7
Nagpahalumbaba ako sa aking mesa habang hinihintay si Shannon. Dadaan raw siya dito sa room dahil manghihiram ng libro. Humikab ako at sakto namang nagring ang aking cellphone sa bulsa.
Tinatamad ko itong kinuha at nakitang si Yash pala ang tumatawag. Napangiti ako bago sinagot.
"Hi."- masaya kong bati sa kanya.
[Comrade, hindi muna ako makasabay sayo mag-lunch ah? Nagaya kasi si Coach ng lunch ngayon kasama kami. I'm sorry. Bawi ako, okay?]
I chuckled then nodded as if naman nasa harapan ko siya ngayon.
"Ano ka ba, okay lang. Walang problema. Kain ka madami ha."
Tumawa siya sa kabilang linya.
[Ikaw ang kumain ng madami. Ang payat payat mo kaya.]
"Sorry naman."- sabi ko nang natatawa.
[Una na ako, Love. Inaaya na kami e. Sa canteen lang din naman kami kakain.]
Nakita ko si Shannon na pumasok na ng room at nagsenyas ako na hintayin niya muna ako kaya tumango siya at umupo sa harapan ko.
"Okay, Love. Kita kits. Hahaha!"- sabi ko sa kanya.
[Wait, sino palang kasama mo kumain? Baka mamaya wala kang kasama. Para sayo nalang ako sasabay.]
Umiling iling ako kahit na hindi niya ako nakikita. Tumayo ako saka ibinigay kay Shannon ang libro. "Hindi, I'm with Shannon. Sabay kami kakain."
Mukhang nagulat si Shannon kaya natawa nalang ako.
Huminga si Yash ng malalim. [That's a relief. Okay, good. Eat well, comrade.]
"I will, Captain."
Binaba ko na ang tawag saka nilingon ang nakangising si Shannon. Napailing nalang ako habang nililigpit ang aking mga gamit.
"Grabe kayo ah. May pa, I will, Captain ka pa jan. Iba ka, girl!"- asar niya sakin saka ako siniko kaya nilingon ko siya.
I chuckled. "Bakit?"
Tinaas taas niya ang dalawa niyang kilay,"Remember what I said 3 years ago? That you will be Yash's future girlfriend?"- I smiled and suddenly felt my cheeks turning red. "And boom! I was right! Grabe, girl! I was just joking that time na ima-match make ko kayo. Grabe, tadhana nga naman."
"Well, I must thank you then, for making me come with you that time. Kung umalis ako siguro hindi ko makikilala ang pinsan mong gwapo."- sabi ko at saka kami nagtawanan habang palabas ng room.
Habang on the way sa canteen, nagkukwento lang si Shannon about sa mga nababasa niya sa secret files sa facebook. Nakikinig lang din naman ako. Minsan nalang din kasi kami nagkakasama dahil nga sa Architecture siya at ako naman sa Banking and Finance. Kaya nga pag mga ganitong moments, sinusulit naming dalawa, kwento dito, kwento doon.
"Ay girl! Oo nga pala. Kamusta ang audition?"- tanong niya sa akin habang may taas taas pa ng dalawang kilay.
Napailing nalang ako habang tumatawa,"Okay lang. Kinabahan ako kasi pakiramdam ko, first time ulit."
Siniko niya ako kaya napaatras ako ng konti,"Sus! Kaba kaba, dapat wala na yan sayo. Anyways, hindi ko na tatanungin kung pasok ka o hindi."- sabi niya saka ako kinindatan.
I smiled,"Bakit naman?"
"Ano ba, girl! Expected ko na yan. Ilang taon na tayong magkasama, para namang hindi ka mapipili."
Napailing nalang ako. Parang mas mataas pa ang confidence niya kesa sa akin.
Nakahanap kami ng mesa saka kami umupo. Nagdecide si Shannon na siya nalang daw muna ang magbabayad ng lunch kaya nagorder na siya ng food.
Nilabas ko ang aking laptop. May ipinapagawa kasi sa aming flyers para sa booth namin sa darating na University Foundation. Since ako ang medyo magaling sa photoshop, ako ang ipinagawa nila. Galing no? Tsk. Ang dami dami ko na ngang ginagawa e.
Hay, life.
Itinuloy ko ang paggawa ng flyers habang hinihintay si Shannon. Sumandal muna ako saglit sa aking upuan at sakto namang nag-ring ang phone ko.
I automatically smiled when I saw his name on the screen. Agad ko itong sinagot.
"Uy. Hi!"
[Ganda naman ng view.]
Napakunot ako ng noo,"Huh?"
Napalinga linga ako sa paligid and there I saw him, three tables away from our table. He was smiling while waving his hand.
I chuckled. "Nanjan ka pala."
[Yes. Kumain ka na?]
Napatingin ako nang pabalik na si Shannon sa mesa. "Kakain palang po."
[Good, kain madami, okay?]
I nodded and smiled at him.
"Okay."
Pinatay ko na ang tawag at binalingan si Shannon. Pinagmasdan ko lang siyang ilapag ang inorder na meal para sa aming dalawa. Nilagay ko naman aa aking gilid ang aking panyo at phone. Itinabi ko muna ang aking laptop pati ang iba kong gamit.
Umupo siya sa harapan ko at nagsimula na kaming kumain.
"Anong meron at bakit hindi kayo magkasama ni Yash?"- tanong niya habang binubuksan ang bote ng C2.
Nilunok ko muna ang kinakain bago nagsalita,"Ah, nagme-meeting ata para sa upcoming game nila."
"Game? May game sila pinsan ko? Bakit hindi ko alam?"
I shrugged,"Ewan ko, siguro, ata. E kasama nila yung Coach nila doon oh."- sabi ko saka tinuro ang nasa harapan kaya tumalikod siya para makita sila.
Binalingan niya ako, still nakakunot pa rin ang noo. Napailing nalang.
"Bakit wala akong alam..."- bulong niya.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos ay agad na akong pumunta sa Studio Room sa kabilang building para mag-practice para sa Battle of the Bands Competition sa susunod na linggo.
"Goodafternoon po, Ma'am, Sir."- bati ko sa kanila. Binalingan ko ang ibang tao doon saka tinanguan. "Hi guys!"
They all smiled at me. Kilala ko na silang lahat dahil noon pa man ay sila na ang bandang kasama ko sa mga Competition.
Yun nga lang, lagi lang nawawalan ng vocalist dahil temporary lang ang karamihan sa kanilanh nakukuha, gaya ko. Marami pa rin kasi akong dapat unahin lalo na pagdating sa Acads.
Pumalakpak ng dalawang beses si Ma'am,"Okay, okay! Let's start!"
Nilagay ko ang aking bag sa mga upuan. I tied my hair up saka pinunasan ang kaonting pawis sa aking noo. Saka ako pumwesto banda sa mikropono.
Huminga ako ng malalim nang magsimula nang gumawa ng ingay ang bawat instrumentong hawak ng bawat isa.
"Mic test, 1, 2, 3,"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro