong ekspresyon niya lamang ang tinutukoy ko.

"It's alright. Tumayo ka na r'yan. Here." Iniabot ko sa kanya ang mga kamay ko't tinulungan siyang tumayo. Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang itsura niya, parang paiyak na. Naka-pout ito habang nakatingin sa mga natapon na order ko. "Sorry..."

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa isang room nila na nasa second floor. Matapos nito'y binuksan niya ang cabinet at naghalungkat. "Sorry talaga, Kai. Nabasa pa kita." Damang-dama ko sa boses niya ang pagsisisi, e halata naman sa kanya na di niya iyon sinasadya.

"Ano ka ba, okay lang 'yun. Mabuti na lang nga at ako ang nabasa mo at hindi ang ibang customer." Nang humarap ito sa akin ay may hawak itong isang pares ng damit at isang towel na maayos na nakatiklop. "Ikaw ba, okay lang ba iyang tuhod mo?" Nakanguso pa rin siya nang tumango.

Itinuro niya sa akin iyong isang pinto. "Linis ka muna sa bathroom at magpalit ng damit. Use my clothes na lang. You can also use everything in there, all of them are mine. Linisin ko lang ang kalat sa labas, then I will be back here with your order. I'm sorry ulit."

"Sige na. Tsaka tigilan mo na 'yang pagso-sorry, para kang baliw."

He only answered with a small smile before going outside. He's a tall and big man, but he acts like a small kid, pouting at almost everything. Is he also clumsy? O baka nataon lang?

Pumasok na ako sa bathroom at nagulat pa ako sa space nito. Parang ang laki niya naman masyado. Kaninong room ba ito? Sa owners ba ng Cafe San kwartong ito? Pero sabi ni Denver e kanya raw ang mga gamit dito. Malaki rin ang bathroom, at hindi ko inaasahang may bath tub din dito. Grabe naman. Bahay ba 'to?

Dahil sa lagkit ng buong katawan ko ay napagdesisyon kong maligo na lang. Ganoon din naman. Kumpleto naman ang laman ng banyo. Mayroong liquid soap, shampoo, at lahat ng mga magagamit sa katawan. I don't even know what the other containers are for. In fairness, ang bango ng shampoo ni Denver. Ito 'yong naaamoy ko sa tuwing malapit siya sa akin. It has a baby scent. Iyon pa ang isang nakakagulat kay Denver. Aakalain mo sa unang tingin na manly ang amoy niya, pero kapag malapit siya sa'yo, para kang may katabing baby. Amoy baby iyong shampoo niya, maging ang liquid soap niya. Kaya rin siguro mukhang malambot na malambot ang balat niya.

Mabilis lang akong natapos sa paliligo at ngayon ay suot ko na ang mga damit niya. His clothes were a bit bigger than me. Well, it should be expected, considering our sizes. Hindi hamak naman kasi na mas malaki siya kaysa sa akin. I am wearing an orange shirt and a loose pair of black pants. Isang tingin pa lang e alam mo nang hindi sa akin ang mga damit na 'to. Mabuti na lamang nga at hindi ako mukhang hanger.

I heard a few knocks on the door. Since I am already done, I went outside and saw a smiling Denver. "You done?"

"Yep."

Tumango lang siya at tiningnan ang suot ko. "Okay. Tara na sa baba. Na-prepare ko na iyong orders mo. Sorry talaga, nasayang ko pa 'yong time mo."

Ngumiti na lang ako para sabihing okay lang talaga ako sa nangyari. "Isa pang sorry mo, blocked ka sa'kin sa IG." Nagulat naman siya sa sinabi ko at nasilayan ko na naman ang pout sa mga labi niya. "Okay nga lang. Maliligo rin naman ako dapat pag-uwi. Tsaka hindi mo naman ako pinabayaan pagkatapos. Salamat pala sa damit. Ibabalik ko na lang kapag nalabhan ko na."

Huminga ito nang malalim at inaya na akong bumaba.

"Magpahinga ka bago mag-aral ah? Ingat ka pauwi, Tres," malumanay na sabi nito nang iabot niya sa akin ang paper bag at ang cup noong nasa labas na kami ng cafe. May mga customer na nakatingin sa amin noong palabas kami, at ang ilan sa kanila ay nakangiti sa amin.

"Yes, thanks. Ingat ka rin pag-uwi."

Tumango lang ito kaya tumango rin ako. Nakatayo lamang ito roon at para bang may gustong sabihin kaya't tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin lang ito sa akin bago bumuntong hininga at umiling. Itinaas nito ang kamay kaya't inapiran ko na lang siya. "Bye."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro