LOVE, SAKURA
41.
Sakura Furukawa’s last
Sage touched my soul long before I knew what his hands felt like...
After our deep talk, starting from that very moment, I considered that as my best moment in my life.
I feel like I'm the happiest.
He is the best thing I have ever waited before.
Nanatili pa 'ko sa ospital sa loob ng dalawa pang araw. Sa dalawang araw na 'yon ay walang palya si Sage na dumadalaw ng ospital para alagaan ako. Aniya, gusto raw n'yang makabawi sa akin sa kabila nang mga hirap na dinanas ko sa kan'ya.
I'm happy about that. Atleast, he now realized my worth. Though I'm not really hoping for a happy ending with him before-- but now, I'm quite praying about it.
Nagkausap na rin sila ni mommy't daddy bago ito bumalik ng Japan. Bilib nga ako sa kan'ya, e. Sa tono ni mommy noong oras na iyon, alam kong naiinis siya kay Sage. Pero itong isa... nanatili lang na nakangiti sa kan'ya. Ramdam na ramdam ko kay Sage na masaya siya dahil maayos na kami, maayos na ang relasyon namin kahit hindi pa man kami.
Speaking of relationship, he decided to court me in a proper way. Bago ko pa man malaman, kina mommy n'ya muna ito sinabi. Kaya naman gano'n na lang ang gulat ko nang dumating siya sa ospital na may dalang boquete of red flowers-- with chocolates pa, na si Dash lang din naman ang nakinabang.
Mag-iinarte pa ba 'ko? Of course I wanted him to court me in his own ways.
Medyo naninibago rin ako sa ganitong eksena namin. Dati, halos ako ang lapit ng lapit kay Sage. Pero ngayon, halos ayaw na n'yang umalis sa paningin ko.
Gano'n pa man, mas gusto ko naman itong pakiramdam ko kaysa noon.
This chapter feels really good.
Nakakapanibago rin na may mga bagay akong nagagawa noon na hindi ko na talaga pwedeng gawin ngayon. Katulad ng sports, o paglabas ng sobrang emosyon-- tuwa, lungkot, galit. Mas dumami na sa 'kin ang bawal sa pagkain, mas dumami pa lalo ang nadagdag sa gamot ko.
Pero hindi na 'yun importante. Ang kailangan ko lang gawin ay kontrolin ang emosyon ko. Alam ko namang mas kakayanin ko ito ngayon dahil maayos na kami ni Sage-- ng taong mahal ko at mahal ako.
"Ihahatid na kita, doon din naman ang daan ko papuntang photoshoot."
Humarap ako kay Eren at ngumiti. Nandito siya ngayon sa bahay at sabay namin kinain ang ginawa n'yang lemon butter salmon. Syempre, mawawala ba naman si Dash?
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang makalabas ako sa ospital. Araw-araw nandito si Sage para samahan ako. Si Eren naman, madalas ding dumaan dito, tulad ngayon.
"Papa Eren, hindi mo ba talaga ibibigay ang number mo rito kay Danica? Chiks ‘to, brother! Kahapon pa ako kinukulit!" reklamo ni Dash habang tutok ang naiinis na mukha sa kan'yang cellphone.
Sinulyapan naman siya ni Eren habang nag-aayos ng kurbata sa salamin, "Danica who?"
Dash gave him a smug look, "Danica Cruz! ‘yung tourism student na same level lang natin! ‘Yung nagbigay kahapon ng love letter sa ‘yo!"
"Ahh..."
"Ahh?"
"Hmm?"
Tuluyan nang nawalan nang pasensya si Dash na siyang kinatawa ko.
"Wala talaga ‘to. Ayaw talaga magka-lovelife!" bulalas ni Dash habang kinalikot na lang ulit ang hawak na phone.
"Are you ready? Nando’n na ba si Sage?" baling ni Eren sa 'kin.
Tumayo ako at napangiti, "Yes I am. Sabi ni Sage papunta na siya."
"Officially dating na ‘tooo!" pagngawa ni Dash.
Natawa ako, "Isang linggo na rin ang dumaan na nagpapahinga ako rito sa bahay. Baka naman pwede na akong makipag-date?" nakangising sagot ko sa kan'ya.
"Pero may masasakta---"
"Sumama ka na rin sa ‘min. Wala kang pasok ‘di ba? Samahan mo na lang ako sa studio." Bigla na lang inakbayan ni Eren si Dash at sabay na silang lumakad palabas.
Narinig ko sila na mahinang nagbabangayan kaya naman humabol na ako. Pinigilan ko si Eren sa laylayan ng jacket n'ya kaya napahinto sila at tumingin sa 'kin.
Saka lang ako may nakalimutang kunin sa kusina, "Dash? Naiwan ko sa kusina ‘yung cellphone ko. Please?" nginitian ko 'to ng matamis.
"Huh? Ano ba ‘yan." Pero kalauna'y sinunod na lang din n'ya.
Pag-alis ni Dash, saka ko tinignan si Eren na siyang nakatitig pala sa akin. Natawa ako sa kan'ya kaya mahina ko itong hinampas sa dibdib. "Nakatitig ka diyan?" tukso ko.
Napangisi siya't umiling, "What is it that you want to say?"
I arched my brow, "How do you...?"
"It’s obvious. Bilis, baka dumating na si Dash."
Hindi ko na rin naman patatagalin. Naisip ko lang na gawin ito sa kan'ya ngayon dahil pakiramdam ko, sa dami ng effort n'ya, alagaan ako, pasiyahin ako, samahan ako, lutuan ako, tiyagain ako-- ay hindi ko nagagawang bawian 'yun. Siguro, sa ibang bagay ay nakakabawi naman ako sa kan'ya at 'yun ay ang 'wag maging pasaway pagdating sa lagay ng puso ko.
But this time, I want him to know that I really appreciate him, more than before.
"Really, I hit the BFF jackpot for sure." I laughed faintly. Napansin ko tuloy ang pagtaas ng dalawang kilay n'ya.
"But didn’t hit a jackpot boyfriend."
"Wala pa akong boyfriend!" asik ko agad, "But... Eren, I might not be the girl for you. But remember that I’m always here for you." I spoke sincerely.
He paused at the moment.
I could almost see myself reflected in his eyes.
"Thanks for being the shoulder I can always depend on. Thank you, Eren."
And with that...
I smiled and stood on my tiptoes to kiss him... on his cheek.
"Mahal na mahal ko kayo ni Dash," I whispered.
Natawa ako kaagad dahil halos hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan n'ya. Mukhang nagulat ko yata sa halik na ginawa ko.
Hindi ko man alam ang eksaktong nararamdaman ni Eren, ramdam ko naman na mahal n'ya ako. Iyon nga lang, nakikita ko 'yun bilang kaibigan, walang halong malisya.
"Sakura nasaan do’n?" Bumalik na si Dash mula sa kusina.
Nginitian ko siya, "Nasa akin na pala." Saka ko pinakita ang phone ko.
Nasapo naman n'ya ang kan'yang noo sa pagkadismaya, "Niloloko mo lang yata ako, e! Tara na nga. Parang pinahirapan mo lang ako ah!"
"Sorry na," anas ko.
Lumakad na kami palabas pero si Eren, nanatili pa rin sa kan'yang pwesto.
Haay, malalaman pa ni Dash 'yung ginawa ko n'yan. Mapang-asar pa naman 'to.
Tumigil si Dash para lingunin si Eren, "Pst! Ano, estatwa?"
"Eren?"
Nakita ko na mariin siyang pumikit. Huminga siya ng malalim bago kami harapin. Nang magtama ang paningin namin ay agad siyang umiwas at inunahan na kami sa paglalakad.
"Tignan mo ‘to...!" bulalas na naman ni Dash.
"Naalala ko lang na nauto ka," tugon ni Eren sabay pasok sa driver’s seat.
"Hala anong sabi mo?!" Nauna na sa akin si Dash na lumapit sa kotse ni Eren para makipag-bangayan na naman.
"Sabi ko wala kang pag-asa kay Skye."
"S-Skye?! Hoy! May pag-asa ako ro’n! Mauunahan pa nga kita magka-anak, e!"
"I don’t mind."
"Talagang wala kang balak magpakalat ng lahi mo, ‘no?"
"Paano ko naman ikakalat e wala naman akong asawa? Girlfriend nga wala, e."
"Paano kasi na-friendzone ka!"
"What the---!" Eren shot him a death glare.
Nanlaki naman ang mata ni Dash na akala mo ay hindi sinasadya 'yun, "Ops..."
Hinatak ko na si Dash sa loob ng sasakyan para makaalis na kami. Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila pero sana man lang sinabi nila sa akin na na-friendzone si Eren, 'di ba? Ang tagal ko nga talagang nahimlay sa ospital.
Habang nasa byahe ay magkatext na kami ni Sage. Napapangiti ako kapag nagpapadala siya ng mga sweet messages, hindi tulad dati na napaka tipid n'yang magreply, madalas pang plain ang salita.
Nagpahinto ako sa century road dahil dito kami magkikita ni Sage. Dahil ito ang pinaka-pinaka first date namin as 'nagliligawan,' naisipan naming pumunta sa isang painting exhibition.
Hindi ko rin alam, kusa lang pumasok sa isip ko na doon kami unang pumunta.
Pagbaba ko nang kotse ay nagpaalam na ako agad sa dalawa.
"Bye bye, Sakura-chan! Enjoy your day with your Prince Charming! Samahan ko lang si Mr. Knight and shining armor."
"Hey!" asik sa kan'ya agad ni Eren.
Kumaway ako at ngumiti, "Sige na guys, ingat kayo sa byahe!"
"Text... text me if something happen, ha?"
I gave him a warm smile. Mukhang hanggang ngayon, nasa kan'ya pa rin ang gulat.
"Luh?" si Dash.
Inis siyang tinapunan ng tingin ni Eren saka nagpaalam sa akin, "We’re going."
"Yeah, take care," bilin ko pa saka na sila umalis.
Sa tapat ng cross road, kung saan maraming tao at sasakyan ang gumagalaw ay napagpasyahan kong hintayin si Sage. Manggagaling siya sa kabilang kalsada dahil doon ang way ng bahay n'ya. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Kinakabahan ako pero alam kong masaya ako.
Kinakabahan ako dahil sa emosyon ko. Sobrang hirap kontrolin nito lalo na kapag sobra akong pinapasaya ni Sage nitong nagdaang mga araw. Pero komplikado man ang lagay ko, atleast, maayos na kami ni Sage.
Isa 'yun sa mga importante para sa akin.
Lumabas ang ngiti sa labi ko nang makita ko na siya sa kabilang kalsada. Suot ang kan'yang black long sleeve na pinatungan n'ya ng maong jacket, naka-maong pants din ito at white rubber. 'Yung bagsak na buhok n'ya ay naka-brush up ngayon na talaga namang bumagay sa kan'ya.
Gwapo na siya noon pa man sa paningin ko, pero tila na-sobrahan naman yata ngayon?
I like how he looks at me.
Nakahinto siya ro'n at naghihintay na umilaw ang stop light. Nakapamulsa siya at nakangiti sa akin, gumagalaw ang labi n'ya na parang may sinasabi sa akin kaya naman nangunot ang noo ko at natawa.
"Ano?" I mouthed.
Nanliit ang mata ko at tinutok ang paningin sa mapula-pula n'yang labi. Dahan-dahan kong binasa ang mga 'yon.
"I love you."
Nang umilaw ang stop light, senyales na pwede nang tumawid ang mga tao papunta rito ay sandaling tumigil si Sage. Yumuko siya at nakita kong tinali n'ya ang nakatanggal na sintas ng sapatos n'ya. Nauna na ang mga tao sa pag-alis at si Sage na lang ang naiwan.
Hindi ko napansin na nakatanggal pala 'yun kanina. Kung bakit kasi ngayon lang n'ya nakita. Gusto ko nang hawakan ang kamay n'ya, e.
Nang matapos siya ay tumayo na ito para tumawid ng kalsada... palapit sa akin.
But you know what? This heart disease of mine... especially when I came out of the hospital, is the worst.
Akala ko okay lang na kontrolin 'yung nararamdaman ko-- sa saya, lungkot at galit, basta maayos ang samahan namin ni Sage.
Hindi pala.
In just a split seconds, I froze...
...and the tears begun to fall from my blurry eyes.
The smile was gone.
The positive thought was gone.
The happy feeling I had was now gone.
Nagkagulo ang mga tao sa harapan ko. Umingay ang paligid. Natatarantang sumaklolo ang ilan sa isang lalaking nakahandusay na ngayon sa gitna ng kalsada-- duguan ang buong katawan. At mula sa pwesto ko, kitang-kita ko, nanlalabo man ang mata, nakita ko-- na lumapat pa sa akin ang magaganda n'yang mata... bago ito tuluyang pumikit.
Hindi ako makagalaw. Para akong pinako sa kinatatayuan ko. Para akong nawalan ng kaluluwa dahilan para hindi ko maigalaw kahit man lang ang daliri ko.
'Yung puso ko, nagsisimulang humina sa pagtibok... nararamdaman ko.
Ang tanging gumagalaw lang sa akin ay ang mga luhang patuloy na rumaragasa pababa sa aking pisngi.
Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo palapit sa kan'ya at yakapin siya sa huling pagkakataon na mainit pa ang katawan n'ya pero...
Putangina kumilos ka, Sakura.
Damn... my heart is so tired.
I wish that this was just a nightmare, a bad dream. But no, I know it wasn't.
"Hindi na siya humihinga!"
Yes, sino ba naman ang mabubuhay pa kung masasagasaan ka ng isang malaking truck, gumulong sa ilalim at maging duguan?
Kung kailan nagkaroon kami ng pagkakataon na maramdaman ang pagmamahal ng isa't-isa...
Saka naman siya sa akin kinuha.
I guess... I failed my mission.
I have saved him from his dark abyss, but I wasn’t able to saved him from this brutal accident.
In the end, I failed.
He left me... once again.
You left me again, Sage Granger Valverde.
~ × ~
End
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro