Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2


Nagsimula ang first subject namin sa hapon. Medyo nakakaantok kasi mahina yung boses ng Prof namin. Nasa golden age na kasi siya. Hehe.

Wala akong magawa, I mean. Lahat pala kami halos walang magawa. Lahat nakatunganga, papitik pitik lang ng ballpen sa lamesa.

Buti na lang ay nasa likod na part ako banda, malapit sa bintana. Alam ko na ang gagawin ko! Itext ko nalang si Yash.

Patago kong nilabas ang phone ko saka ginawang pantakip ang binder ko para kunwari nagbabasa.

I started to compose a message.

Me: Hi po, Kuya. ;)

I smiled. Nababaliw na ata ako. Nagpahalumbaba ako sa aking desk habang naghihintay sa reply niya. Alam niya na yan na kapag nagtetext ako during class hours, alam niyang bored ako.

Nagvibrate ang phone ko at umilaw ang screen kaya nakita ko na sa kanya galing ang message.

Huhu, sorry Prof! Wala talaga akong magawa.

Him: Hi rin po, Ate.

Hindi pa ako nakakatype ay nagreply siya ulit. Binuksan ko iyon.

Him: Miss you po, Ate. :P

I can feel my cheeks turning red. I bit my lip. Pinipigilan kong ngumiti at baka mahalata na ako ng mga kaklase ko.

Inayos ko muna ang aking pagkakaupo bago nagreply.

Me: Kinikilig po ako, Kuya.

I tapped the send button. Hinintay ko ulit ang reply niya at kunwari nakikinig sa Prof. I even responded to everything even if I didn't know what she's talking about.

He replied.

Him: I know po. Iba po talaga po ang charms ko po. Can't resist po diba po? ;)

Napanguso ako habang binabasa ang reply niya. Kahit kailan talaga!

Me: Haha! Opo. I love you, dong. :*

He again replied.

Him: I love you more, day. ^▁▁▁^

*

Cleaners ako ngayon. Hindi pa kasi nakakabalik yung janitor namin dito sa building kasi may sakit pa raw siya. Kawawa naman si Manong.

Kaya noong naglabasan kami ay nagstart na kaming maglinis. Buti nalang assigned ako dito sa loob lang ng room. Kinuha ko ang walis tambo at nagsimula nang maglinis.

"Ey! May battle of the bands daw. Sali ka!"

Nilingon ko si Queen na kaklase ko. Hawak niya ang isang feather duster at nagsimula nang magpagpag ng alikabok sa mga dingding.

I shrugged. "Hindi ko pa alam, Queen. Kailan ba iyon?"

Nagtakip siya ng bibig habang nagsasalita. Ganun din ako.

"Sa University Night pa naman. Isang buwan nalang pero kailangan na ng participants para makapag-practice na."

I nodded.

"Pagiisipan ko."- sabi ko at tumango nalang siya.

Simula highschool ako ay kasama na ako sa mga battle of the bands tuwing may event. Actually, hindi naman talaga ako sumasali. Si Shannon ang nakadiscover ng tungkol sa talent ko when it comes to singing kaya siya ang humila sa akin na mag battle of the bands.

Pati hanggang ngayong college. Siya rin naginsist pero pumayag din ako since sayang din yung cash prize. Minsan yun yung pinanglilibre ko kay Yash kapag natatalo niya ako sa Counter Strike at syempre, pinangkakain din namin ni Shannon.

Saktong 5 pm kami natapos maglinis. Nagsipaguwian na ang mga kaklase ko at ako nalang at yung ibang athlete ang natira. Nagpunas muna ako ng pawis at nagpahinga saglit.

Asan kaya si Yash? Buang na yun. Hindi ko kasi nakitang nagdaan sa room.

"Ey!"

Napamulat ako nang tawagin ako ni Mike. Tinaas ko ang kilay ko. "Bakit yun?"

May tinuro siya kaya napatingin ako sa may pinto. Lumusot doon ang gwapo at cute na mukha ni Yash na nakalabas ang isang dimple sa kaliwang pisngi.

"Hi!"-bati niya sakin with matching kaway kaway.

I chuckled. "Pasok ka."

Nakapang-bball jersey siya at mukhang kakatapos lang mag-shower.

Umupo siya sa tabi ko. He smiled at me so I smiled back.

"Tapos na practice?"

Tumango siya at ngumuso. "Kapagod."

I tapped his back,"I know. Pahinga ka paguwi mo mamaya ha."- sabi ko.

Habang nililigpit ko ang mga gamit ko ay nakatitig siya sa akin. Sinuot ko na ang aking bag.

"Bakit, dong?"- tanong ko.

Tumayo siya. Kinuha niya ang panyo niya sa bag saka pinunas sa noo ko. "Naglinis ka? May dumi oh."- natatawa niyang sabi.

Napatawa na rin ako at mahinang hinampas ang kamay niya. "Sorry po. Maganda lang."

Tumango tango siya. Then he leaned forward and planted a small kiss on my forehead.

He shrugged. "Just cleaning the dirt, Love."- he said then winked at me.

I rolled my eyes while smiling. Deep inside talaga kinikilig na ako. Parang may something sa tiyan ko na lumilipad dahil sa ginawa niya.

Inakbayan niya ako at iginiya palabas ng room namin. "Let's go, duday! Itu-tutor mo pa ang gwapong Captain Ball."

"Baliw."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro