Chapter XXXVI
36.
Sa kalagitnaan ng pagpapalitan ng mensahe nina Skye at Sakura, dumating si Sage galing sa labas na may bitbit na dalawang plastik ng pagkain para sa kanila ng kan'yang kapatid. Binati siya agad ni Skye at tinulungan sa pagsasalansan ng pagkain, lingid sa kaalaman ni Sage na pupunta si Sakura sa mga oras na ito.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ni Sage sa kapatid.
"Hmm... gabi?"
"You can’t."
Sumimangot si Skye sa kuya n'ya, "Nagpaalam ako kay papa! Saka, nando’n siya ngayon sa ospital at nagbabantay kay mama. So, don’t worry!" Saka ito ngumiti.
"How... how are they?" nag-aalinlangang tanong ni Sage.
"They’re fine. This will be over soon, kuya. You know... I still hope na magkakaayos pa kayo ni papa."
"I doubt," mabilis na sagot ng isa.
"Kapag nagising si mama, magiging ayos din kayo. Please, don’t give up on them. They’re still our parents. Without them we’re nothing."
"Give it up, Skye," malalim na sagot ni Sage saka tinignan ang kapatid, "Didn’t you heard what he just said? I forgive him from all he have done, but let’s accept the fact that I’m no longer his son."
"Kuya..."
"Sapat na sa ‘kin ‘yung nagkikita tayo, ‘wag ka na maghangad pa ng malaki."
Umupo si Sage sa upuan at napatitig na lang sa mga pagkaing binili n'ya. Hindi man n'ya ipakita ng lubos, nasa loob pa rin n'ya ang masakit na katotohanang itinakwil na siya ng kan'yang sariling ama.
Sa mga nangyayari sa kan'ya, hindi n'ya na alam kung ano ang gagawin. Pakiramdam n'ya ay marami siyang pinagdadaanan ngayon na kahit kailan, hindi na n'ya malalagpasan pa.
Nahihirapan man siyang kalabanin ang mga problema ngayon, pilit naman n'ya itong nilalabanan. Ang pagkamatay ni Blake, ang pagtatakwil ng ama n'ya sa kan'ya, ang pag-aalala sa mama n'ya, pag-aalala kay Skye at... ang nararamdaman n'ya kay Sakura.
Matapos ang saglit na katahimikan ay nagsalita na si Skye, "Kuya... si Ate Sakura ba ang dahilan kung bakit hindi ka pumapasok sa school?"
Blangko siyang tinapunan ng tingin ni Sage, "That’s none of your business, just eat your food."
"Kuya, I’m here. Please, open up."
Mataman na tinignan ni Skye ang mata ng kuya n'ya. Gusto n'yang iparating na kung anuman ang problema n'ya, handa siyang makinig dito.
"I just don’t feel like going to school anymore."
"Because of her...?"
"No. Please, Skye. Stop asking and eat." Ginalaw ni Sage ang kutsara't tinidor n'ya at nagsimulang hiwain ang pagkain.
"Why do I feel like it’s because of her? Are you in love with her?"
Tumigil si Sage dahilan para bahagyang mapaatras si Skye. Nasa isip n'ya na sana ay hindi sila mag-away ngayon dahil ang gusto n'yang mangyari ay makatulong sa kanila.
Hindi man sabihin ng kuya n'ya, nararamdaman ni Skye na may pagtingin ito kay Sakura.
"K-Kuya, Ate Sakura is such a nice girl so falling in love with her is not a sin. Ngayon... dahil ba sa kan'ya kung bakit ayaw mong pumasok?"
Dahan-dahan dumako ang mata ni Sage sa kapatid at kusa na lang lumabas ang mga salitang nararamdaman n'ya kay Sakura.
"Oo... at mahal na mahal ko siya." seryosong aniya.
Bahagyang nagulat si Skye, gayunpaman ay nakaramdam siya ng ginhawa at saya. Ngayon lang n'ya narinig ang mga ganitong salita kay Sage, kahit noon pa'y hindi ito nagsasabi ng nararamdaman n'ya para sa isang babae.
"...at gusto kong pag-isipan kung tama ba ang nararamdaman ko," dagdag n'ya.
"Bakit naman hindi? In fact, gusto ko siya para sa ‘yo, kuya. Kung anuman ang problema n‘yo, please, fix it."
"She doesn’t deserve me."
"Hindi ‘yan mahalaga! Aminin mo sa kan‘ya na mahal mo siya, sigurado akong mahal ka rin n‘ya, kuya. Hindi siya mag-e-effort sa ‘yo kung wala ka lang para sa kan‘ya kaya isipin mong mabuti... ma-swerte ka na sa kan‘ya dahil ginagawa n‘ya ang lahat sa ‘yo. Wala kang ibang gagawin kung ‘di ang suklian ‘yun ng pagmamahal."
Hindi alam ni Skye na kaya n'yang magsalita ng gano'n pero sa tingin n'ya, tama ang mga lumabas sa bibig n'ya.
"What’s up with you?" blangkong tanong ni Sage.
Umiling si Skye, "Papunta na siya rito, kuya. Pinapunta ko siya para makapag-usap kayo. Sana... magkaayos na kayo kung anuman ang problema n‘yo."
Bahagyang nanlaki ang mata ni Sage sa kapatid n'ya, kinabahan siya, "What...?"
"She’s been worrying about you too, since she said you’re not picking up her calls. Iniiwasan mo talaga siya dahil sa nararamdaman mo, tama? Kaya ngayon, mag-usap kayo." Tumayo si Skye para lumabas.
"Wait," pigil ni Sage, "The hell are you up to?! I’m not yet ready to talk to her."
"Kailan ka pa magiging ready?"
Sumeryoso ito, "That’s not for you to decide."
"Talk to her, kuya. Don’t be a coward. If not, you will not see me again." pinal na litanya ni Skye bago tuluyang lumabas ng bahay.
Nakagat na lamang ni Sage ang ibabang labi at sumandal sa upuan. Nakipagtitigan siya sa mga pagkain sa harap, naghahanap ng gagawin kung magkakaharap na sila ng babaeng mahal n'ya.
Gusto n'yang magalit kay Skye dahil nangingialam ito sa kan'ya, pero hindi n'ya rin magawa dahil si Skye na lang ang maaasahan n'ya ngayon.
Napahimalos si Sage ng mukha at nilabas ang cellphone na nasa bulsa, nakita n'yang puno ito ng missed calls galing kay Sakura, marami ring text message na hindi n'ya binubuksan galing dito. Hindi n'ya alam kung tama ba ang ginawa ni Skye gayong nararamdaman n'yang hindi pa siya handang umamin kay Sakura dahil sa hiya at masasakit na salitang binitawan n'ya noon. Pakiramdam n'ya ay kailangan n'ya pa ng maraming oras para mag-desisyon.
Pero... huli na dahil sa basta-bastang aksyon ng kapatid n'ya.
Dinial ni Sage ang numero na nasa inbox ng phone n'ya at tinapat ito sa tenga. Ilang ring lang ay sumagot na ang nasa kabilang linya.
Tutal ay wala na rin siyang magagawa pa, gagawin na lang n'ya ang sa tingin n'ya ay sapat na para matapos na ito.
~ × ~
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nakarating sina Sakura at Dash sa bahay ni Sage. Habang naglalakad sila paakyat, patuloy ang pangambang inaalala ni Dash.
"Sakura... saglit lang talaga tayo ah? Kapag nagtagal tayo le-lekturan na naman tayo ni Papa Eren."
Tinapunan siya ng tingin ni Sakura at saglit na nginitian, "Yes I know. So please give us a moment first."
"K-Kaya nga dalian n‘yo mag-usap."
Kumaway si Sakura nang matanaw n'ya si Skye sa taas habang hawak ang phone. Ngumiti siya nang mamataan sila, pero may pangamba ang mga mata nito.
Nang tuluyan silang makaakyat ay sinalubong n'ya ng yakap si Skye. Masaya siya dahil mabibigyan ng pagkakataong makapag-usap sila ni Sage, pagkatapos ng ilang araw na pag-aalala n'ya ay matutuldukan din iyon ngayon.
"Ate Sakura, kumusta ka?" tanong ni Skye.
Ngumiti si Sakura, "Maayos naman. Si... Sage nandiyan na ba?"
Bumuka ang bibig ni Skye para magsalita pero biglang umentrada si Dash, "Lovely Skye! Na-miss kita! Hindi na tayo masyadong nagkakatext, alam mo bang nakakalungkot 'yon?" may bahid ng pagtatampo sa boses n'ya.
Napailing si Sakura samantalang tinawanan naman siya ni Skye.
"You missed me?"
Nanlaki ang mata ni Dash, "S-Syempre naman! Na-miss ko ang mala-anghel na boses mo."
"Bolero."
"Hindi ah! Totoong mala-anghel ang boses mo, ne? Sakura-chan?" Saka n'ya tinignan ang katabi.
Bumungisngis si Skye rito, "Gusto kong makapunta sa Japan balang araw..." totoong aniya.
"Kung gusto mo, dadalhin na lang kita---"
Pinutol ni Sakura ang sasabihin ng kaibigan, "Dash, enough of that."
"Bakit?"
Hindi na siya pinansin nito at hinarap na si Skye, "Nasaan si Sage? Pwede ko na ba siyang makausap?"
"Oh yeah! Saglit lang kasi kami, Lovely Skye."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Skye, hindi dahil sa sinabi ni Dash, kung 'di dahil sa tanong ni Sakura.
"G-Gano’n ba..."
Hinawakan siya ni Sakura sa braso, "Can I talk to him?"
"A-Ano..." Umiwas ito ng tingin, hindi malaman kung anong sasabihin.
Nakaramdam tuloy ng pangamba si Sakura sa pinapakitang aksyon ni Skye. Kaya naman lumingon siya sa bahay nito, naisip n'ya na imposibleng hindi pa bumabalik si Sage, nadaanan nila ni Dash ang motor nito sa baba. Saka n'ya binalik ang tingin kay Skye.
"Anong nangyari...?" naitanong n'ya na lang sa isip.
"Skye... bakit?" hindi na nakapagpigil pa si Dash na magtanong dito.
Imbes na hintayin pang sumagot si Skye, lumakad si Sakura papunta sa pintuan. Tinawag siya ni Skye para pigilan pero hindi 'yun naging hadlang para katukin ni Sakura ang pintuan. Hindi n'ya alam, pero masama ang kutob n'ya.
Naisip n'ya na baka may nangyari kay Sage at ayaw lang sabihin ni Skye, kaya naman hindi siya mapalagay ngayon.
"Sage, are you there? Open this door. Let’s talk."
"Ate Sakura..."
"Bakit, Skye? Ano bang nangyari? Na-aksidente ba siya? Nandito ba ang tatay niyo? May problema ba si Sage?" sunod-sunod n'yang tanong dahil sa pag-aalalang bumabalik sa kan'ya.
"S-Sakura ‘yung puso mo... ‘wag kang magalit." Pigil ni Dash na nasa likuran n'ya.
Pero hindi n'ya pinansin ito. Patuloy n'yang kinakatok ang pinto.
"Ate Sakura, sorry kung pinapunta pa kita..." mahinang bulalas ni Skye dahilan para matigil pareho sa kan'ya si Sakura at Dash.
"Ano...?"
Napayuko si Skye, "Hindi ko alam..."
"Anong hindi mo alam?" Kumunot ang noo ni Sakura rito.
"H-Hindi ko alam. I’m sorry..."
"Ano bang nangyari sabihin mo?!"
"Hindi ko alam, maniwala ka ayokong masaktan ka---" naputol ang linya ni Skye nang bumukas ang pintuan. Bumungad doon ang walang emosyong mukha ni Sage... habang hawak ang kamay ni Stacey.
Parang tumigil ang mundo ni Sakura habang nakatitig sa lalaking mahal n'ya at sa babaeng pinagse-selosan n'ya. Inosente ang mukhang pinapakita ni Stacey, samantalang parang walang ideya si Sage na magpapakita si Sakura.
Gayong alam naman n'ya ito...
"Hey... what’s up?" kaswal na bulalas nito sa kanila.
Sinubukang hatakin ni Stacey ang kamay kay Sage pero mas hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kan'ya-- bagay na hindi n'ya maintindihan.
Pumunta siya rito dahil iyon ang request ni Sage. Gusto raw ni Sage na magkakilanlan pa sila at gusto n'yang magkaroon sila ng solong oras, na siyang pabor kay Stacey. Kaya naman hindi n'ya maintindihan kung bakit nandito si Sakura.
"K-Kuya..." hindi malaman ni Skye ang sasabihin.
Bumuntong hininga si Sage at blangko silang tinignan-- lalo na si Sakura.
"You disturbed us..." aniya, "What do you need?"
Saka lang napagtanto ni Sakura na nakababa ang isang strap ng sando ni Stacey. Nang mapansin n'yang nakatingin si Sakura doon ay nahihiyang inayos 'yun ni Stacey at umiwas ng tingin.
"I... I went here for..." pero hindi na kayang ituloy ni Sakura ang sasabihin. Sa isang iglap, para siyang tinakasan ng enerhiya sa katawan. Nanlambot ang dalawang tuhod n'ya at unti-unting bumagal ang tibok ng puso n'ya.
"For...?" nababagot na tanong ni Sage.
Suminghal si Dash, napatingin sa kan'ya ang lahat, maliban kay Sakura na tulala na lang.
"Anong ginagawa n‘yo ni Stacey? Nagsex ba kayo?!" walang pigil n'yang bulalas.
Nagulat at nanlaki ang mata ni Stacey, "We---"
"We are about to get naked... actually." sabat ni Sage na lalong kinagulat ni Dash at Skye.
Hindi madalas magpakita ng tapang si Dash, pero ngayong oras na 'to, hindi n'ya alam pero galit na galit siya sa narinig kay Sage. Naalala n'ya 'yung nangyaring gulo sa school, kung paano n'ya insultuhin si Sakura... pagkatapos ay heto ang matatagpuan nila.
Kumuyom ang kamao n'ya at nagngitngit ang ngipin sa gigil. Gusto n'yang sugurin ng suntok si Sage, pero pilit n'ya pa ring pinipigilan ang sarili dahil kay Sakura.
"Mag... magso-sorry siya sa ‘yo kaya kami nandito," nakapako ang paningin ni Dash sa ibaba, "Sa kabila ng mga pananakit mo, heto at siya pa rin ang lumalapit," saka n'ya inangatan ng tingin si Sage, "Ni hindi mo man lang naisip na humingi ng tawad... alam mong mahal ka n‘ya tapos---"
Biglang napahawak sa dibdib si Sakura at tuluyan nang nanghina. Kaagad siyang sinalo ni Dash at inalalayan ni Skye. Makikita ang hirap sa paghahabol ni Sakura ng hininga na para bang naipon lahat ng sakit at lungkot sa puso n'ya dahilan para bumigay na ito ngayon.
"A-Ate Sakura...!"
"Sakura, a-anong nararamdaman mo? Anong nangyayari?!" natatarantang ani Dash dito.
Bahagyang kumunot ang noo ni Sage habang pinapanuod sila, gayunpaman, sinikap n'yang magmatigas.
Hindi siya sumunod sa usapan nila ni Eren at gusto n'ya nang lumayo si Sakura sa kan'ya... 'yan ang napagtanto n'yang desisyon kanina.
"D-Dash... nahi...hirapan akong hu... huminga..." mahina pero sapat para marinig nila ito.
Pumalatak si Dash na tila naluluha na. Binuhat n'ya si Sakura at tumayo, bago tuluyang tumalikod, nilingon n'ya si Sage at binigyan ito ng matalim na tingin, saka umalis kasama si Skye.
Nang mawala sila sa paningin ni Sage, doon lang nito binitawan ang kamay ni Stacey.
Ramdam n'ya ang masakit na pagtibok ng puso n'ya, pero wala siyang magagawa. Desisyon n'yang patigilin na si Sakura, kung hindi n'ya ito nadaan sa salita, pinakita naman n'ya sa mas masakit na paraan... gamit si Stacey.
"Sage..."
"Thank you for participating, you may now leave." seryoso at walang kaemo-emosyong anito.
"Participating? I didn’t know you were just---"
"Shut up and leave."
Marahan n'yang tinulak si Stacey palabas ng pinto saka ito tuluyang sinaraduhan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro