IV - Spend A Night With The Governor
Trabaho, pamilya, 'yan ang palaging nasa isip niya. Handa siyang gawin ang lahat para sa kapatid niya. Wala na siyang mga magulang kaya naman gano'n na lang ang pagmamahal niya sa kapatid niya. Pero, ano na lang ang mangyayari kapag nainlove siya sa lalaking walang pakielam sa pag ibig? 'Yong tipong wala ata sa bokubularyo nung lalaki ang mag mahal. Mapapaibig niya kaya ito?
_
Nakatulala sa kawalan si Shareena habang nakaupo siya ngayon sa may sala nila. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Natanggal kase siya sa trabaho at doon siya umaasa ng ipangkakain nila.
Namomroblema rin siya ngayon dahil sa isang linggo na ang kaarawan ng kapatid niya. Nangako kase siya dito na ibibili niya ang kapatid ng barbie doll na matagal na nitong pinapangarap.
“Diyos ko, ano na po ang gagawin ko?” hindi na napigilan ni Shareena na maluha dahil sa dami ng problema niya. Bigla niyang narinig na bumukas ang pintuan kaya naman nag punas siya ng luha.
“Ate, okay ka lang po ba?” tanong ng kapatid ni Shareena na si Sofia. Peke namang ngumiti ang dalaga para hindi ipahalata na malungkot siya.
“Okay lang ako Sofia. Bakit nga pala gising ka pa? May pasok ka pa bukas diba?” pag iiba ni Shareena sa usapan.
“May kailangan po kase akong sabihin sa'yo Ate. Sinabi po ni teacher na mayroon daw po kaming field trip next week bago ang birthday ko. Okay lang po ba kung sumama ako?” tanong niya.
“Field trip? Paano na 'yan? Mukang mabubuksan ko 'yong piggy bank ko para makasama si Sofia. ” saad ni Shareena sa sarili.
“Pero okay lang naman po kung hindi ako sumama Ate. Ang mahal po, nasa 2,000 plus po kase 'yong babayaran” agad namang saad ni Sofia dahilan para mapatingin sa kaniya si Shareena. Alam ni Shareena na matagal nang pangarap ni Sofia na makasama sa field trip dahil last year pa nito gusto sumama kaso walang wala sila last year.
“Matagal mo nang gusto sumama sa field trip diba? Si Ate na ang bahala dyan, gagawa ako ng paraan kapatid ko.” aniya dahilan para mapangiti si Sofia.
“Talaga po ate? Thank you po.” masayang saad nito.
“Oo naman. Kaya mag pahinga ka na at gabi na. Mauna ka na sa kwarto at suaunod na rin si Ate mamaya maya.” nakangiting saad ni Shareena bago niya hinalikan sa noo ang kapatid. Nang makapasok na sa loob ng kwarto si Sofia ay kaagad na tumayo si Shareena at binuksan niya 'yong cabinet na nasa sala at kinuha doon ang alkansya niya.
Binuksan na niya iyon at kakaunti pa lang ang laman nito. “Last month lang ako nag ipon, sana umabot 'to ng kahit isang libo.” saad niya sa sarili habang nag sisimula na siyang mag bilang.
One thousand three hundred seventy five. 'Yan ang naipon ni Shareena.
“700 pa ang kulang, sana makapag ipon ako bago mag deadline ang bayaran nito.” saad niya sa sarili bago itinago ang pera. Nang maitago na niya ito ay pumasok na siya sa loob ng kwarto nila upang magpahinga.
Sa kabilang banda naman ay may isang lalaki na nakaupo sa swivel chair niya. Kasalukuyan siyang umiinom ng alak habang nag papahinga. Kakatapos niya lang gawin ang mga trabaho niya. Alas dose na ng gabi at nasa opisina pa rin siya.
Habang umiinom siya ng alak ay biglang bumukas ang pinto ng opisina niya. Nabigla naman siya dahil hindi man lang ito kumatok.
“Don't you know how to knock?” inis na tanong niya bago siya tumingin sa taong pumasok sa opisina niya.
“Darcy? What are you doing here at this hour?” nagtatakang tanong niya sa assistant niya. Hindi ito sumagot at lumapit ito sa kaniya. Nabigla siya ng hinawakan siya nito sa kwelyo at walang pasabing hinalikan.
“What the? Anong pinag gagagawa mo?” galit na sigaw niya bago niya itinulak si Darcy.
“I like you Terrence. Please let me be your girlfriend.” pagmamakaawa ni Darcy dahilan para hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya si Terrence.
“Why not? Mahal kita Terrence kaya bakit ayaw mo? Handa akong gawin ang lahat mahalin mo lang ako.” muling saad ni Darcy dahilan para mainis si Terrence.
“I don't care! This is the reason why I don't like having female assistant. Get out of my office and you're fired! Don't ever come back here again and leave!” sigaw ni Terrence dahilan para maiyak si Darcy. Lalapitan pa sana niya si Terrence nang may pumasok na guard sa opisina nito at hinigit na nila papalabas si Darcy.
“Another female assistant nanaman ba ang nahulog sa'yo at sinabing mahal ka? Iba ka na talaga kuya Terrence.” natatawang saad ng pinsan niyang si Carla. Kasama nitong pumasok ang mga security guards at nakita niya kung papaano hinigit papalabas si Darcy.
“I'm sick and tired na lahat na lang ng assistant ko nagkakagusto sa akin. Iisa na nga lang ang rule ko sa kanila, ang ‘don't fall Inlove with me’ tapos hindi pa nila kayang sundin?” inis na saad ng binata bago siya umupo sa swivel chair.
“Huwag naman palaging grumpy Governor Terrence Monteroz. Tandaan mo governor ka at saka bakit ba ayaw mo sa mga babaeng nagkakagusto sa'yo?” natatawang tanong ni Carla sa pinsan na kasalukuyang nakasimangot.
“Basta ayaw ko. Alam mo naman na wala akong balak magmahal diba? Sagabal lang 'yan sa trabaho ko.” inis na saad ni Terrence bago niya ininom 'yong alak.
“Hay nako Kuya. Nag iisa kang anak at alam mo rin naman na gusto na ni Tita ng apo.” aniya dahilan para masama siyang tinitigan ni Terrence.
“I don't care. Saka bakit nandito ka pa? Alam mo kaysa iniinis mo ako, ihanap mo na lang ako ng bagong assistant. 'Yong hindi sana magkakagusto sa akin.” aniya dahilan para mapairap si Carla.
“Alam mo kuya, huwag ka na lang mag assistant. Ang dami mong demand saka pang ilang assistant na ba si Darcy ngayong buwan? Pang lima na diba? Kasalanan ba nung mga tao na nagkakagusto sila sa'yo?” Sa mga oras na ito ay naiinis na si Terrence dahil sa dami ng sinasabi ni Carla. Walang pakielam si Terrence kung magpalit siya ng magpalit ng assistant. Ayaw niya na may nagkakagusto sa kaniya lalo na't involved sila parehas sa trabaho.
“Stop talking nonsense and leave now! If you don't leave I'll tell your brother that you have a boyfriend.” pagbabanta ni Terrence kaya naman napabuntong hininga na lang si Carla..
“Fine! Aalis na ako!” saad ni Carla at akmang mag lalakad na siya papalabas ng pinto nang bigla siyang tumigil
“By the way, I had a friend who just got fired sa pinagtatrabahuhan niya, perfect siya sa trabahong ito. Sakto dahil wala rin siyang balak mainlove kaya sigurado akong hindi ka na mamomroblema Kuya. Tatawagan ko na siya ngayon, bye.” pag papaalam ni Carla bago siya lumabas sa opisina ni Terrence. Napahilot na lang si Terrence sa sentido niya dahil alam ganiyan rin ang sinabi ni Carla sa kaniya noon.
Iinom na sana ulit siya ng alak nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ito ay nakita niyang tumatawag pala ang kaniyang ina.
“What do you want Mom?” tanong ni Terrence sa ina niya.
“What's with that tone Terrence? Ang cold mo naman mag salita.” saad ng Ina ni Terrence mula sa kabilang linya.
“Mom it's 12:15 AM, ano ba kase kailangan mo?” tanong niya sa ina.
“Ganito kase 'yon anak. Diba nag punta ako sa reunion namin kanina? Lahat ng mga kaibigan ko na nandoon ay ang pinag uusapan ay may mga apo na sila. Naiingit ako sa kanila.” nakangusong saad ng Ina dahilan para mapatakip ng muka si Terrence.
“Here she goes again with this topic.” saad ni Terrence sa sarili.
“So, I was thinking na baka gusto mo kilalanin 'yong anak ng kaibigan ko. Kaedad mo siya at sigurado akong magugustuhan mo ang dalagang 'yon.” pamimilit ng ina ni Terrence dahilan para mainis ito. Palagi na lang kase siya sine-set up ng kaniyang ina sa kung sino sinong babae sa kadahilanang na gusto na nito ng apo kahit hindi interestedo si Terrence.
“No Mom! I already told you that I'm not interested in having a relationship. Kung gusto mo ng apo pwede ka namang umampon na lang. Please Mom, itigil mo na ang pag se-set up sa akin sa mga babaeng 'yan at hindi ako interesado.” inis na aniya bago niya binabaan ng tawag ang ina.
“I hate this life!” aniya bago muling uminom ng alak at ipinikit ang mga mata.
_
Ilang araw na ang nakalipas pero wala pa ring mahanap na trabaho si Shareena. Medyo namomroblema na siya ngayon dahil pang isang saingan na lang 'yong bigas na natitira at dalawang de-lata na lang ang meron sila. Hindi naman mapili sa pagkain 'yong kapatid niya at kumakain ito ng kahit anong pagkain. Pero ang nasa isip ni Shareena ay kailangan niya na magkaroon ng trabaho dahil ayaw niyang umabot sa punto na wala na silang kakainin ni Sofia.
Kasalukuyan niyang kausap ang kaibigan niya na biglaang tumawag.
“Seryoso Carla?” masayang saad ni Shareena habang kausap niya ang kaibigan niya.
“Oo naman Shareena. Naghahanap kase ng bagong assistant si Kuya dahil kakatanggal niya lang doon sa assistant niya noong isang araw dahil sa nainlove ito sa kaniya. Hays ewan ko ba kay kuya, diba wala namang masama kung magkagusto sa'yo ang isang tao?” tanong ni Carla mula sa kabilang linya.
“Oo naman pero baka naman may trauma 'yong kuya mo kaya wala pa siyang balak mag girlfriend. Hayaan mo na 'yon, basta masaya ako dahil magkakaroon na ako ng trabaho ulit.” aniya bago siya naupo sa may sofa.
“Hindi ka naman mabilis ma fall Inlove diba?” biglaang tanong ni Carla kaya naman nagtaka si Shareena.
“Oo, saka na ako maiinlove kapag nakita ko nang maayos ang buhay ng kapatid ko. Sa ngayon siya na muna ang priority ko. Saka na 'yong pagiging inlove inlove na 'yan.” natatawang saad ni Shareena.
“So, ano bang mga requirements ang mga kailangan kong dalhin pag punta ko sa kumpanya na 'yan?” tanong ni Shareena bago siya uminom ng tubig.
“Ha? Anong kumpanya beh? Sa kapitolyo ka magta-trabaho.” natatawang saad ni Carla dahilan para maibuga ni Shareena 'yong iniinom niyang tubig.
“Kapitolyo? Bakit sa kapitolyo? Politician ba 'yong pinsan niyang nangangailangan ng assistant?” hindi makapaniwalang saad ni Shareena sa sarili niya.
“Hello Shareena? Nandyan ka pa ba?” tanong ni Carla dahilan para mabalik sa wisyo si Shareena.
“Ah oo nandito pa ako. Pero tanong lang, sino ba ang magiging boss ko?” tanong niya sa kaibigan.
“Huh? Hindi mo ba kilala kung sino 'yong tinutukoy ko na pinsan ko? Si Kuya Terrence 'yong tinutukoy ko Shareena.” saad niya dahilan para malaglag ang panga ni Shareena sa gulat.
“S—Si Gov Terrence Monteroz ba ang tinutukoy mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Shareena dahilan para magtaka si Carla.
“Don't tell me hindi mo alam na pinsan ko si Kuya Terrence?” tanong ni Carla.
“Hindi eh.” nahihiyang saad ni Shareena.
“Hahaha hindi ako makapaniwalang hindi mo alam ang middle name ko na M. Ang ibig sabihin no'n Monteroz. Anyways, bukas na daw simula mo sa trabaho at dapat 6:00 AM ay nandoon ka na raw. Dress formal and sabihin mo lang doon sa guard na ikaw ang bagong assistant ni Kuya Terrence para papasukin ka nila.” pagbibigay ni Carla ng instructions sa kaibigan.
“Okay sige, ibibilin ko na lang so Sofia kay Aling Martha.” saad ni Shareena bago niya in-end 'yong tawag. Simula pa noong nagta-trabaho siya sa dati niyang pinagtatrabahuhan ay kay Aling Martha niya na ibinibilin si Sofia. Pagkatapos ng klase ay kasabay na umuuwi ni Sofia ang apo ni Aling Martha at magkaibigan sila kaya naman palaging nandoon si Sofia upang makipag laro.
Sobrang saya ni Shareena ngayon dahil magkakaroon na ulit siya ng trabaho. Pero nagulat talaga siya nang malaman niya na si Terrence Monteroz ang magiging boss niya. Nakita niya na ang lalaking 'yon noong nangangampanya ito. Gwapo, matangkad, matangos ang ilong at mayroon itong napakagandang kulay hazel brown na mata.
Pero kahit na gwapo iyon ay kahit kailan hindi naging interesado si Shareena sa kaniya. Sa ngayon ay panatag na ang loob niya dahil mapapakain niya na muli ng maayos ang kapatid niya at makakasama pa ito sa field trip na gusto nitong samahan.
Kinaumagahan, alas tres pa lang ay gumising na si Shareena upang ipaghanda ng pagkain at baon ang kapatid niya. May ipanggagastos niya na ngayon 'yong inipon niya dahil may trabaho nanaman siya at lingguhan ang sahod doon. Ipinagluto niya ng chicken nuggets si Sofia sa lunch nito at hotdog naman para sa breakfast. Ipinagtimpla niya rin ito ng gatas at nagtimpla naman siya ng kape para sa sarili niya.
Habang nag hahanda na siya ng pagkain ay lumabas na si Sofia mula sa kwarto niya. Ikinuwento niya sa kapatid na may trabaho na siya ulit kaya naman masaya siyang niyakap ng kapatid niya.
Matapos silang kumain ay naligo na sila parehas at nag bihis. Pakikiusapan na lang ni Shareena si Aling Martha na isabay si Sofia sa paghahatid nito sa apo niya dahil kailangan na niyang umalis.
“Pasensya na po talaga Aling Martha. Maaga po kase ang trabaho ko ngayon.” aniya dahilan para mapangiti ang matanda.
“Ano ka ba Shareena, okay lang 'yon. Alam ko naman na nagta-trabaho ka ng mabuti para sa kapatid mo saka mabuti nga na palaging nandito si Sofia dahil hindi na lumalabas ang apo kong si Gwen kase may kalaro na siya.
“Pasensya na po talaga Aling Martha. Sofia magpakabait ka ha. Uuwi din si Ate mamayang gabi.” saad ni Shareena sa kapatid bago niya ito hinalikan sa ulo.
“Opo ate. Bye bye po.” nakangiting aniya ng bata.
“Oh sya ika'y lumakad na at baka mahuli ka pa sa trabaho mo. Huwag kang mag alala ako na ang bahala sa kapatid mo.” napangiti na lang si Shareena dahil sa sobrang bait ng matanda na ito. Bigla niya ulit naalala 'yong mga oras na wala pa siyang trabaho noon dahil binibigyan talaga sila ng matandang ito ng pagkain. Nangako siya sa sarili niya na susuklian niya ang kabutihan ng matanda kapag naging maluwag luwag na ang buhay niya.
Kaagad na sumakay ng jeep si Shareena ngunit hindi inaasahang naging traffic. Sa kadahilanang ayaw niyang ma late sa trabaho ay bumaba na siya sa jeep at nilakad niya na lang dahil medyo malapit nanaman siya sa kapitolyo.
6:20 AM na ng makarating siya sa may kapitolyo at nagmamadali siyang pumasok. Nasa third floor pa ata ang opisina ng Governor kaya naman mas lalo siyang malalate kapag nag hagdan pa siya. Kaya walang passbi siyang sumakay sa elevator.
“Hoy Ms! Sila Gov lang po ang pwedeng sumakay dy—” hindi na natapos nung lalaki ang sasabihin nito nang biglang sumara ang pinto ng elevator.
Hingal na hingal si Shareena at pawis na pawis.
“Unang araw ng trabaho late na kaagad ako. Paano kung tanggalin niya rin ako sa trabaho ngayong araw?” kinakabahang saad niya sa sarili bago ipinikit ang mga mata upang magpahinga kahit sandali. Tumigil ang elevator at naramdaman niya na may pumasok pero hindi niya na lang ito pinansin dahil sa gusto niya pa magpahinga. Ngunit naputol ang pagpapahinga niya ng biglang tumigil ang elevator at namatay ang ilaw nito. Doon siya napamulat at nagtatakang napatingin sa kalapit niya. Muntik na siyang malagutan ng hininga nang makita niya kung sino 'yon.
“Governor Terrence Monteroz?” gulat na saad niya sa sarili.
“What's happening?” tanong ni Terrence bago siya lumapit sa may buttons ng elevator. Doon nila parehas napagtanto na nasira ang elevator at parehas silang stuck doon.
“It's not working. Hurry up and call someone for help.” saad ni Terrence dahilan para mapatingin sa kaniya si Shareena.
“A—Ako ba kinakausap mo?” gulat na tanong nito dahilan para mapairap si Terrence.
“Malamang, sino pa ba kakausapin ko kung hindi ikaw? May iba pa ba akong kasama dito? Are you an idiot?” masungit na aniya dahilan para mapikon si Shareena.
“Nagtatanong po ako ng maayos Gov Monteroz ha, tapos pipilosopohin mo lang ako? May sira ka ba sa utak?” inis na saad ni Shareena. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit natatanggal si Shareena. Madali kase itong mapikon.
“Common sense na 'yon babae. Ikaw lang ang kasama ko dito diba? Kahimang multo ang kausap ko. Now hurry up and call someone. It's getting hot in here.” pag uutos niya. Huminga ng malalim si Shareena bago niya sinunod ang utos ni Terrence.
“Pigilan mo ang sarili mo Shareena. 'Yan ang magiging boss mo at kapag inaway mo 'yan mawawalan tayo ng trabaho.” pagpapakalma niya sa sarili niya habang sinusubukang tawagan si Carla ngunit hindi ito sumasagot. Doon niya napansin na wala pa lang signal sa loob ng elevator.
“A—Ahm Sir? Wala pong signal.” nahihiyang saad niya dahilan para mainis si Terrence at sinuntok niya 'yong elevator.
“Hoy! Bakit mo ginawa 'yon? Gusto mo bang mahulog tayo?” inis na saad ni Shareena bago nakipag titigan kay Terrence na kasalukuyang tumatagaktak ang pawis. Si Shareena ay nagsisimula na ring pawisan kaya naman punas siya ng punas.
“Alam mo, this is all your fault. Saka bakit nasa elevator ka? Employee ka lang naman diba? Mga with higher position lang ang pwedeng sumakay dito babae if hindi mo pa alam.” Kumulo ang dugo ni Shareena nang sabihin ni Terrence 'yon. 'Yong init matitiis niya pa pero 'yong gaspang ng ugali nung lalaking kasama niya sa elevator ay hindi na niya kaya.
“Hoy lalaki! First of all bakit naging kasalanan ko? Nagmamadali nga ako dahil malalate na ako sa trabaho ko saka anong connect? Porket sumakay ako nasira na? Gano'n ba ako kabigat? For your information ang sexy sexy ko kay—” napatigil naman siya sa pagsasalita nang makita niyang naghuhubad na si Terrence ng damit.
“B—Bakit ka nag huhubad? Anong gagawin mo? Kung may binabalak kang masama huwag mo nang subukan dahil marunong ako manuntok!” sigaw ni Shareena pero huli na ang lahat ng tuluyan nang makapaghubad si Terrence.
Nahihilo na sa mga oras na ito si Terrence kaya naman pinipilit niya ang sarili na maglakad papalapit kay Shareena nang bigla siyang mawalan ng balanse at hindi inaasahang natumba siya sa dalaga. Napasigaw naman si Shareena dahil akala niya ay may masamang gagawin sa kaniya si Terrence.
“Eww! Manyak! Manyak!” sigaw ni Shareena. Bigla namang bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa kaniya ang mga tagaayos ng elevator na nakatingin sa kanilang dalawa. Kaagad niyang itinulak si Terrence at dali daling lumabas.
“Nakita niyo ba 'yong pwesto nila? Bakit sa dami ng lugar ay sa elevator pa?” bulong bulungan ng mga tao doon kaya naman tumakbo na siya papalayo. Akmang bababa na sana siya sa hagdan nang may biglang tumawag sa pangalan niya.
“Shareena Castillo?” tanong niya.
“Opo ako nga 'yon.” aniya at nagulat siya ng higitin siya ng babae.
“Hindi dyan ang office ni Gov. Dalian mo para makarating ka sa opisina niya hangga't wala pa siya. Mayayari ka talaga kay Gov kapag na late ka.” saad nung babae habang tumatakbo sila sa may hallway. Gusto sabihin ni Shareena na hindi na siya tutuloy dahil sa kahihiyang nagawa niya kay Terrence pero hindi siya makapag salita dahil sa sobrang pagod.
“Pumasok ka na sa loob at mag ayos ng sarili mo. Mamaya lang ay darating na si Gov.” saad niya bago niya pinapasok si Shareena at isinarado nito ang pinto.
“Ano nang gagawin ko? Hindi niya ako pwedeng makita. Sinabihan ko pa siya ng manyak kanina.” saad niya sa sarili habang naghahap siya ng matatakasan. Nang bubuksan na sana niya ang pinto ay nabigla siya dahil naka lock ito. Kaagad namang sumilip sa bintana si Shareena ngunit sobrang taas nito at baka mahilog lang siya. Habang naghahanap siya ng daan kung saan siya pwedeng tumakas at biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Terrence na kasalukuyang nagpupunas ng pawis.
“Ikaw?!” gulat na sigaw ni Terrence habang kasunod na pumasok nito si Carla.
“Ah eh Sir huwag ka na pong magalit. Hindi ko talaga sinasadyang tawagin kang manyak. Saka kasalanan mo din naman 'yon dahil bigla kang natumba sa akin.” paghingi ng tawad ni Shareena habang nagpipigil ng tawa si Carla.
“Tanggal angas mo do'n Gov. Tinawag kang manyak haha.” natatawang saad ni Carla dahilan para mamula ang Shareena.
“Shut up!” sigaw nito bago dahan dahang lumapit kay Shareena. Nakatingala si Shareena sa kaniya dahil sa sobrang tangkad nito.
“At ikaw babae. Pagbibigyan kita ngayon dahil bago ka pa lang.” inis na saad niya bago nilampasan si Shareena. Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga bago siya humarap kay Terrence at nagpasalamat.
“Maraming Salamat po Sir. Promise hindi na po mauulit.” pagpapasalamat niya bago umupo si Terrence sa swivel chair nito.
“Now that you're my assistant. May mga kailangan kang alamin sa trabahong ito. Kailangan mong alamin ang mga schedule ko at kailangan mo ring sundin ang mga utos ko. Sigurado naman akong hindi ka mapapagod ng sobra sa trabahong ito.” saad niya at tumango tango naman si Shareena.
“I only have one rule and if you break it, I'll fire you right away. Don't fall Inlove with me.” diretsong saad ni Terrence kay Shareena.
“Yes Sir!” aniya. “Saka masyado po kayong masungit para mainlove ako sa inyo.” bulong ni Shareena.
“What?” tanong ni Terrence.
“Wala po Sir. Ang sabi ko po hindi po ako maiinlove sayo.” pekeng ngumiti si Shareena nang sabihin niya 'yon. Tumayo naman si Terrence at kumuha ito ng bagong damit sa may cabinet dito sa opisina niya.
“Nandoon sa folder anv schedule ko. Just let me know kung ano ang mga gagawin ko mamaya.” aniya bago kinuha ni Shareena 'yong folder at tiningnan ito.
“Vacant po ang 12:00 PM to 2:00 PM niyo Sir. Pero mayroon po kayong kailangan puntahan na meeting mamayang 3:00 PM.” saad ni Shareena habang binabasa niya 'yong schedule ng bago niyang boss.
“Ehem ehem. Lalabas na ako kuya, may kailangan pa akong ireport kay Tita.” pagtutukoy ni Carla kay Isabella, ang Ina ni Terrence.
“I-report?” nagtatakang saad ni Shareena.
“Don't mind her and just do your work.” malamig na saad nito.
“Okie Sir. Pwede po ba akong umupo dito sa sofa?” tanong ni Shareena.
“Do whatever you want just don't bother me. Huwag mo akong tititigan dahil ayaw ko ng may nakatingin sa akin.” saad nito bago binuksan ang laptop niya.
“Akala naman ng taong 'to kung sino siya para titigan.” bulong ni Shareena bago siya umirap at nagbukas ng cellphone.
“Sir pwede po bang bumale sa next Thursday?” diretsong tanong niya kay Terrence.
“What? Hindi ka pa nga nag iisang oras sa trabahong ito gusto mo na agad bumale?” hindi makapaniwalang tanong ni Shareena.
“Ang sungit mo naman Sir. May field trip kase ang kapatid ko sa Friday at gusto niya sumama. Pero kung ayaw mo Sir okay lang po.” saad ni Shareena bago niya ibinalik ang tingin sa cellphone.
“Manghihiram na lang muna siguro ako kay Carla at babayaran ko na lang kapag nakasahod na ako.” saad niya sa sarili bago bumuntong hininga.
“Fine, papayagan kitang bumale . Pero 10,000 lang ang maximum.” aniya dahilan para lumiwanag ang muka ni Shareena.
“Thank you talaga Sir. Promise hindi na talaga kita tatawaging manyak.” masayang saad niya dahilan para masama siyang tiningnan ni Terrence. Napatakip naman siya ng bunganga dahil sa sinabi niya.
“Sorry po.” aniya bago tumahimik. Halos isang oras ang nakalipas at parehas lang silang tahimik. Busy sa pag ta-type sa laptop si Terrence habang si Shareena naman ay nanonood sa cellphone niya.
“Sir it's 12:00 PM na po. Lunch time na po, hindi pa po ba kayo kakain?” tanong ni Shareena.
Kaagad namang naglabas ng isang libo si Terrence at inabot niya ito kay Shareena.
“ Ibili mo ako ng maaring kainin. Make sure na malinis ang pagkain na bibilhin mo ha.” pag uutos niya dahilan para magtaka si Shareena.
“Hindi po ba kayo dinadalhan ng pagkain dito?” tanong ni Shareena.
“Sawang sawa na ako sa pagkain na dinadala nila. Ibili mo na lang ako ng simple basta masarap na pagkain.” utos niya kaya naman napangiti na lang si Shareena.
“Simple pero masarap? Isa lang ang bilihan ng pagkain ang kailangan kong puntahan. Karinderya!” saad niya sa sarili niya bago lumabas ng opisina ni Terrence.
“Ano kayang masarap na ulam? Adobo kaya? O caldereta? Masarap din ang chicken curry eh. Pero teka, isang libo naman itong dala ko diba? Kakasya naman kung bibilhin ko 'yong mga ulam na 'yan.” saad niya sa sarili habang naglalakad siya pababa sa hagdan. Nang makalabas naman siya sa may kapitolyo ay kaagad niyang pinuntahan 'yong malapit na karinderya sa lugar na ito.
“Magandang umaga ho Aling Gina. Isang chicken curry, adobo, caldereta at apat na rice po.” aniya nang makapasok siya sa loob ng karinderya.
“Ay nandito pala ang aking suki. Magandang umaga rin sa'yo ija. Kamusta ka na? Saka bakit parang andami naman ata ng binibili mo ngayon?” tanong ni Aling Gina habang pinagbabalot niya na ang inorder na ulam ni Shareena.
“Okay naman po ako ngayon. Saka para po kay Gov 'yan, nagugutom na daw po kase siya kaya ibinili ko po siya ng pagkain sa karinderya mo Aling Gina.” aniya bago naupo sa isang upuan.
“Para kay Gov Monteroz pala ito? Sa kaniya ka na ba nagta-trabaho ngayon?”
“Opo Aling Gina. Ako po ang bagong assistant ni Gov Terrence. May pagkamasungit po si Sir pero kaya naman po basta may pangkain kami ni Sofia.” aniya. Maya maya lang ay natapos na magbalot si Aling Gina at inabot niya na kay Shareena ang inorder nito.
“Nilagyan ko 'yan ng sagobe ha. Ipatikim mo kay Gov at sana magustuhan niya.” aniya dahilan para mapangiti si Shareena at nagpasalamat siya sa matanda. Kaagad naman siyang bumalik sa may kapitolyo habang bibit niya ang mga pinamili niyang pagkain. Habang naglalakad siya ay may hindi inaasahang nakabanggaan siya.
“Ay sorry po.” nang mapatingala siya ay may matangkad na gwapong lalaki siyang nakita. Gwapo ito ngunit mas gwapo si Terrence kaysa sa lalaking 'yon.
“Pasensya na po Sir.” paghingi niya ng paumanhin.
“Okay lang. Parang bago ka lang dito, ngayon lang kase ako nakakita ng magandang babaeng katulad mo. Let me guess, assistant ka ni Gov Terrence?” tanong niya dahilan para matawa si Shareena.
“Ang galing mambola ha. Pero tama ka, ako po 'yong bagong assistant ni Sir Terrence.” aniya dahilan para mapangisi 'yong lalaki.
“Hmm... masyadong ka naman atang maganda para maging assistant lang ni Kuya Terrence. What if maging asawa na lang kaya kita?” biglaang tanong nito dahilan para mabigla si Shareena.
“Grabe naman ang tanong nitong lalaking ito. Nakabanggaan ko lang siya tapos may pa what if what if pa siya.” natatawang saad ni Shareena sa sarili niya. Akmang sasagutin na sana niya ang tanong ng lalaki ng biglang may nagsalita mula sa likuran niya.
“What if maaga mong makita si San Pedro? Maraming babae dyan Steven kaya sila na lang at huwag 'yong assistant ko ang landiin mo. She's mine.” inis na saad niya na nagpagulat naman kay Shareena.
“S—She's mine? Ano bang pinagsasasabi ni Sir?” hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.
“She's yours? Himala ata 'to Kuya. Kailan mo pa sinimulang ipagdamot ang assistant mo? Don't tell me may gusto ka sa kaniya?” tanong ni Steven.
“I don't and stop talking nonsense. Why are you even here?” inis na tanong ni Terrence habang si Shareena naman ay hindi makapag salita dahil sa gulat.
“Okay if you say so.” nang aasar na saad ni Steven bago niya iniwan doon sila Shareena at Terrence.
“Let's go to my office now and what took you so long? Kanina pa ako nagugutom tapos ang tagal tagal mo.” inis na aniya dahilan para mapanguso si Shareena.
“Medyo natagalan lang po Sir. Ikaw naman, napakasungit mo. Bahala ka hindi ka magkakajowa kapag ganiyan ka kasungit.” pang aasar ni Shareena pero natahimik naman siay kaagad nang samaan siya ng tingin ni Terrence.
“Joke lang po.” aniya nang makapasok sila sa opisina nito at ipinaghanda niya na ng pagkain si Terrence. Nang makapasok sila ay mayroon na doong mga pinggan, at mga kutsara.
“What is this? At saka ito?” nagtatakang tanong ni Terrence habang pinagmamasdan niya ang mga biniling pagkain ng dalaga.
“Adobo po 'yan Sir. Tapos 'yong isa po ay caldereta. Masarap po 'yan tikman mo.” aniya habang si Terrence naman ay nagdadalawang isip kung kakainin niya ba ito. Kakainin na sana niya ito nang mahagip ng mata niya 'yong sagobe.
“Ano naman ito? Bakit may saging at langka? Is this a soup?” muling tanong niya bago inamoy 'yong sagobe.
“Sagobe po 'yan Sir. Masarap po 'yan at matamis. Dessert po 'yan kaya 'yang kanin at ulam po muna ang iyong kainin. Tinikman naman ni Terrence 'yong mga pagkain at nagustuhan niya ito. Hind inaasahang tatlong kanin ang naubos niya kaya naman naging masaya si Shareena dahil mukang nagustuhan ito ni Terrence.
_
Makalipas ang halos anim na buwan ay nagta-trabaho pa rin si Shareena bilang assistant ni Terrence. Nagulat nga ang ibang mga nagtatrabaho doon dahil ito ang unang beses na umabot ng ganoong katagal si Shareena bilang assistant ni Terrence.
Maayos naman ang trabaho ni Shareena kay Terrence. Masaya siya dahil nabibili niya na ang kapatid niya ng mga gusto nitong bagay at hindi na nila kailangan pang mamroblema ng dahil sa pagkain. Ang kaso lang ay may kakaibang kinikilos si Terrence na ikinatataka ni Shareena. Sa tuwing kasama niya kase si Terrence ay palagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kaniya. Palagi rin nitong sinasamaan ng tingin ang mga lalaking lumalapit kay Shareena. 'Yong para bang, ayaw niyang maagaw ng iba si Shareena sa kaniya. Nang dahil sa ginagawi niyang iyon ay kulang na lang ay iisipin na ni Shareena na may gusto sa kaniya si Terrence.
Kasalukuyan siyang nasa bahay ni Terrence ngayon habang nagtitimpla ng kape.
“Shareena.” pagtawag ni Terrence sa pangalan niya.
“Nasa kusina po ako Sir.” sagot niya habang patuloy pa rin sa pagtitimpla. Napatigil siya sa ginagawa niya nang maramdaman niyang may kamay na pumalibot sa bewang niya.
“S—Sir?” nauutal na saad niya.
“Just continue what you're doing.” aniya kaya naman sinunod siya ni Shareena kahit naiilang ito. Kaya ang ending ay nakayakap si Terrence sa kaniya.
“You smell so good. What's your perfume?” tanong niya.
“Vanilla cream po Sir.” sagot naman ni Shareena. Patuloy siya sa pagtitimpla ng kape habang patuloy ang pag amoy sa kaniya ni Terrence. Habang nasa ganoong pwesto sila ay hindi nila napansin na may tao na pa lang nakangisi habang pinagmamasdan silang dalawa.
“Anak tigil muna 'yan. Hindi naman halatang halos maadik ka na sa amoy ni Ms Shareena.” saad ng isang babae dahilan para mapatingin sila sa gawi nito.
“Mrs Isabella Monteroz? Anong ginagawa ng Mama ni Sir Terrence dito?
“Hi ija. I'm Isabella, his Mother. Tama nga ang sabi sa akin ni Carla, mas maganda ka sa personal. Saka bagay kayo ni Terrence, papayag ka bang maging manugang ko?” sunod sunod na saad ni Isabella kay Shareena bago siya lumapit dito.
“What the heck Mom? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba busy kayo ni Dad ngayon?” inis na tanong ni Terrence sa ina niya bago siya umupo sa may upuan.
“Cold as always ka talaga anak. Saka nanay mo naman ako at pwede ako pumunta sa bahay mo. By the way anak, ang galing mo pumili ha. Ang gandang babae ni Shareena oh.” aniya habang pinagmamasdan niya ang muka ni Shareena.
“Wala po kaming relasyon ni Sir Terrence Ma'am.” pagtatama ni Shareena dahilan para mapanguso si Isabella.
“Ano ba kayo, hindi niyo na kailangan pang itanggi. Nakita ko kung paano kayo magkayakap.” taas kilay na saad ni Isabella.
“Mom stop, she already said that we don't have a relationship. Assistant ko lang siya at walang namamagitan sa amin.” inis na saad ni Terrence bago niya kinuha 'yong kape niya at nagtungo na ito sa nay sala.
“Pasensya na po kayo Ma'am. Baka po bad mood lang si Sir.” paghingi ng paumanhin ni Shareena kay Isabella pero nginitian lang siya nito.
“Okay lang ija, sanay na akong ganiyan siya.” nakangiting aniya bago niya hinawakan ang kamay ni Shareena.
“Pero iba siyang kumilos kapag ikaw ang kasama niya. Ayaw na ayaw ni Terrence nang hinahawakan siya ng ibang babae. Pero pagdating sa'yo siya pa mismo ang yumayakap. Huwag ka sanang sumuko bilang assistant niya. Gusto ko rin sana na ikaw na ang mapangasawa niya.” nakangiting saad nito habang di Shareena ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. Kinindatan siya ni Isabella na para bang may sinasabi siya bago ito tuluyang umalis.
“Seryoso ba si Ma'am? Asawa kaagad? Hindi nga ata interesado si Sir sa babae eh. Pero, bakit niya kaya ako niyakap kanina? Arghh! Ayoko mag assume.” namumulang saad ni Shareena sa sarili niya. Maya maya lang ay umalis na si Shareena sa may kusina at sinundan na niya si Terrence sa may sala. Naabutan niya itong nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape.
“Don't take is seriously.” biglaang saad ni Terrence dahilan para mapatingin sa kaniya si Shareena.
“Alin po Sir?” tanong niya bago umupo sa may sofa.
“'Yong sinabi ni Mom. Kaya siya gano'n ay gustong gusto na niyang magkaasawa ako kahit ayaw ko pa. By the way, clear my schedule on Friday. Birthday ng kaibigan ko at pupunta ako sa party niya. You'll be going with me.” aniya kaya naman tumango na kang si Shareena habang hindi pa rin mawala sa isip niya 'yong sinabi ni Isabella.
_
“Kailangan ba talagang nakaganitong dress Sir? Ano po bang klaseng party ang pupuntahan natin?” tanong ni Shareena habang pinagmamasdan niya ang sarili sa may salamin.
“It's a private party at yes ganiyan talaga ang mga suot doon. Make sure na behave ka dahil ako ang mapapahiya sa mga kaibigan ko.” malamig na saad nito dahilan para mapanguso si Shareena.
“Grabe naman si Sir. Para namang gagawa ako ng kalokohan doon. Saka bakit kase kailangan kasama pa ako?” nakangusong saad niya sa sarili bago siya nagalagay ng kaunting lipstick.
“Tapos ka na? Ang tagal mo naman malalate na tayo.” inis na saad ni Terrence habang nakaupo ito sa sofa.
“Tapos na po Sir. Pwede na po tayong umalis.” aniya bago siya inirapan ni Terrence at lumabas na ito. Sumunod na rin siya kaagad at sumakay na siya sa kotse ni Terrence. Nagsimula na itong magmaneho at walang nag uusap sa kanilang dalawa. Parehas silang tahimik lang sa biyahe at walang nag uusap.
Ilang minuto kang ay nakarating sila sa tapat ng isang malaking mansion at pumasok na sila doon.
“Good Evening Gov. Mabuti nakapunta ka ngayon.” salubong na bati ng isang lalaking nakasalubong nila.
“Good Evening too Marcus. Nasaan sila Sean?” tanong ni Terrence sa kaibigan niya pero nakatitig ito kay Shareena.
“Are you listening bro?” inis na tanong ni Terrence nang makita niyang nakatingin si Marcus kay Shareena. For some reason ay bigla siyang nainis ng walang dahilan.
“Ah yeah bro, tara pumunta na tayo doon sa loob.” pag aaya ni Marcus at kaagad naman silang pumasok.
“Ang ganda naman dito. Ganito ba talaga kapag mayaman?” tanong niya sa sarili bago sila nakarating sa may table kung saan nakaupo ang mga kaibigan ni Terrence.
“Oh, may babaeng kasama si Terrence? Himala, girlfriend mo ba siya?” tanong nung isang lalaking naka dark grey suit.
“Hala Sir hindi po. Assistant lang po ako ni Gov Monteroz.” pagtatama ni Shareena bago ito ngumiti.
“Assistant lang ba talaga Terrence?” nakangising tanong niya kay Terrence dahilan para mainis ito.
“Shut up Sean!” galit na sigaw niya kaya naman natahimik silang lahat.
“By the way, may kailangan kaming pag usapan na importante ngayon. Okay lang ba kung iwanan muna namin kayo ngayon at pupunta kami sa vip room?” tanong ni Marcus at pumayag naman sila pati na rin si Shareena.
“Tara girls doon tayo sa may bartender para maka-order na tayo ng alak.” pag aaya nung isang babae. Wala namang nagawa si Shareena at sumama siya. Umorder sila ng mga alak at ininom nila 'yon. Mapait 'yon pero uminom ng uminom si Shareena dahilan para medyo malasing siya. Halos isa at kalahating oras na ang nakalipas habang patuloy pa rin silang nag iinom.
“Medyo kumakalat na ang make up ko. Tara sa banyo.” pag aaya nung isang babae sa kanila. Pumayag naman sila ngunit nagpaiwan na lang si Shareena dahil hindi siya sigurado kung makakatayo pa ba siya ng maayos dahil sa hilo na nararamdaman niya.
“Mukang hindi ako makakalakad ng maayos nito. Makakauwi kaya ako sa bahay ng ligtas?” tanong niya sa sarili bago niya pinilit tumayo pero kaagad siyang natumba. Mabuti na lang ay nasambot siya ng isang lalaki at tinulungan siyang tumayo.
“Are you okay Ms?” nag aalalang tanong ng isang lalaki bago niya pinaupo si Shareena.
“O—Okay lang ako. Sorry nasobrahan lang ako sa pag inom ng alak.” ani ni Shareena bago siya napahawak sa kaniyang ulo.
“Lasing ka na ng lagay na 'yan? Ang cute mo namang lasing.” natatawang saad niya bago siya kumuha ng tissue at pinunasan niya ng pawis si Shareena.
“By the way I'm Lester, what's your name beautiful?” tanong niya habang patuloy pa rin ito sa pag pupunas ng pawis.
“Shareena, 'yan ang pangalan ko.” pagpapakilala niya.
“What a beautiful name. Ang ganda mo na ang ganda pa ng pangalan mo.” pambobola ni Lester. Napangiti naman si Shareena nang dahil sa sinabi nito.
“May boyfriend ka na b—” hindi na natapos ni Lester ang sasabihin niya nang may mag salita sa may likuran niya.
“Why are you talking to my assistant?” tanong niya habang madilim na nakatingin kay Shareena at Lester.
“G—Gov Monteroz, ikaw pala 'yan.” nauutal na saad ni Lester bago siya tumayo.
“Stay out of my sight” malamig na saad niya kaya naman kaagad na umalis si Lester na para bang natatakot siya kay Terrence.
“And you, you're going home with me.” aniya sabay turo kay Shareena.
“I'll be leaving now Marcus. Let's go.” saad niya bago niya hinawakan sa braso si Shareena at lumabas na sila sa may party. Pinasakay na kaagad ni Terrence si Shareena sa kotse.
Kinukulit ni Shareena si Terrence habang nagmamaneho ito.
“Sir alam mo ba kung anong hayop ang nagiging babae kapag binaliktad?” tanong ni Shareena habang seryosong nagmamaneho si Terrence.
“No and I'm not interested to know what is it. Matulog ka na lang at huwag mo guluhin ang pagmamaneho ko.” inis na saad niya dahilan para mapanguso si Shareena.
“Ang sungit mo naman Sir. Gusto lang naman kita pasayahin. Gwapo ka sana kaso palagi kang nakasimangot.” nakangusong saad niya dahilan para mapairap si Terrence.
“Just stop talking nonsense Shareena. I'm trying to focus driving here and just sleep.” inis na saad niya.
“Napaka sungit mo talaga. Kailan ka kakaya babait 'no?” tanong ni Shareena.
“Never.” maikling sagot naman ni Terrence. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa napansin niyang hindi na nag iingay si Shareena. Nang mapatingin siya sa gawi nito ay naabutan niya itong natutulog na. Hindi niya alam pero napangiti siya habang pinagmamasdan niya itong matulog. Dahan dahan niyang hinawakan ang pisnge nito pero kaagad siyang napalayo.
“What has gotten into me? Why am I smiling? Why am I touching her face?” tanong niya sa sarili. Nabalik siya sa wisyo nang ma realized niya kung ano ang ginagawa niya.
“Iuuwi ko na siya sa bahay niya para makapag pahinga na rin ako.” saad niya sa sarili bago niya ibinalik ang pokus sa pag mamaneho. Maya maya lang ay nakarating na siya sa tapat ng bahay ni Shareena. Kaagad siyang bumaba at akmang gigisingin na niya ito ng mapatigil siya.
“ It'll be rude if I wake her up. Bubuhatin ko na lang siya.” aniya bago niya binuksan 'yong pinto ng kotse at binuhat niya papalabas si Shareena. Pumasok siya sa may gate nila Shareena at akmang bubuksan na niya 'yong pinto nang may isang batang babae na nag bukas noon.
“You must be Sofia? The little sister of this drunken woman.” tanong ni Terrence at tumango naman si Sofia.
“Padala na lang po si Ate Shareena sa kwarto niya po. Inaantok na po kase ako at sa kabilang kwarto ako tutulog. Thank you po.” tumango na lang si Terrence at pumasok na si Sofia sa kabilang kwarto. Dinala niya naman si Shareena sa kwarto nito at inilapag sa lamesa. Iiwanan niya na sana ito ngunit bigla siyang hinawakan ni Shareena.
“A—Ang init.” lasing na aniya dahilan para mapairap si Terrence.
“Fine, pupunasan kita. Just wait for me here, kukuha lang ako ng tuwalya at tubig.” saad niya bago lumabas at nakakita naman siya kaagad ng tuwalya. Kumuha siya ng tubig bago bumalik sa kwarto ni Shareena. Kaagad niyang pinunasan ang katawan ng dalaga pati na rin ang muka nito.
“Why am I doing this? Kanina pa dapat ako naka alis. Pero bakit parang gusto ko pang manatili dito at makasama siya?” tanong ni Terrence sa sarili niya habang pinagmamasdan niya ang dalaga na kasalukuyang mahimbing na natutulog.
Dahan dahan niyang inilapit ang kaniyang muka sa muka ng dalaga at pasimple niyang hinalikan ang noo nito.
“Anong ginawa mo sa aking babae ka? Wala akong balak maging interesado sa babae pero bakit ako nakakaramdam ng selos tuwing may kausap kang iba?” tanong niya habang si Shareena naman ay patuloy na natutulog.
Nag dadalawang isip siya nung una pero kaagad niyang hinalikan si Shareena sa labi. Nagulat naman siya nang maramdaman niyang yumakap sa katawan niya ang kamay ni Shareena.
“S—Sir? Ano pong ginagawa mo?” tanong niya kay Terrence pero ngumiti lang ito.
“A—Anong nangyayari? Bakit nandito si Sir Terrence? Bakit ako nakayakap sa kaniya?” namumulang saad ni Shareena sa sarili niya.
“I'll take you to heaven my love.” nakangising aniya. Halos masamid naman si Shareena ng sarili niyang laway dahil sa sinabi ni Terrence
“T—Teka lang Sir. Hindi pa ako handang mapunta sa heaven.” nahihiyang aniya habang pinagmamasdan niya si Terrence.
. Kaagad na hinalikan siya ni Terrence hindi na siya pinigilan ni Shareena at tumugon ito sa mga halik niya. Bumitaw naman sila kaagad nang halos maubusan na sila ng hininga.
“Baka marinig tayo ng kapatid ko.” nahihiyang saad ni Shareena habang si Terrence ay patuloy pa rin sa pag halik sa kaniya.
“Don't worry, I'm sure she's already asleep. Kaya huwag kang mag iingay or else maririnig niya tayo. ” nakangising saad niya bago niya muling hinalikan si Shareena sa labi.
_
Sakit ang ulo, katawan pati na rin ng pagkababae ang naramdaman ni Shareena nang magising siya. Wala siyang suot na saplot at magulo ang kama niya. Kaagad namang nag flash sa utak niya ang mga nangyari dahilan para mamula siya na parang kamatis dahil sa kahihiyan.
“T—Totoo bang nangyari 'yon? Grabe naman, hindi ko na alam kung papaano ko haharapin si Sir Terrence dahil sa mga nangyari kagabi.” nahihiyang saad niya sa sarili bago siya tumayo at nagsuot ng damit. Paika ika siyang lumabas ng kwarto at doon niya naabutan si Sofia na kasalukuyang kumakain.
“Good Morning Ate. Eat ka na po ng niluto ng boyfriend mo.” saad ni Sofia bago uminom ng gatas.
“Ha? Sinong boyfriend? Si Sir Terrence ba ang tinutukoy niya?” tanong ni Shareena sa sarili niya bago naupo sa may upuan.
“Kakaalis niya lang po kanina. Na mi-miss mo na po ba kaagad 'yong boyfriend mo?” tanong ni Sofia dahilan para mabalik sa wisyo si Shareena.
“Sinong boyfriend Sofia? Wala pa akong boyfriend 'no.” aniya dahilan para mapakunot ang noo no Sofia.
“Pero sabi niya po sa akin ay mag boyfriend and girlfriend daw po kayo. Hinalikan ka pa nga po niya sa noo bago siya umalis.” pagku-kwento ni Sofia dahilan para muling mamula ang pisnge ni Shareena nang dahil sa kilig.
“Bakit ganito ang kabog ng dibdib ko? Bakit may kakaiba akong nararamdaman sa lalaking 'yon. Huwag mong sabihin na nagkakagusto na ako sa kaniya?” sunod sunod na saad niya sa sarili. Kaagad siyang kumain at pumasok sa trabaho.
Halos dalawang buwan na ang nakalipas simula nung may mangyari sa kanilang dalawa. Simula nung gabing 'yon at kinabukasan ay hindi na sila nag usap. Naiinis so Shareena dahil bakit parang nag iba si Terrence? Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Doon niya napagtanto na nagugustuhan niya na pala si Terrence ngunit hindi niya alam kung papaano niya ito sasabihin. May kakaiba na rin siyang nararamdaman sa katawan niya pagkatapos no'n. Kasalukuyan siyang nakaupo sa may sofa habang si Terrence naman ay kausap 'yong bago niyang assistant. Dalawa na ang assistant ni Terrence dahil palaging nakakatulog si Shareena.
“'Yan lang po ba ang mga kailangang gawin Sir? Baka gusto niyo po ng massage? Magaling po ako mag masahe.” malanding saad nung babae dahilan para kumulo ang dugo ni Shareena.
“Masahe, masahe! Puro kalandian lang ang inaatupag ng babaeng ito. Eh kung 'yong muka niya kaya ang imasahe ko.” inis na saad niya sa sarili habang nakayukom ang kamao niya.
“That would be great but I need to finish this. Maybe sometime when I'm not busy.” nakangiting ani ni Terrence dahilan para mas lalong mainis si Shareena.
“At talaga namang may balak pa magpamasahe itong lalaking 'to ha? Eh kung pag untugin ko kaya sila parehas 'no? Nanggigigil ako, tatawagan ko muna si Carla dahil medyo nagugutom ako.” aniya sa sarili bago niya kinuha ang cellphone niya at tinawagan niya si Carla. Kaagad naman siyang sinagot nito at akmang mag sasalita na siya ng unahan siya ni Carla.
“Hello beh. Oo papunta na ako sa office ni Kuya Terrence dala 'yong itlog na pula at vanilla ice cream. May balak nga rin pala akong ipagamit sa'yo mamaya, may hinala kase ako at gusto kong makumpirma 'yon. End ko na at malapit n ako sa office.” hindi na nakapag salita si Shareena at in-end na ni Carla 'yong tawag. Maya maya lang ay bumukas na ang pinto ng opisina at pumasok na si Carla. Taas kilay niyang tiningnan 'yong isa pang assistant ng Kuya niya bago ito lumabas. Kaagad namang sinarado ni Carla 'yong pinto bago niya inabot kay Shareena 'yong pagkain na pinabili nito.
“Ano ba namang klaseng pagkain 'yan Shareena. Seryoso ba 'yan? Itlog na pula at ice cream? Ang weird na talaga ng taste mo sa pagkain.” napabuntong hininga na lang si Carla habang si Shareena naman ay patuloy sa paglantak sa binili ng kaibigan niya.
“Para kang buntis na naglilihi. Noong isang araw sardinas na may ice cream. Kahapon bagoong tapos ngayon itlog na pula?” aniya dahilan para mapanguso si Shareena.
“Anong magagawa ko eh ito 'yong gusto ko kainin. Feeling ko nga tumataba na ako kakakain nito eh. Tingnan mo lumalaki na ang tiyan ko. Kahit ako ay nagtataka rin. Pero try mong tikman ito, ang sarap niya.” pag aalok ni Shareena kay Carla pero tumanggi ito. Nang matapos nang kumain si Shareena ay kaagad na nag salita si Carla.
“Kuya pagamit ng banyo mo. At ikaw Shareena, sumama ka sa akin.” aniya bago niya hinigit si Shareena papasok sa banyo.
“Gamitin mo 'yan Shareena. Gusto kong malaman ang magiging resulta dahil baka tama ang hinala ko.” aniya bago niya inabot kay Shareena ang isang pregnancy test.
“Bakit may ganito? Grabe ka naman tumaba lang ako ng kaunti buntis na kaagad?” pagbibirk ni Shareena pero seryoso si Carla kaya pumasok na lang siya sa isang cubicle at doon niya ginamit ang pt. Kaagad siyang lumabas sa cubicle at sabay nilang hinintay ni Carla ang resulta. Halos maiga ang dugo sa muka ni Shareena nang dalawang linya ang lumabas doon hudyat na siya ang nagdadalang tao.
“T—Two lines? B—Buntis ka?” gulat na tanong ni Carla habang hindi makapagsalita si Shareena.
“B—Buntis ako? Paano?” napatigil siya sa pag iisip nang maalala niya ang gabi na pinagsaluhan nila ni Terrence.
“H—Hindi maaari. Huwag mong sabihin na nagbunga ang ginawa namin nung gabing 'yon?” gulat na aniya.
“Nag bunga? Sinong tinutukoy mo babae? Sinong ama niyang ipinagbubuntis mo?” sunod sunod na tanong niya. Ayaw sanang sagutin ni Shareena ang tanong ng kaibigan niya pero wala siyang nagawa at sinabi niya ito sa kaibigan.
“What?! Buntis ka at si Kuya Terrence ang ama? Paano? Kailan kayo nag chugchugan?” gulat na tanong niya. Nabigla naman si Shareena dahil parang masaya pa ito.
“May nangyari sa aming dalawa noong lasing ako at galing kami sa private party.” pag amin ni Shareena dahilan para mas lalong sumaya si Carla.
“O-M-G! This is it! Finally matutupad na ang hiling namin ni Tita Isabella na magkaroon ng anak si Kuya Terrence.” kinikilig na saad niya dahilan para magulat si Shareena.
“Lah? Ano pinagsasasabi ng babaeng 'to? At saka bakit parang masaya siya? Ano nang gagawin ko nito? tanong niya sa sarili. Naguguluhan na siya sa mga dapat niyang gawin ngayon.
“Paano ko sasabihin kay Sir Terrence ito? Hindi nga siya interesado na magkaroon ng girlfriend tapos bigla kong ibabalita sa kaniya na magiging tatay na siya. At isa pa, hindi niya naman ako mahal eh. Ako lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa.” malungkot na aniya na nagpagulat naman kay Carla.
“M—Mahal mo si Kuya? Hala beh sign na talaga 'to. Mukang magiging magkapamilya talaga tayo. Kaya huwag ka nang mag sayang ng oras at sabihin mo na kay Kuya.” pamimilit niya pero nagdadalawang isip si Shareena.
“Paano kung wala siyang pakielam? Paano kung hindi niya tanggapin? Hays, mabuti na nga lang siguro na huwag ko nang sabihin sa kaniya.” saad niya sa sarili nang biglang buksan ni Carla ang pinto ng banyo at masaya itong lumabas bago lumapit kay Terrence.
“Kuya may good news ako sa'yo. Alam mo ba, magiging tata—” hindi na natapos ni Carla ang sasabihin niya ng takluban ni Shareena ang bibig niya at peke niyang nginitian si Terrence.
“A—Ah Sir lalabas muna po kami ni Carla. Babalik na lang po ako later pagtapos ng lunch break mo.” aniya bago dali daling hinigit papalabas si Carla.
“Bakit hindi mo sinabi sa kaniya? Kailangan niyang malaman ang tungkol dyan sa bata para mapanagutan ka niya.” saad ni Carla nang makalabas sila sa opisina.
“Sasabihin ko rin sa kaniya pero huwag ngayon. Hindi ko alam kung handa na ako kaya bigyan mo muna ako ng oras para mag desisyon.” saad ni Shareena kaya naman natahimik na lang si Carla.
“Kung 'yan ang gusto mo, ikaw bahala. Pero kailangan niyang malaman ang tungkol sa batang 'yan.” pag uulit niya. Tumango na lang si Shareena bago sila naglakad sa may hallway. Kumain lang silang dalawa sa cafeteria at nagkuwentuhan bago nila napagpasyahan na bumalik sa opisina ni Terrence. Habang naglalakad silang dalawa ay napatigil sila nang may tumawag sa pangalan ni Carla.
“Jaypee? Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Carla bago ito lumapit sa kanila ni Shareena. Si Jaypee ang matagal nang kaibigan ni Shareena habang kapatid naman ni Jaypee ang boyfriend ni Carla kaya magkakakilala sila.
“Pinagdala ako ni Kuya ng lunch mo. And since alam ko na nandito si Shareena ay dinalawa ko na ” nakangiting aniya dahilan para mapangiti si Shareena.
“Talaga? Thank you Jay.” aniya bago niya niyakap si Jaypee at hinalikan siya nito sa noo.
“Always welcome Shareena.” aniya bago niya inabot kay Shareena at Carla 'yong pagkain.
“Kaso busog pa ako eh. Kakatapos lang kase namin kumain ni Shareena sa cafeteria. Baka mamaya ko na lang ito kainin.” saad ni Carla bago siya tumingin kay Shareena na mukang gusto ulit kumain.
“Ako kakainin ko sa opisina ni Sir. Nagugutom kase ulit ako.” natatawang saad ni Shareena.
“Paanong hindi ka magugutom eh dalawa kayong kumakain dyan. By the way ilang buwan ka na bang buntis?” diretsong tanong ni Shareena dahilan para hindi makapaniwalang napatingin sa kanila si Jaypee.
“B—Buntis ka?” gulat na tanong ni Jaypee sa kaibigan niya.
“Ah—Eh paano ko ba sasabihin sa'yo” kinakabahang saad ni Shareena dahil alam niyang magagalit sa kaniya si Jaypee.
“Oo buntis 'yan. Si Kuya Terrence ang ama. Kaso wala atang balak 'yang babaeng 'yan na sabihin kay Kuya Terrence ang tungkol sa pinagbubuntis niya.” walang prenong saad ni Carla habang si Shareena naman ay tahimik na lang dahil ramdam niya ang matalim na titig ni Jaypee. Mag sasalita na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya at hudyat iyon na tapos na ang lunch break ni Terrence kaya kailangan na niyang bumalik sa opisina nito para ituloy ang mga gawain.
“Mamaya ko na kang kayo kakausapin. May kailangan pa akong gawin kaya bye muna.” aniya bago niya iniwan 'yong dalawa at tumakbo na siya papunta sa may opisina ni Terrence.
“Sana huwag magalit si Sir. Dapat kase 5 minutes bago matapos ang lunch break niya ay nandito na ako sa opisina niya.” saad niya sarili bago siya kumatok.
“Come in.” aniya kaya pumasok naman kaagad si Shareena. Nabigla naman siya nang makita niyang hindi lang si Terrence ang nasa loob ng opisina niya. Nandoon ang nanay at tatay ni Terrence at mukang seryoso silang mga nag uusap.
“You're back finally. Now Mom I have a surprise for you. Matagal mo na itong hinihiling sa akin at hindi inaasahang matutupad ito.” saad ni Terrence bago siya lumapit kay Shareena at hinapit nito ang bewang ng dalaga.
“Magkakaroon na kayo ng apo.” biglaang saad ni Terrence bago niya inilabas mula sa kaniyang bulsa ang isang pregnancy test.
“'Yong pregnancy test na ginamit ko kanina, paano niya nakuha 'yon? Akala ko ba kinuha ni Carla 'yon?” gulat na saad niya sa sarili.
“W—What? Totoo ba 'yan anak?” gulat na tanong ng tatay ni Terrence habang hindi naman makapagsalita dahil sa sobrang saya ang nanay niya.
“Yes Mom. Kahit tanungin niyo pa si Shareena. Saka almost two months na rin ang baby namin sa tiyan niya kaya 7 months to go na lang.” nakangiting aniya bago niya hinawakan ang tiyan ng dalaga at hinalikan niya ito sa labi.
“Narinig mo ba Albert? Magkakaapo na tayo! Hindi niyo alam kung gaano niya ako napasaya. Akala ko talaga hindi na ako magkakaroon ng apo dahil sa sobrang sungit ng anak ko. Maraming Salamat Shareena.” saad niya bago niya niyakap si Shareena.
“W—Walang anuman po Ma'am.” nahihiyang saad ni Shareena.
“Ano ka ba ija, Mom and Dad na lang ang itawag mo sa amin since magiging kapamilya ka na namin soon.” masayang saad ni Isabella habang si Albert naman ay tuwang tuwa rin.
“Tama tama. Tara na sweetheart, kailangan nating ikuwento sa mga kaibigan natin na magkakaroon na tayo ng apo.” pag aaya ni Albert kay Isabella bago sila lumabas ng opisina ni Terrence. Nang makalabas sila ay kaagad na lumayo si Shareena kay Terrence.
“Paano mo nakuha 'yan? Saka paano ka nakakasigurado na ako ang gumamit niyan?” sunod sunod na tanong ni Shareena kay Terrence pero nginisian lang siya nito.
“Balak mo pang itago sa akin huh? Hindi mo ako matataguan ng anak Shareena.” pang aasar ni Terrence.
“Talaga ba? Eh paano kung sabihin ko sayong hindi ikaw ang ama ng batang ito?” tanong niya dahilan para dumilim ang muka ni Terrence at seryoso siyang tinitigan nito.
“Hindi mo ako maloloko babae. Alam ko ang bawat ginagawa mo sa araw araw. Alam ko kung may pinupuntahan ka pa ba ibang lugar o hindi. At wala ka namang ibang pinuntahan nung nakaraan kundi trabaho at bahay niyo.” saad niya dahilan para magtaka si Shareena.
“Paano niya nalaman ang mga iyon. Mukang wala na nga talaga akong takas sa lalaking ito.”buntong hininga niyang saad sa sarili.
“Oo anak mo nga ang ipinagbubuntis ko. May nabuo nung gabing lasing ako. Pero okay lang naman sa akin na ako na ang mag alaga. Kahit magbigay ka na lang ng suporta. Sigurado akong hindi mo nanaisin na malaman ng media ang tungkol sa batang ito dahil sa reputasyon mo.” malungkot na saad bi Shareena bago siya tumango.
“Are you insane? Bakit ko naman itatago ang tungkol sa anak ko? Anak ko 'yan at wala akong pakielam sa sasabihin nila. Wala akong pinag sisihan sa nangyari sa ating dalawa nung gabing 'yon. Ginawa ko 'yon dahil mahal kita.” aniya habang hindi naman makapaniwala si Shareena dahil sa sinabi ni Terrence.
“M—Mahal? Seryoso ba ang mga binibitawang salita ni Sir?” nauutal na tanong niya sa sarili.
“Mahal kita Shareena. Simula nung gabing 'yon ay nakumpirma ko ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko pinapansin ang nararamdaman ko nung una pero hindi ko talaga kinakaya ang selos na nararamdaman ko tuwing may kausap kang iba. Oo madamot ako, aaminin ko na. Handa akong magkaroon ng pamilya basta ikaw ang kasama ko.” pag amin niya. Hindi maipaliwanag ni Shareena ang saya na nararamdaman niya nung sinabi sa kaniya ni Terrence ang salitang mahal kita. Hindi na niya napigilan ang sarili niya at napaamin na rin siya.
“M—Mahal rin kita Terrence.” aniya dahilan para sumaya si Terrence at madiin siyang hinalikan nito.
“I love you so much and I promise that I will make you the happiest woman in the world my love.” malambing na saad niya bago niya niyakap si Shareena at hinalikan.
“Okay na tayo diba?” tanong ni Shareena pero biglang napasimangot si Terrence kaya naman nagtaka ito.
“Hindi pa tayo okay. Sino 'yong lalaking niyakap mo? May pahalik pa sa noo ha? Samantalang ako ilang araw mong hindi ki-niss.” nagtatampong saad niya dahilan para matawa si Shareena.
“Huwag ka na magtampo. Halika dito bibigyan na lang kita ng maraming halik.” aniya at kaagad namang lumapit sa kaniya si Terrence at nagpahalik ng nagpahalik.
_
Halos tatlong taon na ang nakalipas at kasal na sila Terrence at Shareena. Tatlong taong gulang na ang anak nilang si Travis at kasalukuyang nagdadalang tao si Shareena sa ikalawang anak nila ni Terrence. Anim na buwan na ang anak niya at babae ito. Kasalukuyang naglalakad si Shareena papunta sa opisina ng asawa niya nang batiin siya ng mga empleyado doon. Nang makarating na siya sa may opisina ng asawa niya ay pumasok na siya at naabutan niyang natutulog ito. Inilapag niya muna sa may lamesa ang dala dala niyang pagkain at lumapit sa asawa. Hinalikan ni Shareena si Terrence sa noo at nagising naman ito.
“S—Sorry. Naistorbo ko ba 'yong pagtulog mo?” tanong ni Shareena sa asawa pero ngumiti lang ito.
“Hindi naman po mahal. Nakatulog lang ako dahil siguro sa pagod. Kumain ka na ba?” tanong ni Terrence bago siya tumayo at niyakap niya ang asawa.
“Hindi pa mahal. Nag dala ako ng pagkain dito at balak kitang sabayan. Gusto mo na bang kumain?” tanong ni Shareena at tumango naman si Terrence. Ipinaghanda na ni Shareena ang asawa niya ng pagkain at nagsimula na silang kumain.
“Ang dami nating memories dito 'no mahal?” tanong ni Shareena.
“Oo, sobrang dami. Lalo na sa may elevator. Naaalala mo pa ba nung tinawag mo akong manyakis?” natatawang tanong ni Terrence dahilan para matawa si Shareena dahil naalaka niya 'yong mga nakakahiyang nangyari noon.
“Oo naaalala ko pa 'yon. Eh ikaw, natatandaan mo pa ba nung palagi mo akong sinusungitan?” taas kilay na tanong ni Shareena sa asawa dahilan para mapanguso ito.
“Yes mahal at doon ako nagsimulang magkagusto sa'yo. Sinusungit-sungitan lang kita noon pero hindi mo alam nag seselos na ako tuwing may kausap kang iba.” aniya dahilan par matawa ulit si Shareena.
“May pagkaseloso ka rin pala mahal. Sabagay noong ipinagbubuntis ko pa si Travis ay may muntik ka nang suntukin dahil akala mo may iba akong lalaki.” natatawang saad niya dahilan para mamula sa hiya ang asawa niya.
“Bakit mo pa pinaalala sa akin 'yan mahal. Mabuti na lang at mabait 'yong lalaki at hindi niya ako inireklamo. Saka ano nga bang magagawa ko eh seloso ako.” nakangusong aniya bago niya hinawakan ang kamay ng dalaga .
“Ayaw ko lang kase talaga nang may kaagaw. Kapag sa akin, sa akin lang talaga. Sa pagkain nga ayaw ko ng may kaagaw, sayo pa kaya?” natawa naman si Shareena nang dahil sa sinabi ni Terrence.
“May pagkamadamot ka rin pala mahal.” natatawang saad niya.
“Madamot na kung madamot. Basta ayaw ko ng may kaagaw dahil sa akin ka lang.” aniya na para siyang batang inagawan ng candy.
“Oo na sa'yo lang naman ako eh. Saka ikaw lang ang mahal ko.” saad niya kaya napangiti si Terrence.
“Hindi ko talaga inaasahang mahuhulog ako sa'yo mahal. May pasabi sabi pa ako noon na hindi ako interesado sa pag ibig pero heto, masaya na ako ngayon dahil sa'yo. Nagpapasalamat ako diyos na ibinigay ka niya sa akin. Mahal na mahal kita palagi Shareena. Hindi ako magsasawang mahalin ka araw araw.” malambing na aniya bago niya hinawakan ang pisnge ng asawa niya.
“Mahal na mahal rin kita Terrence at ikaw lang ang lalaking mamahalin ko.” tugon niya bago siya hinalikan ni Terrence sa labi.
Nagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa. Hindi man planado ang unang pagbubuntis ni Shareena pero nabuo ito nang dahil sa pagmamahal. Naging masaya ang pamilya nila at masaya silang namuhay.
× END ×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro