V - Saving My Future Baby
Hindi inaasahang nahulog ang isang babae sa kapatid ng kaniyang inaalagaan? May pag asa kayang mahalin siya pabalik nito? Pero papaano na lang kapag nalaman niyang may karelasyon na pala ito? Susukuan na nga ba niya ang lalaking minamahal niya? O ipaglalaban niya ito hanggang sa maging sila?
_
Napabuntong hininga na lang ang isang dalaga habang pinagmamasdan niya ang parke. Kasalukuyan siyang nagtitinda ng mga damit sa parke na iyon simula umaga pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang benta. Medyo kinakabahan at nalulungkot na rin si Blessy dahil siguradong ibabawas itong boss niya sa sahod niya.
“May nabenta ka na ba besh?” tanong ng kaibigan ni Blessy na si Maureen habang nag lalakad ito papalapit sa kaniya.
“Wala pa nga eh. Mayayari nanaman ako kay Ms Yannie nito.” Saad ni Blessy bago siya bumuntong hininga. Kaagad namang naupo sa tabi niya si Maureen.
“Sa totoo lang dapat hindi ka na magtrabaho sa babaeng ‘yon. Tutulungan kitang mag hanap ng trabaho maka alis ka lang dyan sa trabaho mong ‘yan. Palagi ka na lang pagod tapos binabawasan niya pa sahod mo. Tapos ang hindi ko matanggap ay sinisigawan ka niya.” Inis na saad ni Maureen. Napangiti naman si Blessy dahil nag aalala ang kaibigan niya pero hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho dahil sa wala siyang ipang gagastos sa araw araw.
“Kaunting tiis na lang naman Maureen. Naghahanap na rin naman ako ng bagong trabaho.” Aniya bago niya nginitian si Maureen. Akmang mag sasalita na ito nang biglang tumunog ang cellphone niya kaya naman iniwan niya muna doon si Blessy.
“Hays, kailan kaya ako makakahanap ng maayos na trabaho?” tanong niya sa sarili niya at akmang tatayo na siya ng bigla siyang makarinig ng pag iyak.
“Kuya….. Kuya where are you.” Umiiyak na saad ng isang batang babae habang naglalakad lakad ito.
“Teka ano ‘yon? Batang naligaw?” tanong ni Blessy sa sarili niya bago siya tuluyang tumayo at pinagmamasdan ‘yong bata.
“Where’s my Kuya? I can’t find him huhuhuhu.” Lumuluhang saad ng bata dahilan para maawa si Blessy. Pinagtitinginan lang ng mga tao ‘yong bata kaya naman nilapitan na ito ni Blessy at lumuhod siya para pantayan ito.
“Okay ka lang ba? Napahiwalay ka ba sa Kuya mo?” nag aalalang tanong ni Blessy doon sa bata at tumango naman ito.
“Anong nangyari? Bakit ka napahiwalay sa kuya mo?” tanong ni Blessy bago niya pinunasan ang luha ng bata at binuhat niya ito.
“G—Gusto ko lang naman po bumili ng ice cream tapos nawala na po bigla si Kuya. Gusto ko na po umuwi.” Humahagulgol na saad ng bata bago siya yumakap kay Blessy. Lumambot naman ang puso Blessy nang dahil sa ginawa ng bata.
“Huwag ka na umiyak baby. Don’t worry tutulungan kitang hanapin ang kuya mo.” Nakangiting saad ni Blessy dahilan para mapatingin sa kaniya ang bata.
“T—Talaga po?” tanong ng bata bago ito ngumiti.
“Ang cute naman ng batang ito. Gwapo siguro Kuya nito.” Natatawang saad ni Blessy sa sarili niya.
“Ano ba ang pangalan mo baby?” tanong niya bago niya ito pinaupo sa may bench.
“My name is Kaly po. Ikaw po ba, anong name mo po?” tanong ni Kaly bago umupo sa tabi niya si Blessy.
“Blessy, you can call me Ate Blessy.” Pagpapakilala ni Blessy.
“Saan mo ba huling nakita ang Kuya mo? Tara mag sisimula na tayong hanapin siya.” Pag aaya niya bago sila nagsimulang maglakad ni Kaly. Nakahawak si Kaly sa kaniya habang patuloy silang nag lalakad at nag uusap.
“Wala namang bumibili doon sa tinitinda ko kanina di’ba? Okay lang naman siguro kung umalis ako saglit?” tanong niya sa sarili niya habang patuloy silang naglalakad ni Kaly.
“Where’s your Mommy and Daddy, Kaly?” tanong ni Blessy.
“My parents are not here. They are both in America po for business kaya kami lang ni Kuya ang magkasama sa bahay.” Pagku-kwento ni Kaly.
“Edi ‘yong Kuya mo ang nag aalaga sa’yo?” tanong ulit ni Blessy.
“Hindi po. Palagi rin po siyang wala sa bahay dahil sa may work po siya. Ang nag aalaga lang po sa akin ay ‘yong mga babysitter ko. Pero I hate them po!” aniya dahilan para magtaka si Blessy.
“Ha? Bakit ka naman galit sa mga nag aalaga sa’yo?” saad ni Blessy habang nakikinig siya sa kwento ni Kaly.
“I hate them because they are not really taking care of me. Hinahayaan lang po nila akong magutom at nagpapanggap po silang mabait kapag nandoon si Kuya.” Pagpapaliwanag niya kaya naman nalungkot si Blessy.
“Kawawa naman ang batang ito. Sigurado akong palagi siyang nag iisa at malungkot doon sa bahay nila.” Saad ni Blessy sa sarili niya bago niya binuhat si Kaly para mas makita nito ang mga taong nakakasalubong nila.
Habang naglalakad siya ay biglang may sumigaw ng pangalan ni Kaly.
“Kaly? Where are you Kaly?” sigaw nito kaya naman doon nagtungo si Blessy dahil baka ito ang Kuya ni Kaly. Halos tumigil naman ang mundo niya nang sumalubong sa kaniya ang isang makisig, gwapo at matangkad na lalaki. Para bang nag slowmo ang paglalakad ng lalaki nang magtama ang kanilang tingin.
“Nag e-exist pala ang ganito ka-gwapong lalaki?” wala sa wisyong saad niya dahilan para mapatingin sa kaniya si Kaly. Nang makalapit na sa kanila ‘yong lalaki ay nabalik sa wisyo si Blessy.
“Kuya.” Sigaw ni Kaly kaya naman ibinaba na siya ni Blessy.
“Where have you been? Kung saan saan ka kase sumusuot.” Inis na saad nung lalaki habang nakatitig sa kaniya si Blessy. Napatingin naman siya kay Blessy kaya naman agad na umiwas ng tingin ang dalaga.
“It’s your fault naman kase eh! Gusto ko lang naman po pumunta sa park pero trabaho ka pa rin po ng trabaho Kuya. Akala ko po ba nandito tayo para mag enjoy?” inis na saad ni Kaly sa Kuya niya. Nabigla naman ang lalaki nang sigawan siya ng kapatid niyang bunso.
“Nahanap mo na ang kuya mo Kaly. Mauuna na si Ate Blessy ha, nag babantay kase ako ng tindahan eh.” Pag papaalam ni Blessy nang maalala niya iniwan niya nga pala ‘yong tindahan doon.
“Naku! Mayayari talaga ako kay Ms Yannie kapag naabutan niyang wala ako doon.” Saad ni Blessy habang tumatakbo siya pabalik sa tindahan.
Sa kabilang banda naman ay magkaaway pa rin si Kaly at ang kuya niya.
“Next time huwag kang takbo ng takbo. Paano na lang kung nawala ka? Saka diba sinabihan kita ng don’t talk to strangers? Saka sino ‘yong kausap mo? Baka gusto ka nong kidnapin ” galit na saad nung lalaki kay Kaly.
“Ate Blessy is not a kidnapper Kuya Kenneth! She’s nicer than you and I like her!” saad ni Kaly dahilan para magtaka ang kuya niya na si Kenneth.
“What do you mean by that Kaly?” tanong ni Kenneth bago niya inirapan ang kapatid.
“I want her to be my babysitter. That babysitter’s you hired sucks and I hate them! I want Ate Blessy and only her!” saad ni Kaly, throwing a temper tantrum dahilan para mainis si Kenneth.
“What?! You can’t Kaly! Ngayon mo lang nakilala ‘yong babaeng ‘yon. Stop throwing another tantrum and let’s just go home!” inis na saad ni Kenneth dahilan para magalit si Kaly.
”Fine, kung hindi mo ako pagbibigyan, I’m gonna be a bad girl at maglalayas ako.” Pagbabanta ni Kaly sa Kuya niya dahilan para hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya si Kenneth.
‘Talaga namang hindi magpapatalo ang batang ito. Kainis!’ inis na saad niya sa sarili bago siya bumuntong hininga at tumingin sa kapatid.
“Fine, kung ‘yan ang gusto mo. Let’s find that girl. Pero kapag hindi siya pumayag ay wala ka nang magagawa at uuwi na tayo.” Saad ni Kenneth dahilan para maging masaya si Kaly.
“Yehey! I know where Ate Blessy is. Follow me Kuya.” Aniya bago siya naglakad at sumunod na lang sa kaniya si Kenneth. Habang naglalakad sila ay natanaw na nila si Blessy. Nabigla naman sila nang makita nilang pinapagalitan ito.
“Bakit mo iniwan ‘yong tindahan?! Wala ka talagang kwentang babae ka! Nanakawan tuloy tayo!” galit na saad ni Yannie kay Blessy habang nakayuko ito. Maraming tao na ang nagtitinginan sa kanila kaya naman naluluha na si Blessy sa hiya.
“Hindi ko naman ginusto na manakawan kami. May tinulungan lang naman akong bata.” Saad ni Blessy sa sarili niya habang nagpipigil umiyak.
“Oh my god. That evil witch is screaming at Ate Blessy. Do something Kuya!” saad ni Kaly kaya kaagad namang pinuntahan ni Kenneth kung nasaan si Blessy.
“Sorry po Ma’am. Hindi ko po talaga sinasadya. May tinulung—” hindi na natapos ni Blessy ang sasabihin niya nang sigawan ulit siya ni Yannie.
“Shut up! Ang dami mong dahilan! You’re fired Blessy! Ayoko nang makita ang muka mo! Umalis ka na!” sigaw ni Yannie dahilan para maiyak na ng tuluyan si Blessy.
“Ano nang gagawin ko? Wala na akong trabaho.” Lumuluhang saad ni Blessy sa sarili niya. Akmang mag sasalita na siya nang biglang may nagsalita sa may likuran niya.
“Hey Ms I am Kenneth MonDel. Since wala ka nang trabaho may io-offer ako sa’yong trabaho.” Aniya dahilan para mapatingin sa kaniya si Blessy at Yannie.
“H—Ha?” gulat na tanong ni Blessy habang pinoproseso pa rin ng utak niya ‘yong sinabi ni Kenneth.
“Be my sister’s babysitter and I’ll pay you 30,000 pesos a month. Wala ka namang masyadong gagawin kung hindi ang alagaan siya dahil may iba pang maid sa bahay. Payag ka ba?” tanong ni Kenneth dahilan para mapanganga si Yannie. Hindi naman makapagsalita si Blessy dahil nagulat siya sa sinabi ni Kenneth.
“30,000 pesos a month? Seryoso ba siya? Ang laki naman masyado ng sweldo na gano’n. Makakatanggi pa ba ako dito?” tanong ni Blessy sa sarili niya. Napatingin naman sa kaniya si Kenneth dahil hindi pa rin siya sumasagot.
“Kulang pa ba ‘yong 30,000?” tanong naman ni Kenneth.
“H—Hindi na po Sir. Sobra sobra na nga po ‘yon eh.” Nauutal na saad ni Blessy nang maramdaman niyang may humawak sa laylayam ng damit niya.
“I want you to become my babysitter Ate Blessy.” Saad ni Kaly bago siya nag puppy dog eyes kay Blessy.
“Mas okay na ito kaysa naman walang trabaho di’ba? Saka ang laki na ng sahod. At mukang mabait naman ‘yong aalagaan ko.” Saad ni Blessy sa sarili niya bago siya mag desisyon.
“S—Sige po Sir. Tatanggapin ko po ‘yong trabaho.” Saad ni Blessy dahilan para mapangiti si Kaly at niyakap niya ang binti ni Blessy.
“Thank you po Ate Blessy. Excited na po akong makasama ka sa mansion namin habang nanonood ng movie sa gabi.” Masayang saad ni Kaly dahilan para magtaka si Blessy.
“Gabi? Doon po ako matutulog?” tanong ni Blessy kay Kenneth.
“Yes. I’m mostly away because of work kaya kailangan palagi kang nasa mansion para bantayan si Kaly. You can start working tomorrow. Just send me your address at susunduin ka na lang ng mga tauhan ko sa bahay mo bukas.” Saad ni Kenneth kaya kaagad namang kinuha ni Blessy ang number niya.
“Bukas pa Kuya? That means I have to spend time with my soon to be fired babysitter who never take cares of me. Gusto ko po ngayon na. Dalahin na po natin si Ate Blessy sa mansion tapos paalisin mo na po ‘yong mga dati kong babysitter.” Pamimilit ni Kaly sa Kuya niya.
“Hindi natin maaasikaso ‘yan ngayon Kaly. May meeting pa ako mamaya.” Saad ni Kenneth bago niya binuhat si Kaly.
“See you tomorrow and have a good day.” Saad ni Kenneth bago sila umalis ni Kaly.
“O-M-G! Parang malas ako ngayon slash swerte. Biruin mo natanggal ako sa trabaho tapos hindi pa nakaka isang minuto may bago na akong trabaho. Tapos ang gwapo pa nung Kuya ng aalagaan ko. May girlfriend na kaya ‘yon?” tanong ni Blessy sa sarili niya bago siya nagsimulang maglakad papaalis. Hindi pa riin mawala sa isip niya ‘yong lalaki.
Nabigla na lang siya nang may pumitik sa noo niya dahilan para mabalik si Blessy sa wisyo.
“Babae nag da-day dream ka nanaman. Saka bakit ka nag gagala? Nagbabantay ka ng stall niyo diba? Mayayari ka kay Ms Yannie niyan.” Taas kilay na saad ni Maureen sa kaibigan niyang kung makangiti ay parang baliw.
“Alam mo beh ang malas ki ngayon na may pagka swerte.” Masayang saad ni Blessy kay Maureen.
“H—Ha? Pinagsasasabi mo ante?” nagtatakang tanong ni Maureen.
“Ganito kase ‘yon Maureen. Natanggal kase ako sa trabaho kanina. Iniwan ko ‘yong stall ni Ms Yannie dahil may tinulungan akong bata na hanapin ‘yong kasama niya dito sa park. Tapos alam mo ba Maureen? Ang gwapo gwapo nung Kuya niya. Ang nakakatuwa pa doon ay binigyan niya ako ng trabaho para maging babysitter ng kapatid niya. Isa lang ang ibig sabihin nito…” saad ni Blessy habang si Maureen naman ay napakunot sa noo dahil kulang ang sinabi ni Blessy.
“Ano?” tanong ni Blessy.
“Makakasama ko sa mansion nila ‘yong lalaking gwapo. O-M-G! Tadhana na ba ito? Tadhana na siguro ang gumagawa ng paraan para magkaroon ako ng mamahalin.” Kinikilig na sabi ni Blessy. Napatakip na lang ng muka si Maureen dahil kung ano ano nanaman naiisip ng kaibigan niya.
“Beh kung ano ano nanaman pinagkakadeluluhan mo. Ikalma mo ‘yan beh. Baka mamaya may jowa na ‘yan ha.” Saad ni Maureen bago sila nagsimulang maglakad papauwi.
“Pero what if siya na pala ‘yong nakatadhana para sa akin? Bagay naman kami di’ba?” sunod sunod na tanong ni Blessy kaya naman napairap na lang si Maureen dahil sa kakulitan niya.
“Ewan ko. Hindi ko pa nga nakikita ‘yong lalaki eh.” Saad ni Maureen.
“Eh basta makikilala mo rin siya soon. Basta crush ko na siya.” Masayang aniya habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.
_
Naimpake na ni Blessy ang mga gamit niya at kasalukuyang hinihintay na niya ‘yong mga susundo sa kaniya. Kinakabahan na medyo excited si Blessy sa bago niyang magiging trabaho.
Maya maya lang ay nakarinig na siya ng busina ng sasakyan sa tapat ng bahay niya kaya kaagad na siyang lumabas. Nang makalabas siya ay nabigla na lang siya nang biglang tumakbo papalapit sa kaniya si Kaly.
“Good Morning Ate Blessy.” Pagbati ni Kaly bago siya pinatayan ni Blessy at niyakap niya ito.
“Good Morning din baby Kaly.” Saad ni Blessy bago niya kinalong si Kaly. Sunod naman na lumabas sa kotse si Kenneth na kasalukuyang nakasuit dahilan para mapatitig nanaman si Blessy sa kaniya. Nabalik naman si Blessy sa wisyo ng magsalita si Kaly.
“Hindi na po ako baby Ate Blessy, pero kung ikaw po ang tatawag sa akin ng baby ay okay lang hehe. Saka mas gusto po kita kaysa kay Kuya. He’s always so grumpy and he doesn’t want to have fun po.” Saad ni Kaly bago nito inirapan ang Kuya niya.
“What?! Hindi ako ganiyan.” Pagdidipensa naman ni Kenneth sa sarili niya.
“Yes you are Kuya! Lagi ka na lang po naka focus sa work mo. Mabuti na lang makakasama ko na po si Ate Blessy.” Saad ni Kaly.
“Yeah, yeah whatever. Sumakay na kayo dito sa kotse. May pasok ka pa Kaly at bawal kang malate.” Saad ni Kenmeth. Kinuha naman nung mga tauhan ni Kenneth ang mga gamit ni Blessy at isinakay na ito sa kotse. Pumasok na din sila Kaly at Blessy sa loob ng kotse. Sa unahan naka pwesto ang dalawang tauhan ni Kenneth habang silang tatlo naman ang nasa back seat.
“Madali lang naman ang gagawin mo. Every weekdays ipagluluto mo ng breakfast at lunch si Kaly at ihahatid mo ito sa school niya. Ihahatid ka naman ng mga tauhan ko doon kaya hindi mo kailangan mag alala sa biyahe. Papaliguan mo rin at bibihisan si Kaly. At ang pinaka importante sa lahat ay susunduin mo siya kapag uwian na.” pagbibigay instraksyon ni Kenneth habang nakikinig naman ng maayos si Blessy.
“Kapag weekends naman ay kahit ang mga maids na ang magluto ng food niya. Since wala siyang pasok ay sasamahan mo na lang siya pumunta ng mall kapag gusto niya. Papaliguan at bibihisan mo rin siya. Aside from that, hindi siya nakain ng broccoli at allergic si Kaly sa nuts kaya huwag mo siyang papakainin ng gano’n.” dagdag pa ni Kenneth bago niya iniabot kay Blessy ang schedule ni Kaly.
“Copy Sir.” Saad naman ni Blessy. Maya maya lang ay nakarating na sila sa school ni Kaly at inihatid na nila ito doon. Pagkatapos nilang ihatid si Kaly ay dumiretso na sila sa mansion.
Halos malaglag ang panga ni Blessy nang mkaita niya kung gaano kaganda ang tinitirahan nila Kenneth at Blessy.
“There are five rooms dito na hindi ginagamit. Ikaw na ang bahala pumili. Aalis na ako at may meeting pa ako na pupuntahan. Also, don’t forget Kaly’s Lunch. Kailangan naihatid mo na ang pagkain doon before may 12.” Muling saad ni Kenneth bago siya tuluyang umalis.
“Ang ganda naman dito. Halatang sobrang yaman nila. Sa mga gamit na lang ay mahahalata mo nang mayaman sila. Ang laki pa ng mansyon.” Manghang saad ni Blessy bago siya pumasok sa napili niyang kwarto.
“Eto na talaga ‘yon. Dito magsisimula ang bagong buhay ko.” Masayang aniya bago siya umupo sa kama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang sa ganito kagandang mansion siya magtatrabaho. Bukod pa doon ay may gwapo siyang amo.
_
Makalipas ang maraming buwan ay nasanay na si Blessy sa mga dapat niyang gawin. Masaya siya sa trabaho niya at nag e-enjoy rin siya. Bukod doon ay naiinspire siyang maging masipag dahil sa kagwapuhan ni Kenneth. Para talagang tumitigil ang mundo niya kapag nakikita niya si Kenneth. Nagkakagusto na nga talaga siya kay Kenneth ngunit mas piniliniyang itago ito dahil mukang wala siyang pag asa sa lalaking iyon. Bukod doon ay parang wala itong balak na mag mahal. Wala kaseng ibang ginawa si Kenneth kung hindi magtrabaho ng magtrabaho.
Ala una na ngayon ng madaling araw ay nagta-trabaho pa rin si Kenneth. Kasalukuyan siyang nasa sala habang nagtitipa sa laptop nang makita siya ni Blessy.
“Anong oras na ah? Bakit kaya nagta-trabaho pa rin si Sir? Hindi ba siya napapagod.” Tanong ni Blessy sa sarili niya. Habang pinagmamasdan niya si Kenneth ay bigla niyang naisipan na ipagtimpla ito ng kape. Kaagad siyang nagtungo sa kusina at ipinagtimpla niya ito ng kape. Coffee Black ang paborito ni Kenneth kaya iyon ang itinimpla ni Blessy. Nang matapos na siyang magtimpla ay kaagad siyang nagtungo sa sala.
“Hello po Sir. Kape po oh,” pang aalok ni Blessy. Napatingin naman si Kenneth sa kaniya bago ito nagsalita.
“Pakilapag na kang dyan sa gilid.” Saad ni Kenneth at sinunod naman ito ni Blessy. Umupo si Blessy sa may katapat na upuan ni Kenneth. Halos limang minuto na ang nakalipas pero gano’n pa rin ang pwesto nila.
“What do you want?” tanong ni Kenneth habang patuloy pa rin siya sa pagtitipa sa laptop.
“Hindi ka pa po ba napapagod Sir? Kanina ka pa po nagtatrabaho eh.” Saad ni Blessy.
“I have to. Ganito talaga ka busy ang company ko kaya wala na akong pahi-pahinga. Also, bakit ka ba nagtatanong?” napangiwi naman si Blessy nang sabihin iyon ni Kenneth.
“Concern lang po Sir. Tanong lang po, kumakain ka pa ba po ng maayos kapag nasa trabaho ka?” tanong ni Blessy. Para kaseng medyo pumayat si Kenneth.
“Hindi. Wala na akong time lumabas para bumili ng pagkain. Hindi ko naman mautusan mga tauhan ko dahil busy rin sila.” Saad niya dahilan para hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya si Blessy.
“Hala Sir masama po ‘yan. Magkaka ulcer ka kapag hindi ka kumakain ng maayos. Mahirap magkasakit ngayon Sir. Alam ko pong may pangpa hospital ka pero mali po talaga ang magpalipas ng gutom lalo na’t pagod ka po lagi.” Nag aalalang ani ni Blessy dahilan para mapairap si Kenneth.
“Ano bang magagawa ko? Saka bakit ba pinapakielaman mo ang buhay ko?” sunod sunod na tanong ni Kenneth. Medyo naiinis na siya Kenneth ngayon dahil usap ng usap si Blessy habang may ginagawa siya.
“Bakit ko pinapakielaman ang buhay mo? Siyempre gusto kita eh. Saka mas gwapo ka Sir kapag malusog ka.” Saad ni Blessy sa sarili niya.
“Concern lang Sir. Alam ko na, what if dalhan na lang po kita ng lunch sa office mo? Ihahatid ko ang pagkain mo after kong ihatid ‘yong kay Kaly. Okay lang po ba?” tanong ni Blessy.
“Wala akong oras para kumain kaya huwag ka nang mag abala.” Malamig na saad nito dahilan para mapanguso si Blessy.
“Edi susubuan po kita habang nagta-trabaho ka. Para po tuloy pa rin ang pagtatrabaho mo.” Pamimilit ni Blessy dahilan para mapairap si Kenneth.
“Ang kulit mo ‘no? Mas makulit ka pa sa kapatid ko eh. Saka ano bang makukuha mo kung makakain man ako ng maayos?” inis na saad ni Kenneth.
“Nag aalala na po kase si Kaly sa kalusugan niyo po. Kahit po may pagka maldita si Kaly ay mahal na mahal ka niya bilang Kuya niya. Kaya nangako ako sa kaniya na gagawa ako ng paraan para maging malusog ka ulit. At ang paraan na ‘yon ay dalhan ka ng pagkain sa trabaho mo.” Nakangiting saad ni Blessy.
“Nag aalala si Kaly sa akin?” tanong niya bago pasimpleng ngumiti.
“Oo naman Sir. Mahal na mahal ka kaya no’n.” aniya nang biglang makaisip ng kalokohan si Kenneth.
“Eh ikaw, nag aalala ka ba sa akin?” tanong ni Kenneth dahilan para mapatingin sa kaniya si Blessy.
“Oo naman Sir. Concerned po ako sa kalusugan niyo.” Sagot naman ni Blessy.
“Concerned lang ba talaga? Baka naman may nararamdaman ka na sa akin?” malamig na saad ni Kenneth bago siya tumayo at naglakad papunta sa gawi ni Blessy.
“Luh? Paepal si Sir oh. Huwag kang ganiyan Sie baka bigla akong mapaamin.” Saad ni Blessy sa sarili niya. Papalapit na sa kaniya si Kenneth nang bigla itong matalisod dahilan para matumba siya kay Blessy at parehas silang napahiga doon sa sofa. Napasubsob ang muka ni Kenneth sa dibdib ni Blessy.
Akmang tatayo na sana si Blessy nang pigilan siya ni Kenneth.
“No, don’t move. Please let stay in this position.” Saad ni Kenneth bago niya ipinikit ang mga mata niya para magpahinga.
“I’m so tired. I wanted to sleep.” Base sa boses ni Kenneth ay halatang halata na pagod na pagod siya. Kaya naman hinayaan na lang siya ni Blessy na manatili sa ganoong posisyon. Damang dama ni Kenneth ang malalambot na dibdib ni Blessy na naging dahilan para antukin siya lalo dahil sa para itong unan. Halos labing limang minuto na ang nakalipas pero gano’n pa rin ang pwesto nila.
“Sir? Okay lang po ba na umayos tayo ng higa? Medyo nangangalay na po ako eh. Aayos lang naman po ako ng higa tapos pwede ka na po bumalik sa pwesto mo ng pagkakahiga.” Saad ni Blessy at kaagad namang tumayo si Kenneth. Humiga siya ng maayos at kaagad namang pumatong sa kaniya si Kenneth at ibinaon nito ang ulo niya sa dibdib ng dalaga.
“About nga pala doon sa gusto mong gawin, you can do whatever you want. Pagkatapos mong dalhan ng pagkain si Kaly ay pumunta ka sa office ko.” Saad ni Kenneth na nagpalawak ng ngiti ni Blessy.
“Okay po Sir. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para ipagluto ka ng masarap na lunch pati na rin si Kaly.” Masayang aniya bago niya hinimas ang ulo ni Kenneth. Sa mga puntong iyon ay nakakatulog na si Kenneth. Unti unti na siyang nakakatulog habang nakayakap kay Blessy.
Halos sumabog naman ang puso ni Blessy sa sobrang kilig at saya. Nakayakap kase sa kaniya ang lalaking nagugustuhan niya. Hindi niya inaasahang mangyayari ang pangyayaring ito kaya naman sinusulit na niya dahil baka hindi na ito ulit mangyari.
“Ang lambot ng buhok ni Sir. Sobrang bango niya pa. Hindi ako makapaniwalang nakayakap ang makisig niyang katawan sa akin.” Kinikilig na saad ni Blessy sa sarili niya habang patuloy pa rin siya sa pagpapatulog kay Kenneth. Tuluyan na sanang makakatulog si Kenneth nang may biglang nagsalita.
“What are you two doing po?” biglaang saad ng kung sino dahilan para makuha nito ang atensyon ni Kenneth at Blessy. Nabigla naman sila nang makita nilang si Kaly iyon.
“Anong ginawa niyo pong dalawa? Bakit po kayo magkayakap?” taas kilay na tanong ni Kaly sa kanilang dalawa. Kaagad naman silang umayos ng pwesto at napahilot ng sentido si Kenneth. Makakatulog na kase sana siya pero naistorbo ito ng kapatid niya.
“W—Wala naman. Natumba lang si Sir kaya nasa ganoon kaming pwesto. Teka bakit nga pala gising ka pa Kaly? May pasok ka pa bukas ah?” pag iiba ni Blessy sa usapan.
“Tsk, istorbo.” Mahinang saad ni Kenneth.
“Natumba lang po pero halos 30 minutes na po kayong magkayakap?” tanong ni Kaly.
“Kanina mo pa kami pinapanood?” tanong ni Kenneth sa kapatid niya.
“Yeah Kuya and you seem to be enjoying while sleeping at Ate Blessy’s boobs.” Nakangusong saad ni Kaly bago siya lumapit kay Blessy at nagpakalong.
“No I’m not. Natumba lang talaga ako at hindi ako makatayo.” Pagtanggi ni Kenneth.
“Ah eh tara matutulog na Kaly. May pasok ka pa bukas bawal ka malate.” Pag iiba ni Blessy sa usapan. Kaagad namang tumnago si Klay bago ito humikab.
“Papatulugin ko na po si Kaly. Matulog na rin po kayo at magpahinga Sir. Goodnight po.” Saad ni Blessy bago niya binuhat si Kaly at nagsimula na siyang maglakad.
“Goodnight rin.” Saad ni Kenneth habang papaakyat na sila Blessy sa hagdan. Nang makaakyat na sila Blessy ay hindi na napigilan ni Kenneth na mapangiti. Habang nagtitipa siya sa laptop niya ay hindi mawala sa isipan niya si Blessy. Palaging nag fa-flash sa utak niya ang mga magagandang ngiti ng dalaga.
“Oh god! What the hell is wrong with me? Why do I keep thinking about her?” tanong niya sa sarili bago niya isinara ang laptop niya. Doon niya napagpasyahan na matulog na kaya pumunta na rin siya sa kwarto niya.
Halos isang oras nanatili si Blessy sa kwarto ni Kaly hanggang sa makatulog ito. Nang makita niyang mahimbing na ang tulog ni Kaly ay kaagad siyang umalis sa kwarto nito para pumunta sa sariling kwarto at magpahinga.
Habang naglalakad siya ay napatingin siya sa pinto ng kwarto ni Kenneth. Nang akmang lalampasan na niya iyon nang biglang bumukas ‘yong pinto. Napaigtad naman si Blessy sa sobrang gulat.
“Grabe naman si Sir. Aatakihin ako sa gulat eh. Bigla bigla ba namang binubuksan ‘yong pinto.” Saad ni Blessy sa sarili niya.
“M—May kailangan po ba kayo Sir?” tanong ni Blessy kay Kenneth na kasalukuyang nakasimangot.
“I can’t sleep. I need you.” Saad ni Kenneth bago niya hinigit si Blessy papasok sa kwarto niya. Kaagad na pinahiga ni Kenneth si Blessy sa kama niya.
“S—Sigurado ka po bang kailangan pa ito Sir? Saka bakit ako?” tanong ni Blessy bago sumampa si Kenneth sa kama at yumakap siya kay Blessy.
“Yeah, you’re the one I need. I want to feel your body while I’m sleeping.” Saad ni Kenneth bago niya ibinaon ang ulo niya sa dibdib ng dalaga.
“So soft. I wanted to stay in this position forever.” Malambing na saad ni Kenneth bago ito pumikit.
“Tulog ka na po Sir. Aalis na lang po ako kapag tulog ka na.” saad ni Blessy bago niya hinimas ang ulo ni Kenneth.
“No. Dito ka na rin matulog. Magigising lang ako kapag umalis ka.” Saad ni Kenneth bago niya mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga.
“Ano ba Sir! Bakit ganito ang kinikilos mo? Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa’yo.” Namumulang saad ni Blessy sa sarili niya. Nabalik naman siya sa wisyo nang tumingin sa kaniya si Kenneth. Pasimpleng inilapit ni Kenneth ang muka niya sa muka nu Blessy at hinalikan niya ito.
“Goodnight, sweet dreams.” Nakangiting saad ni Kenneth habang si Blessy naman ay halos sumabog na ang puso dahil sa kilig at saya na nararamdaman niya.
“Goodnight.” Saad ni Blessy bago niya niyakap si Kenneth. Hindi nila namalayan na nakatulog na pala sila kaagad.
Kinaumagahan ay nagising si Blessy nang tumunog ang alarm ni Kenneth. Kaagad niya itong pinatay at akmang tatayo na siya para bumangon nang biglang humigpit ang yakap sa kaniya ni Kenneth.
“Don’t move. Matulog pa tayo.” Inaantok na saad ni Kenneth.
“Pero Sir maghahanda pa po ako ng breakfast at baon ni Kaly. Saka may pasok ka po sa trabaho ngayon Sir.” Saad ni Blessy. Napasimangot naman si Kenneth at wala sitang nagawa kung hindi bumangon.
“Mamaya maya ko po gigisingin si Kaly. Medyo maaga pa. Gusto mo po bang ipagtimpla kita ng kape?” tanong ni Blessy kay Kenneth at tumango naman ito bilang pagsangayon.
Kaagad siyang nagtungo sa may kusina. Ipinagtimpla ni Blessy ng kape si Kenneth.
“Ano nga po palang gusto mong ulam mamaya Sir?” tanong ni Blessy.
“I always wanted to try adobong manok. Can you cook that dish for me?” tanong ni Kenneth.
“Oo naman po Sir. Lagyan ko rin po ng boiled egg para mas lalong masarap.” Nakangiting saad ni Blessy bago siya nagsimulang magluto ng ham, bacon at fried egg para sa breakfast nila.
“Wala si Aling Marie ngayon pati ‘yong ibang mga maid. Binigyan ko sila ng day off.” Saad ni Kenneth.
“Wednesda lang ngayon Sir ah? Bakit parang ang aga ng day off nila. Akala ko po tuwing sabado at linggo lang ‘yon?” tanong ni Blessy habang patuloy pa rin siya sa pagluluto. Hindi naman kaagad sumagot si Kenneth. Maya maya lang ay naramdaman na lang ni Blessy na may kamay na pumulupot sa kaniya bewang.
“Para masolo natin ang bahay.” Bulong niya kay Blessy dahilan para magtayuan ang balahibo ng dalaga. Tatanggalin na sana ni Blessy ‘yong pagkakayakap ni Kenneth sa kaniya ng pigilan siya nito.
“Just continue cooking Blessy. Don’t mind me.” Aniya bago niya mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap kay Blessy. Naiilang si Blessy nung una pero nasanay na rin siya kaagad kaya ang ending ay nakayakap si Kenneth kay Blessy habang nagluluto ito.
“Gusto mo na po ba kumain Sir?” tanong ni Blessy kay Kenneth.
“No. Gusto pa kitang yakapin.” Pamimilit ni Kenneth kaya naman napabuntong hininga na lang si Blessy.
“Required po ba na hanggang dito po ay may lovey time pa rin po kayo? Don’t tell me na natumba ka nanaman po kay Ate Blessy, Kuya.” Taas kilay na saad ni Kaly habang pinagmamasdan niya si Blessy at Kenneth. Kaagad namang napabitaw si Kenneth sa pagkakayakap niya kay Blessy at umiwas ng tingin.
“N—Nandyan ka na pala Kaly. Halika kumain ka na dito.” Pagbasag ni Blessy sa katahimikan bago niya pinaupo si Kaly sa upuan at sinandukan niya ito ng kanin at ulam. Nang dahil sa pangyayaring ‘yon ay naging awkward ang pagkain nila ng breakfast.
_
Kakatapos lang maghatid ni Blessy ng pagkain ni Kaly. Kasalukuyan siyang papunta sa kumpanya ni Kenneth upang dalhan ito ng pagkain. Maya maya lang ay nakarating na siya at nagpasalamat siya sa naghatid sa kaniya doon. Kaagad siyang bumaba sa kotse at pumasok sa loob.
“Ang laki naman dito? Saan ba ‘yong office ng ceo nila? Kanino kaya ako magtatanong?” tanong niya sa sarili niya habang iniikot niya ang paningin niya. Kaagad naman siyang nakakita ng babaeng mukang mabait kaya kaagad niya itong nilapitan para magtanong.
“H—Hello po Ms. Pwede ko ba malaman kung saan ang opisina ng ceo dito?” tanong ni Blessy doon sa babae.
“Hello din po. Sa may 5th floor po ang office ni Mr MonDel. Doon po sa may pinakahuling pintuan.” Saad nung babae kaya kaagad namang nagpasalamat si Blessy at sumakay na siya sa elevator. Nang makarating siya sa 5th floor ay kaagad niyang pinuntahan ‘yong pinakahuling pintuan. Habang naglalakad siya papalapit doon ay nabigla siya nang makarinig siya ng pag sigaw. Kaagad siyang tumakbo papunta doon at sumilip siya sa may pintuan dahil bahagya itong nakabulas.
“’Yon na lang ang pinapagawa ko sa inyo hindi niyo pa nagawa?” How useless can you be?” sigaw ni Kenneth sa mga employees.
“Sorry po Sir hindi na mauulit. Aayusin na po namin huwag niyo lang po kami tanggalin sa trabaho.” Saad nung isang babae habang nagmamakaawa sila. Akmang mag sasalita na si Kenneth nang biglang pumasok si Blessy. Ang kaninang galit na galit na ekspresyon ng muka ni Kenneth ay napalitan ng tuwa.
“On second thought, bahala na kayo. I’m giving you both a second chance so if you want to keep your job, fix your problems now. Leave my office now.” Saad ni Kenneth. Nagpasalamat naman ‘yong mga pinapagalitan niya at lumabas na sila ng opisina ni Kenneth.
“Ikaw rin. Get out of my office.” Malamig na saad ni Kenneth doon sa secretary niya kaya wala naman itong nagawa kung hindi umalis. Nang makaalis na ‘yong ibang mga tao ay kaagad na lumapit si Kenneth kay Blessy at niyakap niya ito.
“I miss you Blessy. It’s been 4 hour, 30 minutes and 48 seconds since we last met.” Saad ni Blessy dahilan para hindi makapaniwalang napatingin si Blessy sa kaniya.
“Ang oa mo naman ni Sir. Miss mo na kaagad ako? Magkasama lang tayo kanina ah?” natatawang saad ni Blessy.
“Miss na kita eh. Saka wala namang mali doon di’ba?” taas kilay na tanong niya dahilan para matawa si Blessy.
“May pinagmanahan pala si Kaly pagdating sa pagtaas ng kilay habang nagtatanong.” Nakangiting saad ni Blessy sa sarili niya.
“Mainit pa po itong niluto ko Sir. Gusto mo na po bang kumain?” tanong ni Blessy.
“Sure. Kanina pa kumakalam ang tiyan ko.” Saad ni Kenneth kaya naman ipinaghanda na siya ni Blessy.
“Hmm, ang sarap.” Pagkomplimento ni Kenneth sa nilutong pagkain ni Blessy.
“Talaga ba? Mabuti na lang nagustuhan mo po.” Nakangiting sabi ni Blessy. Sobrang saya niya dahil nagustuhan ni Kenneth ang niluto niya.
Patuloy silang kumain at nang matapos na sila ay nagligpit na si Blessy.
“Aalis ka na kaagad?” malungkot na tanong ni Kenneth kay Blessy. Base sa muka ni Kenneth ay ayaw niya pang paalisin si Blessy.
“Opo Sir. Marami pa po akong kailangan gawin eh.” Saad ni Blessy.
“Okay. ” saad niya bago niya isinarado ang laptop niya at inayos na niya ‘yong mga gamit niya.
“Bakit po kayo naglilinis na Sir? May pupuntahan po ba kayo?” tanong ni Blessy.
“Yeah, I’ll be going home with you. I think I deserve to rest for now dahil ilang linggo na akong puyat at pagod. Hahayaan ko na lang na si Nathaniel ang mag manage habang wala ako.” Saad niya bago sila lumabas ng opisina ni Kenneth. Lumabas na rin sila sa kumpanya at sumakay sa kotse ni Kenneth.
“Mamaya pang 4 natin susunduin si Kaly diba? Gusto mo bang mag gala muna tayo?” pag aaya ni Blessy kay Kenneth pero umiling ito.
“Let’s just stay in my room and cuddle. Gusto ko munang magpahinga.” Saad niya bago sinimulan ang pagmamaneho.
“Sige ba basta nanonood ng movie.” Saad ni Blessy at tumango naman si Kenneth. Nagpatuloy sila sa pag uusap hanggang sa makauwi sila.
_
Makalipas ang ilang buwan ay gano’n pa rin ang trato ni Kenneth kay Blessy. Para ba silang mag jowa dahil palagi silang magkayakap at magkatabi matulog. Palagi namang masaya at kinikilig si Blessy dahil sa nangyayari.
Kasalukuyang nakaupo si Blessy sa sofa habang si Kenneth naman ay nagbibhis sa kwarto nito nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang babae.
“Oh, who are you? Where’s my hubbylove?” tanong nung babae dahilan para magtaka si Blessy?
“Huh? Anong sinasabi niya? Saka sinong hubbylove?” nagtatakang tanong ni Blessy sa sarili niya habang nakatingin siya doon sa babae. Napatigil naman si Blessy sa pag iisip nang marinig niyang pababa na ng hagdan si Kenneth. Nabigla naman siya nang sumigaw ‘yong babae at niyakap nito si Kenneth.
“Hello hubbylove. Na miss mo ba ako?” masayang saad nito dahilan para masaktan si Blessy.
“Si Kenneth ‘yong hubbylove niya? Anong nangyayari? Saka sino ba ang babaeng ito?” sunod sunod na tanong niya sa sarili siya. Nang mapatingin siya kay Kenneth ay napansin niyang gulat na medyo kinakabahan ito.
“S—Sino siya?” tanong ni Blessy kay Kenneth. Doon na lang napabuntong hininga si Kenneth dahilan para mas lalong masaktan si Blessy.
“Tama ang hinala ko. May hindi ka siya sinasabi sa akin.” Malungkot na saad ni Blessy sa sarili niya.
“Anong sino siya? I am Cyril, Kenneth’s girlfriend and soon to be wife.” Saad ni Cyril bago niya inirapan si Blessy. Doon nakumpirma ang hinala ni Blessy. Namuo ang luha sa kaniyang mga mata nang marinig niya ang sinabi nung babae.
Hindi makapaniwala si Blessy sa mga narinig niya.
“May girlfriend na pala siya? Pero bakit gano’n ‘yong trato niya sa akin? Pagpapanggap lang ba iyon? Pinaglalaruan niya lang ba ako?” sunod sunod na tanong niya sa sarili niya bago niya pinunasan ang tumutulong luha sa kaniyang mga mata.
“Ah gano’n po ba. Sige maiiwan ko na muna po kayo. Susunduin ko na po si Kaly.” Malungkot na saad ni Blessy habang patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi na niya hinintay na magpaliwanag si Kenneth at umalis na kaagad siya. Sumakay kaagad siya sa kotse at doon niya ibinuhos ang mga luha niya.
“Bakit ang sakit? Napaniwala niya ako na mahalaga ako sa kaniya.” Aniya bago siya nagpunas ng luha.
Simula noon ay palagi nang iniiwasan ni Blessy si Kenneth. Minsan ay sinusubukan siyang kausapin ni Kenneth pero iniiwasan siya ni Blessy. Napapansin na rin ni Kaly na may problema silang dalawa at nag aalala na ito.
Kasalukuyang naglalakad si Blessy sa loob ng school ni Blessy upang maghatid ng lunch nang may bigla siyang nakabanggaan.
“Hala, sorry po.” Paghingi ng paumanhin ni Blessy bago siya napatingin sa nakabanggaan niya. Nagulat naman siya nang makita niyang dati niyang kaklase ito nung highschool pa sila.
“Jerson? Ikaw ba ‘yan?” tanong ni Blessy.
“Blessy?” tanong ni Jerson at tumango naman si Blessy.
“Grabe ikaw nga. Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Jerson.
“Dadalhan ko lang ng pagkain ‘yong inaalagaan ko. Ikaw ba, bakit ka nandito?” tanong ni Blessy kay Jerson.
“Teacher ako dito. Ang tagal rin nating hindi nagkita ‘no?” tanong ni Jerson at nagpatuloy sila sa pagku-kwentuhan habang naglalakad.
Sa kabilang banda naman ay may matalim na tingin ang nagmamasid kay Blessy at Jerson. Mahigpit na nakahawak si Kenneth sa manibela ng kotse niya habang pinagmamasdan niya ang dalawang iyon. Sobra sobra ang nararamdaman niyang selos ngayon pero wal siyang magawa. Gusto niya sana magpaliwanag kaso ayaw siyang kausapin ni Blessy.
“Kamusta na ang buhay mo ngayon?” tanong ni Jerson.
“Okay naman. Pero may problema ako. Nagkagusto kase ako sa lalaking may girlfriend na pala. Hindi ko alam kung papaano ako mag mo-move on sa kaniya.” Malungkot na saad ni Blessy.
“Hala same pala tayo. May nagugustuhan rin ako noong babae kaso engage na pala sila. Alam ko ang sakit na nararamdaman mo Blessy. Pero wala naman tayong magagawa dahil hindi natin hawak ang nararamdaman nila. Masakit man pero kailangan na lang nating tanggapin.” Nabigla naman si Blessy dahil sa ikinwento sa kaniya ni Jerson. Hindi siya makapaniwalang parehas lang pala sila ng nararamdamang sakit.
“Since nandito ka na, what if gumala tayo mamayang gabi. Kasama si Maureen, natatandaan mo pa ba ‘yong babaeng ‘yon?” tanong ni Blessy.
“Oo naman. Paano ko makakalimutan ‘yon eh siya ‘yong sumapak sa akin dahilan para makatulog ako.” Saad ni Jerson dahilan para matawa si Blessy.
“Ano game ka ba? Matagal na rin since nung huli tayong nag gala nila Maureen.” Aniya dahilan para mapaisip si Jerson.
“Game, wala namang pasok ang mga estudyante bukas eh.” Saad niya kaya naman kaagad na tinawagan ni Blessy si Maureen at pumayag ito.
“Wala namang pasok bukas si Kaly saka nandoon naman si Kenneth kaya okay lang na umalis ako.” Saad ni Blessy sa sarili niya. Maya maya lang ay nakarating na silang dalawa sa classroom nila Kaly. Masayang tumakbo papalapit sa kaniya si Kaly pero napatigil ito nang makita niyang kasama ni Blessy si Jerson.
“Why is he with you po Ate Blessy?” tanong ni Kaly dahilan para mapangiti si Jerson.
“I’m Jerson, your Ate Blessy’s highschool friend.” Pagpapakilala ni Jerson dahilan para taasan siya ng kilay ni Kaly.
“Friends only lang po ha. Bawal po magkaroon ng manliligaw si Ate Blessy dahil kay Kuya Kenneth ko lang po siya.” Saad ni Kaly dahilan para hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya si Blessy.
“H—Ha? Bakit niya sinabi ‘yon? Gigisahin nanaman ako ni Jerson mamaya ng tanong.” Saad ni Blessy sa sarili niya bago ito bumuntong hininga.
“Of course I won’t. She already love your Kuya. We’re just friends so you have nothing to worry about.” Nakangiting saad ni Jerson dahilan para mapanatag si Kaly.
“Yeah, that’s true po. Ate Blessy loves my Kuya and my Kuya loves Ate Blessy.” Nakangiting aniya dahilan para mapatakip ng muka si Blessy.
“Kailan po ulit kayo mag uusap ni Kuya, Ate Blessy? Hindi pa po ba kayo magbabati?” tanong ni Kaly. Napabuntong hininga na lang si Blessy.
“Huwag niyo muna pag usapan ang tungkol dyan dito sa school. By the way Kaly, hihiramin ko muna ang Ate Blessy mo mamayang gabi para mag gala kasama ang isa pa naming kaibigan. Okay lang ba?” paghingi ng permiso ni Jerson.
“Okay po but don’t let any boy get close to Ate Blessy. Para kay Kuya Kenneth lang po siya.” Paalala ni Kaly at nginitian naman siya ni Jerson bago tumango.
“Sige na kumain ka na Kaly. Aalis na si Ate Blessy.” Saad ni Blessy bago niya hinalikan sa noo si Kaly at pumasok na ito muli sa may classroom.
“Possessive at selosa si Kaly. Sigurado akong mas malala ‘yong Kuya niyan. Nakita mo na bang mag selos si Kenneth?” tanong ni Jerson.
“Hindi pa. Bakit naman siya magseselos kung wala namang kami. Saka papaano mo nga pala nalaman na Kuya ni Kaly ang tinutukoy ko?” tanong ni Blessy.
“Halatang halata naman eh. Nung sinabi ni Kaly na kay Kenneth ka lang daw. Grabe hindi ko inaakalang ‘yong lalaking ‘yon pala ang tinutukoy mo. Kilala ko ‘yon. Ceo ang lalaking ‘yon di’ba? Tapos maraming business ang pamilya niya sa iba’t ibang bansa.” Pagku-kwento ni Jerson. Hindi naman makapaniwala si Blessy sa sinabi nito.
Kinagabihan ay kasalukuyang nagbibihis si Blessy para sa gala nilang tatlo nila Maureen at Jerson. Nang matapos na siyang mag bihis ay kaagad siyang bumaba. Naabutan niyang nakaupo sa may sala si Kenneth pero hindi niya ito pinansin at naglakad na siya papaalis.
Nagkita kita sila sa tapat ng restaurant. Nang makarating si Blessy doon ay nandoon na sila Maureen at Jerson. Nabigla naman si Blessy dahil parang kakaiba ang reaksyon nung dalawa. Hindi na lang siya nagtanong at nagsimula na silang mag gala. Nagpunta sila sa mall at kumain sa food park.
Nang medyo mapagod na sila ay nagtungo sila sa isa sa mga paboritong bar na pinupuntahan nila noon. Naisipan nilang mag inom para makapag enjoy. Umorder sila ng alak at nagsimula nang mag saya.
Halos ilang oras na ang nakalipas at mga lasing na sila. Nagpahiwalay si Blessy doon sa dalawa kaya naiwan itong nag sasayaw sa may dancefloor kasama ang iba pang mga taong nandoon. Habang nagsasayaw siya ay naramdaman na lang niya na may humapit sa bewang niya bago siya nito niyakap. Wala na sa wisyo si Blessy kaya naman hinarap niya ang lalaking ‘yon at nag sayaw silang dalawa.
“Beautiful.” Saad nung lalaki bago niya hinalikan sa labi si Blessy. Nabigla naman si Blessy nang mapatingin siya sa muka nung lalaki dahil si Kenneth ito.
“Let’s go home. It’s already late.” Saad ni Kenneth bago niya hinigit papalabas ng bar si Kenneth.
“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Saka bitawan mo nga ako! Doon ka na sa girlfriend mong mukang pufferfish.” Lasing na saad ni Blessy dahilan para mapabuntong hininga si Kenneth.
“Bukas tayo mag uusap. Lasing ka ngayon at kailangan mo nang magpahinga.” Saad ni Kenneth bago niya muling hinawakan si Blessy pero itinulak siya nito.
“Don’t touch me Sir! Oo aaminin ko mahal kita pero hindi tayo bati! Magsama kayo nung girlfriend mong mukang pufferfish.” Pagmamaktol ni Blessy. Bigla naman nilang naramdaman na umaambon na.
“Ummambon na Blessy. Pumasok ka na sa loob ng kotse.” Utos ni Kenneth pero hindi siya sinunod ni Blessy.
“At bakit ko gagawin ‘yon? Hindi ako sasama sa’yo. Kaya kong umuwi ng mag isa.” Inis na saad ni Blessy. Akmang magsasalita na si Kenneth nang biglang bumuhos ang ulan. Kaagad namang hinubad ni Kenneth ang jacket niya at itinakip niya ito kay Blessy para hindi ito mabasa.
Nang maitakip na niya kay Blessy ang damit ay walang kung ano anong hinigit ni Kenneth si Blessy bago niya ito muling hinalikan sa labi. Gusto siyang itulak ni Blessy pero hindi ito makagalaw dahil sa nalulunod na siya sa halik ni Kenneth.
“Ipapaliwanag ko sa’yo ang lahat kapag hindi ka na lasing. Kumalma ka muna ngayon at umuwi na tayo.” Saad ni Kenneth bago niya niyakap si Blessy habang umuulan. Kaya ang ending ay basang basa si Kenneth. Tumango na lang si Blessy bago sila pumasok sa may kotse upang umuwi at magpahinga na. Hindi na alam ni Blessy ang mga susunod na nangyari dahil nakatulog na siya habang nagmamaneho si Kenneth.
Kinaumagahan ay nagising si Blessy nang may hangover. Kaagad naman siyang bumangon at pumunta sa kusina para magkape.
“Mawawala rin ‘to kapag nakahigop na ako ng mainit. Pero teka, nasaan nga pala si Kaly? Wala kase siya dito ngayon. Natutulog pa rin kaya ‘yong batang ‘yon?” tanong no Blessy sa sarili niya bago siya nagtungo sa sofa habang dala dala ang kape.
“Good morning Ate Blessy. I’ll be staying at Ate Ria’s house po for today para makipag play kay Chia. Kayo po ni Kuya ang maiiwan muna dito.” Saad niya nang makababa siya sa hagdan.
“Ah gano’n ba? Sige enjoy playing Kaly. Message mo na lang ako kapag gusto mo nang umuwi para sa masundo kita.” Nakangiting saad ni Blessy bagoniya hinalikan ang noo si Kaly. Nagpaalam na sila sa isa’t isa at umalis na si Kaly.
“Umalis si Kaly ngayon. Makakapagpahinga ako.” Saad ni Blessy bago siya huminga ng maluwag.
“Nakauwi kaya ng maayos kagabi si Jerson at Maureen? Nalasing kase ako ng sobra sobra at hindi ko na matandaan ‘yong mga nangyari.” Saad niya bago muling naupo sa sofa.
“Pero teka lang, paano nga pala ako nakauwi? Sumakay ba ako ng taxi? O baka naman gumapang ako? Hays, hindi ko talaga matandaan.” Saad ni Blessy sa sarili niya nago siya napabuntong hininga.
“Mukang solo ko ngayon ang mansion. Wala si Kaly, wala ‘yong mga maid at wala si Sir. Sigurado akong nasa trabaho ‘yon.” Aniya at akmang hihiga na sana siya sa sofa nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto ni Kenneth. Nagulat naman siya nang makita niyang hindi pa umaalis si Kenneth..
“Nandito pa pala si Kenneth? Akala ko nasa trabaho na siya?” tanong niya sa sarili niya.
Hindi niya sana ito papansinin pero nabigla na lang siya nang mapagtanto niyang nasa tabi na niya pala ito. Magsasalita na sana si Kenneth nang bigla siyang matumba kay Blessy.
“S—Sir? May problema po ba? Teka, sobrang init niyo po Sir.” Nag aalalang saad ni Blessy. Kaagda niyang hinawakan ang noo at leeg ni Kenneth at doon niya nakumpirma na nilalagnat ito.
“It’s so cold Blessy. Hug me, please.” Pagmamakaawa ni Kenneth kaya napahiga nanaman ulit sa sofa nang magkapatong.
“So warm.” Saad ni Kenneth bago niya ibinaon ang ulo niya sa leeg ng dalaga.
“Bakit ka nilalagnat Sir? Ano po bang pinaggagagawa niyo?” tanong ni Blessy bago niya itinulak si Kenneth at umayos siya sa
Pagkakaupo.
“Hindi mo ba naaalala ang nangyari kagabi? Ikaw ang dahilan kung bakit ako may sakit ngayon. Naulanan ako kagabi nang dahil sayo.” Saad ni Kenneth bago siya umayos ng pagkakahiga. Nabigla naman si Blessy nang tumayo si Kenneth at itinulak siya nito kaya naman napahiga ulit siya at pumatong sa kaniya si Kenneth.
“I can’t take it anymore Blessy. Stop ignoring me! Alam mo bang halos mabaliw na ako nung mga araw na hindi mo ako kinakausap? Tapos may kausap ka pang ibang lalaki sa school ni Kaly. Akala mo ba hindi ako nag seselos?!” nabigla naman si Blessy dahil sa sinabi ni Kenneth.
“Akala mo ba hindi masakit sa akin na makita kang masaya habang may kausap na ibang lalaki? Sobra na ang nararamdaman kong selos noon Blessy. Sinusubukan kitang kausapin pero hindi mo ako pinapansin. Hindi mo na ba ako mahal?” tanong ni Kenneth. Bigla na lang naramdaman ni Blessy na nabasa ang leeg niya at umiiyak na pala si Kenneth.
“I don’t love her Blessy. In fact, I hate Cyril. Our parents force us to be in a relationship. Pero kahit kailan, hindi ko siya minahal. Ikaw ang unang babae na nakabihag sa puso ko. Kaya wala akong pakielam sa ibang babaeng nagkakagusto sa akin dahil ikaw lang ang gusto ko. I love how you always take care of me even though I’m always grumpy. I love how you cook food for me because I always forgot to eat lunch. I love everything about you Blessy so please, please forgive me. I didn’t mean to hurt you.” Saad ni Kenneth dahilan para mamuo ang luha sa mga mata ni Blessy. Nagu-guilty siya dahil hindi niya man lang pinakinggan si Kenneth nung gusto nitong magpaliwanag. Ramdam niya rin sa puso niya na mahal niya pa rin si Kenneth at wala na siyang balak pang mag mahal ng iba.
“Pero papaano kung ayaw sa akin ng parents mo dahil mas gusto nila si Cyril?” tanong ni Blessy.
“I don’t care about them. They can’t force me to love someone I didn’t love. I will love and marry you kahit hindi sila sang ayon.” Saad ni Kenneth bago niya niyakap si Blessy. Kaagad naman siyang napabitaw sa pagkakayakap nang marinig niyang humihikbi si Blessy.
“Did I do something wrong? Why are you crying?” nag aalalang saad ni Kenneth kay Blessy pero niyakap lang siya ng dalaga.
“I’m sorry Kenneth. Nasaktan ako ng sobra sobra kaya kita iniiwasan. Akala ko pinaglalaruan mo lang ako noon.” Lumuluhang ani ni Blessy. Napangiti naman si Kenneth nang dahil doon at pinunasan niya ang luha ni Kenneth.
“Don’t cry Blessy. Naintindihan ko naman kung bakit ka galit sa akin. Kasalanan ko rin naman ‘yon.” Saad ni Kenneth bago niya hinalikan sa noo si Blessy.
“Bati na tayo di’ba? Hindi ka na galit sa akin?” tanong ni Kenneth at tumango naman si Blessy.
“Thank you. Finally makakatulog na ako ng maayos. Pero sino nga pala ‘yong lalaking kasama mo doon sa school nila Kaly? Bakit parang ngiting ngiti ka nung nakita mo siya?” taas kilay na tanong ni Kenneth.
“Kaibigan ko lang ‘yon Kenneth. Teacher siya doon at hindi inaasahang nagkita kami doon. Saka hindi mo naman kailangang mag selos dahil mukang interesado si sa kaibigan kong si Maureen. Bukod doon ay alam niya na mahal kita.” Malambing na saad ni Blessy dahilan para mamula si Kenneth.
“Bakit ka namumula? Kinikilig ka ‘no?” pang aasar ni Blessy kay Kenneth.
“Ano naman kung kinikilig ako? Mahal din kita.” Kinikilig na aniya na nagpatawa kay Blessy.
“Pero, papaano si Cyril?” tanong ni Blessy bago siya yumuko. Akmang mag sasalita na si Kenneth nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang hindi katandaang mag asawa.
“You don’t have to worry about her ija. Saka nahuli namin siya ng asawa kong may kasamang iba kaya hindi na namin pipilitin si Kenneth na mag mahal ng iba. Bukod doon ay mahal na mahal ka rin ng isa pa naming anak at ikaw daw ang gusto niyang maging asawa ng Kuya niya.” Saad ng babaeng kakarating lang dahilan para magulat sila Blessy.
“Mom? Dad? What are you both doing here?” gulat na tanong ni Kenneth habang nakayakap pa rin siya kay Blessy.
“We are here to apologize for pressuring you to like Cyril. Kung si Blessy talaga ang gusto mo ay support kami sa desisyon mo basta masaya ka.” Saad naman nung Dad ni Kenneth.
“Thank you. And yeah, si Blessy ang babaeng mahal ko at gusto ko pakasalan.” Nakangising saad ni Kenneth sa mga magulang niya dahilan para mamula si Blessy sa hiya.
“Oh pakasalan pala ha? Pero sige, kelan niyo gusto magpakasal? Sabihin niyo lang sa amin para maayos na namin.” Nakangising saad ng Mom ni Kenneth.
“Baka soon pa Mom. Kapag kase kinasal kami ay magkakaroon na kaagad kami ng baby. Gusto ko sana ako muna ang baby ni Blessy.” Aniya dahilan para magtawanan silang lahat doon.
“By the way ija, I’m Karen MonDel and this is my husband Neo MonDel. We are your future inlaws.” Pagpapakilala ni Karen bago siya lumapit kay Blessy at nakipag shake hands.
“Anak hindi naman halatang ayaw mo nang maagaw siya sayo ng iba ‘no? Grabe kase ‘yong pagkakayakap mo kay Blessy baka hindi na makahinga ‘yan.” Saad ni Karen pero mas lalo lang hinigpitan ni Kenneth ang pagkakayakap niya kay Blessy.
“Nakakahinga pa naman po ako Ma’am.” Saad ni Blessy.
“Don’t call me Ma’am ija. Mommy or Mom ang itawag mo sa akin habang sa asawa ko naman ay Daddy or Dad. Papakasalan ka naman ni Kenneth soon kaya magiging kapamilya ka na namin.” Saad ni Karen bago niya pinisil ang pisnge ng anak.
“Oh sya, uuna na kami ni Neo. Dumaan lang talaga kami dito para sabihin ‘yan. Babalik na kami sa Canada mamaya. Mag ingat kayo dito ha.” Nakangiting saad ni Karen.
“Nakausap na namin kanina si Kaly at nagtransfer na ako ng pera sa banko niya. Alagaan niyong mabuti si Kaly. At stay strong sa inyo.” Saad ni Neo bago sila tuluyang umalis ni Karen. Napangiti naman si Blessy sa sobrang saya dahil tanggap siya ng mga magulang ni Kenneth. Akala niya kase nung una ay hindi siya matatanggap ng mga ito dahil sa gusto nila si Cyril pero nagkakamali pala siya.
“Paano ba ‘yan solo natin ang bahay ngayon. Aangkinin muna kita ngayon.” Nakangising saad ni Kenneth at akmang hahalikan na niya si Blessy nang pigilan siya nito.
“Hep, hep sandali lang Kenneth. In case na nakalimutan mo, nilalagnat ka ngayon kaya hindi pwede. Kailangan mong uminom ng gamot at magpahinga dahil may sakit ka. Next time na lang.” saad ni Blessy dahilan para mapasimangot si Kenneth.
“Huwag ka namang sumimangot. Aalagaan naman kita eh. Ayaw mo ba? Madali naman akong kausap eh.” Saad ni Blessy.
“Hindi ka naman mabiro. Sige na po magpapahinga na po ako. Basta aalagaan mo ako ha. Mahal na mahal kita Blessy, palagi mong tatandaan ‘yan.” Nakangiting saad ni Kenneth bago niya hinalikan sa noo si Blessy.
“Mahal na mahal rin kita Kenneth MonDel.” Saad naman ni Blessy dahilan para mapangiti si Kenneth. Hindi nila inaasahan na magkakaaminan sila ngayong araw. Kahit na may iyakan na nangyari ay naging maayos pa rin silang dalawa.
_
Makalipas ang halos dalawang taon ay kasal na silang dalawa. Halos anim na buwan rin silang nagligawan bago tuluyang sinagot ni Blessy si Kenneth. Naging maayos ang relasyon nila at makalipas ang isang taon ay nagpakasal na silang dalawa. Wala pa silang anak ngayon pero hoping sila na magkaroon na.
“Mahal bigla lang pumasok sa isip ko. Paano kaya kung hindi kami nagpunta sa park nung araw na ‘yon? Siguro hindi tayo magkakakilala ‘no?” tanong ni Kenneth habang nakahiga silang mag asawa ngayon sa may sofa sa sala.
“Siguro. Pero mabuti na lang nagkita tayo doon.” Nakangiting saad ni Blessy.
“Oo nga. Hindi ako nagsisising nagkakilala tayong dalawa. Kung hindi siguro tayo nagkakilala, baka hanggang ngayon single pa rin ako. Baka nga tumanda na akong binata kung hindi ka dumating sa buhay ko.” Natatawang saad ni Kenneth dahil para matawa si Blessy.
“Grabe naman ‘yong tumanda ng binata eh.” Aniya dahilan para mapatingin sa kaniya si Kenneth.
“Totoo ‘yan mahal. Hindi naman kase ako interesado mag mahal noon eh. Akala ko nga noon sa trabaho na lang iikot ang buhay ko eh. Pero binago mo ang lahat nang iyon nung dumating ka sa buhay ko.” Ani ni Kenneth dahilan para mamula si Blessy.
“Pinapakilig mo naman ako ng sobra sobra mahal. Pero kahit ako ay wala pa rin talaga akong balak magkaroon ng boyfriend noon. Pero nagbago ang desisyon ko nang magkakilala tayo. Hindi inaasahang nahulog ako sa’yo.” Saad ni Blessy bago siya niyakap ni Kenneth.
“And that’s because of me. Buti na lang po talaga napilit ko noon si Kuya. Masaya po ako para sa inyong dalawa.” Biglaang singit ni Kaly habang nakatingin siya sa mag asawang naglalambingan sa may sofa.
“I’ll be living with Mom and Dad now. Masosolo niyo na po always ang mansion. And can’t wait rin po na magkaroon na ako ng soon to be pamangkin. Ate Blessy gawa na po kayo ng baby ni Kuya.” Nakangusong saad ni Kaly dahilan para matawa ang mag asawa.
“Soon. Malapit na malapit na Kaly. Magkakaroon ka na ng pamangkin.” Saad ni Blessy bago tuluyang nag paalam si Kaly at umalis na ito.
“Paano ba ‘yan solo na natin ‘yong mansion? Oras na siguro para gumawa na tayo ng bab—” hindi na natapos ni Kenneth ang sasabihin niya nang biglang nakaramdam ng pagsuka si Blessy at kaagad itong tumakbo papunta ng banyo. Doon ito sumuka ng sumuka at kaagad namang sumunod si Kenneth sa asawa niya.
Tinawagan ni Kenneth ang private doctor ng pamilya nila at doon kinumpirma nung doctor na nagdadalang tao si Blessy. Halos mapatalon naman sa tuwa si Kenneth nang marinig niya iyon. Pangarap niya kaseng magkaroon na sila ng anak ni Blessy at magkakatotoo na ito ngayon.
Masaya niyang niyakap at hinalikan ang asawa niya.
“Congratulations po Mr and Mrs MonDel. Bukas na bukas po ay pumunta po kayo sa hospital para ma check up na po namin ang baby niyo.” Saad nung doctor. Ikinwento na rin kaagad ni Kenneth sa mga magulang at kapatid niya ang tungkol sa magiging anak nila ni Blessy at tuwang tuwa namang ang mga ito.
“Ang bilis naman ata po kuya. Kanina lang po ako humiling ng pamangkin tapos mayroon na po kaagad ngayon?” natatawang saad ni Kaly habang kavideo call niya sila Blessy, Kenneth at ang mga magulang niya.
“Finally, may apo na rin kami. May maipagmamayabang na kami sa mga kaibigan namin.” Masayang saad ni Karen dahilan para matawa silang lahat.
“Inaasar kase nila kami na baka hindi na raw kami magkaapo dahil mukang walang balak kase mag asawa noon si Kenneth.” Natatawang saad ni Neo. Sobrang saya nila dahil madadagdagan na ang pamilya nila.
Sa paglipas ng buwan ay lumalaki na ng lumalaki ang tiyan ni Blessy. Hanggang sa mag anim na buwan na ito at nalaman nila na lalaki ang magiging anak nila. Kasalukuyan walong buwan na ang tiyan ni Blessy. Sobrang excited na si Blessy at Kenneth dahil isang buwan na lang ay makikita na nila ang magiging anak nila.
“Good morning mahal ko. Good morning anak.” Bati ni Kenneth sa asawa niya bago niya hinalikan ang tiyan ni Blessy.
“Anong craving mo ngayon mahal? Kalamansi na may chocolate ba? Or Ice cream na may hot sauce?” natatawang tanong ni Kenneth kay Blessy. Natatawa siya dahil tuwing nag lilihi si Blessy ay mga kakaibang pagkain ang gusto nitong kainin.
“Hindi pa ako gutom eh. Iinom lang muna ako ng gatas.” Saad ni Blessy kaya kaagad namang siyang ipinagtimpla ni Kenneth ng gatas.
“Malapit na nating makita ang anak natin mahal. May naisip ka na bang pangalan?” tanong ni Blessy kay Kenneth habang hinihimas niya ang tiyan niya.
“Pwedeng ako ang mag isip?” tanong ni Kenneth dahilan para matawa si Blessy.
“Oo naman, bakit hindi eh ikaw naman ang ama nito. Saka hindi ako maganda mag pangalan kaya ikaw na lang.” saad naman ni Blessy kaya biglang napaisip si Kenneth kung ano nga ba ang magandang ipangalan sa anak nila.
“May naisip na ako mahal. Sana magustuhan mo.” Saad ni Kenneth.
“Kier Miles MonDel. Diba ang gwapo at ang angas pakinggan?” masayang saad ni Kenneth.
“Kier Miles.” Nakangiting saad ni Blessy bago niya hinawakan ang tiyan niya.
“Sana maging mabait na bata ka anak ko. Huwag mo nang gayahin ang Dad mo dahil puro kalokohan ‘yan. Paglabas mo sa sinapupunan ko ay mamahalin kita ng sobra sobra at papalakihin kitang may takot sa diyos, mabait at magalang.” saad ni Blessy bago siya hinalikan ni Kenneth sa labi.
Hindi inaasahang ang pagmamahalan nilang dalawa. Nagkaroon man ng hindi pagkakaintindihan pero nalampasan nila ito at ipinagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa. At diyan na nagtatapos ang love story nila Kenneth at Blessy.
× END ×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro