Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5


Yash

"I'll excuse myself for now..."

Aalis ka na naman.

Napahinga nalang ako ng malalim at inabala ang sarili sa pagaayos ng sintas ng sapatos ko.

"My knee is aching... and it really hurts."

I paused, and suddenly, I felt my heart ache after hearing it. Nag-angat ako ng tingin pero ang nakita ko nalang ay ang maliit na patak ng dugo sa sahig.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Anong nangyari sa kanya? Shit. Napatayo ako saka nilapitan ang pwesto niya kanina.

"S-sorry, Yash. Sorry talaga. I...I've tried, pero hindi ko alam na hindi na pala ako aabot."

"You've tried, huh."

"P-promise. Tinry ko, Yash, pero---"

"Promises are really, meant to be broken."

"I guess, I didn't tried enough. I'm sorry. Hindi ko alam kung paano makakabawi---"

"Don't mind. Hindi naman kailangan."

Sapo ang noo, napamura nalang ako sa aking isipan. Napatingin ako sa pinto saka nagmadaling lumabas pero hindi ko na siya naabutan.

Ey..

Nakita ko si Kyle na papunta sa kinakatayuan ko. Siniko niya ako kaya napakunot ako ng noo.

"Ano?"- irita kong tanong.

"Nagaway kayo ni Ey? Nakasalubong ko, tapos umiiyak. Anong nangyari, dude?"

Hindi ako nakasagot.

"Ay.."- napalingon ako sa kanya na may sasabihin pa ata. "Ano nalang nangyari sa kanya? Nahihirapan siya maglakad kanina e. Bakit ba yun----"

"Alis daw."

Tinabig ko siya saka nagsimulang tumakbo palabas ng gym. Shit, sana hindi ka pa nakakaalis. Dumiretso ako ng gate dahil baka nandoon na iyon.

"S-sorry, Yash. Sorry talaga. I...I've tried, pero hindi ko alam na hindi na pala ako aabot."

Kinagat ko ang labi ko saka sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko. Shit! Ang tanga tanga ko!

Bakit hindi ko manlang siya tinignan ng maayos kanina?

Sumasakit ang puso ko thinking na nahihirapan siya ngayon, at nasasaktan pa siya dahil sa pagtrato ko sa kanya.

Binilisan ko ang takbo ko, at saka siya hinanap ng mga mata ko.

Ey

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. Yan, kasalanan mo to Anastacia Reshey, kaya magdusa ka.

Ang wrong timing rin naman kasi. Ang malas malas ko naman ngayong araw. Kakainis.

Wala pang magpasakay na trike sa akin. Wow. Galit na nga sakin si Yash, tapos nadapa pa ako, tapos ganito pa. Wala na bang mas may imamalas tong araw na ito?

Napatingin ako sa tuhod ko. Umupo ako at inayos ang pagkakatali ng panyo nang biglang may mga kamay na nagagaw sa akin at inayos ito.

Nag-angat ako ng tingin. As if on cue, bumagsak ang mga luha ko nang makita si Yash sa harapan ko.

Tumayo ako at iniwas ang sarili sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"May sugat ka.."- mariin niyang sabi.

Umiling ako, not minding kung basang basa na ang mukha ko ng mga luha. "I'm okay.. Don't mind me.."- mahina kong sabi.

Yumuko ako saka pinagpatuloy ang pagaayos ng panyo. Tinupi ko rin ang medyas ko na inabutan ng dugo. Dahan dahan akong tumayo.

Nakasalubong ko ang mga seryoso niyang tingin. I faked a smile,"Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Mas lalo akong magmumukhang kawawa."

Umiwas ako sa pwesto niya saka naghanda para pumara ng trike. Itinaas ko ang kamay ko para sana pumara kaso hinawi niya ito.

"Ihahatid kita."

Umiling ako habang pinupunasan ang mga luha ko. "Wag mo na nga ako alalahanin, Yash. Nasaktan kita ngayon. Kasalanan ko. Deserve ko to---"

"No, you don't."- matigas niyang sabi.

Tinalikuran ko siya. Sa kanto nalang ako sasakay, mukhang walang magpasakay sa akin dito.Nagsimula na akong maglakad papuntang kanto.

"Baby, I'm sorry. Please forgive me..."

Napahinto ako sa paglalakad nang magsalita siya. Bumuhos muli ang aking mga luha. Hindi ko na rin napigilan ang aking paghikbi.

Nang pumunta siya sa harapan ko ay tinakpan ko nalang ang aking mukha gamit ang mga kamay ko.

Hinila niya ako palapit sa kanya saka ako niyakap ng mahigpit.

"I'm really sorry, baby. Uwi na tayo, okay?"- he whisphered.

Parang bata na tumango ako at hinayaan ko siyang ihatid ako pauwi.

*

"Galit ka pa sakin?"- tanong ko sa kanya na parang bata. Kinurot ko ang mga daliri ko habang hinihintay siyang sumagot.

Tinitigan ko siya na ngayo'y nasa harapan ko, nakayuko at nakaupo sa sahig habang ginagamot ang sugat sa tuhod ko habang ako naman ay nakaupo sa maliit na sofa.

"I was actually...sad. Kasi yun nga, hindi ka nakapunta."- mahinahon niyang sagot habang nilalagyan ng gauze ang sugat ko.

I sighed. "Sorry talaga." Napasimangot ako nang naalala na naman ang nangyari.

Napatingin ako sa kanya nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Seryoso niya akong tinignan na para bang sinasaulo ang bawat parte ng mukha ko.

"Hindi ko alam na may nangyari sayo."- sabi niya sa isang seryosong tono. "I was sad. Because I'm really, really expecting you there. Then you came, explaining yourself. And suddenly saying that you'll excuse yourself because of the wound you've got. And then I suddenly felt a pain in my heart just by hearing it. Kung masakit sayo, masakit din sakin. Pakiramdam ko, ako ang nasasaktan para sayo. Because I came to realize what you've went through just to be there."

I smiled at him. I patted his head kaya napasimangot siya. "I'm okay. Sugat lang naman yan."

Sinimangutan niya ako lalo,"Next time, ingatan mo ng lalo ang sarili mo."- sabi niya na parang tatay na nagpapaalala. Niligpit niya ang first aid kit saka umupo sa tabi ko. "Wag kasi takbo lang ng takbo, okay? Tumingin din sa dinadaanan ba. Ayoko ng napapahamak ka dahil sakin."

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Bumilis tuloy bigla ang tibok ng puso ko. Umusog ako kaonti sa kanya saka tumango.

"Opo, Captain. Will be more careful."

He nodded then planted a small kiss on my forehead. Napapikit ako saglit sa ganoong gesture niya.

"Verygood, comrade."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro