I - Maid For You
Hindi inaasahang pangyayari at ito ang magiging daan para mapansin at mahalin ka niya? Paano nga ba sila magkakaaminan sa isa't isa kung parehas nilang hindi maipahayag ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Yan ang mararanasan ni Haily at Quiell.
_
"Pasensya ka na ija kung kailangan mo pa itong gawin para lang mabantayan mo ang anak ko." paghingi ng paumanhin ni Mrs Monterey kay Haily habang nag impake ito ng gamit niya.
"Okay lang po yon Mrs Monterey. Saka sigurado naman po ako na magiging mabait doon si Sir." saad ni Haily bago niya isinarado ang bag niya.
'Sana mag dilang anghel ako sa sinabi ko. Nakakatakot kase ang lalaking yun at ang sungit niya pa.' saad ni Haily sa sarili niya bago pilit na ngumiti kay Mrs Monterey. Wala naman siyang magagawa dahil sayang naman kung hindi niya tatanggapin ang offer na iyon ni Mrs Monterey. Do-doblehin ni Mrs Monterey ang sahod niya kapag pumayag siyang makasama ng anak niya sa condo nito. Nagdadalawang isip siya nung una dahil baka sungitan lang siya ng lalaking yun pero sayang naman kung hindi niya tatanggapin.
Gusto ng anak ni Mrs Monterey na sa condo na lang manirahan dahil para hindi na niya kailangan bumyahe ng matagal bago makarating sa kumpanya niya. Ayaw naman itong paalisin ni Mrs Monterey ng walang kasama kaya nag hanap siya ng maaaring makasama ng anak niya.
Habang nag uusap si Haily at Mrs Monterey ay may biglang nag salita.
"Mom sino ba yung sinasabi mong makakasama ko? Anong oras na kailangan ko nang umalis at malalate ako sa meeting mamaya." ani ng isang lalaki bago siya pumasok sa kwarto ni Haily. Nabigla siya nang makita niya ang dalaga bago ito umirap.
"Don't tell me she's the one I have to live with?" inis na saad nito bago niya tinitigan simula ulo hanggang paa si Haily.
"Hindi ba halata anak? Malamang dito ka pumunta at kwarto niya ito kaya ibig sabihin siya ang makakasama mo." sarkastikong saad ni Mrs Monterey sa anak.
"I never think of it, but why her?" aniya na para bang may virus si Haily at ayaw niya itong makasama.
"Siya na ang napili namin ng Dad mo kaya wala ka nang magagawa Quiell. Saka kaya niyang gawin lahat ng gawaing bahay. Anong gusto mo? Matandang katulong natin dito o si Haily?" taas kilay na tanong ni Mrs Monterey sa anak niya. Wala namang nagawa ang anak nito kung hindi pumayag sa gusto ng ina. Nasusuway ni Quiell ang ama at mga kapatid niya pero hindi ang kaniyang ina. Para kase itong dragon kapag nagagalit.
"Fine." he said looking defeated before glaring at me. Para bang may sinasabi si Quiell gamit ang mga mata niya kay Haily. Iniwan na niya ang ina at si Haily doon at lumabas.
Sumunod na rin sila kaagad at lumabas na rin sa kwarto at naabutan nilang nakaupo ang asawa ni Mrs Monterey at si Quiell sa may sala.
"Honey paano na makakapang babae si Quiell kung may kasama siyang maid doon sa condo niya? Magiging awkward yun." saad ng ama ni Quiell.
'Mukang ayaw niya talaga ako makasama. Sinabihan niya pa talaga si Mr Monterey na kumbinsihin si Mrs Monterey.' malungkot na saad ni Haily sa sarili bago siya tumingin kay Quiell na ngayon ay madiin na nakatitig sa kaniya.
"Anong kalokohan ang pinagsasasabi mo Timothy? Talaga namang sumang ayon ka pa sa gusto ng anak mo? Huwag mo nang igaya sayo ang anak mo. Hindi ako papayag na maging babaero katulad mo ang anak ko." sigaw ni Mrs Monterey sa asawa dahilan para matakot ito at napalunok na lang ng sariling laway.
"Ano ka ba naman honey. Nag bago na ako oh saka matagal na yun at huwag mo nang ipaalala." saad ni Mr Monterey pero hindi siya pinansin ng asawa at kaagad itong tumingin kay Haily at ngumiti.
"Goodluck ija at mag ingat kayo. Saka sabihin mo kay Quiell na umiwas sa gulo at huwag nang gumaya doon sa ama niya. Kung sakali man na may mangyaring hindi maganda doon ay tawagan mo lang ako. Ireport mo rin sa akin kapag nag uwi ng babae si Quiell at re-resbakan natin." bulong niya bago niyakap si Haily.
"Opo Mrs Monterey." aniya bago niya nginitian ang boss niyang ito. Sobrang thankful si Haily dahil kahit masungit ang makakasama niya ay mabait naman ang ina nito.
"Call me Tita Ysa huwag nang Mrs Monterey. Bantayan mo si Quiell ha. Baka mamaya may umagaw sayo ng soon to be surname mo na Monterey." aniya dahilan para mapatigil si Haily at mapaisip. Hindi niya na gets ang sinabi ni Mrs Monterey.
"Ha? Ano po? Pasensya na po hindi ko na gets." saad niya bago pilit na ngumiti.
"Hindi ba obvious? Soon to be surname mo ang Monterey at ang ibig sabihin no'n ay ikaw ang gusto kong mapangasawa ni Quiell. Isa din yon sa dahilan kung bakit ikaw ang pinili ko na makasama niya." nakangising saad ni Mrs Monterey dahilan para mamula si Haily.
'Grabe naman yung mapangasawa Tita Ysa. Parang ang bilis naman po ata kapag ganiyan. Pero ang tanong, magkakagusto ba sa akin ang lalaking yan?' tanong niya sa sarili bago nahihiyang tumingin kay Mrs Monterey.
"Don't be shy ija. Normal lang yan at sigurado akong may pag asang mangyari yan. Can't wait na ikasal kayo." aniya kaya naman mas lalong nahiya at namula si Haily.
"Hindi po ba parang imposible yan? Para kaseng hindi po interesado si Sir Quiell sa babae eh. Saka palagi niya po akong sinusungitan." wika nito bago ngumuso.
"Pero interesado ka sa kaniya? Huwag kang mag alala dahil lalambot rin ang nararamdaman niyan kapag naging kayo na." pang aasar ni Mrs Monterey. Napatakip na lang si Haily sa muka niya habang nag e-enjoy naman si Mrs Monterey na asarin ito.
"Matagal pa ba kayo dyan Mom? Kailangan na naming umalis may pupuntahan pa ako." biglang saad ng kung sino kaya naman napatigil na sa pag bubulungan si Mrs Monterey at Haily.
"Pwede na kayong umalis. Mag ingat kayo ha at huwag mag papalipas ng gutom. Remind niyo na lang ako kapag mahal niyo na ang isa't is-este kapag nakarating na kayo roon." saad ni Mrs Monterey habang nag lalakad na papalabas si Haily at Quiell.
Sumakay si Quiell sa isang kotse at pinalagay niya kay Haily yung mga gamit sa likod ng kotse. Akmang sasakay na sana si Haily sa may backseat ng pigilan siya ni Quiell.
"At bakit dyan ka sasakay? Gagawin mo ba akong driver? Lumipat ka sa unahan." utos nito at kaagad namang sumunod si Haily sa utos ni Quiell. Nag simula na itong mag maneho.
"Stay quiet at ayaw ko nang maingay." paalala niya kay Haily at tumahimik naman ito. Habang nagmamaneho si Quiell ay hindi inaasahang napatingin si Haily kay Quiell. Bigla niyang naalala ang lahat ng sinabi sa kaniya ni Mrs Monterey kaya naman bigla siyang namula.
'Bakit ba ako namumula kapag napapatingin ako sa lalaking ito? Oo gwapo siya pero ang sungit niya saka imposible namang magustuhan niya ako. Sigurado akong masyadong mataas ang standard niya at hindi ako pasok doon.' saad niya sa sarili bago nagtakip ng muka. Nagtataka naman si Quiell sa iginagawi ni Haily pero hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
Tumahimik na lang si Haily at maya maya lang ay nakatulog ito.
_
"Hey. Hey wake up." saad ng kung sino dahilan para magising si Haily. Nabigla siya nang ang bumungad sa kaniya ay ang muka ni Quiell habang ginigising siya nito.
"Ang tagal mo namang gumising. Tulog mantika." aniya bago niya inirapan si Haily. Doon napansin ni Haily na nasa may parking area na sila at mukang dito na ang location ng condo ni Quiell.
"Pupunta na ba tayo sa condo mo Sir?" humihikab na tanong ni Haily kay Quiell.
"Malamang. Bakit dito mo sa may parking area matulog?" sarkastikong saad ni Quiell bago siya lumabas sa kotse.
'Parang alam ko na kung sino ang pinagmanahan ni Sir ng pagiging sarcastic.' saad niya sa sarili niya habang iniisip niya si Mrs Monterey.
"Kuhanin mo na yung mga gamit at sumunod ka sa akin." utos ni Quiell at agad namang sumunod si Haily. Kinuha niya ang dalawang suitcase sa may likod ng kotse at isang malaking bag.
"Sir pwede ko bang isa isahin ito? Hindi ko kase kayang buhatin ng sabay sabay ito." aniya bago itinuro ang mga gamit na dala nila. Napairap na lang si Quiell sa inis bago niya kinuha yung isang suitcase at yung bag na malaki.
'Wow ang lakas naman ni Sir.' saad niya sa sarili bago sila pumasok sa loob at sumakay sa elevator. Habang nakasakay sila doon ay biglang tumunog ang cellphone ni Quiell at sinagot niya ito.
"What?" aniya nang sagutin ang tawag.
"Okay, I'll see you later." aniya dahilan para ma-curious si Haily.
'Sino kaya ang kausap ni Sir? Makikipag kita kaya siya sa girlfriend niya o baka naman sa fling lang?' aniya habang nag iisip.
"Sino yun Sir? Girlfriend mo?" tanong ni Haily dahilan para mapatingin sa kaniya si Quiell.
"It's non of your business." malamig na saad nito bago bumukas ang elevator at lumabas na sila. Natahimik naman si Haily at napanguso. Nabigla siya nang mapansin niyang iisa lang ang pinto sa floor na iyon. Kadalasan kase ay may lima pataas na kwarto sa isang floor pero dito ay iisa lang.
'Nagtatanong lang naman ako tapos sinungitan na ako.' nakangusong aniya sa sarili bago tumigil sa paglalakad. Gusto niya sanang mag tanong muli pero baka sungitan lang siya kaya naisipan niyang manahimik na lang muna.
"Ayusin mo na lahat ng gamit dito. Aalis ako ngayon at baka bukas pa ako ng gabi dumating. Mag iiwan ako ng pera at mag grocery ka bukas para pag uwi ko ay may laman na ang ref. Here's the other key para kapag aalis ka ay maisarado mo ang pinto. Siguraduhin mong sarado at baka manakawan tayo." pag papaalala niya kay Haily. Kaagad itong kumuha ng medyo makapal na puro isang libo at inilapag sa lamesa.
"This will be my room at yon naman ang iyo. Make sure na maayos ang kwarto ko at malinis ang bahay pag uwi ko bukas ng gabi. Also kapag ipagluluto mo naman ako ng pagkain ay huwag kang maglalagay ng mani o kahit ano pang ingredients na may nuts. I'm allergic to that." aniya habang itinuturo niya ang mga dapat gawin ni Haily.
"Yes Sir." saad naman ni Haily.
"Good. I'll be going now." aniya bago lumabas ng condo.
"Ang bilis naman. Wala vang goodbye kiss Sir?" aniya bago tumawa. Sinimulan na niyang mag ayos ng mga gamit. Habang nag aayos siya ay may biglang kumatok sa pinto ng condo ni Quiell.
"Teka, kakaalis lang ni Sir kanina ah? Saka akala ko ba bukas pa siya uuwi?" taning niya sa sarili pero kaagad siyang pumunta sa may ointo at binuksan niya ito.
"Good Evening Ma'am. You must be Ms Haily?" tanong nung lalaki kaya naman nagtaka si Haily. Kakarating niya lang kase dito tapos may nakakakilala na sa kaniya bigla.
"Y-Yes ako nga po yun." nauutal na aniya. Kinakabahan siya dahil baka kidnapper pala ang lalaking ito. Pinag iisipan na niya kaagad kung ano ang susunod niyang gagawin in case na kidnappin siya ng lalaking ito.
"May delivery po sainyo. Bayad na po yan. Galing po ito kay Sir Quiell at pinapasabi niya po na eat well." saad nung delivery driver kaya naman napangiti siya. Medyo kinilig siya ngayon dahil naalala siya ni Quiell at pinadalhan pa siya nag pagkain.
"Maraming Salamat po." pagpapasalamat niya bago kinuha ang pangkain. Nang buksan niya ang plastic ay may laman itong masasarap na pagkain kaya naman napagpasyahan niya munang kumain at ipagpatuloy na kang ang paglilinis mamaya.
'Parang kanina lang ay ayaw pa akong kausapin ni Sir tapos pinadalhan niya ako ng pagkain. Ano kayang nakain non at parang ang bait niya ngayon? Baka naman good mood lang siya at natripan niyang maging mabait kahit isang beses lang.' sunod sunod na tanong niya sa sarili bago sinimulang lantakan ang pagkain.
_
Lumipas ang ilang buwan ay palaging gano'n ang nangyayari. Palaging umaalis si Quiell at naiiwang mag isa sa condo si Haily. Naiinip at palaging walang kausap si Haily doon. Gustong gusto niya lumabas pero medyo nakakalito ang lugar na iyon at baka maligaw pa siya. Muntik na kase siyang maligaw noon nung nag grocery siya. Nagtataka siya dahil sa loob ata ng isang linggo ay isa o dalawang beses lang natutulog si Quiell doon.
Kasalukuyang naghahanda si Haily ng umagahan ni Quiell nang bigla itong lumabas mula sa kwarto niya.
"Sir nakapag luto na ako ng pagkain m-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang mag salita si Quiell.
"I'll be going now." aniya habang nag aayos ito ng necktie.
"H-Hindi ka po muna kakain? Paano po itong niluto ko?" tanong ni Haily habang nakatingin sa pinaghirapan niyang lutuin na pagkain. Nalulungkot siya dahil maaga siyang gumising para lang lutuin ang mga ito para sa kaniya pero hindi man lang ito titikman ni Quiell.
"You can eat it or you can throw it. Besides your cooking is not that good." aniya bago diretsong lumabas sa condo. Hindi alam ni Haily ang dahilan pero nasaktan siya sa sinabi ni Quiell.
'Hindi siya nasasarapan sa luto ko? Ibig sabihin ba nito ay pilit niya lang kinakain yung mga niluluto ko nung nakaraan?" sunod sunod na tanong niya sa sarili bago napayuko.
Busog pa siya at ayaw niya namang itapon yung mga pagkain na pinaghirapan niyang lutuin kaya naman kumuha siya ng mga microwavable tupperware para ipamigay sa mga pulubi sa labas. Nung namili kase siya ng grocery nung nakaraan ay muntik na siyang maligaw. Mabuti na lang ngayon ay saulo na niya ang mga dapat daanan bago makarating sa grocery store.
Sinimulan na niyang i-pack yung mga kanin at ulam para ipamigay sa mga batang nakita niya doon. Medyo naparami kase kanina ang niluto niya kaya kasya ito para sa isang buong pamilya.
Nagbihis siya at sinigurado niyang nakasarado ang mga dapat nakasarado bago siya umalis. Nang makarating si Haily doon ay inikot niya ang paningin niya para hanapin ang bata.
Mula sa hindi kalayaan ay nakita ni Haily ang mga batang nakaupo sa sahig. Umiiyak ang isa doon habang ang isa naman ay naghahanap ng pagkain sa basurahan. Kaagad na nilapitan ni Haily ang mga batang iyon at ibinigay ang supot na may pagkain.
"Kainin niyo yan at magpakabusog kayo. Dadalhan ko kayo ulit sa susunod kapag nagkaroon ulit ako ng extrang pagkain." nakangiting saad ni Haily sa mga bata dahilan para maging masaya ang mga ito. Gutom na gutom na ang mga bata at halos dalawang araw na ata silang hindi pa nakakakain.
"Maraming Salamat po Ate Ganda. Sana po magka-boyfriend ka na po" saad ng isa sa mga bata dahilan para matawa si Haily.
'Grabe naman yung sana ng batang ito. Pero sana nga magkaroon na ako ng boyfriend soon." aniya sa sarili bago niya inabutan pa ng tubig ang bata.
"Marami ang pagkain na yan kaya maaari niyo yang ishare sa mga iba niyo pang kasama. Aalis na ako at mag ingat kayo." pag papaalam ni Haily bago kumaway habang papaalis.
"Bye-bye po Ms Ganda. Thank you po sa pagkain." pag papaalam nung mga bata dahilan para maging masaya si Haily. Masaya siya dahil nakatulong siya kahit papaano at mabubusog na ang mga batang iyon ngayong araw.
Napagpasyahan niya nga pa lang pumunta sa mall para magpalipas oras muna. Linggo kase ngayon kaya sigurado si Haily na hindi uuwi ng condo si Quiell.
"Ang dami namang puwedeng bilhin dito. Kaso ang mamahal kaya pass muna. May mas kailangan pa akong pag gastusan ng pera kaysa sa mga bagay na iyan." aniya habang tinitingnan niya ang mga magagandang damit, bag at mga iba pang mga gamit. Pangarap ni Haily na magkaroon ng mga ganong gamit ngunit wala pa siyang malaking pera para makabili ng ganon.
Nagpatuloy siya sa pag iikot hanggang sa nagutom siya at bumili siya ng mumurahing pagkain.
Sa kabilang banda naman ay nakaupo si Quiell sa swivel chair habang kausap niya ang assistant niya.
"Mayroon ka pong dalawang meeting mamaya kasama ang President ng Magandre Corporation at Kentarez Company." aniya dahilan para mapairap si Quiell.
"Meeting nanaman? Argh! Kailan ba matatapos ang walang katapusan na meeting na ito." inis na saad niya bago tumingin sa relo. Mag aalas sais na ng hapon at hindi pa rin siya makauwi dahil sa dami ng ginagawa niya.
"You have to attend it Sir. It's important for your upcoming project with them." pagpapaliwanag ng assistant ni Quiell.
Habang nag uusap sila ay biglang pumasok ang mga kaibigan ni Quiell na si Sebastian, Mason at Vincent.
"Mauuna na ako Sir." saad nung assistant niya bago lumabas ng opisina niya.
"Bro bakit hindi mo naman sinabi na maganda pala ang bago mong assistant. Edi sana araw araw akong pumupunta dito." nakangising saad ni Sebastian dahilan para mapairap si Quiell.
"Para ano? Para landiin mo at para mang gulo ka dito? No thanks umuwi ka na lang." aniya sabay irap sa bago niya ibinalik ang tingin sa laptop niya.
"Grabe naman Quiell, bakit parang ang sungit mo ngayon? Tara bar." pag aaya ni Vincent bago naupo sa may sofa.
"I have a lot to do so if you are here to bother me, just go." malamig na saad ni Quiell dahilan para matahimik ang mga kaibigan niya.
"Wait lang bro, if I'm not mistaken nasa building na ito ang condo mo right?" tanong naman ni Mason bago niya ipinakita ang harap ng condo ni Quiell.
"Yeah, why?" malamig na tanong niya bago ipinagpatuloy ang pagtitipa sa laptop.
"Kani-kanina ko lang nabalitaan ito pero isa raw sa condo dito ay pinasok ng magnanakaw at may babaeng nag sosolo sa loob ng condo ang binawian ng buhay. Nakakawa nga raw ang sinapit nung babae." saad ni Mason dahilan para mapatigil si Quiell sa pagtitipa. Bigla siyang pinawisan ng sobra sobra dahil sa kaba na nararamdaman niya.
'Babaeng nag so-solo sa condo? I-It can't be. Hindi ito maaari!' kinakabahang saad ni Quiell sa sarili habang nakayukom ang kamay niya.
"I have to go now. Sebastian call Ate Jane that she needs to attend instead of me to the meeting later. I have to see her and make sure she's safe." saad ni Quiell dahilan para magtaka ang mga kaibigan niya.
Kaagad niyang kinuha ang susi ng kotse niya at nagmamadaling sumakay sa elevator. Nang makarating na siya sa main floor ay nakita siya ng assistant niya.
"Saan po kayo pupunta Si-" hindi na natapos ng assistant niya ang pagsasalita nang mag salita si Quiell.
"Ate will be attending the meeting instead of me. I have to go back to my condo it's an emergency." nagmamadaling aniya bago lumabas at sumakay sa kotse niya.
'Huwag sanang mangyari ang nasa isip ko. Please be safe Haily. I hope hindi ikaw ang babaeng tinutukoy nila.' saad niya sa sarili bago sinimulang magpatakbo ng kotse. Pinatakbo niya ito na para bang may hinahabol siya. Nang makarating na siya sa may tapat ng building ay ipinarada na niya ang sasakyan niya at lumabas doon. Akmang maglalakad na sana si Quiell papasok nang may tumawag sa kaniya.
"S-Sir? Umuwi po kayo ngayon?" tanong ng isang babae na kasalukuyang nasa may likuran niya. Nang mapatingin siya doon ay naabutan niyang nakatingin sa kaniya si Haily habang kumakain ito ng french fries.
Parang nawalan ng tinik ang puso ni Quiell nang makita niya si Haily. Kaagad siyang lumapit sa dalaga at mahigpit niya itong niyakap.
"M-May problema po ba Sir? May kakaiba po bang nangyari?" nagtatakang tanong ni Haily kay Quiell na ngayon ay mahigpit na nakayakap sa kaniya. Gulat na gulat si Haily sa pangyayari dahil bigla na lang siya nitong niyakap.
"Where did you go? Are you hurt? Did someone hurt you?" sunod sunod na tanong ni Quiell kay Haily habang hawak hawak nito ang pisnge ng dalaga.
"Galing po ako sa mall Sir saka okay lang po ako." nakangiting saad ni Haily bago siya muling niyakap ni Quiell.
"Sir bakit po kayo ganiyan ang kinikilos. May masama po bang nangyari?" muling tanong ni Haily bago ito bumitaw sa yakapan nila.
"May babae na solo lang sa loob ng condo ang pinasok ng magnanakaw dito at binawian ito ng buhay. Kinabahan ako ng sobra sobra dahil akala ko ikaw yun." aniya bago hinawakan ni Quiell ang pisnge ng dalaga.
'G-Grabe naman ang nangyari dito. Nakakakilabot. Mabuti na lang ay nasa galaan ako kanina.' saad ni Haily sa sarili. Mag sasalita na sana siya ng unahan siya ni Quiell.
"We have to find another condo. It's dangerous here and I can't risk you getting hurt Haily. I will call Mom and talk to her about this. In the mean time, we will sleep in my office." aniya bago niya hinila si Haily papasok sa kotse niya.
"Paano yung mga gamit doon Sir?" tanong ni Haily bago pumasok sa loob ng kotse si Quiell.
"Ipapakuha ko na lang yan sa mga tauhan ko. We can't stay there anymore and I rather spend more money for you to be safe." aniya na para bang nag aalala siya para kay Haily. Hindi naman mapigilan ni Haily mamula dahil sa nakailang yakap si Quiell kanina sa kaniya.
'Pabago bago talaga ang mood ni Sir. Kanina sinabihan niya pa ako na hindi raw ako masarap mag luto tapos ngayon gusto na niyang lumipat ng condo dahil mapanganib na raw doon at baka mapahamak pa ako.' aniya sa sarili bago niya ipinikit ang mga mata niya.
Nang makarating na sila sa may kumpanya ni Quiell ay dinala niya sa opisina niya si Haily.
"There's a sofa bed in there kaya pwede kang matulog doon. Magpahinga ka na habang nag hahanap ako ng bagong condo na titirahan natin." aniya bago niya pinagbuksan ng pinto ang dalaga.
Nang buksan nila ang pinto ay nandoon pa rin ang mga kaibigan niya.
"Oh bro. I never thought that you wouldn't attend an important meeting just for a girl." pang aasar ni Mason habang si Haily naman ay nakatingin sa kanila.
"Leave. Leave my office and go home." malamig na saad ni Quiell dahilan para magtaka ang mga tropa niya.
"Teka bro bakit mo na kami pinapaalis? Akala ko ba mag iinom pa tayo?" tanong naman ni Vincent pero inirapan lang sila ni Quiell.
"Bakit sinabi ko ba na sasama ako. Umalis na kayo at magpapahinga pa si Haily." utos ni Quiell at wala naman silang nagawa kung hindi umalis dahil baka mayari pa sila kay Quiell.
Kaagad na inayos ni Quiell ang sofa bed at naglabas ito ng unan at kumot sa cabinet.
"Kumain ka na ba? Do you want me to order food?" tanong ni Quiell pero umiling lang si Haily.
"Kakatapos ko lang po kumain kanina Sir nung nagkita tayo." aniya bago ito humiga sa may sofa bed.
"Ikaw Sir, hindi ka pa ba tutulog?" tanong niya kay Quiell.
"May kailangan pa akong gawin kaya mauna ka na. Magpahinga ka na at matulog." saad ni Quiell at ganon naman ang ginawa ni Haily dahil napagod siya sa pag iikot sa mall kanina.
Maya maya lang ay nakatulog na ito. Habang nakaupo si Quiell sa may swivel chair niya ay walang kung ano ano na bumukas ang pinto.
"You bastard Quiell! Bakit ako pa ang pinapunta mo doon ang dami dami kong ginagawa!" sigaw ng Ate Ni Quiell kaya naman sinenyasan niya ito na tumahik.
"Ang ingay mo Ate Jane natutulog si Haily." inis na saad nito sa kapatid niya.
"Bakit ba kase ako pa ang pinapunta mo doon. Maypa emergency emergency ka pa ayaw mo lang naman umattend. Saka bakit nandito kayong dalawa?" taas kilay na tanong ni Jane kay Quiell habang pinagmamasdan nila si Haily na mahimbing na natutulog.
"May magnanakaw na pumasok sa isa sa mga condo kung saan kami nakatira. Nagmamadali akong bumalik doon dahil akala ko napahamak na siya. Thank god she's in the mall and she's fine." saad ni Quiell dahilan para mapangiti si Jane.
"Nakakapanibago ka naman ata ngayon Quiell. Kailan ka pa nag alala sa ibang tao? Ikaw ba talaga yan? Baka naman doppelganger ka lang ha?" pang aasar nito sa kapatid. Napairap naman si Quiell dahil sa sinabi ng kapatid.
Ngunit kahit siya rin ay nagtataka kung bakit ganon na lang ang kabang nararamdaman niya nung malaman niyang may masamang nangyari sa may building ng condo nila.
"Maybe yes, maybe not." aniya bago siya umupo sa may tabi ni Haily at pinagmamasdan niya ang muka nito.
"So there's a possibility? Akala ko ba ayaw mo dyan?" tanong ni Jane sa kapatid.
"Hindi pa rin ako sigurado Ate kaya huwag mo muna akong tanungin." aniya bago niya hinawakan ang kamay ng dalaga. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya nang gawin niya iyon. Napangiti na lang si Jane dahil ito ang unang pagkakataon na nakita niyang ganito ang kapatid.
_
Nakahanap rin kaagad nang lilipatan sila Quiell at Haily. Mas maayos at mas malawak ang bago nilang condo. Makalipas ang halos tatlong linggo ay maayos at payapa naman silang naninirahan doon. Medyo nalulungkot nga lang si Haily dahil palagi nanamang umaalis si Quiell at naiiwan siyang mag isa doon. Gustong gusto niya humiling kay Quiell na manatili muna sa condo kahit isang araw ngunit wala siyang karapatan kaya naman nanahimik na lang siya.
Hanggang sa isang araw, may isang pangyayari na hindi inaasahang nangyari.
Kagaya nung mga nakaraang araw ay wala nanaman mag hapon si Quiell. Mag isa nanamang kumain si Haily at nanood siya ng tv sandali. Maya maya lang ay bigla na lang siyang nakaramdam ng antok. Doon niya napagpasyahan na matulog na dahil pagod siya. Maghapon kase siyang nag linis at naubos na ang enerhiya niya. Nag linis lang siya ng katawan saglit bago nagpalit ng damit.
Sumampa na siya sa kama niya at nag dasal bago siya humiga at nagsimula nang matulog. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakatulog na siya dahil sa pagod.
Halos apat na oras ata ang nakalipas nang magising si Haily nang maramdaman niyang may gumagalaw sa may ibabaw niya. Nang imulat niya ang kaniyang mata ay bumungad sa kaniya si Quiell na nakapatong sa kaniya.
"S-Sir? Ano pong ginagawa niyo sa kwarto ko?" tanong ni Haily bago siya tumayo at akmang tatayo na sana siya nang maamoy niyang amoy alak si Quiell.
"Nag inom ka po Sir? Tutulungan na po kita tumayo at dadalhin ko na po kayo sa kwarto mo." aniya pero umiling ito.
"No. Huwag sa kwarto ko. Dalhin mo ako kay Haily, gusto ko siyang yakapin." lasing na aniya dahilan para mapangiti si Haily.
Gusto niya sana sabihin na siya si Haily ngunit napagpasyahan niyang kausapin at tanungin muna si Quiell nang kung ano ano.
"Bakit mo hinahanap si Haily Sir? Anong kailangan mo sa kaniya at bakit gusto mo siyang yakapin?" sunod sunod na tanong ni Haily habang si Quiell naman ay nakahiga sa may kama.
"Miss na miss ko na si Haily. Palagi akong umaalis dito sa bahay kahit na gustong gusto ko siyang makasama. Peste kasi yung trabaho trabaho na yun hindi ko tuloy siya makasama." nakangusong saad nito habang nakapikit.
"Bakit Sir Mahal mo ba si Haily? May nararamdaman ka ba para sa kaniya?" tanong ni Haily at akmang hahawakan na niya si Quiell nang pigilan siya nito.
"Don't touch me. Si Haily lang ang pwedeng humawak sa akin. Nasaan na ba kase yung babaeng yun? Gusto ko na siyang yakapin, halikan at anakan." aniya dahilan para matawa si Haily dahil sa pinagsasasabi ni Quiell.
'Grabe naman yung anakan Sir. Halatang mahal na mahal mo ako ha.' nakangising saad niya sa sarili bago niya hinawakan ang pisnge ni Quiell.
"Paano kung sabihin kong ako si Haily Sir?" tanong ni Haily dahilan para mapataas ang kilay ni Quiell.
"Weh? Di nga? Pahalik nga para malaman ko kung ikaw ba yung baby ko?" aniya bago ngumuso na para bang naghihintay sa halik ni Haily. Kaagad naman siyang hinalikan ni Haily at inabot rij ng sampung segundo bago sila bumitaw sa halikan nila.
"Isa pa nga. Hindi ko nalasahan kaya hindi ko masabi kung ikaw nga ba yung baby ko." saad ni Quiell bago ngumuso muli. Hindi na nagdalawang isip si Haily at hinalikan niya ulit si Quiell. Ngunit nabigla siya nang hawakan nito ang likod ng leeg niya at naging mabilis ang pangyayari. Nakita na lang ni Haily ang sarili niya na nasa ilalim ni Quiell.
"I miss you so much Haily." lasing na aniya bago niya sinimulang halikan si Haily sa leeg.
"S-Sir lasing lang po kayo. Dadalhin ko na po kayo sa kwarto niyo." aniya bago niya itinulak si Quiell pero hindi ito nagpatalo at madiin niyang hinalikan si Haily.
"Ako lashing? Hindi no!" pag tanggi nito kahit halata namang lasing na lasing.
Wala nang nagawa si Haily kung hindi ibigay ang sarili kay Quiell nang gabing iyon. May nangyari sa kanilang dalawa.
Nagising si Haily nang maramdaman niya ang sinag ng araw. Pawis pawis siya at hinihingal nang magising.
"Grabe naman yung panaginip ko kanina. Halatang imposibleng mangyari." natatawang saad niya at akmang tatayo na siya nang maramdaman niyang may kamay na nakapalibot sa kaniyang bewang. Halos maiga ang dugo sa muka niya nang makita niya kung sino ang katabi niya.
"H-Hindi ako nanaginip?" gulat na tanong niya sa sarili bago niya inalis ang kamay ni Quiell at kinuha yung mga damit niya bago nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. Ramdam niya ang sakit ng pagkababae niya pero patuloy pa rin siya sa paglalakad dahil baka magising si Quiell.
"Kaya pala parang realistic at pinapawisan pa ako pag gising ko ay hindi pala panaginip. Paano ba nangyari yun? Bakit wala pa akong maalala?" tanong niya sa sarili habang nagbibihis.
'Anong gagawin kong pakusot kapag nagising na si Sir sa kwarto ko? Baka malaman niya kung ano yung nangyari.' saad niya sa sarili bago napatakip sa muka. Mag iisip pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa noon si Quiell na bagong gising. Nagkukusot ito ng mata habang nakahubad pa rin. Doon nag flash sa utak niya ang mga nangyari nung gabi. Kung papaano pumasok sa kwarto niya si Quiell at kung ano ang pinag usapan nila. Naalala rin ni Haily ang ginawa nila ni Quiell kaya naman namumula na siya sa hiya ngayon.
"Anong ginagawa ko sa kwarto mo?" tanong niya nang makalabas siya at naupo sa may sofa.
"Wala ka bang naaalala Sir? Na ginawa mo kagabi?" sunod sunod na tanong ni Haily kay Quiell.
"Wala eh. Naparami ata ang alak na ininom ko kahapon sa bar." aniya bago napahawak sa ulo. Biglang nasaktan si Haily dahil hindi naalala ni Quiell ang ginawa nila kagabi.
"Wala ka talagang naalala Sir? Kagit kaunti?" tanong niya umaasang baka maalala ito ni Quiell ngunit wala talaga.
"Wala nga. Bakit ano bang ginawa ko?" tanong niya na para bang naiinis kaya natahimik si Haily.
'Bakit galit siya? Nagtatanong lang naman ako saka bakit hindi niya maalala?'
"Wala po Sir. Pumasok ka lang po sa kwarto ko at doon na po kita pinatulog at dito po ako sa may sala natulog." pagsisinungaling niya.
"Gusto niyo po ba kumain? Ipagluluto na po kita." tanong ni Haily at akmang pupunta na siya sa may kusina nang mag salita si Quiell.
"Huwag na. Aalis na rin ako kaagad pagkatapos kong maligo. May importanteng meeting ako ngayon kaya kailangan ko nang umalis." aniya bago dumiretso sa banyo. Napaupo na lang si Haily sa may sofa bago napahawak sa may hita. Namamanhid kase ang hita niya kasabay na rin non ang pagsakit ng pagkababae niya.
Hindi mawala sa isip niya ang mga salitang sinabi ni Quiell kagabi. Inisip niya kung totoo ba iyon o baka naman niloloko lang siya ni Quiell. Sobrang saya na kase niya nung sabihin ni Quiell na miss na siya nito at gustong yakapin at halikan.
Nang matapos nang maligo si Quiell ay nagbihis na siya kaagad at umalis. Nalungkot si Haily dahil hindi man lang ito nag paalam at hindi man lang siya nito binati ng good morning.
Dahil doon ay nainis siya. Naiinis siya dahil umasa siya kagabi tapos hindi lang pala maaalala ni Quiell yung mga nangyari. Dahil doon ay nag impake na siya ng mga gamit niya para iwanan doon si Quiell.
'Mas mabuti pa na sa mansion nila ako mag trabaho. Bahala siya sa buhay niya at maghanap na lang siya ng bago niyang makakasama." inis na saad niya habang isa isa niyang nilalagay sa bag yung mga gamit niya.
Alam na niya ang biyahe kung papaano makakabalik sa mansion nila kaya hindi siya natatakot umuwi doon. Ang problema niya nga kang ay kung papaano siya makakapag paliwanag kay Mrs Monterey kung bakit siya bumalik doon.
Buo na ang isip ni Haily at hindi na siya nagdalawang isip. Bumalik na siya sa mansion ng mga Monterey. Nang makapasok siya doon ay nagulat si Ysa dahil ang akala niya ay magkasama pa rin sila Haily at Quiell.
"Oh ija bakit nandito ka? Nasaan si Quiell? Nandito ba kayo para bumisita?" masayang tanong ni Mrs Monterey.
"Hindi ko po kasama si Sir Quiell. At pinabalik na po ako ni Sir Quiell dito. Wala naman rin po akong ginagawa doon." pag sisinungaling ni Haily.
"Pero bakit? Saka sino nang makakasama ni Quiell doon?" tanong ni Mrs Monterey.
"Yung girlfriend na po ni Sir ang mag aalaga kay Sir doon. Dito na lang po daw ako mag trabaho." aniya. Muka namang nakumbinsi ni Haily si Ysa ngayon kaya pumasok na sila sa loob.
"Kakatapos nga lang pala magluto ng Mama mo magluto ng ulam. Tara sumabay ka na sa amin ng asawa ko na kumain." pag aaya ni Ysa kay Haily. Masaya silang kumain at nagkwentuhan. Medyo naiilang si Haily dahil nagsinungaling siya kay Mrs Monterey.
_
Kasalukuyang naglalakad si Quiell ngayon sa hallway papunta sa condo niya. Pagod na pagod siya at gustong gusto na niyang kumain at matulog. Gusto niya rin mag sorry kay Haily dahil umalis siya kanina ng hindi man lang niya ito kinakausap.
Nang buksan niya ang condo niya ay nabigla siya dahil patay lahat ng ilaw na nandoon. Nagtataka siya dahil tuwing umuuwi siya ay bukas iyon.
'Bakit saraduhan lahat ng ilaw dito? Natutulog na ba si Haily?' saad niya bago binuksan yung mga ilaw. Kaagad siyang nagtungo sa may kwarto nito at nabigla siya nang hindi niya ito makita. Dahil doon ay nagsimula na siyang kabahan. Paulit ulit niyang tinawag ang pangalan ni Haily ngunit walang sumasagot.
'Bakit wala siya dito? Nasaan siya? I have to call her.' aniya bago kinuha ang cellphone pero hindi niya ito matawagan. Para bang naka off ang cellphone ni Haily kaya hindi niya ito matawagan. Mas lalo siyang hindi mapakali ng makita niyang wala na yung mga gamit ni Haily. Habang iniikot niya ang paningin niya sa may kwarto ni Haily ay may nakita siyang papel sa may kama ni Haily. Binasa niya ito.
Hi Sir. Since wala naman po akong ginagawa dyan dahil palagi kayong wala ay bumalik na lang po ako sa mansion. Ayaw ko nang manatili dyan at dito na lang ako sa mansion ng mga magulang mo mag ta-trabaho. Mag ingat ka po at palagi kang kumain ng maayos.
Para bang nag sisi siya na palagi siyang wala sa condo nang basahin niya iyon. Pero atleast ngayon, alam na niya kung saan niya hahanapin si Haily. Gabi na ngayon kaya kinabukasan na niya napagpasyahan na bumalik sa mansion para sunduin si Haily at ibalik ito sa condo.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising at naligo. Umuwi siya sa mansion nila at nagulat naman ang ina niya nang makita siya nito.
"Mom nasaan si Haily?" unang tanong ni Quiell nang makapasok ito sa loob ng mansion nila.
"Oh anak nandito ka na pala. Bakit mo hinahanap si Haily?" tanong ni Ysa sa anak na kasalukuyang palingon lingon. Para bang sabik na sabik itong makita si Haily.
"Where is she Mom?" muling tanong ni Quiell sa ina.
"Nasa garden si Haily ngayon. Pinadidiligan ko kase sa kaniya yung mga bulaklak ko." sagot ni Ysa kahit nagtataka pa rin siya kung bakit ganon ang kinikilos ng anak.
Kaagad namang nagtungo si Quiell sa may garden at nabigla siya sa naabutan niya.
Nakangiti si Haily habang kausap nito ang Hardinero nila. Doon nakaramdam ng pagkulo ng dugo si Quiell habang umiintig ang panga niya. Namumuo ang selos na nararamdaman niya dahil sobrang lapit ni Haily doon sa lalaki. Napakuyom ang kamay niya bago siya lumapit kay Haily.
"Umalis ka muna dito Danilo. At ikaw Haily, mag uusap tayo ng masinsinan." Nabigla si Haily at ang hardinerong si Danilo nang may biglang nagsalita sa may likuran nila. Masama ang hilatsa ng muka ni Quiell dahil sa selos na nararamdaman niya.
Kaagad namang sumunod si Danilo.
"You too Mom. Pumasok na muna kayo sa loob." pag uutos ni Quiell kaya naman pumasok na rin ang ina niyang si Yssa sa loob ng mansion nila. Nang sila na lang ang natira doon ay inis na tumingin si Quiell kay Haily.
"Bakit ka umalis? Ano nanaman bang ginawa ko para umalis ka? May problema ba Haily? Ang saya saya naman natin doon tapos bigla bigla mo akong iniwan?" inis na saad ni Quiell habang si Haily naman ay hindi makapaniwalang nasa harapan na niya si Quiell.
'Anong ginagawa ni Sir dito? Huwag mong sabihin na sinundan niya ako?' tanong ni Haily sa sarili niya habang nakatingin siya kay Quiell na kasalukuyang nakatingin rin sa kaniya.
"Bakit hindi ka sumasagot Haily? Saka bakit parang ang lapit lapit niyo sa isa't isa nung hardinero na yun? Naging busy lang ako pinagpalit mo na ako kaagad sa hardinero?" inis na tanong niya dahilan para magtaka si Haily.
'Ha? Anong ipinagpalit ang tinutukoy ni Sir? Umuwi lang naman ako dito ah? Saka bakit parang nagalit siya nung nakita niyang nag uusap kami ni Danilo? Teka lang, nagseselos ba siya?' tanong niya sa sarili. Nabalik siya sa wisyo nang sumigaw si Quiell.
"Anong ginagawa mo dito Sir? Saka ano ba yang mga pinagsasabi mong pinagpalit? Nasisiraan ka na ba ng bait?" tanong niya aky Quiell pero inirapan lang siya nito.
"Huwag mong ibahin ang usapan Haily. Sagutin mo ang tanong ko. May relasyon ba kayo nung hardinerong yun?" tanong niya. Hindi alam ni Haily kung matatawa ba siya o maiinis dahil sa sinabi ni Quiell.
'Jusko grabe naman ang lalaking ito. Nakikipag usap lang ipinagpalit na kaagad? Akala mo naman nagkaroon kami ng relasyon. Palagi nga siyang wala sa bahay eh.' inis na saad niya sa sarili.
"Oh eh ano naman kung halimabawa mang meron? Bakit nag seselos ka?" tanong niya. Nagsinungaling si Haily sa part na sinabi niyang halimbawa meron silang relasyon ni Danilo.
"Oo nag seselos ako!" sigaw niya dahilan para matahimik si Haily.
'Nag seselos siya? Isa lang ang ivig sabihin nito, may gusto ba siya sa akin?' hindi niya alam kung totoo ba ito o nag aasumme lang siya.
"Bakit ka muna nag seselos? Ang alam ko kase bago mag selos ang isang tao ay may dahilan ito." saad ni Haily. May gusto siyang marinig mula kay Quiell. Napabuntong hininga na lang si Quiell bago siya lumapit kay Haily at hinawakan nito ang kamay ng dalaga.
"Nag seselos ako dahil..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang cellphone ni Quiell. Hindi na naituloy ni Quiell ang sasabihin niya dahil kinailangan niya itong sagutin.
"What? Okay I'll go back there." saad ni Quiell bago nagmamadaling naglakad papasok sa mansion.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Haily habang naglalakad ito papalayo.
"May importanteng tao akong kailangan puntahan. Aalis na ako." aniya dahilan para malungkot si Haily. Hindi natapos ni Quiell ang daoat niyang sabihin at umasa pa naman ng sobra sobra si Haiky doon.
Maya maya ay naramdaman niya ang pagpatak ng ambon kaya napagpasyahan niya nang pumasok sa loob.
"Ija, anong pinag usapan niyo ni Quiell? Saka bakit umalis kaagad siya?" tanong ni Ysa nang makapasok si Haily sa loob ng mansion.
"May itinanong lang po sa akin si Sir kaya nag usap kami. Saka kaya po siya bumalik ay dahil kailangan niyang puntahan yung girlfriend niya." pagsisinungaling ni Haily bago niya pinilit ang sariling ngumiti kahit nalulungkot siya.
"Ganon ba. Sayang naman akala ko makakasabay nayin siyang kumain ngayon." aniya bago ito umupo sa may sofa habang si Haily naman ay tulala.
Hindi mawala si Haily sa isip ni Quiell kahitvna nakabalik na siya sa may kumpanya niya. Malapit na sana niyang maamin kay Hailey ang nararamdaman niya pero naudlot ito dahil sa emergency sa trabaho.
"Argh!" sigaw niya bago sumandal sa swivel chair. Gusto niyang puntahan ulit si Haily pero may dalawa pa siyang meeting na kailangan puntahan. Baka sa susunod na linggo pa ang pahinga niya kaya naman naiinis na siya.
"Mukang bad mood ang kapatid ko ngayon ah. Miss mo na ba si Haily?" tanong ni Jane sa kapatid na para bang pinagsaklob ng langit at lupa.
"Malapit ko nang maamin sa kaniya ang nararamdaman ko kanina Ate pero hindi ito natuloy dahil tumawag yung assistant ko para sa meeting na kailangan kong puntahan. Gusto ko munang magpahinga at maging maayos kami pero parang wala akong free time. Sigurado akong nadagdagan ang galit niya sa akij ngayon." pagpapaliwanag ni Quiell sa Ate niya. Napabuntong hininga naman si Jane bago siya nagsalita.
"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo Quiell? Kase kung oo ay dapat handa kang suyuin siya at aminin sa kaniya ang nararamdaman mo. Huwag mong iexpect na magiging kayo na kaagad kapag nasabi mo na sa kaniya ang nararamdaman mo. Ligawan mo siya at iparamdam mo na mahal na mahal mo siya." saad ni Jane bago umupo sa may sofa.
"Pero ang tanong Ate, may nararamdaman rin kay siya sa akin? Nag seselos ako nang makita ko siyang may kasamang iba. Gusto kong bumawi." saad ni Quiell.
"Edi pagselosin mo siya pero huwag naman sobra sobra na umabot sa punto na magalit na siya sayo. Kapag nagselos siya ang ibig sabihin lang non ay gusto ka rin niya." aniya kaya naman gusto nang subukan ni Quiell na kung halimabawa mang magdadala siya ng babae doon ay mag seselos ba si Haily?
Kaya kagaya nung advice ni Jane kay Quiell ay ginawa niya ito. Nakipag kita si Quiell kay Selestine na kapatid ni Sebastian.
"What? Gusto mo akong mag panggap na girlfriend mo? No way bro ayaw ko saka ang dami ko pang kailangan gawin." pagtanggi ni Selestine nang alukin siya ni Quiell na mag panggap bilang girlfriend nito.
"Ayaw mo? Sigurado ka?" nakangising tanong ni Quiell kaya naman napaisip si Selestine.
"Papayag lang ako kung, ibibigay mo sa akin yung number ni Mason." aniya na nag palaki sa ngisi ni Quiell.
"Sure, kung gusto mo ireto ko pa siya sayo. But we have to make it believable, gusto kong mag selos si Haily." saad ni Quiell dahilan para mapatingin si Selestine sa kaniya.
"Teka lang Quiell, si Haily? Akala ko ba ayaw mo sa kaniya? Tapos gusto mo na pagselosin ngayon?" natatawang saad ni Selestine dahilan para mamula si Quiell.
"Wala ka pa lang isang salita eh. Pero kahit sino naman maaaring magkagusto sa kaniya. Bukod sa mabait ay maganda pa ang babaeng yon." aniya bago tumayo si Selestine sa kinauupuan niya.
"Kailan ba simula niyan?" tanong ni Selestine.
"Next week pa. Magbabakasyon ako sa bahay kaya kailangan ko munang tapusin lahat ng trabaho ko." sagot ni Quiell sa tanong ni Selestine. Patuloy silang nag usap pa para sa balak nilang gawin hanggang sa mag gabi at umalis na si Quiell.
_
Simula nung araw na muntik nang umamin si Quiell kay Haily ay hindi pa rin ito bumabalik. Sa araw araw na nag daan ay umaasa si Haily ngunit palagi lang siyang nalulungkot tuwing walang nangyayari. Hindi niya alam pero sabik na sabik siyang makita ito. Gusto niyang maramdaman ang presensya at makita ang muka ni Quiell. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon.
"Hinihintay mo pa rin ba siyang bumalik ija?" tanong ni Ysa kay Haily habang nakaupo ito sa may garden.
"Opo pero hindi na ata siya babalik dito." malungkot na aniya. Biglang nabalik sa wisyo si Haily at nagulat siya nang makita niyang si Ysa pala ang nagtanong sa kaniya.
"T-Tita Ysa nandito po pala kayo." nauutal na saad ni Haily pero umupo lang sa may tabi niya si Ysa.
"Normal lang yan ija. Kung mahal mo talaga ang isang tao ay aminin mo na sa kaniya ang nararamdaman mo. Sigurado naman akong gusto ka na rin ni Quiell." saad ni Ysa bago niya hinaplos ang ulo ni Haily.
"Paano niyo po nasabi yan?" tanong ni Haily.
"Hindi pa nag alala ng sobra sobra si Quiell kung kani-kanino kaya nagulat ako nang ikwento sa akin ni Jane lahat ng nangyari. Hindi rin kami makapaniwala ng asawa ko na iniwan niya ang importanteng meeting na yon masigurado niya lang na ligtas ka." tugon ni Ysa bago siya tumingin sa may buwan. Natutuwa siya dahil sa laki ng pinagbago ng anak niya simula nung makasama nito si Haily sa condo.
"Huwag kang mag alala ija, babalik siya bukas dito. Kaya kita pinuntahan dito ay para sabihin iyon." aniya dahilan para sumaya si Haily. Lahat ng lungkot na nararamdaman ni Haily ay napalitan ng saya dahil sa gusto na niyang makitang muli si Quiell.
"Talaga po?" masayang aniya na para bang excited na excited na siya.
"Oo kaya bukas umamin ka na sa kaniya. Malay mo umamin na rin siya sayo kapag umamin ka sa kaniya. Medyo mahiyain kase si Quiell pag dating sa ganiyang bagay." saad ni Ysa bago niya nginitian ang dalaga.
"Halika na pumasok ka na sa loob dahil malamig na. Matulog ka na para maaga kang magising bukas at masalubong mo ang pag dating niya" saad niyo bago tumayo. Tumayo na rin kaagad si Haily at pumasok na sila sa loob. Nagtungo na si Haily sa kwarto niya at akmang hihiga na siya nang bigla siyang nakaramdam nang pag suka. Kaagad siyang pumasok sa banyo at doon siya sumuka. Ilang araw na siyang paulit ulit na ganito kaya naman nagtataka siya.
'Palagi na lang ako nasusuka. May nakain ba akong panis?' tanong niya sa sarili bago siya nag hilamos. Isinawalang bahala na lang niya ito at natulog na matapos siyang mag hilamos.
Maaga siyang gumising kinabukasan. Gumising siya nang may ngiti sa labi dahil ngayon pupunta rito si Quiell. Handa na siyang umamin kay Quiell tungkol sa nararamdaman niya.
Naligo siya kaagad at nag bihis bago niya napagpasyahang bumaba para kumain ng umagahan.
"Magandang umag-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigla siyang mapatigil dahil sa nakita niya. Nakaupo sa may sofa si Quiell habang may kalapit itong magandang babae. Sobrang lapit nila sa isa't isa na para bang mag kasintahan sila. Napakagat labi si Haily sa labi niya para mapigilan ang pag luha.
Nasaktan siya ng sobra sobra sa nakita niya na umabot na sa punto na gusto na niyang umiyak.
"Gising ka na pala ija. Gusto mo bang kumain?" tanong ni Ysa. Halata sa ekspresyon ng muka ni Ysa na hindi niya rin inaasahan ang nangyayari ngayon.
"Oh you must be Haily. I'm Selestine, Quiell's girlfriend. Nice to meet you." pagpapakilala niya bago niya inilahad ang kamay kay Haily. Pekeng ngumiti si Haily bago niya tinanggap ang kamay ni Selestine.
"Ako nga, nice to meet you too." nakangiting aniya kahit gustong gusto niya nang umiyak dahil sa nakita niya.
'Bakit ang sakit? Bakit ako nasasaktan?' tanong niya sa sarili bago tumingin kay Quiell na malamig lang na nakatingin sa kaniya.
"Sige po Tita pupunta na ako ng garden. Alas siyete na po, oras na para diligan ko po yung bulaklak." aniya bago siya umalis doon at nagtungo sa may garden. Hindi na niya napigilan ang sarili at tumulo na ang luha niya.
'Bakit ganon? Bakit parang nung nakaraan ay aamin na siya sa akin? Bakit ngayon may bagong girlfriend na siya? Nag assume lang ba ako na gusto niya ako?' sunod sunod na tanong niya sa sarili. Ang daming bakit sa isip niya na hindi masagot.
"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" tanong ng kung sino dahilan para mapatingin siya doon. Si Danilo lang pala ito kaya naman itinuloy niya na lang ang pag iyak niya.
"Huwag ka nang umiyak Haily. Sige ka papangit ka." pagbibiro niya kaya naman inirapan siya ni Hailey.
"Pangit na nga ako sinasabi mo pa yan." saad niya bago tumungo.
"Huy ano ka ba joke lang 'no. Kahit nga naiyak ka ang ganda mo pa rin." aniya bago niya nginitian si Haily.
"Talaga?" tanong ni Haily.
"Oo naman. Huwag ka nang umiyak Haily." aniya na nagpangiti kay Haily. Bago niya lang nakilala si Danilo dahil bago lang siya nagtatrabaho dito sa mansion pero naging close na sila. Bukod kase sa magalang at gwapo ito ay mabait rin siya.
Pinakalma ni Danilo si Haily at sinimulan niya itong kausapin para malibang ang dalaga. Maya maya lang ay hindi na ito umiiyak. Nagsisimula na itong tumawa kapag nag jo-joke si Danilo.
"Medyo madilim ang langit ngayon. Mukang uulan tara pumasok na tayo." aniya bago siya tumayo at tinulungan niyang makatayo si Haily. Akmang maglalakad na siya nang bigla siyang niyakap ni Haily.
"Maraming salamat Danilo. Sobrang sakit ng nararamdaman ko kanina at nakalimutan ko ito dahil sayo. Salamat dahil napakabait mo sa akin." pagpapasalamat ni Haily. Niyakap naman siya pabalik ni Danilo bago ito ngumiti.
"Walang anuman Haily." saad ni Danilo.
Sa kabilang banda naman ay umiintig na ang panga ni Quiell habang pinagmamasdan niya si Haily at Danilo mula sa bintana.
"O-oh. Kalma Quiell." saad ni Selestine ngunit para hindi ito papaawat.
"How dare he hug her. She's mine. Haily is mine." galit na saad nito bago siya nagsimulang maglakad papunta sa may garden kung saan nandoon si Danilo at Hailey.
"Mukang mayayari tayo dito. Pinagselos selos mo pa si Haily eh ikaw naman pala itong grabe mag selos." saad ni Selestine. Nang makalabas sila sa may pinto at napatingin sa gawi nila sila Haily at Danilo. Walng kung ano anong itinulak ni Quiell si Danilo bago niya ito sinuntok.
"How dare you bastard!" sigaw niya at akmang susuntukin niya itong muli nang pigilan siya ni Haily.
"Anong ginagawa mo Sir? Bakit ka gumagawa ng gulo?" galit na saad ni Haily bago siya lumapit kay Danilo at tinulungan niya itong tumayo.
"At talagang yan pa ang kakampihan mo?" inis na saad ni Quiell habang nakatingin siya kay Haily.
"Malamang oo dahil wala namang ginagawang masama si Danilo. Ano bang problema mo Sir?" galit na sigaw ni Haily kay Quiell.
"Bakit parang ako pa ang mali Haily? Niyayakap ka niya tapos hinahayaan mo siya?" pabalik na sigaw niya kay Haily.
"Ano bang masama doon Sir? Saka ano bang pakielam mo? Ano ba kita? Hindi naman kita boyfriend kaya wala kang karapatang magalit." inis na sigaw niya. Naiinis na si Haily dahil sa ginawa ni Quiell.
"Tama na! Oo na talo na ako Haily. Hindi ko girlfriend si Selestine at pinagpanggap ko lang siya para pagselosin ka. Pero hindi ka talaga nagpatatalo 'no? Gumagawa ka talaga ng paraan kung papaano ako magseselos. Grabe na ang selos na nararamdaman ko Haily. Sa tuwing nakikita kita na kasama siya. Oh inamin ko na, masaya ka na ba?" pagsuko ni Quiell habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya si Haily.
"Anong ibig mong sabihin? Saka bakit ka naman nag seselos? Wala ka namang gusto sa akin diba?" tanong ni Haily kay Quiell pero tinitigan kang siya nito.
"Hindi pa ba halata Haily? Gusto kita, noon pa. Ever since nakasama kita sa condo nagustuhan na kita." pag amin ni Quiell na nagpagulat sa lahat.
"Kung gusto mo ako, bakit hindi mo man lang ipinaramdam sa akin? Akala mo ba madali na palagi mo akong iniiwan doon ng mag isa. Naiinip ako at gustong gusto kita makita." saad ni Haily bago naglakad papalapit sa kaniya si Quiell.
"Gusto kong iparamdam sayo pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Saka may kasalanan ka rin sa akin Haily. Bakit mo ako iniwan doon ng hindi sinasabi sa akin ang dahilan. Tapos nang puntahan kita dito makikita kitang nakikipag usap sa ibang lalaki. Alam mo ba na hirap na hirap na akong pigilan ang sarili ko sa tuwing nag seselos ako?" saad naman ni Quiell. Napabuntong hininga na lang si Haily dahil sa sinabi ni Quiell. Kailangan na niyang aminin ang rason kung bakit niya iniwan si Quiell nung araw na iyon.
"Naiinis ako sayo kaya iniwan kita. Bakit ba kase hindi mo naalala yung pinag usapan natin nung gabing yun. Pati na rin yung nangyari sa atin kinalimutan mo. Umaasa pa naman ako na baka maalala mo." sinabi na niya ang dahilan na ikinagulat ng lahat.
"May nangyari sa atin nung gabing umuwi ako na lasing? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" tanong ni Quiell bago niya hinawakan ang pisnge ni Haily.
"Natatakot akong sabihin dahil baka magalit ka. Saka baka mamaya hindi totoo ang mga sinabi mo nung gabing yun at baka assumera lang ako." saad ni Haily bago pinunasan ni Quiell ang luha niya.
"Nangyari na ang nangyari at kung sakali man mg naalala ko yun nung araw na yun ay hindi ako mag sisisi. Sayo ko naman ginawa ang bagay na iyon kaya okay lang sa akin. Ang mahalaga ngayon ay naamin ko na sayo na gusto kita, pero wait, mahal na nga ata kita. Ano bang ginawa mo sa aking babae ka?" natatawang tanong niya bago niya niyakap si Haily.
"Pero tanong lang, mahal mo ba ako?" taas kilay na tanong ni Quiell kay Haily. Hindi mapigilan ni Haily na matawa dahil sa ekspresyon ng muka ni Quiell ngayon.
"Paano kapag sinabi kong hindi?" pang aasar niya dahilan para mapasimangot si Quiell.
"Aba hindi ako papayag. Dapat mahal mo ako dahil kung hindi...." aniya dahilan para magtaka si Haily.
"Dahil kung hindi ano?" tanong niya bago ngumusi si Quiell.
"Bubuntisin kita para wala ka nang kawala sa akin." nakangising aniya dahilan para matawa si Haily.
'Kahit kailan talaga ang daming alam ng lalaking ito.' natatawang saad ni Haily sa sarili niya bago siya tumingin kay Quiell.
"Mahal kita." sabay na saad nila bago sila tumawa. Nabigla naman sila nang may pumalakpak sa gilid at doon nila napansin na kanina pa pala nanonood sila Selestine, Ysa at asawa si Mr Monterey. Nandoon rin yung ibang mga maid na kinikilig habang nakatingin sa kanila.
"Wow ang galing ko talaga manghula. Sabi na mahal niyo ang isa't isa eh." masayang ani ni Mrs Monterey bago siya lumapit doon sa dalawa.
"Yung pagseselosin mo sana pero ikaw yung nag selos. Kawawa ka naman Quiell." pang aasar ni Selestine bago siya lumapit kay Haily.
"Pasensya ka na kung nasaktan ka sa pagpapanggap namin Haily. Pinilit kase ako niyang lalaking yan eh. " nakangusong aniya bago niya niyakap si Haily.
"Alam mo ba anak, sobrang saya ni Haily nung malaman niyang pupunta ka dito. Tapos bigla mo lang pinagselos, hay nako manang mana ka sa ama mo." saad ni Mrs Monterey dahilan para matawa silang lahat.
"Teka bakit ako nadamay dyan. Ikaw nga lagi ang nagpapaselos sa akin eh." pagtatanggol ni Mr Monterey sa sarili niya. Akmang magsasalita na sana si Haily nang bigla nanaman siyang nakaramdam ng pagsuka kaya kaagad siyang tumakbo papasok sa loob ng banyo at doon sumuka. Sumunod naman kaagad sa kaniya si Quiell at hinawakan nito ang buhok ng dalaga para hindi malagyan ng suka.
"Bakit ka nag susuka ija? May nakain ka bang panis na pagkain?" nag aalalang tanong ni Mrs Monterey habang hinihimas niya ang likod ng dalaga.
"Hindi ko rin po alam Tita Ysa. Halos isang linggo na po akong nagsusuka at nahihilo." aniya bago nilinis ni Haily ang bibig niya.
"Wait, nagsusuka at nahihilo? May nangyari na sa inyo ni Quiell diba? Mahal pakuhanin mo si Yaya Marie ng pregnancy test doon sa drawer." pag uutos ni Mrs Monterey sa asawa niya at kaagad naman itong sumunod. Inabot ni Mr Monterey sa asawa yung pt at inabot niya ito doon.
"Gamitin mo ito Haily." aniya bago niya hinigit papalabas ng banyo si Quiell. Saktong naiihi si Haily kaya naman ginamit niya ito at kumuha siya ng ihi niya at inilagay niya ito sa may pregnancy test. Medyo matagal rin ang itinagal nito bago lumabas ang resulta. Laking gulat niya nang maging dalawa ang linya nito.
'D-Dalawa ang linya doon sa pregnancy test. Ibig sabihin ba nito buntis ako?' hindi makapaniwalang saad niya bago lumabas ng banyo.
"Ano ang naging resulta?" tanong ni Mrs Monterey nang makalabas si Haily sa banyo. Halos magsisigaw naman sa tuwa si Mrs Monterey nang makita niyang dalawa ang linya nung pregnancy test.
"B-Buntis ka?" gulat na tanong ni Quiell kay Haily. Tumango na lang ito bilang pagresponde. Grabe ang saya na nararamdaman ni Quiell nang malaman niyang magiging ama na siya. Mahigpit niyang niyakap si Haily bago niya ito hinalikan sa labi.
"So paano mo bubuntisin yan Quiell? Buntis na pala bebe mo." natatawang saad ni Selestine habang kinukuhanan niya ng litrato yung pregnancy test ni Haily.
"Anong gagawin mo dyan?" tanong ni Quiell.
"Isesend ko lang to kay Mason para makapag first move na ako sa kaniya. Kunwari mahahatid lang ng chismis." natatawang saad ni Selestine.
"Hindi ako makapaniwalang totoo ito. Isang beses pa lang natin nagawa yun buntis ka na agad." saad ni Quiell bago niya hinalikan ang noo, pisnge at ilong ni Haily.
"Grabe naman talaga ang kapatid ko. Naunahan mo pa ako." saad ng bagong dating na si Jane habang nakangisi ito.
"Kitang kita ko yung saya ni Mom ngayon dahil magkakaroon na siya ng apo. Bigla ko tuloy naalala nung kinukulit niya pa tayong mag asawa na tayo." natatawa saad ni Jane bago siya lumapit kay Haily.
"Congratulations Haily." aniya bago niya niyakap si Haily.
Sobrang saya nilang lahat dahil sa buntis na si Haily. Nag celebrate sila dahil doon.
_
Makalipas ang limang buwan ay malaki na ang tiyan ni Haily. Sobrang saya ni Quiell nang malaman niyang lalaki ang magiging anak nila ni Haily. Lahat ng gusto ni Haily ay binibigay niya. Tuwang tuwa din ang pamilya ni Haily nang malaman nilang nagdadalang tao na ito.
"Anong cravings mo ngayon mahal? Let me guess, tomato with whip cream ba?" tanong ni Quiell sa girlfriend niyang nakasimangot habang nagpapahid ng lotion sa tiyan niya.
"May problema ba mahal?" tanong ni Quiell bago niya nilapitan si Haily.
"Nambababae ka ba?" taas kilay na tanong ni Haily kay Quiell dahilan para matawa ito.
"Ha? Saan mo naman nakuha yan mahal. Malamang hindi ko gagawin yon dahil ikaw lang ang mahal ko." saad ni Quiell. Medyo kinakabahan siya ngayon dahil baka toyoin si Haily.
"Hindi daw eh. Bakit nakita ko doon sa panaginip ko may kasama kang iba. Hinalikan mo pa ito at sinabihan mo pa siya ng I love you." inis na saad ni Haily bago niya inirapan si Quiell.
'Here we go again.' saad ni Quiell sa sarili niya.
"Wala nga po akong babae mahal. Promise ikaw lang ang mahal ko at hindi na ako maghahanap ng iba." paninigurado ni Quiell kay Haily. Napabuntong hininga na lang si Quiell nang hindi siya pansinin ng dalaga kaya napagpasyahan na niyang gawin ang gagawin niya. Lumuhod siya sa harapan ng dalaga bago ngumiti.
"Nag o-over think ka nanaman mahal. Alam mo sa sarili mo na ikaw lang ang mahal ko at ngayon gusto ko sabihin sayo na ikaw na ang gusto king makasama habang buhay. Mahal n mahal kita Haily, will you marry me?" tanong ni Quiell kay Haily habang hindi makapaniwala si Haily sa ginawa ni Quiell.
"Seryoso ba ito Quiell? Baka mamaya niloloko mo lang ako." saad ni Haily habang nakatingin siya kay Quiell.
"Hindi ako nagbibiro mahal at gusto talaga kitang pakasalan kaya Haily, will you marry me?" muling tanong niya. Hindi napigilan ni Haily na maiyak dahil sa sinabi ni Quiell. Nag punas siya nang luha bago niya sinagot ang tanong ni Quiell.
"Yes Quiell. Pakakasalan kita." aniya dahilan para mapangiti si Quiell at isinuot na niya kay Haily ang singsing.
Matapos manganak si Haily ay nagpakasal na rin sila kaagad ni Quiell. Naging masaya ang buhay nilang dalawa at nangibabaw ang pagmamahalan nila kaya naman nabuntis ulit si Haily. Hindi inaasahan ang pag iibigan nilang dalawa pero naging mag asawa sila. Dito na nagtatapos ang kwento nila Haily at Quiell.
×END×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro