Chapter XXXIII
33.
Third person’s point of view
"Despise me all you want, Del valle. It’s her fault for loving someone like me. She’s annoying anyway, also, I didn’t force her to love me, I don’t care as I don’t really like her to begin with."
Iyan ang mga katagang nagpatigil lalo sa mundo ni Sakura habang tulala sa lalaking walang kaemo-emosyon at tila walang bahid ng pagsisisi sa binitawang salita sa harapan ng marami. Sa loob ni Sakura ay hindi n'ya ito matanggap, hindi siya makapaniwala kung gaano ka-seryoso na sinabi 'yun ni Sage na para bang wala silang pinagsamahan.
Halos manghina ito sa kinatatayuan, napahawak siya sa kan'yang dibdib na may malakas at masakit na pagkabog sa loob nito. Bago pa siya tuluyang mapaupo ay nasalo na siya ni Dash sa kan'yang siko.
"S-Sakura..." may bahid na pag-aalalang tawag ni Dash ngunit ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin nito.
Nagtangis ang ngipin ni Eren dahil doon at galit na nilingon muli si Sage.
"How dare you say that to her..." madiin n'yang usal.
Malamig ang mga mata ni Sage nang lingunin niya nito pabalik, tumaas ang gilid ng labi n'ya, "I can say whatever I want," anito, "Don’t tell me you don’t find her annoying? She really is, right?"
Kumuyom ng mahigpit ang kamao ni Eren, "Damn you!"
Nagulat at napasigaw ang ilan nang biglang sugurin ng malakas na suntok ni Eren si Sage sa mukha dahilan para agad itong mapaupo sa sahig. Hinatak ni Eren sa kwelyo si Sage at pilit na pinatayo. Makikita ang sobrang galit sa ekspresyon ni Eren dahil sa mga pang-iinsultong narinig para kay Sakura.
Nilapit n'ya ang mukha kay Sage at diniinan pa ang pagkakahawak sa kwelyo, "Gago ka, Sage, sobrang gago mo para saktan si Sakura."
Marahas na tinulak ni Sage si Eren dahilan para mabitawan siya nito sa kwelyo, naging mabilis ang pagkilos n'ya, agad n'yang binawian ng suntok si Eren sa mukha at sakto no'n ay ang pagsigaw ni Sakura sa pangalan ng isa.
"Eren!"
Malamig na tinignan ni Sage si Sakura sa mata habang pinupunasan ang labi gamit ang likod ng kan'yang palad.
Sa puntong 'yun ay nakaramdam ng mahinang kirot si Sage sa kan'yang puso. Gusto n'yang maawa sa kalagayan ni Sakura, pero hindi n'ya maintindihan ang sarili.
"Eren, tama na!" bulalas ni Dash sa kaibigan habang nakaalalay kay Sakura, "H‘wag mo nang patulan si Sage!"
Pero hindi nakinig ang isa. Bagkus ay lalong nagdilim ang paningin ni Eren kay Sage dahilan para muli n'ya itong sugurin. Muli siyang nakasapak kay Sage, hanggang sa bawian muli siya ng isa. Maririnig ang sigawan ng mga estudyante sa paligid na nagsasabing pigilan sila pero walang naglalakas-loob na gumawa no'n.
Patuloy silang nagsasakitan, suntok do'n, sipa rito, tulak do'n, tadyak dito.
Gusto mang pumagitna ni Sakura ay hindi n'ya magawa dahil sa panghihina ng tuhod n'ya. Tanging pag-iyak na lang ang ginagawa n'ya habang nakikiusap sa dalawa na tumigil na.
Nasa isip pa rin n'ya ang kalagayan ni Sage...
"T-Tama na ‘yan, Eren! Sage!"
Pero kahit buong lakas n'ya ginagawa 'yun ay tila hindi 'yun naririnig ng dalawa na para bang parehas silang nagpapataasan ng pride.
Umiiyak na nilingon ni Sakura si Dash na nasa tabi n'ya, "Pigilan mo sila, pelase..." pakiusap n'ya.
Nag-alala ang mukha nito, "Anong gagawin ko?"
"Please..."
Umawang ang labi ni Dash nang makitang sunod-sunod ang pagtulo ng luha ni Sakura habang nakikiusap sa kan'ya. Kahit hindi n'ya gusto na pumagitna ay hindi naman n'ya kayang hindian ang hiling ni Sakura.
Tumango siya at inalalayan si Sakura papunta sa puno para isandal ito.
"Diyan ka lang ah?"
Bumuga nang malalim na hininga si Dash bago mapag-desisyunang pumagitna at pigilan ang dalawa sa patuloy nilang pag-aaway. Alam ni Dash sa sarili na hindi n'ya ito kayang pigilan, pero walang ginagawa ang mga estudyanteng nanunuod na tila isa itong drama sa mata nila na kailangan nilang subaybayan nang hindi nauudlot. Kaya naman kahit may pagdadalawang isip, nang dahil sa pabor ni Sakura at dahil na rin sa kaibigan n'ya si Eren ay gagawin n'ya ito.
Ngunit natigil si Dash nang makitang napayuko si Eren sa kan'yang dalawang tuhod habang dumudura ng dugo. Samantalang hingal na hingal naman si Sage na nakasandal sa dingding, dumudugo ang ilong.
Na-alarma lang ulit si Dash nang umayos ng tayo si Eren at marahas na hablutin si Sage sa kwelyo, bigla n'ya itong sinapak sa mukha pero hindi 'yun nakapagpatumba sa isa dahilan para mabilis siyang makasapak muli kay Eren.
"E-Eren, tama na!" natatarantang anas ni Dash saka ito pinigilan sa braso ngunit nagpumiglas si Eren, tila hindi matanggap ang mga lumabas na salita sa bibig ni Sage para kay Sakura.
"You---! Fuck you, Valverde! Go to hell! You don’t deserve her!" nagtatangis ang ngipin ni Eren sa galit, gayunpaman ay napipigilan siya ni Dash sa dalawang braso.
"Eren, please, stop..." bulong n'ya sa kaibigan.
Matunog na ngumisi si Sage rito, bagay na lalong nakapagpa-galit sa isa.
"She said I deserve everything... so I assumed insulting her is included." preskong sagot nito, kitang-kita ang mapang-asar na ngisi sa labi.
"Hayup."
Dahil doon ay muli na namang nagpumiglas si Eren sa hawak ni Dash at gusto na namang makaganti kay Sage pero sa puntong 'to, mas hinigpitan ni Dash ang pagkakahawak sa braso n'ya dahilan para hindi siya makaalis sa pwesto.
Tinignan n'ya ng matalim si Dash, "Get off me," mahina ngunit mariin n'yang usal.
"Hindi na! ‘Wag mo nang patulan si Sage, please!"
"No! I will not accept those words he just said, Dash!"
"Pero marami nang nanunuod! Tignan mo nga!"
Inalis ni Eren ang matalim na tingin n'ya kay Dash at nilipat sa nakangising si Sage, lalong kumulo ang dugo nito sa katawan at humigpit ang pagkakakuyom sa kamao.
"Sakura was so wrong for choosing someone as evil as you! Siguro kaya ka gan‘yan, dahil walang nagmamahal sa ‘yo? For sure, some important people in your life had thrown you like a trash because I don’t know, I just feel like you don’t really deserve to---"
"Eren---"
Lalong nagulat at napahiyaw ang mga estudyante nang biglang sugurin ni Sage ng suntok si Eren dahilan para hindi nito matuloy ang sinasabi. Bumagsak at napaluhod sa lupa si Eren, samantalang si Dash ay nadamay sa pagbagsak kasama ang kaibigan dahil sa lakas ng pwersa.
Hindi pa man nakakabawi ay hinatak na ni Sage ang kwelyo ni Eren at galit na nilapit sa kan'yang mukha-- halatang hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ni Eren dahil sa isa 'yong katotohanan.
"S-Sage... tama na..." nakikiusap na bulalas ni Dash, halatang kinakabahan na naman sa maaaring mangyari sa dalawa.
Pero hindi siya pinansin nito.
"You don’t know anything so you better shut your mouth." malamig n'yang usal sa mukha ni Eren.
"I don’t need to know anything, because you suck at all."
"Well atleast your bestfriend loves me so much."
Napangiwi si Eren, "She loves you because no one wants to be with you except her, pathetic."
"She loves me because she wants to be with me in the future, not because of your idea."
"Hell yeah but you’re being a jerk so you don’t deserve to have her, you piece of nuts."
"But she still wants me."
Doon na muling pumagitna si Dash sa sagutan nila, "T-Tama na, please! B-Bitawan mo na siya, Sage. Hindi na siya lalaban."
Gumilid ang matalim na tingin ni Eren kay Dash, lalong nag-alala ang ekspresyon n'ya sa sasabihin nito.
"This wouldn’t be over unless he apologize to her!"
"Pero, Eren---"
"Mr. Valverde, Mr. Del valle... to the office."
Pare-parehas dumako ang paningin nila sa isang ginang na propesor na kadarating lamang. Nagbabanta ang tingin n'ya sa nasa harapan-- lalo na sa duguan na sina Sage at Eren.
Tila iyon lamang ang senyales na tapos na ang palabas na kanina pa pinapanuod ng mga estudyante. Nag-aalala man, medyo nakahinga naman ng maluwag si Dash dahil sa wakas, may propesor din na nakakita. Atleast, alam n'yang natapos na ang sakitan ng dalawa.
Kahit alam n'yang magbabatuhan pa rin ito ng mga insulto sa isa't-isa, ang importante ay naputol na ang pisikal na gulo nila.
Napatingin si Dash sa ilalim ng puno kung saan nando'n at nakasandal pa rin si Sakura, tahimik na umiiyak habang nakahawak sa kan'yang bibig.
"Nalulungkot ako na kailangan mong maramdaman ito sa kabila ng sakit mo, Sakura..." naiusal na lamang ni Dash sa kan'yang isip, maging siya ay nasasaktan para rito.
~ × ~
Dinala ng propesor sina Sage at Eren sa loob ng guidance office at sinabihang hintayin ang guidance councilor na kakausap sa kanila dahil naabutan nilang wala ito sa loob.
"Kayong dalawa, iiwan ko kayo rito. ‘Wag na ‘wag niyong subukan na magsapakan dito kung hindi ay malalagot na kayo ng malala. Hintayin niyo si Ma’am Jocson at siya na ang bahala sa ginawa niyong gulo kanina," usal ng ginang na propesor, "Ano bang pinag-aawayan niyo at kailangan niyo pang magsakitan? Tignan niyo ang sarili niyo, puro kayo dugo at sugat."
Magkaharap na naupo si Sage at Eren sa tapat ng lamesa. Parehas sila hindi nakatingin sa ginang kahit na kinakausap sila nito. Halata ang pagka-irita ni Eren, samantalang walang emosyon naman ang mukha ni Sage.
"Tinatanong ko kayo, anong kaguluhan ang ginagawa niyo kanina?" Bakas ang kawalan ng pasensya sa boses ng ginang.
"Sorry ma’am, but it’s a personal issue," mahinang sagot ni Eren na hindi man lang tinapunan ng tingin ang ginang.
"Personal?"
"Yes, ma’am."
Ilang segundo sila tinitigan ng ginang bago napailing at ipagpaubaya na lang ang rason sa guidance counsilor, "Kung ganoon, e ‘di sige. Kayong mga bata kayo imbes na idaan sa maayos na usapan..." lumakad ang ginang palapit sa pinto at akmang lalabas na, "H‘wag kayong gagawa ng gulo rito sa loob. Manahimik kayo diyan." Iyon lang at iniwan n'ya na ang dalawa.
Naging tahimik ang pagitan nina Eren at Sage, wala silang ibang kasama kaya naman hindi maitatanggi ang inis sa loob ni Eren na dalawa na lang sila ng lalaking kaaway n'ya.
Nilabas agad ni Eren ang cellphone sa mula sa kan'yang bag at tinawagan si Dash. Halata ang iritasyon sa mukha ni Eren dahil hindi sumasagot ang kabilang linya, hindi n'ya na mapigilang maki-balita sa kung anong lagay ni Sakura.
Ilang ulit sinubukan ni Eren na tawagan ang numero at sa ika-apat na pagkakataon ay doon lang sinagot ni Dash ang linya.
"Goddammit, Dash."
"B-Bakit? Nasaan ka? Tapos ka na?"
"How’s Sakura?"
"Umiiyak pa rin. Naisip ko na dalhin siya sa Roe Alley pansamantala. Masyadong maraming tao ang patuloy na pinagtitinginan siya sa loob."
"Tsk! Yeah, I think that’s better. Dash, make her calm down for now. Susunod ako diyan pagkatapos dito pero sa ngayon, alagaan mo muna si Sakura. Patigilin mo sa iyak, pakainin mo, painumin mo ng gamot at pagaanin mo ang loob, ha?"
"H-Huh? Para namang baby ang pinag-uusapan natin dito."
"Just shut up and do as I told you."
"Okay, okay! Hintayin ka namin doon."
Matapos ang tawag ay napahilot sa sintido si Eren at patuloy na inalala ang lagay ni Sakura. Hinihiling n'ya sa loob na sana ay hindi atakihin ang isa ng sakit lalo at si Dash ang kasama nito. Hindi sa wala siyang tiwala sa kaibigan, pero para kay Eren ay mas magiging mabilis ang respunde kung siya ang nasa tabi ni Sakura.
Mahina itong suminghal, "This is all because of you..." mahinang pasiring nito habang wala ang paningin sa isa.
"Me?" ani Sage, "Or you? You were the one who started."
Napangiwi si Eren at salubong ang kilay na tinignan si Sage, "Well yeah, maybe you’re right? Because you are the stupidest person I’ve ever met," asik n'ya.
"Ano ba talagang problema mo?" Blangkong tanong ni Sage.
"See? Look how stupid you are," sumeryoso si Eren, "Nagagalit at nanggigigil ako sa ‘yo, Valverde. Lahat ng sinabi ko sa ‘yo kanina ay totoo wala at akong pinagsisisihan do’n--- wala kang kwenta."
"Say whatever you want."
"That’s how the stupid person reacts."
"And what do you call yourself? A knight in shining armor?"
Kumuyom ang kamao ni Eren habang masama ang tingin sa kaharap. Samantalang wala pa ring pinapakitang emosyon ang isa.
"If I didn’t, no one else," mariing aniya, "Hindi ko matatanggap ang mga binitawan mong salita kay Sakura. Saan ka kumukuha ng lakas ng loob para sabihin ‘yun? Hindi mo ba talaga alam na sobra siyang nasasaktan sa ‘yo? Alam kong una palang ay may mali na, hinayaan ko ‘yun dahil sa ‘yo siya masaya. Pero nagulat pa rin ako sa mga narinig sa ‘yo, akala ko kasi, okay kayo, okay ka."
Hindi sumagot si Sage.
"To be honest, she was just fucking concern to you. She had a dream that you, asshole, committed suicide. I have no rights to tell this to you but I have to just to enlighten your fucking ignorant mind," dagdag pa ni Eren, "Ginawa n‘ya ang lahat sa ‘yo pero ikaw, wala kang ginawa kung ‘di saktan ang damdamin n‘ya. She was always good to you, she always think about you, she talks a lot about you, she care for you, she---"
"You don’t know what I feel..." mahinang usal ni Sage habang nakasulyap sa sahig, saka n'ya inangat ang paningin kay Eren.
"Of course, because all you care is for yourself--- that’s a fact," sagot ni Eren.
"I love her so much, and that’s a real fact."
Pagtatapos ni Sage sa mga sinasabi ni Eren na sa kauna-unahang pagkakataon... naamin din n'ya-- hindi nga lang sa harapan ng babaeng tinutukoy n'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro