Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6


Huminga ako ng malalim pagkatapos tawagin ang number ko. Lumabas ako ng backstage at dumiretso sa center ng entablado. Ngumiti ako sa apat na nakihilerang judge na magpapa-auditon ngayon.

Hinanap ng mga mata ko si Yash at agad ko naman siyang nakita. Nginitian niya ako ng malaki saka tinaas ang dala dala niyang popcorn.

Napailing nalang ako habang ngumingiti pabalik. Baliw talaga. Ginawa pa akong movie.

Ilang buwan na simula noong Championship game nila Yash. After noon, wala na rin kaming naging misunderstandings. Naging busy na rin kaming dalawa dahil maraming naging preparations para sa Foundation Day ng School.

At ngayon, ako ang representative ng block namin para sa audition sa Battle of the Bands vocalist. Actually, wala talaga akong plano sumali dahil ako ang auditor ng council at napakaraming gawain ng isang tulad ko.

Pero, pinilit rin ako ni Yash.

"Sigeeee naaaa~"

Niyakap yakap niya ako na parang batang nagpapabili ng ice cream. Tinulak ko ang noo niya gamit ang index finger ko.

"Marami nga akong ginagawa, Yash."

Ngumuso siya saka tinitigan ako kaya tinitigan ko siya pabalik. May balak pa ata tong magpa-cute. Inirapan ko siya saka nagpatuloy maglakad sa hallway habang inaayos ang hawak kong libro sa Accounting.

Inakbayan niya ako, saka nilapit ang mukha sa may tenga ko.

"Sige na, Love~"- bulong niya sa tenga ko.

Napaatras ako saka nilingon ang paligid. Mamaya maparusahan kami ng PDA dito!

Tinulak ko ulit ang noo niya. Nako! Ang tangkad tangkad naman kasi. Tiningala ko siya habang nakapameywang.

"Bakit ba gustong gusto mo akong sumali doon, ha?"

Binigyan niya ako ng pacute na ngiti. "Kasi alam kong mananalo ka! Mananalo kayo ng mga kasama mo! Dibaaa?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

Bumagsak ang balikat niya.

"I just want to see you perform again."- seryoso niya akong tinignan. Ayan. Ayan na naman siya sa titig niya. Jan niya ako nakuha e. "Sing for me, okay? Hmm?"

I rolled my eyes. "O sige na, sige na! Matitiis ba kita?"

Nginitian ako ng malaki saka lumingon lingon sa paligid. Kaya napalingon na rin ako. I was caught off guard when he gave me a peck on my lips.

Saka siya nag-act na para bang nagulat siya.

"Hala. Naka-score ako."- sabi niya tapos nag-kunwaring nagsho-shoot ng bola. "Three points for Zetralde. Wohooo!"- he insanely said as he winked at me.

"Baliw. Baliw ka."- sabi ko saka siya dinilaan at nagpatuloy ulit maglakad.

"Sayo. Sayo lang naman."- sabi niya saka ako dinilaan pabalik bago ako inunahan maglakad.

Napailing nalang ako habang nakangiti.

Kaya heto ako ngayon. Bumalik na naman yung kaba ko katulad noong 1st year highschool noong first time kong sumali.

Nginitian ako ng mga judges.

"Please say your name, age, course and block number."- sabi ng magandang babae na tingin ko'y nasa mid 20s palang.

Tumango ako saka nginitian sila. Saglit akong lumingon kay Yash na sarap na sarap sa pagkain ng popcorn habang nakataas ang dalawang paa.

Binalingan ko ang mga judges.

"Anastacia Reshey G. Montejo, 19, BFM, Block 1."

Tumango silang lahat. Kinuha naman ng lalaking may salamin ang mikropono saka nagsalita.

"Okay. So, let us hear what you've got?"

Tumango ako. Lumipad ang tingin ko kay Yash na ngayo'y naka-thumbs up.

I smiled. Oh boy, my supportive captain.

Hinintay ko ang pagpasok ng napili kong kanta.

On the wings of love,

up and above the clouds,

the only way to fly,

is on the wings of  love...

Kinanta ko ito ng buong puso, dahil isa ito sa mga paborito kong kanta.

On the wings of love,

only the two of us

together flyin' high,

flyin' high up on the wings...

Nakita ko ang paglitaw ng ngiti sa mukha ng bawat judges habang sila'y tumatango.

I smiled and then closed my eyes.

Just smile for me,

and let the day begin

You are the sunshine that

lights my heart within

Minulat ko ang aking mata at lumipad ito sa kung saan banda si Yash. Ngayo'y may hawak na siyang video camera.

I'm sure that you're

an angel in disguise,

come take my hand and

together we will rise

Sa parteng iyon, halos matawa ako nang i-stretch ni Yash ang kamay niya sa akin. Loko talaga to.

On the wings of love,

up and above the clouds,

the only way to fly,

is on the wings of  love

On the wings of love,

only the two of us

together flyin' high,

flyin' high up on the wings love

Nagpatuloy ang kanta. Nakangiting nakikinig sa akin ang apat na hurado.

Tila bumalik sa akin ang lahat ng alaala simula noong una kong makita si Yash.

"Shannon, ano ba! May test kami sa Accounting mamaya, kapag ako walang nasagot, tamo ha!"- singhal ko sa kanya.

Paano ba naman kasi, hinila ako para may kasama siya na manood ng game ng mga freshmen. Hello! 1st year ko sa kolehiyo ngayon at ayoko namang magpa-baho baho lang.

Patuloy niya akong hinila sa kumpol na mga tao rito sa gym.

"Okay lang yan, Ey. Matalino ka naman e! Kaya mo yan. Pagbigyan mo na ako please?"- nagpuppy eyes pa ang loko. "Game kasi to ni pinsan ko! Ya know, first time niya kasi freshmen din siya like us! Kaya sige na, girl. Support natin siya okay?"

Hinila niya ako paupo sa bleachers. Mula rito ay kitang kita ang kabuuan ng basketball court.

Hindi pa naman nagsisimula pero ang ingay na. Aish! Ayoko nito! Gusto ko tahimik.

Umiling iling ako saka tumayo,"Ayoko na, Shannon. Ang ingay. Ayoko dito."- pero bago pa ako makaalis ay hinila niya na naman ako kaya nilingon ko siya.

"Ey~ sige na, please? Hindi ka mabo-bore promise!"- pagpupumilit niya sa akin.

Napatingin ako sa aking relo. Maga-1pm palang. Ang start ng klase namin ay 2:30 pa. Napatingin ako kay Shannon na halos makirat na ang mga mata sa kakapikit mulat.

Pinagmasdan ko rin ang paligid. Kaya ko naman siguro i-endure ang ingay diba? Kahit na hindi ako sanay sa maingay na lugar.

Napilitan akong umupo,"O sige na nga."- pagsusuko ko sa kanya kaya niyakap niya ako.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Iyong unahin ang hindi ko priority kesa sa priority ko.

"Yey!"- she happily said. "Support natin si pinsan ko, ah?"

Tumango ako kahit napipilitan lang ako. "Sino ba yang pinsan mo? Bakit hindi ko kilala e ke tagal tagal na nating magkasama, highschool pa lang?"

Nginitian niya ako saka binaling ang tingin sa court,"E kasi naman, girl. Kahit naman ikwento ko, I know naman na hindi ka interested lalo na sa guys."

Tinaas ko ang kilay ko,"Oh? Ganon ba?"

She nodded.

Nilingon ko ang court nang magsalita iyong announcer. Lumapit ang freshmen team at ang sophomores team. Lahat sila matatangkad at karamihan ay mapuputi.

Napanguso ako. Saan kaya jan yung pinsan ni Shannon? Tinignan ko ang mga apelyido ng mga players pero walang nag-match sa apelyido niya.

Siniko niya ako saka binulungan,"Girl, hindi kami same ng surname. Yung surname niya, middle name ko yun."

Natulala ako saglit saka inisip ang middle name ni Shannon. Alam ko yun e, hindi ko pwedeng makalimutan dahil ako ang taga-sulat ni Shannon ng pangalan niya sa mga submitted by projects noong highschool.

Anong letter na nga iyon naga-start? C? S? Z? Omg. Z... Ze... Zet..Zetran? Ze.. Zetrande?

Nanlaki ang mga mata ko nang mahulaan.

"Zetralde..."- I whispered to myself.

Tumango tango si Shannon saka ngumuso at tinuro ang court. "Yup, Girl. Ayun oh. My very handsome, cousin. Fresh from Los Angeles, California. Ganern!"

Hinanap ng mga mata ko ang tinuro niya. Nakita ko ang lalaking tinutukoy niya. Nakatalikod siya sa amin dahil may sinasabi ata ang referee.

Pinagmasdan ko siya. Matangkad siya, maputi. Medyo payat siya na may konting laman kasi nakita ko ang pagtaas niya ng kamay tapos nag-reflex ang biceps niya.

Humarap siya at pumunta sa kanyang pwesto dahil magi-start na ang game, dahilan para makita ko ang pagmumukha niyang ipinagmamalaki ni Shannon.

At hindi ako nakapagsalita. Makapal pero "on fleek" ang kanyang mga kilay. Medyo chinky din ang mga brown niyang mata. Matangos din ang ilong niya. Bagsak lang ang buhok niyang itim at sinusuklay niya lang gamit ang kanyang mga daliri. Nakakadistract din yung anggulo ng panga niya lalo na kapag nagsa-side view siya. Mapula din ang kanyang labi.

Na-conscious tuloy ako bigla sa labi ko. Mapula din naman iyong akin pero sa kanya kasi parang naga-shine shine pa.

Nabalik ako sa realidad nang sumigaw si Shannon.

"GO, ZETRALDE!"

Pinagtinginan tuloy siya ng mga babae dito na katabi namin. Pumalakpak siya nang magka-score ng sunod-sunod ang freshmen team.

Siniko ko siya saka binulungan.

"Uy, nagasigaw-sigaw ka jan. Mamaya magalit sayo girlfriend nung pinsan mo."- bulong ko sa kanya saka nagpalinga linga sa paligid.

Napakunot ako ng noo nang tumawa siya. Lumapit din siya banda sa tenga ko.

"Wala pa siyang girlfriend."- bulong niya pabalik.

Hindi ako naniwala. "Weh? Sa gwapo niyang yun, wala pa? As in? Since birth?"- sunod sunod kong tanong.

Tinanguan niya ako ng ilang beses habang tumatawa.

"Oo nga. Ikaw palang...sa future. Yieeee."

Tinulak ko siya at umiwas ng tingin. "Tabal ka, bakit ako? Wala akong time jan."

"Meron. Ima-match-make ko kayo. HAHAHAHA."

Hindi ko na siya pinansin at itinuon nalang ang tingin para manood. Sayang naman pagpapaliban ko magreview kung hindi ako manonood.

Napadako muli ang tingin ko kay Zetralde. Ano kayang pangalan niya?

"Yash. Yash name ni pinsan ko. Hehehe."

I rolled my eyes pero nginitian niya lang ako. Saka ko ibinalik ang tingin ko sa lalaking naka-three points na naman.

Yash... Yash... Yash..

Natapos ang kanta. Bumaba ako ng entablado at isa isa silang kinamayan.

"A very heart-melting performance, Ms. Montejo."- bati ng babaeng judge.

"We'll inform you right away, Ms. Montejo."

Tinanguan ko silang lahat.

"Opo, Salamat po."

Nilingon ko si Yash sa likuran. Kinawayan niya ako kaya nginitian ko siya. Thank you for always supporting me, Love.  Dali dali ko siyang pinuntahan sa kanyang pwesto saka niya ako niyakap.

"Gaad, Ey."- sabi niyang niyakap ako. "Watching you perform up there makes me love you even more."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro