Chapter XXXV
35.
Sa loob ng ilang araw, hindi maialis ni Sakura ang lubos na pag-aalala para kay Sage. Tatlong araw matapos ng kaguluhang nangyari sa pagitan nina Sage at Eren-- pero simula no'n, hindi na pumasok pa si Sage.
Nakapagpadagdag pa sa pag-aalala ni Sakura ang mga hindi pag-respunde ni Sage sa mga tawag at text n'ya, gano'n din para kay Skye.
"Puntahan ko na lang kaya talaga sa bahay n‘ya?" Bakas ang natural na pag-aalala ni Sakura.
Bumuga ng hangin si Eren at hinalo ang kapeng nasa harapan n'ya, "Tonight? I wouldn’t let you."
"Pero ‘di ba naiayos n‘yo na ang gulo n‘yo doon sa guidance office? Ano ba talagang sinabi n‘ya? Sabihin mo na, Eren..."
Naalala ni Eren ang mga pinag-usapan nila ni Sage. Simula nang matapos 'yun, hindi n'ya sinabi kay Sakura o kahit kay Dash ang nilalaman ng usapan nila. Para sa kan'ya ay ayaw n'ya itong pangunahan-- na dapat, si Sage ang magsabi sa tunay n'yang nararamdaman.
Para naman sa personal n'yang nararamdaman kay Sakura... buo na ang desisyon n'yang 'wag itong sabihin dito. Ayaw na n'yang gumulo pa ang sitwasyon at natatakot siyang baka mailang sa kan'ya ang kaibigan.
Ang tanging sinabi lang n'ya ay... "Nagkasundo na kami na kakausapin ka n‘ya, dapat siyang humingi ng tawad sa ‘yo kaya asahan mong magiging maayos din ang lahat, Sakura."
"He just agreed to apologize to you... nothing else."
Nagbaba ang tingin ni Sakura. Kung kanina'y nag-aalala ito ng sobra, ngayon ay makikita na ang lungkot sa mukha n'ya.
"Does he... really looked apologetic?" Mahina pero sapat lang para marinig ni Eren.
Pumasok sa isip ni Eren ang walang emosyong mukha ni Sage noong mga oras na 'yun.
"Was that a look of a natural apologetic on that dumbass guy?" Wika n'ya sa isip.
Ngumisi ito, "He may not seemed apologetic, but he seemed emotional," Anito.
"Maiba lang ako," pagsingit ni Dash sa kanila, tumingin ito kay Eren, "Hindi na ba tayo uuwi? I mean, I’m fine spending a night here... pero may photoshoot ka bukas sabi mo kanina."
Dahil sa pag-aalala ni Eren kanina na baka pumunta si Sakura sa bahay ni Sage, hinatid n'ya si Sakura sa kanilang bahay para mabantayan na hindi ito magpupumilit na umalis, kasama si Dash, para mas makasigurado pa siya. Kanina pa kasi sinasabi ni Sakura na gusto n'yang puntahan si Sage dahil sa pag-aalala.
Ngayong nasa bahay sila ni Sakura at alas onse na ng gabi, napagpasyahan na ni Eren na dumito muna silang dalawa ni Dash para samahan si Sakura, kung sakali mang makaramdam na naman ito ng matinding stress.
"I’ll leave at 8 in the morning, but you’ll have to stay by her side for the whole day until I come back." Tila pinal na nitong desisyon.
Nanlaki ang mata ni Dash, "A-Ano?! Ano ba talaga ako?! Nalilito na ‘ko ah!"
Tinapunan siya ng seryosong tingin ni Eren habang hawak ang tasa sa kamay, "Dash... remember what I told you yesterday?"
"H-Huh? Alin do’n?"
Saka naalala ni Dash ang naging usapan nila ni Eren kahapon sa ekswela, noong oras na lumabas si Eren para puntahan siya sa classroom nila.
"We cannot leave Sakura on her own for now. I know you understand that, Dash. Maswerte lang si Sakura na hindi siya inatake ng sakit n'ya noong araw na 'yun, salamat sa ‘yo."
Nahihiyang napakamot sa ulo si Dash, "I-Ikaw naman wala ‘yon... basta ba akin na lang ‘yung nude magazine na---"
"That is why, we have to keep her company times two... until that Sage show up and talk to her," pagputol ni Eren, "If ever I’ll have to leave today or tomorrow, do accompany her, until I come back. I’ll... have my eyes on her."
"You have your eyes on her since the beginning, Papa Eren."
"I’ll make it times two."
"Possessive."
Tinignan siya ng matalim ni Eren kaya naman napapahiya itong ngumiti, "Protective pala, hehehe."
Iyon ang naging usapan nila Eren na naalala na n'ya ngayon. Kaya naman hindi na siya kumontra pa, hanggang sa biglang lumapit si Sakura sa kanila at umupo sa tabi ni Eren.
"Hindi n‘yo naman ako kailangang samahan palagi, nandito lang naman ako sa bahay at nandito si Ate Hilda... kaya ko."
"No you’re not. Kanina mo pa sinasabi na gusto mo nang puntahan si Sage." Ani Eren.
"Oo gusto ko dahil nag-aalala ako..."
"That’s not appropriate, Sakura. Who’s fault is this anyway, it’s his, right?"
"Pero paano kung may nangyari nang---"
Hinawakan ni Dash sa balikat si Sakura dahilan para mapatingin ito sa kan'ya, "Tama si Papa Eren, si Sage ang may kasalanan kaya dapat siya ang lalapit sa ‘yo. Saka, napag-usapan naman na nila ‘yun, e. Matik na lalapit sa ‘yo ‘yun pagpasok n‘ya." Nakangiting aniya.
Batid ni Dash na ang iniisip ni Sakura ay ang pagpapakamatay ni Sage. Pero tiwala si Dash kay Eren, lalo't sinabi nitong nakapag-usap sila ni Sage na siyang totoo namang nangyari.
Maliit na ngumiti si Sakura kay Dash, pero agad din itong napalitan ng lungkot.
"Paano kung tuluyan ko na siyang hindi makausap...? Paano kung... nagbago ang isip n‘ya na kausapin ako? Kapag gano’n ang nangyari, pwede bang... hayaan n‘yong ako na ang lumapit ulit sa kan‘ya?" Mababang saad ni Sakura habang nakatungo ang ulo.
Nagkatinginan si Dash at Eren, hindi agad nakasagot.
"At... kapag nagkaroon ng pagkakataon, pwede rin bang kunin ko na ‘yon? Kahit pa... ako ang kailangang lumapit." Dagdag n'ya pa.
"I don’t think I can approve that, but we’ll have to see first. Just wait, Sakura, he will show up." Naiusal na lamang ni Eren.
"Siguro kailangan n‘ya lang ng mas mahabang oras, Sakura-chan. Syempre, grabe ‘yung nangyari sa inyo, e. Hayaan mo lang muna siya, walang mangyayari do’n. Promise Peksman mamatay man!" Tinaas pa ni Dash ang kanan n'yang kamay, pilit na pinapagaan ang loob ng kaibigan.
Napailing sa kan'ya si Eren, "Childish."
"A-Ako ba?" Nakataas ang dalawang kilay ni Dash.
"What’s that? Promise peksman mamatay man?"
"Gano’n ang pangako ng mga bata! Hala?"
"So you think you’re still a child?"
"Hindi ka ba naging bata? Siguro no’ng elementary ka loner ka."
"I have a lot of friends but I do not speak like that, idiot."
"I-Idiot agad?!" Nanlalaki ang mata ni Dash, "Ayan, ayan... what can you expect to a guy born in a silver spoon," asik niya.
"Excuse me...?"
"Dadaan ka?"
Sa patuloy na pagsasagutan nina Eren at Dash ay hindi nila napansin ang mahihinang pagtawa ni Sakura sa kanila. Kanina pa sila pinapanuod nito at tila sandaling nawala ang pag-iisip kay Sage dahil sa kanila.
Natigil sila pareho kay Sakura. Nakatapat ang nakatiklop na daliri nito sa nakangiting labi n'ya habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"O bakit kayo tumigil?" Ani Sakura.
Hindi sila agad nakasagot pero parehas na napangiti sina Eren at Dash sa kan'ya. Para sa kanila, sa mga nagdaang araw na ito, isa nang malaking bagay ang pagtawa ni Sakura ng ganito. Sa puntong ito, gumaan ang presensya ng paligid sa kanila at para bang nawala ang mga mabibigat na araw na nagdaan.
Kahit papaano sa mga oras na ito, narinig na ulit nilang tumawa si Sakura...
...na sana ay magtuloy-tuloy na.
~ × ~
Kinabukasan, kagaya ng sinabi ni Eren ay umalis din ito kaagad para umuwi at mag-ayos para sa pupuntahang trabaho. Naiwan si Dash sa bahay nina Sakura katulad ng napag-usapan nila para samahan ito, tutal ay wala rin naman silang pasok ngayong araw.
Abala lamang sa paglalaro ng online game si Dash sa kan'yang telepono habang nanunuod naman si Sakura sa tv, umiinom ng paborito n'yang orange juice.
Sa isip ni Sakura ay kahit nanunuod siya, hindi pa rin n'ya maiwasang isipin na naman si Sage.
"Sana ay nasa ayos lang siya... sana naman ay hindi n‘ya na ituloy ang anumang masamang plano n‘ya sa sarili..." Iyan ang mga katagang sinasabi ni Sakura sa kan'yang isip.
Dumating si Ate Hilda sa sala nang may bitbit na pagkain at nilapag ito sa maliit na mesa. Hinaplos nito sa buhok si Sakura.
"Uminom ka na ba ng gamot?"
Tumango si Sakura bilang sagot. Ngumiti naman sa kan'ya si Ate Hilda, nang bigla silang magulat at mapatingin sa gawi ni Dash na siyang nakatutok pa rin sa telepono.
"Anong akala mo sa akin? Ano ha?! Akala mo gano’n ako ka-bobo, psh! Buti nga sa ‘yo, bleh!" Sumisinghal-singhal nitong asik habang abala sa paglalaro.
"Dash..." tawag ni Sakura.
"Bakit? Wait lang, Sakura. Importante ‘to--- shit! Paano nangyari ‘yun?! May cheater na naman?!" Anas n'ya na hindi man lang tinapunan ng tingin ang kaibigan.
Bumuntong hininga si Ate Hilda at napangiti na lang. Tumayo siya bitbit ang wala nang laman na trey, "Dito ba maghahapunan si Eren? Magluluto ako ng masarap. Ano bang gusto mo?"
Saglit na nag-isip si Sakura, pero ang totoo'y si Sage ang pumasok sa isip n'ya.
"Sinigang na hipon, Ate!" Biglang sabat ni Dash habang nando'n pa rin ang paningin.
Natawa si Ate Hilda sa kan'ya, "Basta pagkain ang lakas ng pandinig mo, Dash."
Pero hindi na siya pinansin ng isa.
"Siguro ay ‘wag ka masyadong magbabad sa laro."
Nanatiling tutok si Dash sa cellphone.
Bumuntong hininga si Sakura at tumingin kay Ate Hilda. Alam n'yang walang kwenta kausap si Dash kapag nakatutok sa cellphone at naglalaro kaya naman nagsalita na siya.
Sandali n'yang winaglit si Sage sa isipan at sinabi ang isa sa mga gustong pagkain ni Eren.
"Magseafood kaya tayo? Gusto ni Eren ang grilled octopus, mayro’n ba tayo?" Litanya ni Sakura.
Napatingin sa agad sa kanila si Dash, "O-Octupus?! Sea food naman pala e ‘di sinigang na hipon na!" Pagde-demand nito.
Blangko siyang tinignan ni Sakura, "Pag related talaga sa pagkain lumalaki tenga mo."
"Kasi--- octopus?! Kumakain pala si Papa Eren no’n...?" Napapangiwi pa ito.
Natawa sa kan'ya si Ate Hilda, "Masarap iyon, Dash. Magluluto ako," tinignan n'ya si Sakura, "Mamimili ako sa supermarket ngayon. Sige, mag-grilled octopus tayo."
"S-Sakura, seryoso?!"
Tuluyan nang nawala ang atensyon ni Dash sa paglalaro dahil doon.
Bumuntong hininga siya, "Yes, Dash. Let’s have something delicious for Eren, he deserves it. Now if you don’t wanna eat, I think there’s a canned food at the pantry, you can have it."
"Huuuuuh?!"
Bago lumabas si Ate Hilda ay natawa pa ito sa reaksyon ni Dash, "Kumain ka no’n, magluluto rin naman ako ng gulay at dessert mamaya. Cheer up, Dash!" saka na ito tuluyan lumabas.
Napanguso si Dash at nawalan ng gana sa paglalaro. Sumandal siya sa higaan ni Sakura at tumingin na lang sa tv.
"Octopus? Ang hirap kaya nguyain no’n. Grilled pa!" mahinang singhal ni Dash sa kan'yang sarili. Parang batang nag-a-amok.
Uminom ng orange juice si Sakura bago siya sagutin, "As I said, there’s a canned---"
"Oo na, oo na! Sakura naman, e..." kontra agad ni Dash.
Tumunog ang cellphone ni Sakura na nasa ibabaw ng kama. Naisip n'ya na siguro'y pabalik na si Eren dahil hapon na rin naman at tinatawagan na siya nito pero nang makita n'ya ang pangalan ng tumatawag ay kumabog bigla ang dibdib n'ya.
Ilang araw siyang naghintay para maki-balita...
"Skye!"
Awtomatiko siyang nilingon ni Dash.
"...ate, kumusta?"
"A-Ayos lang, ikaw ba? Nasaan ka? Anong balita sa inyo? Si... Sage ba kumusta?"
"Nandito ako sa bahay n‘ya. Kasama ko siya kanina pero umalis siya sandali, babalik din daw siya."
"Umalis? Ilang araw siyang absent, Skye..."
"Ngayon ko lang nalaman. Pasensya na kung hindi ako nakakasagot sa tawag mo. Abala na kasi ako ngayon sa school at sa pagbabantay kay mama, alam mo na... hindi na nakakadalaw si kuya."
"Okay lang. Pero... nag-aalala ako kay Sage, e. Mabuti naman at ayos lang siya."
"Magkaaway kayo?"
"Paano mo nalaman?"
"Kasi hindi siya pumapasok. So I assumed, it’s about you."
"Kapag... bumalik si Sage, sabihin mo namang---"
"Gusto ko kayong magka-bati, Ate Sakura. Kaya pumunta ka rito ngayon habang wala siya. Sigurado ako bumili lang ‘yon ng pagkain."
"A-Ano... anong gagawin ko?"
"Mag-usap kayo. Hindi n‘ya sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit hindi siya pumapasok, pero alam kong may ideya na siya na alam kong tungkol ‘yun sa inyo. Gusto ko kayong magkaayos... alam mo bang lalo siyang naging malungkot? Kaya sumaglit ka muna, ate. Tutulungan kita."
Matapos ang naging usapan ni Sakura at Skye ay umusbong ang kakaibang galak sa puso n'ya. Tumitibok ng malakas ang puso nito na sa wakas, makakausap na n'ya si Sage sa tulong ni Skye. Hindi man ito magugustuhan ni Eren, pero ayaw na n‘yang sayangin pa ang pagkakataon na ito lalo at nasasabik na ulit siyang makita si Sage.
"Sakura... saan ka pupunta?!"
Humahabol na tanong ni Dash sa kan'ya. Nagsusuot na si Sakura ng kan'yang puting rubber shoes.
"Sakura... iiwan mo ako rito?! Paano kapag dumating si Eren? Si Ate Hilda?"
"Dash, pasensya na pero kailangan kong kunin ‘tong pagkakataon na ‘to."
"P-Pero pwede namang sa lunes na lang, e. Sigurado naman akong papasok na ‘yun at doon na lang kayo mag-usap." Nababahalang bulalas ni Dash dito.
Tumayo si Sakura at hinarap siya, habang nakatitig siya kay Dash, nag-iisip na siya ng dahilan para sa sasabihin kay Eren.
"Sakura naman..."
"I’ll take you with me," aniya.
Natigil ang isa, "Bakit...? Dahil kay Skye?"
"Atleast pagsinama kita, hindi magagalit ng husto si Eren. Saka, akong bahala magpaliwanag sa kan‘ya mamaya," desididong aniya, "I just couldn’t let this pass."
Nag-aalala pa rin si Dash, mas iniisip n'ya ang usapan nila ni Eren. Pero sa puntong 'to, hindi naman n'ya kayang pigilan si Sakura.
"Ano?"
Malalim ang naging buntong hininga ni Dash bago ipaglapat ang labi. Hindi mawala-wala ang pag-aalala sa mukha nito.
"Basta... sandali lang tayo ah? Pagkatapos n‘yong mag-usap, wala munang drama okay?"
Napangiti si Sakura sa kan'ya. Batid ni Sakura na natatakot ito kay Eren kung kaya't ganito na naman ito umakto. Pero sa huli, sumang-ayon din siya na babalik sila agad, alang-alang kay Dash.
Tumango ito, "I’m in."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro