4
Paulit ulit akong tumingin sa aking relo. Kinagat ko ang labi ko nang makitang sampung minuto nalang ay maga-start na ang game, game nila Yash. Championship game pa naman yun! Shocks, ang tagal naman kasi matapos ng Literature namin. Lagi nalang overtime!
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Pasimple ko itong kinuha at nakitang tumatawag si Yash.
Napapikit ako. I'm sorry, Love! Hindi ko pwedeng sagutin dahil terror ang Prof namin.
"Ms. Montejo!"
Nabigla ako kaya agad akong napamulat at nalaglag ang phone ko sa sahig.
I gulped,"P-po, Miss?"
Tinaasan niya ako ng kilay. Gaad, magse-sermon pa siya! Mas lalong tatagal! Kainis naman.
"I bet you're not listening. Seems like you're not interested with my subject."- matigas niyang sabi.
Umiling ako ng dalawang beses,"N-no, Miss. I'm listening po, napapikit lang ako."- saad ko, na ikinatawa ng lahat. Aish! Wrong reason pa.
Marahas niyang ibinagsak sa mesa ang stick na hawak niya saka pinandilatan ako ng mga mata,"Are you mocking me, Ms. Montejo? What about your phone, huh? Were you texting someone during my class? Answer me!"
Napaismid ako nang sumigaw na siya. Nagsipagtigilan ang mga kaklase ko sa pagtawa. Napakagat ako ng labi. Start na ng game ni Yash! Kainis naman oh! Imbes na dapat may upuan na ako ngayon sa bleachers, kasama ko na si Shannon,---
Biglang umilaw ang phone ko at nagsimulang mag-vibrate.
Yash calling...
Napalunok ako ng ilang beses at nag-angat ng tingin sa Prof kong umuusok na ang ilong sa galit.
"Wala po akong ka-text, Miss. H-hawak..hawak ko lang po ang phone ko.. at.."- hindi ko na alam ang sasabihin.
Napatingin ako sa mga kaklase ko, at nagge-gesture sila na start na ng game ni Yash kaya tumango nalang ako.
Namatay ang tawag ni Yash. Limang missed calls na pala galing sa kanya.
I sighed.
Wala na bang itatagal to?
Inaayos ng Prof namin ang salamin niya bago tumingin sa relo niya. Sana naman malaman niya na kanina pa time!
Kainis naman. Bakit naman kasi sumakto pang sira ang alarm namin!
Argh! Kainis.
"Okay, class. Let us continue our lesson tomorrow and don't forget your research assignment. Goodbye, class."- pinal niyang sabi at lumabas na ng room.
"Goodbye, Miss!"- sigaw naming lahat.
Nagmadali akong ligpitin ang mga gamit ko. Hindi na ako nagabala pang ayusin ang sarili ko dahil mas male-late ako.
"Championship namin bukas. Wag ka male-late ha? Kailangan ko ng support ng girlfriend ko. Kapag wala ka doon, nawawalan ako ng gana e."
"Oo naman! Ako, male-late? Hinding hindi yun mangyayari, noh! Ikaw pa ba."
"Nice. Thanks, Ey! Asahan ko yan. I'll wait for you then."
Pinulot ko ang phone ko mula sa sahig at lumabas na ng room. Nagmadali akong bumaba ng building. Nice naman! Nasa third floor room namin at ang gym ang layo pa! Mga tatlong ikot pa! Shocks.
I dialed Shannon's number dahil paniguradong nandoon na iyon. Nag-ring ito at agad niyang sinagot.
"Noona!"- I exclaimed.
[Ey! Saan ka na? Ang tagal mo naman! Kanina pa start ng game! Maga-2nd quarter na oh!]
Rinig ko sa background ang cheer ng mga tao sa team ng aming school. Kalaban kasi nila Yash ang ibang school.
Hingal na hingal ako paglabas ko ng building namin. Tumakbo ako papuntang kanan.
"Si Yash? Naglalaro na?"
[Oo, girl! Kanina pa! Kasali siya sa first five! Nakoo, kanina pa yun tanong ng tanong sa akin kung saan ka. Labasan niyo na ba?]
"Oo----aaaah! Shit!"
Nalaglag ang phone ko nang madapa ako at tumama ang tuhod ko sa bato. Napakagat nalang ako ng labi sa sobrang sakit.
Ang masaklap pa ay hindi siya yung ordinaryong maliit na bato, malaki siya at may patusok tusok pa.
[Ey? What happened? Ey?]
Napalunok ako habang inaayos ang sarili ko. Dahan dahan kong inikot ang legs ko para makita ang tuhod ko, na ngayo'y naglalabas na ng dugo. Nagkaroon ito ng gasgas pero hindi ko nalang pinansin kahit na nahihirapan akong tumayo.
[Ey? Andyan ka pa?]
Bahala na, buti nalang medyo mahaba ang palda namin kaya natatakpan siya.
"Nadapa lang ako pero okay na ako."
Kinuha ko ang phone ko at dahan dahang inangat ang sarili para makatayo. Pero gaad, hindi ko pa ata kayang tumakbo. Wala pa ako sa kalahati! Gosh!
[You sure you're okay?]
"I-I am.. Papunta na ako, Noona. Hintayin mo nalang ako."
[Okay, wag ka na magtakbo. Yash will understand kung malate ka.]
Umiling ako. Nangingilid na ang mga luha ko dahil sa hiya na nararamdaman ko. No, I promised Yash, Noona. Alam ko kung gaano ito kaimportante sa kanya.
Kapag nanalo sila, ay ipapasa sila ng mga Prof nila sa kanilang mga subject.
"Hindi ko alam e. Feeling ko kulang kapag wala ka doon. Feeling ko hindi ko kayang maglaro. Ikaw nagmo-motivate sa akin, diba? Kaya parang nawawala na rin ang motivation kong maglaro kapag wala ka."
Napapikit ako. I'm sorry, Yash. Makakaabot pa naman ako, e. Nagmulat ako at simulang maglakad kahit na ang totoo'y nahihirapan ako dahil sa sakit ng sugat ko.
Halos 30 minutes akong late. Nakarating ako ng gym nang mag-4th quarter. Hindi na ako makasulyap dahil maraming taong nakaharang sa entrance. Pinilit kong isiksik ang sarili ko.
I need to see Yash!
"Excuse me po, makikiraan lang po."- I politely said habang nakikipagsiksikan.
People are throwing me irritating looks. "Ano ba yan! Istorbo!"- they said. Hindi ko nalang sila pinansin at patuloy na nakipagsiksikan.
Natatamaan ang tuhod ko at, gaad, mas lalo siyang nagiging masakit at mahapdi. Pero tiniis ko.
Nagri-ring na ang phone ko sa bulsa pero hindi ko siya makuha. Patuloy ang pag-excuse ko sa mga tao hanggang sa makarating ako sa mga bleachers.
Pero tapos na pala. Bumagsak ang mga balikat ko at nakita si Shannon na tumatakbo palapit sa akin.
Her sad face says it all. Hinihintay ko nalang na sabihin niyang..
"Ey, talo sila."- malungkot niyang sabi.
Hindi ko na inisip kung gaano kasakit ang tuhod ko at nagsimulang tumakbo papuntang shower room ng mga varsity players. Kahit na sobrang hapdi na, hindi ko nalang inisip.
Hingal na hingal ako sa labas at naghintay nalang muna.
Lumabas ang iilan sa mga players.
"Si Yash?"- tanong ko.
Sabay nila akong tinignang tatlo, nahuli ko pa ang pagirap ng isa sa kanila. Malungkot lamang na ngumiti ang isa at ang isa naman ay sinagot ako.
Tinuro niya ang shower room,"Sa loob. Wala atang balak lumabas."- malamig niyang sabi.
Tumango ako,"Salamat."
Abot abot ang tahip ng dibdib ko. Kinakabahan ako, kasi nadisappoint ko si Yash. First time kong umabsent sa game ni Yash at sumakto pang Championship.
"Sayang talaga! Ano bang nangyari kay Yaree Zetralde? Mukha siyang walang gana kanina! Ano ba yan!"
Kagat kagat ang labi, napalingon ako sa grupo ng mga babae na naguusap.
Pinalipad ng isa ang kanyang buhok. "Nako, girl. Dahil nga raw sa girlfriend! Ya know. Siya ang ineexpect ni Yaree e!"
"Ha? Hindi niya ba kayang maglaro ng maayos kahit wala ang girlfriend?"- sabi naman ng isa.
"Ano ka ba, sis! Syempre, kaya! Pero hindi ganon ka galing. Inexpect niya kasi siguro."
Napaiwas nalang ako ng tingin. Kaya naman ni Yash kahit wala ako. Kaso ako yung motivation niya raw e.
Halos lumabas na ang lahat ng players at si Yash nalang ang hindi lumalabas. Pinagtitinginan din ako ng bawat player na lumalabas dahil na rin sa itsura ko.
Nagdesisyon akong pumasok sa loob.
And there I saw him. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal ang likod sa locker niya. Tumutulo pa ang butil ng tubig galing sa buhok niya. Nakapikit lang siya at.. alam kong wala siya sa mood.
Nangingilid na ang luha ko. Pero I'm trying to hold it back. Kasalanan ko ito.
Pa-ika ika ang lakad ko papunta sa harapan niya. Hindi pa rin siya nagmumulat.
Nagipon ako ng hangin sa aking dibdib bago nagpasyang magsalita.
"I'm sorry..."- mahina kong sabi, sapat lang na marinig niya. Napalunok ako nang nagmulat siya pero sa sahig siya dumiretsong tumingin.
"Okay lang."- ramdam ko ang lamig sa kanyang boses.
Hindi ko siya malapitan dahil bad mood siya. Kinagat ko ang labi ko. Pinagmasdan ko siyang talikuran ako at binuksan ang locker.
Kinuha niya ang puting shirt saka hinubad ang jersey at nagbihis sa harapan ko.
Tumingin ako sa baba. Nararamdaman ko ang pahapdi nang pahapdi na sugat ko. Shit, ang sakit. Pero mas masakit na makita ko si Yash na ganito. He's so down, and it's because of me.
"S-sorry, Yash. Sorry talaga. I...I've tried, pero hindi ko alam na hindi na pala ako aabot."
Nilingon niya ako. I met his eyes. Nakakatakot. "You've tried, huh."
"P-promise. Tinry ko, Yash, pero---"
"Promises are really, meant to be broken."- matigas niyang sabi bago isinara ng malakas ang kanyang locker.
Tinalikuran niya ako ulit at nagayos ng bag.
Tumulo nang sunod sunod ang mga luha ko. Kasalanan ko to. Times like this, dapat hindi ka na makipag-argue sa kanya para madali kayong magbati.
I sighed,"I guess, I didn't tried enough. I'm sorry. Hindi ko alam kung paano makakabawi---"
"Don't mind. Hindi naman kailangan."
Nanginginig ang mga kamay ko maging ang labi ko. I bit my lip.
"I-I'm sorry, Love. Sorry talaga."- pinunasan ko ang luha ko. Umupo siya sa bench pero hindi siya nakatingin sa akin dahil abala siya sa pagsisintas ng kanyang sapatos. "I'll excuse myself for now. My knee is aching.. and it really hurts."
Hindi ko na hinintay pa ang respond niya at nagmadali nalang akong lumabas ng gym. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa saka pinangtakip sa tuhod ko na umabot na ang dugo sa medyas ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro